28 September 2014

Llordie, Patawad

Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy... maraming salamat sa pagpapaalala sa akin kung bakit noon ay pinili kong tumigil sa pagdalo sa lingguhang misa, kahit pa sabihin ng ibang tao na kinakalimutan ko ang relasyon ko sa Panginoon.

hindi ako sagrado katoliko, alam ng lahat yan. isa nga ako dun sa madalas na binabansagang "selective religion" kung saan ay tinitignan ko kung ano ang komportable o pasok sa paniniwala ko sa pagpili ng simbahan o relihiyon na papanigan ko. pero isa ang sigurado ako, alam ko kung ano ang relasyon ko sa tinatawag nating Diyos, si Llordie. best friends kami. di madalas mag-usap, pero pag nag-usap, may kurot. nagkakatampuhan, pero nagkakaayos din naman. minsan eh di namin nasusunod ang gusto ng isa't isa, pero sa huli ay nagkakapatawaran. and most specially, we respect each other. oo. ganyan kami ka-close. di nga lang kami fb friends, wala daw syang internet access sa lugar kung nasaan sya eh. heart to heart access lang, which is actually mas hi-tech!

sa pagkakakilala ko kay Llordie, hindi s'ya mapanghusga. anybody can be his friend as long as they want to. walang pinipiling hitsura, estado sa buhay, pananamit, propesyon, o ano pa mang pamantayan. basta nasa puso mo na maging friends kayo, then magiging friends kayo. kaya ang saklap na mismong ang mga taong binansagang "alagad ni Llordie" ang siya pang pasimuno ng panghuhusga at diskriminasyon.

simula pa lang ng misa sa Archdio... arhcdoi... archbio... ay, ewan, basta yung nabanggit kong simbahan kanina (tinatamad akong mag-copy-paste!), pagkatapos ng panibagong bersyon ng rosaryo (for the sake of the sorrowful passion... kailan pa nauso tong version na to?), sinimulan na ng commentator ang mga paalala. at isa sa mga nabanggit nya ang talagang napa-"say wha?!" ako pagkarinig ko.

para po sa mga hindi nakasuot ng tamang church attire kagaya ng sleeveless, short pants, see-through, strapless, (at tuloy-tuloy sa pagbanggit ng mga damit na nauuso sa forever 21), binibilinan po na huwag nang pumila para tumanggap ng komunyon at katawan ng panginoon.

EXXXXXCCCCCUUUUSSSSEEEE MMMEEEEE?!?!?! anong pangalan mo at anong final rating mo nung high school ka para pagsabihan akong bawal tumanggap ng komunyon!?!?!

oo, sinasabi ng karamihan na mas mainam kung nasa "presentable" na kasuotan tayo pag umaattend ng misa. pero bakit kailangang maging basehan ang pananamit kung sino ang pwedeng pagpalain ng banal na komunyon at sinong hindi? sa pagkakakilala ko kasi kay Llordie, lahat ng taong bukas ang puso para tanggapin sya ay welcome sa kanyang pagpapapala. paano kung talagang sleeveless lang ang mga damit ni ate? paano kung wala talagang pantalon si kuya? pero taos-puso nilang gustong matanggap si Llordie. so ano, kailangang bumili muna o manghiram? and paano na lang yung mga pulubi, manlilimos, taong grasa, and the likes? wala nang pag-asang makabonding si Llordie dahil lang sa damit nila? aysuskupo! parang may mali.

bagama't medyo mainit na ang ulo ko, tinuloy ko pa rin ang misa. hanggang sa dumating na ang Gospel. Matthew 21:28-32. di ko na isusulat ang buong gospel, pero etong linyang ito...

"In truth I tell you, tax collectors and prostitutes are making their way into the kingdom of God before you. For John came to you, showing the way of uprightness, but you did not believe him, and yet the tax collectors and prostitutes did. Even after seeing that, you refused to think better of it and believe in him."

interesante ang Gospel, gusto kong malaman kung ano ang magiging atake ni father sa sermon nya. at mukhang di nga ako nagkamali. sa kalagitnaan ng sermon, tinanong ni father kung sino daw sa mga tao ang natutuwa sa mga tax collectors. walang nagtaas ng kamay. sabay banat si father ng "oo naman, eh ako inis na inis sa kanila eh. kung makasingil ng buwis, akala mo kung sinong dakila."

haaayyy... father... baka nakakalimutan mong trabaho nila yun. they are just doing their job. at tsaka sa totoo lang, mas dakila pa para sa akin ang taong ginagawa ang trabaho nila bagama't alam nila na hindi lahat ay pabor sa kanila, kaysa naman sa mga taong gumagawa ng mga maling proseso at under-the-table transactions para lang magmukhang mabango sa paningin ng karamihan.

at hindi pa tapos ang pampainit ng ulo... final blow na!

nagtanong si father, "sino dito ang prostitute? itaas ang kamay."

natural walang magtataas ng kamay (kahit sa totoo lang ay kating-kati akong itaas ang kamay ko, tignan ko lang kung anong magiging reaksyon ni father). pero ang hindi natural ay ang malakas na tawanan ng mga tao. hindi lang ng mga umaattend ng misa. maging ang mga "alagad ni Llordie." at ultimo si father! tawang nangungutya, tila sinasabing "ang kapal naman ng mukha ng mga pokpok na yan kung papasok sila dito sa simbahan." at that point in time, talagang gusto ko nang tumayo at umalis, pero pinilit ko pa ring tapusin ang sermon ni father. (turo kasi sa akin nung bata ako, para daw ma-consider na "valid" ang simba mo, kailangan matapos at least yung sermon ng pari). pero sana pala di ko na lang tinapos. kasi talagang patuloy sa pagkutya si father sa mga tax collectors at sa mga prostitutes sa kahabaan ng sermon nya. parang gusto kong batukan si father at sabihin na paki-review yung gospel na binasa nya. sa pagkakaintindi ko kasi sa gospel, una, hindi kinutya o minaliit ang mga tax collectors at prostitutes sa gospel. pangalawa, pinuri pa nga sila kasi bagama't masama sila sa paningin ng tao, sila pa ang naniwala sa tuwid na daan at sumunod patungo sa daan na yun.

nakakasama ng loob na yung mga taong sumumpa na ipapakalat sa buong mundo ang mabuting balita ang siya pang promotor ng pagsira nito. minabuti ko na lang na lisanin ang misa kaysa ipagpatuloy ang isang kalokohang ritwal na punong-puno ng pagpapanggap at pagmamalinis. at mabuti na rin na umalis na agad ako dahil madadagdagan lang lalo ang kasalanan ko if i stayed longer... ang dami kasing mali-maling pronunciations ng commentator at ng lector. ang lakas ng loob mag-english mass! hahaha!

Llordie, patawad, pagka't ako'y makasalanang nilalang. pero Llordie, ako na rin po ang humihingi ng tawad para sa mga alagad mong nabubulag sa maling pamamalakad at hindi nila nalalaman na sila mismo ay sumusuway sa mga pamantayan mo.

