this is a continuation to the entries "Si Kuyang Naka-Blue" which can be viewed here and "Si Yuan" which can be viewed here.
* * * * *
"nandito na ako sa labas ng office mo." text ni Yuan 15 minutes bago matapos ang shift ko. at dahil nga ayokong paghintayin ang bagong kaibigan, kinailangan kong gumawa ng kasunduan sa boss ko para payagan akong umalis after shift ("sige, bigyan kita ng isang commendation before shift ends, tapos papayagan mo ako umalis agad?"). at salamat sa diyos, nagkaroon ako ng commendation (talk about pwersahan! haha!).
agad agad akong lumabas ng opisina pagpatak ng alas-singko, at nakita ko ngang nakatayo sa hindi kalayuan si Yuan. naka-sandong itim, bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan, at naka-jogging pants na gray. halatang galing sa gym dahil sa malaking bag na bitbit, pero mukhang bagong paligo at talagang fresh. sa tatlong beses na nakita ko syang nakadamit, masasabi kong ito na ang pinaka-bagay sa kanya. brusko pero maamo pa rin ang chinitong mukha.
"bakit naman sinundo mo pa ako." tanong ko agad sa kanya paglapit ko.
"dinner nga tayo. tsaka magpapasama lang ako."
hindi ko na tinanong kung saan sya magpapasama. naglakad kami papunta sa megamall at pumunta sa isang pizza restaurant ng biglang nagbago ang isip nya.
"ay, tara, let's go japanese na lang."
at naglakad kami papunta sa isang japanese restaurant. langya! nasakto pa ni mokong ang weakness ko! order ng ilang piraso ng sushi at tig-isang curry meal, hindi ko maiwasang magtanong sa kanya.
"bakit naman naisipan mong ayain ako for dinner?"
"wala lang. nakakatamad mag-dinner mag-isa eh. bagay sayo yung polo ha."
tsaka ko lang naalala na polo nya nga pala yung suot ko.
"naku! pasensya na ha. eto yung nasa ibabaw eh, kaya eto na yung kinuha ko. ipa-laundry ko agad pag-uwi, then isauli ko agad sa'yo."
"okay lang. no need to rush."
"salamat."
tuloy tuloy ang kainan ang kwentuhan tungkol sa mga random stuff. we ended dinner with two servings of yogurt.
"gusto mo uminom?" tanong nya sa akin habang busy ako sa pagsimot ng yogurt ko.
"ha? saan naman?" tanong ko.
"sa bahay." sagot nya. "gusto mo pa ba ng yogurt? eto o, di ko maubos eh." sabay abot ng yogurt cup nya.
"hmmm... okay lang, wala naman akong pasok bukas eh." sagot ko habang sinisimulan ko nang kainin ang yogurt nya.
bumaba kami sa groceries para bumili ng alak at ilang chips. nag-grocery na rin sya. bayad sa counter at pagkatapos ay lumabas ng mall.
"pwede ba daan muna tayo ng simbahan?" sagot nya.
"ok lang."
pumunta kami sa malapit na simbahan. dahil hindi naman ako catholic, hindi ko na sya sinamahan palapit sa altar, bagkus ay umupo lang ako sa isa sa mga bangkong nakahilera sa loob ng malaking simbahan. si Yuan naman ay lumapit sa altar at lumuhod. matapos ang ilang minutong pagdarasal, lumapit naman sya sa lalagyan ng kandila, nagsindi ng isa, at muling nagdasal.
mula sa kinauupuan ko, pakiramdam ko ay nakikita ko ang isang anghel na mataimtim na nakikipag-usap sa kanyang Panginoon. hindi ko maiwasang mapadasal habang nakatingin kay Yuan.
"Lord, kung ano man ang pinagdadaanan nya, sana ay patuloy mo lang syang i-guide for him to have a peaceful mind. alam ko na sa hindi magandang paraan kami nagkakilala, pero if you need to use me to make him feel better, i would gladly be your instrument. salamat sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para makatulong sa iba."
lumapit sa akin si Yuan at umupo sa tabi ko. tahimik kaming nagdasal. at sa gitna ng katahimikang iyon, naramdaman kong hinawakan ni Yuan ang kamay ko.
"okay ka na?" tanong nya sa akin pagkalipas pa ng ilang saglit.
"oo."
"tara! magtaxi na tayo. tinatamad akong maglakad eh."
pumara kami ng taxi paglabas ng simbahan papunta sa place nila. pagdating sa bahay, automatic na syang nagsalang ng karaoke cd sa dvd player nya bago pa man ayusin ang mga pinamili namin. sabay naming inayos ang mga groceries nya habang kumakanta ng mga kanta ni Jed Madela.
