31 December 2012

BoyShiatsu Year-End Special

huling araw na ngayon ng 2012, at bukas at 2013 na, although pinaniwala tayo na ang huling araw ng mundo ay nung 21st. ang astig na sana kung yun nga ang totoong last day ng mundo... yun din kasi yung araw ng company outing namin sa enchanted kingdom! imagine kung anong klaseng takot (at lafftrip!) ang naramdaman namin ng sumakay kami sa space shuttle ("shit, may matatanggal na turnilyo sa riles ng shuttle, tapos sasabit yung tren dun, then tatalsik tayo at mamamatay!"), anchors away ("masosobrahan sa lakas ng swing yung barko, magiging 360 degrees turn, so malalaglag lahat tayo!"), flying fiesta ("makakalas yung mga kadena ng mga swing, tapos sa sahig, may mga zombies nang nag-aabang sa atin!"), jungle log jam ("diba may namatay na dito? may mamamatay daw ulit... tayo!"), ekstreme (dire-diretso na daw na aangat yung cabin papuntang heaven. at least sa heaven ka mapupunta!"), at rio grande rapids (imagine kung kumukulong tubig yung ginamit nila dito... o kaya dugo!"). yan, yan ang kalokohan ng mga ka-opisina ko! tapos, yung fireworks display daw sa gabi, instead na explosives, mga asteroids daw! pero natapos ang araw na walang nasirang sasakyan, walang nabalitang namatay, at walang asteroid na nagpakita. so tama nga ang hinala namin... amalayer ang mga mayans! hindi totoong end of the world nung 21st. at mali din yung una naming assumption na baka filipino time lang ang "sundo" kaya medyo na-delay. ibig sabihin, tuloy ang buhay. at eto na nga, bukas, tatawid na naman tayo sa panibagong taon. pero bago ako tuluyang mag "i love you, goodbye" sa taong 2012, pagbigyan nyo po akong balikan ang ilan sa mga highlights ng taong 2012 ko.

malupit sa akin ang taong 2012... malupit sa magandang paraan. malupit hindi dahil gusto nya lang mag-powertrip. malupit kasi may gusto syang magandang resulta na makamit. at masaya ako kasi karamihan naman sa magandang resulta ay nakamit ko sa taong ito. maraming bago sa akin sa taong ito, at malaking-malaki ang epekto sa akin ng mga pagbabagong ito.

isa sa pinakamalaking highlight ng 2012 ko ay ang pag-usbong ng artistic side ko. performing arts is one of my biggest passions, and napakaraming binigay na opportunities ng taong ito para mas palawigin (naks! ang lalim ng word! palawigin!) ko pa ang talento ko sa larangan ng performing arts. unang-una sa listahan ang Sipat Lawin family na gumawa ng Battalia Royale. mula sa pagiging nobody  at totally-unrelated-person (ni wala nga akong napanood sa first run ng show sa ccp eh!), naging fan ako ng palabas, hanggang sa naging super fan, then naging part ng "official" fan group, then naging volunteer, hanggang sa naging official part ng production team... at nabigyan pa ako ng pagkakataon na maging part ng cast! (for the mini-show, aka fragment). nandyan din ang SPIT Manila, and pareho din yung story cycle ko. from someone who has no idea what the show is, i became a one-time audience, hanggang sa naging regular audience, hanggang sa naging feeling close (and, luckily, naging close nga!) na fan sa mga performers. for their september rookie month, i was given a chance to perform with them. at ito ngang buwan na ito, kinuha nila ulit ako to join two shows in bonifacio global city! amazingly unbelievable! ngayong taon ding ito nagsimula ang hosting stint ko para sa rockeoke showdown sa restaurant ng boss ko. this year din, naging active na member ako ng dance troupe ng call center company where i stayed for a few months. at nagkalat din sa buong taon ang mga panaka-nakang hosting gigs, turo ng sayaw, brainstorming for storylines, at naging cast pa ako sa isang infomercial video, with matching flyers and online campaigns! sa taong ito, naranasan ko kung paano maging artista... at sana ay tuloy tuloy na!

roller coaster ride din ang yuppie life ko ngayong taong ito. sa simula ng taon, nagkaroon ako ng mga problemang financial, kasama na ang sunod-sunod na kamalasan pagdating sa pera at kalusugan. kaya nagdesisyon ako na talikuran ang pagiging full-time pokpok at muling harapin ang mundo ng isang empleyado. bumalik ako sa call center makalipas ang halos isang taon... baka sakaling namimiss na sya ng katawan ko. kaso, talagang isinusuka na sya ng sistema ko eh. at bagamat generally ay masaya ako sa unang call center ko sa taong 2012, napilitan akong mag-resign dahil na naman sa isang maliit na bagay... unharmonious working relationship between me and my team leader. (actually, hindi pala sya maliit na bagay!). dahil wala naman akong ibang trabahong pwedeng pasukan, pumasok na naman ako sa isa pang call center (kahit alam kong ayaw na ayaw na ayaw na ayaw ko na!). pero ilang buwan lang, at sumuko na naman ako. para bang kahit anong mindsetting ang gawin ko, talagang nirereject na ng buong pagkatao ko (mula ulo hanggang ingrown) ang pagiging call center agent. kaya laking pasalamat ko na nabigyan ako ng pagkakataon na magpalit ng career path. isang kaibigan kong businessman ang nag-offer sa akin na maging personal assistant nya. kaya mula sa pagiging kaibigan, boss ko na sya. mula sa pagiging customer service representative, naging dakilang alalay ako. mula sa fixed 9-hour workday 5-day workweek, naging super irregular ang working hours ko, depende sa schedule ni boss. mula sa halos 5-digit salary per cutoff, ngayon eh halos kalahati lang ang nakukuha ko kada sweldo. parang ang pangit pakinggan, pero sa totoo lang, masayang-masaya ako sa trabaho ko. kasi dito, hindi ako nakakahon, at hindi ko kailangang magpanggap na ibang tao. nagiging totoo ako sa sarili ko. hindi de-minuto ang kilos ko. hindi limitado ang pwede kong gawin. sa halip, ine-encourage (at minsan, nire-require!) akong mag-isip outside the box, under time pressure, with a lot of factors to consider. talagang nababatak hanggang sa kahuli-hulihang hibla ang utak ko. paminsan-minsan, may mga bagay akong kailangang matutunan sa maikling panahon. to adapt to this fast-paced and challenging working environment, kinakailangan kong mag-isip ng mga paraan at taktika para mapadali ang trabaho, makapagproduce ng resulta, at mag-cause ng malaking impact sa business. dito, ramdam na ramdam kong malaking bahagi ako ng kompanya kahit na "alalay" lang ako. nandyan na rin ang mga pagkakataon na kailangan kong humarap at mag-sales pitch sa mga nakatataas sa mga kompanyang kliyente namin, o kaya ay makipag-chika-chika sa mga kilalang personalities, at sa isang pitik ay kailangang kaya mong makipag-negotiate sa mga "masa"... define flexibility! not to mention na meron na rin akong sariling desk at sariling work laptop computer (kesehodang ubod ng bagal at walang battery, kaya kailangang palaging nakakabit ang power cord)... astig! sa taong ito, naranasan kong maging TOTOONG working yuppie... at sana ay tuloy tuloy na!

naging marka rin ng taong ito para sa akin ang travel. unang buwan pa lang ng taon, nagkaroon na agad ako ng pagkakataon na pumunta sa cagayan valley! (seryoso, before i went there, i have no idea where it is!). nakadalaw ulit ako sa puerto galera nung holy week ngayong taong ito, at kasama rin sa listahan ng mga lugar na napuntahan ko ang boracay, clark, spiral buffet, world trade center, batangas, cultural center of the philippines, star city, bistro filipino, enchanted kingdom, dumaguete, resorts world, sm moa director's club cinema, cash and carry, makati medical center, the newly-renovated bed bar, museo pambata, xavierville subdivision, pansol, sycip park, luneta, nbc tent, at isang karinderya na ang pangalan ay "motolite"! kahit na minalas na hindi makakuha ng passport ngayong taon (dahil sa mga lintek na id's!), masaya pa rin at marami-rami akong bagong lugar na napuntahan, at ibang lugar na nabalikan. sa taong ito, naranasan kong maging manlalakbay... at sana ay tuloy tuloy na!

kung usapang kalusugan at pera naman, medyo challenging pa rin sya this year. pero pagkalipas ng samu't saring money shortage, ilang paper bills na nawala, dalawang cases ng vertigo na nangailangan ng bed rest, mahigit tatlumpung piraso ng gauze pads para sa pitong ulit na pagdalaw ni Peggy, a chipped front tooth, ilang beses na ubo, sipon, at lagnat, at maraming beses na overspending, heto't natawid ko naman ang 2012 na kumpleto pa ang katawan at may wallet na may laman. hindi pa rin ako nakapagbukas ng savings account, at hindi pa rin ako nakapag-invest sa ilang mga long-term properties, pero sa taong ito, natutunan at nalaman ko ang tunay na halaga ng pera at kalusugan... at sana ay tuloy tuloy na!

malaki rin ang improvement ng social life ko ngayong taon. dahil na rin sa mga bagong ventures and activities ko, nagkaroon ako ng mga bagong circles of acquaintances and friends. na-rekindle din ang friendship ko with some high school friends, salamat sa aming 10th anniversary. isa pang naatanging kwento na may kinalaman sa social life ko this year ay ang aking controversial lovelife, at ayoko nang maglagay ng iba pang detalye. pero siguro ang pinaka-importanteng pagbabago sa social life ko this year ay ang pagkakaroon kong lakas ng loob na, finally, dalawin at kausapin ang tatay ko. naramdaman ko na lang na hindi na healthy para sa akin at sa amin ang sama ng loob na nararamdaman ko, at oras na para wakasan yun. nagkita at nagkausap ulit kami matapos ang maraming taon. nagkaayos? i'm not sure. may awkwardness pa rin pag magkatabi kami, lalo na nung pasko. pero, pasasaan ba't darating din yun. proud ako sa sarili ko sa pagkakaroon ng tapang na bitawan na ang mabigat na pasaning ito. sa taong ito, naranasan kong muli ang maging kabilang ng isang pamilya, isang barkadahan, isang samahan... at sana ay tuloy tuloy na!

sa dami ng mga blessings na natanggap ko ngayong taong ito, isang aspeto ng buhay ko naman ang may malaking pagkukulang... ang pagiging BoyShiatsu ko. ngayong taon, higit na kaunti ang naging kliyente ko kumpara ng mga nagdaang taon. ibig sabihin, mas kaunti ang kita. mas malaki ang porsyento ng mga one-time customers kaysa sa regular clients, at aaminin ko na marami ring hindi 100% satisfaction services. kaunti na lang din ang nag-i-inquire thru text at email (may mga araw pa nga na wala akong natatanggap na inquiries!). at ultimo dito sa blog, tumamlay ako. from 90 entries last year, ngayon eh naka-57 lang ako (kasama na itong entry na ito). honestly, nalulungkot ako. kasi kahit anong pagtatambling-tambling pa ang gawin ko, bahagi na talaga ng buhay ko ang pagiging BoyShiatsu ko eh. it's something na minahal ko na at parte na ng kabuuan ko. kaya kapag tumamlay o humina ito, nababawasan ang kabuuan ko. pero, okay lang... siguro talagang destined lang ang taon na ito na maging weak year for BoyShiatsu. and, looking at a positive angle, mas maraming opportunities to improve this aspect of my life next year! nakaka-excite!

ang sarap balikan ng tatlong daan at animnapu't anim na araw na nakalipas, kasama na ang mga tawa, iyak, takot, galit, libog, gutom, at kung anu-ano pang emosyon... at ang mga leksyon na kalakip nito. ngayon na nakita ko kung gaano ka-fruitful ang 2012 ko, sangkatutak na energy at excitement ang makakasama ko mamaya sa pagsasayaw sa kalsada ng ayala kasama ang mga kaibigan, na susundan ng sabay-sabay na pagbilang ng huling sampung segundo ng taong 2012, at isang magalak na pagsalubong sa taong 2013, lalo pa't sabi sa feng shui ay swerte daw ang year of the ox ngayong year of the water snake.

ikaw, kumusta ang 2012 mo? alam kong marami ka ring hindi makakalimutang mga pangyayari sa buhay mo, maganda man o pangit, ngayong taon na ito. naway wag mong kalimutang bitbitin ang mga masasayang ngiti, maiingay na halakhak, makabuluhang learnings, bagong discoveries, at ang newly-improved version of you sa pagtawid natin sa panibagong taon.

ako po si BoyShiatsu, bumabati sa inyo ng isang ligtas at masaganang bagong taon!