26 August 2014

Check In

so, ano, check in na?
oo nga. para makapagsimula na tayo. anong oras na rin o.
sige sige, check in na.
okay... game!
*silence*
ano?
*silence*
sige na nga, ako na una...

isa sa mga tradisyon ng improv group namin during rehearsals (yup, kahit impromptu ang mga acts namin, we still rehearse!) ang check-in, at nakakatawa pang isipin na saktong ang isa sa miyembro namin ay nagtatrabaho sa isang posh motel. but, hey, we're not talking about paying for a room and spend a night or two there ha. pag sinabing check-in, isa-isa kaming magkukwento ng kahit anong nangyari sa amin for the week. tungkol man sa trabaho, sa pamilya, sa gala, sa mga naisip na ideas, sa emotions... anything under the sun. kwento mo lang. yung parang nagkukwento ka sa pagong, pero this time sa tao talaga. yung iba, ang role lang nila is makinig.makinig lang. walang butting-in, walang questioning, walang commentaries. just listen. ito yung paraan on how we can get in touch with every member's lives kahit papaano after a long week.and after a check-in session, even before the rehearsal proper, ang sarap ng pakiramdam. ang sarap magkwento ng alam mong walang mambabara o kukwestiyon sa kwento mo, at ang sarap makinig ng hindi ka naghahanap ng butas o ng kaduda-dudang detalye, mas nalalasap mo yung kabuuan ng istorya. at ang mahalaga, alam mo ang nangyayari sa buhay nila, alam nila ang nangyayari sa buhay mo, at nalalaman nyo kung ano ba ang pagkakapareho, pagkakaiba, at pagkaka-ugnay-ugnay ng mga buhay nyo. oo, check-in pa lang yan. bigat no?

kumusta na nga ba ako at ano nga bang nangyari sa akin? bakit bigla na lang nawalan ng ingay ang blog ko? tapos, sumunod pa ang twitter ko? pati email ko, nanahimik din! at hindi lang panandaliang noiseless barrage ito ha... limang buwan! medyo matagal-tagal-tagal-tagal-tagal na hiatus yun. nakulong na ang mga magnanakaw sa gobyerno, nauso at nalaos na ang loombands, nagkagulo na ang mga tao sa paghahanap ng pangalan nila sa bote ng Coke, nanalo na ang UP sa basketball, at nag-propose na si Dingdong kay Marian, pero si BoyShiatsu, missing in action pa rin! bakit nga ba?



Check-In

bandang abril ng nagsimulang maging "maayos at naaayon sa plano" ang buhay ko. gumaganda ang pagsasama namin ni Jack Frost. nagsisimula na ring magkaroon ng mas maraming gigs ang grupo namin. at kahit sa umpisa ay kinakatakutan ko, nakakagulat at nakakatuwa na sobrang nag-e-excel ako sa trabaho kahit ang alam ko sa computer hardware troubleshooting ay kasing-dami ng alam ko tungkol sa totoong dahilan ng pagkawala ng Malaysian Airlines.

at dahil medyo nagkakaedad na tayo, ika nga nila ay panahon nang pagtuunan ng pansin ang mga importanteng aspeto ng buhay. don't get me wrong, hindi ko sinasabing hindi importante sa akin ang pagiging BoyShiatsu! isa ito sa mga sobrang ipagmamalaki ko dahil hindi ako magiging kung ano man ako ngayon kung hindi ko pinagdaanan ang mga pangyayari sa buhay ko bilang isang masahista at bilang isang pokpok. pero, tanggap ko na rin ang katotohanan eh... wala na ako sa limelight. tapos na ang panahon ko. marami nang bagong putahe sa merkado na ultimo mga suki ko ang siya nang umaayaw sa akin at mas pinipili ang mga mas bata, mas sariwa, mas bago sa panlasa. kaya kasabay ng pagka-abala sa mga aspeto ng buhay na itinakda ng lipunan bilang mahalaga, at kasabay ng pananamlay ng negosyong matagal ko na rin namang napagyabong, medyo nawalan na rin ako ng ganang magsulat. naisip ko, tutal madalang na ang kliyente, panahon na sigurong magpaalam sa tauhang ito ng buhay ko. yun ang akala ko...



Courtesy Call

at parang umaayon nga sa plano, nagtuloy-tuloy ang magandang paglipad ng mga bagay bagay. just like a courtesy call sa hotel, may mga nangyayaring para bang chine-check kung masaya ka ba sa mga nangyayari pero alam mong may mas masaya pang mangyayari, and you just can't stop yourself from being excited.

dahil sa magandang performance ko sa trabaho, dumating na ang isa sa pinakahihintay ko na never kong nakuha sa lahat ng kompanyang pinasukan ko... promotion! well, technically, pseudo-promotion pa lang. verbal pa lang. wala pang pirmahan. kumbaga ay titignan kung kakayanin ko ba at pagkatapos ay tsaka pag-uusapan. pero kahit ano pa yun, sobrang ikinatuwa ko yun. kasi isang patunay na yun na may ibubuga ako sa trabaho at nakikita ng management ang pagsisikap ko, kasama na ang talento at dedikasyon.

bilang pseudo-promotion ko, naatasan akong maghawak ng isang team na may anim na agents. at hindi lang basta random agents ang ibinigay sa akin, but the bottom performers. at bilang challenge daw sa akin, kailangan daw kami ang mag-number-one na team.natakot ako, pero alam ko at nararamdaman ko na kaya ko to, kaya malugod kong tinanggap ang hamon. pero dahil nga pseudo-promotion ito, as a management officer in training, kailangan ko ring gumawa ng mga weekly performance reports, mag-handle ng mga admin tasks, maging floor support and workforce officer, and conduct uptraining if needed... plus the fact that i still need to take calls.

challenge. but it did not stop me. this is the right time, and my time is now. naks!



Wake-Up Call

so dahil nga sa pagkakataon na ibinigay sa akin, talagang ibinuhos ko ang lahat ng meron ako. halos labindalawang oras ako sa opisina araw-araw, at pag-uwi pa sa bahay ay trabaho pa rin ang iniisip ko. kapag weekends, nag-iisip ako ng gameplan para masigurado kong madadala ko sa tuktok ang team ko. kahit si Jack Frost pa nga, madalas ay hindi ko na nabibigyan ng oras. kaya laking pasalamat ko ng lumabas ang performance statistics ng buong site...

at kami nga ang number one!

hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw sa tuwa. pero ito ay hindi dahil sa na-achieve ko ang top team rank. mas masaya ako dahil napatunayan ko sa sarili ko at sa ibang tao na ang mga bottom performers na halos hindi na pinapansin ng kompanya ay maaaring mag-excel at mag-perform ng maganda basta nasa tamang pamumuno sila. napatunayan ko na, oo nga, may leadership skills ako, at ito ang isang bagay na hindi lahat ng tao ay mayroon. at ito rin ang isang bagay na hinahanap ng management to be an officer.

kagaya ng napagkasunduan, kinausap ako ng upper management pagkatapos ng announcement. hindi ko maitago ang pagka-excite ko na finally, this is it, may "totoong" trabaho na ako at hindi na ako "ahente lang."

pero mali ang akala ko... 

"we are aware that you are able to drive the bottom performers to the top and you even ended up as the top team. but upon checking your individual performance, we can't help but notice that your numbers went down. as a good leader, you should be able to drive your team without losing your own numbers. we think that being a team leader is going to be a huge challenge for you as your performance shows. we have decided that we'll put you back to phones until further notice."

SHIT!!! ISANG MALAKING SHIT!!!

naiintindihan ko yung point nila tungkol sa individual performance ko. pero ang nakakasama ng loob is yung parang hindi man lang nila nakita o na-appreciate kung gaano kalaki ang impact ko sa anim na bottom performers na ipinahawak nila sa akin instead na sila ang trumabaho. nakakapanlumo ng loob na matapos ng extended office hours (na unpaid!), samu't saring suggestions to improve the operations, at lahat ng efforts at sacrifices ko para sa opisina, it went down to the drain just like that. pero, kung ganun talaga ang sistema ng palakad nila, wala naman akong magagawa eh. trabahador lang ako. hindi ako boss. wala akong karapatang umangal sa anumang desisyon nila at ang tanging responsibilidad ko lang ay sundin ang ipinag-uutos nila, maluwag man o labag ito sa kalooban ko.


