alas diyes ng umaga, nakatanggap ako ng text mula sa isang number, nagtatanong tungkol sa service ko. nireplyan ko naman ng usual template ko about my services. he demanded that we talk online daw and he wants to see me on cam. sabi ko kung pwedeng mga hapon, dahil may pupuntahan pa ako. he declined. he wants me to go online asap dahil ihahire nya daw ako ng hapon, at sigurado na daw yun. he just wants to see how i look like. at dahil medyo nangangailangan... okay... correction... sobrang nangangailangan ako, kinansel ko ang pag-uwi ko sa bahay namin sa rizal at magsimba kasama ang family ko, isang bagay na sobrang matagal ko nang hindi nagagawa at matagal ko nang gustong gawin ulit.
mabilisang ligo, papogi, at sumugod na ako sa pinakamalapit na internet cafe. katext ko pa si sir habang naglalakad ako.
private room ha
yun ang isa pang demand ni sir. medyo nagduda na ako, at pakiramdam ko eh alam ko na ang gagawin n'ya. pero dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, pumunta ako sa internet cafe na malapit sa amin na hindi ako suki (ang inet kaya dun, ang bagal pa ng internet at ang pangit ng keyboard!) pero ang tanging internet cafe sa amin na may kurtina para makapag-private ka.
umupo, nag-login, at tinext ko si sir ng yahoo id ko. maya maya pa, magkachat na kami. tinawagan pa ako ni sir thru voice conferencing in ym.
usap muna kami kung ano ang mga expectations. gusto nya daw is yung matalino at marunong magdala ng conversation. apparently, isasama n'ya pala ako sa isang luncheon with his friends, so gusto n'ya is yung kayang makipagsabayan ng kwentuhan at usapan. wala akong problema dun. confident ako sa communication skills ko. kumbaga, hindi lang ako masahista, pwede rin akong escort, date, boyfriend-for-a-day, o spokesperson. pwede ring ombudsman. pero, hindi ako yung tipo na pag nakita ng mga kaibigan mo eh mapapagkamalan agad na hired lang para umarte. acting skills... check. conversational mindest... check. good looks... ehem... check. confidence... SUPER CHECK! hahahahahaha!
natutuwa naman si sir sa daloy ng conversation, mukhang hindi nga daw sya mapapahiya. maya maya pa, nirequest na n'yang buksan ko ang cam ko. at binuksan ko na nga.
ang dilim naman, tsaka blurry, tsaka ang liit, hindi ko makita
yan agad ang litanya ni sir pagkabukas ko ng cam. inadjust ko ang size, and that's it. wala naman kasi ako magagawa sa ilaw at sa sharpness ng image, hindi ko na kontrolado yun. pero tuloy ang webcam. makalipas ang ilang minuto... ayan na nga...
taas mo naman t-shirt mo
kahit hindi ko madalas gawin yun, pero dahil medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, ginawa ko na rin. nakita ni sir ang katawan ko. at ayoko na lang banggitin yung comment nya, kasi masisira lang araw ko. amf! pero tila hindi pa rin nakuntento si sir
patingin nga ng titi mo
eto, hindi ko na pwedeng gawin. una, nasa public area pa rin ako, kurtina lang ang naghihiwalay sa akin sa tunay na mundo. pangalawa, syempre, ang titi ang main kalakal... dapat may surprise factor yan. and pangatlo... pag nakita na yung titi ko, baka magjakol na sya, mawawala na yung libog, and hindi na ako ihahire. not to mention na baka sindikato pala sya at kasalukuyang nandun sa bahay nya si mike enriquez o so mon tulfo at bigla na lang ako ipadakma at hihilahin ako papunta sa isang van habang sumisigaw ako ng "wala akong kasalanan sir" or "biktima lang po ako, maawa naman kayo sir" or "walang kasalanan si beyonce! hindi nya intensyon na manggaya ng performance sa billboard!"
hindi ko po pinapakita on cam yun sir
pakita mo na. if you showed it, then tuloy tayo
at nag-threat pa si sir! nakahalata yata na medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako. pero, kahit medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, i still stick to my tricks of the trade, to my policies and procedures, to my fine prints. syempre, mahirap na no.
at naiba ang ihip ng hangin.
eh kasi hindi ako satisfied sa nakita ko. kasi iba yung hitsura mo sa picture. kasi kailangan ko yung malaki titi. kasi yun ang gusto ng boss ko eh.
