this is the last part of a series that consists of:
Si Kuyang Naka-Blue (view here)
Si Yuan (view here)
The Dinner and After (view here)
* * * * *
"uy, sorry, nakatulog pala ako." sagot ko ng nagising ako sa halik ni Yuan, hindi ko na lang pinansin kung ano man ang ginawa nya.
"kaya nga eh. tara, dun ka na sa kama matulog."
"hindi na, dito na lang ako."
"wag na umarte."
at hinila nya ako papunta sa kama. dahil inaantok at nahihilo, napahiga na rin ako sa kama. at tumabi sya sa akin.
"payakap ulet ha." paglalambing pa nya.
"sige lang."
"lasing na lasing ka ah."
"it's been a while kasi since i drank. tsaka, naka-tatlong the bar kaya tayo, pero dalawa dun sa akin. ang daya mo tumagay eh."
"akala ko hindi mo napansin."
natawa kami pareho sa kagaguhang ginawa nya, hanggang sa pareho kaming natahimik. ilang minuto ng katahimikan ng bigla nya akong tinanong.
"nga pala, matanong ko lang... pano yung sa extra mo?"
"o, what about?"
"pano kung hindi mo trip yung client mo? pano ka makikipagsex?"
"let's just say... i strongly rely in the power of my vivid imagination."
"hahahaha! ang hirap nun!"
"nasanay na."
"eh pano naman kung gusto mo yung client?"
"edi jackpot! effortless ang extra! haha!"
"gusto mo ba ako?"
natulala ako sa tanong nya. sa totoo lang, kahit dalawang araw pa lang kaming nagkakasama, masasabi ko agad that Yuan is a very nice, sweet, and smart guy, not to mention that he's hot. kumbaga, he's very close to an ideal partner for me. siguro nga, i like him. or baka nadadala lang ako ng biglaang closeness namin.
"hindi na sumagot o!" banat ni Yuan ng napansin nyang natulala lang ako.
ano nga ba ang isasagot ko? may isang lalaking masarap na nakayakap sa akin ngayon at tinatanong kung gusto ko sya. in fact, oo, gusto ko sya. gustong gusto ko sya. pero may bumubulong sa akin na para bang nagsasabi na hindi ko sya pwedeng magustuhan dahil nadadala lang kami ng sitwasyon. at tsaka, bayarang lalaki ako. kagaya nga ng sinabi ni Nicole Kidman sa Moulin Rouge... i can't fall in love with anyone. pero, hindi ko na napigilan...
"actually... yes... i like you."
"sabi na nga ba eh."
parang nahiya pa ako sa sinabi nya. pero bumawi din naman agad sya.
"ikaw din, gusto kita. parang nakalimutan ko na ngang masahista ka eh."
masahista. oo nga pala. eto nga lang pala dapat ang role ko. masseur. pansamantalang tagapagbigay-aliw. mali nga yata ang sagot ko. ngumiti na lang ako sa sagot nya as a way of acknowledging it.
"gusto ko ma-try yung extra mo."
napatingin ako sa sinabi nya. ito yung matagal ko nang hinihintay sa kanya, ang magkaroon ng pagkakataong matikman sya. pero sa pagkakataong ito, gusto ko sya makasiping sa kama hindi dahil sa masarap sya, o dahil sa malungkot sya. gusto ko sya makasiping dahil ito ang gusto mangyari ng puso ko, para siguro maipadama ko sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.
marahang hinalikan ni Yuan ang labi ko. bagama't medyo nanginginig, puno ng emosyon ang paggalaw ng labi nya sa labi ko. nagtuloy-tuloy ang halik pababa sa katawan ko at naganap na nga ang matagal ko nang inaasam, pero hindi lang libog ang nararamdaman naming pareho. may puso. may emosyon. may pagmamahal sa pagitan ng mga katawan namin.
nakatulog kaming magkayakap pagkatapos.
...
...
...
"good morning" masayang bati ni Yuan pagkagising ko. nauna na naman syang nagising sa akin, at nakahanda na naman ang breakfast, pero, this time, hindi sya nakapostura. suot nya ang boxer shorts na suot nya kagabi habang umiinom kami. "tara, kain na."
napatingin ako sa relo... alas-onse y medya. tinanghali na ako ng gising.
kumain kami ng brunch habang kinukwento nya ang mga plano nya for the weekend. and, sa pagkukwento nya, nagulat ako sa huling binanggit nya.