Room Check

kapag binabalikan ko yung mga oras na ginugol ko para magpakabayani sa opisina, napapaisip ako... paano kaya kung nag-date na lang kami ni Jack Frost? or kung nag-text brigade ako sa mga clients? paano kaya kung nagsulat ako ng blog entry? o kaya ay namasyal, nagrelax, nagpasarap? well, hindi ko na masasagot ang mga tanong ns yan dahil lumipas na naman yung mga oras na yun. pero dahil sa nangyaring ito, naisip ko lang... ang bullshit ng buhay, no?

sa pag-aakalang eto na yung hinihintay kong "launchpad to my life," agad kong binitawan, tinalikuran, at inisang-tabi ang mga bagay na nasa akin na. wala akong pakialam kung may magtampo o may mainis sa akin, basta ang alam ko is that i am claiming what is rightfully mine. what if the things that i have now are actually the things that is rightfully mine, pero di ko lang naa-appreciate dahil masyado akong nagpapadala sa idinidikta ng lipunan tungkol sa "magandang buhay."

at isa pang lesson na natutunan ko...never be too busy to check-in. anuman ang mangyari, kainin man ng trabaho o ng kung ano mang elemento ng buhay mo ang oras mo, never forget to stop for a while, chill, and check-in with people that matter to you. dahil mahalaga na alam mo ang nangyayari sa buhay nila, at alam nila ang nangyayari sa buhay mo. at mahalaga na napagtatanto mo ang pagkakapareho, pagkakaiba, at pagkaka-ugnay-ugnay ng buhay mo sa buhay ng mga taong importante sayo.



ayan... ayan ang check-in ko. ikaw naman ang magkuwento. tagal na rin nating di nakapagkwentuhan eh. nakakamiss.

31 March 2014

BoyShiatsu TV: Galera 2014, Day 2


ayan, mas matino na yung edit. mas nababasa na yung nakasulat, ahahahaha! anyhow, simulan na natin ang second day.

kahit lasing at mabigat ang katawan, pinilit namin ni Jack Frost na gumising ng maaga-aga para abutan ang sunrise. pero dahil may low pressure area nung mga panahong yun, medyo maulap. kaya natulog na lang ulit kami... ag galing diba?

nagising kami ng mga bandang 9am, just in time for us to have breakfast bago maglangoy-langoy sa beach. and nope, di na ako nag-pancake tower. oa na yun! ahahaha! and while enjoying our breakfast, kalmado lang ang kahabaan ng white beach... wala pa ring mga tao...


pagkatapos kumain, nagplano kami ng activities. dapat mag-a-island hopping kami, eh tinamad. kaya naisipan na lang naming mag-ocular... ng mga padating! baka sakaling may mga hotness. ahahaha! ganyan kaming dalawa. magka-canvass ng mga may hitsurang sangkabaklaan na darating, tapos mag-aaway. ahahahahaha! ilang bangka rin ang dumating, pero sawi kami. kaya nag-moment na lang kami sa buhanginan.


habang nakaupo sa buhanginan, kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. walang topic. walang saysay. anything goes... and that made everything special. nandito ako sa isa sa pinakapaborito kong lugar, kasama ang isa sa mga pinakamamahal ko, ginagawa ang isa sa mga pinakahilig kong pampalipas oras... this is life.

inabot kami ng tanghali sa kakakwentuhan at paminsan-minsang lubluban sa dagat. naisipan na naming mananghalian bago ituloy ang pagliliwaliw sa dagat. ang what's the best option for lunch... inihaw!!


pusit at pork kebab... winner! and, oo, may beer na naman! ahahahahaha!

matapos ang masarap na lunch, umuwi na kami at sinipa na kami ng kalasingan namin nung gabi. nakatulog kami ng mahaba-haba! hapon na kami nagising, pero okey lang... naisipan na naming kumain ulit. binalikan namin ang al piatto at umorder. at dahil made to order ang mga pagkain dun, pinatay muna namin ang oras namin sa paglalaro ng monopoly deal.


haha! panalo na naman ako... as always! ahehehehe... at finally, dumating na ang order namin.


this time, we went with reddies. siciliana pizza (tuna, corn kernels, onion) and amatriciana spaghetti (bacon and cheese). and syempre, hindi mawawala ang beer! kain kain kain... fun.

matapos ang hearty early dinner, umuwi ulit kami at uminom sa bahay. partly, dahil maaga pa. and partly, para makatipid. ahahahaha! matapos ang ilang bote ng red horse (mabuti naman wala nang brownout), naisipan na naming matulog. pero di kami nagpatalo sa idea na yun, kaya tuloy pa rin kami sa tabing dagat.

sinalubong ulit kami ni Danica, kaibigan kong waitress sa Mikko's bar. sa kasamaang palad, hindi nya pala kami naipag-reserve ng table. mabuti na lang at may bakante pang isang table. umupo at umorder ng mindoro sling, inum-inom lang kami ni Jack Frost ng lumapit sa amin ang isang waitress at tinanong kung pwede daw kaming magpashare. mahaba naman ang table at dadalawa lang naman kami ni Jack Frost. pero hindi pa ako nakakapayag, umupo na yung isa sa dalawang makikiupong guys sa amin. yung nakiupo na wala man lang "excuse me" or wala man lang "um, ok lang ba?" basta sya umupo! so hindi na rin ako tumanggi. umupo ang kasama nya, and sa isang pitik, apat na kami sa lamesa. bigyan natin sila ng pangalan, para masaya... yung unang umupo na masungit, intrimitida, at may attitude, itago natin sa pangalang Ferb. yung kasama nya na mukhang mabait, nakangiti, at jolly yung aura, si Phineas. ayun,. Phineas and Ferb. tuloy lang kami sa pag-inom ni Jack Frost na parang wala kaming kasama sa table. napansin naming ang light light lang ng mood ni Phineas, pero si Ferb, maldita much. alam nyo yung mukha na parang naiinis sya na may kasama sila sa table? ganun! hello, kayo ang nakiupo! anyway, nagkakabulungan na kami ni Jack Frost.

JF: alukin mo sila ng tagay
BS: nyek, ayoko. nahihiya ako.
JF: si Phineas ang alukin mo, papayag yan.
BS: ayoko. tsaka kita mo naman, bakud na bakod ni Ferb.

at dun lang napansin ni Jack Frost. magjowa si Phineas and Ferb... nga ba? hindi rin ako sure. kasi kitang-kita na ineenjoy lang ni Phineas ang paligid, patingin-tingin sa kung kani-kanino, samantalang si Ferb naman eh magdamag lang na menopausal.

umalis si Jack Frost para mag-cr. at sinubukan kong alukin ng tagay sina Phineas and Ferb. nakangiting nakitagay si Phineas, pero si Ferb, plastic na plastic ang ngiti. at pagkatagay, sumimangot agad at masama ang tingin kay Phineas. ahhh... gets ko na... insekyora! pagbalik ni Jack Frost, di ko maiwasang ikwento ang nangyari. and may tig-isa na naman kaming theory.

The Jack Frost Theory states that Ferb likes Phineas but they're not really in a relationship. Most probably, Ferb is insecure because he's scared that it will be easy for Phineas to lure boys.

The Boy Shiatsu Theory states that Phineas and Ferb is in a relationship, it just so happened that Phineas is a light, fun-loving person and Ferb is more of a jealous whats-mine-is-mine type of guy.

unlike sa una naming battle of the theories (na wala ring nanalo, dahil may nagdatingan ding sangkabaklaan, but not enough to consider that Jack Frost won the bid), hindi rin namin nadetermine kung kaninong theory ang tama dahil maya-maya pa ay umalis na ang dalawa. solo na ulit namin ang table, yehey!

sa kalagitnaan ng pag-inom namin at panonood ng fire dancers at gay performers, bigla akong may naalala. may kakilala nga pala ako na nasa galera that time. agad ko syang tinext.

BS: hey, musta?
Kakilalang Friend: ayus naman
BS: nasa galera ka, right?
KF: oo!
BS: cool! nandito rin ako.
KF: nice! nasaan ka?
BS: dito sa Mikko's
KF: sige, puntahan kita.

at maya-maya pa nga ay dumating na ang kilalang friend ko. i've been waiting for this moment for all my life, and finally, nangyari na nga. kinakabahan pa ako, kasi i don't know what's going to happen... but i just did it, keeping my fingers crossed.

