06 July 2011

Up

habang naggagala ako sa gateway noon dahil pinaplano kong manood ng "up" (oo yung may batang mataba at matandang malaki ang ilong, yung maraming balloons... in 3d!!!), may nagtext at nagtanong kung pwede daw ako right at that moment. mabuti na lang pala at hindi pa ako nakakabili ng ticket para sa "up" (oo yung may batang mataba at matandang malaki ang ilong, yung maraming balloons... in 3d!!!), pwede naman maghintay yun kinabukasan.

bumili ng oil, condom, lube, at robust (wala kasi talaga akong dala kahit ano), pagkatapos ay nagtaxi papunta ng ortigas kung saan nakatira si client. makalipas ang ilang minuto, dumating din ako sa bahay ni sir. sosyalin, kasi nasa isang posh village sya. pumunta sa sinabing unit at naghintay sa pinto. maya-maya pa ay bumukas ang pinto... at kinailangan ko pang kurutin ang sarili ko to make sure na hindi ako nananaginip.

hindi nga ako nakapanood ng up, pero nasa harapan ko ngayon ang isa sa mga main cast nito... si Mister Fredricksen, isang matandang malaki ang ilong!

"gandang gabi po sir"
"oy, pasok, upo ka muna"

umupo ako sa isang bakanteng sofa na katabi ng isang antigong chest. maraming antigo sa bahay ni sir (isa na sya dun!) pero napansin ko yung worktable sa gilid (na hindi antigo, thank god!). maraming libro si sir, maraming nakabukas, at patung-patong naman yung iba. napansin ko na iisang topic lang ang mga libro, at dun ko naconfirm kung ano ang trabaho ni Mister Fredricksen... lawyer!

kwento kwentuhan pa kami ng kaunti ng may sinabi sa akin si Mister Fredricksen.

"hindi ako ang iseservice mo ha, yung boyfriend ko. manonood lang ako."

nakahinga ako ng maluwag. hindi ko kasi ma-imagine kung paano ko iseservice si Mister Fredricksen. baka habang dinidilaan ko to eh bigla itong atakihin sa puso! hahaha!

pinaligo na ako ni sir para daw pagdating ng boyfriend nya ay ready na ako. naligo lang ako habang patingin-tingin sa paligid, baka sakaling makita ko yung talking dog or yung malaking ibon. pero wala. baka nakatago.

lumabas ako ng banyo at pinadiretso na ni sir sa kwarto. humiga lang daw ako dun at ilang minuto na lang daw ay darating na ang boyfriend nya. sumunod naman ako at humiga. wala pang isang minuto, narinig ko nang may kausap si Mister Fredricksen sa labas ng kwarto. baka iyon na yung boyfriend nya. tunog okay naman. tunog pogi. hanggang sa bumukas ang pinto.. at tama nga ang naging hinala ko... NASA LIVE TAPING NGA AKO NG UP!

pumasok sa pinto si Russell... ang matabang boyfriend ni Mister Fredricksen. ang pinagkaiba lang, yung tunay na Russell sa pelikula ay bata, cute, at masarap kurut-kurutin. pero itong pumasok sa pinto, yung pagiging mataba lang ang similarity nila!

wala nang take 2, wala nang atrasan. cornered na ako sa kama. tumabi sa akin si Russell at sinimulan akong halik-halikan, habang si Mister Fredricksen naman ay nakaupo sa isang bangko na para pang nanonood ng porn (ay, oo nga, sa bagay... porn talaga pinapanood nya... live pa!). tuloy-tuloy lang ang pagromansa sa akin ni Russell at gumaganti naman ako ng kinagat nya ang tenga ko. yun pala, may ibubulong sya.

"sumakay ka na lang ha, ganito talaga gusto nya eh"

ahhhh... kung si Russell pala ang tatanungin, ayaw nya ng ganitong setup. siguro dahil ayaw nya sa mga bayarang lalaki, o mahal nya si Mister Fredricksen at sya lang ang gusto nyang makasex (everybody join me... awwwww... sweeeeeeet!).