"... then sunday evening, magkikita tayo sa megamall so we could go to church, then dito ka na matulog, diretso ka na sa work ng monday."
at natupad nga ang plano. hanggang sa dumating na sa puntong i visit his place or kaya naman ay sinusundo nya ako after work, at paminsan-minsan ay natutulog na ako sa pad nya, with matching panibagong hiram na polo at undies for the next day.
naging bahagi na ng araw ko ang makipagkita sa kanya. isama na rin natin ang araw-araw na pagpapractice namin ng "Love Always Finds a Way" at "Forever Blue" ni Jed Madela in preparation para sa singing contest na sinalihan ko sa office. dahil magaling sya kumanta, sya ang nagmistulang mentor ko. minsanang dalaw sa simbahan, sa grocery, at sa isang carinderia sa tapat ng condo nya. at higit sa lahat, maghapon at magdamag na videoke sa bahay nya. walang label, at walang confirmation, pero naging madalas ang pagkikita at pagsasama namin. magulo ang setup, pero wala na akong pakialam. basta ang alam ko, habang tumatagal, mas sumasaya ako kapag kasama ko sya. siguro nga... i'm falling in love with him, and kahit mahirap, i'm willing to take the risk.
isang araw, habang kumakain kami ng dinner, ay naikwento nya na pupunta daw sya ng davao for a 2-week vacation. hindi nya naman ako pwede isama dahil may work ako. biniro ko na lang sya na wag kalimutan ang pasalubong ko, at malugod naman syang sumagot na papadalhan nya daw ako ng isang puno ng durian.
sa tagal ng bakasyon nya sa davao, hindi kami nagkakatext. naintindihan ko. syempre bakasyon yun, so siguro talagang ineenjoy nya. namimiss ko sya, pero kailangan ko tiisin yun dahil siguro ay may valid reason naman para hindi sya magtext... at tsaka wala naman ako sa posisyon para magdemand ng text dahil hindi naman talaga kami.
...
...
lumipas ang ilang araw pa pagkatapos ng dalawang linggo, at wala pa ring text. na-extend ata ang bakasyon!
...
...
isang buwan matapos ang huli naming dinner, hindi pa rin nagtetext si Yuan. kaya minarapat ko nang ako ang magtext.
"hey! kumusta na? how was your vacation? mukhang extended ah!"
ilang minuto pa bago ako nakatanggap ng reply.
"hu u?"
nagulat ako sa text nya, pero inisip ko na baka nagbibiro lang sya. sa ilang linggong nagkasama kami ni Yuan, napansin ko nang mahilig s'yang mag-trip. at madalas ay nagiging biktima ako ng mga trip nya. nagreply ako.
"haha! mokong! si *insert my name here* ito! yung masseur. yung estudyante mo ng voice lessons!"
nagreply ulit sya.
"nagkita na ba tayo?"
and with that message... nadurog ang puso ko.
matapos ang lahat ng yakapan habang natutulog... nadurog ang puso ko.
matapos ang mahabang kwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay... nadurog ang puso ko.
matapos ang ubusan ng boses kakakanta sa videoke... nadurog ang puso ko.
matapos ang palihim na holding hands sa simbahan o sa supermarket... nadurog ang puso ko.
matapos ang pag-i-invest ng malalim na nararamdaman ko para sa kanya... nadurog ang puso ko.
naguluhan ako sa nangyayari. totoo ba ito? baka naman nananaginip lang ako. at kung ganun man, ano ang panaginip? ang noon na masaya kaming magkasama ni Yuan, o ang ngayon na isa na lang akong estranghero sa buhay nya?
at tila naglalaro ang pagkakataon... nakita ko sya sa megamall ilang buwan pagkatapos... kasama si kuyang nakaputi.