11 December 2012

Bentesyete Weekend Special

WARNING: mahaba ang entry, pasensya na.




at dumaan na naman ang pinakahihintay kong araw... december 9. nadagdagan na naman ako ng isang taon. at dahil nagkataon na sunday ang special day ko, naging weekend-long ang celebration ko. actually, normal na sa akin ang maraming araw kung mag-celebrate ng birthday, at hindi ko alam kung bakit ako ganun! maraming maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa facebook, twitter, bbm, sa text, at sa tawag. (ay, teka... wala palang tumawag! haha!). sa mga hindi bumati, magkakatotoo ang mayan prediction sa inyo... magtatapos na ang mundo nyo sa december 21! bwahahaha! joke lang.

pagbigyan ang bata, let me share how my weekend went. sige na, bertdey ko naman eh! and pasensya na kung medyo mahaba.

* * * * *

nagsimula ang lahat ng december 7, biyernes. naisipan kong bilhan agad ang sarili ko ng isang kyut na notebook sa dunkin donuts. and of course, orange yung pinili ko. favorite color.


nung gabi na, inaya ako ng isang kaibigan na gumala. sa totoo lang, wala akong plano talaga. pero since wala naman akong gagawin, sige, sumama na ako. naligo, nagbihis, nagpabango, at nagpapogi. pupunta daw kasi kami sa tides. malay mo makaabot pa ako sa deadline ko sa sarili ko na magkaroon ng special someone bago sumapit ang bertdey ko, hehehehe... at habang naglalakad na ako papunta sa sakayan, nagtext na ang kaibigan ko... hindi na daw tuloy ang gala! anak ng puting penguin! contodo bihis at porma pa ako tapos cancelled? kainis! para hindi masayang ang porma, pumunta na lang ako sa isa sa mga restaurants ng boss ko na walking distance lang. mabuti na lang may gift certificates ako, may budget pambili ng pizza at alcoholic drink. loner kung loner, pero wapakels.


naalala ng manager ng restaurant (na kaibigan ko) na bertdey ko na in a few days, kaya bilang gift nya daw sa akin... tequila train, aka the throat-torture train! anim na shotglasses with tequila and a mix: (from mildest to strongest) orange juice, pineapple juice, amaretto, grenadine, blue curacao, coffee liquor.


at pati si chef, hindi nagpahuli. masarap daw na kapartner ng tequila train... a platter of papadum crisps! tsalap!


umuwi ako ng medyo tipsy pero sobrang happy... looks like the weekend is going to be a really exciting one!

* * * * *

saturday, december 8, immaculate conception. (wala lang, maikonek lang, hehehehe...) maaga akong nagising dahil i'm supposed to meet my boss's partner, may ipinapaabot lang sa akin. pero dahil sa katamaran (at sa hangover), hindi na ako tumuloy. instead, naisipan kong i-declare ang araw na ito bilang "Me Day Before My Bday!" may hashtag pa nga yan eh. sumugod ako sa reyes haircutters para magpagupit at magpa-footspa. pero ang lintek na salon, isa lang ang available na barbero, so pangpito pa daw ako sa pila para sa gupit. sa footspa naman, pangatlo pa daw ako! KALOKOHAN!!! kaya change route ako at pumunta sa waltermart, kahit hindi ako sigurado kung anong salon ang nandon. nakita ko ang freshaire... parang tatak lang ng kendi. tinignan ang list of services. haircut... 130php. check! foot spa... 260php. check! pasok sa loob, nagpalista, at agad akong hinila ni ate papunta sa foot spa corner. pili daw ako ng scent. i chose green tea... para amoy tsaa ang paa ko! ayun. ibinuhos ni ate ang green tea syrup sa lukewarm water na nakalagay sa footspa machine. pinaandar. ibinabad ang paa ko at sinimulang pakuluan hanggang sa lumambot at pwede nang isigang. pagkatapos ay kinudkod ng kinudkod ni ate gamit ang papel de lihang nakadikit sa kahoy. nakakakiliti, pero ayoko namang tumawa ng "hihihi"... baka mapagkamalan akong bakla! (ah ewan!). pagkatapos ng pakuluan at kudkuran, pinahiran ng kung anu-anong lotion ang paa ko, pagkatapos ay hinugasan, at pinunasan. voila! nagmukha nang paa ang paa ko, hindi na mukhang excerpt sa tulay na lupa.

isinunod ang haircut. dahil nagsasawa na ako sa gupit kong mohawk (na according kay ateng manggugupit, hindi daw mohawk yung gupit ko, ducktail daw), nakipagdiskusyunan ako kay ate kung anon magandang gawin sa buhok ko. and nagkasundo kami sa isang magandang resulta... mohawk! this time, yung totoong mohawk. yung pudpod yung gilid, mahaba yung gitna, at manipis yung likod (yung ducktail kasi, pati yung sa likod mahaba, nagmumukha akong moriones!) gupit gupit gupit, ahit ahit ahit, daldal daldal daldal, at natapos na ang obra ni ateng manggugupit! natuwa ako sa gupit ko. and, kagaya nga ng sabi ni Kris Aquino, ayrabet!!!

pagkatapos ng mini-pampering time, oras na para lamanan ang tiyan... go kitaro!!!


starter pa lang yan. may kasunod pa yan na chicken teriyaki bento. gutom kung gutom.

pasado alas-dos na ng hapon ng umalis ako sa waltermart. mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ang pride march (ala-una dapat ang start time nya, pero alas-tres na sya nagsimula) kaya nagawa ko pang umuwi, mag-freshen-up, at tumakbo papuntang makati city hall to join the love yourself float. saktong-sakto na bagong gupit ako... pogi... pwede pang mahabol ang deadline! to think na for sure, maraming bakla dun (malamang!), siguro naman (at sana naman!) eh makakabingwit ako ng kahit isa lang (kung more than one, why not! hee hee). and i'm really excited kasi first time kong sasali sa pride march.

sakto ang dating ko sa makati city hall, bago pa lang lumalabas ang float ng love yourself. it's so fun to see old faces and new faces sa sasakyan ng love yourself. matagal-tagal akong hindi naging aktibo sa grupo, kaya sobrang namiss ko sila! more than love yourself, maraming mga lgbt-oriented organizations ang sumali sa parada. iba't ibang sakop, iba't ibang eksena, iba't ibang pasabog, iba't ibang paandar, pero lahat bongga, lahat masaya. may mga naka-bodypaint na gold, may mga naka-9gag-inspired masks, may mga nakaputok na putok na sando at tshirt, at may mga machong naka-heels. ang pakulo ng love yourself, lahat kami eh naka-sash ala-miss-universe. pero hindi bansa ang nakalagay sa sash kundi mga gay attitudes and personalities. at kung suswertehin nga naman, eto ang na-assign sa akin.


saktong-sakto diba? hahahaha! well, proud to be one.

sa kalagitnaan ng parada, naisipan naming bumaba sa float at maglakad na lang... aka, rampah! masayang maglakad, at ang saya na yung mga taong nanonood ng parade na hindi miyembro ng lgbt community ay hindi nangungutya, bagkus ay natutuwa sila sa nakikita nila. may isang grupo pa ng mga nanay na sumigaw na "grabe, ang popogi nyo!" ang swerte ng mga kasama ko, ako lang yung dapat sasabihang pogi, pati sila nadamay! (kapal!). pero may agaw-eksena sa parada. may ilang kabataan (feeling ko mga high school or college students pa lang sila) na may hawak na malalaking flash cards na sumasalungat sa tema ng parada. biruin mo, isa sa mga nakasulat ay "being gay is not good for it is a sin"! tapos meron pang "ang sex bago ang kasal ay isang kasalanan."! pero ang pinakanakakainit ng ulo is yung "god created men and women. the devil created gays and lesbians."! aba aba aba! eksena pala ha! hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla na lang akong lumapit sa isa sa kanila at niyakap ko siya! maya-maya pa, buong love yourself na ang nagkumpulan at yumakap sa mga batang ito. haaayyy... ang sarap sa pakiramdam!

more more lakad, more more picture, at more more kulitan, hanggang sa nakabalik na kami sa city hall. ang daming familiar faces at mga kaibigan na nandun, pero hindi ko na nagawang mag-stay sa open ground para sa program. kailangan ko pang umuwi, magpahinga, at mag-prepare para sa pinakahihintay kong ganap sa araw na ito.

maswerte ako at napili ako ng SPIT Manila na maging bahagi ng palabas nila sa bgc for all weekends of december! wow, as in wow! ang tagal kong pinangarap to, and finally, eto na nga! pagkadating sa bahay, nagpahinga muna ako saglit at nagprepare na para sa show. dumating ako sa bgc at mi-neet ang cast ng SPIT Manila. kasama ko lang sila nung huwebes (regular show nila sa quantum cafe) and yet heto't magkakasama na naman kami. this time, though, hindi na ako audience... kasama na ako sa kanila! yehey!! kumain muna kami at nagkwentuhan, pagkatapos ay nag-briefing sa kung anong mangyayari sa show. until, tick-tock, quarter to 8 na! nag-warm-up games kami backstage at pagtungtong ng alas-otso ay pumunta na kami sa stage at nakipagsayaw kay Santa using bgc's augmented reality screen (aka, kalokohan!) kaunting kulit kulit and then show proper na. ang taas ng energy ko! hindi talaga ako makapaniwalang nandun ako with SPIT cast, performing with them, entertaining the audience. at bagama't maikli lang ang show namin (one hour lang instead of the usual two-hour two-set show), sobrang sarap sa pakiramdam na nakikijamming ako sa mga taong dati eh pinapanood ko lang, at sabay-sabay naming pinapasaya ang mga manonood.

pagkatapos ng show ay pumunta kami sa ortigas kung saan nandoon ang ilan pang members ng SPIT. (dalawa yung show that night, kaya hinati ang grupo). we had dinner at shakeys at pinag-usapan ang naging experience for both shows, lalo na ako at ng isa pang newbie. nakakatuwa ang SPIT Manila people. walang kaere-ere sa katawan. during our kwentuhan, talagang nakikinig sila sa kung sino man ang nagsasalita, kahit ako na saling pusa lang sa grupo. totoo ang mga tawa, bull's eye ang asaran, benta ang mga punchline, at talaga namang clash of the titans kapag debatehan. umabot ng dalawang oras ang dinner at kwentuhan, at nakakatuwa na isa-isa nila akong binati (umabot na kasi ng alas-dose) for my birthday. wow, naalala nila. astig! nakisabay sa isa sa mga miyembro pauwi sa makati, at natulog akong may ngiti sa labi, excited na gumising in a few hours.

