31 December 2011

Year 2011, The Recap

my 2011 will be about 4 f's... family, fitness, fashion, and faith. ikaw, what is your 2011 about?"

yan ang status message ko sa facebook isang taon na ang nakakalipas. looking at it, masasabi kong naging successful na naman ako sa hindi pagtupad sa new year's resolution ko! (who gets out successful in it, anyways?).

masasabi kong hindi the best year ang 2011 ko. in fact, napakaraming kakaiba at challenging na nangyari sa akin this year. but the good thing about those incidents is mas nadevelop hindi ang career ko, hindi ang katawan ko, at hindi ang bank account ko, kundi ang personality ko. napansin kong this year, mas maraming pagkakataon na nagpatunay sa akin na nagsisimula na akong maging mature without losing my childlike disposition. sa taong ito, mas nasubukan ang pagiging matatag ko at ang pagiging resilient ko. sa taong ito, lumabas ang adult na BoyShiatsu na matagal na ring hinahanap ng iba.

ano pa ba ang mga kakaibang nangyari sa akin sa taong ito?

* well, una sa lahat, nakilala si BoyShiatsu sa blogosphere dahil kay Lex at Migs. kung hindi dahil sa dalawang ito, hindi siguro dadami ang readers ko, at malamang sa malamang ay talagang itinigil ko na ang pagsusulat.

* at dahil dyan, mas napatunayan ko na isa talaga sa mga passion ko ang writing.

* buong taong nabuhay ang dugo ko tungkol sa isa pang passion... dancing. pero, unfortunately, wala akong masyadong nagawa to nurture that fire.

* dahil na rin sa mga naging clients ko, nadevelop ang inter-personal skills ko at mas madali at mas confident na akong humarap sa ibang tao.

* this year, nagkaroon ako ng panibagong advocacy sa buhay... at alam kong itutuloy ko ang labang iyon.

* looking at my facebook statuses, maraming beses kong binalak na baguhin ang sarili ko. and it became an accidental success... yung tipong na-develop ako sa paraang hindi ko sinasadya.

* naadik din ako sa mga youtube videos this year, just like last year.

* at dahil din sa taong ito, napatunayan ko na totoong tao si Michelin! hahahaha!

have a safe and uber fun year-switch celebration guys! cheers to 2012... ang huling taon ng ating henerasyon! :-)

30 December 2011

Ang Porn Star

panimula... komedi mode with ate, thru text.

me: anong iluluto sa new year
ate: pininyahang manok n a lang daw, wag na gulay
me: sige.
ate: ikaw daw bumili ng manok
me: hindi ako marunong bumili ng manok (ed. note: what i mean here is hindi ko alam kung anong chop chop ng manok ang bibilhin, diba pwedeng pang-adobo, pang-prito, etc etc)
ate: pumunta ka sa palengke, tapos sabihin mo "pabili ng manok"
me: sampal, gusto mo?
ate: hinde. gusto ko ng manok.

potah lang! hahahaha!

* * * * *
pang-gitna... kwento.

dahil hindi ko alam kung paano i-i-intro yung kwento, gumawa na lang ako ng meme na inspired by my new favorite website, 9gag.


matagal-tagal na rin yun. si Xander. actually, nagkakilala kami kasi he hired me.
nagtext sya one time saying na gusto daw nya magpaservice. nag-usap tungkol sa details, and then pinuntahan ko sya sa bahay nya sa pasay. gulat ako nung binuksan nya yung pinto... hamputa! pogi! hindi lang pogi! poging-poging-pogi! at maganda
pa ang katawan! (naka-boxers lang kasi). pumasok ako, kaunting kwentuhan, at pagkatapos ay nagsimula na ang service na how i wish eh hindi na matapos, ehehehe...

ilang araw matapos, nagtext sya ulit para i-hire ako. naulit ng tatlong beses hanggang sa medyo nagkagaanan na kami ng loob. hindi ko na alam kung paanong mula sa client-provider relationship eh naging sex buddies kami. napadalas ang encounters, halos twice a week eh nagkikita kami. then minsan naman eh lumalabas lang kami para mag-mall or kumain. pero walang relasyon. he has a partner that time. friends with benefits, ika nga. lots and lots of benefits.

hanggang sa medyo naging madalang ang pagkikita dahil busy sa kanya-kanyang buhay. hanggang sa nawalan ng communication. hanggang sa nabalitaan ko na lang na nangibang-bansa na sya.

then kailan lang, while i was browsing one of my fave, er, sexy sites... sobrang nagulat ako when i saw Xander featured! "baka namamalikmata lang ako." i told myself, so i browsed the other pics... and, hindi nga ako nagkakamali. the face may have changed a little... but that butt... ahahahahaha!

messaged him in facebook, and he confirmed that it is him.

wala lang. share. ang asteg pala sa pakiramdam kapag ang porn star na sobrang pinaglalawayan ng karamihan ngayon eh maraming beses nang nasayaran ng laway mo noon. haha!

* * * * *

panapos... imbitasyon.

kasala ang friend kong si Nick (i call him Bunso, kasi mas matanda ako sa kanya... shit!) sa isang fashion show na gaganapin sa january 8, 2012, 8pm sa amoranto stadium. the show is called empire of fashion. sana we can go and support him, para masaya ang buhay. tickets costs 300php only.

wala akong makitang poster nung event, so lagay na lang ako ng pictures ni Bunso.


message me for details. support natin si Bunso. and, yup, he looks like the kid in the Bear Brand Busog Lusog commercial, haha! (he's going to kill me pag nabasa nya itong last part, hahaha!)

29 December 2011

Bro

ang tagal i-upload ng ate ko ang mga christmas pictures namin. plano ko pa naman sanang gawing photo spamming entry ang christmas entry ko. eh since wala pa yung pictures, at 5 days na since my last blog, i'll tell you a different aspect of my christmas na lang. but first of all, i hope everyone had a great christmas.

* * * * *

"alam mo, isang nakakatuwang characteristic mo is sobra kang brotherly."

akala ko nang-aasar yung kaibigan ko at pa-punchline na iyun ang rason kung bakit hindi ako makita ng mga prospects ko as potential boyfriend. pero hindi naman pala. nakakatuwa daw kasi yung ugali ko na sobra akong maasikaso at talagang lagi kong iniisip ang kapakanan ng mga kasama ko, especially yung mga nakababata sa akin.

bunso ako sa aming dalawang magkapatid, kaya hindi ko maintindihan kung paano ko na-gain ang brotherly attitude ko. ewan ko, pero nakasanayan ko na talaga na siguraduhin that everyone is having a good time kapag nasa mga party, that everyone is safe kapag uuwi na, and that everyone is feeling good sa mga gatherings. nandyan na rin yung nakikitulong ako sa pagliligpit sa mga handaan, sa mga sleepovers, at kahit sa mga sex orgies (haha!). but most of all, hindi nawawala sa akin yung concern ko sa mga kasama ko.

umuwi ako sa rizal nung pasko. bitbit ang mga ambag ko para sa noche buena (bonchon, cake, tinapay, hotdog, etc) at mga regalo, dire-diretso akong pumasok sa bahay ni ate. nagulat pa sya sa pagdating ko. pero hindi ko pa naibababa ang mga gamit ko ay lumapit na agad sa akin ang isa sa mga bata sa lugar namin.

"Kuya, ikaw ang maghohost ng christmas party mamaya ha."

i was like... wtf?!?! anong christmas party? ako? host?

taun-taon nang nakagawian ng mga taga-amin na mag-organize ng christmas party para sa mga bata tuwing 24th ng december. this time, ako ang napili nilang maghost... just like last year! kaya natawa ako na nagulat pa ako na ako ang piniling mag-host.

dumating ang alas-syete ng gabi. simula na ng christmas party. naririnig ko na ang mga makukulit na chikiting na takbuhan ng takbuhan sa bakanteng lote malapit sa bahay ni ate (doon gaganapin yung party). suot ang orange na clinique happy santa hat ni ate at umiilaw na glasses ng pamangkin ko, pumunta ako sa party para mag-host. nakakatuwa ang energy ng mga bata ng sabay sabay silang sumigaw pagdating ko.

"meri krismas kuya!!!"

hindi ko na generation ang mga batang ito. it's been 8 years since the time we left that area (after my mum and dad broke up) at honestly eh hindi ko na kilala ang mga batang nasa harapan ko that time, pero nakakataba ng puso na tawagin pa rin nila akong kuya (kahit siguro eh hindi nila ako kilala).

sinimulan ang party sa walang kamatayang newspaper dance. at sinundan ng walang kamatayang calamansi relay, hipan ang harina sa garapon at kunin ang piso, pahabaan ng meri krismaaaaaaaaaaaaaaaaassssssssssssssss, at pinoy henyo. then raffle (oo! may raffle ang christmas party ng mga yagit! asteg!). ang likot likot ng mga bata, kaya umandar na naman ang pagiging kuya ko sa paghabol sa mga letseng batang ito, tapos dadalhin ko sa upuan, then hahabol ng panibagong bata only to find out na nanakbo na naman yung una kong pinaupo. nakakapagod, pero masaya.

time na ng exchange gift. pinabunot ang bawat bata ng number. at kung anong number ang makuha nila, yun ang regalo nila. nagulat ako kasi nung tapos na ang exchange gift at oras na para kumain, kinuha ng isa sa mga batang nag-organize ang mic sa akin.

"okay! palakpakan tayo para kay kuya! asan yung regalo?"

at from nowhere eh inilabas ng dalawang bata ang isang kahon at iniabot sa akin. nakaka-touch. pinilit pa nila akong buksan na yung regalo. bimpo. sobrang di ko mapigilang mapangiti dahil dun.

oras na para kumain. binigyan ang bawat bata ng baso ng sopas. may ilang mga maliliit na bata na nahirapan sa pagkain kaya sinubuan ko pa sila. at syempre, nandyan pa rin ang mga nagtatakbuhang bata na kailangan habulin.

natapos ang party. bumalik na ako sa bahay at nakitang nagsisimula nang magluto ang ate ko.

"ano pwede ko maitulong?" sabi ko sa ate ko.
"ayusin mo na yung lamesa."

at sinimulan kong ayusin ang lamesa, at kasabay nito ang sunod-sunod na habilin sa ate ko.

"yung mga bata, papaliguin mo na. pawis na pawis kakatakbo kanina."
"yung cake na ipinatago sa kapitbahay (wala kasing ref si ate sa bahay), kunin na at ng mailagay na dito."
"ang mama, anong oras daw darating?"
"yung spaghetti, hindi mo pa ba iluluto?"
"yung mga regalo, ayusin na dito sa gilid."

sunod-sunod na utos. sunod-sunod na habilin.

"kuya? ikaw ang kuya? makapag-utos!" biro ni ate. pero alam nya naman na kaya ako ganun dahil gusto ko lang na maging perfect (or close to perfect) ang noche buena naming pamilya. minsan nga, naiisip ko... sa amin ng ate ko, ako yata ang mas matanda. kasi parang ako ang kuya sa aming dalawa. madalas pa nga noon na ako ang nagpapangaral sa kanya tungkol sa boyfriend nya (na naging asawa nya).

ang sarap ng pakiramdam na maging kuya... sayang nga lang at wala akong mas nakababatang kapatid. yun siguro yung rason kaya nagiging kuya ako sa karamihan ng mga nakikilala at nakakasama ko... which means... shit... ang tanda ko na!