"basta, kunyari na lang nag-e-enjoy tayo"

tuloy tuloy lang ang sex namin hanggang sa tumayo si Mister Fredricksen at lumapit. akala ko naman eh dito na nagtatapos ang role ko at silang dalawa na ang magnanaig (Up, adult version?) pero hindi pala. instead na maging main character, magiging director pala si attorney!

"dilaan mo yung nipple nya"
"jakulin mo sya"
"dilaan mo yung balls nya"

sunod sunod ang utos ni Mister Fredricksen, parang nag-uutos lang sa kasambahay. pero buti pa ang katulong, pwede sumagot ng "sandale lang pu ser," dito, hindi pwede. pag sinabi, sunod agad! so wala akong choice kundi dilaan yung nipple, jakulin si Russell, at dilaan yung balls. ilang minuto pa, iniabot sa akin ni Mister Fredricksen ang condom na binili ko.

"isuot mo, tapos fuck mo sya"

walang choice kundi sumunod, isinuot ko ang unang condom at nilagyan ng lube, at pumormang papasukin si Russell. pero nanlalaban si Russell, iniiiwas nya yung butas nya, halatang ayaw magpatira. dahil sa pag-iwas na yun, nawala ang tigas ng putotoy ko, at kinailangan kong hubarin ang condom.

"sir, ayaw po yata ni sir [Russell] eh"
"hindi yan, papayag yan!"

si Mister Fredricksen na ang nagsuot sa akin ng ikalawang condom at hinawakan nya ng mahigpit si Russell, pero talagang matigas si Russell. sinisikipan nya ang butas nya para hindi makapasok si junjun ko. matapos ang ilang attempts, lumambot na naman ang putotoy ko.

"putangina... dun ka na nga lang sa cr. wag ka munang lalabas hanggat hindi ko sinasabi ha." galit na sambit ni Mister Fredricksen.

tatanungin ko pa sana si sir... "are you in need of any assistance today, sir?" pero nagsimula na silang magchukchakan ni Russell kaya dumiretso ako na lang ako sa cr bitbit ang ikatlong condom. naghilamos, naligo, at naghintay. pinalobo ko ang ikatlong condom sa boredom (at tsaka para kumpleto na talaga ang setup ng up!) hanggang sa kumatok na si Mister Fredricksen.

"dun ka muna sa sala, hintayin mo na lang ako."

naghintay ako as instructed, habang paligid-ligid ang tingin sa buong sala nya, nagbabaka-sakali pa ring makita ko yung talking dog o yung malaking ibon. lumabas si Russell at umupo sa tabi ko.

"pasensya ka na ha."
"okay lang po yun sir"
"ewan ko ba dyan kay *toot*, lagi syang ganyan. mas gusto nya pang makita na nakikipag-sex ako sa iba kaysa yung kaming dalawa ang mag-sex"

bago pa ako maka-react sa sinabi nya, lumabas na si Mister Fredricksen mula sa banyo, mukhang hindi maganda ang ngiti. mas nakamukha nya si Charles Muntz. automatic na tumayo si Russell at pumasok sa kwarto.

"wala ka naman kwenta eh"
"ano po sir?" tanong ko, kunyari hindi ko narinig yung sinabi nya"
"wala... hindi mo man lang na-fuck yung boyfriend ko."
"ah... eh... pasensya na po sir" sagot ko na lang. ayoko naman kasing barahin si sir na nagmamasikip ang boyfriend nya kaya hindi ko maipasok ang titi ko. mahirap i-fuck ang taong ayaw magpa-fuck, diba? tsaka attorney yun, baka matalo lang ako sa diskusyonan, lalo pa't alam kong ayaw na ayaw magpapatalo ng mga attorney.