* * * * *

december 9... ang bertdey, bow! maaga akong gumising dahil uuwi ako sa rizal to celebrate my birthday with my family (well, the first half of the day at least). ngayon lang ulit ako magbebertdey na kasama sila, kaya sobrang excited ako. although nakakainis kasi ang lakas mang-troll ng telepono ko. saktong ngayong araw pang ito nagloko! pucha lang! but, bagama't importante ang gumaganang telepono sa akin sa araw na ito, i did not let it ruin my day. ngiti pa rin! excited akong nagbyahe papunta sa sta lucia mall kung saan kami gagala ng family ko. ang sarap ng byahe, walang ka-traffic-traffic, laban kasi ni Pacquiao (sidenote: magalit na kayo kung magagalit, pero i'm actually happy na natalo s'ya! hehehe...) pagbaba ko pa lang ng jeep, nakita ko nang nakatayo si mama, si ate, at ang dalawa kong pamangkin sa may entrance ng mall. nakita rin agad nila ako, at agad-agad na tumakbo ang nephew ko papunta sa akin, at yumakap! kasunod naman ang ate nya na agad ring lumingkis sa akin. "happy birthday tito!" bati pa nila sa akin. ang sarap pakinggan... at talagang sobrang na-miss ko sila. dahil hindi pa nag-aalmusal, naghanap na agad kami ng makakainan. and, for a change, hindi kami nag-jollibee! dinala ko sila sa shakeys... excited ang lahat kasi first time nilang kakain dun. pizza, pasta, mojos, and garlic bread... eto ang naging handa ko para sa bertdey ko.


nakakatuwa kasi ang daming pagkain. and nakakatawa yung sa pizza. wala sa kanilang kumakain ng gulay sa pizza, kaya everytime kukuha sila ng isang slice, tinatanggal nila yung gulay... at inilalagay sa plate ko! after ng kainan, pakiramdam ko talaga sobrang healthy ko na! at dahil naibulong pala ng ate ko sa waitress na birthday ko, may libre akong sundae! ayun, ipinakain ko sa dalawang chikiting.

matapos kumain ay umakyat kami sa uppermost level ng mall ng masa (hehehe...) kung saan nandun ang world of fun! pagpasok pa lang, nagtatakbo na agad ang mga pamangkin ko! kanya-kanya nang pili ng rides at games. kaya no choice na ako kundi magpapalit ng tokens. ayun, halos lahat ng game eh nilaro nila. nagkakatuwaan kami ng mga bata ng napansin naming hindi na namin kasunod ang mama ko. aba, ang dalaga (yup, dalaga daw sya! haha!), ayun at nakaupo sa piso games at ang dami na nyang napanalunang tickets! nakakatuwa si mama panoorin pag naglalaro ng piso games. feel na feel nya talaga yung laro to the point na talagang sumisigaw at tumatalon pa sya kapag maraming nalalaglag. i guess may pinagmanahan nga ako when it comes to arcade games.

matapos makakolekta ng maraming ticket ay nag-ikot pa kami sa world of fun to try the rides. sumakay ng carousel yung mga pamangkin ko. nainggit ako, kaso di ako kasya sa kabayo dun sa carousel. kaya sumakay na lang ao dun sa mga de-motor na animal rides. may picture ako, kaso kita yung mukha ko, so hindi ko ipopost! hahaha eto na lang, video ng pagsakay namin ng niece ko sa pambatang coaster train ride.

video

sorry naman kung medyo nahilo kayo sa walang kwentang video.

pagkatapos mag-hoarding ng tickets, magpakapagod sa rides, at mag-claim ng prizes, pumunta kami sa department store at ibinili ko ng early christmas gifts ang dalawang bata... sandals at laruan. and dahil gusto ko rin ng laruan, inaya ko silang kumain muna sa mcdo bago umuwi... para makapag-happy meal!

jack frost, mr sandman, santa's north globe, santa's elf, tooth fairy, easter bunny... collectively known as the guardians! i'm now a very happy boy!

tinapos namin ang family bonding by having a family photo taken sa may christmas booth ng mall sa halagang 75 pesos! ayoko pa sanang umalis, gusto ko pang makasama ang pamilya ko. kaso i still have a long day, at tsaka nade-deplete na rin ang wallet ko. nagpaalam na ako sa pamilya ko at pumunta ng robinsons galleria para i-meet yung partner ng boss ko (yung utos nya sa akin nung sabado, ngayon ko lang ginawa!). mabilisan lang. ni hindi nga sya bumaba ng kotse. binuksan nya lang yung window, iniabot ko yung dapat kong iabot, and boom! mission accomplished. naglakad na ako at tumawid papunta sa kabilang side ng edsa... and maling lane pala yung napuntahan ko. kailangan ko kasi pumunta ng moa. so umakyat na naman ako sa overpass para lumipat sa kabilang lane.

habang umaakyat ako sa overpass, may nakasabay akong manong in his 50s na may dala-dalang malaking kahon na parang ang bigat bigat. that's it! something new na gagawin ko sa birthday ko... a random act of kindness! nagpresenta ako kay manong na ako na lang ang bubuhat ng kahon. maliwanag naman ang ngiti ni manong sa inoffer kong tulong. kinuha ko ang kahon... and OMG! sobrang bigat na! pero, nandun na rin naman ako, go na! tinanong ko si manong kung saan ba sya pupunta. kailangan nya daw pumunta ng fairview. ibig sabihin, tatawirin ulit namin ang kahabaan ng overpass! so hindi lang pala random act of kindness itong pinasok ko... ambush workout na rin! haha! nilakad namin ang overpass sa ilalim ng galit na araw hanggang sa makaabot kami sa kabilang side (whew!) matamis ang ngiti ni manong at malugod syang nagpasalamat sa akin. hindi ko sya kilala, oero the fact na napangiti ko sya, masaya na ako dun. tumawid pabalik sa kabilang side habang hinihimas ang kanang balikat (nangalay sa bigat ng binuhat ko!) at sumakay na ako ng bus papuntang moa.

nagbyahe ako papuntang one esplanade para sa isa pang bagong bagay na first time kong gagawin sa birthday ko... rumaket! and, nope, hindi naman sya masahe. ibang raket. year-end party ng Aegis (yung call center, hindi yung banda!) and i have a friend who works for the events team who organized it. she asked me kung pwede daw ba akong mag-tao sa registration booth and malugod naman akong pumayag for 2 reasons: (1) something new to do during my birthday, and (2) kailangang ma-refill ang naubos na pera kaninang umaga! madali lang naman ang gagawin. tatayo lang (or uupo, kung may bakanteng upuan) sa registration area, check the ticket and id of the attendees, get the raffle stub, and boom! and 3 hours lang. ayus. it went on like a breeze. nagulat na lang ako na nakaka-tatlong oras na ako! that's it! job well done! iniabot na sa akin ang talent fee (ang bigat pakinggan... talent fee!) ko and i'm good to go. saktong dating na rin ng sundo ko for that night.

isa sa mga blog readers ko, si Jack, ang nag-offer na i-treat ako for dinner on my special day. tatanggi pa ba ako? libreng hapunan? go! and ako pa ang may privilege na mamili kung saan kami kakain. and only one restaurant crossed my mind... yakimix!! mula sa one esplanade, sugod kami sa yakimix... only to find out that the buffet will close in 30 minutes. buffet... 30 minutes... augmented reality (kalokohan!). and dahil nga nag-crave na ako for japanese food, sa katabing restaurant na lang kami pumunta... sumo san!

dahil gutom na gutom, medyo marami akong inorder: kani sashimi, assorted sushi, grilled chicken combo meal, at bottomless green tea (yup, lalasahan ko yung paa ko!). si Jack naman, salad at maki lang ang inorder. first time kong kakain sa sumo san, at natuwa ako sa bilis ng service nila. wala pa yatang five minutes, halos kumpleto na yung order namin. ang mali ko lang, i should have taken a hint from the restaurant's name regarding the serving sizes... sumo san...pang-sumo! HUMONGOUS SERVINGS!!! yung meal na for one, good for three or four!!


and that's just a portion of the meal!

at dahil nga sobrang laki ng servings... hindi na kinaya ng tiyan ko na kainin ang grilled chicken, japanese rice, at ebi tempura (both included in the combo meal). pina-take-out ko na lang, pwedeng midnight snack yun, or breakfast. botchog na botchog, bumalik na kami ni Jack sa sasakyan nya at nagplano kung saan susunod na pupunta. and from moa, napadpad kami sa serendra! dinala ko si Jack sa isa pang restaurant ng boss ko for a few booze and some kwentuhan. what a nice way to end my day. and si kuyang waiter (since kilala ko rin), may gift pa sa akin na isang mixed drink in a shotglass. pinaghalo nya lang on the spot, so may karapatan akong tawagin yun na BoyShiatsu Spirit! ahehehehe.... pero my favorite drink for the night is one of our restaurant's signature drinks... flaming hot g!


yes, people of the philippines, apoy yung nakikita nyong kulay blue sa cocktail glass at sa shot glass!

ibubuhos yung laman ng shotglass sa cocktail glass, thus creating a trail of flame. pagkabuhos, iinumin ang laman ng cocktail glass using a straw. a 10-second routine, pero sobrang astig!

after a few more drinks, madaling araw na. tapos na ang bertdey. inihatid ako ni Jack sa bahay. pagod, stressed, at hapong-hapo, pero sobrang saya. i can't believe that i did a lot of things during the weekend. panalo ang 27th ko! although medyo nalungkot lang ako... hindi ko nabeat ang deadline ko na magkaroon ng special someone on or before my birthday (and, nope, wag nyo kami gawan ng issue ni Jack! hahahaha!). okay lang. extend ko na lang yung deadline to christmas.

* * * * *

december 10, the 27th aftermath. i was suprised when i saw these sa table sa office namin.



two dozens of colorful j.co donuts from my officemates!

isang beses pa lang ako nakakain ng j.co donuts, at di sya pumasa sa akin. yet i gave it another chance (tutal libre naman) and nagbago ang isip ko... these donuts are uber good! and i even got gifts from them... company notepad cube! ahahaha! and the day just went on in a very light and good mood. sobrang saya!

masasabi kong isa ito sa mga pinakamemorable na birthday celebration at weekend ko. in 3 days, ang daming naganap, lahat masaya. i can't wait to face the 27th year with open arms and wide grin. nakikita ko nang this is going to be one exceptional year!

happee birthdae to me!

* * * * *

winning moment: nagtext si boss ko on the day of my birthday.

boss: birthday mo pala, di mo sinabi sa akin.
bs: nyek! ilang beses ko kaya sinabi sayo.
boss: happy birthday my dear gertrude (sya si ma'a kemmy, gets?). what do you want for your birthday?
bs: ipad! ahehehehe...
boss: ah... sige... happy birthday na lang!

tambling!

06 December 2012

Ey Wah?!

una sa lahat, super sorry na ngayon lang ako nakapag-blog ulet. masyado kasing busy sa bagong work, naaaliw yata sa akin masyado ang boss ko! ang daming ipinapagawa. pero ayus lang naman, kasi marami rin namang perks. bukod sa libreng foods at mga gala (pag tinotopak si boss, hehe), may mga libreng makeover pa!

last week, isinama ako ng boss ko sa dentist nya para maipaayos ko na ang pasta ng ngipin ko, at may libre na ring cleaning. nakakamangha yung dentista na masyadong perky. habang kasalukuyang nakasulasok sa bibig ko ang dalawang kamay nya na may hawak na kung anong aparato, tsaka ba naman naisipan na tanungin ako ng kung anu anong bagay!

dentista: kailan ba nasira itong pasta?
bs: ah-eh-ung-uh-ahs-ah-oh
dentista: bakit nasira?
bs: ih-ih-oh-oh-a-ahm-eh

ang ikinakagulat ko...  kahit puro vowels lang ang binabanggit ko, naiintindihan nya ang sinasabi ko! aba'y ayos na skill to ah! kapaki-pakinabang! naalala ko tuloy yung nangyari sa amin ni Sir Leo.

mukha namang matalino si Sir Leo sa text. in fact, makwento sya sa text. anghahaba lagi ng mga reply nya sa mga kapirasong texts ko. when i asked him to call na lang kasi ako yung napapagod sa pagbabasa ng mahahaba nyang messages, he declined, he cannot make a call daw. so sige, nagtodo kwentuhan kami sa text. normal na nagtanong sya tungkol sa service ko at sa rates, at hanggang sa nagkasundo nga kami na magpapaservice sya ng weekend.

dumating ang weekend at nagkita nga kami ni Sir Leo. nauna na sya sa motel. itinext nya sa akin kung saan ang motel at sumunod naman ako. magkatext pa rin kami habang naglalakad ako papunta sa motel. mukhang madaldal yata talaga itong si Sir Leo... masaya to!

kumatok ako sa kwarto kung saan naka-check-in si Sir Leo, bumukas ang pinto at bumati sa akin ang malambing na ngiti ni Sir Leo. agad akong pumasok sa kwarto at bumati.

bs: kumusta po Sir Leo?
leo: oh-ey-ang-a-oh. eh-ih-aw-uh-uh-ah-ah-eh?