24 December 2011

The Jail Before Christmas

matagal ko nang client si Sir Charlie... regular ko na... at masasabi kong kahit papaano eh magkaibigan na rin kami. isang araw, nagtext sya para magpservice. at agad naman akong pumunta sa place nya. matapos ang service, we had dinner muna (early celebration daw ng christmas). he cooked pasta. then he asked me to place my ipod in his ipod dock and play christmas songs.

bs: wala akong christmas songs sa ipod eh.
c: ganun ba? kahit anong masayang song na lang.
bs: wait, asan yung ipod mo?

at doon na nga naikwento sa akin ni Sir Charlie ang nangyari. the day before pala, he invited someone in his place (kung casual sex, or paid, hindi ko alam). basta ang nangyari na lang daw is nakatulog sya and then paggising nya, wala na ang ipod nyang mamahalin. at ang iphone nyang mamahalin. at ang charger na mamahalin ng iphone nyang mamahalin. at ang swiss watch nyang mamahalin. at ang sunglasses nyang mamahalin. at ang tie clip nyang kwarenta pesos.

bs: shit! grabe naman yun!
c: kaya nga eh.

dinaan ko na lang sa kulitan ang dinner namin ni Sir Charlie para naman kahit papaano ay gumaan-gaan ang loob nya. then, bago ako umalis...

c: wait, save mo yung number ng guy. baka mamaya i-hire ka nun tapos kung ano pang gawin sayo.
bs: sige po.

i dialed the number... and to my surprise... naka-save na pala sa phonebook ko yung number! he is someone i know. he is someone na naka-panaig ko na before (casual sex). he is someone named Marky!

bs: um... sir... kilala ko po yan!
c: ha? talaga?
bs: opo! na-meet ko na sya dati.
c: whoah! small world ah!
bs: gusto nyo sir try ko kontakin?

pumayag si Sir Charlie sa idea. i guess i was inspired with that happened dun sa nagnakaw ng phone ng friend ko, and hoping that the idea will work, i called Marky. a few rings, and he answered.

bs: hey! kumusta?
m: uy! ayus naman! kaw?
bs: ayus rin. asan ka?
m: papuntang cubao? bakit?

at na-blanko na ako sa sasabihin ko... so i just blurted out the first idea that crossed my mind.

bs: oh! talaga? naka-check-in ako sa cubao.
m: sino kasama mo?
bs: wala. bakit ka ba pupunta sa cubao?
m: wala lang.
bs: meet tayo. text ko sayo motel and room number.
m: sige

and just like that, i was able to set an appointment with the guy who stole Sir Charlie's stuff.

bs: ayun! sir. i can meet him.
c: sama ako. let's confront him. ang dami nung nawala no.

nag-prepare kami ni Sir Charlie at agad na sumugod sa cubao. nag-check-in sa isang motel at agad kong tinext si Marky. habang naghihintay, nag-usap kami ni Sir Charlie kung ano ba ang gagawin naming tactics. mabuti naman at kalmado lang si Sir Charlie. ang mahalaga lang sa kanya ay makausap nya si Marky at maisauli sa kanya ang mga gamit nya ng kalmado. makalipas ang 30 minutes, may kumatok na sa pinto. agad na nagtago sa cr si Sir Charlie at ako naman ay pumunta sa pinto. pumasok si Marky.. pero may napansin ako... parang wala sya sa wisyo. there is something wrong. upon closer look... i figured it out...

Marky is drugged!

halatang bangag si Marky nung pumasok sya sa kwarto. kaunting kwentuhan, at naisipan nyang mag-cr. laking gulat nya na lang ng nakita nyang lumabas ng cr si Sir Charlie.

c: hello!
m (to me): bakit nandito to?
bs: i heard what happened. labas muna ako. mag-usap kayo.
c: usap lang tayo. labas muna sya.

lumabas ako ng kwarto at tensyonadong naghintay sa labas. maya-maya pa, nagtext na si Sir Charlie na pwede na daw ako pumasok ulit ng kwarto.

c: naisauli na sa akin itong relo at yung ipod. yung iphone na lang ang kailangan ko. yung charger, shades, tsaka tie clip, hayaan ko na.
bs: o, eh nasaan yung iphone?
m: dala ng kaibigan ko.
bs: ha?

at ikinuwento sa amin ni Marky. naka-check in na daw pala sya sa same motel bago pa ako tumawag sa kanya. bago daw sya pumunta sa room namin, umalis lang saglit yung kasama nya sa kwarto at hiniram yung phone nya (so he started using the phone pala after he stole it). pero pabalik na daw

bs: eh kaninong phone yang hawak mo? (he was holding a nokia phone)
m: spare phone ko.
bs: hinayaan mo ang ka-partee mo na hiramin ang phone mo? eh for sure hindi mo kilala yun.
m: si Jasper! yung kasama natin nung pumartee tayo!
bs: si Jasper? yung friend mo?
m: oo!
bs: okay. so wait... so dala nya yung phone mo?
m: oo. malapit na daw sya.
bs: and dala nya yung phone nya?
m: oo.
bs: okay. i'll call him.

at tinawagan ko nga si Jasper.

bs: hey! sup?
j: okay lang. napatawag ka.
bs: asan ka?
j: um, nandito sa *mentions name of motel*.
bs: kasama mo si Marky?
j: i'm waiting for his text. why ba?
bs: so nasa baba ka?
j: oo.
bs: okay. stay there.

at agad agad akong bumaba to meet Jasper. siguro dala na rin ng init ng ulo, medyo naging confrontational ako.

bs: hey!
j: uy, kumusta?
bs: where's the iphone?
j: anong iphone?
bs: sabi ni Marky you have the iphone daw.
j: ha? what the fuck is happening here?

and with his reaction... i got it... Jasper obviously is not involved in this mess. i calmed myself down and told Jasper what's going on. and, ayun nga... nagtugma ang story ko sa mga text na ipinabasa sa akin ni Jasper from Marky.

text from Marky: tol, just help me get out of this place. sorry to do this to you. mamaya ko na explain. basta maki-ride ka na lang sa akin.

at dahil nainis na rin sa nangyari, i was able to convince Jasper to go up with me sa kwarto and talk to Marky. we got up and got in... at sobrang nagulat ako with what Sir Charlie told me.

c (bumulong sa akin): nag-drop sya ng isang ecstasy cap.
j (shouting at Marky): what's this Marky? what's this?

pinakalma ko lang ang sitwasyon. obviously, lahat sila eh hindi matino. si Sir Charlie ay galit at decided na makuha ang mga gamit nya, si Jasper eh galit dahil nadadamay sya sa kalokohan ni Marky, at si Marky naman ay sabog at defensive. ako lang ang medyo sane, kaya ako na ang gumawa ng effort na mapakalma silang lahat. hanggang sa finally, naging okay na ang lahat. then Sir Charlie popped the question again.

c: so, nandito si Jasper, pero wala sa kanya yung phone. nasaan yung iphone?

nakita ko ang transition ng mukha ni Mark from being scared to mad.

m: putangina! let's assume na nabenta na kung nabenta! eh ano ngayon?
c (kalmado pa rin): okay. so kung nabenta, then you must pay me with the equivalent price of the phone.
m: eh wala akong pera dito!
c: binenta mo pero wala kang pera?
m: we're just assuming na nabenta.
c: eh nasaan ba kasi yung phone?
m (talking to me): hindi sya yung Jasper na sinasabi ko, yung isa pa.
bs: ha? eh sya lang naman ang Jasper na common friend natin.
m: yung isa pa! Jasper din name nya!
bs: ha? alam ko Jason ang name nya.
m: Jasper din ang name nun.
bs: so you're saying na si Jason, or the other Jasper, is the one who has the phone?
m: oo.
j: bullshit! then ano tong mga text mo?
bs: kalma lang Jasper. i'll call Jason.

and i tried calling Jason... pero walang sumasagot.

bs: no answer. if he really has your phone and he's on his way back, siguro naman gising sya so makikita nya na may tumatawag sa phone nya.
m: putangina! putangina! putangina!
c (pasigaw): NASAAN BA KASI YUNG IPHONE?

at dahil sobrang tensyon na ang nangyayari sa kwarto, i requested Sir Charlie and Jasper to stay in the other room (where Marky is checked-in. wala na syang kasama) so i could talk to Marky. paglabas na paglabas nila ng kwarto, agad akong niyakap ng mahigpit ni Marky at umiyak. iyak lang ng iyak si Marky habang magkayakap kami. i tried calming him down and quietly comforted him. habang umiiyak, dun nya ikinuwento kung ano ang nangyari.

he is in a partee a few hours bago sya ininvite ni Sir Charlie sa place nya. drugged and wala sa tamang katinuan, na-convince daw sya ng mga kasama nya na pumunta sa place ni Sir Charlie and take whatever valuable things he can find in his place para may pang-amats pa sila. and he did what was instructed of him. nung medyo matino nya sya, dun nya lang na-realize what he did. dahil sa takot na hawak nya ang iphone ni Sir Charlie at ring to ng ring, ipinaubaya nya sa mga kasama nya ang next step... and they decided to sell the phone and use all the amount to buy more ecstasy capsules. and he got two capsules out of all they bought. kaya sya nasa motel din that night because he is parteeing with another guy.

hindi ko alam kung totoo yung kwento nya, pero with how he crashed and broke down, alam kong it's not the right time to confront him. kinalma ko lang sya at niyakap habang iyak ng iyak, hanggang sa finally ay nakatulog sya. i texted Sir Charlie para bumalik na sila sa kwarto. si Sir Charlie lang ang bumalik, Jasper decided to leave dahil hindi nya daw kayang harapin si Marky at ang tensyon ng sitwasyon. pagbalik ni Sir Charlie sa kwarto, i told him what Marky told me. he understood naman, kaya hinayaan nya lang na magpahinga si Marky. and nag-isip na lang kami ng possible way out. ang naisip namin is kukunin namin whatever valuable stuff Marky has as a collateral hangga't hindi naisasauli o nababayaran ni Marky yung phone. sounds legit.

maya-maya pa ay nagising na si Marky... pero halatang sabog pa rin sya. though mas kalmado sya ngayon, i cannot deny that he is still under the influence of the drug. kulang pa yung rest nya. hinayaan ko lang na mag-usap sila ni Sir Charlie, so that Sir Charlie can explain what setup he wants. nagulat na lang ako dahil nung sinabi ni Sir Charlie yung plan nya, bigla na lang nagalit si Marky at nag-threat!

m: tangina! kukunin mo nga gamit ko? eh gago ka pala eh! that's invasion of privacy and personal stuff!
c: but you took my phone! isn't that invasion?

at dahil na sa sobrang galit, kinuha ni Sir Charlie ang phone at bag ni Marky na nakapatong sa kama!

m: putanginamo! mali yang ginagawa mo! pwersahan mong kinukuha mga gamit ko!
c: but you have my phone! gamit ko yun?
m: bakit? pwersahan ko bang kinuha yun?

alam kong baluktot na ang mga reasoning ni Marky, at sobrang tensyonado na talaga ang kwarto. dahil puyat at pagod na rin, hindi ko na magawang awatin ang dalawa. buti naman at walang pisikalan na nagaganap.

c (talking to me): tara na. check out na tayo tutal nasa akin na yung mga valuables nya. pahiram nga ng pen ang paper.
bs: *nag-abot ng pen and paper galing sa bag ko*
c: *nagsulat sa pen and paper at iniabot sa akin.* isulat mo number mo. *i wrote my number.* there! you have my name and his name and our numbers. contact us pag maisasauli mo na yung phone, and that's the only time you can get your stuff.
m: ah! ganun ha?
c: tara na!

at lumabas kami ng kwarto. nagulat kami ng humabol sa amin si Marky at instead na gumamit ng elevator ay gumamit sya ng hagdan. nasa elevator kami ni Sir Charlie at may idea na naglalaro sa utak... at tama nga ang hinala ko.

pagbaba namin ng ground floor, nakatayo na si Marky sa pinto... at ayaw na kami palabasin ng guard. inireklamo kami ni Marky at tumawag na rin sya ng pulis na susundo sa aming tatlo! dahil ayaw na rin ni Sir Charlie ng gulo, nakisakay na lang kami sa nangyayari. ilang minuto pa, dumating na ang mga pulis, sinundo kaming tatlo, at dinala kami sa presinto. dahil may inaayos pang blotter case ang mga pulis na nasa istasyon, pinag-stay muna kami sa isang kwarto para makapagpahinga. matagal ang proseso, inabot kami ng halos isang oras na naghihintay sa kwarto. at nakatulog pa kaming lahat. ginising na lang kami ng pulis when it's our turn for the blotter.

unang kinausap si Marky. pagkatapos ay si Sir Charlie. at lastly, ako. pagkatapos, kaming tatlo na ang kinausap. kinukumbinse kami ng pulis na magkasundo na lang dahil magaan lang naman ang issue. pero talagang nagmamatigas si Marky. hanggang sa mismong yung pulis na ang sumuko.

