kaunting silip sa bagong paborito kong tambayan (free advertisement na rin for them!)
coffeebreak! nadiskubre ko ang coffee shop na ito sa ortigas a few months ago, pero lately ko lang sya nagustuhan. kasi bukod sa mura ang kape (wala silang drink na abot sa 100 pesos ang presyo! asteg!). they have a long list of coffee options (imagine... 30 types of frappe!!! and pwede pang customized! kung gusto mo mag-mix ng two flavors, they will do it!) libre pa ang wifi (na sobrang bilis) at tsaka pogi ang barista!
isa pang nagustuhan ko dito ay maliit lang yung pwesto at hindi masyadong pasosyal, kaya hindi sya tinatambayan ng mga malalanding "bisexual" na madalas eh tumatambay sa labas ng starbucks, yung tipong walo silang nakaupo pero isa lang ang may order, espresso pa!. hindi rin sya ginagawang pugad ng mga babaeng naghihintay "daw" ng kasama nila habang nakaupo sa isang couch, at ang handbag nya ay nakaupo sa isa pang couch, at ang make up kit nya ay nakaupo sa isa pang couch, at ang anino nya ay nakaupo sa isa pang couch, habang libu-libong customers ang walang maupuan at nagtitiis na mag-takeout na lang kahit may importanteng meeting na gagawin sa kapihan. maraming pang istoryang ganyan sa mga sosyal na kapihan, at walang ganyan sa coffeebreak, kaya talagang marerelax ka, or kung may kasama ka man, makakapagkwentuhan kayo ng mahinahon. at tsaka pogi ang barista!
masarap din yung mga pastries nila. and, mura din! may version sila ng "better than sex" na mini-cake... i can say it's better than "normal" sex... but it's not better than "Boy Shiatsu sex" haha! asteg din yung chocolate cookie nila, kinse pesos lang! meron din silang nakakabusog na pizza and pasta. at tsaka pogi ang barista!
medyo tabing kalsada nga lang sya, so medyo maririnig mo yung mga busina ng bus at wangwang ng pulis. and since maliit nga yung place, pag gumawa ng frappe yung poging barista, maririnig sa buong coffee shop yung tunog ng blender na hindi masyadong kaaya-aya. pero, mas matitiis ko na yung ganung ingay kaysa naman sa mga college girls na nagtitiliian, or sa mga baklang pa-girl na nagpapa-mhin, or sa mga baklang pa-mhin na nagpapagirl, or something something. at tsaka pogi ang barista!
dalaw kayo dun one time, baka sakaling makita nyo ako, kwentuhan tayo. kung gusto nyo rin, imasahe ko na rin kayo dun, kung daring kayo! hee hee! love ko na yung place na yun... at tsaka yung poging barista.
Uuyyy!!! Si Boy Shiatsu me crush sa poging barista... Sana me picture ng mas poging si Kinet kahit teaser lng. Kasama un poging barista...
ReplyDeleteHugsss!!! Beybi boy shiatsu
Mr Avid Fan, tsaka na yung picture ko! ahehehehe...
ReplyDeleteEh saan naman itong kapihanna ito?
ReplyDeleteSaan yong picture ng poging barista?
ReplyDeleteCanonista, sa may shangrila po, malapit sa watering hole.
ReplyDeleteWizzdumb, puntahan nyo na lang dun, haha!
pwedeng umorder ng isang tasang mainit na kape kasama na rin ang mainit na poging barista? hahahahahaha... naku boy shiatsu, bakit mo sinali si poging barista, marami ka nang kakumpetensya nyan... limited lang ang voodoo dolls ko... hehehe
ReplyDeletebasta... pogi ang bairsta! hahaha,,,,
ReplyDeletetara kape tau keneth pagbalik ko.. :D
Rob
mapuntahan nga yang coffeebreak na yan eh... at matikman naman ko yong "poging barista" este kape nila. hehehe.
ReplyDeleteZoren
i got it.. si boy shiatsu ang barista dun..hmmmm
ReplyDeletehahaha, so si boyshiatsu ang barista???? if so, hmm, talagang magaling ka nga magsulat , me talent
ReplyDeletemarvin
Juan, okay lang kahit wala nang voodoo dolls, meron naman akong pussycat dolls! hahaha!
ReplyDeleteRob, kape? sige ba! treat mo!
Zoren, punta ka! baka abutan mo ako dun.
aysus! at naging barista pa ako! ang dami ko namang raket!
oo ba!!!
ReplyDeletepati pasta at pastries! hahaha.... eat all you can mode! hahaha.. :D
Rob
sa iloilo nanggaling ang coffeebreak...
ReplyDeleteMapuntahan nga! Baka yung barista dun yung hinahanaphanap ko.. #dreamon. At kung sya nga, sana pagserve nya sakin ng coffee eh naka-apron lang #dreambig
ReplyDeleteNatawa ako! Ung coffee shop ba ang nipromote o ung poging barista?? Haha tamang aliw lang!
ReplyDeleteI always pass by this coffee shop on my daily bus rides going home from work. The place really is small and most of the time, the only person I see there is a barista.
ReplyDeletehaha! nahanap ko ito kanina. at dun ako nagstay ng dalawang oras. nakapagbasa ako ng libro na ang title ay "Para kay B." Maganda ang lugar. At tama ka! Pogi nga ang barista! :)
ReplyDeletetry ko ngang hanapin ang coffee shop na to... di dahil sa kape pero dahil sa poging barista hahaha
ReplyDeleteOoh, mahilig ako sa kape. :) Sayang, galing lang ako kanina sa Shang, di ko pa napuntahan.
ReplyDelete