"Jack Frost, this is Boy Gyoza. Boy Gyoza, this is Jack Frost."

THE EPIC MOMENT! ang paghaharap ng ex ko at ng current partner ko. many may think that this is just normal, but not in my case. flashback tayo ng kaunti...

alam nyo naman siguro ang naging history namin ni Boy Gyoza, kasama na ang hindi maayos naming paghihiwalay, at kung gaano ako nahirapang maka-move-on sa kanya. there was even a time, i will admit, na habang nagsisimula kami ni Jack Frost ay sya pa rin ang naiisip ko. at hindi lingid kay Jack Frost yun. ilang beses naming pinag-awayan yun, pero sa awa ng diyos ay naka-move-on ako at hindi bumitaw si Jack Frost.

okay, back to the present.

eto na nga, magkasama na sa iisang lamesa si Boy Gyoza, si Jack Frost, at ako. masasabi kong maganda naman ang kinalabasan ng una nilang paghaharap, at light lang ang naging usapan. maya-maya pa, iniwan na muna kami ni Boy Gyoza. my first instinct was to check on Jack Frost.

BS: ok ka lang?
JF: oo naman!
BS: ayan, finally, nagkakilala na kayo. i feel better.
JF: he is nice.
BS: yes, he is.

whew! akala ko magagalit si Jack Frost. mabuti naman at naging maayos ang pagkikita nila. inenjoy lang namin ang gabi. tuloy-tuloy lang sa pag-inom ng mindoro sling at panonood ng mga performers. may pa-picture-picture pa.


ayan, crush naming fire dancer, si Raymond. di namin maiwasang hindi magpapicture, ahahahaha!

habang paubos na ang ikalawa naming pitsel, nagtext ulit sa akin si Boy Gyoza if he can join our table. nagpaalam ako kay Jack Frost, at pumayag naman sya. maya-maya pa ay eto na si Boy Gyoza... and meron syang kasama.

"Boy Shiatsu, this is Kikkoman (code name lang na ginawa ko for the guy), my partner. Kikkoman, this is Boy Shiatsu, my ex. and that is Jack Frost, his boyfriend"

now this is really getting monumental! Boy Gyoza and i met our exes' and their new partners all in one night... this is life!

nakiupo sa amin sina Boy Gyoza at Kikkoman, hudyat para mapabili ulit kami ng isa pang pitcher ng mindoro sling. at sa gitna ng maingay na musika ng galera, kasama na ang sipa ng alak sa aming apat, nagsimula ang isang masayang kwentuhan na matagal ko nang pinangarap at hindi ko sukat akalain na matutupad... at sa galera pa!

maraming masasayang kwentuhan ang nangyari. sa kung paano nagkakilala si Boy Gyoza at si Kikkoman, sa kung ilang beses nang napagselosan ni Jack Frost si Boy Gyoza. ako ang paandar ng kwentuhan, dahil ako naman talaga ang likas na madaldal sa lahat. nakakahiya na nga dahil lagpas lagpas na sa kwentuhan ang nangyayari... laglagan na! pero ang sarap isipin na lahat kaming apat ay matured na sa kwentuhan. alam kong walang selusang nangyayari. alam kong sincere kaming apat na nag-eenjoy sa usapan. and i feel happy that Jack Frost and Kikkoman accepted the fact na talagang may espesyal na puwang pa rin kami ni Boy Gyoza para sa isa't isa, and it's more than being lovers. we are really better as friends, super friends, sisters pa nga. and i feel relieved that both parties accepted it sincerely. natapos ang masayang kwentuhan ng kinailangan nang bumalik nina Boy Gyoza at Kikkoman sa tropa nila.

habang inuubos namin ni Jack Frost ang natira sa huling pitsel ng mindoro sling, i still have the feeling na baka nagpapaka-civil lang si Jack Frost sa paghaharap na nangyari. but his words while we were finishing the last shot assured me...

JF: he is really a nice person
BS: hindi ka talaga nagseselos ha?
JF: hindi.
BS: mahal na mahal kita
JF: mahal na mahal din kita. and i'm really happy that this night happened. napatunayan ko kung gaano mo ako kamahal, and napatunayan kong wala na talaga akong dapat ipagselos kay Boy Gyoza. in fact, i would like to be friends with him nga. he really is a nice guy.

at umuwi kaming dalawa na may ngiti sa mga labi at may panibagong pagtitibay sa relasyon namin.

24 March 2014

BoyShiatsu TV: Galera 2014, Day 1


tanga ako mag-edit... kaya hindi ko napansin yung kulay. basta, gets nyo na naman yung idea diba? for this blog entry, mag-a-ala Kris Aquino ako sa pagkukwento ng galera weekend ko. blame it on our break schedule na kasabay ng Kris TV sa umaga, and habang lumalaklak ako ng kape eh puro pagdadakdak ni Kris ang nakikita ko sa tv kasama ang mga makaluwa-matang features nya ng mga lugar na pinupuntahan nya na "economical and budget friendly" daw... for her, siguro. pero for the masses... HELL TO THE NO!

pero at least, itong kwento ko, economical, budget-friendly, and relatable naman... yata...


father and son... sa maraming beses na nagpunta ako ng galera, di ko alam kung bakit laging sa kanila ako sumasakay despite the commentaries na mabagal daw yung bangka nila. sa bagay, kung ilalaban mo nga naman sa golden eagle, ano ba naman ang laban ng blue penguin? ahehehehe... pero ang dilaw na ticket na yan ang simula ng masayang weekend ko.

and pagdating na nga dun... ayan na! sinalubong na ako ng medyo puti atr medyo yellow na buhangin! bumilis na agad ang tibok ng puso ko... i missed this! para akong bata na nagtatalon pa sa buhangin pagdating na pagdating ng galera.

and syempre... ano pa ba ang una naming gagawin ni Jack Frost pagdating ng galera... maghanap ng room! maganda naman yung nakuha naming room, mura pa. sayang, di ko napicturan. then, after mag-settle at magpahinga saglit... sugod na agad sa unang target... breakfast!



kilala na sa galera ang "food trip sa galera" bilang sentrong kainan ng mga taong hindi makapagdecide kung anong kakainin. in that case, kami yun! dahil wala pa kami sa mood mag-explore ng ibang kainan at gusto pa lang namin malamanan ang malalaki naming tiyan, dito na lang kami kumain. but i decided to fulfill a dream na matagal ko nang tinatarget sa kainang ito.


yan! yan ang breakfast! six layers of fluffy pancakes, three meaty burger patties, hefty serving of crispy-and-chewy bacon, a mountain of flavorful scrambled eggs, topped with shreds of tasty ham, smothered with a generous mix of maple syrup, butter, and jam... YAN ANG BREAKFAST!!! wag nyo na lang akong tanungin kung naubos ko, ahehehehe...

matapos ang life and figure changing breakfast, nag-ikot-ikot na kami ni Jack Frost sa dagat. gusto ko ang panahon. dahil sa low pressure area, hindi katirikan ang araw at may panaka-naka pang ambon. paiba-iba rin yung hampas ng dagat. magiging kalmado, magiging malakas. paulit-ulit, pero paiba-iba. parang babae. (naks naman sa comparison!)


syempre, kasama na sa pag-iikot namin ang pag-o-observe ng mga tao. at di nga ako nagkamali. kahit kakaunti pa lang ang tao sa galera, nandun na agad ang mga success stories ng my pinay wife dot com. nandun na rin ang mga babaeng ayaw maarawan. pero wala pa ang sangkabaklaan. ang theory ni Jack Frost, baka daw nasa work pa at kinabukasan pa darating. ang theory ko naman, walang sangkabaklaan na magdadatingan kasi nag-iipon sila para sa bonggang-bonggang mandatory holy weekend vacation galore. sa next entry nyo na malalaman kung kaninong theory ang naging law.

