padapa o pahiga, lotion o powder, hard or soft, kahit anong posisyon, siguradong... satisfaction guaranteed!
31 December 2013
Best Year Ever (So Far!)
and we danced all night to the best year ever
muli kong binasa ang mga blog entries, twitter feeds, at facebook posts ko para i-review kung kumusta nga ba ang 2013 ko. and i came up to a conclusion... this is my best year so far!
trabaho-wise, bagamat hanggang ngayon ay ikinakalungkot ko pa rin at hindi ko pa rin alam kung bakit nga ba ako tinanggal ng boss ko as his personal assistant, thnakful ako na bumalik sa call center industry. for some reason, mas alam ko na kung anong tatahakin kong path. sana lang talaga eh hindi ako ma-burn-out.
sa pamilya, masaya na sa bahay na ako nakatira. although, oo, nakakapagod ang byahe, pero makita ko lang ang pamilya ko, lalo na ang mga pamangkin ko, after ng malayong byahe... solved na ang pagod. pero kung yung bayaw ko ang makikita ko, ibang usapan yun! ahahaha!
pero ang dalawang pinakamalaking bagay na ipinagpapasalamat ko ngayong 2013, ang dalawang bagay na nagbigay ng kulay at direksyon sa buhay ko.
improv comedy. ngayong taong ito tuluyang umusbong ang karera ko sa larangan ng improv. and there's no stopping us anytime soon.
and most specially... Jack Frost... no explanations needed!
this year, masasabi kong malaki ang naging pagbabago ko. ang daming pangyayari, ang daming ups and downs. pero after all these roller coaster rides, masasabi kong hindi na ako yung tipong tulala at hilo after the ride, but more of a fun-loving person na nakangiti at super excited pa sa mas nakakalokang roller coaster.
as cliche as it may sound, let me say this. maraming salamat sa isang masayang byahe, 2013. thanks for being the best year ever, so far. pero, i must tell you, looks like 2014 is up to get the crown from you! and, sorry, but i will definitely let him get it! hee hee!
maligayang 2014, everyone!
24 December 2013
Rush Rush
pero wala naman talagang kinalaman ang video na yan sa entry na ito, just like how some intermission numbers eh walang kinalaman sa mga programs (e.g: mga babaeng singkipot ng eskinita ang saplot sa katawan na sumasayaw ng patuwad-tuwad, paliyad-liyad, at pabuka-bukaka sa isang home for the aged christmas party!).
i like christmas. masasabi kong isa ito sa mga okasyong talagang inaabangan ko. siguro it's because of the kid in me. excited pa rin ako kapag nagbubukas ako ng regalo, kapag hinuhulaan ko kung sinong nakabunot sa akin sa kris kringle, sa malakas maka-emo at makabondat na noche buena, sa solemn and relaxing christmas mornings, at sa mga batang nangangaroling na mali-mali ang lyrics.
saming bahay, ang aming bati
meri krismas ng wawalhati
ang pag-ibig bagsyang naghari
araw-araw ay magiging pasko lagi
ang sanghi po ng pagparito
hihingi po ng amigaldo
kung sakaling kami'y werwisyo
pashyenshya na kayo kami'y namamasko
wiwis you a meri krismas
wiwis you a meri krismas
enda hapi new year
lintek na mga bata to, mali-mali na nga ang lyrics, nang-angkin pa ng bahay! hello! bahay namin to, hindi sa inyo!
