"pwede ka ba ng alas-otso kung sakali?"
"opo"
"sige, text kita kung hindi matuloy yung gagawin ko."
alas-singko pa lang nung nagtext si sir. at dahil wala naman akong gagawin, naisipan ko na lang na maggala sa megamall habang nagpapalipas ng oras. wala na akong pera, kaya window shopping lang ang ginawa ko noon. napagod sa kakalakad, umupo muna ako sa foodcourt at nagmasid-masid ng mga tao. sa hindi kalayuan, may nakita akong mukhang mag-boyfriend na nag-aaway. hindi naman eskandaloso, pero bakas sa mukha nilang dalawa na hindi maganda ang usapan nila. or posible din naman na usapang trabaho ang pinag-uusapan nila, or baka naman tungkol sa katapusan ng mundo sa 2012, or baka naglalaro lang sila ng "ugly faces." pero, kahit malayo ako, nararamdaman ko yung tensyon sa kanilang dalawa. hindi ko na lang pinansin, bagkus ay kumain na lang ako ng takoyaki balls... ng biglang napalingon ulit ako sa nag-aaway (yata) na mag-boyfriend (yata). nagdadabog na tumayo si kuyang naka-blue at naglakad palayo. habang si kuya namang naka-white ay hindi natitinag sa pagkakaupo. haaayyy... yan ang hirap sa mga relasyon. tuloy lang ang pag-nguya ko sa takoyaki balls ko ng biglang may nagtext.
"tuloy tayo, 8pm, text kita ng instructions papunta sa place ko."
pagkatapos ay itinext na nga niya ang instructions papunta sa place nya. may isang oras pa ako para magliwaliw, kaya naisipan ko munang bumili ng isang order pa ng takoyaki balls (ang sarap eh!) bago maglakad papunta sa place ni sir (sobrang lapit lang naman kasi, parang distance lang ng china sa taiwan).
habang naglalakad, nakita ko na naman si kuyang naka-blue. sumakay ng taxi. hindi nya pa rin kasama si kuyang naka-white. mukhang hindi nga maganda ang naging resulta ng away nila. pero, wapakels.
lakad lakad lang habang kumakanta kanta pa ng kung anu-anong pumapasok na kanta sa utak ko. ilang taon pa ang nakalipas at dumating na ako sa bakery kung saan namin napagkasunduang magkita ni sir.
"teka lang, sunduin kita dyan."
naghintay lang muna ako ng maya-maya pa ay may lumapit na sa akin at nagtanong...
nagtanong ng oras. sumagot ako.
hintay hintay pa ulit ng nagtext ulit si sir.
"dumiretso ka na lang pala dito sa unit ko." at kasunod ay ang instructions papunta doon.
naglakad, kumanta habang naglalakad, dumura habang kumakanta at naglalakad, nagtext habang dumudura at kumakanta at naglalakad... at nakarating ako sa harap ng pinto ni sir.
tok tok tok
bumukas ang pinto at nagulat ako sa nakita ko...
si kuyang naka-blue!
"uy, pasok ka. pasensya na, kararating ko lang eh."
pumasok ako sa place nya at hindi na lang nagsalita.
"nga pala, i'm Yuan!" sabay handshake.
hindi ko napansin sa malayo, pero cute pala si Sir Yuan. mukhang bata pa, mga late 20s siguro. medyo matipuno ang katawan, maganda ang kayumangging balat, at kakapiraso ang mata.
"teka lang ha, maliligo lang ako, upo ka lang dyan."
"sige po"
habang naliligo si Sir Yuan, hindi ko maiwasang pansinin ang place nya. studio type. nasa isang sulok ang kama na nakalatag lang sa sahig, habang ang tv nya naman ay nakapatong lang sa dalawang monoblock chairs, at nakapatong sa ibabaw nito ang dvd player nya. may isang maliit na sofa, isang posh na dining table, at isang tambak ng magazines and cd's sa tukador na katabi ng cabinet nya.
lumabas si Sir Yuan ng banyo at ako naman ang naligo.
"nga pala, medyo barado yung drain dyan for the shower. pagpasensyahan mo na. sorry talaga ha."
"naku! okay lang yun sir!"
"Yuan na lang! sorry ha." sabay ngiti.
parang aligaga si Sir Yuan. siguro dahil nga dun sa away nila ni kuyang naka-white. pero, since wala ako sa pwesto para magtanong, hindi ko na inusyoso. naligo na lang ako.
maya-maya pa ay tapos na. paglabas na paglabas ko ng banyo, sumenyas agad si Sir Yuan. tahimik lang daw ako. may tumatawag pala sa kanya sa telepono. sinagot nya ito. bilang courtesy, pumasok na lang ulit ako ng banyo. ilang minuto pa, kinatok na ako ni sir.
