22 June 2011

Badtrip


matagal-tagal na ring nag-i-inquire si Sir Anthony sa akin. buwan na. naaalala ko, iba pa ang presyo ko, nag-i-inquire na s'ya. pero never never kaming natuloy. laging udlot. pero ang dahilan ng pagkaudlot ay palaging s'ya ("may biglaang lakad eh" or "emergency eh" or "may kailangang puntahan eh" or "aalis ako eh" samantalang pare-pareho lang naman yung apat na yun.).

nag-text ulit sya isang araw, tinatanong kung pwede ako. reply naman ako, medyo pilosopo nga lang...

opo, pwede po ako. kayo po, available na po ba kayo?

pero tila hindi na-gets (or hindi pinansin?) ni Sir Anthony ang humor. nagtext sya na nasa bahay lang daw sya at i-service ko daw sya. nagkasundo sa presyo (i have no choice kundi gamitin yung old price ko) at nagkaayos. nung mga panahong yun, nag-i-internet ako. imbes na maglogout agad agad at magbyahe, tinuloy ko lang ang ginawa ko. baka kasi mangyari na naman na habang papunta na ako ay bigla nyang ikacancel dahil sumama pakiramdam nya, or nagkasakit sya, or tumaas ang temperatura ng katawan nya, or may lumalabas na dugo sa lalamunan nya (again, pare-pareho lang naman yun). pero himala, hindi nagkacancel si sir! kaya nagbyahe na ako.

pero habang nasa byahe... nagtext na naman si sir.

don't worry, hindi nya kinancel. tinanong lang kung nasaan na ako at bakit daw ang tagal ko (kainis no? pinagmamadali ako! haggard!)

maya maya pa ay dumating na ako sa napagkasunduang lugar at tinext ko si sir.

hindi nagrereply.

tinext ko ulit.

wala pa ring reply.

naglalaro na ang utak ko... mukhang alam ko na naman ang mangyayari dito.

dumating ang pinsan ko eh
dumating ang lolo ko eh
dumating ang best friend ko eh
dumating si kamatayan eh

again, pare-parehong rason na naman.

haaaay...




pero dumating si sir! *insert angel choir here*

tipikal lang ang hitsura ni sir. hindi masyadong kalibog-libog, pero hindi rin naman kasuka-suka. usap usap kaunti, hanggang sa pumunta na kami sa place nya.

kaunting usap usap ulit, pagkatapos ay nagsimula na ang masahe.

medyo malaman si sir... pero hindi magandang laman. pero wala akong pakialam. masahe masahe masahe. may napapansin lang ako. medyo tahimik si sir. nakatulog ata, baka sobrang pagod.

tuloy tuloy lang ang masahe sa likod, sa puwet, at sa binti.

"sir, tihaya na po kayo." at sumunod naman si sir.

hindi na ako nagulat ng makita kong tirik na tirik na ang mini-me ni sir. normal na sa mga nagiging clients ko na kapag pinatihaya ko na, tirik na tirik na ang kanilang putotoy, ang kanilang junior, ang kanilang cobra, o ang kanilang third leg (again, pare-pareho). masahe masahe masahe, kaunting himas sa galit na galit na something, at masahe ulit.

natapos ang masahe.. at tahimik pa rin si sir.

at dahil nasanay na akong after ng masahe at may extra, sinimulan ko nang dila-dilaan ang nipples ni sir ng bigla s'yang napakislot.

langya... tulog pala talaga si sir kaya tahimik! pero buti naman at nagising na sya. at least makakapag-respond na sya sa paglalambing ko.

tuloy tuloy lang ang pagdila ko sa utong ni sir, at mukha namang libog na libog na sya. tuloy tuloy lang ang paggapang ng dila ko pababa sa bandang pusod nya, hanggang sa itinuloy ko na pababa sa titi nya... ng biglang hinila ni sir ang ulo ko na para bang pinapaiwasan n'ya sa akin ang titi nya.

okay, na-gets ko yun. kaya instead na isubo ang titi, tinumbok ko na lang ang bayag nya... ng hinila nya ulit ang ulo ko.

so off limits pala muna ako sa titi at sa bayag.

nilaru-laro ko ang pagitan ng bayag at puwet ni sir... ng hinila nya ulit ang ulo ko.

strike 3. at na-gets ko yun. off limits muna ako sa private area nya.

hinga muna ng bahagya at inisip kong bumalik sa nipples nya... ng hinila nya ulit ang ulo ko. iba na to... pare-pareho na ang ginagawa nya sa sa lahat ng errogenous zones nya.

"sir, okay lang po kayo?"
"ah, oo, pasensya na. mabilis lang kasi talaga ako labasan"
"ah... eh ano po gusto nyo gawin ko?"
"..."

moment of silence.

...

...

...

...

moments of silence pa rin...

...

...

...

"paligayahin mo lang ako" with matching emotions and pikit na pikit na mata at libog na libog na mukha.

eto yung nakakainis. gusto nya i-extra ko sya, paligayahin ko sya, pero everytime lalaruin ko ang katawan nya, itinutulak nya ako palayo (during the moments of silence, dahan dahan kong hinahaplos yung balat nya pero pinigilan nya yung kamay ko sa paghaplos). pano ko sya paliligayahin kung ganun? ano gusto nya, kumanta ako? or mag-juggle ako? or baka naman trip nyang magsayaw ako ng waka waka? sa totoo lang, inis na inis na talaga ako nun. dahil talagang hindi ko na ma-gets kung ano ang gusto nyang mangyari.

"o, natulala ka na dyan?"
"eh, sir, ano po ba kasi gusto nyong gawin ko?"
"eh kasi mabilis lang talaga akong labasan eh."

ahhh... ang gusto yata ni sir ay mag-imbento ako ng gamot right then and there para mas tumagal ang paglabas ng makukulit nyang tamod. and, obviously, hindi ko alam kung paano ko gagawin yun.

moments of silence....

...

...

...

"um, sir, ok na po kayo? pwede ko na po ba kayo i-extra?"
"eh ikaw lang naman hinihintay ko eh"

ako pa ang napahiya. so walang kaabog abog (dahil medyo late na rin at inaantok na ako), muli kong dinilaan ang utong ni sir... at hinila nya na naman ang ulo ko!

"baka labasan agad ako"

eto, napuno na talaga ako.

"eh, sir, ayaw nyo pa po magpalabas pero gusto nyo paligayahin ko kayo. ano po ba talaga gusto nyong gawin ko?" dire-diretso ang paglabas ng mga salita sa bibig ko, kasing-diretso ng ruler, pero mahinahon naman.

at lumabas din ang totoo...

"pwede bang dalawang beses ako magpalabas?"

ayun! ayun naman pala ang gusto ni sir. isang bayad, pero dalawang putok. para matapos lang, pumayag na ako.

at tila hayok na bata, iningudngod ni Sir Anthony ang mukha ko sa balls nya... at makalipas ang limang segundo ay nilabasan na s'ya.

hingal na hingal si sir... habang ako naman ay nakahinga ng malalim.

