this is a continuation to the entry "Si Kuyang Naka-Blue" which you can view here.
* * * * *
"pwede bang dito ka na lang muna matulog? kahit ngayong gabi lang?"
yan ang tanong ni Yuan sa akin na medyo ikinagulat ko. napaisip ako dahil may pasok pa ako sa trabaho kinabukasan, pero naisip ko rin na kailangan talaga siguro ni Yuan ng karamay, or at least kasama, ngayong gabi. kaya pumayag na rin ako.
"sige, pero alis din ako ng mga 4am bukas. may pasok pa ako, 8am, at wala akong baong damit."
"okey lang. gusto mo pa kumanta?"
at nagsalang pa ng karaoke cd si Yuan. kanta lang kami ng kanta, walang pakialam kung nakakaistorbo kami sa kabilang unit. maya-maya pa ay napagod na ang mga vocal chords namin at naisipan na naming matulog. pumwesto na si Yuan sa kama nya at ako naman ay nagsimula nang umayos sa sofa.
"dito ka na lang, tabi tayo." pag-aaya nya.
"naku, wag na, okay lang ako dito."
"mahirap matulog dyan, i'm telling you." sagot nya, na may kasamang kakaibang tingin sa mata.
na-hypnotize ako. kahit kakapiranggot ang mata ni Yuan, kitang-kita dito ang emosyon nya at na-convince nya ako na tumabi sa kanya (ang arte ko pa, ano?). paghiga... yumakap agad sya sa akin.
"okay lang ba?"
"na ano?"
"na nakayakap ako sayo"
"okay lang, naghihilik pala ako pag natutulog ha."
"ayus lang. duet tayo."
natawa kami pareho sa sinabi nyang iyon, pero nasundan ito ng katahimikan. matahimik lang na nakayakap sa akin si Yuan habang tahimik kong hinahaplos ang ulo nyang walang buhok. malumanay ang bawat segundo ng pagkakayakap namin, para bang hindi na namin kailangang magsalita upang maiparamdam na okay lang kami. na, bagamat isa akong bayaran, nandito ako para mapakalma sya sa kung ano mang nararamdaman nya. at bagamat isa syang client, nagtitiwala sya sa akin.
"pasensya na ha." binasag nya ang katahimikan.
"bakit naman?"
"may problema lang kasi ako."
"wag mo na isipin yun. kung ano man yung problema mo, things will be okay."
lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
"salamat. at least may kayakap pa rin ako tonight."
at nakatulog kami sa ganung posisyon, ngunit hindi ko maiwasang isipin... ano nga kaya ang nangyari sa kanila ni kuyang naka-white?
...
...
...
"good morning!" banat sa akin ni Yuan ng nagising ako sa tunog ng alarm ko, alas-cuatro ng madaling araw. "breakfast ka muna."
posturang postura si Yuan. naka-business attire. kung gwapo syang tignan sa kulay blue nyang shirt kahapon, mas pogi syang tignan sa cream na long sleeves at gray na slacks.
"kanina ka pa gising?" naitanong ko sa kanya.
"yup, mga 3am."
"bakit di mo pa ako ginising? nakakahiya naman."
"eh ang lakas pa ng hilik mo eh! haha! tara, sabay na tayo kumain."
nakahanda na sa dining table nya ang ilang pirasong pritong hotdog, tapa, yang chow rice, some slices of fruit, and a pitcher of juice.
"ang dami naman nito."
"eh hindi ko alam kung malakas ka kumain eh."
habang nagbebreakfast, tuloy tuloy lang ang kwentuhan namin ni Yuan tungkol sa trabaho at sa ibang pinagkakaabalahan kapag walang work. pero, kahit na masarap ang pagkain at masarap ang kwentuhan, kitang-kita pala sa mata ko na antok na antok pa ako. natapos ang almusal.
"sure ka makakauwi ka ng ganyan? eh parang antok na antok ka pa eh."
"oo, kaya ko to, tsaka hindi naman pwedeng hindi ako umuwi. wala akong isusuot."
"i can lend you a polo, and kahit undies."
nagulat ako sa suggestion niya. i mean, sino ako para pahiramin nya ng mga personal na gamit nya? hindi ako pumayag.
"hinde, hinde pwedeng tumanggi. matulog ka ulit after breakfast and mag-alarm ka na lang ulit. 8am pa naman pasok mo diba? pumili ka na lang ng polo dyan sa cabinet, yung undies naman nadun (sabay turo sa isang maliit na box katabi ng cabinet)."
"sigurado ka?"
"yup!"
hindi na ako nakatanggi. antok na antok pa kasi talaga ako kaya pumayag na rin ako sa suggestion. right after eating, nagprepare na ako para matulog ulit.
"i have to go to work na. paki-lock na lang yung door when you leave mamaya. i'll text you later."
tango na lang ang naisagot ko at para bang automatic eh nakatulog agad ako paghigang-paghiga ko sa kama. ilang oras pa, tumunog na ulit ang alarm at nagprepare na ako papunta sa office. kumuha ng undies at polo, nagbibihis na ako ng mag-ring ang phone ko. si Yuan.
"nasa office ka na?" tanong nya.
"preparing na, will leave in a bit. salamat ha."
"no worries. up to what time work mo?"
"5pm."
"sa may shaw yung office mo diba?"
"yes."
"sige. i'll just go to the gym after work, then sunduin kita so we can have dinner. ingat ha! by the way, please don't make any attempt to clean my room."
"ha?"
"sabi ko, please don't clean my room."
"yah, i heard that. pero, susunduin mo ako?" why?"
"so we can have dinner nga. okay? o sya, will go back to work na. ingat pagpasok."
and the call ended, with an unexpected dinner appointment right after work.
*to be continued*
baka gusto ka na nyang ligawan...
ReplyDeletehaiiii.... nararamdaman ko ang nararamdaman ni Yuan.. tsk tsk tsk...
ReplyDeleteGo lang ng go kenneth.. hehehe.. careful lang.. baka mainlove ka nyan... hehehehe..:D
Rob
wow mukhang ito na ang hinihintay mo for you boy shiatsu, wag na mag-inarte hehehe . . . and i admire him for trusting you . . . iniwan ka nya sa pad niya without hesitation . . . you're a good guy and so is he . . . kudos to the both of you . . . seldom you see people with your traits
ReplyDeletejio
Isang paalala lang. Wala itong kinalaman sa iyo Boy Shiatsu.
ReplyDeletePaalala lang sa lahat: Tao man tayo, nadadarang at natutrukso din, pero ingat lang sa mga taong pagkakatiwalaan natin at papasukin sa ating mga tahanan. Yun lang. :-)
...by the way, cute yung istorya. Medyo nakarelate ako. {inatulogna rin ako sa isang bahay upon the first meeting e; at iniwanan ah.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletei love it!! can't w8 for the next article ken.. hehehe.. recently lang b yan? ingat lang not to be a fallback.. :)
ReplyDeleteHindi ka pa confident sa writing mo sa lagay na yan? Eh pano pa kaya pag confident ka na? You have a natural facility to tell stories. Libro na yan sabi eh.
ReplyDeleteNgek. Resilience yung last post.
ReplyDeleteang galing mong magkwento..it's a gift
ReplyDeleteBITIN!
ReplyDeletehala ka... baka saan yan pupunta... hehe
ReplyDeleteAnother great story! You are really gifted in this craft! Looking forward for the next installment.
ReplyDelete