anyway... so ayun nga. babad babad sa beach, langoy langoy ng kaunti, at naisipan na naming magpahinga muna. matapos ang saglit na tulog, it's time for early dinner. dinala ko si Jack Frost sa isang kainan sa galera na hindi masyadong alam ng tao (hindi kasi beach front) pero super sulit at super sarap...


i discovered "al piatto" two years ago, nung nagpunta ako dun kasama si Chino. (backread na lang kayo ng entries ko). ang gustong-gusto ko dito, sa halagang Php145, may pizza or pasta ka na. pero dati, ang liit lang nung pwesto nila, parang garage lang. ngayon, totally nag-improve na yung place! at may draft beer pa! kaya ayan, hindi pa man din kami kumakain, nag-alak na agad! eh kasi ang hirap mamili eh. kung ito ang menu, sige, di ba kayo mahihirapan?


o, diba? ang daming options! nakakalito talaga. kung pwede lang orderin lahat, kaso hindi kaya ng budget (kahit kayang-kaya ng tiyan! ahahahaha!). so for our dinner, we chose some classics na lang.


pesto pasta and prosciutto e funghi pizza... plus beer... this is life!

matapos ang masarap na dinner, at para na rin makatipid, bumili na lang muna kami ng tatlong red horse at tostillas para uminom sa bahay bago sumugod sa mga bar sa beach. kwentuhan sa balcony tungkol sa relasyon namin, masaya at malaman ang naging conversation namin ni Jack Frost.

Jack Frost: ewan ko ba, sa dami ng pinag-awayan natin, wala na yatang makakasira sa atin.
BoyShiatsu: walang bitawan
Jack Frost: walang bitawan

and that night, sa harap ng tatlong bote ng pulang kabayo at pakete ng tostillas, we rekindled our promise of love for each other... sarap...

kaso, biglang nag-brownout!

panira ng moment! dala na rin ng bagyo, medyo pawala-wala ang kuryente. mabilis din namang bumalik. naisipan na naming ubusin ang mga beer namin at pumunta na sa beach. simulan na ang tunay na galera drinking session...


mindoro sling! ilang beses na akong pumupunta sa galera, pero di ko pa rin alam kung ano ba ang mix nito., basta alam ko may tanduay sya. tsaka apple. tsaka stick (yup, kasama sa mix yung stick!). ang inumin na ito ang naglalabas ng kakaibang espiritu ng galera experience... i wonder what's in store for Jack Frost and i that night. inum-inum-inum lang, kulitan at tawanan, may kaunting kantiyawan at asaran (yung nasa kabilang table kasi, tingin ng tingin sa amin, hehehehe...). naghahanap pa rin ako ng sign sa kung ano bang sasapi sa amin ni Jack Frost sa gabi iyon sa tulong ng mindoro sling. hanggang sa nakita ko na ang sign, salamat sa isa sa mga performers ng Mikko's bar.


so, ayan nga... nagsusunog si ate habang kumakanta ng "this girl is on fa-yar, this girl is on fa-yar-yaha-yaha-yahayahar." as in literally pinasiklab nya ng apoy yung balcony ng stage nila! tawa kami ng tawa... ng naisip ko... ito na yun! this is the sign! our night will be on fire!

and, yup... it was, indeed, on fire! hee hee!

20 March 2014

In Summer

tapos na ang ash wednesday, so isa lang ang ibig sabihin nito... SUMMER NA!

nararamdaman ko na ang summer. sa facebook pa lang, paandaran na ng timeline posts about balik alindog projects, summer outing plans, beaches and bitches, diet and detox plans, at panaka-naka pa ring posts na may kinalaman sa Frozen at Let It Go (yehey!). ang dami nang mga hubad na katawan na nagpuputukan ang mga biceps, triceps, quadceps, forceps, concepts, at kung anu-ano pang may kinalaman sa muscles. ang mga online sellers, mula sa mobile phones, nag-shift na sa bikinis at trunks. at higit sa lahat, uso na ang mga selfie na may kasamang dagat, buhangin, halu-halo, anklets, vinta, at jollibee tuna pie.

kaya naman excited na talaga ako. in less than 12 hours from now, pupunta na naman ako sa tinatawag nilang Gay Mecca... Gaylera! pero behave ako, kasama ko si Jack Frost eh. for sure makakakita na naman kami ng mga lalaking singlaki ni Arnold Schwar... Shwarse... Schawrsze... um, Jean Claude Van Damme pero kung makatili ay mas matinis pa sa boses ni Mariah Carey or Tina Arena. nagkalat na naman ang mga babaeng naka-two-piece pero ayaw maarawan. nandyan na naman yung mga success stories ng My Pinay Wife Dot Com together with the unsuspecting Uncle Joes. and ang excited ako sa lahat, nandyan na naman yung mga masarap okrayin na ginagawang swimwear ang bench, fnh, at prp underwears! (come on!)

isa lang ang hinihiling ko na sana ay makita ko sa Galera... si Olaf!

enjoy the summer guys! hinay-hinay sa pagpapaitim. baka masagasaan ka sa gabi.

gagawa na sana ako ng "legit" entry today, eh kaso naalala ko, di pa pala ako nakakapag-impake. hee hee!

13 March 2014

Christian Grey

hindi ako mahilig sa 50 shades of grey, pero hindi ko alam kung paanong nasali sa usapan namin yun ng mga officemates ko kanina during lunch.

natapos ang lunch at natapos ang usapan, pero dalawang idea lang ang na-retain sa utak ko tungkol sa nasabing bastusing libro.

1. pinalitan na daw yung lead actor na gaganap dun sa movie version. kung bakit, hindi ko alam.
2. meron daw audio version nung libro, at magkakaroon pa nga daw ng tagalog version!

hmmm... napa-research tuloy ako sa internet. at sa aking pananaliksik, eto yung natagpuan kong snippet.

* * * * *

may demonyitong ngiti sa labi ni Christian habang pinapanood nya akong unti-unting nagtatanggal ng damit. hanggang sa talagang wala na akong saplot at nakatambad na sa harapan nya ang kabuuan ng katawan ko.

"hmmm... ayus... ang sarap mong tignan. ikot ka nga."

at parang isang utusan, dahan-dahan akong umikot, sinisiguro kong makikita ni Christian ang bawat sulok ng aking katawan.

"sige, palibugin mo ako."

dahan-dahan kong hinawakan ang katawan ko habang nakapikit. may kasamang kagat sa labi. pinisil-pisil ang sarili kong braso, dibdib, at pababa sa tiyan hanggang sa dumating sa aking kargada. itinigil ko ang paglalaro at binuksan ang aking mata, upang matagpuan lamang na wala si Christian sa kinauupuan nya. hinanap ko sya sa paligid, at nagulat na lang ako na nasa likuran ko na sya, may bitbit na kahon.

"halika... laro tayo..."

ibinaba nya ang kahon at binuksan, at nagtaka ako sa mga laman nito. pero agad nya akong inutusan na pumikit, at sumunod naman ako. naramdaman ko na lang na may isinusuot sya sa akin. medyo mabigat, medyo makalansing, medyo... weird.

"snice! bagay sayo!"

dumilat ako at humarap sa salamin... at nakita ko na lang na may nakasabit na sa katawan kong mga leather straps na may mga metal chains. kagaya ng mga nakikita ko lang noon sa mga porn movies. heto't suot ko na ang isa.

"hahaha!"

di ko maiwasang matawa. pero agad akong pinigilan ni Christian.

"pasensya na. talaga lang hindi ko naisip na magsusuot ako ng ganito."
"simula pa lang yan."

sinimulan ni Christian ang paghalik sa akin. dahan-dahan, pero gigil na gigil. tuloy-tuloy lang ang laplapan namin ng bigla nya akong hinila at itinulak sa kama. nagmadali syang kinuha ang kahon palapit sa kama at inilabas ang isang maliit na latigo. muntik na naman akong matawa pero pinigil ko agad-agad.

