16 July 2011

Sikat

celebrity blogger. yan ang tawag sa akin ng ilan sa mga nagmemessage sa akin thru text or email. dahil daw marami na akong readers at marami na akong fanmails, sikat na daw ako. sa totoo lang, ayokong mag-sink-in sa akin ang ideyang ito, kasi baka lumaki ang ulo ko at yumabang ako (oo, hindi pa ako mayabang ngayon! ahahahaha! at yung ulong malaki sa akin eh yung isang ulo, naks!). in fact, i feel humbled sa mga messages sa akin. nakakatuwang isipin na may mga natutuwa, nakiki-simpatya, at higit sa lahat eh naiinspire sa mga kwento ko. maraming salamat po.

pero, ang hindi ko lang ikinakatuwa sa ganitong sitwasyon ay nag-iiba ang tingin sa akin ng mga tao. may mga nagsasabi na suplado na daw ako at hindi nagrereply sa mga emails. may iba namang nagsasabi na malaki na daw ang ulo ko at madalas na daw ako magsungit sa mga nagtatanong sa akin. dahil daw "sikat" na ako, hindi na daw ako ang dating BoyShiatsu na kilala nila.

tanong po... sino ba ang BoyShiatsu na kilala nyo?

i'll be honest this time. medyo masungit talaga ako, pero alam kong nasa lugar naman ang pagsusungit ko. mahirap i-explain, pero let me just give you some sample scenarios.

Scenario 1: may isang guy na nag-add sa akin sa messenger, and he's expecting me na mag-usap kami sa ym para daw makita nya ang hitsura ko. pumayag ako. wala namang problema sa akin ang mag-webcam. pero gusto nyang maghubad ako sa webcam... kahit nasa internet cafe ako! syempre, hindi ako pumayag. at tsaka kahit nasa private place ako, hindi ko gawain ang maghubad sa webcam. simula nun, nung tinanong ko sya kung iha-hire nya ako, pag-iisipan nya daw. okay lang sa akin yun. pero kung araw-araw kang kukulitin na maghubad sa cam, at magagalit kapag hindi ka pumayag, yun ang hindi maganda for me. mayabang na daw ako, kasi daw sikat na ako.

Scenario 2: may nag-inquire, magkano daw ang masahe at extra, at kung ano daw ang extra ko. nung nalaman n'yang hindi ako nagpapatira, nagalit sya. babayaran nya daw ako so dapat daw ay gawin ko kung anong gusto nya. naintindihan ko yun. pero kung hindi ko kayang gawin ang ipinapagawa nya, might as well tulungan ko na lang sya na humanap ng kung sinong makakagawa nun. nagalit ang mokong, ang yabang at ang arte ko na daw palibhasa "sikat" na ako.

Scenario 3: may napagbigyan ako ng number ko, and nagtext sya. hindi nya daw ako iha-hire, makikipagkaibigan lang daw sya. wala akong issue sa ganito, so pumayag ako. pero, sana maintindihan naman na hindi sa bawat text eh makakareply ako, lalo na kung yung text eh "ah, okay" or mga replies na hindi na, er, repliable. tapos pag hindi ka nakareply. magmimiskol. then pag finally nagreply ka sa last text, kung anu-ano sasabihin, and it all boils down to one point... hindi na daw ako nagrereply at nagsusuplado daw ako kasi sikat na ako.

Scenario 4: may kumontak sa akin thru email at nagpaservice. pinagbigyan ko naman, syempre. kaso, since "bloggable" ang experience namin, ikinuwento ko. nagtext sa akin si sir ilang araw ang makalipas. nainis. ang kapal daw ng mukha kong i-blog ang nangyari sa amin. ang yabang ko daw palibhasa "sikat" ako.

guys... eto ang totoo... kahit hindi pa ako BoyShiatsu, ganyan na ang ugali ko. hindi ko talaga ginagawa ang mag-show sa webcam, hindi talaga ako nagpapatira, at medyo tamad talaga ako magtext lalo na kung wala nang flow ang conversation. ngayon, kung patuloy nyong iisipin na kaya ako nagkakaganito eh dahil "sikat" na ako, kayo na ang bahalang mag-isip nyan.

as for the blog entry... ano ba ang BoyShiatsu blog in the first place? blog ko ito ng mga kwentong nangyayari sa akin bilang masahista, sa piling man ng client o sa piling ng pamilya. siguro naman bago nyo ako i-hire, may idea kayo about this blog, right? at tsaka, hindi naman ako nag-ne-namedrop, wala naman sigurong issue dun.

malamang ay maraming maiinis sa post kong ito. pasensya na po. pero, bagamat kagaya nga ng sinasabi ng iba na celebrity blogger na ako, sana wag nating kalimutan na tao lang din ako na may karapatang mainis paminsan-minsan, at blog ko pa rin ito kaya pwede ko sabihin kung ano man ang gusto kong sabihin. sikat man ako sa paningin ng iba, sa paningin ko, ako pa rin si BoyShiatsu na mahilig magkwento ng mga kwentong kulit tungkol sa mga karanasan ko, and kahit anong kasikatan kuno pa ang abutin ko, mananatili ako sa primary purpose ng blog ko.

kung meron man akong naoffend sa entry kong ito, taos-pusong paumanhin po.

