02 May 2011

Lucky charm

nakakatuwa yung mga pusang kumakaway sa mga tindahan. swerte daw yun. pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung paano naging swerte ang dilaw na pusa na kumakaway sa mga mamimili... at kung sino ang nakaisip pa pakawayin yung pusa.

sabi ng nanay ko, swerte daw ako. dati, pag pumupunta kami ng perya, hindi natatapos ang gabi na wala kaming naiuuwing baso, pinggan, tasa, tabo, planggana, chichirya, delatang softdrinks, delatang tuna, delatang sardinas, delatang kung anu-ano, or kahit anong pwede mapanalunan sa hulog bentisingko (pa noon, piso na ngayon), color game (na bola), color game (na dice), beto beto, o bingo. swerte daw kasi ako kaya lagi kaming nananalo. paniwalang-paniwala na ako nun, kaso nung last night nung bingo sa perya sa amin, hindi ko napanalunan yung grand prize na bike. so hindi yata totoong swerte ako... o baka depende lang sa araw.

teka, bakit nga ba all of a sudden e nagkukwento ako tungkol sa pagiging swerte? rewind tayo, mga isang taon...



may sakit si mama, and walang extra si ate. nung mga panahong yun, wala naman akong ibang trabaho kundi ang pagpopokpok. kakatapos kolang magbayad ng bills, kaya medyo wala akong extra. hindi ko namang masabi na malakas ang kalakalan nun,kasi medyo matumal talaga. hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng pera para madala ko si mama sa lung center. pero, sige, buo ang loob ko na magkakaroon ako ng client nun.

biglang may nagtext habang busy ako sa panonood ng tv (oo, ang panonood ng tv ay isang bagay na pwede kong ika-busy!). inquire. sumagot ako. makalipas ang 10 minuto, walang reply... malas. naligo na lang ako, baka kasi sakaling swertehin ako kung mabango na ako.

at mukhang totoo nga! pagkatapos ko maligo ay nagreply na ang nagtext, pumunta daw ako sa isang sosyaling hotel sa malate. nandun na rin yung room number. ayus.

bihis at byahe papunta sa hotel. dire-diretso sa room number, at doorbell. bumukas ang pinto, at ang sumalubong sa akin ay isang poreynjer (foreigner). typical na matandang foreigner. pumasok ako sa loob at nakipagkwentuhan saglit. pagkatapos ay minasahe ko sya, at may extra syempre. tuwang tuwa naman si uncle joe. nagulat daw sya kasi hindi nya daw expected na marunong talaga ako magmasahe (may masakit daw kasi sa likod nya, and napawi ko daw) at natuwa pa sya kasi kaya kong makipag-usap ng english (ehem!).

we had light dinner and some more stories to share... atsetse, napa-ingles tuloy ako! ayun, kumain, kaunting kwento, hanggang sa iniabot n'ya sa akin ang bayad... SOBRA SOBRA SA KUNG MAGKANONG NAPAG-USAPAN NAMIN... THREE TIMES SOBRA!!!

sa totoo lang, medyo nahiya ako, at isinauli ko yung iba, pero he insisted na kunin ko kasi magaling naman daw talaga yung serbisyo ko. at hindi pa dun natapos yun... balik daw ako after 2 days at magpapaserbis ulit sya!

swerte!!!

dumating ang ikalawang araw at pumunta ulit ako dun sa hotel. this time, mas maaga. pasok sa loob, kain ng prutas at pasta (kainin ko daw eh, edi kinain ko!), ligo, masahe... walang sex. hindi na daw kailangan sabi nya. pero ganun pa rin ang ibinayad nya. dinagdagan nya poa ng isang libo, pamasahe ko daw pauwi. naks! pero hindi nya pa ako pinauwi. magcacasino daw sya at sumama daw ako.

walang alam sa casino, at wala rin naman ibang gagawin, sumama ako. ayun, tagahawak ng chips. maya maya pa, binigyan n'ya ako ng ilang chips at maglaro daw ako kung saan ko gusto. dahil wala nga ako alam sa casino, naglaro na lang ako sa slot machines (pinapalit ko yung chips ng coins). hulog, pindot, hulog, pindot... ganun lang... walang naging return of investment. naubos ang chips ng ilang minuto (hindi ko alam kung dahil ba sa malas ako, o tatanga-tanga lang ako at hulog lang ako ng hulog). medyo nahihiya, bumalik ako sa pwesto namin. natawa lang sya ng malamang walang natira kahit isang chip sa akin. pinaupo nya ako sa tabi nya at pinaghawak ng chips. sige, nood lang ako kahit hindi ko naiintindihan yung laro, pero napansin ko na panay ang kamig ni uncle joe ng mga chips sa lamesa habang may malaking ngiti sa bibig. "i think you're my lucky charm!" bulong nya pa sa akin. natuwa naman ako... at napaisip... kung lucky charm ako, edi malamang sa malamang eh mag-uuwi na naman kami ni uncle joe ng sangkatutak na baso, pinggan, tasa, tabo, planggana, chichirya, delatang softdrinks, delatang tuna, delatang sardinas, at delatang kung anu-ano. naalala ko bigla, nasa casino nga pala kami, wala sa perya. chipipay lang yung dati, ngayon high class na.

natapos ang araw, at napagod na rin yata si uncle joe. lumabas kami ng casino at bumalik sa hotel para mag-dinner. handa na akong umuwi ng pinigilan ako ni uncle joe at may iniabot sa akin... nakabalumbom na mga papel... pagtingin ko... pera pala... SAMPUNG LIBO!!!

ayun! sobrang ayoko na talaga tanggapin, mahirap na at baka ma-karma ako. pero sabi nya, dahil dawlucky charm nya ako, i deserve to have that amount daw. nahiya naman ako. pero, aarte pa ba? tinanggap ko na lang, nagpasalamat, at umuwi... ng magaan ang loob dahil alam kong pwede ko nang madala si mama sa lung center.

makalipas ang ilang araw, nag-email sa akin si uncle joe. baka daw matagalan pa bago sya makabalik ng pinas, pero kung sakali daw, ako pa rin ang kokontakin n'ya. sinuwerte daw kasi sya na makakuha ng masahista na marunong talaga magmasahe at smart pa!(pero, globe ang number ko that time... ehehehe...korni!)

kung alam lang ni uncle joe kung sino ang mas maswerte sa amin dalawa. sya, swerte kasi good catch ako para sa kanya. ako, mas maswerte kasi buhay ng pamilya ko ang nailigtas n'ya.

uncle joe, kung nasaan ka man... salamat! at sana hindi na kumikirot yung lamig sa likod mo.



may kumakaway na pusa din pala dito sa net cafe ngayon... kaya siguro ang dami ng tao. teka... kung bumili kaya ako ng pusang dilaw na kumakaway, tapos dalhin ko sya lagi, tapos kapag nagmamasahe ako eh ipapatong ko sa lamesa katabi ng oil, bimpo, at mga burloloy ko sa pagmamasahe... suswertehin kaya ako?

2 comments:

  1. sana mahawa ako sa swerte mo...ako rin swerte kailangan ko ks kahit anu gawin ko para gumanda buhay ko ala pa rin..pero d naman ako truly unlucky...ks still alive at kicking p aman ako...

    ReplyDelete
  2. God bless! Sana nga umasenso tayo ahihihi!

    ReplyDelete