WHOAH!!! teka lang!!! ngongo pala si Sir Leo! well, wala naman akong problema sa ngongo. nagulat lang ako, di ko inexpect. pero, iisang tabi na yun, tutal naintindihan ko naman yung tanong nya.

bs: okay naman po. medyo matraffic.
leo: a-yah-nga-eh. a-ah-yo-ah-ng-ya-eh-oh. oh-ee-ah!
bs: okay lang yun, ano ka ba! ligo lang ako ha.

nag-shower na ako at narinig kong nagsasalita pa rin si Sir Leo. ako yata ang kinakausap. pero dahil nasa loob ako ng banyo, at malakas ang shower, hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. (yes, yun yung dahilan, hindi sa dahil ngongo sya). sumagot na lang ako na mamaya na kami mag-usap pagkatapos ko maligo. sumigaw sya ng OA. putcha! di maiwasang uminit ng ulo ko! eh sa hindi ko sya marinig eh. kasalanan ko ba yun?! tawagin pa akong OA? then pumasok sa utak ko... ahhhh... "okay" pala yung isinagot nya. whew!

nakadapa na sa kama si Sir Leo ng lumabas ako ng banyo. ready na para sa masahe nya. umayos na ako at sinimulan ang masahe.

leo: wa-ah-ya-oh-ah-eeh-in!
bs: ah, sige po.
leo: eng-yoo!

tuloy tuloy lang masahe, at tahimik naman si Sir Leo. maya-maya pa ay nagsimula na ang extra service namin. mukhang nag-eenjoy naman si Sir Leo sa ginagawa ko sa kanya. panay ang ungol nya eh. palakas ng palakas!

ahhh-eh-ahhhh-ee-i-eeh-ang-ah-oh!!!

tuloy tuloy lang ako sa pagpapaligaya sa kanya, ungol lang sya ng ungol eh. yun ang akala ko.

itinulak ako ng bahagya ni Sir Leo... naiihi na pala sya!

pinaihi ko muna ang kliyente. balik-aksyon paglabas na paglabas nya ng banyo... langya, parang guina pig sa kalibugan itong si Sir Leo ah! hanggang sa matapos ang maraming legit na ungol (or, i'm not really sure, baka may sinasabi na pala syang propesiya sa kung anong mangyayari sa susunod na taon, hindi ko lang naintindihan), nakaraos din kami.

nakahiga kami sa kama ng ng nagsimula na ang sunod-sunod na vowel sounds kay Sir Leo. giliw na giliw na nagkukwento si sir, at ako naman ay oo lang ng oo... kahit wala ako ni isang naintindihan sa mga sinabi nya.

sa kalagitnaan ng pagkukwento ay tumigil si Sir Leo at tumingin sa akin, kaya sumagot na lang ako.

"ahehehehe... oo nga eh."

tamihik pa ring nakatingin sa akin si Sir Leo, para bang may hinihintay na sagot. ngumiti lang ako.

leo: ah-eeh-o, eh-an-ah-ag-art-ah-ah-gee-gee-ah-su!
bs: ha?
leo: eh-an-ah-ag-art-ah-ah-gee-gee-ah-su!
bs: ...
leo: eeh-art, ah-ur.

ahhh! tinatanong nya pala ako kung kailan ako nag-start sa pagiging masseur! wakanang! ang hirap intindihin! sana may pwede akong pindutin para may lumabas na subtitles habang nag-uusap kami.

sinagot ko ang tanong nya. at tila hindi pa nakuntento, tuloy tuloy pa sa pagkukwento si Sir Leo. dumudugo na ang tenga ko sa inis. pero hindi ako naiinis kay Sir Leo ha (except sa fact na masyado syang madaldal!). naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maintindihan si Sir Leo. natutuwa nga ako sa kanya kasi hindi nya ginagawang hadlang ang kapansanan nya para mabuhay ng normal. ako, eto, wala man lang akong magawang paraan para intindihin sya.

sa kung paanong paraan, natapos ang kwentuhan namin. umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay at naisipan kong magtext kay Sir Leo. humingi ako ng sorry kasi hindi ko naintindihan ang karamihan ng mga sinabi nya. okay lang daw yun, at natuwa pa sya na naisipan kong mag-sorry sa isang bagay na kung tutuusin naman daw ay hindi ko kasalanan.

sana pala kasi nag-dentistry na lang ako nung college ako. para nakakaintindi ako ng salitang puro vowels lang ang ginagamit. or, sana, nag-aral na lang ako sa Poveda, para may kasama na ring sosyal na accent!

11 November 2012

Picture Picture


first time client ko si Sir Aga. pangalan pa lang, artistahin na. lalo pa nung pinuntahan ko na sya sa condo unit... pang-artista din! ang gaganda ng mga gamit nya. and bagama't it's a small place, basta... ang posh talaga! halatang mamahalin yung mga muwebles nya, yung mga decorations na, pati na rin yung mga picture frames nya. and kahit naman yung suot nya nung dumating ako sa bahay nya... mamahaling boxer shorts tsaka super-puting undershirt. maliit lang si Sir Aga, normal looking, pero dahil makinis, nagmumukhang mayaman ang dating ni Sir Aga. kaya hindi ko naiwasan na tanungin sya kung anong work nya.

"i'm a real estate agent."

oh... agent... parang secret agent. or call center agent. agent. bakit nga ba kapag "agent" ang last word ng profession mo, parang required na maporma ka, or magaganda ang mga gamit mo. mai-suggest nga sa gobyerno na instead na tawaging janitors, tawagin nating "street cleanliness agents"... magulat ka na lang, nagwawalis sila, ang gamit nila nimbus 2000!!!

"syempre, we always need to look good in front of our clients." sagot ni Sir Aga.

pati kaya sa call center agents, ganun ang reason? o dahil lang masyado silang maraming pera kaya nakaka-afford sila ng mamahaling damit, sapatos, at kape (lalo na ngayon, panahon na naman ng starbucks planner... marami na naman ang instant "coffeeholics" para sa planner... sorry, not one of them). may gusto pa sana akong itanong kay Sir Aga na madalas kong itanong sa mga kilala kong call center agents na masyadong maporma... "ang mamahal naman ng mga gamit mo, eh bakit yung mga utang mo di mo pa nababayaran?" kaso, feeling ko naman walang pinagkakautangan si Sir Aga.

pumunta na kami sa kwarto nya (na mamahalin pa rin ang mga design). sinimulan ko na ang masahe. nasa kalagitnaan kami ng masahe ng biglang nag-ring ang telepono ni Sir Aga. kahit hubo't hubad na, tumayo lang si Sir Aga at pinuntahan ang telepono na ilang hakbang ang layo sa kama at naka-charge. kliyente yata yung tumawag. talk and talk and talk and talk.

dahil ramdam kong medyo hahaba pa ang kausap ni Sir Aga, chineck ko muna ang telepono ko (na nakapatong sa sidetable). may ilang messages, kaya binasa ko muna.

laking gulat ko na lang ng nakita ko na lang ang galit na galit na expression ng mukha ni Sir Aga... NA NAKATINGIN SA AKIN!!! may kasama pang galit na panduduro ng daliri. and he's mouthing "putangina mo! ibaba mo yan! putangina!"

wala akong idea kung anong ikinakagalit nya, pero agad kong binitawan ang telepono ko. agad nyang tinapos ang kausap nya sa telepono, at galit na lumapit sa akin.

"fuck you! did you just take a photo of me?"

now it all sank to me. hubad sya, nakatalikod. hawak ko ang telepono ko. nakatapat sa kanya. so mukha nga namang pinicturan ko sya... EPIC FAIL!!!

"sir, hindi po. chinecheck ko lang po yung mga messages ko."
"no. you took a photo of me!"

galit na si Sir Aga... english na eh. parang call center agent na.

"hindi po talaga!"
"show me your phone."

ayokong-ayoko sa lahat ang pinapakialaman ang telepono ko. private na yun eh.

"show me your phone!!!"

at dahil nga galit na si Sir Aga, napilitan na lang ako na ipakita sa kanya ang telepono ko.

"where's the gallery?"

binuksan ko ang gallery ng telepono ko. at isa-isa n'yang tinignan ang photos ko dun. okay lang sana, kaso eto yung problema. i have a little confession to make... i save r-18 photos sa phone ko, karamihan eh mga nakukuha ko sa mga malilibog na bbm contacts ko! ahahahaha!

kunot-noong tinitignan ni Sir Aga ang mga pictures. hanggang sa nagtanong sya.

"ako ba to?"

ipinakita sa akin ni Sir Aga ang isang picture ng puwet.

"hindi po. sir, check the date."
"malay ko ba kung binago mo yung date."

aba'y bulsyet lang! talagang i will go that far diba? oa ang imagination! tuloy -tuloy sya sa pagbabrowse ng photos.

"eh bakit ang dami mong mga hubad na pictures ng kung sinu-sino dito?"
"bbm contacts."
"if i know, you're taking photos of your clients. you're posting this online!"
"hindi ha."

umiinit na ang ulo ko. tangina! mas oa pa kay Tito Sotto itong si Sir Aga kung makapanghabla ah! at wala nang ooa pa sa kanya kung sabihin nyang ibinebenta ko itong mga pictures na ito.

"you're making money out of these pics, right?"

puta! mind-reader pa pala! nagpapaka-secret agent lang ang peg?!?! kamown!!!

"sir, eto. i collect photos like that from bbm contacts. trade trade. bakit ko naman ibebenta yan? hindi ako ganung kagarapal."
"i don't know. maybe you need money."
"sobra ka naman!" medyo tumaas na pala yung tono ng boses ko.
"then why did you take a photo of me?"
"hindi nga kita pinicturan!!!"
"show me the hidden folders."

aba aba aba! at may hidden folders pang nalalaman! ibang klase naman talaga!!!

"wala akong hidden folders."
"how will i know?"
"aysus! halika!"

sa inis ko, kinuha ko ang phone at pinaupo ko sya sa tabi ko. ipinakita ko sa kanya ang setting ng blackberry to access all media files (including hidden folders) and sorted it by date. at ipinakita ko sa kanya ang date ng last file sa phone ko... dated 3 days before that day.

"there!" pagtatapos ko with tone of victory. parang napahiya si Sir Aga.
"you sure you did not take a photo of me?"
"i. did. not. and why will i? pambabastos yun."
"okay."

OKAY LANG?!?!?! WALA MAN LANG SORRY?!?! hampotah! eh bastos pala tong gagong to eh! pero, pinalagpas ko na lang.

tinuloy ko na lang ang masahe kahit wala na akong gana. maya-maya, out of nowhere, bigla syang bumanat.

"ayoko kasi ng mga stolen shots na ganyan eh. if you want to take a photo of me, pwede naman, basta magsabi ka lang."

AFTER ALL THAT COMMOTION?!?! whatever Sir Aga... okay fine, whatever!!

23 October 2012

Sa-lamang-kero

siguro dahil sa tagal ko na sa ganitong trabaho, alam ko na agad kapag malapit nang labasan ang client ko. pag nadyan na yung mga signs (na naka-mental checklist na sa utak ko), mas ginagalingan ko na, para climax kung climax talaga. para talagang may "magical moment" habang sumisigaw ng "putangina... putangina... shit... shit... shit... SHIT!!!! whew!!!"

pero iba si Sir David... mas magaling ang magic nya kaysa sa akin.

nagtext sa akin si Sir David at pinapunta ako sa motel sa cubao para sa serbisyo ko. pagdating dun, handang-handa na si sir. naka-brief na lang. kaunting kwentuhan muna, dagdag pogi points, nang may itinanong si Sir David.

"kaya mo bang long-playing?"

long-playing talaga? ano to, vinyl disc? ehehehehe... syempre, ano pa ba ang sagot ko?

"oo naman sir!"
"good... matagal kasi ako labasan eh."
"okay po."
"yun palang charge mo, isang putok lang yun?"
"opo."
"pano kung gusto kong marami."
"dagdag po."

pero at the back of my mind, nag-iisip na ako... longplay plus multiple shots equals ultimate pagod... AYOKO!!!

"ahhh... okay. natanong ko lang."

whew! muntik na. so, nagsimula na ang serbisyo. pero hindi pa yata ako nakakakalahati eh nagsimula na agad sa resbak si Sir David.