17 comments:

  1. ganyan talaga ang ibang tao they wont take NO for an answer at mga bitter pa sila

    ganyan talaga ang sikat may fans at haters parang mga artista hehehehe

    ReplyDelete
  2. parang hindi naman totoo...sipag mo nga sagutin email ko eh (hehehe hulaan mo kung sino ako!)...saka ganon talaga may mga tao na pag di mo napagbigyan nagiging bitter (actually feeling ko konte lang sila)...mas madami pa rin yun bilib sayo (at isa na ako dun!)...hehehe

    ReplyDelete
  3. Tama si MkSurf8, dedmakels! Hahaha!

    Seriously, march on, soldier. Dust off your feet and carry on.

    ReplyDelete
  4. Wait till they discover your international media exposure.

    Sa mga fans ni Boy Shiatsu, abangan! Ibang level na itu! LOL

    ReplyDelete
  5. Ok lang mainis paminsanminsan, it makes us more human. *hugs* (nakalibreng yakap ako!) *faints*

    ReplyDelete
  6. i believe you're a really good writer. you write stories really well. pero dahil don sa isang entry mo, napaisip ako kung si boy shiatsu ba e isa ring alter-ego?

    ReplyDelete
  7. tama k nmn boyshiatsu.. you can't simply satisfy everyone.. ganun talga ang buhay.. wer still here to support u.. kaya wag ka n maxado mabadtrip.. cheer up! :)

    ReplyDelete
  8. Hello, this is Will. Hope u still remember me from my comments in your other posts!!!

    Eto lang masasabi ko, YOU HAVE ALL THE RIGHT to say no to requests. It doesn't mean na dahil nasa service industry ka ay wala kang right na mag-refuse! Of course, YOU HAVE THAT RIGHT TO REFUSE! After all, tao ka pa rin, and you being in that business does not make you in anyway less human. So I'd say to them, FCK OFF! Respetohan lang, kumbaga. It doesn't mean that you're in the paying end, you're gonna demean those who serve you. This kind of human behavior is so appalling! Kakainis! Anyways, there are still plenty of people here in the blogoshpere who admire you (even though we don't contribute to your income in any way, :(

    Continue your being true to yourself and lift your dignity high. Pero eto lang yung masasabi ko sa iyo, being a highly reputed registered nurse, keep safe. Always be safe (in everything, not only in sex).

    Please accept my prayers...

    ReplyDelete
  9. I stumbled upon your blog after hearing you in Mig's podcast. You really are a good writer and an intelligent one. I hope this blog is not only for your clients but also for those who simply enjoy to read blogs like me.

    ReplyDelete
  10. mauubos voodoo dolls ko na barbie at ken nito boy shiatsu... (actually kinukuha ko lang ang damit ni barbie para maisuot kay ken... hahahaha) pero para sa'yo bibili ako ng marami...

    you need not apologize for the people whom you said you offended by this blog entry. you never were offensive. sadyang may mga taong ill-mannered at arogante lang talaga. put it this way, ang mga taong ganyan ay sumusubok lang sa katatagan nga yong pagkatao.

    i know you can handle this. nonetheless, marami naman kaming susuporta sa'yo. takot lang nila sa manika at karayom ko... :)

    ReplyDelete
  11. Amen sa lahat ng sinabi ng previous comments.

    Naaalala ko lang tuloy yung days na wala pa masyadong readers at views 'tong blog mo, BS. You were still asking people over at the xat chatbox of HBIT (hope you still remember this) to come here and read your posts.

    Those were the days...

    ReplyDelete
  12. Dont worry kenneth, we believe in you! Dedma sa mga haters! Isa sa mga problem kc ng mga beki sa pinas eh doble ang crabmentality! We should be happy sa tinatamasang success ni kenneth! We should be happy to see a beki with a handsome young lad! We should be happy about a beki na ever so confident mag mini skirt at boots while walking in edsa! We should be happy about other bekis! Sino pa bang mgtutulungan kundi tayong mga dyosa ng sangkalibutan DAVAH????!!!!

    -masterbaker

    ReplyDelete
  13. salamat po sa lahat ng comments nyo... i really appreciate it.

    ReplyDelete
  14. i've posted before na takot na akong ihire ka kasi you described one of your client as "kasuka-suka".. No name was dropped naman, pero if i am that client, and i know that i'm the one you're describing, siguro masasaktan ako nun..
    I know im not one of the hot PLU, so it's a high posiibility na baka ihire kita, madescribe din ako ng ganun lol

    but im not hating you or anything.. syempre opinion mo naman yun :)

    regarding naman sa mga makukulit.. naku, ignore mo na lang talaga.. narealize ko parang ganun din ako.. parang makulit din ako sa mga masahista ko :(

    keep on writing!

    ReplyDelete
  15. sikat ka na ng boyshiatsu.. I'm from Davao

    ReplyDelete