dahil bahagi na ng trabaho ko ang magbyahe-byahe sa mga nakakalitong lugar (sa mga eskinita, mga tagong condo units, mga barung-barong, mga exclusive villages, at mga kuta ng npa), nakagawian ko na ang magtaxi. in fact, isa ako sa mga nagplanong mag-aklas nung itinaas ang panukala noon na gawing 40 pesos ang flagdown ng taxi at gawing 3.50 ang bawat patak. kaya naghihirap ang mga pilipino eh, kasi mahal ang pamasahe sa taxi! pero, walang nagawa ang one-day noise barrage ko sa bahay, kasi hindi naman mga nagtataxi ang kasama ko sa bahay kaya hindi sila nakiisa. nanood na lang kami ng wowowee at sabay-sabay na gumiling-giling.
and dahil nga hindi naging matagumpay ang one-day noise barrage ko, nagtuloy-tuloy ang pagtaas ng singil sa taxi. medyo natuwa pa ako nung may kumalat na tsismis noon na lahat daw ng taxing ang plate number ay nagtatapos sa 9 and 0 eh hindi magtataas ng fare. so kung sakali, kailangan ko lang magtiyaga paghihintay ng ganung taxi. kaso, hindi pala totoo yung tsismis. biktima ako ng false puclicity.
nakaisip ako ng paraan... taxi boycott! simula nung araw na yun, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako sasakay ng taxi bilang protesta sa pagtataas ng presyo nila. pero kagaya ng pangako ko sa sarili ko na mag-iipon ako, or hindi na ako iinom, or hindi na ako muling iibig pa, napako ang pangako. nanatili pa rin akong patron ng mga lintek na taxing yan! nangingibabaw pa rin yung katangahan ko sa pagbibiyahe kaysa sa prinsipyo ko! haha!
pero, kung sa bagay, napansin ko naman na naging mas maayos ang serbisyo ng mga taxi. hindi na sila nangongontrata. hindi na sila tumatanggi sa pasahero (well, most of them). hindi na rin sila nagdedemand ng dagdag sa metro, at mas friendly na sila (mahilig kasi ako makipagkwentuhan sa mga taxi drivers). yun ang akala ko...
isang araw, pagkagaling sa isang appointment, naisipan ko na lang magtaxi papunta sa makati. sinuwerte ako at maganda yung taxi na nasakyan ko. batmobile! (alam nyo ba yung taxi na ganun? yung bilog yung aircon!). at hindi lang yan... may mini-tv at portable dvd player pa! tumingin nga ako sa likod eh, baka sakaling may ref at may washing machine sya dun, pero wala akong nakita. taxi nga pala ito, hindi rv.
"manong, sa paseo po"
andar naman agad si manong. maganda at swabe ang takbo, pero parang hindi friendly si manong driver. hinayaan ko na lang. naglaro na lang ako sa ipod habang nagbibiyahe (hulaan nyo kung anong game? clue, hindi fruit ninja!).
liko dito, tigil doon. busina dito, hikab doon. hanggang sa dumating na kami sa aming destinasyon. tingin sa metro... 113.50 pesos. nag-abot ako ng 500 at inayos ang gamit ko ng makita ko ang reaction ni manong.
"wala ka bang barya?"
napaisip ako... 113.50 ang metro ko... 500 ang pera ko... the meter is almost 25% of my money... mahihirapan pa ba sya magsukli? kung isang libo ang pera ko at 50 pesos lang ang metro ko, i would understand kung bakit wala syang panukli. pero this time, hindi ko ma-gets.
"wala eh," casual na sagot ko.
"ano ba yan! eh kalalabas ko lang eh! wala akong barya! kalalabas ko lang eh!" galit na sagot ni manong.
sanay na akong walang barya ang mga taxi, pero hindi ako sanay na sinisigawan ng taxi driver. in the first place, responsibilidad ko pa ba na magbayad ng barya? eh diba bilang driver, kahit bagong labas ka pa, o nagpalabas ka (ehem!), dapat lagi kang handa at lagi kang may barya! hindi ako naniniwala sa "barya lang po sa umaga" dahil fresh pa ang mga tao sa ganitong oras, buo pa ang mga pera nila. at, ayun nga, hindi responsibilidad ng pasahero na magkaroon ng barya. bagkus, responsibilidad ng driver na magkaroon ng panukli. pasalamat nga sila at nagbabayad pa yung pasahero at hindi nag-1-2-3.