"extra na agad... 3 hours lang yung room eh..."

wow! natawa ako sa sinabing iyon ni Sir David... makapagtanong tungkol sa multiple orgasms, pero walang pambayad sa regular rates ng kwarto! hahahahaha! pero dahil medyo inatake na rin ako ng libog, nakipagsabayan na rin ako sa hayuk na hayok na client.

napansin ko lang... wala pa yatang 5 minutes ng foreplay, sobrang tigas na agad ng junjun ni Sir David... itago na lang natin sa pangalang Blaine. inisip ko, baka naman talagang tigasin lang si Blaine. so tuloy lang ang palabas.

pa-intense ng pa-intense ang mga eksena. ramdam kong libog na libog na si Sir David at galit na galit na si Blaine. isa-isa nang nagkakaroon ng check mark ang listahan sa utak ko... hindi totoong long playing si Sir David!!! in fact, nararamdaman kong malapit na malapit nang umiyak si Blaine! biglang hinawakan ni Sir David ang ulo ko at inilayo ito kay Blaine...

"teka, naiihi ako."

BASAG!!! lalabasan nga si Blaine... ng ihi! ahehehe... pansamantala kaming tumigil sa ginagawa namin at tumakbo sa cr si Sir David. maya-maya pa ay ayan na ulit si Sir David at si Blaine na medyo malambot na. ipagpapatuloy ko na sana ang resbak ng nag-request si Sir David na pahinga daw muna kami saglit, mga 5 minutes.

"grabe! ang wild mo!"
"ahehehe... sarap naman diba?"
"kaya nga eh... kaso kaya mo ba i-sustain yang ganyang energy hanggang labasan ako?"
"oo naman!"

at makalipas nga ang limang minuto ay sinimulan na ulit namin ang action. mas palaban si Sir David ngayon. at si Blaine naman, bagamat medyo nahirapan, tumigas din matapos ang ilang haplos at dila. paikot-ikot kami sa kama at umiigting na naman ang bawat galaw namin ni Sir David when he called for yet another break!

"teka, ihi ulit ako."
"um... okay..."

umihi ulit si Sir David. ako naman eh humiga lang. medyo nagtataka na ako. bakit ihi ng ihi si sir? binabalisawsaw ba sya?

lumabas si Sir David mula sa cr and... magic!!! super lambot na naman ni Blaine! ako, as far as i can remember, pag matigas ang junjun ko, hindi naman sya lumalambot ng sobra sobra. pero etong si Blaine... from being hard as a rock kanina, ngayon biglang soft as a tissue. parang nilabasan lang... TAMA!!! NILABASAN!!!

"sir, nilabasan na yata kayo ah."
"naku! hindi ah! umihi lang ako. medyo naparami iced tea ko kanina eh."
"okay... tara. tuloy na natin."
"teka lang... break ulit."

walang choice kundi sumunod... pero saglit ko lang sya pinagpahinga. sinimulan ko na agad ang foreplay at ang pagpapatigas kay Blaine. pero napansin ko na parang hirap na tumigas si Blaine this time. lambot na lambot talaga. at ng hinawakan ko pa... HULI KA!!! may patak pa ng cum na lumabas!

"sir... nilabasan ka na eh."
"hindi pa."
"ayan sir oh... may cum pa."
"hindi naman cum yan."
"sir, matagal na ako sa ganitong trabaho... kabisado ko na yan."
"kasalanan mo eh. masyado kang intense mag-play."

aba! at kasalanan ko pa pala! ang galing ng logic!

inis at iritado, naligo na ako at nagbihis. paglabas ko ng banyo... galit na naman si Blaine!

"suck mo ko."
"dagdag bayad sir."
"tangina! ang daya mo naman eh."
"ako pang madaya?"

at dumiretso na ako palabas ng motel. mabuti na lang pala naisipan ko agad na kunin yung bayad bago kami magsimula ng service. or else, malamang, na-magic rin yung bayad ko!

14 October 2012

In Your Fez: Kainang Moroccan

kagaya siguro ng karamihan ng mga pinoy, wala rin akong alam tungkol sa Morocco. ang alam ko lang, pirated version ng flag ng Vietnam ang flag nila, ginawa lang green at outlined yung star sa gitna. pero more than that, wala na akong alam. kung di ako nagkakamali, Nacino yata ang last name nya. (ngyarks... korni!) hanggang sa naimbitahan ako sa blogger event ng isang Moroccan-themed restaurant. hindi ako food blogger, pero dahil libre ang pagkain, sugod ako!

the restaurant is called Fez, based sa fez hat ng Morocco (yung kulay pula na may itim na tali), located in Serendra. according to my research (well, not really... according sa kwento ng may-ari), pitong taon nang operational ang Fez. hindi pa BGC ang BGC, hindi pa Serendra ang Serendra, at hindi pa BoyShiatsu si BoyShiatsu, Fez na ang Fez. pero more on the bar market sila since hindi naman talaga matao ang lugar ng Taguig dati. malakas naman at dinadayo, pero dahil sa pagbabago ng lugar, at pagbabago ng market, naisipan nilang i-tap na ang restaurant market. at yun ang tumbok ng blogger event... to launch their new food menu.

wala akong alam sa Moroccan food (pero, modern Moroccan naman daw ang Fez, not purist) kaya hindi ko alam kung paano ko ire-rate ang mga pagkain. besides, di talaga ako magaling mag-judge ng pagkain. basta masarap, pasok na sa akin. so... simulan na natin ang foodtrip! puro sampler size yung mga sinerve sa amin, para nga naman may space pa rin sa tiyan namin sa bandang dulo ng menu. at pasensya na sa pangit na photos, di ako food photographer unlike sa mga kasama ko. hehehehe...

unang inilabas ang pita platter for sharing. may kasamang apat na dips -- hummus, baba ganoush (gawa sa eggplant, chickpea, at garlic), garlic yogurt, at tomato sauce. as a starter, masasabi kong sobrang okay yung pita platter kasi parang patikim sya ng kung anong ie-expect mong lasa ng foods nila. naubos na namin, tsaka ko lang naalala picturan.


sinundan sya ng serving ng dalawang soup in a shot glass. yung isa, roasted pumpkin soup. mahilig ako sa pumpkin soup (pero di ako kumakain ng kalabasa! ahahahaha!) and masasabi kong this one is definitely one of my favorites. lasang-lasa yung pumpkin pero very smooth yung soup. plus the right spices (secret spices daw sabi ni chef), lalong nagkaroon ng character. yung isang soup naman is called harira soup, a combination of slowly-simmered beef and tomato sauce plus the secret spices (ulet) at may design pang vermicelli. i love tomato based foods, kaya sobrang okay sa akin ito. at ibang-iba sya dun sa roasted pumpkin soup. so, ang hirap mamili kung ano sa dalawang ito ang mas favorite ko... parehong panalo eh!


matapos ang nakakaganang soup at pita platter, isinerve na sa amin ang totoong appetizers... merguez sausage and beef wanton cups. yung merguez sausage is a home-made sausage made of sirloin beef and, again, the secret spices, together with caramelized onions. yung chef daw mismo ang nagtimpla nun. yung beef wanton cup naman is fried wanton wrapper topped with beef slices, tomato salsa, at maraming maraming maraming cheese. tinikman ko muna yung sausage... maanghang! pero tamang anghang sya para ganahan kang kumain. nung sinabayan ko ng caramelized onions... wow! yung beef wanton cup, masarap din. mahilig ako sa keso so plus points talaga yung gabundok na grilles cheese sa ibabaw nya.


ganadong ganado na akong kumain talaga ng iserve na nila ang salad.cous-cous salad. lagi kong naririnig yung cous-cous sa mga mediterranean cuisine pero hindi ko talaga alam kung ano sya. salamat kay chef, nalaman ko na isa pala syang uri ng... wait for it... pasta!!! akala ko it's a type of grain or rice. yun pala it's made of flour. you may think that seeing pasta in your salad is kinda weird. but this one, ang asteg. tinuruan pa kami how to eat it. ibabalot daw namin yung cous-cous with sauteed veggies sa lettuce leaf and eat it like lumpia. pero dahil super dami yung cous-cous (or maliit yung dahon), i decided to eat it using fork na lang. hehehe...


umabot na kami sa masarap na part ng course... ang entree! dalawa ang entree na iseserve sa amin. the first one is moroccan kebob. it's the typical kebob (chicken yung sinerve sa amin, pero may option din na beef sa menu) pero served with grilled veggies and cous-cous (instead of rice) and a super-creamy garlic yogurt dip. one of the bloggers (a true-blue food blogger) commented na medyo bland daw yung chicken kebob... but i don't care. basta ako, kain lang ng kain. sarap eh!


next is their best-seller rib-eye steak. now, this one is really not moroccan (palagay ko). pero yung pagkakatimpla nila ng rib-eye... lasang mediterranean talaga (i guess it's the secret spices na naman!). kainis nga lang ang maliit lang yung serving (sampler size, again). nabitin ako sa sarap.


now the part that i am most excited about... dessert! nung nakita ko yung mini-menu na provided sa aming mga bloggers, naintriga na agad ako sa kung ano yung fried cheesecake. i mean... how and why will you fry a cheesecake, diba? pero nung isinerve na sya sa amin at kinain na namin (with a scoop of vanilla ice cream), unanimous ang comment naming lahat... "chef, pwedeng isa pa?!" amazing... a must-try!


i had an amazing course sa Fez. the food is amazing! sayang nga lang at wala kaming chance i-try yung bestseller nilang drink (flying tiger, a combination of 13 spirits in one drink. yes... THIRTEEN!) dahil baka nga naman malasing kami. pero, overall... sobrang na-enjoy ko yung experience.

one thing na kakaiba sa Fez compared sa ibang restaurant is that it is small... siguro mga 30-seater lang sya sa loob. but that's actually something i like. bagay na bagay sya sa mga intimate parties or small events. and the place is wifi-powered, so you can take photos and upload it agad agad!

Fez is located in Serendra, BGC. drop by... di kayo magsisisi!

08 October 2012

Agua Bendahe

mahilig ako sa teatro. alam na siguro ng karamihan sa inyo yun. isa talaga ang teatro sa mga bagay na alam kong pwede kong gawin habangbuhay. mahilig talaga akong umarte... at maarte ako! haha!

pero, kadalasan nga ng sinasabi, wala daw pera sa pag-arte. yun ang akala ko.

nakilala ko si Sir Joel. medyo nakakaintimidate. authoritative. halatang commanding. everytime nagtetext kami, hinding hindi nya nakakalimutan sabihin ang mga katagang "basta, humanda ka sa akin!" to the point na actually eh natatakot na ako.

dumating ang araw ng pag-hire nya sa akin. tinext nya sa akin kung saang motel sya naka-check-in. pinuntahan ko ang kwarto at sinalubong ako ng maamong ngiti ni Sir Joel. mali naman pala ang impression ko sa kanya. ibang-iba! ang akala ko, malaking tao si Sir Joel. yung tipong balbas-sarado. yung may tattoo. pero ang nakita ko sa loob ng kwarto ay parang grade 6 na estudyante. medyo slim. may kaliitan. at parang hindi makakabasag-pinggan.

"hello!" bati nya pa sa akin pagpasok ko.
"hi!" sagot ko naman sa kanya.

nagsimula ang maikling kwentuhan habang isa-isa kong tinatanggal ang sapatos at medyas ko at naghahanda ako sa pag-shower. pinauna ako ni Sir Joel na maligo (which is hindi ko normally ginagawa, usually ako yung huling maliligo). pagkatapos maligo ay naweirduhan lang ako sa nakita ko.

nakatapat ang isang bangko sa paanan ng kama, at may katabi itong isang balunbon ng mga itim na tali. tabai nito ay may isang bangkito at may nakapatong na bote ng mineral water.... pero kulay red!

hindi ko na nagawang tanungin si Sir Joel dahil agad syang pumasok sa shower paglabas ko. hindi ko na lang pinansin yung mga props na nakakalat. umupo lang ako sa kama habang naghihintay. maya-maya pa ay lumabas na si Sir Joel... na naka-t-back na itim at may kwintas na chains!