"sabihin nyo lang po sir pag gusto nyo na ng pangalawa."

moments of silence...

...

...

...

...

"sige, ligo ka na. okay na yun"

nabigla ako sa sinabi ni sir.

"eh, akala ko po ba gusto nyo pa ng pangalawa?"
"hinde na, okay na yun."

nawiwirduhan, naligo na ako at nagbihis. inabot na ni sir ang bayad nya at umalis na ako. at bilang courtesy, nagtext ako kay sir ilang minuto pag-alis ko ng place nya.

"salamat po sir ha. sa uulitin po"
"text na lang kita. binitin mo ako e"

amputa naman talaga o!

ang ibang clients nga naman o... pabago-bago ng trip, hindi maintindihan ang trip, kakaiba ang trip, walang trip, lakas mang-trip... magkakaiba man yung ginagawa nila sa salitang "trip" pero pare-pareho lang din naman ang effect nun sa akin... isang naghuhumindig na pagkabadtrip!

20 June 2011

Kwentong Pambata

isang araw, may isang batang naglalakad sa gubat. ang pangalan n'ya ay Cedie. masayang nagkakandirit at naglalaro si Cedie habang nasa gubat ng may makita s'yang isang kuneho. namangha s'ya sa ganda ng kunehong ito. maputi, makinis ang balahibo, at talaga namang kyut na kyut. sa pagkamangha, sinundan ni Cedie ang kuneho. tumakbo palayo ang kuneho pero sinundan ito ni Cedie. maya-maya pa ay tumigil din ang kuneho at tumingin kay Cedie. napangiti si Cedie sa pagkakatingin sa kanya ng kuneho; lalo n'yang nagustuhan ang ganda nito.

"anong pangalan mo?" tanong ni Cedie.

ngumiti lang ang kuneho. ngiti na para bang nangungusap.

lumapit si Cedie sa kuneho. ngayon, hindi na tumakbo ang kuneho. binuhat ito ni Cedie at kinarga. "ang ganda naman ng balahibo mo," sabi n'ya. naglakad-lakad si Cedie sa kabahaan ng kagubatan habang himihimas-himas ang kuneho. laking gulat na lang ni Cedie ng bigla itong lumundag at nanakbo.

hinabol ni Cedie ang kuneho. makalipas ang ilang minutong habulan, tumigil din ang kuneho. nagulat si Cedie sa nakita n'ya. dinala pala s'ya ng kuneho sa tabing-ilog.

maliwanag pero hindi mainit ang sikat ng araw sa tabing-ilog. malamyos ang tinig ng mga punong dahan-dahang sumasabay sa ihip ng hangin. may kinang ang tubig na dumadaloy sa ilog habang nakangiti ang iba't ibang kulay ng bulaklak at maliliit na halaman sa tabi nito. masarap ang haplos ng damo sa paa at binti ni Cedie, habang ang mga ulap naman, tila maliliit at malalambot na tumpok ng bulak, at malayang umaagos sa asul na langit.

namangha si Cedie sa nakita n'ya. ang ikinagulat n'ya pa, sa bawat kurap n'ya, nagbabago ang mga kulay ng mga bulaklak at halaman sa paligid n'ya. dilaw. asul. berde. pula. lila. papalit-palit, paiba-iba, pero maganda. pinuntahan ni Cedie ang ilog at hinawakan ang tubig... malamig. nagtampisaw si Cedie at naghilamos, parang musmos na naliligo sa ulan.

"ang sarap naman nito!" sigaw ng sigaw si Cedie habang naglalaro ng tubig. pagtingin n'ya sa kuneho (na nakita n'yang tumakbo sa ilalim ng puno) ay lalo s'yang nagulat.

wala na ang kuneho... bagkus ay may nakita s'yang isang matipunong puting kabayo nakatayo sa ilalim ng puno, sa eksaktong lugar kung saan nakapwesto ang kuneho kanina.

managha sa ganda ng kabayo, nilapitan ito ni Cedie. maamo ang kabayo. maganda ang tikas. malinis ang balahibo. ilang ulit na ibinukas-sara ni Cedie ang mata n'ya ngunit hindi s'ya nagkakamali ng nakikita. umupo bahagya ang kabayo, na para bang inaaya s'yang sumakay.

sumakay si Cedie sa likod ng kabayo, at dahan dahan itong lumakad. naramdaman ni Cedie ang malamig na ihip ng hangin sa kanyang mukha at katawan. hanggang sa pabilis ng pabilis ang takbo ng kabayo. ngunit hindi natatakot si Cedie. nararamdaman n'yang hindi s'ya mapapahamak sa likod ng kabayo.

mabilis na takbo. malamig na ihip ng hangin. makulay na mga bulaklak. malumanay na awit ng mga puno. paulit-ulit na parang isang plaka. masayang-masaya si Cedie sa paglalaro nila ng puting kabayo. hanggang sa magdahan-dahan ito sa paglakad at tuluyang tumigil.

bumaba si Cedie sa kabayo at nag-inat ng bahagya.

"salamat, maraming salamat," sambit ni Cedie. "sana ayos lang sa'yo na bukas ay maglaro ulit tayo."

at sa harapan mismo ni Cedie, nagpalit-anyo ang puting kabayo at nagbalik sa pagiging kuneho. tumitig ito sa kanya, ngumiti, at tumakbo palayo. pinulot ni Cedie ang isang bagay na tila sinadyang iwan ng kuneho... isang maliit na puting bulaklak.

simula noon, araw-araw na pinuntahan ni Cedie ang kagubatan, at sinasalubong naman s'ya ng kuneho. masaya sila naglalakad sa kahabaan ng kagubatan. bagama't hindi na ulit sila nagpunta sa tabing-ilog at hindi na muling nagpalit-anyo ang kuneho bilang kabayo, masaya si Cedie na mayroon na s'yang kaibigan sa gubat.

isang araw, nagmamadali at masayang-masayang nagpunta muli sa gubat si Cedie, kasama ang pananabik na makita muli ang kuneho. laking gulat na lamang n'ya ng makita n'ya ang kuneho na may kasamang ibang bata. tinawag n'ya ito at lumingon naman ang kuneho. ngunit tuloy lang sila sa paglakad. sinundan ni Cedie ang kuneho at ang bagong batang kasama nito, hanggang sa mapansin na lamang ni Cedie na nasa isang pamilyar na lugar s'ya... sa tabing-ilog. ngunit ngayon, parang normal lang ang lahat. walang sigla ang sinag ng araw, ang awit ng mga puno, ang daloy ng tubig, at ang kulay ng mga bulaklak. pagtingin n'ya sa puno kung saan nagpalit-anyo ang kuneho ay napangiti s'ya ng makita na nakatayo ang puting kabayo. ngunit nalungkot s'ya ng nakita n'yang sumakay dito ang bata at tuluyan s'yang iniwang nag-iisa sa tabing-ilog.

napaluha si Cedie. nawala sa kanya ang kunehong itinuring n'yang kaibigan at nagpasaya sa kanya ng maraming beses sa kagubatan. malungkot s'yang naglakad pauwi ng maalala n'ya ang bulaklak na ibinigay sa kanya ng kuneho. dinukot n'ya ang kanyang bulsa upang kunin ito, ngunit lalo s'yang nalungkot sa kanyang nakuha.

wala na ang puting bulaklak sa kanyang bulsa... bagkus, ito ay naging isang maruming bato... kasama pa ang ibang maruruming bato na naipon sa kanyang bulsa...