"marunong ka gumamit nito?" pagtatanong nya ng pabulong, na may kasamang libog at paglalambing.
"hinde." diretsong sagot ko, na para bang may nagtanong lang sa akin kung nanonood daw ba ako ng kambal sirena.

at dahil yata hindi nagustuhan ni Christian ang naging sagot ko, agad nya akong hinampas ng latigo. pero hindi masakit na hampas. may kaunting diin, sapat lang para mapakislot ako ng bahagya.

"ganyan... ganyan ang paggamit." at inulit-ulit nya ang hampas sa akin. sa hindi ko maipaliwanag na paraan, hindi ako nasaktan. bagkus ay parang nasasarapan pa ako. napansin yata ni Christian ang sarap, at agad nyang itinigil.

"mukhang nasasarapan ka na ah. ikaw ang dapat gumawa sa akin nito."
"sige..."

iniabot sa akin ni Christian ang latigo. hanggang ngayon ay medyo nawiwirduhan pa rin ako. may suot na leather. may hawak na leather. ano pang susunod na mangyayari?

dumapa na si Christian sa kama at nakatambad na sa akin ang kahubdan ng kanyang likuran. medyo maganda ang katawan ni Christian... buti na lang at maganda ang katawan nya. dahil kung pati ang katawan nya panget, naku... napakamalas nya. sisimulan ko na sana ang paghampas sa likod nya ng biglang napatayo si Christian, tila may nakalimutan. agad syang pumunta sa kahon at naglabas ng ilang bagay, at ipinatong sa katabing lamesa ng kama.

"pag sinabi kong gawin mo, gawin mo ha. gamitin mo ang mga ito pag iniutos ko."
"sige."
"shit ka! ang sarap mo tignan!"

hinalikan pa muli ako ni Christian. kinagat-kagat ang labi ko, paakyat sa aking tenga, at binulungan nya ako.

"itali mo ako sa kama. nandun yung tali."

itinuro ni Christian ang maiikling pulang tela na nakapatong sa lamesa. at tila isang asong utusan, kinuha ko ang mga tali. humiga si Christian sa kama at ibinuka ang mga kamay at paa, sakto sa apat na sulok ng kanyang kama. doon ko lang namalayan na mayroon palang apat na talian sa bawat sulok ng kama. isa-isa kong itinali si Christian sa bawat sulok. sinusubukan nya pang pumiglas, pero hindi ko sya pinayagan. sa bawat pagpiglas nya, hinahampas ko sya ng latigo, at agad naman syang titigil. hanggang sa naitali ko sya ng lubusan.

sinimulan kong romansahin ang katawan ni Christian. dinila-dilaan ko ang bawat sulok ng maganda nyang katawan. panay ang ungol ni Christian sa bawat pagdampi ng dila at ng kamay ko sa katawan nya. at sa bawat pag-ungol nya, isang hampas ng latigo ang natatanggap nya mula sa akin, na tila lalo nya pang ikinalilibog.

"putangina! ang sarap!"

hindi ko na hinintay ang mga sunod nyang utos at nagkusa akong kunin ang isang maliit na itlog (?) na nakapatong sa lamesa. nang hindi ko mamalayan kung para saan ito, doon ko na tinanong si Christian.

"may pindutan yan sa ilalim, pindutin mo."

agad naman akong sumunod at nagulat sa nangyari. nanginig ang maliit na itlog. nakakakiliti. nakakalibog. sakto.

dahan-dahan kong inilapat ang itlog sa kilikili ni Christian, at hindi na nya napigilang mapasigaw sa sarap.

"PUTANGINAMO!!!"

nagugustuhan ko ang paghuhumindig ni Christian. pinagulong-gulong ko ang itlog mula sa kanyang kilikili, pababa sa kanyang dibdib, sa kanyang tiyan, at sa balahibong pusa sa bandang baba ng kanyang tiyan.

"tangina! ituloy mo lang! ITULOY MO LANG!"

tila isang demonyo, tinanggal ko ang itlog, at nakalma si Christian. hinampas-hampas ko ulit ang kawawang bihag gamit ang latigo. mas malakas. mas madiin. mas agresibo.

galit na galit na ang kargada ni Christian. ganun din naman ang sa akin. at hindi ko na pinatagal ang paghihirap ni Christian.

idiniin ko ang nanginginig na itlog sa pagitan ng pisngi ng puwet ni Christian.

"SHIT!!!"

nagpupumiglas na sa sarap si Christian, na lalo ko namang ikinatuwa. hinampas ko sya ng hinampas ng latigo habang dinidilaan ang kargada nyang namumula na sa galit.

* * * * *

itinigil ko na ang pagbabasa ng bastusing snippet... napag-alaman ko kasing wala naman talagang tagalog version ang 50 shades of grey.

kung gayun, saan nanggaling yung snippet na ito? at paano itong nasali sa blog entry na ito?

*wink*

02 March 2014

Bak Bek Bik Bok Buk

Bak.

so, finally, after two months of hiatus, here i am again. ready to write about anything i please, hoping that it will also please the readers. pasensya naman. yun ang problema sa akin eh. i'm a mood writer. pag wala sa mood, pag walang creative juices, walang output. mabuti na rin siguro na di ako nagtuloy-tuloy sa pangarap ko dati na maging newscaster. malamang sa malamang, bembang ako madalas sa boss ko, or i may end up reporting about, hmmm, flesh-eating skin diseases, maybe?

anyways... this time, i'm back. and i'm committing to blogging a little bit more regular. hindi yung pasumpong-sumpong lang. sana lang palagi akong atakihin ng mood.

* * * * *

Bek.

simula nung lumabas yung advertisement ng "I Am Pogay" sa showtime, kitilin nyo na ako pero pinangarap ko talagang sumali. pero potah naman, unang araw pa lang, si Mhar na agad ang nakasalang! (yup, first name basis. kilala ko sya eh, ahahaha!). sumunod pa si Wilbert. and ang pinaka-threat sa lahat, si Caloy! (kilala ko rin sya personally.) Caloy, aysus... crush ko pa man din yun dati. hehehehe...

pero on fairness, nakakatuwa yung concept ng contest. pero ang nakakatawa, may ilang contestant na namali yata ng sasalihan. akala yata ni Ms Gay ang pinasukan nilang contest. ahahahaha!

i have nothing against effeminate guys. heck, i am sometimes effeminate (yup, sometimes lang, pramis!). so okey na rin. nakakatawa lang.

and, as expected, ang isang ikinakainis (not sure if that's the right word, can't think of one eh) ko sa contest (na medyo expected ko na ring mangyayari) is yung kanya-kanyang oa na paandar. merong kesyo first time daw sumali ng contest. merong kesyo hindi daw out sa family. merong kesyo hindi daw tanggap ng pamilya ng jowa pero pagkasali sa i am pogay eh biglang suportado na. merong nabuyo lang daw ng friends kunyari (pero kontodo sa outfit at talent). kanya-kanyang marketing strategy!

nakakatawa lang. kailangan ba talagang may paandar na ganun para maging "standout" ka sa competition? di ba pwedeng sumali ka lang hindi dahil sa may gusto kang patunayan or may mensahe ka sa buong pilipinas, kundi dahil gusto mo lang? walang-wala sa mga contestant ng That's My Tomboy na ang simple lang lagi, pero mas kabog. pero sa bagay, sabi nga nila, kung beks ka pero hindi ka paandar, hindi ka beks.

anyhow... kung tatanungin ako kung gusto ko sumali... ayoko na lang. wala din naman akong pag-asa. at tsaka wala na akong maiisip na paandar, kasi lahat na yata ng pwedeng padrama eh nagamit na ng mga contestant. tsaka, pag sumali ako... magiging reunion lang ang kalalabasan! eh halos lahat ng sumasali dun, kilala ko eh. ahahahaha!