"eh pano yan? magkano ibabayad ko sayo?"
"sir, diba nasabi ko na po kung magkano?"
"oo nga, eh kaso, wala namang kwenta performance mo eh. eto o..."

sabay abot ng limangdaan, kulang ng 75 percent sa napagkasunduan naming presyo.

"sir, kulang po ito. 2k po yung rate ko."
"bakit kita bibigyan ng buo, eh hindi naman worth it yung performance mo?"
"pero sir.."
"oh, eto pa isangdaan, pangtaxi. lumabas ka na at itatawag na kita sa guard, kung hindi, pulis ang tatawagan ko. pwede kang makulong sa ginagawa mo."

natameme na ako. gusto ko na maiyak kasi mismong attorney na kung tutuusin eh dapat marunong tumingin ng pantay sa mga tao, sa kanya pa mismo manggagaling ang threat na ganito. wala na rin ako sa mood makipag-away dahil alam kong kahit anong kontra-apela pa ang gawin ko, wala ring mangyayari. nakita kong nakasilip si Russell mula sa pinto ng kwarto, at may lungkot sa mukha nya na nagsasabing "pasensya ka na." wala na akong magagawa...

lumabas ako ng bahay, nagtaxi pabalik ng gateway, at nanood ng up gamit ang limangdaan na binigay sa akin ni Mister Fredricksen. buti na lang at maganda yung pelikula. at least dito sa pelikula, mabait si Mister Fredricksen at cute si Russell, pero sa totoong buhay, hindi.

23 comments:

  1. Minsan talaga kailangan kong kurotin sarili ko kung meron ba talagang tao na katulad ni attorney. Akala ko sa movies lang merong tulad nya.. except sa movie na UP (oo yung may batang mataba at matandang malaki ang ilong, yung maraming balloons... in 3d!!!)

    ReplyDelete
  2. sana may policy kayong pay-as-you-order ano... hayaan mo na si atty ilongranger... ako nang magpapakulam sa kanya... hehehe

    ReplyDelete
  3. I have an idea for you: compile these things and release them as a book. Just a thin pocket book. The Best of Boy Shiatsu. I'm sure there'd be a couple hundred who'd buy the book. Siguro naman merong papatos na publisher. Dagdag kita din yan.

    The argument against this is that your readers can already read your stuff for free online. Then again you can add a few originals in the book that aren't online.

    You write well, and even if your words aren't always the biting commentary at society, at the very least they are entertaining. Just a thought.

    "Anonymous #2 AKA resilience"

    ReplyDelete
  4. Hmmm....may napansin lang ako...u started your kwento saying na sana manonood ka nang "up" pero hindi natuloy kasi may client ka...BUT...as you were narrating it based sa mga reaction mo habang andun ka na sa bahay nung client, seems like u already had a wide idea of the story already...parang inconsistent ata....Hmmm....i dont know...?

    ReplyDelete
  5. to anonymous, i think simple lang explanation. the story was written AFTER he watched the movie.

    ReplyDelete
  6. Anonymous said...
    Hmmm....may napansin lang ako...u started your kwento saying na sana manonood ka nang "up" pero hindi natuloy kasi may client ka...BUT...as you were narrating it based sa mga reaction mo habang andun ka na sa bahay nung client, seems like u already had a wide idea of the story already...parang inconsistent ata....Hmmm....i dont know...?

    July 6, 2011 7:40 AM


    Have you ever went to a movie?

    Have you watched a movie trailer?

    ReplyDelete
  7. tsk... ang sad naman ng kwento na to. :(

    pero galing mo magkwento ha. you earned the readers' sympathy. in fact, i now have a new level of respect for masseurs like you.

    -virgintween

    ReplyDelete
  8. I enjoy your blog really. Very sensible and fun to read. Check mine too at blackcapsule.blogspot.com

    ReplyDelete
  9. this is funny and sad at the same time...
    naalala ko tuloy yung movie... wholesome na nagawa mong porn! hahaha! keep writing boyshiatsu!
    more power!....

    so ang ending walang boy scout badge na nakuha si Russell...