pulis: kung hindi kayo magkakaroon ng kasunduan, mapipilitan kaming i-hold kayo dito sa presinto hanggang sa dumating yung piskal. eh holiday, so sa 26 pa yun.
c: okay na sa akin na kahit yung phone mo na lang ang panghawakan ko hangga't di mo naisasauli yung phone ko. para lang matapos na. ayoko na talaga ng gulo.
m: ako, gusto ko na ng gulo. wala akong pakialam kung magkakaso tayo
bs (bumulong kay Sir Charlie): sir, ayoko po magkaroon ng kaso.
c (pabulong sa akin): ang tigas ng ulo nitong gagong to.
Marky: magkakulungan na. madali ko naman mabubura yung kaso against me kasi iglesia ako. eh kayong dalawa? anong mangyayari sa inyo? kawawa naman kayo.

pagka-mention nya ng words na "kaso" at "iglesia," bigla akong nabalot ng takot at pangamba. malinis ang pangalan ko sa pulis at ayokong madungisan ito ng dahil lang sa isang kalokohan na hindi naman talaga ang ang gumawa. as for the iglesia, wala akong concrete evidence, pero marami na akong naririnig na kwento tungkol sa impluwensya ng iglesia sa kapulisan at sa malalaking kompanya sa bansa. basta, binalot ako ng takot. hindi ko mapigilang mapakislot at maiyak pagkabanggit nya ng mga salitang iyon. pinapakalma lang ako ni Sir Charlie habang si Marky naman at nakangising-demonyo lang.

pulis: sige, mukhang wala kayong mapagkasunduan. wala na sigurong choice kundi i-hold kayong tatlo.
c: teka lang po sir, pag-usapan ulit namin.
pulis: sige

at pumasok ulit kaming tatlo sa kwarto kung saan kami unang pinaghintay. dito na talaga ako bumuhos ng iyak. lumapit ako kay Marky at niyakap ko lang sya.

bs: bakit kailangang ganito ang mangyari Marky? i know you're a good guy. it doesn't have to end this way.
m: napasubo na ako. kailangan ko na panindigan to. ayoko namang mapahiya lang.
bs: but not this way! pwede namang daanin sa maayos na usapan diba?
m: hindi ko alam. naguguluhan na rin ako.
c: i think we all need to rest.

humiwalay ako sa pagkakayakap kay Marky at tumabi muna kay Sir Charlie. napansin ko na parang natulala lang bigla si Marky after ako humiwalay sa kanya.

tahimik. walang kibuang nagaganap sa aming tatlo. nakadantay lang ako sa balikat ni Sir Charlie habang nakayakap sya sa akin. si Marky naman ay tulala sa isang tabi, pero may luhang tumutulo sa mata nya. hindi namin namalayan na mahigit isang oras na pala kaming hindi nagkikibuan.

lumapit sa amin si Marky. that time, nakita ko... hindi na sabog si Marky. wala na ang tensyon sa mata nya. i guess the drugged is washed up na.

m: i'm sorry.
c: okay lang yun.
m: i'm really sorry.
c: it's okay.

finally, when all of us are calm, iniwan ko sa kwarto yung dalawa. maya-maya pa, lumabas na sila at kinausap na ang pulis. napagkasunduan ng dalawa na iiwan ni Marky ang mga valuables nya kay Sir Charlie at magkikita ulit sila after a week para mabayaran ni Marky yung iphone.

pumirma kami sa blotter na ginawa sa police station, at umuwi sa kanya-kanyang bahay. i got home with text messages from Sir Charlie and Marky.

Sir Charlie: maraming salamat! i did not expect you to do that much for me. you are a wonderful guy.
Marky: salamat, and i'm really really sorry. salamat kasi kahit masama yung ginawa ko, you did not judge me, at hindi mo ako pinabayaan. don't worry, tutuparin ko yung usapan namin ni Charlie. i was amazed by your wisdom. salamat talaga.

at nakatulog na ako ng mahimbing that time... nakatulog ako ng mahimbing dahil nakatulong ulit ako sa isang kapwa. nakatulog ako ng mahimbing dahil naambunan ko ng wisdom ang isang kaibigan ko, wisdom na kahit ako eh hindi ko ineexpect na meron pala ako. nakatulog ako dahil nawala na yung kaba sa akin na magpapasko ako sa loob ng kulungan. nakatulog ako dahil nagkaroon na naman ako ng isang karanasan that defines what christmas is all about...

maligayang pasko sa ating lahat.

23 December 2011

Preview: The Jail Before Christmas

pulis: kung hindi kayo magkakaroon ng kasunduan, mapipilitan kaming i-hold kayo dito sa presinto hanggang sa dumating yung piskal. eh holiday, so sa 26 pa yun.
Sir Charlie: okay na sa akin na kahit yung phone mo na lang ang panghawakan ko hangga't di mo naisasauli yung phone ko. para lang matapos na. ayoko na talaga ng gulo.
Marky: ako, gusto ko na ng gulo. wala akong pakialam kung magkakaso tayo
boy shiatsu (bumulong kay Sir Charlie): sir, ayoko po magkaroon ng kaso.
Sir Charlie (pabulong sa akin): ang tigas ng ulo nitong gagong to.
Marky: magkakulungan na. madali ko naman mabubura yung kaso against me kasi iglesia ako. eh kayong dalawa? anong mangyayari sa inyo? kawawa naman kayo.


ngayon ko na sana isusulat yung entry, kaso tinamad ako. kaya bukas na lang. :-)

16 December 2011

Paano Ang Pasko?

nagsimula na ang simbang gabi, hudyat ito na talagang papalapit na ang pasko. hindi ko nagawang umattend kanina kasi tulog ako at hindi ako nagising (at tsaka hindi rin naman ako roman catholic). useless na rin kung aattend pa ako sa mga susunod na simbang gabi. nung bata ako, ang turo sa akin, pag nakumpleto mo daw ang simbang gabi ay matutupad ang isang wish mo. since kulang na ng isa, hindi na matutupad ang wish ko. pero kahit naman yata makumpleto ko yung siyam na madaling araw (and it's weird that it's call simbang gabi!), mukhang mahirap matupad sa loob ng siyam na araw ang hiling ko.

kasama ko ang pamilya ko nung isang araw, nag-celebrate ng birthday ng pamangkin ko. simple lang ang gala. nagpunta ng simbahan ng antipolo (kahit hindi na ako catholic), kumain sa chic-boy, at pagkatapos ay naggala sa ever gotesco ortigas. habang magkakasama, hindi maiwasang mapag-usapan ang mga plano para sa darating na pasko. gusto ni mama na magdala ako ng isang bucket ng bonchon chicken, at si ate naman ay nagrerequest na bumili daw ako ng kahit maliit na cake para dagdag sa handa. napag-usapan na rin kung ano ang mga ihahanda... and si mama at si ate, kagaya ng dati, ay sa akin nagrerequest ng budget. kung saan ko kukunin yun, hindi ko alam.

sa pamamasyal namin sa mall, dumaan kami sa department store. hindi maiwasan ng mga malilikot na pamangkin ko na tumingin-tingin sa mga magagandang damit at sapatos na nakahilera.

"tito, bili mo ako nito!" paglalambing ng pamangkin kong babae.
"eto, tito." sagot naman ng pamangkin kong lalake. nakakatuwa na sobrang excited sya sa sapatos na napili nya at hinubad nya agad ang tsinelas nya para isuot ang sapatos.
"ay naku anak! ikaw talaga! sige sige, bibili tayo bukas." sagot ni ate.

tawanan lang kami ng tawanan sa kakulitan ng pamangkin ko, pero hindi ko maiwasang madurog ang puso ko sa nangyari.

ako ang naging bread winner ng pamilya. simula ng pinanindigan ko ang pagbukod sa amin, naging takbuhan na ako ng pamilya ko pagdating sa usapang pinansyal. hindi ko naman sila binigo nung mga nagdaang panahon. pero iba na ngayon.

habang naglalakad... binulungan ko si ate.

"wala na akong trabaho."
"ha? pano yan?"
"ewan, bahala na. wag mo na lang sabihin kay mama."
"sige. basta sa pasko ha. gumawa ka ng paraan."
"oo."

at dun lalo bumigat ang pakiramdam ko.

malamang sasabihin ng iba na kaartehan ko na naman ito, or isa na namang paraan para baka sakaling may maawa sa akin mag-donate ng panghanda sa pasko. sasabihin naman ng iba na ang importante ay kasama ko ang pamilya ko sa pasko. pero masakit na kasama ko ang pamilya ko sa pasko pero wala man lang akong nagawa para mapasaya sila sa araw na yun. kasalanan ba ang hangarin na maibigay ang luho ng bawat miyembro ng pamilya? ito ang nakakalungkot sa darating na pasko... na wala akong kasiguruhan kung maibibigay ko man ang mga gusto ng pamilya ko sa darating na pasko... or kung makakauwi man ako sa amin.

ang pasko ay panahon ng kasiyahan. pero bakit hindi ako masaya?

13 December 2011

I Started A Joke

the other day, i was informed by a friend that someone he knows likes my blog so much daw... nakakataba ng puso (at ng titi! bwahahaha... kidding!) na may mga tao palang natutuwa ng sobra sobra sa blog ko, ikinukuwento pa sa ibang tao! salamat po. and with that, i would like to send a special shoutout...

hello Thon! thanks for liking my blog. tuloy tuloy lang po sana. and i hope to meet you soon. merry christmas! :-)

* * * * *

mahilig akong magbiro.

sa mga kaibigan ko, madalas akong mag-pull ng mga prank jokes by acting out something. (e.g., kinakapos kunyari bigla ng hininga, or biglang natutulala at maiiyak, or biglang masusuka kunyari). and then, ang nakakatawa dito, kahit ilang beses ko na sya inuulit-ulit, naloloko ko pa rin sila!

sa mga pinsan ko naman, ang madalas na successful wow mali moments ko with them is yung bigla na lang ako kunyari mahihiwa or masasaktan, or yung kunyari eh pinapatawag sila ng kung sino pero wala naman.

mahilig din ako magpanggap na may kausap sa phone, pero wala naman talaga.

sa pag-ibig, hindi ako mahilig magbiro. pero ang tadhana ang madalas magbiro sa akin (haha!)

may mga times naman na mga clients ko ang nabibiktima ng mga pagbibiro't kalokohan ko. mabuti naman at hindi sila napipikon at nagagalit.

nagkita kami ni Sir Ben sa isang fastfood na malapit sa bahay nya, sunday. kumain muna saglit, at pagkatapos ay pumunta na sa haus nila.

"mag-isa lang ako dito, kaya ayun! nainvite kita. ngayon lang kasi nagkaroon ng chance na masolo ko ang bahay eh." sabi ni Sir Ben habang naglalakad kami papunta sa kwarto nya. at umandar na naman ang pagiging loko-loko ko, kaya napabanat ako.

"okay lang, nandyan naman sya o!" sabay turo sa kawalan, kunyari eh may itinuturo akong multo.

naki-ride naman si Sir Ben sa sinabi ko.

"hayaan mo lang sya dyan,. buti nga hindi pumapasok sa kwarto ko yan eh."

palabiro din pala si Sir Ben. umabot na kami sa kwarto nya at nagsimula nang maghubad when he asked me to place my stuff sa kabilang side ng kwarto.

"hindi mo ba nakikita?"

hindi ko ma-gets kung ano yung sinasabi nya. then he clarified.

"yan o. yung isang bantay ko dito sa kwarto." at sya naman ang tumuro sa kawalan kung saan ko dapat ilalagay yung mga gamit ko.

"hahah! meron din ba dito?" nerbyos na tanong ko.
"oo." Sir Ben answered flatly. "wag mo na lang pansinin."
"wag ka magbiro ng ganyan SIr Ben. mahina ang loob ko sa mga ganyan!"

sa laki kong ito, sobrang takot ako sa mga supernatural stuff. palagay ko nga, psychological na talaga ito, hindi lang basta kaartehan. isang beses nga, nanood kami sa boarding house ng isang movie na may kinalaman sa mga supernatural things... and literally, i ended up screaming while sleeping! ganun katindi ang epekto nya sa akin. nightmares na sobrang nakakakilabot.

"hindi ako nagbibiro. may third eye ako." sabi ni Sir Ben.

at dun na talaga ako nagsimulang kabahan. ang lakas ng tibok ng dibdib ko na pakiramdam ko eh nakikita ko na rin kung ano man ang nakikita ni Sir Ben.