ayokong isipin pero hindi ko matanggal sa isip ko na naging panakip-butas lang ako. sa bagay, kasalanan ko rin naman. part na ng trabaho ko ang maging malambing at maging panakip-butas, pero hindi part ng trabaho ko ang mahulog sa kliyente. ngayon, ako ang sobrang nasasaktan dahil ako ang nawalan, samantalang si Yuan ay patuloy lang sa buhay nya, masaya, hindi sa piling ko, kundi sa piling ng isang taong naging tulay para, kahit sa isang saglit lang, ay mabigyan ako ng atensyon ni Yuan.
at ngayon, sa tuwing naririnig ko ang kanta ni Richard Poon na kinanta nya sa akin ng unang gabi kaming nagkasama, lalo akong naiiyak dahil ito mismo ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya...
maybe give this love another try
or maybe our love is just a lie
so baby, goodbye
reading the entire story made me cry inside myself... but at least you were brave to take the risk, unlike me who can't even make a step forward... i can resonate with the pain... the ache... mahirap nga yata talagang magmahal.
ReplyDeletesalamat boy shiatsu sa sinulat mo... may kurot sa puso ang kuwento.
jhon russel
hoy mga put@ng!n@ nyo mga follower ng masahistang nagpapatira sa pwet na nagpapangap na top kuno! O sino ngaun ang nagwagi??! di ba kami pa din ng jowa ko... palibhasa mga mahihirap kayo na umaasa makajackpot ng mayaman. eh ang papangit nyo naman! lalo na sii boy shiatsu na ang lakas magpakita sa webcam ang tsaka naman ska di naman magaling magmasahe ang mahal pa maningil! magpatira ka na lang para mas yumaman. bf ni yuan!
ReplyDeletei thought your story will end up . . . and they live happily ever after . . . ala fairytale ending . . . but whatever the ending is (was) . . . at least you were able to prove that you're still a human being capable of loving and can get hurt too . . . i admire you again, coz you were able to write your experience even how painful it is for you to retold what transpired during those "happy moments" with Yuan . . . anyways there are still lots of fishes in the ocean and maybe someday soon, you will find the person who will complement the best in you . . . keep going and always have a good heart . . .
ReplyDeletejio
nadurog ang puso ko...
ReplyDeletewe'll narrated story boyshiatsu! Bravo!!!
Dun sa nagpapanggap na bf kuno ni yuan... get lost! kung wala ka rin lang magandang sasabihin might as well keep your fucking mouth shut!
The way you commented on this only goes to show how bad your personality is. Anyway, I am for TEAM BOYSHIATSU!!!
Basta Boy Shiatsu... tagahanga mo ako.......keep your coolness and kindness... darating din ang para para sau
ReplyDeletepang-MMK !
ReplyDeleteang sad ng ending pero i hope di maging bato ang puso mo
everyone deserves to be happy
hugs!
ReplyDeleteyou'll be fine Boy Shiatsu!
halika nga... hug kita.... :(
ReplyDeletenaku , di tama nga ang unang post ko, gusto nya free sex, walang pera kasi, so boy, mangilatis ng gusto ng freebie, sana ako na alng babayad ako hehe
ReplyDelete@ bf of yuan- hello, poor ang dyowa mo no, eh anong cheap na condo yan and nalito ako, so tomboy pala kayo, di kayo bakla???? cguro ikaw sumagot ng text ni boy
marvin
@bf of yuan
ReplyDeletekapal ng mukha mo laitin si boy bakit ikaw ba straight? eh bakla ka din!
boy shiatsu hwag mo na pansinin yang bitter na yan.
keep on blogging
........ i don't know what to say... :(
ReplyDelete*love sucks*
ReplyDeleteDo not lose hope. The person meant for you is already on his way. Just be a little more patient.
ReplyDelete*inhale*
ReplyDelete...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
*exhale*
*hugs*
one hater that made Kenneth smile... :D
ReplyDeletechillax kuyang nakaputi.. wag kang magsalita ng di maganda.... it shows na wala kang breeding kahit sabihin mong nurse ka... i would rather choose kenneth na masahista kesa sa isang nurse na walang breeding na tulad mo... kuha mo?
kenneth, keep smiling... :)
Rob...