"o, bakit di ka pa sinusuot yun?" sabay turo sa damit na nakapatong sa lamesa.

ahh... required pa pala akong mag-costume! isinuot ko ang kakapirasong brief na nasa lamesa.

"ang hot! bagay na bagay sayo!"
"naku! nambola pa."

inilabas ni Sir Joel ang cellphone nya at may ipinapanood sa akin na video. ganun daw ang gagawin nya sa akin. ano ang nasa video?

isang mamang nakatali sa bangko na parang hostage, mula bibig hanggang paa, at pilit na kumakawala!

WOW!!! may ganung factor pa talaga!

"ewan ko ba. talagang may fetish ako sa bondage eh. okay lang ba?" tanong ni Sir Joel nung nakita nyang medyo naweirduhan ako sa nakita ko sa video. "hindi ko naman hihigpitan yung tali eh. tsaka malambot naman yung tali, so hindi masakit."

wala naman akong choice, hindi pwedeng tumanggi. so pumayag na lang ako. umupo ako sa bangko na katapat ng kama at isa-isang itinali ni Sir Joel ang paa, binti, hita, baywang, dibdib, dibdib ulit, braso, kamay, at lastly ang bibig. dinouble-check nya pa ang bawat tali to make sure na hindi masyadong mahigpit at pagkatapos ng larong ito ay buhay pa naman ako.

"but you have to act as if hirap na hirap ka at gusto mo talagang makawala ha."

paweirdo na ng paweirdo ang setup, pero since nakatali na ako, sige na lang. humiga si Sir Joel sa kama at nakatingin lang sa akin habang unti-unting nilalaro ang sarili nya.

"ang boring mo naman!"

biglang nasira ang mood ni Sir Joel. hindi daw kasi ako gumagalaw. eh paano naman kasi akong gagalaw eh hindi ko naman alam yung dapat kong gawin!

"pilitin mong kumawala!"
"okay po."

humiga ulit si Sir Joel. pero hindi pa sya nakakahiga ng maayos ay tumayo na naman sya... natanggal kasi yung tali sa dibdib at sa baywang ko. eh sinubukan kong kumawala eh!

"wag naman oa. just act."

okay okay... fine... sige na, aacting na!

humiga si Sir Joel at nagsimula akong kumilos na kunyari ay sinusubukan kong kumawala.

"ahhh... hirap na hirap ka na ba? masakit ba?"
*ungol lang si BS*
"hahahaha! hindi ka makapagsalita no!"
*lumakas pa ang ungol ni BS*
"shit! sarap!"

hinubad na ni Sir Joel ang brief nya, at lumantad nga ang galit na galit na junjun. so hindi pala nagbibiro si Sir Joel na nahohorny sya sa nakikita nya... kitang-kita ang ebidensya!

tumayo si Sir Joel at lumapit sa akin, habang ako naman ay todo-acting pa rin na nahihirapang kumawala sa tali. inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong.

"ano, nahihirapan ka na ba?"
"medyo."
"aba! at sumasagot ka pa ha!"

kinuha ni Sir Joel ang bote ng mineral water na may lamang tubig na kulay red at agad itong ibinuhos sa akin! di naman nakakadiri, tubig lang naman sya na may food color, pero nainis pa rin ako. oa na sa acting to ha! hindi na bondage to eh. TORTURE NA TO!

napansin yata ni Sir Joel na medyo nainis na ako sa nangyayari.

"uy, okay ka lang ba? sorry."
"yah... yah... i'm fine. nagulat lang ako sa..."

hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang hinila ni Sir Joel ang tali sa bibig ko, dahilan para sumikip ito at talagang hindi ako makapagsalita. natatawa lang na parang demonyo si Sir Joel.

"ayan! sige!"

humiga ulit si Sir Joel sa kama at nagsimula nang magjakol. habang nagjajakol, nagbibigay sya sa akin ng command na kailangan kong gawin.

"imagine mo malamig dito sa kwarto, giniginaw ka." sa isang pitik, bukod sa pagpupumilit na kumawala sa tali, ay nanginginig na ako.
"kunyari di ka na makahinga, sikip na sikip ka na." at bigla akong asthma attack.
"pero bigla kang nakawala, nakalas mo yung tali sa dibdib mo." at sa isang kabig nga ay naputol yung tali sa dibdib ko.
"kaso may dumakip sayo sa likod, tapos pinatuwad ka at binottom ka!"

mag-rereact sana ako na hindi ko alam ang pakiramdam ng nabottom kasi di naman ako nagpapatira (except dun sa, well, alam nyo na)... pero hindi na lang ako nagsalita ng napansin ko na may bag dun sa gilid nung kama. mahirap na, baka kung anong laman nun! tumuwad na lang ako ng bahagya (nakatali pa yung lower part ko sa bangko) at nagsimulang umungol na may kasamang sakit.

"sige... lakasan mo pa!"

palakas ng palakas ang ungol ko, pero sa totoo lang ay nagagaguhan na ako sa nangyayari... hindi ko na ma-gets yung sense at nagmumukha na akong isang malaking tanga.

"lakas pa! sige! malapit na ako!"

nilakasan ko pa ang pag-ungol na may kasamang pagmumura... hanggang sa napamura na rin si Sir Joel.

tapos ang palabas.

"hehehehe... ang hot mo!" puri nya sa akin.
"hahaha!" tumawa na lang ako, pero kung lalagyan ng subtitles yun, ang nakasulat ay "putangina mo! pinagmukha mo lang akong tanga. ginawa mo lang akong laruan. for sure pinagtatawanan mo na ako!"

inutusan nya akong maligo na. at pagkaligo ay iniabot na nya sa akin ang bayad. standard rate. wala man lang dagdag. i guess hindi pang-famas or pang-emmys yung acting ko. nakakainis. ang daming effort, tapos wala man lang tip. pero dapat tuloy tuloy pa rin ang acting.

"salamat po sir. nakakahiya, hindi na kita namasahe."
"okay lang yun. next time na lang."
"sige po. salamat po sir."

lumabas ako ng motel at agad na dumiretso sa abs-cbn para umattend ng workshop. malakas ang loob kong mag-audition, may credential na ako eh. pag tinanong ako, anong roles or characters na ang nagampanan ko. with conviction, i will say... HOSTAGE PO!

02 October 2012

Sa Ngalan Ng Ama

hindi ako ampon. matapos kasi mabasa ng karamihan ang blog ko tungkol sa tatay ko (read here), maraming nag-akala na ampon ako. pero hindi po. although, minsan, naisip ko, mas mabuti pa siguro kung naampon na nga lang ako.

* * * * *

kamakailan lamang ay nakilala ko si Sir Marlon. isa syang pinoy pero naka-base sya sa ibang bansa. umuwi sya dito one time for a week-long vacation at naisipan nyang makipagkita sa akin. pero bago pa man nun, isa na sya sa mga madalas kong nakakausap sa email. isa rin sya sa mga malugod na tumulong sa akin financially ng inatake ako ni Peggy 2.0. kaya ganun na lang ako ka-excited to meet him for dinner.

"ipapakilala kita sa anak ko." proud pang sabi nya sa akin a few hours before our dinner. nakakatuwa naman.

dumating ang oras ng hapunan at nagkita kami ni Sir Marlon kasama ang anak nyang lalaki. and, nope, we're not talking about an infant or a toddler. not even a teenager. we're talking about a 20-year old guy na sobrang ganda ng katawan at ang gwapo talaga! sa totoo lang, natulala ako sa anak nya... ang hot! ipinakilala nya ako sa anak nya and then we went to a japanese restaurant for dinner.

bagamat pagod mula sa maghapong pagliliwaliw sa maynila, heto't all smiles pa rin si Sir Marlon. nakakatuwa sila panooring mag-ama kasi para lang silang magbarkada. hanggang sa nagsimula kami kumain at doon nagsimula ang pagkainggit ko lalo.

kahit malaking bulas at binatang-binata na ang anak, parang beybi pa rin kung ituring sya ni Sir Marlon. at hindi naman pumapalag ang binata. in fact, mukhang naaappreciate nya ang paglalambing ng tatay nya.

"he's really a sweet kid." pagyayabang ni Sir Marlon. "right son?"

natawa lang ang anak.

"do you like your food?" tanong ni Sir Marlon sa anak nya.
"yes."
"do you wanna say anything?"
"i love you dad."
"daddy loves you too."
"i know."

at biglang hinalikan ng anak sa pisngi ang tatay nya. gusto kong matunaw sa inggit sa nakita ko.

* * * * *

nung 10 years old ako, naaalala ko yung time na nagluto ako ng pancit canton.dinamihan ko yung luto dahil alam kong hindi pa kumakain ang nanay at tatay ko ng almusal. pagkatapos kong magluto, dinala ko sa labas ng bahay yung pagkain kung saan nakaupo ang tatay at nanay ko na nagbabasa ng dyaryo. umupo ako sa lamesa at nagsimulang kumain. sa kalikutan ko, natabig ko yung baso ng kape ng tatay ko. natapunan ang tatay ko. at sa biglang galit nya ay agad nyang nilamutak ang dyaryo at ipinalo sa braso ko. naiyak ako hindi lang dahil sa sakit ng palo, kundi sa sakit ng mainit na kape na tumapon din sa akin. agad naman akong pinunasan ng nanay ko at sinabihang pumasok sa loob ng bahay. ikinuha na lang ako ng nanay ko ng pancit canton at nagtira ng marami para sa tatay ko, kasama ang isang bagong baso ng kape. naubos ang kape pero hindi nagalaw ang pancit.

* * * * *

"he respects my sexuality, he has no issues with it." sabi ni Sir Marlon habang busy ang anak sa kaka-browse at kakatawa sa mga photos na nasa digicam nila.
"edi mabuti po kung ganun."

tuloy tuloy lang kami sa dinner at sa kwentuhan. matapos ang dalawang serving ng green tea ice cream for dessert, naglakad na kami papunta sa hotel kung saan sila naka-check in. ihahatid namin ang anak ni Sir Marlon bago kami lumabas for gimmick.

"dati, totoy na totoy pa yang anak ko. pero ngayon, ang laki laki na. mabuti nga at hindi nagbago. malambing at mabait pa rin."
"mabuti at hindi ka sinasagot or binabara."
"naku! nagkakasagutan din kami nyan. pero na-instill ko sa kanya yung rule na hangga't kaya naming hindi mag-usap pag mainit ang ulo namin, hindi kami mag-uusap. kailangan pareho kaming malamig, para mas magkaintindihan kami. at hindi kami nagsasakitan physically. hindi ko kayang saktan ang anak ko."

* * * * *

lasing ang tatay ko habang nasa sala kami at nanonood ng home along da riles. gumagawa ako ng project sa filipino nun... book report ng florante at laura. pero kailangan maganda. hindi pwedeng typewritten lang. kailangan kabog sa presentation. naisipan kong humingi ng pera sa tatay ko pambili ng cartolina at mga crayons.

"putangina! pera na naman! gastos na naman!"
"pambili ko lang ng cartolina. kailangan sa project eh."
"cartolina. cartolina. kumuha ka ng dyaryo dyan, pagtiyagaan mo."
"ano ba naman yan! kapag si ate, kahit anong ipabili, bibilin agad. pag ako, para naman sa project ko, pagdadamutan." at umakyat na lang ako sa kwarto at umiyak.

naramdaman kong umakyat ang tatay ko, kasunod ang mabibilis na hakbang ng nanay ko. inabutan nila akong nakadapa sa kama at humihikbi.

"gago kang bata ka. sumasagot ka na ha." pagbabanta ng tatay ko.

hindi ako nagsalita at hindi ako natitinag sa pagkakadapa. ang nanay ko naman ay iyak ng iyak at pinipigilan ang tatay ko. hanggang sa maramdaman ko na lang ang mahabang mga kuko ng tatay ko na kumalmot ng dahan dahan pero madiin sa likod ko.

"tarantado ka ha! ayaw mong magsalita!"

isa pang madiin na kalmot. naramdaman ko na nagsugat ang kalmot, at nagdugo. pero hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakadapa.

