18 May 2011

Ngiti ng Koreano

lunes. nakakatamad pumasok ng opisina. pero wala naman akong choice kundi pumasok. ayun. naging produktibo naman ang araw ko, hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa extra curricular activities kasama ang katabi ko sa office...

oo, yan ang station ko sa opisina... pero, wag kayo magfocus sa computer, o sa phone sa gilid, o sa malaking orange na crayon sa ibabaw ng phone, o picture ko na nasa... ay... hindi pala naabot ng camera yung picture ko! ayus! bagkus ay magfocus kayo sa sinasabi kong extra-curricular activity namin ng officemate ko...

ayan! sa mga hindi nakakaalam kung ano yan, ewan ko sa inyo. siguro naman lahat tayo eh alam kung ano ang tawag d'yan diba?

para mas cute, kinunan ko ng close up yung mga origami, with matching labels.

more to come... kung sakaling ma-bore pa ulit ako sa office! next batch, animals naman!

* * * * *

matapos ang nakakatamad na araw sa opisina, naisipan kong gumala sa timog (mula sa shaw blvd!). ikot ikot ikot. mayamaya pa ay napagod na ang paa ko sa kakahakbang at ang bibig ko sa kakasabay sa mga kanta sa mp3 player ko. dun ko lang naalala kung bakit nga ba ako nagpunta ng timog... para magpamasahe! (masahista ako, pero tao lang din ako, napapagod at nangangailangan din ng haplos paminsan minsan).

nagpunta ako sa isang suking pagupitan sa timog. (PRENO!!! akala ko ba magpapamasahe ka, tapos pagupitan?!?!?!) napansin ko kasi na hindi na maganda ang tubo ng buhok ko. hindi na ako masyadong pogi, medyo na lang. kaya ayun, nagpagupit na lang muna ako. matapos ako i-shampoo ni ate, sinamahan n'ya ako sa upuan at tinanong kung anong gupit ang gusto ko.

gusto ko sana mohawk. pakiahit yung dito *runs hand in the side of my head*, tapos bawasan ito ng kaunti *sabay hawak sa tuktok ng ulo*, pero kaunti lang, nipisan lang ng bahagya
okey

sa kalagitnaan ng bonding namin ni ateng assistant ay lumapit ang stylist. koreano (ayan, alam nyo na kung saang pagupitan to!). nginitian nya ako na para bang ang ibig sabihin ay "welcome to our salon" o "ang sarap sarap mo naman sa orange na t-shirt mo" o "masaya ka ba na pinag-uusapan na sa kongreso ang rh bill?" pero ang ibig lang naman pala sabihin ng ngiting iyon ay "anong gupit nyo mamsir?" (side comment... hindi ba't nakakatuwa na ang mamsir (ma'am at sir, pinagsama) ay nagiging universal language na ng lahat ng establishments dito sa pinas?). dahil alam kong hindi nakakaintindi ng tagalog ang stylist, switch ako sa english.

i would like to get a mohawk. please shave this side, but not too much *sabay sendyas ng kamay sa gilid ng ulo, kagaya ng ginawa ko nung si ateng assistant ang kausap ko*, and i want this portion *tuktok ulit, kagaya ulit ng kay ateng assistant* a little shorter but funky and make it a little anime-ish...

dire-diretso ang litanya ko, walang preno, parang sasakyan na nakalabas na ng edsa, ng napansin ko ang mukha ng stylist. wala na ang ngiti n'ya. napalitan na ng lukot na mukha. parang paper bill na nilamusak at inilagay sa bulsa. or parang nakainom ng tatlong litro ng pinigang kalamansi. or parang mukha ni... ehem... tatahimik na lang ako. basta, mula sa mainit na ngiti n'ya kanina, naging inexplicable na ang mukha ng koreano. salamat sa bago kong bestfriend, si ateng assistant, umayos ang ngiti ng stylist. mali pala kasi pagkaka-explain ko. ganito ang ginawa ni ateng assistant na pagpapaliwanag

this *lagay kamay sa gilid*, thin. this *lagay kamay sa tuktok*, like spike spike.

ganun lang pala kasimple! sisiguraduhin ko na next time, ganun na lang ang gagawin ko. o kaya eh mag-aaral ako ng korean para mas madaling kausapin si mr stylist without the need for an interpreter.

gupit gupit gupit... ahit ahit ahit... repeat as desired. habang ginugupitan ako ni koreano, kakaiba yung ngiti nya. mahirap i-explain. pero, basta, may something weird sa ngiti nya. naisip ko tuloy... nakita nya kaya yung ads ko as masahista online kaya ganyan sya makangiti? ganun pala yung pakiramdam... nakakaparanoid! pero hindi ko na lang pinansin. nagbasa na lang ako ng magasin na inilagay ni ateng assistant sa lamesa ko... matapos ang mahaba-habang panahon ng pagbabasa (mga apat na segundo), ibinaba ko rin ang magasin... wala ako maintindihan eh, korean din! haha! ilang minuto pa, tapos na ang obra maestra ni mr stylist, at may kakaibang ngiti na naman sa bibig nya. shampoo, then balik sa upuan, then inayusan ako. pagkatapos, tapos na. poging pogi na naman si boyshiatsu. astig na naman. madali na namang bebenta!

pumunta ako sa kahera at nagbayad, at naglakad palabas ng tony and jackey salon. si mr stylist ang nagbukas ng pinto para sa akin, again, with the matching kakaibang ngiti sa bibig nya. eto yung ngiting "thank you for coming mamsir, please come again" or "sana makahalata ka at bigyan mo ako ng tip" (pasensya na, hindi talaga ako nagbibigay ng tips eh) or "bigay mo sa akin ang number mo tapos i-hire kita." kung ano man sa mga nabanggit ang meaning ng ngiti ni koreano, hindi ko na pinag-isipan, kasi masakit na talaga ang katawan ko nun at gusto ko nang magpamasahe.

paglabas ng salon, tsaka ko lang napansin ang hitsura ng buhok ko... at napangiti rin ako.

* * * * *

isa lang ibig sabihin nito... bored si boyshiatsu at wala s'yang clients lately... nananawagan po ako! waaaaahhhh!!!

:-)

7 comments:

  1. bwahahaha! kakatuwa mga origami!

    hmpf! lets talk, baka may magawa ako sa nalulumbay mong "other" career...

    ReplyDelete
  2. Pandemonium Flame >> email nyo po ako! boyshiatsu@yahoo.com

    Lalaking Palaban >> nakaka-destress mag-origami! may batch 2 na ako, mga boxes and containers! ang hirap ng animals eh! same thing, email me too. boyshiatsu@yahoo.com

    ReplyDelete
  3. Hahaha.. cge.. email ako sa'yo.. wait lang.. :)

    ReplyDelete
  4. Oi! Why do you have a picture of LSGH AirForce?! ;)

    ReplyDelete
  5. Parang hindi pa tapos ang kwento... saan ka nagpamasahe after at may kaganapan ba dun? ;))

    ReplyDelete
  6. crush ko yung dalawa sa lsgh airforce! hahahahaha!

    ReplyDelete