One word:
ReplyDeleteResilience
http://www.youtube.com/watch?v=k2C5TjS2sh4&ob=av3e
ReplyDeleteResilience
Napakasakit talaga when you're left hanging. Alam mong, in the first place hindi na tama yung naramdaman mo pero siya naman ang nagbigay sa'yo ng reason na maramdaman mo yun eh. So, what's next? Let go and move on. Simple yet very difficult.
ReplyDeleteSabi nga ni Mich Valmonte (Anne Curtis) sa When Love Begins:
ReplyDelete"Don't expect. Because the more you expect, the more you invite hurts and disappointments."
True.
So often I've read stories of clients/customers having deep romantic feelings for men-for-hire. Your story BS, in all its eloquence and emotional sincerity, proves that the reverse can also happen. A true eye-opener if you ask me.
ReplyDeleteI'm sure that with your wit and common sense, you'll bounce back from this and continue with your life. Heck, if you were able to get over Mr. Tuna, you'll get over Yuan too.
Oh, and for the record, the way Yuan denied your existence and what you've shared together just proves that he isn't worth your time nor tears.
bato ang puso ko pero nadurog sya.
ReplyDeletepayakap nga. choz
Life goes on. It's a cycle, my friend.There will always be ups and downs.- sir jun
ReplyDeletenice story... i dont feel sorry for boy shiatsu but for the alleged yuan's bf who have such a low life to say those words. Boy shiatsu is a winner here in all forms showing how human he can be to have felt despised, hurt, used and yet remain whole and dignified despite the very low treatment.---jay-ar
ReplyDeletekudos to boy shiatsu for he has bravely confronted life's harshness.
Yuan seems both too good and too much of an @sshole to be true. Not sure if this story is 100% factual, but undeniably you are one talented storyteller, Boy Shiatsu. Keep it up!
ReplyDeleteAs for the faggot poseur who is claiming to be Yuan's BF - do us all a favor and just drop dead!
“Hindi ba, baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin,
ReplyDeletekasi, baka MERONG BAGONG DARATING NA MAS OK…
Na mas mamahalin tayo…
Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin…
Yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin…
Ng lahat ng mali sa buhay mo…”
-Popoy :)
@anonymous july 24 1;15 a.m. (popoy)
ReplyDeleteGanuon na nga di ba? paano marerefill ang ating cups kung puno pa. xempre dapat may space para may ibuhos ang universe ng panibagong mag fill-up duon. I guess we need to unload the hurts in our hearts para mapalitan ng joys and much love.
--jay-ar
I couldn't agree more :)
ReplyDelete-popoy :)
i was deeply touched by your story. masakit talaga ang nangyari. ako nga kung pwede lang na huwag ng umubig muli at ayaw ko ng masaktan.
ReplyDeletehanga talaga ako sa pagsusulat mo. keep it up!
just started reading your blog...
ReplyDeleteanother blog worth reading!
potah nakakaiyak tong kwento mo!
condolence sa nasawi mong pag-ibig.
ReplyDeletege, kuha lang ng client at makakahanap ka ng bagong insiprasyon?! =P
--ron n____n
galing. i love the story. :) simply reading your posts makes me addicted to your blog.
ReplyDeletekeep it up!
ohh that was so sad. :(
ReplyDeleteang galing mong magsulat Boy Shiatsu, nakakainspire ka parang gusto ko na rin magblog. keep it up! :) Bago mo na akong fan ngayon. I like reading your posts, it's not a waste of time ika nga kapupulutan din ng leksyon. :)
-fancypurplechic
It is a sad tale indeed. Sad but inevitable.
ReplyDeleteSome find comfort in the presence of strangers. There is a certain freedom in that.
And just like any, some see you simply as a matter of convenience.
parang ikaw ang hinahanap ko boy. add mo ako sa ym mo. thanks.
ReplyDeletewow. napakasaklap naman ng kasaysayan na naganap sa inyo ni Yuan. Naging panakip butas ka lang pala at ginamit ka lang ni Yuan. I believe in karma. Babalik din sa kanya ang ginawa niya sa iyo. That was not very nice. You deserve an explanation for what happened. He should not have pretended that he didn't even know who you were. He should have been a man and owned up to the fact that he and his ex got back together.
ReplyDelete