"putangina mo! ako ang tatay dito! wag mo akong yayabangan!" at bumaba na ang tatay ko. syang yakap sa akin ng nanay ko at doon na ako umiyak ng tuloy tuloy.

* * * * *

pagdating sa hotel, higa na agad sa kama ang anak ni Sir Marlon at naglaro ng mga games sa psp. kami naman ni sir ay dumiretso muna sa kwarto nya para magpahinga saglit. dito na rin nagsimula ang medyo sensitibong pag-uusap namin.

"i can sense a very smart guy in you, and i am really really worried about what's going on. you being sick with nothing in your pocket. you being a masseur. when in fact i see that you can definitely be a successful guy."
"ewan. lack of opportunities siguro. hindi ko rin alam eh."

at tuloy tuloy lang ang usapang heart to heart. sa bawat sinasabi ko, may pangsalo si Sir Marlon. at nakita ko na lang ang sarili ko na naiiyak, pero nandyan lang si Sir Marlon at mahigpit na nakayakap sa akin.

"hang on. things will be rough. times will be hard. but that makes you a stronger and better person. and there will be people for you. i am here. hindi man kita kadugo or kamag-anak, but i treat you as a son na rin. i will always be here for you."

* * * * *

ilang araw bago ang high school graduation, tinanong ko ang tatay ko kung gusto nyang mag-martsa kasama ko sa graduation.

"may honor ka ba?"

hindi ako makasagot. wala kasi ako sa honor list. or kahit anong special academic excellence award.

"eh bakit pa ako sasama, wala ka naman palang honor? sayang lang oras. nanay mo na lang."

at wala na akong chance. sa pagkakataong yun, ramdam ko... na hindi kailanman magiging proud sa akin ang tatay ko.

* * * * *

ang sarap sa pakiramdam na nakakita ako ng tatay kay Sir Marlon, isang tao na ni hindi ko kadugo pero talagang nakitaan ko ng genuine na pag-aalaga at concern sa akin. minsan, iniisip ko... ano kaya ang nangyari sa akin kung kagaya nya ang tatay ko? siguro nakatapos ako ng pag-aaral. siguro nakahanap ako ng magandang trabaho. siguro maganda ang estado ko sa buhay. pero naisip ko rin... kung ganun ang naging buhay ko, ganito kaya ako katatag at kalakas?

* * * * *

bumalik ng maynila si Sir Marlon kailan lang. at bagamat nagkasundo na kami na magkikita kami, hindi ito natuloy. excited pa naman akong makita sya at maikwento sa kanya ang mga pagbabagong nangyari sa akin after ng huli naming pagkikita. parang batang naghihintay sa ofw nyang tatay, inabangan ko talaga ang araw na magkikita kaming muli para makapagkwentuhan. kaya laking lungkot ko ng hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita. umasa akong magkakaroon ng tatay kahit sa isang gabi lang, pero nabigo ako.

* * * * *

kailan lang ay nalaman kong may cancer sa apdo ang tatay ko. naospital sya ng ilang araw pero hindi ko sya dinalaw. sabi ng ate ko, hinahanap daw ako. pero di ako naniniwala. hindi ko alam kung tama ba o mali ang naging desisyon ko na hindi pa rin sya kausapin. hindi ko alam kung magiging huli na ba ang lahat. wag naman sana. dahil may gusto pa akong gawin. isang bagay na itinuro sa akin ni Sir Marlon.

* * * * *

"kahit anong laking kasalanan ng tatay mo sayo, wag kang magmatigas sa kanya. reach out pa rin. hindi dahil sa iyon ang tamang gawin. pero para at least, sa huli, nasabi mo na kahit gaano kalaki ang kasalanan nya sayo, wala kang naging kasalanan sa kanya. kahit hindi na pag-respeto sa kanya bilang tao. pag-respeto na lang sa kanya bilang isang ama."

30 September 2012

Teaser: Sa Ngalan Ng Ama

minsan, inisip ko... ano kaya ang nangyari sa akin kung kagaya nya ang tatay ko? siguro nakatapos ako ng pag-aaral. siguro nakahanap ako ng magandang trabaho. siguro maganda ang estado ko sa buhay. pero naisip ko rin... kung ganun ang naging buhay ko, ganito kaya ako katatag at kalakas?

22 September 2012

Amnesia

"uy! kumusta ka na? long time no see ah!"

yan agad ang banat sa akin ni Sir Deo pagbukas na pagbukas ng pinto. sobrang friendly at sobrang warm. at dahil sobrang accommodating ang pagbati nya sa akin, bigla tuloy akong napaisip... pucha! kilala nya ako pero di ko sya kilala!

eto yung mga nakakatakot na scenario. medyo mahina kasi talaga ang memory ko pagdating sa tao, lalo na sa names. kung ibabase sa pagka-perky ni Sir Deo, mukhang may kaunting lalim yata ang pinagsamahan namin... pero talagang hindi ko maalala. anyare?!

pero hindi dapat mahalata ni Sir Deo na di ko sya maalala, so ngiti pa rin ako at go with the flow lang.

"ayus naman po. kaw, kumusta?"
"okay naman. grabe no, tagal na since the last time na nagkita tayo."
"kaya nga eh.'
"so, ano nang balita sayo?"
"eto, jobless."
"eh wala ka naman talagang trabaho ah!"

patay! mukhang matagal na nga yata ang pagkikita namin ni Sir Deo. ang huling update nya is wala akong work.

"saan ka nga ba nagwowork dati?" tanong nya.
"sa may manda po."
"diba sa eastwood?"
"sa manda po, sa mag shaw blvd."
"ahhh... tama."

whew! nakahinga ng malalim. kaunting kwentuhan pa at sinabihan ko na sya na maligo. napansin ko na hindi isinara ni Sir Deo ang pinto ng cr.

"oh, ano pang hinihintay mo? tara na!"
"ay... saglit lang po."
"naku! nakalimutan mo na yata na gusto ko sabay tayo naliligo ah."
"hindi po! nagtext lang po ako saglit."

pero ang totoo, hindi ko na talaga naalala. strike 2 na ako.

naligo kami ng sabay at pagkatapos ay humiga na agad sya sa kama. kinuha ko na ang oil para magsimula ng masahe ng bigla nya akong binara.

"you forgot that i want extra first before massage, right?"
"ah... naku... hindi po. ilalagay ko lang dito sa table para madali nang kunin mamaya."
"di mo na ako naaalala ano?"

eto na ang kinakatakot kong tanong. make or break to. pero, syempre, pabibo pa rin.

"ngek! Sir Deo talaga o!"
"sige nga, saan tayo nag-check-in dati?"

at parang isang alaalang gusto mong kalimutan, bigla na lang sumulpot sa utak ko kung sino ang mamang ito. tama! kumpleto, lahat ng detalye. bigla kong naalala. kaya kampante akong sumagot.

"eurotel! sa may cubao!"
"tapos?"
"oo. umorder pa tayo ng chicken after."
"ahehehehe..."

maganda yung tawa ni Sir Deo. pero biglang.

"hindi ako yun."

dedo!

"so, nakalimutan mo na nga kung sino ako?"

wala na akong nagawa... white flag na.

"um... opo. sorry."
"hahahaha! okay lang yun. sana sinabi mo agad. napahiya ka pa tuloy."

tawanan lang kami ng tawanan after, pero that moment, gusto ko nang matunaw na lang at maglahong bigla.

14 September 2012

Bloodbath the Third!


ngayong gabi, magsisimula na ulit ang Battalia 3! (tinanggal na yung word na 'Royale' sa title, hindi ko alam kung bakit.). ngayong gabi, apatnapung estudyante ang mapapabilang sa isang laro at isang sitwayong "life or death"... literally!

kung napanood nyo na ang una at ikalawang leg ng Battalia Royale, i would suggest you go and watch pa rin. ang daming bago. mas exciting. mas detalyado. mas nakakatakot. mas nakakaantig. at Gabe Mercado as Frazer Salamon (the evil teacher)... sobrang menace! as in... panoorin nyo na lang.

umattend ako kahapon ng technical dress rehearsals as one of the "goons"... pero ako mismo, bagamat napanood ko na ng dalawang beses yun play, na-excite pa rin.

sa mga hindi pa nakakanood... anyare?!

go watch Battalia 3 and support independent theater industry!

Battalia 3
Sept 14-16, 2012 (3 out of 9 shows)
Museo Pambata
7pm

click here for more info and ticket reservations.

and for a preview of what's going to happen... watch this. (some spoilers ahead. but since a lot has changed, we're not sure if these scenes are still 'existing" in the new show!)


12 September 2012

Mariposa

matagal na matagal na itong kantang to. dati, di ko sya pinapansin kasi di pa naman ako nakakapasok sa mariposa o sa kahit anong motel. isang araw, napakinggan ko ng buo ang kanta at napanood ang video... at naiyak ako...


sampung taon makalipas ilabas ang kantang ito, nakakatuwang isipin na mula sa pagiging estranghero sa paksa ng kanta ay naging "pucha! akong-ako to ah!" song ko ito. pero ano nga ba para sa akin ang isang motel.

isang bagay na ikinamamangha ko sa motel ay ang pagkakataon na ibinibigay nito para maging totoo ka sa sarili mo. o para maging ano mang karakter na gusto mo. pwede mong ilabas ang tunay na kulay mo, o magpanggap bilang isang tao na pinangarap mo. at lahat ng ito, magagawa mo ng hindi ka natatakot na mahusgahan, pagtawanan, kutyain, irapan, kuwestiyunin, o pasaringan ng ibang tao. maaari kang mabuhay sa isang mundo na gusto mo, ihiwalay ang sarili mo sa totoong mundo, kahit sa loob lamang ng ilang oras.

at iyon ang masakit na part dun. na bagamat papasok ka sa loob ng motel upang makaranas ng masayang mundo na pinapangarap mo, darating at darating ang oras na kailangan mo nang mag-checkout at lisanin ang imahinasyong mundong hinihiling mo na sana ay totoo at harapin ang totoong mundong hinihiling mo na sana ay guni-guni o isang masamang panaginip lang.

ng napanood ko ang video na ito, natawa ako sa mga karakter na ipinakita. pero hindi iyon yung tawang putangina-sobrang-lafftrip-ang-sakit-na-ng-tiyan-ko-at-tutubuan-na-ako-ng-abs na tawa. iyon yung tawang kapiraso lang, yung tipong mga apat na syllable lang, pagkatapos ay bigla kang mapapatahimik kasi may naisip ka. in my case, pagkatapos ng apat na syllable ng tawa, napatahimik ako dahil sa naisip ko... minsan sa buhay ko, naging ako ang mga karakter na ito... all of them.

inosente.
baliw.
pokpok.
bakla.
kabit.
adik
yuppie.
tv junkie.

lahat sila, may kanya-kanyang pakay sa pagpunta sa motel. lahat sila, may kanya-kanyang pinagdadaanan. at lahat yun, napagdaanan ko na. isama pa natin ang iba't ibang karakter na kailangan ko ring bigyan buhay sa loob ng apat na sulok ng kwartong may menu, aircon, porn channels (na kadalasan ay kasunod ng mga church channels), maliit na sabon, discount card, at wifi access na madalas ay hindi gumagana.

stripper.
boyfriend.
kaharutan.
milkman.
estudyante.
artista.
demonyo.
virgin.

at pagkatapos ng bawat engkwentro sa kung sino mang kasama ko sa loob ng motel, palagi akong naiiwan mag-isa. minsan, mauunang lumabas ang kliyente. minsan naman ay ako ang unang lalabas. minsan naman ay sabay kaming lalabas at kakain. pero sa lahat ng pagkakataong ito, naiiwan akong mag-isa. pagkatapos ng palabas, dumarating ang oras na muli naming tatahakin ang kanya-kanyang buhay... at dun ako nagiging mag-isa.

hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang totoo at kung ano na ba ang kathang-isip. basta ang alam ko lang, ayoko nang mag-isa. at kung ang tanging paraan para makamtan yun ay mag-extend ng mag-extend sa bayad sa isang maliit na kwarto sa isang apartelle, isusugal ko na siguro ang lahat ng pera ko... maging ang sarili ko, para lang hindi na ako mag-isa, scripted man o totoo.