"akala ko naman may third eye ka rin."
"wala po. mamamatay ako kung may third eye ako."
"mabait naman sila eh. hindi naman sila nanggugulo unless bulabugin mo sila." attempt ni Sir Ben para pakalmahin ako. "tara, masahe na tayo. wag mo na lang sya pansinin."

minasahe ko si Sir Ben pero hindi matanggal ang tingin ko dun sa sulok kung saan may nakaupo daw na batang lalake. nagsimula na rin akong maparanoid. bawat ihip ng hangin mula sa bintanang nakabukas sa kwarto ni Sir Ben, napapalunok ako. pag may weird na anino na dadaan, or pag nabablock yung ilaw, napapalunok ako. pag may weird na sound na kukuliglig o kikiskis sa labas ng kwarto ni sir, napapalunok ako. basta kapirasong elemento na malakas maka-horror film, napapalunok ako.

hanggang sa finally, nilunok na ni Sir Ben ang gusto nyang malunok sa akin. tapos ang serbisyo.

"sige, shower ka na muna." sabi sa akin ni Sir Ben.
"hinde. sa bahay na lang po." sagot ko naman. pero sa totoo lang, gusto ko mag-shower, kaso naunahan na naman ako ng takot kasi baka nag-aabang sa akin sa banya si Toshiyo.
"haha! walang multo dun. wag ka mag-alala."
"hinde. pramis. okay lang po ako. sa bahay na lang ako maliligo bago matulog."
"okay."

nagbayad si Sir Ben at sinamahan nya ako palabas ng bahay nya. napatingin pa ako sa unang kawalan kung saan ako tumuro nung pumasok kami. thank god talaga at wala akong third eye... or else baka huling client ko na si Sir Ben.

sumakay na ako ng taxi pauwi dahil pagod at antok na ako... and then the song in the radio summarized what i had experienced that night...

i started a joke... and the joke was on me.... oh woh woh woh...

09 December 2011

The Unplanned Dinner: BS Meets BS

sa pagrerecall ko, narealize ko na ngayon lang ako nag-birthday na walang saysay. walang ganap. nganga! kaya naisip kong hindi pwedeng matapos ang araw ng walang something special na nangyayari.

and isa lang ang agad pumasok sa utak ko... yakimix! pero dahil boring kumain sa buffet ng mag-isa (pag nabusog ka, wala kang makakwentuhan, so ang tendency, uuwi agad... sayang ang bayad!), kinailangan kong maghanap ng makakasama. pero dahil kapos ako sa pera, dapat kkb. hehe!

tinext si Kulot, bestfriend ko... hanggang 9pm ang work, hindi pwede.
inaya ang mga hausmates... walang anda at may mga pasok, hindi pwede.
tinext ang other friends... hindi sumagot yung iba, yung iba naman busy, hindi pwede.

ending... wala akong kasama!

out of desperation, nag-post ako sa facebook na gusto kong kumain sa yakimix. at salamat kay Buddha at naging successful naman ang desperate attempt ko... may nagreply sa status ko! at ayun... nagkaroon ako ng instant na kasama mula sa taong facebook friend ko lang... si Bimby!

dumating ako sa starbucks greenbelt kung saan namin napagkasunduang magkita ni Bimby. makalipas ang ilang minuto, here comes Bimby in his black jacker and demin shorts. in fairness... cute sya!

kaunting kwentu-kwentuhan habang naglalakad papuntang yakimix... puno! hindi lang puno! punong-punong-puno! in fact, overflowing pa! pero, kahit na. nagpalista pa rin si Bimby ng table for 2... at pang-26 kami sa listahan!

"mga one and hald hour to two hours pa to." sabi nya.

kahit na gutom na gutom na gutom na ako, pumayag na lang ako. buti na lang, gutom na rin si Bimby at naisipan nyang i-check ang isa pang asteg na buffet option.

"dads?"

kaso, i want loads of sushi, so i declined. pero may kontrabelo ang mokong.

"dude! like there's a lot of sushi in dad's!"

aba! kinokonyo ako! tapatan ko nga.

"all right! *in my trademark pasosyal-pero-sexy-pa-rin accent. dad's then!"

at naglakbay kami ng ilang milya papuntang dad's, which is okay din... para mas magutom kami! got our table (walang masyadong tao) and started pigging out. kumuha ng isang plato, pinuno ng samu't saring sushi, isang plato for grills, and tig-isang plato sa kung anik-anik na pagkain. umorder ng drink-all-you-can na iced tea (na may libreng stuffed toy... kainis nga lang kasi naubusan ako ng stuffed toy na christmas tree!) at pagkatapos ay nagsimula ang kilanlanan. dun ko nalaman na...

1. he's also from my hometome pala!
2. kilala n'ya ang ilan sa mga super close friends ko nung high school.
3. he's also a school paper writer nung high school sya.
4. he's also into "high" stuff like me! (ehem ehem!)

nakakatuwa na itong estranghero na ito (na dalawang beses ko na daw nireject sa facebook! ahaha! sorry naman!) eh someone pala na connected na sa akin long before. kung bakit hindi nagkrus ang landas namin, hindi ko alam. pero kung nagkrus man... malamang taken na ako! (kapalmuks lang! hahaha!). enjoy ang kwentuhan. at pagkatapos pa, nilibre nya pa ako ng dessert! bizu macarons! super yum!

nagpasama rin pala si Bimby sa hermes, may titignan daw sya. hermes... sosyal! well, halata namang sosyal si Bimby. pag katabi ko sya, mukha akong bodyguard... o kaya naman eh presidente ng fans club! pumasok kami sa nasabing tindahan at dumiretso sya sa istante ng mga bangles at bracelet.

"miss, how much is this silver bangle with the keme keme keme (nakalimutan ko yung exact words nya eh, basta ang tinatanong nya is yung silver na bangle na may black na letter h.)"
"this one?" turo ng sales lady na fresh na fresh.
"yes."
"it's 35 thousand."

napalunok ako nung narinig ko yung presyo! anak ng puting pating! tatlumpu't limang libong piso?! para sa bracelet?!

"okay. may iba bang kulay?" kaswal na tanong ni Bimby.
"well, sir, we have this gold one. shemer shemer shemer (describe lang si ate ng specifications ng bangles... yes... may specifications ang bangles! parang cpu lang!)."
"and is it the same price?"
"it's 39 thousand."

that time, hindi lang lunok ang ginawa ko... lunooooooooooooooookkkkkkkk!!!!!!! anak ni Ramon Revilla naman! 39 thousand! bracelet! aysus! eh makakabili ka nga ng ganung bracelet sa quiapo sa halagang sikwenta pesos eh! tsaka ang liit liit nung bracelet, hindi naman halatang mamahalin, at hindi rin naman mahahalata pag suot mo! pero hindi na lang ako nag-react, mahirap na no. baka ano pang masabi ni Bimby.

lumabas kami ng hermes at natawa ako sa reaction niya...

"putangina! ang oa sa mahal ha!"

good! apparently, we're on the same wave pala! haha! gala pa ng kaunti sa landmark, tingin ng mga mamahaling bags (price range: 10 thousand to 25 thousand). wow! samantalang ako, kwarenta pesos lang ang yellow triangle bag ko. 25 thousand for a bag... sus miyo! mapapakain mo na sa dad's ang isang pamilya sa ganung halaga... for one week!

"grabe! sosyalin ka talaga." bati ko kay Bimby matapos naming lumabas sa isang store ng mga dance and ballet shoes.
"haha! hindi naman!"

matapos ang dinner at kaunting gala ay naglakad na kami pauwi. kwentu-kwentuhan lang, and i found out one more linking factor between me and him...

he actually reads my blog, but he has no idea that it is me! natawa pa sya nung sinabi kong ako si Boy Shiatsu. kool!

inihatid pa ako ni Bimby sa sakayan ng bus when i told him something na kanina ko pa gustong sabihin sa kanya.

"ang bigat ng tiyan ko... napu-poo-poo ako!"

natawa si Bimby sa sinabi ko, pero malugod naman nyang ini-offer na pumunta kami sa bahay nya (na super lapit lang naman). at least i won't feel uneasy habang nasa byahe. at mahirap nang magkalat sa bus... i don't want my birthday memory be ruined by such "memory." hahahaha!

sugod sa bahay nila, diretso agad ako sa cr at inilabas ang masamng dullet ng buffet. habang nagbabawas, panay pa ang chant ko...

i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...

hanggang sa nakaraos. so, pwede na ulit ako kumain sa buffet!

kaunting kwentuhan at chismis pa with Bimby, and we called it a night. went home with a smile on my face, happy to think that it's actually fun to spend dinner with a total stranger. thanks for the night Bimby.

at bakit nga pala BS meets BS?

thru text...
him: blog about our meet up ha! i'll wait.
me: haha! sure! anong name gusto mo?
him: suggest
me: hmmm... Pepot?
him: yuck!
me: ano ba gusto mo, yung sosyal?
him: like what?
me: like your real name!
him: gagu! hahaha!
me: *sends him a long list of names that crossed my mind*
him: Boy Suplado!
me: tama! BS meets BS

kung bakit Boy Suplado... it's our secret na lang! ;-)

* * * * *

ps: edited post, changed name to Bimby... kasi kabuhok nya si Bimby/Baby James! so BS now stands for Bimby Suplado! :-)

Dalawampu't Anim

nung bata pa ako, ang mindset ko is dapat paglagpas ko ng 25, maayos na maayos na yung buhay ko. yung may sarili na akong bahay, matinong trabaho, maayos na sustento sa pamilya, masarap na lovelife (haha!)... basta, yung tipong okay ka na sa lahat.

pero ngayon, ni isa sa mga yun, wala ako!

nalulungkot ba ako? oo. pero not to the point na disappointed ako sa sarili ko.

sa dalawampu't anim na taong nakikisiksik ako dito sa mundo, bagamat wala ako ng mga bagay na pinapangarap ko, may mga bagay naman akong pwede kong ika-proud.

na sa ganitong edad, name-maintain ko pa rin ang pagiging childish ko. para sa akin, strength yun, kasi laging positive ang outlook ko. masayahin lagi. malambing. light lang. stress-free. may mga kaklase ako na stressed na stressed na sa buhay nila, pero ako chillax lang.

na sa ganitong edad, mas priority ko ang happiness ko kaysa ang practicality. oo, sasabihin ng iba na hindi magandang ugali yun. pero para sa akin, mas importante na habulin mo ang bagay na magpapasaya sayo, kaysa unahin ang pagiging praktikal, tapos pagtanda mo, magsisisi ka na hindi mo ginawa ang mga bagay na gusto mong gawin.

na sa ganitong edad, malakas pa rin ang kapit ko sa mga prinsipyo ko sa buhay.

na sa ganitong edad, marami akong napasayang tao.

na sa ganitong edad, wala akong tinatapakan pagdating sa usapang ego.

na sa ganitong edad, bagamat sa tingin ng ibang tao ay palpak ang buhay ko, proud ako sa sarili ko at sa mga pinagdaanan ko.

lagpas na ako sa first quarter, panahon na para sumabak sa susunod.

kampay sa ika-dalawampu't anim.

BoyShiatsu, 25 yesterday, 26 today, philippines!

(makapag-blog lang tungkol sa birthday! hahaha!)