12 June 2011

Red

quickie lang...

may sore eyes si Boy Shiatsu!!!

06 June 2011

Third Wheel

isang gabi, nagtext si Potpot. kung gusto ko daw ng service. dahil wala naman akong gagawin, pumayag ako. pero may disclaimer... dalawa yung client pero isang libo lang ang bayad. parang gusto ko umatras. luging-lugi ako dun eh. pero may disclaimer pa ulit yung disclaimer.

"okay naman yung clients eh, mga pogi tsaka magaganda katawan. mabait pa."

napaisip pa rin ako. wala ako pakialam kung pogi sila o magaganda katawan nila. dalawang customer?!?! isang libo?!?!! luging-lugi ako! ewan ko kung anong nagawa ni Potpot pero napapayag n'ya pa rin ako. partida, commonwealth pa yun! so talagang effort!

anyway... makalipas ang ilang oras, nagkita rin kami (late sya ng 30 minutes!) byahe papuntang commonwealth, tapos hintay lang. susunduin daw kami dun sa isang spot dun. hintay hintay hintay, kwentuhan kaunti, hanggang sa tumayo si Potpot ng may makitang kotse. sumunod ako.

pagbukas ng bintana... wow!!

GWAPO NGA!!!

sumakay kami sa kotse at pumunta sa bahay ni sir... itago na lang natin sa pangalang Justin. habang nasa byahe, hindi matanggal ang titig ko kay Sir Justin. maganda ang hubog ng katawan, bakat na bakat sa muscle fit n'yang shirt. although medyo halata nang nasa 30s ang mukha, pogi pa rin. siguro talagang titig na titig ako, at hindi ko na napansin na kinakausap na pala niya ako.

"uy, okay ka lang?"
"ah... eh... opo... medyo antok lang po"

napangiti si Sir Justin. maya maya pa ay dumating na kami sa bahay nila. pagbaba ng kotse at pagpanhik sa bahay, nandun ang isa pa sa dalawang kliyente... at dun na talaga ako tumambling (pero imagination lang).

nakaupo sa sala ay isa pang sobrang gwapong lalaki, may katawan din, pero mas maganda pa rin ang katawan ni Sir Justin. pero kung mukha, etong si sir number two, na itago na lang natin sa pangalang Sir July, saksakan ng gwapo, lalo na nung ngumiti siya... nakakatunaw talaga!

kung ganito ba naman ang clients ko araw araw, pucha! wala nang rekla-reklamo! go na agad agad!

"o, sabi ko sayo mga gwapo eh. pero wag ka magpahalatang bi ka ha."

bulong sa akin ni Potpot habang nakaupo kami sa bakanteng sofa. naligo muna si Sir Justin habang tinabihan naman kami ni Sir July sa upuan at nakipagkwentuhan ng bahagya. paglabas ni Sir Justin ng banyo, talagang i made the conscious effort na para pigilan ang sarili kong matulala at magtulo ng laway. sa ganda ng katawan ni Sir Justin, kahit hindi na sila magbayad sa service ko, pwedeng-pwede na! hahahahaha!

sumunod na naligo si Sir July, pagkatapos ay si Potpot, tapos ako. paglabas ko ng banyo, walang tao sa sala. napaisip tuloy ako... panaginip lang ba yung nangyari kanina? kathang-isip lang ba ito? nasaan ako kung ganun? umupo muna ako sa sala at naghintay ng bumukas ang pinto sa isa sa mga kwarto. si Sir July, pinapapasok ako.

ahhh.. ganun pala ang setup. sa akin si Sir July, kay Potpot si Sir Justin.

medyo nanghinayang ako, kasi gusto ko rin maserbisyuhan si Sir Justin (haha!) pero hindi na rin masama si Sir July. may katawan din naman si sir, at sobrang gwapo pa! mas mukha pa nga yata s'yang bata kaysa sa akin! haha!

masahe masahe masahe at kaunting kwentuhan. dun ko nadiskubre na matagal na palang nagsasama si Sir Justin at si Sir July. ang swerte naman nilang mag-kopol, sabi ko. masaya naman daw ang relasyon nila. pero, dala ng pagiging salsapunga ko (salsapunga = isang taong mahilig sa tsismis at sa mga juicy information kahit labas na naman s'ya sa kwento), nadulas ako ng tanong kung sa bakit kailangan pa nilang mag-hire ng mga masahista. at maganda naman ang naging sagot ni Sir July.

mahirap makahanap sa buhay ng taong alam mong makakasama mo hanggang sa mamatay ka, lalo pa sa mga katulad natin (apparently, nahalata rin pala ni sir na bading ako). at sigurado na si Sir July na habambuhay na silang magsasama ni Sir Justin (kakainggit! kainis!). pero hindi daw talaga maiiwasan na paminsan minsan ay naghahanap ang katawan mo ng something new. kumbaga, nakakasawa din kahit papaano na kayo ang laging nagsesex. yun daw ang main purpose ng mga hinahire nila. para magdagdag ng spice sa relasyon kumbaga, o kaya naman ay buhayin ang libog na unti unti nang namamatay.

"ahhh... gets ko po."

yun na lang ang nasabi ko, pero sa totoo lang ay napaisip ako sa sinabi ni Sir July.

nung una, hindi ko talaga maintindihan ang purpose ng pakikipagsex sa iba kung may partner ka na. kaya ka nga nakipag-settle sa partner diba? kasi sa kanya ka na masaya sa lahat ng aspeto ng buhay. pero, tama si Sir July. lalaki tayo, at aminin natin, madalas ay naghahanap pa rin tayo ng ibang putahe na gusto nating matikman. does this mean na nabawasan ang pagmamahal natin sa partner natin? hindi. sinusunod lang natin ang naturaleza ng katawan natin.

para dun sa mga nagsasabi na ang pangit ng ganung setup at posible syang makasira ng relasyon, eto ang tanong ko. kung talagang mahal mo ang isang tao, at alam mong compatible na compatible na kayo, papayag ka bang masira ang relasyon n'yo dahil lang nakipagsex sya sa iba? ang pangit naman ata nun diba?

para sa akin, hindi lang sex ang basehan ng isang relasyon. nandyan ang companionship. ang trust. ang friendship. ang security. nandyan yung kasiguruhan na kahit anong mangyari sayo, kahit talikuran ka ng buong mundo, alam mong may isang taong nandyan palagi para sayo. ngayon, kung busy pa sa pagtsupa ang taong iyon, hindi ka natatakot dahil alam mong sa sarili mo, at the end of the day, ikaw pa rin ang taong nanaisin nyang makasama hindi lang sa ngalan ng libog, kundi sa ngalan ng pagmamahal.

normal lang naman siguro na maging mapaglaro at mapag-eksperimento sa mga bagay bagay, pero kung alam naman natin sa sarili natin kung sino at ano ang totoong nilalaman ng puso natin, wala tayong dapat ikatakot.

matapos ang masahe at masarap na masarap na sex with Sir July, humiga lang ako sa tabi nya... at niyakap nya ako. ilang minuto din kami sa ganung pwesto ng pumasok sa kwarto si Sir Justin.