"okay ka lang?" hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin sya.
"ha? ah! yah! okay lang ako!" sagot nya, may halong pagkagulat.
"simula na tayo."
pinapwesto ko na sa kama si Sir Yuan at sinimulan ang masahe. ang swerte ko naman. pogi si Sir Yuan, maganda ang katawan, at mukhang may problemang pinagdadaanan. masarap ang magiging extra ko nito, for sure! habang nagmamasahe, tahimik lang kaming dalawa. parang nagpapakiramdaman, pero walang umiimik. papatapos na ang masahe ng finally ay magsalita sya.
"kailangan ba talagang may extra?"
hindi na ako nagulat sa tanong. dahil nga halatang may malalim na iniisip si Sir Yuan, nakita ko nang medyo magdududa sya sa extra.
"well, kung ayaw mo naman, ayus lang."
"eh kasi naiilang ako eh"
"edi, sige, okay lang kahit walang extra."
"pasensya ka na ha."
sa totoo lang, nainis na ako nun. abot ko na halos ang langit, na-unsyami pa! pero, i have to be professional. so tuloy lang ang masahe.
"okay, may masakit pa ba?" tanong ko kay Sir Yuan matapos ang masahe.
"wala na, salamat."
"sige, shower lang ako."
diretso sa shower at naligo, naiinis pa rin ako at hindi ko natikman si Sir Yuan, pero inirespeto ko naman yung kung ano mang pinagdadaanan nya kaya hindi sya kampante makipag-sex. paglabas ko ng banyo, nakita kong naglagay ng cd si Sir Yuan sa dvd player nya.
"okay ka lang Yuan?"
"oo. teka, aalis ka na ba?"
"well, if you want me to stay muna, sige, hindi muna ako aalis."
"sige. salamat. upo ka lang dyan. kakantahan kita."
nagtaka ako dito. bakit ako kakantahan ni Sir Yuan? pero, since medyo napagod rin ako, pumayag na rin ako. and besides, i actually find what he did sweet.
"pakinggan mo to, maganda to. kanta ni Richard Poon."
pindot ng play sa remote control at kumanta na si Sir Yuan. kahit malamig at malamyos ang boses nya, halatang punong-puno ng emosyon. maya-maya pa ay parang napapaluha pa si Sir Yuan habang kumakanta. i can't help but get carried away. nakakaiyak yung message nung kanta, at mas lalo ko pang nararamdaman dahil sa emosyon ni Sir Yuan. hindi ko maiwasang mapapalakpak after the song.
"ayun! ang ganda no?" sambit ni Sir Yuan, very casual, as if hindi sya naantig or naiyak sa kanta nya.
"kaya nga eh... naiyak ako. unreleased yan diba?"
"yes. sa second album nya."
"nice! nice!"
"ikaw, do you sing?"
"ah... ehehehe... konti...."
"tara! mamili ka dito ng kanta"
at ipinakita sa akin ni Sir Yuan ang koleksyon nya ng mga videoke. hindi na ako nahiya. nagsalang ako ng isang Janno Gibbs classic. (so, gets nyo na yung sa teaser?) kumanta. nagrecord. kumanta pa ng kumanta. naka-isang oras din kaming nagkantahan ni Sir Yuan.
medyo ginagabi na at nagsabi na ako kay Sir Yuan na kailangan ko nang umuwi dahil may pasok pa ako kinabukasan. iniabot nya sa akin ang bayad. nagpaalam na ako na aalis na ako ng bigla syang nagtanong...
"pwede bang dito ka na lang muna matulog? kahit ngayong gabi lang?"
*to be continued*
Isama mo to sa booklet ha.
ReplyDeleteBoy Shiatsu. Taga masahe ng katawan. Tagakamot ng libog. Karamay ng mga nauulila.
resilience
anong song un kay richard poon?
ReplyDeleteIKAW NA ANG TATALO SA HARRY POTTER FRANCHISE sa pagka-CLIFF HANGER ng story!
ReplyDeletedying to know what's next,
masterbaker
another nice entry... na sobrang bitin! hehe!
ReplyDeleteat ano nga yung title ng richard poon song? =p
Akalain mo nga naman... ang liit lang talaga ng mundo.
ReplyDeleteResilience, talagang gusto mo i-push yung book ha! ahaha! salamat po!
ReplyDeleteMr Song, secret po muna kung ano yung song.
Masterbaker, cliffhanger talaga? haha!
Mr Sobrang Bitin, just wait for updates. hehehe...
Wizzdumb, kaya nga eh! super liit!