06 December 2011

The Ex Factor

malakas siguro talaga ang impluwensya ko sa pagiging pokpok.

masahista na ako nung naging kami ni Chino. tanggap nya naman yung pagiging masahista ko. hindi sya umalma na nakikipag-sex ang boyfriend nya kung kani-kanino. he saw deeper inside of me. and sobrang naappreciate ko yun. pero isang buwan lang tumagal ang relasyon namin! ahaha! ayoko na lang ikwento yung detalye nung nangyari sa relasyon namin.

pero hindi naman bitter ang after-breakup namin. in fact, close pa rin kami. lumalabas pa rin paminsan-minsan, magkasamang gumigimik, at may sleep overs. pero zero sex na! ewan. pag naging medyo intimate na, nagkakailangan na agad kami. pero, okay lang yun.

minsan habang kumakain kami ng pizza sa isang mall, nagtanong si Chino...

chino: wala ka pa rin bang work?
bs: masseur pa rin. why?
chino: parang hindi ka kasi nauubusan ng pera.
bs: ah... ahehehehe...
chino: ipasok mo nga ako dyan
bs: gago!
chino: oo nga! seryoso ako!
bs: ewan ko sayo! adik!
chino: bakit? takot ka na maagawan kita ng clients?
bs: haha! loko loko.
chino: sige na! pasok mo ako!

at dahil nga mapilit ang punggok, ipinaliwanag ko kung paano ako nagsimula. hanggang sa ayun, nabalitaan ko na lang (at nakita ko rin sa website) na isa na sya sa mga chosen ones!

ilang mga linggo kaming hindi nagka-bonding ni Chino after that. busy sa mga kanya-kanyang clients. hanggang sa isang araw ay nagtext sya.

chino: uy, paano papunta ng serendra two?
bs: you mean two serendra?
chino: serendra two nga
bs: walang serendra two. two serendra yun!
chino: whatever. sagutin na lang ang tanong.
bs: sa fort yun.
chino: alam ko! eh pano nga papunta dun?

at itinext ko sa kanya ang full instructions kung paano pumunta dun, pati estimate gastos sa pamasahe. kabisado ko pa kasi nagkaroon ako ng client dun almost a week before.

chino: salamat
bs: client?
chino: uu
bs: enjoy

at tinuloy ko lang ang ginagawa ko nung mga oras na yun (nanonood ako ng kyle xy na dvd). ilang minuto pa, tumunog na naman ang cellphone kong naka-silent. ibig sabihin, call yun. hindi text. pause sa dvd at sinagot ang tawag. after a few minutes, itinext ko agad si Chino.

bs: ngayon ba yung client mo sa two serendra?
chino: mamayang gabi.
bs: 6pm?
chino: uu
bs: hahaha!
chino: bakit?
bs: DOUBLE TAYO!!!

double means dalawang masahista ang magseservice sa isang client. sa pagkakataong iyon, ang client na nag-hire sa akin ang tumawag at nag-book sa akin to service him that night. double daw kami ni Chino.

chino: ahahahah! potah namang trabaho to o!

kung sa akin, walang problema, alam kong malaking challenge kay Chino ang magsama kami sa isang client. hindi ko alam kung bakit malaking issue sa kanya ang mag-sex kami ulit.

bs: you want, decline ko na lang? hanap na lang ikaw ng ibang ka-double?
chino: baka naman magalit yung client.
bs: yun lang
chino: ay! sya! bahala na! sabay na lang tayo pumunta.

at maya-maya nga ay magkasama na kami ni Chino na pumunta sa two serendra. (bakit nga ba two serendra ang tawag dun? pwede namang serendra two? kaartehan!). pinuntahan namin ang nasabing client. kwentuhan saglit. at naligo na si client, habang kami naman ni Chino ay naiwan sa kwarto. kaswal lang akong nagprepare ng mga gamit pangmasahe ko habang si Chino naman ay halatang naiilang.

chino: ang weird.
bs: bakit naman? *tuloy lang ako sa paghuhubad, hanggang sa naka-brief na lang ako*
chino: ayan! ayan ang weird! *sabay turo sa akin*
bs: hey! ginusto mong pumasok sa ganitong trabaho.
chino: pero, to double with you? basta! weird!

yan ang isa sa mga dahilan ng breakup namin ni Chino. may mga "kaartehan" sya na hindi ko ma-gets. and ako, being the cowboy that i am, madalas eh walang pakialam sa mga kaartehan nyang yun. mismatch.

bs: eh ano gusto mong gawin natin? nandito na tayo!
chino: haaayyy...
bs: ikaw sa upper body part, ako na sa baba.
chino: okay.

wala na syang magawa. and wala akong pakialam kung wala syang magawa. trabaho lang yun for me, at tsaka alam ko naman ang limits ko. the client hired us both para paligayahin sya. so syempre, ang lalampungin namin is yung client, at hindi ang isa't isa.

pero... mali pala ako!

pagkatapos ng nakatokang body parts sa amin (upper bod kay Chino, lower bod sa akin), sinimulan ko na ang pangroromansa kay sir client habang hinuhubad ang brief ko. napatingin sa akin si Chino, halatang naiilang. pero dinilatan ko lang sya, sensyales na gawin na lang nya ang kailangang gawin. walang nagawa si Chino. takot sya sa akin pag dumidilat na ako. hinubad na rin nya ang underwear nya at nagsimula sa pangroromansa. tuloy tuloy lang ang ginagawa namin ng biglang nag-request si sir client.

maghalikan daw kami ni Chino.

dito, talagang hindi na maipaliwanag ang mukha ni Chino. pero, dinilatan ko na lang ulit sya. habang inilalapit ko ang mukha ko sa mukha nya, binulungan ko sya.

bs: umayos ka
chino: fine fine

at nagsimula na kaming maghalikan. naramdaman ko naman na pagdikit ng labi ko sa labi nya, nawala na kahit papaanoyung ilang factor. hanggang sa, mula sa halikan, ay tuloy tuloy na ang lampungan namin. halata namang nag-e-enjoy si sir client sa napapanood nya.

tuloy tuloy anbg aksyon. romansahan kami ni Chino, and then roromansahin namin si sir client. paulit ulit. painit ng painit. hanggang sa nakaraos kaming tatlo.

unang naligo si client, at naiwan na naman kaming dalawa ni Chino sa kama, nakahiga, hubo't hubad, at may malagkit na something something sa katawan namin.

chino: weird
bs: ganyan talaga ang trabahong masahista
chino: di ka man lang nailang?
bs: trabaho lang. tsaka nag-enjoy rin naman ako.
chino: hayop ka! move on na kasi!
bs: ahahaha! nag-enjoy ka rin naman eh.
chino: ulol!
bs: ako pa lokohin mo? ang dami ko nang naka-double. i can tell na kung nag-e-enjoy yung kasama ko o napipilitan lang.
chino: ikaw na! ikaw na ang magaling!
bs: see? nagalingan ka sa akin!
chino: tangina mo!

at natawa na lang kaming dalawa.

naligo kami ni Chino (hindi magkasabay, ayaw nya) pagkatapos ni sir client. at pagkabihis namin ay ibinigay na sa amin ni sir ang bayad... doble sa napagkasunduan!

"you're both great! you look hot together!" sabi ni sir bago pa kami umalis.

napag-isipan muna naming gumala at kumain sa market market pagkatapos ng client. bumili pa kami ng t-shirt... at parehong t-shirt pa ang binili namin!

bs: see? gaya-gaya ka pa ng t-shirt!
chino: bawal bang bumili ng t-shirt na ganyan din?
bs: umamin ka na kasi... hindi ka pa rin nakaka-move on. hahaha!
chino: ewan ko sayo.
bs: kay sir na nanggaling o... we look hot together daw!
chino: aysos!
bs: ehehehehe... hoping pa o!
chino: oo na! hoping na! mahal na mahal kita eh! *with sarcasm*
bs: ako rin naman eh! walang gabing hindi kita iniisip
chino: everytime i'm with a date, iniisip ko na sana ikaw yun.
bs: namimiss ko ang mga panahong pinaghihimay mo ako ng isda kapag kumakain tayo sa inyo
chino: namimiss ko naman ang pagsayaw-sayaw mo sa kwarto habang naglilinis ako
bs: amisyu! pakiss nga!
chino: ewan! ahahahahaha!
bs: hahahahaha!

dahil nagkakalokohan na ang usapan, umuwi na lang kami na parang walang nangyari.

03 December 2011

Iron Man

nagkita kami ni Sir Robert sa isang sikat na mall sa manila. nainis pa ako ng kaunti kasi ang gulo nya kausap.

"dito tayo sa starbucks magkita."

tapos nung dumating na ako sa starbucks...

"nandito ako sa may department store, 2nd floor."

umakyat ako at pagdating sa department store...

"ang tagal mo. nandito ako sa baba, sa may lobby paglabas ng department store."

sa totoo lang... gusto ko nang umuwi na lang. gaguhan lang yata to eh. every minute na lang eh nasa ibang location. pero, nandun na rin naman ako, sige na lang. bumaba ako papunta sa lobby na nabanggit ni sir.

"nandito na po ako."
"punta ka dito sa ministop, may binili lang ako."
"hindi na sir. hintayin na lang kita dito. kanina ka pa palipat-lipat eh. seryoso ba tong appointment na to?"
"okay. punta na ako dyan."

maikli talaga ang pasensya ko sa mga ganung klase ng tao. hindi mapirmi sa isang lugar. alam nang may kailangan sya i-meet, lakad pa ng lakad. ano ba naman yung maghintay ng ilang segundo diba?

finally, nag-himala ang panginoon at dumating si Sir Robert. medyo matanda na sya, nasa 50+ na, so hindi ko ma-imagine kung paano nyang nagagawa na mabilis na makaalis from one location from another. baka lumilipad sya.

"tara, punta na tayo sa pad ko." sabi ni Sir Robert. at dahan dahan kaming naglakad papunta sa place nya.

pagdating sa kwarto, umupo muna si Sir Robert at nagsimulang mag-interogate. eto, mas nakakainis, kasi yung mga tanong nya eh may kasamang pangungutya. kulang na lang talaga eh lagyan ako ng nakataling bumbilya na gumagalaw-galaw sa ibabaw ng ulo ko at itali ako sa upuan, and then everytime sasagot ako ng hindi maganda ay bubuhusan ako ng tubig o kaya naman eh kukuryentehin.

"bakit ganito trabaho mo?"
"parang wala naman sa hitsura mo ang magmasahe. parang hindi ka marunong."
"sayang lang yata pera ko sayo."
"baka hindi mo ako kayanin."
"hindi yata ako mag-e-enjoy sayo."

at ang pinakamasakit sa lahat...

"medyo mataba ka pala."

aray! tagus-tagusan na ang mga sinasabi ni Sir Robert. asaran yata talaga ang gusto nya, hindi serbisyo. buti na lang iron man ako... ewan ko ba kung anong nakain ko that time at parang hindi man lang ako na-o-offend sa mga sinasabi nya. bumanat na lang ako.

"sir, try nyo muna bago kayo magsalita."

at mukhang nagustuhan ni Sir Robert ang hamon ko.

nagsimula ang masahe... aba! malibog pala si sir! wala pa yatang limang minuto akong nagmamasahe ay dinakot na nya agad ang junior ko. so, syempre, dahil horny din ako, tumigas agad ang junior ko na parang bakal. so shortcut na agad kami sa extra. maaga kami matatapos, ayus!

yun ang akala ko.

tumihaya si Sir Robert at hindi pa pala matigas ang junjun nya. okay lang yun. siguro medyo matagal lang talaga sya tigasan.

"suck mo ako. patigasin mo."

at sinimulan ko ngang isubo ang putotoy ni Sir Robert na hanggang ngayon ay tulog pa rin. subo subo subo. hindi ako worried kasi alam kong magaling ako dito. tuloy tuloy lang, pero parang may something wrong.

makalipas ang halos 10 minutes na paglalaro ng junior ni Sir Robert... malambot pa rin to! saktong-sakto lang sa name nya... Robert... Downey Junior... parang may downy yung putotoy nya sa lambot... pero hindi sa bango!

effort pa rin ako sa pag-suck, pero wala pa ring nangyayari. 15 minutes... 20 minutes... 25 minutes... at kalahating oras na halos! pero wala pa ring pagtigas na nagaganap! and, seriously, sobrang sakit na ng panga ko. i'm stuck here. titigil ba ako o tutuloy lang? pag tumigil ako, mawawala yung kung ano mang libido ni Sir Robert, so back to start ako! pag naman nagtuloy-tuloy lang ako, i may end up breaking my jaws! ganun ka-seryoso! pero mas pinili ko ang safety ko.

tumigil muna ako sa pagtsupa.

"wait lang sir."
"o, bakit ka tumigil?"
"sir, hindi ka tinitigasan. wait lang. ang sakit na ng panga ko."

natawa si Sir Robert.

"ganyan talaga pag matanda na."
"okay... so..."
"suck mo lang, titigas din yan."

walang choice, isinubo ko ulit ang Downy Junior ni Sir Robert. lahat na ng technique na alam ko, ginawa ko na. pero talagang hindi na... give up na ako.

"sir, handjob na lang kita."
"hindi, ako na lang."

at nagsimula nang mag-kamay si Sir Robert, habang ako naman eh nilalaro ang lahat ng pwede kong laruin sa katawan nya. ilang minuto pa ay umuungol na si Sir Robert... pero hindi pa rin sya tinitigasan! hanggang sa kanya na nanggaling ang white flag.

"sige, okay na. mukhang hindi na talaga kaya."
"sure po kayo?"
"oo. shower ka na."

at naligo na nga ako as instructed. sumunod na naligo si Sir Robert at pagkatapos ay nagbihis na kami.