"tinulugan ako ni Potpot"
"naku, pasensya na po"
"hinde, okay lang yun. mukha namang pagod din sya eh. ikaw, pagod ka ba?"
"hindi po! okay na okay ako sir"

sa tono ng boses ni Sir Justin, alam ko na ang ibig sabihin nun. at, nag-second the motion pa si Sir July.

"daddy, magaling tong batang to!"

walang sabi sabi, naground 2 kaming tatlo... panalo!

at makalipas ang dalawang araw, pinapunta pa nila ulit ako sa bahay nila. this time, mag-isa na ako. threesome.

at makalipas pa ulit ang dalawang araw, pumunta ulit ako sa kanila... kasi naiwan ko yung face towel ko. pero may threesome ulit. but this time, may kasamang sleep over.

at makalipas ang dalawa na namang araw, pinapunta na naman nila ako sa bahay nila. dinner, threesome, sleepover, breakfast, kwentuhang sobrang makulit pero malaman, then lunch.

"may sense kang bata ka, hindi ka lang pala pang-kama."

nabanggit ni Sir Justin habang kumakain kami ng tanghalian. natuwa ako sa compliment na yun, pero natawa ako at muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko sa pagtawa sa sumunod na binanggit ni sir.

"trip mo kaming dalawa no?"

natawa ako kasi guilty ako. oo, trip ko sila. bukod sa katawang siksik sa sarap at mga mukhang talaga namang makatulo-laway at makatulo-tamod, saludo ako sa kung paano nilang i-handle ang relationship nilang dalawa. hindi ako nakasagot, at tawa lang ako ng tawa. si Sir July na ang nag-cut ng walang humpay kong pagtawa.

"pero, sa totoo lang, gusto ka rin namin."

natulala ako, pero napangiti.

"salamat po"

namula yata ako... napatitig sa akin si Sir Justin at si Sir July, nagtinginan, sabay tumayo sa kinauupuan, hinila ako patayo, at sabay sabay kaming pumasok na naman sa kwarto.

29 May 2011

Financial issues

nung nagdaang sweldo, i needed to loan 10k from someone for my family. ang bayad nun is 3k per cutoff, automatic ibabawas ni ateng nagpapaloan sa atm namin, kasi nasa kanya ang atm at password namin. higit sa kalahati nun ang napunta sa family ko, the rest naman eh napunta sa pambayad sa bahay. so ubos agad ang 10k. sweldo ko lang ang natira sa wallet ko.

gumastos ng grocery at kaunting luho.

few days after (wednesday), nanakaw ang wallet ko... with almost 5k in it pa.

kinabukasan, nag-confirm yung agent ko sa condo na kinuha ko. reserved na daw for me yung unit, kailangan ko lang magbayad ng 10k by monday para sigurado.

then friday, tinawagan ako ng credit card company ko about an overdue bill. 1500 daw, due sa 30th.

saturday, nagtext mom ko, kailangan daw ulit ng pera.

monday, nag-resign ako sa trabaho. forced resignation. ayoko na lang mag-detalye, pero i am just trying to save my ass. eto din dapat ang due date ng 10k for the condo, buti pumayag to have it extended until the 30th.

tuesday until today... sobrang matumal ang clients. i targeted 6, i ended up with one.

tomorrow, due date ng condo at ng cc, pero kailangan at least 2100 ang maihulog ko sa cc para ma-autodebit ang gym membership ko sa unang araw ng june.

my last salary which is supposed to be out tomorrow will be placed on hold and isasabay na lang sa backpay. processing of backpay will only commence once i surrendered my atm (na nakasangla kay ateng nagpapaloan) and my health card (na kasama sa wallet na nanakaw). if i can't surrender it, i should send affidavit of loss, one for each item, each affidavit causing 200 pesos.

and now... i'm definitely clueless kung paano ako magkakaroon ng 10k in 24 hours, makakapagproduce ng affidavits of loss, makakabayad sa unang 3k kay ateng nagpapaloan, makapagbigay ng pera sa mom ko, at makakain ng matinong pagkain.

pucha!

27 May 2011

Unit 2023

tatlong oras na akong online pero wala pa rin akong nakikitang kliyente. hapit na hapit na ako nun kasi wala na talaga akong pera. mukhang minamalas, may sumpa ata. bad vibes. sampu, dalawampu, tatlumpung minuto pa ng sinabi kong ayoko na, pero bago ko mai-close ang mirc, may nag-message.

magkano
800 lang po, masahe at extra na. saan po kayo?
makati
okay. gusto nyo po?
marunong ka talaga magmasahe?
opo
ano extra mo
all the way po, hindi lang ako nagpapatira
ahh

akala ko isa na naman sa mga "sige, salamat" chats yun, pero maya-maya pa, nagreply ulit si sir

sige, punta ka dito

bigay number at exact address, naglogout ako ng may ngiti sa labi dahil sa wakas, may pang-almusal ako kinabukasan!

maaga ng ilang minuto sa napagkasunduang oras, dumating ako ng makati. kinonfirm ni sir kung paano papunta sa unit nya. tinanong kung may dala akong id dahil kailangan ko daw mag-iwan sa guard. lakad lakad lakad, at nakita ko ang sinabi n'yang building. nag-login sa guard at pumasok sa elevator. pinindot ang number 20 at close.

g... 2... 3... 4... 5... 6... 7...

nagugutom na ako

8... 9... 10... 11... 12... 13... 14... 15...

what if bigla akong may makitang mamang may pugot na ulo sa likod ko, or babaeng lumulutang? takot ako sa elevator lalo na pag mag-isa ako. kaya para mawala ag takot, kumanta kanta na lang ako ng malakas, para kung may masamang elemento man sa elevator eh mabulabog sila at maunang matakot.