"wag mo na ilagay dyan yung spaghetti. lulutuin ko yan para may pulutan tayo."
sa pangalawang pagkakataon, ipagluluto na naman ako ni Yuan. aglio-olio with some pesto. amoy pa lang, mukhang masarap na. abalang-abala ako sa pagkanta ng "Love Always Finds a Way" ng hindi ko mapansing tapos na pala ang niluluto nya.
"tara, dalhin mo na yung alak tsaka yung yelo. sa rooftop tayo."
pumanhik kami sa rooftop kung saan tanaw namin ang kabuuan ng pasig. inilagay sa lamesang nasa rooftop ang mga bitbit namin at bumaba pa ulit sya para kunin naman ang pitsel ng iced tea at mga baso. ilang minuto pa ay bumalim na sya at sinimulan na ang inuman.
"bakit napaaya ka ng inuman?" tanong ko sa kanya.
hindi sya sumagot. tuloy tuloy lang ang tagay at kain. medyo tahimik kaming dalawa. mga kanta lang mula sa cellphone nya ang naririnig namin ng bigla syang magtanong.
"wala kang boyfriend?"
"wala. mahirap sa akin yung ganun."
"bakit naman?"
"hindi ko alam. minamalas talaga eh. siguro karma ko to dahil sa nature of job ko."
"wala naman akong nakikitang masama sa trabaho mo ah."
"sa pagpopokpok? ikaw, kunyari, matatanggap mo bang kung kani-kanino nakikipagsex ang boyfriend mo?"
"hmmm... sa bagay... o sya, tagay mo na!"
tagay. kaunting kwento. tagay. kain. paulit-ulit lang ang cycle.
"pero, buti na nga ring wala kang boyfriend. walang sakit ng ulo."
"ahahahah! tama! masarap yata maging single."
"masakit."
at biglang natulala si Yuan. isang lagok ng tagay at isang malaking subo ng pasta ang sumunod.
"tagay ka na." sabay abot sa akin ng baso.
"sorry."
"naku! wag ka mag-sorry. sya ang dapat mag-sorry sa akin."
sya. dalawa lang kami sa rooftop nun pero binanggit nya ang word na sya. kung hindi patungkol sa akin, para kanino yun? napatingin ako sa paligid, baka may third eye si Yuan. pero naisip ko agad kung posibleng para kanino ang "sya" na yun.
kay kuyang nakaputi.
hindi ko alam kung paano sasagot sa huling statement nya. minarapat ko na lang na tumagay at manahimik.
"may problema kasi kami ng boyfriend ko ngayon... what i mean is, ex-boyfriend ko."
dito ko na napagtagpi-tagpi ang lahat. ang eksena sa megamall, ang phone call pagkatapos ko maligo, ang pizza restaurant...
"we just broke up yesterday."
"oh. i'm sorry."
"don't be. wala ka namang kasalanan."
at hindi ko na naman napigilan ang sarili kong bibig.
"i actually saw you nga yata yesterday sa foodcourt sa megamall."
"oh! shit. nakakahiya."
"sorry."
"okay lang. mukhang tanga lang. para kaming teleserye."
nagtuloy tuloy ang kwento ni Yuan. kung paanong nagsimula ang relasyon nila ni kuyang nakaputi, who happens to be a nurse. idinetalye ni Yuan kung paanong nagsimula sila ni kuyang nurse as textmates hanggang sa una silang magkita. ikinuwento nya ang una nilang date (sa pizza restaurant sa megamall) at ang una nilang sex. sa loob ng ilang minuto, naikwento sa akin ni Yuan ang naging buhay nya sa piling ni kuyang nurse for 1 year.
hindi ko na inisip na tanungin kung bakit sila naghiwalay. basta ang alam ko, ang trabaho ko lang that night ay makinig at masigurong mailabas ni Yuan ang bigat ng loob na nararamdaman nya. tuloy lang sa kwento si Yuan, at maya-maya pa ay naiiyak na sya. hinawakan ko na lang ang kamay nya ng bigla nya akong hinila at niyakap ng mahigpit. tuloy lang sa pag-iyak si Yuan, at hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong maiyak. ilang minuto pa syang iyak ng iyak hanggang sa finally ay kumalma na sya.
"naku, sorry, di ko na napigilan." sabi pa nya habang nagpupunas ng luha.
"ano ka ba. okay lang yun."
"salamat kasi nandyan ka."