"sir, okay lang po talaga kayo?"
"oo naman."
"pero hindi ka nilabasan."
"it's okay. ang galing mo nga eh."
"ngek! kung magaling ako, dapat nilabasan ka."
"haha! hindi yun! ganun talaga pag matanda na. mahirap na tigasan. pero, magaling ka iho, worth the money."
"salamat po."

at umalis ako mula sa bahay ng super hero who seems to have a difficulty living up to his own name... Robert Downey Junior... Iron Man... go figure!

28 November 2011

Immaculada Concepcion

dalawang linggo na lang bago ako magdiwang ng bertdey... pero hindi ko pa rin kilala ang tunay kong ama! tama ang nabasa nyo. illegitimate child ako.

yata.

mga 8 years ago ng nangyari ang isa sa pinaka-significant na pangyayari sa buhay ko. matapos ang 24 years ng pagsasama, naghiwalay ang nanay at tatay ko. ang dahilan, third party. may bagong kulasisi ang tatay ko.. kapitbahay namin, and 20 years younger than him. ganyan katinik ang ama ko. ika nga, age doesn't matter.

matahimik ang paghihiwalay... kasi paggising ng mum ko, wala na ang tatay ko sa bahay. ganun katahimik. pero kung matahimik ang paghihiwalay, ma-isyu ang after-break-up. walang sinabi ang relasyong Piolo-KC sa dami ng mga intriga at pasabog na kumalat after maghiwalay ng parents ko. nandyan yung kesyo ang dahilan ng dad ko kung bakit daw sya humiwalay sa mom ko dahil daw mas marami pang atensyon at pag-aaruga na ibinibigay ang mom ko sa apo nila kaysa sa kanya. nandyan yung tipong ipinapakulam daw ng pamilya namin ang pamilya nung babae kaya hindi gumaling-galing yung sakit ng nanay nung babae. at ang pinaka-kontrobersyal sa lahat...

anak daw ako ng nanay ko sa ibang lalake.

syempre tinawanan lang yun ng mga kakilala namin na nakarinig. kahit nanay ko, tinawanan lang yung. pero para sa akin, hindi nakakatawa yun. para i-disown ka ng tatay mo ng ganung kadali, hindi maganda sa pakiramdam yun. sa aming dalawa ng ate ko, ako yung kamukhang kamukha nya. all my life, i tried my best to win his attention. hindi sya pumunta sa kahit anong graduation or recognition ceremonies ko. hindi ko agad naidedemand sa kanya ang kung ano mang gusto o kailangan ko pero sa ate ko, isang pitik lang bigay agad. at sa paglaki ko eh wala akong naalalang kahit anong pagkakataon na naging proud sya sa akin. siguro nga kasi eh hindi nya ako anak. daw. kaya pala nung panahong magkahiwalay na sila ng mama ko, at kailangan ko syang puntahan weekly for my school allowance, literally eh kailangan ko pang manlimos o umiyak para sa kakapirasong halaga na kasya lang sa dalawang araw.

hindi ako anak ng tatay ko. kahit hindi ako masyadong close sa kanya, masakit na marinig na manggaling sa sarili mong ama ang ganung mga salita. sige, sabihin na nating nasabi nya lang yun dahil "bitter" sya sa paghihiwalay nila ng mama ko kaya kailangan nya gumawa ng ganung klaseng issue para makuha nya ang simpatiya ng tao. pero, kailangan ba talagang ganung kabigat na statement ang ikalat nya? itanggi ang sarili nyang anak? siguro naman that gives me enough reason to disown him as well.

sa una, mahirap at sobrang sakit. pero habang tumatagal, naging madali na rin sa akin... hindi ang patawarin sya. naging madali sa akin ang kalimutan na rin sya bilang ama.

isang beses na magkausap kami ng mama ko, may binanggit sya sa aking balita.

mama: ang tatay mo daw, nak, may tumor yata o cancer sa apdo. hindi ko sigurado eh. basta, may sakit daw.
me: ah... okay. hayaan mo sya.
mama: puntahan mo kaya.
me: ayoko. hindi ko naman kaano-ano yun.
mama: ano ka ba anak? matagal na yun. hindi mo pa rin ba napapatawad ang ama mo?
me: eh hindi ko nga kilala kung sino tatay ko diba? sabi nya hindi nya daw ako anak. kasi naman ma eh, sino ba talaga tatay ko? hanapin nga natin, baka sakaling sobrang yaman pala ng tatay ko, edi instant yaman din tayo! hahahahaha!
mama: hahaha! siraulo ka talaga. manang-mana ka sa ama mo.
me: eh hindi ko naman kilala kung sinong ama ko eh!

at tuloy lang ang tawanan namin ng mama ko habang kumakain. though naniniwala naman ako sa sinasabi ng mama ko na anak nya ako sa kinilala kong tatay ko. and besides, tali sa bahay ang mom ko sa buong panahon na magkasama sila ng tatay ko, paano syang magkakaanak sa ibang lalake? between my mom and my dad, ang tatay ko ang maraming history ng pambababae at pangangaliwa (isa pa sa mga namana kong traits sa kanya, kaso sa lalake ako! ahaha!). ang mom ko, daig nya pa ang loyalty ni Chavit Singson kay Manny Pacquiao pagdating sa tatay ko.

so kung iisipin... anak ako ng mom ko, pero hindi ako anak ng dad ko... aha! immaculate conception baby ako! tama! ipinanganak ako sa pamamagitan ng himala! sa bulong ng isang anghel (o demonyo?) sa nanay ko! nabuo ako ng walang pagtatalik, at sigurado akong nung araw na ipinanganak ako (one day after immaculate conception) ay may isang maliwanag na tala rin na lumabas sa kalangitan.

tama! yun siguro yung rason kung bakit medyo kakaiba ako compared sa mga kaedad ko. yun yung rason kung bakit i talk about random stuff everytime. yun ang rason kung bakit mahilig akong kumanta at sumayaw kahit nasa kalsada ako at naglalakad, walang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga nakakakita sa akin. yun ang rason kung bakit mahilig ako sa mga foreign language songs kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. yun ang rason kung bakit mahilig akong tumambay sa loob ng cr kahit wala naman akong ginagawa. yun ang rason why people say that i have the incredible gift of gab (kahit hindi ko naman kilala si gab at hindi ko alam kung bakit nya ako binigyan ng incredible gift). yun ang rason kung bakit matatas akong magkabisa ng mga linya at detalye sa commercial. yun ang rason kung bakit nakakasabay ako sa mga golden sunday music kahit hindi ko naman alam yung kanta. yun ang rason kung bakit mahilig ako makipaglaro at makipagkulitan sa mga pulubi. yun ang rason kung bakit ako weird... kung bakit ako special... kasi immaculate contepcion baby ako!

sabi na nga ba, all this time, i am someone different! teka, i should inform wikipedia about this.

26 November 2011

Dya Koling

hindi naman siguro kaila sa inyo na umattend ako ng national consultation seminar a few days ago. masarap na experience kahit masakit sa ulo. pero, paano nga ba ako napasama dito?

naimbita ako ng quezon city hall para sumali sa isang focused group discussion sa mga sex workers dito sa manila. kung paano nilang nakuha ang number ko, hindi ko alam. pumayag akong sumali. unfortunately, hindi natuloy ang nasabing discussion. pero hindi naman sya cancelled, na-reschedule lang at a latter date. the same people who invited me is also organizing the national consultation seminar-workshop for drafting a proposal for the hiv funding from global fund round 11 (whew! nosebleed!) and tinanong nila kung pwede ba akong makasama dahil isa nga naman sa mga sobrang at risk sa sakit na ito eh kaming mga pokpok. national convention daw, so participants from all over the philippines ang kasama.

wow! pambansang seminar para sa mga pokpok! nakakatuwa! na-excite ako at nag-confirm. una, dahil maganda ang layunin ng nasabing conference. pangalawa, dahil gusto ko ulit ma-experience mag-check-in sa isang magandang hotel. pangatlo, naintriga ako sa kung ano ang itsura ng mga pokpok sa ibang panig ng bansa. so, suma total, excitement at curiosity lang ang talagang rason kung bakit ako pumayag na sumama. not to mention na walang gagastusin. kahit pamasahe eh ire-reimburse. ayus!

pagdating sa hotel kung saan gaganapin ang seminar, nagulat ako. hindi na-meet yung expectation ko! akala ko puro mga sex workers ang kasama sa seminar. but when i got there, halu-halo! may katamtaman, may panget, may transgender, may lola, may tatay, may mukhang durugista... walang pogi! fine, sige, meron naman, pero kakaunti. nawala yung enthusiasm ko, pero dahil nandun na rin naman ako, tuloy pa rin.

but as the seminar started... dun na nag-sink-in sa utak ko kung ano ba talaga itong seminar na pinasukan ko. so hindi lang pala tungkol sa sex workers ito. tungkol ito sa lahat ng most at risk people sa hiv. nandyan ang mga men having sex with men, mga transgenders, mga sex workers, at mga injecting drug users. may kasama rin kaming mga plhiv (people living with hiv) or, in layman's term, mga taong positive. nakakatuwa. it's such a good mix with different c0ncerns and different issues, but we all came together for one cause... to cease, or at least lessen, the spread and the effects of the dreaded virus.

the seminar was really draining, pero sobrang saya! nakakatuwang makipag-interact sa iba't ibang uring groups from all over the philippines. here i am doing some hiv advocacy keme keme, thinking that what i am doing is serious and enough, and yet makikilala ko itong mga taong ito who's been doing the advocacy for like 5 years, 10 years, or more! nakaka-inspire.

natapos ang nasabing seminar after 3 days. at bagama't hindi maganda ang balita na cancelled na ang global fund round 11, hindi pa rin kami nanghihinayang sa naging output ng seminar dahil alam namin mapapakinabangan ito sa iba pang paraan. at ang mahalaga, mas nakita namin ng malinaw ang problema ng bansa tungkol sa hiv. so kahit hindi man suportado ng global fund, at least alam na namin kung ano yung kailangang tumbukin.

habang kumakain ng huling pananghalian, nilapitan ako ng isa sa mga organizers ng seminar. si Miss Vivian.

v: how did you find the seminar?
me: sobrang nakaka-culture shock! pero sobrang saya!
v: that's nice. and nakakatuwa nga kasi ang active mo sa pag-participate. most of the participants thought na matagal ka na sa ganitong environment.
me: nagrurunong-runungan lang! ahahaha!
v: anyway, yung fgd natin, next week ha.
me: para saan po ba yun?

at ipinaliwanag sa akin ni Miss Vivian kung para saan ang focused group discussion na gaganapin for sex workers. apparently, there's an international group who is also interested in funding hiv awareness campaigns in the philippines, pero isa sa mga requirement nila is magkaroon ng solid representation ang freelance sex workers since isa sila sa mga sobrang at risk sa sakit.

me: ahhh... nice! ang galing naman nun!
v: kaya nga eh, though dito sa manila wala pang informal network ang mga flsw (freelance sex workers), may mga ganitong groups na sa cebu, davao, at baguio. and i think angeles din.
me: matitigas kasi ulo ng mga flsw dito sa manila eh.
v: kaya nga eh. so, napag-usapan namin (ng grupo ng mga organizers) to invite you for another seminar next week. this one naman is leadership training and organization building for sex workers in the philippines. kung pwede sana eh ma-tap mo yung mga flsw na kilala mo sa manila so you could form a group, and kung sino yung mga makakasali sa leadership training will be the core members of the national network, and we think you have the capacity to spearhead it.

dito na lumaki ang mata ko sa tuwa. me, spearheading a national organization? hindi ako makapaniwala that there's this group of professionals seeing the potential in me to be a leader.

me: sure! count me in! kaso, baka hindi ko kayanin.
v: don't worry. tutulungan ka namin.

and simula nung minutong iyon, lumaki ang apoy sa dibdib ko for what i think could be my calling... to be an advocate of sex workers in the philippines!

22 November 2011

Reposting: The Phone Stealer! (A MUST-READ AND MUST SHARE!!!)

look at what a friend experienced with sex eye balls! guys, let's help spread the word.