16... 17... 18... 19... 20... ting!

bumukas ang elevator at hinanap ko ang unit ni sir. 2023. doorbell, papogi kaunti habang naghihintay, at bumukas na ang pinto.

singkit si sir. pero ang tangkad, mga 6-footer siguro. medyo malaki ang katawan, defined ang braso. hindi ko lang maintindihan kung hapon, intsik, o koreano. pero medyo okay naman si sir. ang weird lang is pagpasok ko ng unit nya, may nakaupong lalaki sa sala n'ya. don't worry, hindi masamang elemento. tao talaga. nakabihis masseur. yung legit. yung mga tipong 250 pesos home service.

umupo lang ako sa bakanteng upuan. matapos ang ilang minuto, inabutan ng pera ni sir si kuyang masseur, at umalis na si kuya.

sir, kakatapos nyo lang po magpamasahe?
oo
eh akala ko po ba imamasahe ko kayo?
hindi. sex lang.
ah, ok lang po. pero alam nyo po limitations ko
oo

pumasok kami sa kwarto nya at walang preno preno ay agad akong hinubaran ni sir at itinulak sa kama. nilaplap agad ako ng sir sa leeg, at talaga namang nalibugan din ako. magaling si sir, at kitang kita sa mata nyang kakatiting na libog na libog sya.

hindi na ako nagpatalo. sinabayan ko na rin sya. espadahan ng dila. kiskisan ng katawan. wild sex kami ni sir. may napansin lang ako... medyo masakit ang kapit sa akin ni sir, ang hirap pumiglas. pero siguro talagang libog na libog lang si sir.

tuloy tuloy ang halikan. tuloy tuloy ang laplapan. ako na ang nasa ibabaw at ako na ang nagkokontrol.

yun ang akala ko.

hinigpitan pa lalo ni sir ang hawak sa kamay ko, at sa isang bigwas ng braso nya ay naipailalim n'ya ako. hindi maganda ang pagbagsak ko sa kama nya; balibag, kahit malambot yung kama, masakit pa rin. pero, syempre ayokong sirain ang mood ni sir, so hinayaan ko na lang. tuloy lang ang pangroromansa ko sa kanya.

putagina mo... ang sarap mo tol...

yan ang ungol ni sir. paulit ulit. siguro nasasarapan talaga. magaling nga yata talaga ako. hanggang sa ang sumunod na nangyari, hindi na magaling.

hindi ko alam kung dahil dala ng sobrag libog, o talagang may saltik lang si sir, pero walang sabi sabi ay sinuntok ni sir ang tiyan ko. napaubo ako sa sakit, at talagang halos naduwal pa. magrereklamo pa lang ako na hindi na maganda ang ginagawa nya sa akin ng bigla nyang pinisil ang dalawang tuhod ko at pwersahang ibinuka ang mga hita ko. ang laki ng katawan ni sir, at dahil nga nanglalambot pa ako sa suntok nya sa tiyan ko, hindi ko nakayanang manlaban.

at sa pagkakataong yun, bigla biglang ipinasok ni sir ang tigas na tigas nyang titi sa puwet ko.

walang lube
walang condom
walang buwelo
walang preno

naramdaman kong nagsugat sa loob, at hindi ko talaga mainda ag sakit. pagpasok na pagpasok, pakiramdam ko ay nawasak ako, hindi lang dahil sa wala pa akong karanasan na matira sa puwet. pakiramdam ko nawasak ang pagkatao ko.

tuloy tuloy sa pagkadyot si sir, habang ako naman ay nanlalata na, at iyak na ng iyak sa sakit at sa awa sa sarili. ng nakita ni sir na umiiyak ako, natawa pa sya. tawang demonyo. tawang hayok. at lalo pa nya idiniin ang pagkantot sa akin.

point blank na talaga ako nun. hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman at kung ano ang dapat kong gawin. nanlalata na ako, simot na ang lakas ko, at hindi ko na kakayanin pang lumaban. iniisip ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako. bakit nangyayari sa akin to. bakit ako?

maya maya pa ay naramdaman ko nang nilabasan si sir sa lob. mainit. marami. masakit. hinugot ni sir ang titi nya at sabay pinatayo ako at pinapunta sa cr para maligo. dahil sa sakit at sa pagod, hindi ako nakatayo agad. sinampal pa ako ni sir at minura, bilisan ko daw at baka mamantsahan yung kama nya.

iika-ika at hirap na hirap, nilakad ko mula sa kwarto ni sir, palabas ng sala, papunta ng kusina kung saan nandoon ang cr para maligo. hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak habang sinasabon ko ang sarili ko. tsaka ko lang napansin... nagdudugo ang puwet ko. paghawak na paghawak ko ng butas para linisin, masakit, mahapdi, sigurado akong may malaking sugat. nagtuloy tuloy lang ang pagdudugo nito habang pilit kong sinasabon at tinitiis ang sakit, baka sakaling tumigil. ilang minuto rin ang dumaan bago tuluyang tumigil ang pagdudugo. tinapos ko ang pagligo, nagpunas ng mata, at lumabas ng banyo.

paglabas ko ng banyo, nasa sala na ang damit at mga gamit ko, habang si sir naman ay nakatayo sa pinto ng kwarto nya.

ang tagal mo naman maligo
pasensya na po sir
sige, pakisara na lang yung pinto paglabas mo ha, inaantok na ako eh.

sabay sara ng pinto ng kwarto. nagbihis ako at inayos ang gamit ko ng mayroon akong naalala...

walang bayad si sir.

kumatok ako sa pinto ng kwarto ni sir pero hindi na sya sumasagot. naririnig kong bukas ang tv kaya sigurado akong gising pa sya, pero makailang katok pa ang ginawa ko, wala pa ring sumasagot.

dito na ako naiyak talaga.

galit na galit ako kay sir. sa totoo lang, gusto kong magwala sa bahay nya at basagin ang mga gamit nya dahil sa pambababoy nya sa akin. pero, sino ako para magalit? pokpok ako sa internet, laruan ako. kung ano ang gusto gawin ng kliyente sa akin, gagawin nila. hindi naman nila nirerespeto ang mga kagaya naming mga dakilang parausan e. ano bang pakialam nila kung nasaktan kami, o nababoy, o nabastos? ang mahalaga sa kanila, nasarapan sila. tapos. at tsaka nag-iwan ako ng id sa guard, kaya pag gumawa ako ng ganung eskandalo, pwede pa akong makulong.

wala nang pag-asa, lumabas ako ng unit nya papunta sa elevator... at dito na ako umiyak ng todo. wala na akong pakialam kung may masamang elemento akong kasama sa elevator, dahil kakatapos ko lang din namang makipagniing sa isang mas masamang elemento.

ting

ground floor na. agad-agad kong pinunasan ang luha ko, kinuha ang id ko sa guard, at naglakad palabas ng condo at papunta sa sakayan ng bus, iika ika at hirap maglakad. pagsakay ko ng bus, tulala lang ako sa bintana.

anong gagawin ko? babalikan ko ba si sir? ano naman mapapala ko? magsusumbong ba ako sa pulis? sus! pagtatawanan lang ako ng mga yun. tulala at balisa, dahan dahang tumutulo ang luha ko habang nasa byahe. maya maya pa ay nasa bahay na ako, at dito na ako tuluyang nag-crash.

nakatulog na lang ako sa kakaiyak. kinabukasan, hindi ko alam ang gagawin ko. sasabihin ko ba sa bestfriend ko? sa mga kaibigan ko? pano ko ihahandle to? walang pang-almusal, may pasa sa tiyan, mahapdi ang likuran, at wasak ang pagkatao, iniiyak ko na lang ang galit at poot na nararamdaman ko, kasama ang trauma na malinaw na malinaw pa sa pag-iisip ko nung araw na yun.

at hanggang ngayon, sa totoo lang, kahit nagagawa ko nag ikwento ng kaswal ang pangyayaring ito, hindi ko pa rin makakalimutan ang takot at impyernong pinagdaanan ko sa kama at sa kamay ng isang masamang elemento sa unit 2023.

