may mga taong minsan lang dadaan sa buhay natin, pero malaki ang magiging impact nila sa atin. pwede makasama natin sila ng ilang minuto, ilang oras, o ilang araw lang, pero kahit pa gaano kaikli ang naging pagsasama, marami naman tayong matututunan sa kanila. may mga taong sadyang once lang natin makakasalamuha. that's the sad reality... but we don't really have to be sad about it.
-- BoyShiatsu
maaga kaming umalis ng kaibigan kong si Prince papunta ng puerto galera. bagama't pareho kaming excited na muling puntahan ang isla naming mahal, ang ganda ng blending ng mga hilik namin habang nasa bus papuntang pier at nasa bangka papuntang white beach. hanggang sa maya-maya nga ay natatanaw na namin ang mga bar, mga flaglets, at ang puting buhangin.
as expected, natulog muna kami pagdating, pagkatapos ay uminom, at natulog ulit. bandang alas syete na ng gabi ng muli kaming gumising para i-enjoy ang night life sa puerto galera.
malilinaw na ilaw at malalakas na sounds ang bumabalot sa dalampasigan ng galera, kasama na ang isang malaking batalyon ng super juniors at wonder girls, at isang hindi kalakihang batalyon ng mga bekimons. ito ang na-miss ko sa galera. party sa tabing dagat, magpakalasing, mag-spin ng poi (kahit magkapaltos-paltos na ang daliri!), at makipagkilala kung kani-kanino.
isa sa mga nakilala ko doon si IC... taga-batangas, 19 years old, estudyante, at nagpunta ng galera para mag-conduct ng interview sa isang hotel dun. pero nung gabing yun, umiinom at nagsasaya siya kasama ng kanyang mga kaklase.
nagkasalubong kami ni IC ng papunta ako ng cr at sya naman ay pabalik ng upuan nya. gwapo si IC. medyo payat, pero may hitsura. nagkangitian lang kami pero hindi ko nagawang kausapin sya kasi nahihiya ako (oo, mahiyain ako!). habang tumatagal ay napapadalas ang tinginan namin dahil malapit lang ang lamesa nila sa lamesa namin. ngitian, kaunting kindatan, at maya-maya pa ay nakiupo na ako sa lamesa nya (blame it on the alcohol, lumakas ang loob ko.) nakipagkilala ako sa kanilang lahat at tinukso pa kami ng ibang mga kasama nya para maupo ng magkatabi. tuloy tuloy lang ang kwentuhan at kulitan ng naisipan namin humiwalay sa grupo at maupo sa dalampasigan.
bitbit ang tig-isa naming beer, naupo kami sa buhangin kung saan ay bahagyang naabot ng alon ang mga paa namin.
"ngiti ka nga!" utos sa akin ni IC na sya namang ginawa ko. "whee!! ang kyut talaga ng dimples mo!"
"so, dimples lang pala cute sa akin."
"naku! hindi ha! ang guwapo mo kaya." sabi nya in his batangeƱo accent.
"salamat. ikaw din, cute. bagay sayo yung glasses mo."
at sa pagkakataong yun ay naghawak kami ng kamay. tahimik naming minamasdan ang madilim na beach ng naisipan kong tumayo at hubarin ang shorts ko (naka-brief na lang ako.)
"huy, anong gagawin mo?" tanong ni IC.
"tara! ligo tayo!" at hinila ko sya papunta ng dagat. mabuti at medyo mabilis syang kumilos at natanggal nya ang sando nya.
"waaaahhh!! ang ginaw!" nangangatog na sabi ni IC.
"hindi yan. masasanay ka rin." sagot ko. "teka lang ha, may trip ako gawin ngayon eh."
lingid sa kaalaman ni IC, tinatanggal ko na ang suot kong brief noon. nagulat na lang sya ng iangat ko ang kamay ko at nakita nyang hawak ko na ang brief ko.
"huy! loko-loko ka! isuot mo nga yan!"
"waaahhh! ang sarap kaya!"
"ikaw talaga. lasing ka na no?"
"hindi pa! ang sarap! wheee!!"
at parang bata akong talon ng talon sa dagat. maya-maya pa ay napagod na ako at nanatili na lang na nakayakap kay IC.
"ano nga palang work mo sa manila?" binasag ni IC ang katahimikan.
"masahista ako. yung may extra service."
"wow! cool! pero, hindi ba nakakatakot yung ganung work?"
"medyo. pero, sabihin na nating na-immune na ako sa takot. it pays the bills, yun ang mahalaga."
"pero dati, anong work mo?"
at nagsimula kong isalaysay ang work experience ko habang nakababad pa rin kami sa maalat na dagat.
"ako, nag-work ako dito sa isang bar after high school. lumayas kasi ako sa amin." panimula ni IC ng kanyang talambuhay.
"pero, ang hirap pala talaga. kaya bumalik muna ako sa family ko at nag-aral ulit." pagtatapos nya.
"hangga't may chance ka na tapusin ang pag-aaral mo, tapusin mo. mahirap ang maging undergraduate." sagot ko sa kanya.
kahit ako eh nagtaka kung saan ko pinulot yung sinabi ko. at mula nga doon, ay nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan namin, ang bawat topic ay nagtatapos sa isang word of wisdom mula sa akin.
"i-prioritize mo ang savings. hangga't bata ka pa at malakas ka pa, maganda yung nagsisimula ka nang mag-ipon. hindi natin alam kung hanggang kailan natin kakayaning magtrabaho."