* * * * *

BEWARE OF THIS GUY!!!




hindi ko naman ikinakaila na mahilig ako sa mga sex eye balls. pero ibang klase ang experience ko sa mamang ito!

ang pangalan nya ay Dan, nagtatrabaho sa alabang (daw), at nakatira sa boni avenue (daw). nagkakilala kami sa planetromeo, medyo matagal na. pero kaila
n lang kami nagkaroon ng time para magkita for casual sex. nag-usap kami kung saan kami magkikita, at napagkasunduan na sa sogo guadalupe na lang. madaling araw.

nauna akong dumating sa motel and i texted him the room number. ilang minuto pa, dumating na sya. at pagdating nya, tsaka ko lang napansin na naiwan ko pala ang ipod ko sa spa kung saan ako nagpunta before i went to the motel. naisip kong balikan yung spa so i can get my ipod, but it means na iiwan ko sya sa room. he agreed with the setup naman. so i surrendered the room key to the front desk, nagbilin na babalik ako at wag payagang umalis yung iniwan ko, and i went back to the spa to get the ipod. nakuha ko naman sa awa ng diyos. bumalik ako sa motel and Dan is still there, waiting. as in discreetly inspected my stuff (na iniwan ko when i left), wala namang nawala. and so we had casual sex.

then after that, we went to another guy's place for yet another round of sex. on our way there, he asked if he can borrow my spare phone kasi super empty batt na sya, wala syang dalang charger, and he badly needs to call someone. i lent him my phone. and he made the call nga. then after, he asked if he can leave his sim in the phone muna, baka daw may mag-text na importante. i allowed him.

dumating kami sa place ng isa pang ka-sex namin (let's call him Angelo), and we had casual sex. nakaraos. then isa pang round. in the middle of the play, someone called him. so he had to excuse himself and went to the washroom to answer the call. pagbalik nya, nanghiram sya ng tsinelas kay Angelo at magpapaload lang daw sya sa baba. Angelo allowed him. so nagbihis sya, borrowed slippers from Angelo, and left the room para magpaload sa baba. kami naman ni Angelo, tuloy lang sa ginagawa namin.

then i noticed na parang 30 minutes na eh hindi pa bumabalik si Dan. so Angelo decided to call him. Dan said that he wasn't able to go back to us dahil tinawagan nya ang girlfriend nya at galit na galit daw ito sa kanya dahil they are supposed to go the taiwan embassy that day. so, dala ng takot, he decided to just fly and go to buendia to meet his furious girlfriend. nagulat na si Angelo, and he passed me the phone. nagulat din ako sa sinabi ni Dan, but he promised to meet me that night so he can return the phone.

nagdadalawang-isip na si Angelo, pero ako naman eh kalmado pa rin. sabihin na lang natin na napapangunahan ako ng ideology ko na lahat ng tao eh mabait. so Angelo and i just decided to end what we're doing and rest and have dinner. then after dinner, magmi-meet na kami ni Dan. i took Dan's shoes and burloloys na rin with me so i can return it to him. as for Angelo's slippers (na branded!), i'll return it to him na lang a few days after.

pero magulo kausap si Dan. sabi nya nung una, 8pm. then he texted, 10pm na lang daw. then 11pm. hanggang sa ang naging ending... hindi kami nakapagkita that night. galit na galit daw kasi girlfriend nya sa kanya kaya hindi nya magawang tumakas. we agreed to meet two days after for the phone.

nagkita ba kami? hindi! ang masama pa nun, nagkakatext kami a few hours before the scheduled time for meetup. pero nung mismong oras na para magkita kami, hindi sya nagrereply. he's not even answering the calls!
i told Angelo about what happened, and he was surprised na hindi nagrereply sa akin si Dan when during that time eh magkatext sila. apparently, Dan wants to meet Angelo again for sex!

laking pasalamat ko that Angelo is good-natured, he actually thought of a plan na i-setup si Dan. naki-ride sya sa flirting ni Dan and they agreed to meet. Angelo informed me kung saan sila magkikita ni Dan so i can go.

alas dose ng tanghali sa guadaluper ang napagkasunduan nila ni Dan. so i was there 15 minutes before 12. tuloy tuloy lang ang texting namin ni Angelo when he told me to hide sa mga estante ng 7-11 and papunta sila dun ni Dan (kunyari may bibilhin sya). i hid, they came in. and just like those tulfo stories, bigla na lang akong lumapit sa kanila.

"uy! kumusta! ano ginagawa mo dito?" casual na bati ni Dan when he saw me.
"sige, usap kayo dyan." sabi ni Angelo, and humiwalay muna sya sa amin.

nakatingin lang ako kay Dan. sya naman eh ngiti to the max, as if nothing fishy happened.

"kumusta na?" bati nya ulit.
"anong nangyari?" seryosong tanong ko.
"ayun, kasi tol, sobrang nagalit talaga yung girlfriend ko nung last time kaya hindi ako makatakas." panimula nya. tuloy tuloy lang sya sa kwento na halata namang gawa-gawa lang, and there's no point in the story na nabanggit nya ang tungkol sa phone ko.
"hindi ako interesado sa flight mo kunyari papuntang taiwan. asan yung phone ko?"
"naku, tol, hindi ko dala eh. ganito na lang. hmmm... magkita tayo bukas, then bigay ko sayo yung phone mo. then you can give me my shoes na rin."
"nope. hindi ako aalis ng hindi ko dala ang phone ko."
"ano ka ba! nagduda ka pa sa akin? hindi naman kita gogoyoin no. sige, i'll leave you my id na lang."
"no. kung kailangang samahan kita ngayon pauwi sa inyo to get my phone, then i will. tapos daan na rin tayo sa amin so you can get your shoes."
"ah... eh..."

natahimik si Dan. lumapit si Angelo and casually asked what's happening (kunyari wala syang alam).

"actually, eto, dala ko yung phone." at inilabas nga ni Dan mula sa bulsa nya ang phone ko... na may bagong housing! "teka, delete ko muna yung mga contacts."
"yung sim card ko?" i asked.
"ay! nasa bahay."
"sige. magkita na lang tayo bukas for the sim card, then isauli ko na rin yung shoes mo."
"sige."

at matapos ang ilang pindot ay isinauli na sa akin ni Dan ang phone.

"okay." i said. "sige, uwi ka na. hindi naman talaga kayo mag-se-sex ni Angelo eh. setup lang yun."
"pucha!" dismayang sagot ni Dan sabay alis.

masaya ako that i got my phone back. but when i checked it... burado lahat ng files sa memory card ko, ang lahat ng laman ng inbox ko, at pati ang phone book ko. everything was reformatted. and ang malala pa, the phone is customized na with his name, his profiles (yung sa ringtones etc etc), and even the gallery! may songs and pics na agad na naka-upload sa memory card! ibang klase din ano! and he's claiming na wala naman syang plano angkinin yung phone ko?

i was relieved kasi tapos na yung problema ko when Angelo texted me that night.

"dude, i think he also has my psp."

apparently, naglinis ng kwarto si Angelo when he got home after the setup, and dun nya lang napansin na nawawala ang psp nya. he checked the whole house and wala talaga. kami lang ang naging bisita nya and he's sure that it's not me as he saw the contents of my bag before we left for dinner that day. i was calling Dan to ask him about it, he wasn't answering.


the morning after, Angelo and i received the same message from Dan.

"tangina mo tol. ang galing ng setup nyo. pinagmukha nyo akong gago. di mo kilala kung sino ako. antayin mo setup ko. magkikita-kita din ulit tayo. babalatan ko kayo ng buhay, hindi na kayo magpapasko. magugulat ka na lang tao ko na pala yung ka-meet mo. enjoy ka na lang. itutumba kitang gago ka. hindi pwede sa akin yung ginawa mo."

at sya pa ang may lakas ng loob mag-threat ha? kung hindi rin ba kasing-kapal ng taba nya sa tiyan ang kapal ng mukha nya.

so, guys, please help me spread the word about this guy. buti nga sa akin, cp lang ang nawala, at nakuha ko pa. kay Angelo, psp. and paano pa sa mga susunod na mabibiktima nya?

NAME: Dan / Daniel
LOCATION: Manda, Alabang (well, that's what he claims)
CONTACT NUMBER: 09331064048
ONLINE ACCOUNTS:
planetromeo - manmaid, tanmanontop1
manjam - daiton
lifeout - daiton
OTHER INFO: he markets himself as a masseur

please spread the word para hindi na makabiktima pa ang mokong na ito. thanks!

20 November 2011

That Awkward Question

matagal ko nang kliyente si Sir Michael. maraming beses na rin sya nagpa-service sa akin. may mga times na aayain nya lang ako na kumain sa labas o kaya naman eh nagpapasama sya sa mall para manood ng sine, pero binabayaran nya pa rin ako. minsan, nahihiya na ako. pero he insists, so pumapayag na rin ako. and besides, trabaho ko nga naman yun. trabaho ko ang mag-escort. hindi lang naman palaging sex eh. at pangit man pakinggan, ang companionship ko ay may katapat rin na presyo. maliwanag naman kay Sir Michael yun, kaya walang problema. at mas lalong walang problema sa akin yun, kasi pag dumadating yung time na kailangan ko ng pera, halos isang text ko lang kay Sir Michael, at solb na agad ang problema ko.

sa maraming beses na magkasama kami ni Sir Michael, masasabi kong marami na kaming napagkwentuhan. marami na kaming napag-usapan. hindi lingid kay sir na bading ako at hindi issue sa kanya yun. in fact, gusto nya nga yun lalo na kapag nag-se-sex kami. at least daw hindi labag sa kalooban ko yung ginagawa ko sa kanya sa kama.

sa edad na late 30s, masasabi kong okay pa rin ang hitsura ni Sir Michael. masarap din sya kausap at kakwentuhan. natutuwa sya kasi napaka-unpredictable ko daw, para bang everyday is a surprise. kaya mabait sya sa akin. kaya hindi sya nagsasawa na kasama ako. minsan natanong ko sya kung bakit nga ba wala syang partner, pero hindi nya sinasagot ng maayos ang tanong. ang palagi nya lang sagot... "basta for today, ikaw ang partner ko, okay?"

ewan ko kung bakit, pero kahit may hitsura at mabait naman si Sir Michael eh hindi ko makita ang sarili ko in a relationship with him. parang may kulang. tsaka siguro yung fact na rin na sayang ang kinikita ko sa kanya kung sakaling makikipag-relasyon ako sa kanya. masama na kung masama pakinggan, pero sa pagkakataong ito, mas umiiral ang pagiging praktikal at, for lack of better words, pagiging mukhang pera ko.

tuloy tuloy lang ang ganung setup namin. magtetext sya, aayain ako lumabas, sasama ako. minsan naman, mangungumusta ako, sasagot sya, then magkakaayaan ulit lumabas. mas madalas na yung pagkakataon na "nagdedate" lang kami kaysa sa masahe with extra, pero lahat yung eh may bayad pa rin akong natatanggap. masaya ba ako sa ganung setup? aba! oo naman! biruin mo, i get to see the latest movies, eat at fancy restaurants, and sometimes eh may take home pang shirt, pants, or anything na galing sa department store. not to mention yung talent fee ko. sarap buhay!

pero habang tumatagal, parang may nagbabago. napapadalang ang pagtetext ni Sir Michael. hindi na kami nakakalabas. busy daw sya, and i respect that. so okay lang. kaso dumating yung time na kailangan ko ng pera, and unfortunately eh walang nagpapa-book sa akin. dun ko naalala si Sir Michael. at isang araw nga ay naisipan kong i-text si sir.

me: kumusta po?
sir: ayus naman. ikaw?
me: okay lang po. di ka nagpaparamdam ah.
sir: eh busy ka naman lagi ah.
me: hindi naman po
sir: umamin ka nga sa akin... ano ba talaga tingin mo sa akin? do you consider me as just one of your clients?

at nagulat ako sa tanong nya. nagulat ako kasi hindi ko alam kung paano ko ba ito sasagutin na magiging win-win situation sa aming dalawa. ano nga ba talaga si Sir Michael? client lang ba? or someone special na? i don't know if i should be blunt and tell him what i want to say, and may end up offending him, or if i should say what he wants to hear, and yet may doubt kasi posibleng maramdaman nya na nagsisinungaling lang ako. and i answered with what i thought was the best answer

me: opo, client ko po kayo. pero isa ka sa mga clients ko na special naman sa akin.

tunog maganda. pero bumanat pa rin si Sir Michael.

sir: special kasi marami kang nakukuha sa akin, right?

eto na nga ba yung sinasabi ko. sabi na dun pupunta to. hindi ko na talaga alam ang isasagot ko. hanggang sa tumawag na si Sir Michael.

me: kumusta po? *jolly, parang wala lang nangyaring awkward sa text*
sir: i'm not okay. hindi ko nagustuhan yung sagot mo.
me: eh, sir. ano ba gusto mong sabihin ko?
sir: yung totoo.
me: eh yun naman po yung totoo eh.
sir: hay naku! ang sabihin mo, kaya ka nangungumusta at laging sweet sa akin kasi nagkakapera ka dahil sa akin. hindi mo ba maramdaman that i like you?
me: sir...
sir: anyway. text na lang kita kung kailan tayo magkikita ulit. busy lang talaga ako sa work.

and the conversation ended just like that. at hanggang ngayon, hindi pa rin nagtetext si Sir Michael.

eto ang isa sa mga problema sa trabaho ko. kahit ako, hindi ko alam how i will draw the line between business and personal stuff. masyadong intimate ang trabahao ko to the point na mahirap na i-distinguish kung trabaho pa ba ito o hindi na. minsan, ako yung nabubulag. ako yung na-a-attach sa client but he doesn't feel the same. madali lang yung eh. iiiyak ko lang yun, emo ng kaunti, and then okay na ako. pero if it's the other way around, pag ang client na ang nagkagusto sa akin, hindi ko alam how to handle it. i don't want to lose a client dahil sa income (oo na, mukha nang pera kung mukhang pera). pero paano kung ipilit nya na mag-relasyon kami? ayoko namang magpanggap na mahal ko ang isang tao dahil lang sa benefits na nakukuha ko sa kanya.

haaayyy...