"eh manong, wala po talaga akong barya eh. pasensya na." malumanay kong sagot, pero may halong sarcasm.
"aysus! ano ba yan! eh kalalabas ko lang eh. dapat kasi sinabi mo na 500 ang pera mo."
aha! kasalanan ko pa pala! kasi nga naman BoyShiatsu. dapat sinabi mo kay manong na 500 ang pera mo. tapos, dapat sinabi mo na rin na bukod sa 500, may dalawang one thousand ka sa wallet, tatlong limang pisong coin, isang sampung pisong coin, dalawang pisong coin, tatlong bentesingkong coin, isang jollibee tipid card, isang kfc frequency card, at tsaka ilang pirasong tiket ng bus. tapos ireport mo na rin ang laman ng kikoy kit mo at ng bag mo. naku naku BoyShiatsu! next time ha! ayan, nagalit tuloy si manong!
ang pinakanakakainis pa dito, kaysa humanap ng paraan kung saan pwede magpapalit ng pera, naka-hazard lang si manong sa tabi ng kalsada! aysus! subukan mo kayang umandar o pumunta sa malapit na gasoline station. bagkus, nagtititigan lang kami sa loob ng taxi. ang plano yata ni manong eh paabutin ng 500 pesos yung metro ko para hindi na sya magsukli. pero, matapos ang ilang segundo, bumalik sya sa ulirat.
"teka nga muna. pucha naman o!" sambit ni manong habang papalabas sya ng taxi at patawid sa katapat naming nagtitinda ng yosi, may kasamang dabog sa pagsara ng pinto.
that's it! as if hindi pa sapat yung nagmura sya, nagdabog pa si gago. that's it! punong-puno na talaga ako. pero, para mas dramatic, hinintay ko muna bumalik si manong bago ako gumawa ng move. ilang segundo pa, ayan na si manong, naka-kunot pa rin ang noo.
"wala talagang mapapalitan eh! dapat kasi naghahanda ka ng barya!"
"wait, manong, gumagana itong phone number na ito diba?" sabay turo sa cellphone number na nakasulat sa gilid ng taxi. "matawagan nga at makapagreport."
"eh sa wala talaga akong barya eh."
"wala akong pakialam! pero para murahin mo ako at dabugan mo ako dahil sa lintek na barya, hindi tama yun! iliko mo dyan sa gilid, may ministop dyan at bibili na lang ako ng yosi."
biglang may sumagot sa tawag ko habang si manong naman ay galit na galit na nagmaneho papunta sa ministop.
"hello? are you the operator of *name of taxi* with plate number *plate number of taxi*?"
"opo sir! ano pong problema?"
"pwede pakituruan ng tamang modo yung driver nyo! galit na galit sa akin na wala akong barya, at pinagdadabugan pa ako! hindi ko kasalanan kung bagong labas sya at wala syang panukli!"
"naku naku, pasensya na po sir. ano po bang pangalan ng driver?"
"ikaw ang operator, so dapat alam mo kung sino ang naglabas ng taxi mo. ayoko sya kausapin at baka murahin na naman nya ako."
bigay pa ako ng personal details at natapos ang conversation, saktong tigil naman ng taxi sa ministop. bumaba, bumili ng yosi (kahit hindi naman talaga ako nagyoyosi) at bumalik kay manong driver. 138 pesos na ang metro. iniabot ko ng mahinahon ang 140 pesos sa driver na hanggang sa mga oras na yun ay mainit pa rin ang ulo.