"mas magandang kilalanin mong mabuti ang sarili mo. may mga makakarelasyon tayo na pipiliting baguhin kung ano tayo. pag nagsimula kang mag-adjust dahil nakikita mong para sa ikabubuti mo ito, maganda yun. pero kung nag-a-adjust ka lang dahil sinabi ng boyfriend mo, mag-isip-isip ka na."
"take every second as an opportunity to know yourself. mula sa mga major situations like fights or sweet moments, maging sa mga walang kwentang bagay kagay ng pag-order ng drinks at pagbabayad sa waiter. every second, mas nagkakaroon ka ng clearer definition of who you really are."
"mabuti at gusto mo yung course mo. ipagpatuloy mo yan. hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makatapos ng pag-aaral, at hindi lahat eh nabibigyan ng pagkakataon na magtapos ng pag-aaral sa kursong gusto nila."
"wag na wag mong tatanggalin sa priority list mo ang pamilya mo. dahil kahit anong pagbali-baliktad ang gawin mo, nandyan at nandyan sila para sayo. ang pamilya ay totoo, ang kaibigan ay lalo."
nag-sunod-sunod pa ang mga quotes kong hindi ko rin alam kung saan nanggagaling. pero sa pagtingin ko naman sa mata ni IC, mukhang na-a-appreciate naman nya ang mga sinasabi ko.
"haaayyy... bakit ngayon lang tayo nagkakilala." tanong nya sa akin.
"haha! ganun talaga eh."
"kailan tayo magkikita ulit?"
"hindi ko alam."
"pano kung hindi na kita makita ulit?"
"then so be it."
"ayoko naman nun."
"ganun talaga eh. may mga taong minsan lang dadaan sa buhay natin, pero malaki ang magiging impact nila sa atin. pwede makasama natin sila ng ilang minuto, ilang oras, o ilang araw lang, pero kahit pa gaano kaikli ang naging pagsasama, marami naman tayong matututunan sa kanila. may mga taong sadyang once lang natin makakasalamuha. that's the sad reality... but we don't really have to be sad about it. in fact, magpasalamat tayo na nakilala natin ang taong ito. malay mo, sa susunod na magkita tayo, malaki na ang improvement sa mga buhay natin. and i will be so thankful for that."
niyakap ako ni IC ng mahigpit, na sya namang sinuklian ko ng matamis na halik sa labi nya.
"tara na, ahon na tayo. baka hinahanap na tayo ng mga kaibigan natin."
sinuot ko ang brief at hawak-kamay kaming umahon ng dagat. nagbihis pa at bumalik na kami. pagdating namin sa lamesa nila, mukhang hindi na kayang tumayo ng mga kasama nya.
"mabuti pang magpahinga na kayo. may interview pa kayo bukas." sabi ko sa kanila. at niyakap ko ng mahigpit si IC.
"basta pag pupunta ka ng galera, text mo ako. malay mo makapunta ako diba? i would want to see you again."
"sure." sagot ko, sabay yakap ng mahigpit kay IC.
"grabe, ang dami-dami kong natutunan sa'yo. nakakatuwa. salamat ha."
"no worries. may favor lang ako." sagot ko kay IC habang mahigpit nyang hinahawakan ang kamay ko. "do me a favor and share what i taught you sa kahit sinong kakilala mo kung may pagkakataon. yung mga sinabi ko sayo, natutunan ko lang din naman yun sa iba, and i am just sharing it with you. so i hope you won't break the chain."
"i won't. salamat. and i will really look forward to see you again."
mahigpit kaming nagyakap at umalis na sila sa lamesa, habang ako naman ay bumalik sa kaibigan kong sobrang busy sa pagsasayaw.
"potah ka! san ka naman nanggaling?"
"ah... dyan lang. tara, tagay na!"
at masaya naming ininom ang natitirang beer namin, habang masaya ang pakiramdam ko na bagama't walang nangyari sa amin ni IC, alam kong i made a big impact in his life and i will be looking forward to see how it will help him in the future. and that will be much more rewarding for me kaysa matikman ko ang katawang lupa nya.
i agree. every individual that we encounter is a channel of blessing. the things and feelings we see/feel during that encounter make up for the wisdom we learn. Once in a while we see beauty inside the person and that should really be our parameter to what the person is made of; not what he/she is made of because of his/her color of the skin, his/her education and values in life --- ikaw yun boy shiatsu. ---jay-ar
ReplyDeleteyou are undeniabaly right kennet . . . there are lots of people we will meet as we trod along the path we called LIFE . . . those that will make a good impact on us . . . that will change our outlook in life . . . but not everybody is worth to be cherished . . . there will be people too who will make the worst out of our character, simply because they were not the real ones that we are not looking for, they just put on a mask the first time we see them, and change overnight to be the person we're afraid of in our nightmares . . . but they are the ones that helped us a lot to be very careful on our everday dealiing that not everyone we meet proves to be the ones we liked and be treasured . . . but everyone in one way our another taught us a lesson to become a better person
ReplyDeletejio
ikaw na ang full of wisdom. hehehehe!
ReplyDeleteI can definitely relate to this post! Who we are now is a result of what we have experienced and shared with others!
ReplyDeleteInteresting set of coded messages
ReplyDeleteresilience
sana sinama mo ako sa Puerto Galera. gusto ko pa naman magliwaliw eh. kakainis ka. (danny)
ReplyDelete"alam kong i made a big impact in his life and i will be looking forward to see how it will help him in the future."
ReplyDeletehaha akala mo lang un