"it's okay. basta kung kailangan mo ng makikinig, nandito lang ako."
tuloy lang ang kwentuhan tungkol sa mga disappointments, failures, at mga pangarap na hindi naabot sa buhay. pero kahit puro negative ang pinag-uusapan namin, may ngiti naman sa mgha labi namin na hindi naaalis, kasama pa ang panaka-nakang pagtawa. kasama na sa kwentuhan ang mga paborito naming bagay (he loves yogurt so much pala... kaya nagtaka ako kung bakit ibinigay nya sa akin yung yogurt nya during dinner). maya maya pa ay naubos na ang iniinom namin. niligpit ang lahat ng ginamit namin, bumaba kami sa kwarto nya. dala siguro ng sobrang kalasingan, nakaidlip ako sa sala at hindi ko na natulungan si Yuan sa paghuhugas ng mga ginamit namin. nagising lang ako sa isang hindi ko inaasahang paraan.
hinalikan ako ni Yuan sa bibig habang dahan dahang ipinupuwesto ang mga braso nga sa likod ko para buhatin ako.
*to be continued*
super galing mo tlga magsulat.. sobra tagal n ako nagbbsa ng blogs mo, pero, ngaun, gusto ko n tlga mag comment.. gusto ko ung ggawin kang instrument ni lord.. super like ko to..
ReplyDeletemore power boy shiatsu, everyday, eto ung una ko binubuksan... hope to meet you someday..
out of topic lang ... after the famous fabcast,may member ba ng fabcast group na tumawag sa iyo to avail of your service? just thinking out loud.
ReplyDeleteBF ni YUAN to!!!
ReplyDeletehindi naman ito ung nangyari... galing mo magimbento kenneth! tangina mo ka bakla! ambisyoso kang frog ka!
actually the story is too good to be true, but anyway kudos kasi ang galeng ng pagkakalahad totoo man o hindi ito...kenneth, for me di na importante kung totoo o hindi yung nasa blog mo the mere fact na nakakalibang syang basahin and at some point we got some learnings is more than enough to again praise you!
ReplyDeleteAnonymous said...
ReplyDelete"BF ni YUAN to!!!
hindi naman ito ung nangyari... galing mo magimbento kenneth! tangina mo ka bakla! ambisyoso kang frog ka!
July 21, 2011 1:28 AM"
Napakailusyunada naman ng mahaderang bayoteng ito para mapansin lang ang comment niya. Mega kaloka ka, manang!!!
Sabi nga nila, dedmakels mo na lang ito, Kenneth. Ganun talaga pag celebrity ka na - maraming impostor na gustong makisakay sa kasikatan mo.
By the way, great blog post as always.
hahaha simula na to ng kaguluhan..
ReplyDeleteWhat happened next?!?
ReplyDeletewaaah! bitin!
ReplyDeletehay idol na kita kenneth! (feeling close lol)
hahahaha, me nag-react, e ano ang magagawa mo BF ni Yuan kung magnetic ang personality ni Kenneth, di ka na niya BF kasi nag-break na nga kau di ba, ikaw ang echoserang frog
ReplyDeletejio
@boyshiatsu - ayos ang story. lumelevel sa HP 7 at sa Breaking Dawn, hinati mo pa sa 3 parts. May part 4 pa ba??? Nakakabitin eh..
ReplyDelete@BF ni Yuan - wala lng. wag kang KSP. gawa ka n lng ng sarili mong blog.
Nice post, Boy Shiatzu! At salamat sa masarap na miyerkules ng hapon :)
ReplyDeletehoy mga put@ng!n@ nyo mga follower ng masahistang nagpapatira sa pwet na nagpapangap na top kuno! O sino ngaun ang nagwagi??! di ba kami pa din ng jowa ko... palibhasa mga mahihirap kayo na umaasa makajackpot ng mayaman. eh ang papangit nyo naman! lalo na sii boy shiatsu na ang lakas magpakita sa webcam ang tsaka naman ska di naman magaling magmasahe ang mahal pa maningil! magpatira ka na lang para mas yumaman. bf ni yuan!
ReplyDeleteewww to BF ni Yuan kuno... feeling mo ikaw ang nagwagi... ewww again, you're such a damn loser froglet!!!
ReplyDeleteKung makapanglait ka naman ng tao...
We'll it just boild down to ones character which unfortunately you don't have! Go, go TEAM BOYSHIATSU!!! Ang galing ng pagkakalahad ng mga kwento mo.. Ikaw na talaga.. IKAW NA!!! Yung bf kuno ni yuan, RIP!!!