habang ilegal na nagbabrowse sa opisina during the wee hours of the shift (babala: wag kumain ng pansit malabon sa second break, aantukin ka sa kabuuan ng shift mo), nagulat na lang ako na nai-post na pala ni Lex (http://www.lexuality.com) yung sulat ko sa kanya. (para sa mga gusto makakita ng mismong sulat, punta na lang kayo sa site, tinatamad ako maglagay ng link sa mismong entry eh).
naipost na pala. at may mga nagcomment na.
kaya naisipan kong mag-online pagkatapos ng trabaho... at nagulat ako...
mula sa tatlo, naging labinglima na ang followers ko. at mula sa 0 reaksyon, nagkaroon na ng comments ang mga entries ko.
sa totoo lang, at siguro mahahalat n'yo rin naman, na dumating na sa punto na wala na ako pakialam sa blog na ito. hindi dahil sa nawawalan na ng mga kagila-gilalas na kwento (in fact, dumadami pa ang kwento!) pero dahil sa parang wala rin namang nagbabasa ng mga isinusulat ko. para akong singer na walang fans. parang kontrabida na walang kalaban. parang oposisyon na walang administrasyon. basta, ganun... kumikilos ako para sa wala. nagsasayang ako ng panahon at pera (wala kasi akong sariling computer) para sa wala.
pero ngayon, nakaka-inspire sumulat dahil alam mong may ilang pares ng mata na dadaan sa blog mo, maghahanap ng anong uri man ng aliw na nakita nila sa blog mo sa unang beses na dumaan ang mga mata nila dito. salamat, maraming salamat.
overwhelming talaga!
pramis, mas marami pang kwento ang makikita n'yo dito. mas makikilala n'yo si Boy Shiatsu at mas madidiskubre n'yo ang mundong ginagalawan n'ya. humanda sa pagsakay sa bangka patungo sa agos ng buhay ng isang masahista na kaya lang naman nagbablog ay naghahanap ng kaunting atensyon at kaunting pang-unawa, umaasa na sa maliit na paraan na pagbablog ay magigiba n'ya ang common impression na ang mga masahista ay walang ibang alam gawin kundi magpasarap sa buhay.
salamat sa pagbuhay muli sa interes kong magkwento tungkol sa kung anu-anong nangyayari sa akin. maraming salamat!
ayus! kahit wala akong kliyente ngayong araw, ang sarap pa rin ng pakiramdam!
ps: hindi ko nga naman nailagay ang email address ko. boyshiatsu@yahoo.com
nga pala, basahin n'yo rin po yung mga lumang entries ha. may ilan sa mga tanong n'yo na nandun ang sagot.
muli, maraming salamat
Bakit kasi wala kang page view counter? Im sure marami nagbabasa dyan kya lang silent reader sila, like me.
ReplyDeletesige lang, post lang ng mga kwento, maraming magbabasa niyan. :D
ReplyDeleteHi Boy Shiatsu.
ReplyDeleteJust to let you know that I'm using a translator to read your blog. Although I'm not sure how accurate the translation is, I still can sense how devoted you are on your chosen field. Your stories are very interesting, as you give a direct to experience account of your experience as a masseur. Here in the US, the masseurs earn alot of money, and it is a profession, they need to have a state exam and license to practice, but then they can set up shop and build their own client base. I understand that its quite different from your country. But nonetheless, I like you to know that every job as long as you put your heart into it deserves every inch of respect. Congratulations on your excellent Blog.
korek! maraming silent reader mo.. kagaya ko.. My boyfriend and lover right now is a masseur.. We been together for 4 years already.. and still going strong.. I have a lot of stories too about him and our relationship.. Roller coster talaga.. pero i love him so much kahit masahista lang talaga sya.. Right now, we are building our own house.. its small pero pinag sisikapan namin...
ReplyDeletemagaling kang magsulat bro. just keep on writing. you're an excellent storyteller-- and you have the humility that is very important beyond looks. keep on. goodluck on your endeavors. i know you're a good friend, worker, masseur, and most importantly, i think you're a good person. thank you.
ReplyDeleteIm a new fan boy ahihihi...
ReplyDeletehope to chat with you soon :)
I really like the way you convey your feelings through this blog. Katulad nila, silent follower mo din ako. I have been reading your old entries, which I do only if I find sense in a writer. And you are such a one... post more kwento. I'll be waiting for it... From Saudi Arabia
ReplyDeleteang galing mong magsulat boy, HANGA ako sa u, keep on writing, marami kang napapasayang tao (like me)
ReplyDeletehaha. i share the same feeling on this one:
ReplyDelete"para akong singer na walang fans. parang kontrabida na walang kalaban. parang oposisyon na walang administrasyon."
pero patuloy pa rin ako sa sinimulan kong blog kahit walang audience... masaya mag express...
Kongrats! Dami mo nang fans at magaling ka talaga magsulat. bow!