"ayusin mo trabaho mo manong! kung badtrip ka, wag kang mandamay!" sabay alis.
sa totoo lang, nahiya din ako sa ginawa ko. naintindihan ko na frustrated lang si manong. pero, syempre, bilang service provider, hindi mo dapat pinaparamdam sa customer mo na frustrated ka dahil sa kung anong mang nagawa nila, kasalanan man nila o hindi. sabi nga isa isang comment sa previous entries ko... patience it not just a virtue. it is a skill. and kasama sa pagmamaneho at pagsingit sa matraffic na kalye ng pilipinas, kailangan kasama na sa skills ng isang taxi driver ang maging pasensyoso at maging friendly. dahil kasama sa pagtaas ng presyo ng metro nila ay ang pagtaas ng expectation ng mga pasahero na makakakuha kami ng matinong serbisyo bilang tugon sa pansari-sarili naming mga noise barrage sa mga bahay-bahay namin na, kagaya ko, ay nauwi lang sa pagsayaw ng "igiling giling."
tinawagan ako ng operator kinabukasan. 5 days daw suspendido yung driver. sa totoo lang, naawa ako. pero, leksyon nya yun, at kung kailangang dumaan sya sa ganung parusa para matuto, then he must do it. buti na lang pala ang pagiging masahista, walang suspension. walang metro metro. hindi kailangan ng barya... pero palaging gumigiling-giling!
bwiset naman talaga yang mga taxi driver, karamihan sa kanila mainitin ang ulo at bastos. especially mga nagtatanggi magsakay or nagkokontrata. kaya ako laging mrt or bus or jeep para di masira araw ko
ReplyDeletebuti na lang may taksikel ang nisasakyan hahaha! pero kung ako yun, nagwala na ako.. war freak mode ako una pa lang sigawan ako... 3x na ata ako nakikipag away sa mga @$$ hole at sira ulong iilang taxi driver.... tsk tsk tsk....
ReplyDeleteang mahirap pa nito, hindi ko kaya,....
hindi ko kayang gumiling giling! ahahaha
Rob :D
Huwag kang mag alala boyshiatsu, di naman talaga suspendido ang driver... hehe, sinabihan ka lang na suspendido para naman ma satisfy ka na may ginawang hakbang ang management...hahaha! pero sa totoo lang wala...
ReplyDeleteTonnie
boyshiatsu, ask ko lang, how busy ka ba ? meaning do you have guest everyday? what`s the best day / time to sched a massage ? gusto ko kasi well rested ka hahaha
ReplyDeletemarvin
You gave me an idea on how to deal with this kind of situation..i usually had an argument with taxi drivers..next time, i'll call the operator too for any complains.. :)
ReplyDelete-ALLAIN-
Sabi nga ng the Barenaked Ladies, "angry people- they just drag us down, until we're just like them." So keep chilling like ice cream filling! ;)
ReplyDeleteLonewolf, okay sana ang mrt at lrt eh, kaso nga lang sa dami ng tao, kahit gaano pa ako ka-fresh pagpasok, dugyot ako paglabas! haha!
ReplyDeleteRob, hindi ko rin gawain ang mang-away ng taxi driver... first time ko talaga yun!
Tonnie, salamat sa pag-discourage sa pseudo-victory ko ha! hmpft! ahehehehe...
Marvin, please shoot me a mail at boyshiatsu@yahoo.com
Allain, that's what those numbers are for. make sure dagdagan mo ng kaunting element of drama para mas asteg!
Jaypee, ngayon ko lang narinig yung song, ang ganda!
Which song?
ReplyDeleteJaypee, yung angry people! nice!
ReplyDeleteAyan yung kanta na umiikot sa utak ko tuwing napapaligiran ako ng mga taong galit sa mundo. :P
ReplyDeletei agree 101% sa ibang taxi driver any pinakaayoko sa lahat ung humihingi ng dagdag kasi traffic sa pupuntahan ko! ano gus2 ni manong lumipad kami para walang traffic kahit saang sulok d2 sa amnila traffic at ayoko magpagawa ng daan para lng sa knya, meron ako maganda tip sa inyong lahat at lagi ko ginagawa to kapag nakasakay n kayo at mangongontrata si manong bumaba na kayo bago kayo bumaba buksan nyo ang pinto ng bongga at wag isara hayaan nyo bumaba si manong driver at hayaan nyo sya magsara, trust me it works good thing d pa nman ako napapaaway.
ReplyDeleteoooh! i like the suggestion! magawa nga minsan. :-)
ReplyDeleteTama. Ipaalala natin ang lugar nila sa mundong ito.
ReplyDelete