* * * * *

Bik.

guys, saan ako pwedeng magsampa ng kaso sa mang inasal? yup, sasampahan ko ng kaso ang mang inasal. pesteng sabaw kasi yan, ang sarap. napaparami tuloy ako ng kanin!

nagiging normal routine ko na ang dalawang rice kapag tanghalian, five times a week. and ang results, ayun, nananaba na naman ako. para akong biik na matangkad. yup, biik pa lang, pero mukhang papunta na sa baboy. pero syempre hindi ako papayag dun. bago pa ako maging baboy, sisiguraduhin ko nang nakakulong na ang management ng mang inasal dahil sa masarap na sabaw nila at unli rice. ipapasara ko rin ang lahat ng buffet. at paparamihin ko ang branches ng bodhi, kung saan eh dalawang kutsara lang halos ang rice nila, tapos healthy pa yung ulam.

or mag-exercise na lang ako siguro. tama. baka sakaling magamot din ang kabaliwan ng utak ko. lintek na utak to eh, ang taba, ang sarap i-sisig!

pero, ayun nga. bitter reality. tumataba na naman ako. ang laki na naman ng tiyan ko. yung tipong kapag nakatungo ako, ulo na lang ang kita ko doon (ehehehehe...).

* * * * *

Bok.

naaalala nyo ba yung palabas na Barkada Trip sa studio 23? yung animated? eh naaalala nyo si Bok, yung character dun na kalbo? yung oa sa kulit? yung palaging panimula ng kalokohan sa barkada nila? oo, yung pasaway? oo, yung astig? ano, naalala mo na? kung di mo maalala, i-google mo yung photos nya. ano, nakita mo na? naalala mo na?

wala lang. naalala ko lang din. tsaka wala akong maisip na topic for Bok eh. ayun, naalala ko sya.

* * * * *

Buk.

katext ko yung isang kaibigan ko kailan lang, nang may ibalita sya sa akin.

"nakita mo yung fb post ni Migs about sa book? Amalganation yung title. you were featured there ah. interviewed by the author."

nagulat talaga ako! kasi alam ko, ilang beses na akong na-interview bilang Boy Shiatsu, pero wala akong alam na ilalagay sa libro ang interview kong iyon, kung sino man sa kanila yun.

agad akong nagtanong-tanong at nag-research tungkol sa librong ito, pero sawi. di ko sya makita. kahit sa google, wala, no related search results (kaya i ended up researching about photos ni Bok). di ko tuloy alam kung di pa ba released yung book, o pinagtitripan lang ako ng kaibigan ko (which i doubt.)

speaking of books... nakakatuwa na ang daming mga indie blogs na ang narerelease as books. yung iba, nagiging movies pa. as a blogger, natutuwa ako for them. pero, at the same time, naiinggit ako. buti pa sila, natupad ang pangarap nila na maging "legit writers." from blogs, naging books, naging movies pa. nakakalungkot na hindi man lang ako magkaroon ng ganung chance. hanggang pangarap na lang yata talaga ang libro ko. mukhang di na talaga mabibigyan ng pagkakataon na makita ko ang pangalan ko (well, code name ko) sa displays ng bookstores. yung tipong wala akong pakialam kung hindi sya mabenta, basta mapublish lang sya as libro, okay na ako. magseselfie pa ako kasama ng mga books.

kaso, yun nga eh... mukhang wala na talaga. well, siguro dahil kasi pasumpong-sumpong ako magsulat. or siguro dahil hindi ako marunong mag-market ng sarili ko. at kahit na mataba at pang-sisig ang utak ko, at punong-puno ako ng kapasawayan at kakulitan at happy energy, mananatili na lang yatang "no related search results" ang libro ko.

haaayyy... kakalungkot... kuya, pa-refill nga ng rice. tsaka pa-refill din ng sabaw. penge ring tubig. tenkyu!

31 December 2013

Best Year Ever (So Far!)

sabi nga ng one direction...

and we danced all night to the best year ever

muli kong binasa ang mga blog entries, twitter feeds, at facebook posts ko para i-review kung kumusta nga ba ang 2013 ko. and i came up to a conclusion... this is my best year so far!

trabaho-wise, bagamat hanggang ngayon ay ikinakalungkot ko pa rin at hindi ko pa rin alam kung bakit nga ba ako tinanggal ng boss ko as his personal assistant, thnakful ako na bumalik sa call center industry. for some reason, mas alam ko na kung anong tatahakin kong path. sana lang talaga eh hindi ako ma-burn-out.

sa pamilya, masaya na sa bahay na ako nakatira. although, oo, nakakapagod ang byahe, pero makita ko lang ang pamilya ko, lalo na ang mga pamangkin ko, after ng malayong byahe... solved na ang pagod. pero kung yung bayaw ko ang makikita ko, ibang usapan yun! ahahaha!

pero ang dalawang pinakamalaking bagay na ipinagpapasalamat ko ngayong 2013, ang dalawang bagay na nagbigay ng kulay at direksyon sa buhay ko.

improv comedy. ngayong taong ito tuluyang umusbong ang karera ko sa larangan ng improv. and there's no stopping us anytime soon.

and most specially... Jack Frost... no explanations needed!

this year, masasabi kong malaki ang naging pagbabago ko. ang daming pangyayari, ang daming ups and downs. pero after all these roller coaster rides, masasabi kong hindi na ako yung tipong tulala at hilo after the ride, but more of a fun-loving person na nakangiti at super excited pa sa mas nakakalokang roller coaster.

as cliche as it may sound, let me say this. maraming salamat sa isang masayang byahe, 2013. thanks for being the best year ever, so far. pero, i must tell you, looks like 2014 is up to get the crown from you! and, sorry, but i will definitely let him get it! hee hee!

maligayang 2014, everyone!

24 December 2013

Rush Rush

isa munang panimulang tugtugin hatid ng pussycat dolls.


pero wala naman talagang kinalaman ang video na yan sa entry na ito, just like how some intermission numbers eh walang kinalaman sa mga programs (e.g: mga babaeng singkipot ng eskinita ang saplot sa katawan na sumasayaw ng patuwad-tuwad, paliyad-liyad, at pabuka-bukaka sa isang home for the aged christmas party!).

i like christmas. masasabi kong isa ito sa mga okasyong talagang inaabangan ko. siguro it's because of the kid in me. excited pa rin ako kapag nagbubukas ako ng regalo, kapag hinuhulaan ko kung sinong nakabunot sa akin sa kris kringle, sa malakas maka-emo at makabondat na noche buena, sa solemn and relaxing christmas mornings, at sa mga batang nangangaroling na mali-mali ang lyrics.

saming bahay, ang aming bati
meri krismas ng wawalhati
ang pag-ibig bagsyang naghari
araw-araw ay magiging pasko lagi
ang sanghi po ng pagparito
hihingi po ng amigaldo
kung sakaling kami'y werwisyo
pashyenshya na kayo kami'y namamasko
wiwis you a meri krismas
wiwis you a meri krismas
enda hapi new year

lintek na mga bata to, mali-mali na nga ang lyrics, nang-angkin pa ng bahay! hello! bahay namin to, hindi sa inyo!

* * * * *

pero ang pinaka-defining moment na yata ng pasko ay ang tinatawag nilang holiday rush. ewan ko nga ba kung bakit ganun. may sweldo na naman karamihan ng akinse, at madalas naman ay nakukuha ang 13th month pay at christmas bonus a week before the 15th, pero bakit nga ba tuwang-tuwa ang mga pilipino na sa huling limang araw bago magpasko ay tsaka mamimili? tapos magrereklamo na masikip, na traffic, na hassle. kung ayaw nyo ng masikip, ng traffic, ng hassle, september pa lang mamili na kayo, since technically eh pasko na naman yun sa pilipinas.

at akala mo naman kung sino akong magsalita diba? samantalang nakisiksik din ako nitong mga nagdaang araw sa department stores, malls, at palengke. pero may dahilan naman ako. wala akong 13th month at christmas bonus, kaya dumiskarte muna ako ng pera. eh ngayon lang nakadiskarte, kaya ayun. pasensya na kung isa ako sa nagpasikip ng pagsashopping nyo.

pero, aminin natin, anumang hassle ng holiday rush, there's this fulfilling, er, feeling na nararamdaman mo after all the siksikan, tawaran, at hagaran. kanina, nagpasama ako sa ate ko para mamili ng mga iluluto mamayang noche buena. alam ko kung ano yung iluluto, pero di ko alam yung mga ingredients. sugod kami ng ate ko sa palengke, and for the first time in a long time, nakisiksik ako sa masangsang, mabaho, marumi, at karumal-dumal na palengke... joke lang! hindi naman pangit yung palengke. in fact, malinis nga,. pero siksikan pa rin. kurot ng manok, pili ng patatas, halukay ng magandang carrots, bilang ng hotdogs, at uminom ng gulaman... maya-maya pa ay natapos ang pamamalengke, at tila nabawasan din ako ng limang kilo sa dami ng pawis ko. pero, hindi ako natuwa, kasi alam kong in a few hours from now, i'll gain it back! hahahaha!