22 May 2011

Ang Webcam... bow!

alas diyes ng umaga, nakatanggap ako ng text mula sa isang number, nagtatanong tungkol sa service ko. nireplyan ko naman ng usual template ko about my services. he demanded that we talk online daw and he wants to see me on cam. sabi ko kung pwedeng mga hapon, dahil may pupuntahan pa ako. he declined. he wants me to go online asap dahil ihahire nya daw ako ng hapon, at sigurado na daw yun. he just wants to see how i look like. at dahil medyo nangangailangan... okay... correction... sobrang nangangailangan ako, kinansel ko ang pag-uwi ko sa bahay namin sa rizal at magsimba kasama ang family ko, isang bagay na sobrang matagal ko nang hindi nagagawa at matagal ko nang gustong gawin ulit.

mabilisang ligo, papogi, at sumugod na ako sa pinakamalapit na internet cafe. katext ko pa si sir habang naglalakad ako.

private room ha

yun ang isa pang demand ni sir. medyo nagduda na ako, at pakiramdam ko eh alam ko na ang gagawin n'ya. pero dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, pumunta ako sa internet cafe na malapit sa amin na hindi ako suki (ang inet kaya dun, ang bagal pa ng internet at ang pangit ng keyboard!) pero ang tanging internet cafe sa amin na may kurtina para makapag-private ka.

umupo, nag-login, at tinext ko si sir ng yahoo id ko. maya maya pa, magkachat na kami. tinawagan pa ako ni sir thru voice conferencing in ym.

usap muna kami kung ano ang mga expectations. gusto nya daw is yung matalino at marunong magdala ng conversation. apparently, isasama n'ya pala ako sa isang luncheon with his friends, so gusto n'ya is yung kayang makipagsabayan ng kwentuhan at usapan. wala akong problema dun. confident ako sa communication skills ko. kumbaga, hindi lang ako masahista, pwede rin akong escort, date, boyfriend-for-a-day, o spokesperson. pwede ring ombudsman. pero, hindi ako yung tipo na pag nakita ng mga kaibigan mo eh mapapagkamalan agad na hired lang para umarte. acting skills... check. conversational mindest... check. good looks... ehem... check. confidence... SUPER CHECK! hahahahahaha!

natutuwa naman si sir sa daloy ng conversation, mukhang hindi nga daw sya mapapahiya. maya maya pa, nirequest na n'yang buksan ko ang cam ko. at binuksan ko na nga.

ang dilim naman, tsaka blurry, tsaka ang liit, hindi ko makita

yan agad ang litanya ni sir pagkabukas ko ng cam. inadjust ko ang size, and that's it. wala naman kasi ako magagawa sa ilaw at sa sharpness ng image, hindi ko na kontrolado yun. pero tuloy ang webcam. makalipas ang ilang minuto... ayan na nga...

taas mo naman t-shirt mo

kahit hindi ko madalas gawin yun, pero dahil medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, ginawa ko na rin. nakita ni sir ang katawan ko. at ayoko na lang banggitin yung comment nya, kasi masisira lang araw ko. amf! pero tila hindi pa rin nakuntento si sir

patingin nga ng titi mo

eto, hindi ko na pwedeng gawin. una, nasa public area pa rin ako, kurtina lang ang naghihiwalay sa akin sa tunay na mundo. pangalawa, syempre, ang titi ang main kalakal... dapat may surprise factor yan. and pangatlo... pag nakita na yung titi ko, baka magjakol na sya, mawawala na yung libog, and hindi na ako ihahire. not to mention na baka sindikato pala sya at kasalukuyang nandun sa bahay nya si mike enriquez o so mon tulfo at bigla na lang ako ipadakma at hihilahin ako papunta sa isang van habang sumisigaw ako ng "wala akong kasalanan sir" or "biktima lang po ako, maawa naman kayo sir" or "walang kasalanan si beyonce! hindi nya intensyon na manggaya ng performance sa billboard!"

hindi ko po pinapakita on cam yun sir
pakita mo na. if you showed it, then tuloy tayo

at nag-threat pa si sir! nakahalata yata na medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako. pero, kahit medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, i still stick to my tricks of the trade, to my policies and procedures, to my fine prints. syempre, mahirap na no.

at naiba ang ihip ng hangin.

eh kasi hindi ako satisfied sa nakita ko. kasi iba yung hitsura mo sa picture. kasi kailangan ko yung malaki titi. kasi yun ang gusto ng boss ko eh.

kasi kasi kasi... samu't saring kasi ang lumabas sa ym window ko habang busy ako sa pakikinig at panonood ng video ng aqua ng "how r u doin" sa youtube, kasi kabisado ko nang ganun yung mangyayari. hindi lang mapagbigyan ang isang request, mawawala nang parang bula ang intensyon ng client na i-hire ka. pero, dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, lumabas na naman ang pagiging medyo masungit at argumentative ko, hoping that my logic will save the client and the appointment.

eh, sir, akala ko po ba kailangan nyo ng ka-date? yung conversational and smart? diba yun yung sabi mo kanina?
oo nga... pero... um... basta... iba eh

barado! natameme si sir. isang linya pa lang, nanalo na agad ako sa mini-debate. pero, did it save the appointment?

i am disappointed. iba talaga hitsura mo sa picture. sayang. i don't think my money's worth hiring you. i like the attitude though

ayan, may consolation price naman pala. he likes my attitude naman pala. i answered with a blunt "okay lang sir, walang problema," thinking that it ends the conversation para maka-move-on na ako, makahanap ng ibang client, or sakaling makauwi ng rizal at puntahan ang family. yun pala, hindi pa.

nagmamadali ka ba? lalo kitang hindi iha-hire nyan. you just failed to impress me yet again.

um... excuse po sir... diba wala ka na namang intention to hire me, dahil nga disappointed ka sa akin kasi hindi ako pumasa sa standards mo na "conversational and smart" na ang ibig sabihin pala eh "hot body and big cock"? i respect that, pero sana you also respect that my time is also important and kung wala na rin naman patutunguhan itong usapan natin, might as well move on. hanap ka ng ibang potential masahistang iha-hire mo, while i look for potential clients dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako.

pero syempre, hindi ko sinabi yun. eto lang nasabi ko.

pasensya na po sir. kasi uuwi pa po ako ng probinsya. nag-online lang naman po ako dahil nagrequest kayo
okay. waste of time

gusto ko sanang sumagot ng TUMPAK, CHECK, KUREK, TRUE, PLANGAK, at lahat ng affirmative words na pwede kong maisip. waste of time... not just for him, but for me! pero, hindi ko na lang pinatulan.

close ym chat window > right click on name > delete contact > tick checkbox "delete from address book too" > click yes > click messenger > sign out

logout, bayad kay ateng bantay, at nagpatuloy ang buhay. kunyari na lang walang nangyari. ganun talaga, move forward lang, hindi dapat magpadala sa rejection o sa negativity dahil medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako.