19 November 2011

Teaser: That Awkward Question

...

at isang araw nga ay naisipan kong i-text si sir.

me: kumusta po?
sir: ayus naman. ikaw?
me: okay lang po. di ka nagpaparamdam ah.
sir: eh busy ka naman lagi ah.
me: hindi naman po
sir: umamin ka nga sa akin... ano ba talaga tingin mo sa akin? do you consider me as just one of your clients?

...

abangan bukas ang buong entry.

15 November 2011

Bates Motel

wala kasi ako magawa sa isa sa mga pictures ko... kaya eto...


gumawa na lang ako ng banner! kaso sobrang liit! ahahahaha!

* * * * *

ipis!

malaki akong tao pero takot ako sa ipis. lalo na yung mga lumilipad, also known as brown butterflies. sa boarding house, halos lahat kami eh takot sa ipis. one time habang kumakain kami, biglang may lumipad na ipis at nag-landing sa lamesa (buti hindi sa mga pagkain). daig pa namin ang mga pasahero ng eroplanong nag-emergency landing sa isang nasusunog na palaisdaan sa commotion. may nagtakbuhan, may napatayo sa upuan, at lahat ay napasigaw. mabuti na lang at may naglakas-loob na hawiin at patayin yung ipis, dahil kung hindi eh malamang last supper na namin yun. buti pa dun sa dati kong tinutuluyan sa sta mesa, walang ipis, kaya kahit mag-isa akong kumakain ng hapunan ay sigurado pa rin akong hindi ko huling hapunan yun.

isang gabi ng mga solong hapunan na yun (naisip ko lang, bakit pala hapunan ang tawag... kung umaga, umagahan. pag tanghali, tanghalian. pag gabi, diba dapat gabihan?) ay may nagtext sa akin at nagtatanong kung available daw ako. sa sta mesa daw kami mag-check-in dahil maraming options. pumayag ako tutal sobrang lapit lang. at makalipas nga ang 15 minutes, magkasama na kami ni Sir Basty.

"san ba maganda dito sa sta mesa?" tanong nya.
"hindi ko rin alam. hindi ko pa napapasok yung mga motel dito eh."

ang dami dami dami dami dami dami dami (tuloy tuloy lang... dami dami dami...) ko nang napasok na motel, pero nagtataka ako kung bakit nga ba wala pa akong client na nagpa-book sa akin na dito sa mga motmot sa sta mesa ako dinala. madalas eh sa pulang motel na may babaeng hapon (fine, sige, hotel na! hindi motel!), o kaya naman eh dun sa may babaeng itim na naka-senyas na "psst, wag maingay, nasa library kayo!". nadala na rin ako sa motel na kulay blue and yellow yung sign kung saan yung pangalan ng motel (clue... adjective sya!) eh hindi naman bagay sa mismong motel. at marami pang listahan ng mga napuntahang motel. pero dito sa sta mesa chain of motels and apartelles, wala pa talaga. first time ko ito. naks! may ibang anggulo pa pala ako ng pagka-virgin!

"sige, ikot ikot na lang tayo. hanap tayo." suhestiyon ni Sir Basty.

ayus lang sana yung suggestion nya eh... kung may sasakyan! kaso, wala! kaya ayun, lakad lakad lang kami ni Sir Basty sa kahabaan ng mga motel na may kanya kanyang promo at kanya kanyang picture ng pancit guisado. hanggang sa finally ay nakapili na kami ng motel... pangalan pa lang, humahalimuyak na!

pumasok kami sa nasabing motel at ang weird lang dahil taxi room pa rin ang ibinigay sa amin kahit wala namang kaming taxi o sasakyan. yun lang pala ang mga available. in fairness, maganda naman yung labas nung motel. halatang bagong pintura pa lang... kasi kalahati pa lang yung maganda. yung kalahati, hindi!

pagpasok namin sa kwartong na-assign sa amin... seryoso... tumayo ang balahibo ko! kung anong ganda ng kalahati ng labas ng motel... natunaw lahat!

halatang lumang luma na yung motel. mula sa mga nagniniknik na pintura sa pader, at sa marka ng mga tinanggal na ceiling fans at mga frames sa pader at sa kisame, sa bulok na aircon na tila hinihika na sa pagbuga ng hangin, at sa maliit na tv na pinuwersa lang na maging colored tv (buti nga at may remote pa, pero props lang yata), at sa ilaw na pakislap-kislap at mukhang puputok na anytime, at bedsheet at pillows na parang hindi nalabhan ng maayos... nakakarimarim yung hitsura ng motel. naalala nyo ba yung "bates motel" sa fear factor dati? pakiramdam ko itong motel na ito yung runner up nya. creepy creatures na lang ang kulang (which i am still unsure kung meron nga o wala!) or dugo na lumalabas sa gripo at sa shower (which i am hoping na wag naman sana!).

"shower lang ako." sabi ni Sir Basty na parang hindi man lang naapektuhan sa hitsura ng kwarto. hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya at sabay kaming maliligo sa dugo o hintayin ko na lang sya sa kama at mag-isa kong harapin ang lagim ng pesteng kwartong ito. takot ako sa dugo, kaya mas pinili ko na lang na harapin yung lagim. buti na lang at absent yung lagim, so hindi nya ako na-welcome.

lumabas si Sir Basty mula sa banyo makalipas ang ilang minuto. mukha at amoy malinis naman sya, so i guess hindi dugo yung lumalabas sa shower. ako ang sumunod na naligo. kahit na manilaw-nilaw na yung mga tiles at kinakalawang na yung gripo sa lababo, tiniis ko pa ring maligo. malinis naman (yata) yung tubig at matino naman yung sabon.

matapos maligo ay nagsimula na ang masahe. habang hinahaplos ko si Sir Basty ay kinuha nya ang remote ng tv at inilipat ito (so, gumagana pala yung remote! hindi pala props!). pindot pindot pindot at nakuha ni Sir Basty ang hinahanap nyang channel na nagpatayo ulit ng balahibo ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko... porn! nope, hindi dahil sa porn yun kaya ako natakot. natakot ako kasi black and white yung porn! at medyo malabo pa! pakiramdam ko talaga any minute eh biglang magugulo yung screen at biglang lalabas si Sadako sa tv... ganung ganun talaga yung hitsura nung palabas. parang mga old movies na nakakatakot.

"ang creepy nitong tv nila! patayin ko na lang." sabi ni Sir Basty. nakahinga ako ng maluwag. salamat at finally eh nadampian na ng katatakutan si sir. kasi ako, kanina ko pa gustong tumakbo palabas habang sumisigaw. but i need to be composed kaya tuloy pa rin ang masahe.

"sir, tihaya na po."
"sige, wait, paabot nung unan."

habang tumitihaya si Sir Basty ay sya namang kuha ko ng unan sa gilid ng kama. pag-angat ko ng unan... tumambad sa mata ko ang tatlong medium-sized na ipis na nagmamadaling gumapang papunta sa sulok (parang yung mga na-re-raid lang sa mga bars!). at hindi ko napigilan ang sarili kong mapakislot, mapalundag, at mapatili.

"putangina!"

nagulat si Sir Basty sa kinilos ko, at nagulat din sya pagtingin nya sa mga ipis. pero, kung ako eh tila mawawalan na ng malay, si Sir Basty naman eh kaswal lang na hinawi ang mga ipis (hindi nya naman kinamay, yung parang nag-shoo lang sya ng pusa).

"okay ka lang?" tanong ni Sir Basty ng nakita nyang halos hindi na ako gumagalaw sa isang tabi.
"opo. pasensya na. takot kasi talaga ako sa ipis eh."
"haha! ang laki laki mong tao takot ka sa ipis. tapakan mo lang."
"ehehehehe... bad yun. masama ang pumatay!"

tinawanan na lang namin ni Sir Basty si Aida, si Lorna, at si Fe (ayan! may pangalan na agad ang tatlong pesteng ipis!). tuloy lang ang masahe, pero nangingilid pa rin ang luha ko at stiff na stiff pa rin ako. hindi ko pa rin maiwasan sumulyap-sulyap sa gilid kung saan ko nakita ang tatlong ipis. nararamdaman kong nakatago lang sila dun at pinapanood ang bawat galaw ko, paniguruhang tumatawa na sila dahil sa takot na pinapakita ko.

"tignan mo si kuya o! naiiyak na!"
"hahaha! ang laking mama, takot pala sa atin!"
"i know, right? girls, i have an idea..."

at ilang segundo pa ay lumabas na naman si Lorna mula sa gilid. nagsimula akong manginig.

"whee! ayun na naman yung ipis!" sabi ko kay Sir Basty.
"teka nga, tayo muna tayo."

nagdalawang-isip akong bumaba ng kama. pano kung pagtungtong ko sa sahig eh sya naman sugod ng mga kabarkada nina Aida, Lorna, at Fe! naku! ayokong isipin. pero wala na akong choice. bumaba rin ako ng kama. pinagpag ni Sir Basty ang kama and then came riot.

tumakbo sa maruming bedsheet sina Aida, Lorna, at Fe... kasama pa ang sexbomb girls! nasa sampu yata yung ipis na biglang nanakbo sa bedsheet! gusto ko na talagang mamatay that time. at kahit naman si Sir Basty, nakita kong kinikilabutan na rin. makalipas ng ilang segundo ay nawala ang mga ipis (hindi ko na napansin kung saan sila napunta at saan sila nagtago, busy ako sa pagsigaw!). medyo iritado, tumawag si Sir Basty sa telepono sa gilid ng kama. maya-maya pa, sinabihan nya akong magbihis na daw kami at lipat na lang daw kami ng ibang motel. nagreklamo pala si Sir Basty at nagrequest ng refund. mabuti naman at pumayag ang management. nag-suggest pa nga daw na ilipat na lang kami ng room, pero hindi pumayag si sir. mas gusto nya pa daw na i-refund na lang yung pera nya. ngayon nya lang naisip yun... samantalang ako, pagpasok pa lang, yun na agad ang idea na pumasok sa utak ko!

ilang minuto pa ay nilisan na nga namin ang nasabing motel, na siyang ikinatuwa ng mga letseng ipis.

"mission accomplished, girls!"
"oh, yeah! let's get this party started!"

at iniimagine ko na kung ano hitsura ng kwartong iyon pag-alis namin. malamang naglabasan ang libu-libong ipis at nag-disco-disco sa maruming bedsheet, manilaw-nilaw na tiles, at punit-punit na pintura sa pader at kisame sa ilalim ng pakislot-kislot na ilaw at black and white na porn show... malamang pati si Sadako eh nakikijamming na rin sa kanila, with matching head throw pa!

and so, i therefore conclude... sa pilipinas pala nag-shooting ang fear factor noon for their bates motel episode! wow!