    ReplyDelete
  10. Wizzdumb -- kainis no? may mga lawyers pala na ganun. pero kung naghahanap ka ng matandang malaki ang ilong, i'll introduce you to my grandfather! ahehehehehe...

    Juan -- naisip ko na rin yan, pero parang ang rude kasi ng dating pag ganun. i never believed in pay first before service policy.

    Resilience! -- i remember you! ahahahaha! i like the idea, source of income, pero i'm not that confident with my writing pa. and tsaka, sino naman ang publisher?

    Mr. Inconsistent (sorry, sa dami ng anonymous, i will just use a word na related sa comment nyo) -- well, when the incident happened, i haven't watched the movie yet. but when i wrote the entry (which was yesterday), kabisado ko na sa utak ko yung kwento. so i just wrote it and related the incident to the movie. talk about literary style, hehehehehe...

    Virgintween -- wow! salamat po sa respeto! much appreciated!

    Chris -- thanks! saw your blog too. followed it as well.

    Mr Badge -- yes, for being coward and not standing up for what is right, Russell did not get a boy scout badge. and he still doesn't know how to build a tent! haha!

    ReplyDelete
  11. hi! this is mr. inconsistent...hehehe!

    grabe..ang dami tlagang masungit na bading(:P)...nag react lang ako dami na ding nag question na kesyo di pa daw ba ako nakakapanood nang movie, etc. I never said the article was not good...it actually is good! Nasabi ko lang un kasi diba nagkwekwento nga sya based sa mga reactions nya that time...so meaning ba that time na "naligo lang ako habang patingin-tingin sa paligid..." e kilala na nya ung talking dog or ung ibon(sa trailers wala naman ata ung ibon or pinakita na talking un dog) para i mention nya un dun or maisip nya un that time dun?!?! e samantalang di pa nga daw nya napapanood according sa first statements nya diba? un lang naman kaya ko nasabing parang inconsistent....siguro mas maganda kung nakaparenthesis ung mga ganung parang thoughts or ung mga singit na statements nya...

    Please dont get me wrong :D...and by the way...tama ung iba...dapat kuha mo muna ung bayad para sure! hahahaha! (wow..2k ka pala ah! hehehe!)

    ReplyDelete
  12. wala nang arguments... basta ipapakulam ko si ilong ranger... hahahaha

    ReplyDelete
  13. Publisher - yung nagpublish kay MGG saka ng Ladlad stories.

    Resilience

    ReplyDelete
  14. Can't wait to meet you in person. Are you open sa idea of a meet and greet with your readers???!!! Yung wholesome meeting ah!

    - masterbaker

    ReplyDelete
  15. Mr. Inconsistent -- thanks for clarifying. hayaan na natin yun, let's just enjoy the entry, hehehehe...

    Juan -- go! ipakulam si Mister Fredricksen!

    Resilience -- hmmm... scared pa talaga ako! baka mag-fail. mahirap na.

    Masterbaker -- i have no problems with meet ups naman po. :-)

    ReplyDelete
  16. hindi pala tumalab ang mojitso kay ilongranger! hahaahaha... hope u remember the term! hahaha..

    rob

    ReplyDelete
  17. hahahaha! of course i remember mojitsu!!! ahahaha! loko ka talaga Rob!

    ReplyDelete
  18. umipekto na ba? paki check naman... pinalaki ko lalo kasi ilong nya sa kulam.... hehehe

    ReplyDelete
  19. this is in connection with pay-as-you-order... hmmm, ano kaya kung merong "boy shiatsu prepaid massage and e.s. cards"? hehehe.. wala lang... naisip ko lang... hehehehehe

    ReplyDelete
  20. prepaid massage!!! bwahahaha! panalo yung Juan!

    ReplyDelete
  21. this made me laugh. its the first time I've come across a blogging masseur.

    hilarious stories and funny antics. ;-)

    compliment.

    ReplyDelete