* * * * *

sa ibang balita... wala nang work si boyshiatsu! nagresign na s'ya kahapon! kaya mas mangangailangan s'ya nga... hindi lang sobrang mangangailangan... SUPER DUPER UBER MANGANGAILANGAN!!!

18 May 2011

Ngiti ng Koreano

lunes. nakakatamad pumasok ng opisina. pero wala naman akong choice kundi pumasok. ayun. naging produktibo naman ang araw ko, hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa extra curricular activities kasama ang katabi ko sa office...

oo, yan ang station ko sa opisina... pero, wag kayo magfocus sa computer, o sa phone sa gilid, o sa malaking orange na crayon sa ibabaw ng phone, o picture ko na nasa... ay... hindi pala naabot ng camera yung picture ko! ayus! bagkus ay magfocus kayo sa sinasabi kong extra-curricular activity namin ng officemate ko...

ayan! sa mga hindi nakakaalam kung ano yan, ewan ko sa inyo. siguro naman lahat tayo eh alam kung ano ang tawag d'yan diba?

para mas cute, kinunan ko ng close up yung mga origami, with matching labels.

more to come... kung sakaling ma-bore pa ulit ako sa office! next batch, animals naman!

* * * * *

matapos ang nakakatamad na araw sa opisina, naisipan kong gumala sa timog (mula sa shaw blvd!). ikot ikot ikot. mayamaya pa ay napagod na ang paa ko sa kakahakbang at ang bibig ko sa kakasabay sa mga kanta sa mp3 player ko. dun ko lang naalala kung bakit nga ba ako nagpunta ng timog... para magpamasahe! (masahista ako, pero tao lang din ako, napapagod at nangangailangan din ng haplos paminsan minsan).

nagpunta ako sa isang suking pagupitan sa timog. (PRENO!!! akala ko ba magpapamasahe ka, tapos pagupitan?!?!?!) napansin ko kasi na hindi na maganda ang tubo ng buhok ko. hindi na ako masyadong pogi, medyo na lang. kaya ayun, nagpagupit na lang muna ako. matapos ako i-shampoo ni ate, sinamahan n'ya ako sa upuan at tinanong kung anong gupit ang gusto ko.

gusto ko sana mohawk. pakiahit yung dito *runs hand in the side of my head*, tapos bawasan ito ng kaunti *sabay hawak sa tuktok ng ulo*, pero kaunti lang, nipisan lang ng bahagya
okey

sa kalagitnaan ng bonding namin ni ateng assistant ay lumapit ang stylist. koreano (ayan, alam nyo na kung saang pagupitan to!). nginitian nya ako na para bang ang ibig sabihin ay "welcome to our salon" o "ang sarap sarap mo naman sa orange na t-shirt mo" o "masaya ka ba na pinag-uusapan na sa kongreso ang rh bill?" pero ang ibig lang naman pala sabihin ng ngiting iyon ay "anong gupit nyo mamsir?" (side comment... hindi ba't nakakatuwa na ang mamsir (ma'am at sir, pinagsama) ay nagiging universal language na ng lahat ng establishments dito sa pinas?). dahil alam kong hindi nakakaintindi ng tagalog ang stylist, switch ako sa english.

i would like to get a mohawk. please shave this side, but not too much *sabay sendyas ng kamay sa gilid ng ulo, kagaya ng ginawa ko nung si ateng assistant ang kausap ko*, and i want this portion *tuktok ulit, kagaya ulit ng kay ateng assistant* a little shorter but funky and make it a little anime-ish...

dire-diretso ang litanya ko, walang preno, parang sasakyan na nakalabas na ng edsa, ng napansin ko ang mukha ng stylist. wala na ang ngiti n'ya. napalitan na ng lukot na mukha. parang paper bill na nilamusak at inilagay sa bulsa. or parang nakainom ng tatlong litro ng pinigang kalamansi. or parang mukha ni... ehem... tatahimik na lang ako. basta, mula sa mainit na ngiti n'ya kanina, naging inexplicable na ang mukha ng koreano. salamat sa bago kong bestfriend, si ateng assistant, umayos ang ngiti ng stylist. mali pala kasi pagkaka-explain ko. ganito ang ginawa ni ateng assistant na pagpapaliwanag

this *lagay kamay sa gilid*, thin. this *lagay kamay sa tuktok*, like spike spike.

ganun lang pala kasimple! sisiguraduhin ko na next time, ganun na lang ang gagawin ko. o kaya eh mag-aaral ako ng korean para mas madaling kausapin si mr stylist without the need for an interpreter.

gupit gupit gupit... ahit ahit ahit... repeat as desired. habang ginugupitan ako ni koreano, kakaiba yung ngiti nya. mahirap i-explain. pero, basta, may something weird sa ngiti nya. naisip ko tuloy... nakita nya kaya yung ads ko as masahista online kaya ganyan sya makangiti? ganun pala yung pakiramdam... nakakaparanoid! pero hindi ko na lang pinansin. nagbasa na lang ako ng magasin na inilagay ni ateng assistant sa lamesa ko... matapos ang mahaba-habang panahon ng pagbabasa (mga apat na segundo), ibinaba ko rin ang magasin... wala ako maintindihan eh, korean din! haha! ilang minuto pa, tapos na ang obra maestra ni mr stylist, at may kakaibang ngiti na naman sa bibig nya. shampoo, then balik sa upuan, then inayusan ako. pagkatapos, tapos na. poging pogi na naman si boyshiatsu. astig na naman. madali na namang bebenta!

pumunta ako sa kahera at nagbayad, at naglakad palabas ng tony and jackey salon. si mr stylist ang nagbukas ng pinto para sa akin, again, with the matching kakaibang ngiti sa bibig nya. eto yung ngiting "thank you for coming mamsir, please come again" or "sana makahalata ka at bigyan mo ako ng tip" (pasensya na, hindi talaga ako nagbibigay ng tips eh) or "bigay mo sa akin ang number mo tapos i-hire kita." kung ano man sa mga nabanggit ang meaning ng ngiti ni koreano, hindi ko na pinag-isipan, kasi masakit na talaga ang katawan ko nun at gusto ko nang magpamasahe.

paglabas ng salon, tsaka ko lang napansin ang hitsura ng buhok ko... at napangiti rin ako.