kasi kasi kasi... samu't saring kasi ang lumabas sa ym window ko habang busy ako sa pakikinig at panonood ng video ng aqua ng "how r u doin" sa youtube, kasi kabisado ko nang ganun yung mangyayari. hindi lang mapagbigyan ang isang request, mawawala nang parang bula ang intensyon ng client na i-hire ka. pero, dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, lumabas na naman ang pagiging medyo masungit at argumentative ko, hoping that my logic will save the client and the appointment.
eh, sir, akala ko po ba kailangan nyo ng ka-date? yung conversational and smart? diba yun yung sabi mo kanina?
oo nga... pero... um... basta... iba eh
barado! natameme si sir. isang linya pa lang, nanalo na agad ako sa mini-debate. pero, did it save the appointment?
i am disappointed. iba talaga hitsura mo sa picture. sayang. i don't think my money's worth hiring you. i like the attitude though
ayan, may consolation price naman pala. he likes my attitude naman pala. i answered with a blunt "okay lang sir, walang problema," thinking that it ends the conversation para maka-move-on na ako, makahanap ng ibang client, or sakaling makauwi ng rizal at puntahan ang family. yun pala, hindi pa.
nagmamadali ka ba? lalo kitang hindi iha-hire nyan. you just failed to impress me yet again.
um... excuse po sir... diba wala ka na namang intention to hire me, dahil nga disappointed ka sa akin kasi hindi ako pumasa sa standards mo na "conversational and smart" na ang ibig sabihin pala eh "hot body and big cock"? i respect that, pero sana you also respect that my time is also important and kung wala na rin naman patutunguhan itong usapan natin, might as well move on. hanap ka ng ibang potential masahistang iha-hire mo, while i look for potential clients dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako.
pero syempre, hindi ko sinabi yun. eto lang nasabi ko.
pasensya na po sir. kasi uuwi pa po ako ng probinsya. nag-online lang naman po ako dahil nagrequest kayo
okay. waste of time
gusto ko sanang sumagot ng TUMPAK, CHECK, KUREK, TRUE, PLANGAK, at lahat ng affirmative words na pwede kong maisip. waste of time... not just for him, but for me! pero, hindi ko na lang pinatulan.
close ym chat window > right click on name > delete contact > tick checkbox "delete from address book too" > click yes > click messenger > sign out
logout, bayad kay ateng bantay, at nagpatuloy ang buhay. kunyari na lang walang nangyari. ganun talaga, move forward lang, hindi dapat magpadala sa rejection o sa negativity dahil medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako.
* * * * *
sa ibang balita... wala nang work si boyshiatsu! nagresign na s'ya kahapon! kaya mas mangangailangan s'ya nga... hindi lang sobrang mangangailangan... SUPER DUPER UBER MANGANGAILANGAN!!!
nag-resign ka na?! correct me if i'm wrong pero parang ilang buwan ka pa lang dyan sa call center mo ah? sayang naman. what made you leave?
ReplyDeleteJeff, one year po. magulong kwento.
ReplyDeleteganun? maybe you could post a blog entry about it, given how you've got quite a lot of free time now.
ReplyDeletebtw, pwede ka rin pala as an escort or mock boyfriend. hmmm, interesting..... ;)
sobrang nangangailangan?.... hmmm :) teka, san ba makikita yung pics mo?
ReplyDeleteoo nga, pano makikita picture mo?.. sayang naman yung work mo.. hanap ka ng iba.. kahit masahista ka may regular work ka..
ReplyDeletegaling ng writing skills mo.. puwede ka ng gumawa ng novel.. hehehe.. true to life story pa..
Gusto kitang makita at makausap.. :-) hope soon..
oo nga... mas maigi pa ring may regular work ka... gusto ko rin sanang magpamasahe sayo kaya lang out of town ako ngayon... i'll send you a message pag nakabalik na ako Manila...
ReplyDeletesalamat sa mga comments guys! i am definitely in search of a new work now. ang target ko is dapat end of this week mag-sign na ako ng contract sa kahit anong call center or sa abs-cbn. hehehehe...
ReplyDeleteJeff, yes, pwede akong mock boyfriend... a convincing one! ;-)
Horcrux, i can send you my pic links thru email.
Noli, i once wrote a novelette na, nung college pa ako. fiction nga lang, rom-com. pero to write a novel about being a masseur... or basically release any novel, that is my dream. thanks for noticing my writing skills!
Astrodeus, hintayin ko pagbalik mo sa manila ha!
email: boyshiatsu@yahoo.com
Sorry to hear about your story. I hate these kind of people - masyadong mapagsamantala.
ReplyDeleteBtw, I sent you an email...
ReplyDelete