* * * * *

madalas sabihin ng mga tao na ang pasko ay para sa mga bata. oo nga naman. all the gifts, the christmas songs, the new clothes, the yummy food (and the chocolates!!), parang pambata nga naman talaga ang pasko. kumbaga, this is their euphoria. exciting, fun, and talagang, hmmm... extraordinary. pero, kung iisipin mo, christmas can be as exciting for adults as it is for kids. take my experience as an example.

tatlong araw before christmas at di pa rin ako nakakapagdecide kung anong regalo ang bibilhin ko sa mga bata. ang awkward naman na tanungin sila kasi magkaka-idea na agad sila. i wanna surprise them. so bumili ako ng palagay ko eh magugustuhan nila. eto ang challenge... paano ako uuwi ng bahay dala ang mga regalong ito ng hindi makikita ng mga pamangkin ko na buong hapon lang na nanonood ng tv? isip isip. hanggang voila! tinawagan ko ang ate ko habang naglalakad na ako pauwi at sinabi kong utusan ang dalawang bata na bumili ng kahit ano. kahit ano, basta dapat lumabas ng bahay yung dalawang bata. and they did naman... which means i have 30 seconds to rush from a corner na malapit sa bahay namin papasok sa bahay, paakyat sa kwarto. salamat sa diyos at successful naman. then comes the second challenge... paano ko maibabalot yung gifts na hindi nila nakikita? nagawa ko pa rin, at sa tulong ulit ng ate ko. kesehoda nang hindi maganda yung pagkakabalot tutal sisirain din naman. then ang susunod na challenge naman is kung paano ako bibili ng regalo para sa ate ko, sa mama ko, at sa bayaw ko (yah, ibibili ko sya kahit labag sa loob ko, ahahaha!) ng hindi nila nakikita. ampota... mas mahirap pala yun! pero sa awa ng diyos at ng ninja skills ko, naitawid naman. whew!

* * * * *

isa sa mga tradisyon na hindi nawawala sa pasko namin ay ang pagsasabit ng medyas para kay santa claus. masasabi kong matagumpay naman kaming matatanda sa bahay na itago sa bata ang katotohanan tungkol kay santa claus. nagtataka nga ako sa mga pamangkin ko, wala naman kaming chimney sa bahay, bakit talagang sobrang naniniwala sila na darating si santa claus. saan sya dadaan, sa pinto? at isa pa, bakit nga ba santa ang tawag sa kanya eh lalaki sya?

going back, ayun nga. medyas. medyas na pupunuin ng candies at kung anu-ano. and syempre, bilang ako ang medyo may budget, ako ang assigned na bumili ng panlaman sa medyas. kahit anong kendi na lang daw sabi ng ate ko. pero syempre, di naman ako papayag. umalis ako saglit at pagdating ko sa bahay (good thing wala ang mga bata), nagulat si ate sa grocery items na dala ko. sandamakmak na chocolates, candies, gelatine, chichirya, at kung anu-ano pang pagkain na masama sa ngipin at sa kalusugan. ewan ko ba, parang di ko kasi papayagan na paggising sa umaga ng mga pamangkin ko ay ilang pirasong kendi lang ang makikita nila sa medyas nilang isinabit (for the record kasi, instead na medyas nila ang isabit, medyas ko ang ginagamit nila. yung mga luma kong medyas. yung ga-stockings na sa haba). kaya okey lang na gumastos ng kaunti, kung ang kapalit naman nun ay masayang ngiti mula sa mga bata.

nung bata pa ako, talagang exciting ang pasko namin. umaapaw ang kendi sa medyas na nakasabit. makulit yung mga ilaw ng christmas tree. maraming pagkain sa hapag. at hindi naman ako makakapayag na hindi maranasan ng mga pamangkin ko ang sarap at saya ng pagiging bata tuwing pasko dahil lang sa medyo kapos sa budget. banatin na ang pwedeng banatin, simutin na ang pwedeng simutin, kung ang kapalit naman nito ay lubas na ligaya sa mga pinakaimportanteng bata sa buhay ko. oo, spoiler akong tito. and i'm happy to admit that. minsan lang naman ang pasko, bakit hindi pa itodo diba?

* * * * *

isang maligayang pasko sa lahat. walang dahilan para hindi ito i-celebrate. hindi naman kailangang magastos, o maraming regalo, o maraming kendi, o maraming pagkain, o maraming etcetera etcetera. dahil ang tunay na diwa naman ng pasko ay ang pagpapasaya sa mga mahal mo sa buhay, at ang paggunita sa taong may birthday sa araw na yun.

which reminds me... wala pa pala akong regalo sa kanya. teka nga, makabili muna. rush rush!

08 December 2013

11th and 28th

nope, i'm not talking about a street corner sa fort bonifacio.

isang mahalagang araw ang naghihintay sa akin bukas. dalawang milestones.

una ang 11th. labing-isang buwan na kasama si Jack Frost. oo, milestone to para sa akin na ang pinakamahabang relasyon ay limang buwan. hindi naging madali ang byahe namin, pero sobrang natutuwa ako kasi sa dami ng pinagdaanan, pinagdadaanan, at pagdadaanan nami, alam kong malakas ang kapit namin sa isa't isa. kahit na may mga taong ang misyon yata talaga sa buhay ay sirain kaming dalawa, naniniwala ako na kakayanin namin ito. Jack Frost ko, maraming salamat sa ika-labing-isa. isang buwan na lang, isa na tayo. and i can't wait sa mga susunod pa nating numero.

bukas na rin ang 28th. syet! ang tanda ko na! pero ayus lang. may pinagkakatandaan naman yata ako. i think. i hope.

magkausap kami ni Jack Frost sa telepono nung isang araw. nag-away pa kami. nasabi ko kasi sa kanya na nalulungkot ako kasi magcecelebrate ako ng birthday ng wala man lang pera. as in walang wala. hindi kagaya last year na nagawa ko pang ilabas ang pamilya ko at igala sa mall. pero this year, nganga. ayun, nagalit. nagdahilan pa ako kung bakit hindi nya ako naiintindihan at kung bakit ako nalulungkot. pero nadale nya ako sa isang salita.

napakarami mong pwedeng ipagpasalamat sa buhay. napakaliit na dahilan ng pera para malungkot ka.

touche!

dun ko naisip... oo nga naman. nagpapasalamat ako na kahit mahirap ang buhay, kumpleto kami. hindi man palaging masarap ang ulam, pero nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw (ako, minsan, dalawa lang... diet eh!). nakakapanood kami ng tv. nakakapaglaro ng games sa mga gadgets (although, di ko magamit tablet ko, katangahan ko kasi! ahahaha!), at nakakangiti sa araw-araw. may trabaho ako. may Jack Frost ako. at higit sa lahat, buhay ako. at bukas nga,panibagong taon na naman ang ipagkakaloob sa akin ni Bro. mas higit pa sa pera yun, at ang mga bagay na ito ay hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit anong pera o halaga.