* * * * *

isa lang ibig sabihin nito... bored si boyshiatsu at wala s'yang clients lately... nananawagan po ako! waaaaahhhh!!!

:-)

11 May 2011

The Curse of the Giant Kulugo

sige, magkita tayo ng alas-otso sa _____
sige po

ilang oras pagkatapos ng text na iyon, naglakad na ako papunta sa napag-usapang lugar bitbit ang aking mga gadgets sa pagmamasahe. tumayo, nagyosi, nakipagharutan sa text, lumandi sa ilang dumadaan, nautot, nainip, at naghintay, hanggang sa dumating si sir. medyo maliit, moreno, pero mukha namang malinis at mabait. pumasok kami sa motel at nag-usap saglit

gaano katagal mo na ito ginagawa?
*yadda yadda yadda*
ahh... san ka natuto magmasahe?
*yadda yadda yadda*

sunod sunod ang tanong ni sir, at sunod sunod din naman ang sagot kong minsan ay naisip ko na lang na i-record at i-play para hindi na ako mapaos kakasagot, o kaya eh gumawa na lang kaya ako ng brochure na may frequently-asked questions na pwede kong ipamigay sa mga clients ko. hehehe...

matapos ang dalawang dekadang interview, naligo na rin si sir, pagkatapos ay ako naman. nagsimula ang masahe.

okey si sir. kahit moreno, maganda ang balat. lakas maka alta-sosyodad! makinis! na-excite tuloy ako. sa mga ganitong pagkakataon, kahit likod pa lang ang minamasahe ko, gusto ko na agad tanggalin ang brief ng client ko. fetish ko kasi ang puwet eh, kaya excited na akong makita ang puwet ni sir.

sir, tanggalin na po natin brief nyo, baka po malagyan ng oil (palusot ko na lang)
ah, ganun ba... mamaya na lang... nakakahiya eh...

dito na ako kinabahan...

...

...

...

sige, magkita tayo ng alas-diyes sa _____
sige po

ilang oras pagkatapos ng text na iyon, naglakad na ako papunta sa napag-usapang lugar bitbit ang aking mga gadgets sa pagmamasahe. tumayo, nagyosi, nakipagharutan sa text, lumandi sa ilang dumadaan, nautot, nainip, at naghintay, hanggang sa dumating si sir. matangkad, medyo balingkinitan, moreno, pero mukha namang malinis at mabait. pumasok kami sa motel at nag-usap saglit

san ka natuto magmasahe?
*yadda yadda yadda*
gaano katagal mo na ito ginagawa?
*yadda yadda yadda*

sunod sunod ang tanong ni sir, at sunod sunod din naman ang sagot kong halos kabisado ko na. matapos ang ilang araw ng interview, naligo na rin si sir, pagkatapos ay ako naman. nagsimula ang masahe.

okey si sir. kahit moreno, maganda ang balat. lakas maka alta-sosyodad! makinis! na-excite tuloy ako. sa mga ganitong pagkakataon, kahit likod pa lang ang minamasahe ko, gusto ko na agad tanggalin ang brief ng client ko. fetish ko kasi ang puwet eh, kaya excited na akong makita ang puwet ni sir. pero tiniis ko, at hanggang sa natapos na ang masahe sa likod.

sir, tanggalin na po natin brief nyo, baka po malagyan ng oil.
ah... sige

tinanggal ni sir ang brief nya... at sana pala ay hindi ko na lang proactively sinabi kay sir na tanggalin ang brief nya dahil isa ito sa mga bagay na pinagsisisihan ko sa tanang buhay ko hanggang ngayon.

medyo madilim sa motel, pero hindi ako nagkakamali sa nakita ko. sa bandang kaliwang pisngi, malapit sa balakang, ay tumambad sa akin ang isang bagay na parang "out of place" sa kabuuan ng puwet ni sir. tinignan ko pang mabuti... confirmed!!! may kulugo si sir sa puwet.

at hindi ito basta kulugo na maliit, or yung nagsisimula pa lang. gigantic ang kulugo ni sir, pwedeng ipasa sa guinness book of world records! napaisip tuloy ako...

paano ko didilaan ang puwet ni sir? eh isa pa naman yun sa mga specialties ko! paano ko imamasahe yun? pag naman hindi ko hinawakan, baka naman mapansin ni sir na nandidiri ako.

okay, disclaimer muna. i have nothing against kulugos. in fact, nagkaroon ako ng maliit na maliit na kulugo dati (dahil yata naihian ako ng palaka habang naglalangoy langoy kami ng mga kaibigan ko sa ilog one day in our elementary lives) pero nagamot agad yun (salamat, salicylic acid!). pero, eto... um... grabe... ayoko na lang magsalita.

going back, napatulala na lang ako kasi hindi ko talaga alam gagawin ko eh.

uy, ok ka lang? natulala ka na dyan!
ha? ah! opo! okay lang po ako
ay, oo nga pala... wag mo na lang hawakan yung kaliwang pisgi ng puwet ko.
ah, sige po.

nakahinga ako ng maluwag. kaso nga lang, medyo nabitin ako kasi talagang isa sa highlights ng award-winning bedroom performance ko ang paglapa sa magkabilang pisngi ng puwet ng client. pakiramdam ko tuloy i did not give my best that night. pero base sa ngiti ni sir, mukhang okay lang naman s'ya.

natapos ang serbis, nagbayad si sir. inaya ako ni sir mag-dinner, pero tumanggi na lang ako, kasi may ikalawang client pa ako nun, at baka hindi ko matanggal sa isip ko at piliting intindihin kung paano nya nagagawang umupo ng maayos ng may higanteng something something sa puwet nya.

...

...

...


uy, ok ka lang? natulala ka na dyan!
ha? ah! opo! okay lang po ako
sige, tanggalin mo na yung brief ko
sige po

moment of truth...

ayus! walang kulugo si sir sa puwet! ang tambok pa! JACKPOT!!!



and the oscar trophy for best performance in a bedroom scene goes to... Boy Shiatsu!!!

*palakpakan*

09 May 2011

Red mobile

ngayon ko na dapat gagawin yung entry tungkol sa giant kulugo (may idea ka na ba? teka, baka mali yung idea mo). pero may nangyari ngayong araw na talagang ka-kwento-kwento!






dalawang linggo na nung binili ko itong red mobile sim na ito para sa second phone. nakadisplay lang yung lalagyan sa station ko sa opisina (nakakainspire kasi yung pagkakatitig sa akin ni Derek, haha!) dahil wala ako magawa, ngayon ko lang ulit napansin ko yung presyo nung sim card...


sikwenta pesos... pero sticker lang... tinanggal ko yung sticker at natuwa ako sa nakita ko...



nineteen pesos! disinueve! labingsiyam na piso!!!

anak ng putakti!

mga mahal kong mambabasa... masakit man tanggapin, pero ako ay biktima na naman ng hindi makatotohanang tubo sa paninda!

ikaw, nabiktima ka na ba?