02 September 2012

Kamalas-malasan

sabado... nasira ang ngipin ko, kaya na-cancel ang isang importanteng lakad

lunes.. umiral ang katigasan ng ulo ko na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho ko.

huwebes... pumasok ang sweldo pero sa dami ng mga kailangang bayaran, halos isang libo na lang ang natira sa akin.

sabado... isang hindi makakalimutang pangyayari. naranasan ko ang patikim ng kalawit ni kamatayan. isang magulong encounter sa squatter area, nakorner ng tatlong tao (isa sa kanila, may hawak na malaking bato at nakaambang ihampas sa akin). at mahabang takbuhan sa kahabaan ng taft avenue. near-death experience. pero nakaligtas ako.

at ngayon... nawala ang ipod ko. isa sa mga kakaunting bagay na pinagmamalaki kong meron ako.


walang trabaho. walang pera. walang karamay. walang ideya kung paano ako lalakad ulit pasulong.

ANO NA LANG ANG MANGYAYARI SA AKIN?!?!?!!



























ayoko na. sana pwede na lang tapusin lahat to. lahat lahat. yung tipong isang pitik na lang. or isang kalabit. or isang patak. or isang lundag. basta... yung isa na lang, pagkatapos ay tapos na... tapos na lahat...

25 August 2012

The Witness

matagal ko nang suki si Sir Alex, and maganda naman ang working relationship namin. nakakatuwa kasi sa ganda ng working relationship namin, na-extend ang business ko maging sa ka-relationship nya... si Sir Tom.

hindi ko maiwasang mag-isip ng kakaiba kay Sir Alex at Sir Tom. nasa late 40s na si Sir Alex, at bamagat medyo okay-okay pa rin ang hubog ng katawan nya, hindi na maitatago sa hitsura ni Sir Alex ang edad nya. si Sir Tom naman, on the other hand, is around late 20s lang. maganda ang tindig at hubog ng katawan, makinis at halatang alaga ang kutis, gwapo, at halatang mahilig sa social life. ayoko na lang bigyan ng malisya, pero something is telling me na parang ginagawang sugar daddy ni Sir Tom si Sir Alex. lalo pa ng isang beses ay napagkwentuhan namin ni Sir Alex si Sir Tom (di ko pa sya namimeet nung time na yun.)

mahal na mahal ko si Tom. i gave him the life he wanted. ibinili ko sya ng kotse, his own condo unit, and even a small resthouse with a small ranch,. i bought him a horse kasi yun ang hilig nya. and kahit yung family nya sinusuportahan ko.

confirmed! tama nga yata ang hinala ko. or, baka naman mahal lang talaga ni Sir Alex si Sir Tom kaya balewala na ang mga nagagastos nya. sana mahalin din ako ni Sir Alex, tapos sasabihin ko sa kanya na ang hilig ko ay mag-drive ng eroplano... ibibili nya kaya ako ng private jet? hehe...

tinext ako ni Sir Alex para itanong kung pwede daw ako at kung kaya ko daw na dalawa ang iseservice ko. pumayag ako. and finally, one night, na-meet ko na rin si Sir Tom. gwapo nga. maganda nga katawan. mukha ngang sosyal! kung marami akong pera, hindi malabong mangyari na gastusan ko rin sya! kaso, panggastos nga sa sarili, wala eh. haha!

maayos naman ang naging takbo ng unang joint business ko with the two of them. at naulit nga sya ng naulit. paminsan-minsan, nagha-hire pa si Sir Alex ng isa pang masahista para mas pang-Sean Cody ang mga eksena.

isang araw, pinapunta ako ni Sir Alex sa isang condo sa mandaluyong.... second condo unit ni Sir Tom (hampotah! dalawa pa ang condo unit!). may isa na daw na nandun na, pero gusto nya pa ring pumunta ako.

"huli mo na kasi kiliti ni Tom eh, eh ayun, medyo tinotopak."
"ahhh... sige po."

at pumunta na ga ako. si Sir Tom ang nagbukas ng pinto. pumasok ako at nakita ko sa sala ang macbook ni Sir Tom, katabi ang isang bote ng absolut, baso na may yelo, ice bucket at mga bagay na medyo ikinagulat ko rin... a lighter, a glass tubing and a small container na may whitish powder and crystals... shabu.

"nandun si Alex sa loob. diretso ka na lang." halatang wala sa mood si Sir Tom. pagkasabi, umupo na ulit sya sa sofa at humithit sa glass tube. nakakatakot ang hitsura ni Sir Alex, walang-wala sa friendly aura nya na nakita ko the first time i saw him.

pumasok ako sa kwarto at nakita ko ngang nagpipili-pilipit na si Sir Alex at ang masahistang malaki ang katawan. dahil automatic na, naligo na ako at pagkatapos ay nakisiping na rin ako sa dalawa. ilang halik at dila pa lang ang nagagawa ko ng sinabihan ako ni Sir Alex na lumabas sa sala at lambingin si Sir Tom, and apparently ask him to join us.

i did as i was commanded. pumunta ako sa sala kung saan nakita kong umiinom ng vodka si Sir Tom at tila galit na nagta-type sa macbook nya.

"hey" bati nya sa akin, pero ramdam ko na hindi maganda ang mood nya.
"pwede tumabi?"
"k."

at tumabi lang ako sa kanya. hindi ako tumitingin sa screen ng macbook nya dahil baka kung ano pang makita ko. tahimik lang akong nakaupo sa tabi nya when he asked me to get a glass sa kitchen. kumuha ako ng bass, nilagyan nya ng yelo at binuhusan nya ng vodka. inum-inom lang ng kaunti ng naaalala ko na gusto nga pala ni Sir Tom na malambing ako sa kanya... kaya naisipan kong humiga sa lap nya.

"kaw talaga... balik ka muna dun sa loob."
"hinde. dito na lang ako"
"go inside."

ramdam ko na ang intensity ng utos nyang yun, kaya sumunod na lang ako. bumalik ako sa kwarto at saktong pina-fuck na ng masahista si Sir Alex. hindi ko alam kung paano ako sisingit... kaya hinalikan ko na lang si Sir Alex.

"hey! uhhhh... asan si Tom?"
"nasa labas po eh. may kausap yata."
"uuhhhhh... ahhhh.... ayain mo."
"parang bad mood po eh."
"hindi yan. kaya mo yan."

nag-shower na muna ako saglit bago lumabas ng kwarto. dumiretso ako sa sala at umupo sa tabi ni Sir Tom... na kitang-kita ko that time na talagang galit na. sinubukan kong pakalmanhin si Sir Tom... hinimas ko ang balikat nya... pero hinawi nya ang kamay ko.

"not now." singhal nya sa akin.
"eh kasi sabi po ni Sir Alex."
"putangina! diba sabi ko wag?!"

nagulat at natulala lang ako kay Sir Tom. kaya umalis na lang ako at bumalik sa loob ng kwarto. tuloy pa rin ang fucking session ni Sir Alex at ng laruan nya, iba lang ang posisyon.

"oh, ano na?"
"eh ayaw po talaga eh."
"hahaha! mahina ka pala eh."

natawa ako, pero parang napahiya rin ako sa sinabing yun ni Sir Alex. umupo lang muna ako saglit sa kama. wala pang isang minuto ng pagkaupo ko sa kama ng biglang bumukas ang pinto. si Sir Tom, halatang nag-aapoy sa galit. dire-diretso sya sa cr, naghilamos saglit, at nagpunas. dumiretso sya sa cabinet at may kinuha. at napansin ko kung ano ang hawak-hawak ni Sir Tom na kinuha nya sa cabinet... baril.

tumigil si Sir Alex sa pag-ayuda kay kuyang masahista na that time eh nakahiga sa kama.

"what is it this time, Tom?"
"wala kang pakialam dito."
"iwan mo yang baril."
"fuck! this is mine!"
"gago ka rin talaga ano? ano na naman to?"

galit na si Sir Alex, pero mas galit si Sir Tom. nakakatakot at sobrang nakakakaba na ang paligid. siguro, dala na rin ng takot, pumunta muna si kuyang masahista sa banyo. naunahan ako! at dahil awkward naman kung bigla akong lalabas, nanatili akong nakaupo sa kama.

isinuksok ni Sir Tom ang baril nya sa likuran ng shorts nya... at hinila ito ni Sir Alex at ibinalik sa cabinet.

"Fuck Tom! ano na naman ang problema mo?!?!"
"you have nothing to do with this Alex. and please, i'm not a kid! hayaan mo ako!"
"you're drunk. you're high. you're out of your mind na talaga no."
"bullshit!"
"no... you're bullshit!"

gusto ko na talagang umalis. masyado nang intense ang paligid. dumiretso si Sir Tom at kumatok ng malakas sa pinto ng cr. sya namang labas ni kuyang masahista na halatang naligo at naka-underwear na. pumasok si Sir Tom sa cr.

habang nasa kwarto, kitang aligaga na si Sir Alex. si kuyang masahista naman ay takot na takot at mabilis na nagbihis. ako naman ay nakaupo lang sa kama, hindi alam kung anong dapat gawin.

"sir, una na po muna ako." sabi ni kuyang masahista. at agad syang lumabas ng kwarto at ng bahay.

"i'm sorry." sabi sa akin ni Sir Alex.
"okay lang po. ano pong nangyayari?"
"wala. akong bahala."

makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Sir Tom sa cr. ako naman ang pumasok. at nakita ko sa mismong lababo ang isang maliit na bote ng sterile water, isang maliit na plastic, at isang injection. hindi ko na lang pinansin. umihi ako at lumabas na agad ng banyo. wala na doon si Sir Tom. baka nakaalis na. bukas ang cabinet, wala dun yung baril... at si Sir Alex naman ay nakayuko lang sa kama.

"sir?"

hindi sumasagot si Sir Alex.

"sir, okay kang po kayo?"
"no, i'm not."
"ah... sorry po."

awkward silence... at naisipan ko na lang na magbihis.

"sir, una na po siguro muna ako."
"sige. sorry ha. you're a very nice guy. nakakahiyang ganito pa yung nakita mo. sorry talaga."
"salamat po. ayus lang po yun."
"mag-iingat ka lagi ha. it feels nice to meet someone like you." sabi ni Sir Alex. di ko alam, pero parang puno ng lungkot yung pagkakasabi nya nun. iniabot nya sa akin ang pera at inihatid ako sa pinto.

bumaba ako ng building at naglakad palabas ng area ng biglang may bumusina at nag-flash na headlights sa akin. napatingin ako sa kotse at nakita kong nakasilip sa bintana si Sir Tom. hindi ko alam kung lalapit ako or hindi ko papansinin. pero bumusina ulit sya. kaya lumapit na lang ako.

"bakit umalis ka na agad?"
"ah... eh kasi po."
"san way mo, hatid na kita."
"hindi, okay lang po ako."

humithit muna si Sir Tom ng yosi bago nagsalita.

"saan nga way mo?"
"ah... sa pasig po."
"saan sa pasig?" sabay hithit ulit ng yosi. at tsaka ko lang napansin... nasa passenger's seat pala yung baril. biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"sa ortigas extension po."
"seriously... hatid na kita. dun din ang way ko."
"naku. wag na po sir."
"ayaw mo talaga?" nakakatakot ang mga mata ni Sir Tom.
"opo. okay lang po ako."
"okay then... alis ka na."
"kaya nyo po ba mag-drive?  lasing po yata kayo."
"i'm good. i needed some spirit for tonight."

nakakatakot ang pagkakabanggit ni Sir Tom nung last sentence nya. ramdam kong something bad is going to happen. pero di ko na inusyoso. umalis na lang ako. pero paglingon ko pabalik sa kotse ni Sir Tom... saktong nakita ko syang bumaba ng kotse nya at nagmamadaling naglakad papasok ng condo... parang galit na galit.

hindi ko na alam at hindi ko na rin inalam kung anong sumunod na nangyari. matapos ang gabing yun, hindi na ako nakatanggap ng kahit anong text or tawag mula kay Sir Alex. sinubukan kong tawagan ang number nya... unattended na.

ayokong mag-isip ng masama... pero everytime naaalala ko ang kwentong yun... hindi ko maiwasang kabahan...