* * * * *
pero ang pinaka-defining moment na yata ng pasko ay ang tinatawag nilang holiday rush. ewan ko nga ba kung bakit ganun. may sweldo na naman karamihan ng akinse, at madalas naman ay nakukuha ang 13th month pay at christmas bonus a week before the 15th, pero bakit nga ba tuwang-tuwa ang mga pilipino na sa huling limang araw bago magpasko ay tsaka mamimili? tapos magrereklamo na masikip, na traffic, na hassle. kung ayaw nyo ng masikip, ng traffic, ng hassle, september pa lang mamili na kayo, since technically eh pasko na naman yun sa pilipinas.
at akala mo naman kung sino akong magsalita diba? samantalang nakisiksik din ako nitong mga nagdaang araw sa department stores, malls, at palengke. pero may dahilan naman ako. wala akong 13th month at christmas bonus, kaya dumiskarte muna ako ng pera. eh ngayon lang nakadiskarte, kaya ayun. pasensya na kung isa ako sa nagpasikip ng pagsashopping nyo.
pero, aminin natin, anumang hassle ng holiday rush, there's this fulfilling, er, feeling na nararamdaman mo after all the siksikan, tawaran, at hagaran. kanina, nagpasama ako sa ate ko para mamili ng mga iluluto mamayang noche buena. alam ko kung ano yung iluluto, pero di ko alam yung mga ingredients. sugod kami ng ate ko sa palengke, and for the first time in a long time, nakisiksik ako sa masangsang, mabaho, marumi, at karumal-dumal na palengke... joke lang! hindi naman pangit yung palengke. in fact, malinis nga,. pero siksikan pa rin. kurot ng manok, pili ng patatas, halukay ng magandang carrots, bilang ng hotdogs, at uminom ng gulaman... maya-maya pa ay natapos ang pamamalengke, at tila nabawasan din ako ng limang kilo sa dami ng pawis ko. pero, hindi ako natuwa, kasi alam kong in a few hours from now, i'll gain it back! hahahaha!
* * * * *
madalas sabihin ng mga tao na ang pasko ay para sa mga bata. oo nga naman. all the gifts, the christmas songs, the new clothes, the yummy food (and the chocolates!!), parang pambata nga naman talaga ang pasko. kumbaga, this is their euphoria. exciting, fun, and talagang, hmmm... extraordinary. pero, kung iisipin mo, christmas can be as exciting for adults as it is for kids. take my experience as an example.
tatlong araw before christmas at di pa rin ako nakakapagdecide kung anong regalo ang bibilhin ko sa mga bata. ang awkward naman na tanungin sila kasi magkaka-idea na agad sila. i wanna surprise them. so bumili ako ng palagay ko eh magugustuhan nila. eto ang challenge... paano ako uuwi ng bahay dala ang mga regalong ito ng hindi makikita ng mga pamangkin ko na buong hapon lang na nanonood ng tv? isip isip. hanggang voila! tinawagan ko ang ate ko habang naglalakad na ako pauwi at sinabi kong utusan ang dalawang bata na bumili ng kahit ano. kahit ano, basta dapat lumabas ng bahay yung dalawang bata. and they did naman... which means i have 30 seconds to rush from a corner na malapit sa bahay namin papasok sa bahay, paakyat sa kwarto. salamat sa diyos at successful naman. then comes the second challenge... paano ko maibabalot yung gifts na hindi nila nakikita? nagawa ko pa rin, at sa tulong ulit ng ate ko. kesehoda nang hindi maganda yung pagkakabalot tutal sisirain din naman. then ang susunod na challenge naman is kung paano ako bibili ng regalo para sa ate ko, sa mama ko, at sa bayaw ko (yah, ibibili ko sya kahit labag sa loob ko, ahahaha!) ng hindi nila nakikita. ampota... mas mahirap pala yun! pero sa awa ng diyos at ng ninja skills ko, naitawid naman. whew!
* * * * *
isa sa mga tradisyon na hindi nawawala sa pasko namin ay ang pagsasabit ng medyas para kay santa claus. masasabi kong matagumpay naman kaming matatanda sa bahay na itago sa bata ang katotohanan tungkol kay santa claus. nagtataka nga ako sa mga pamangkin ko, wala naman kaming chimney sa bahay, bakit talagang sobrang naniniwala sila na darating si santa claus. saan sya dadaan, sa pinto? at isa pa, bakit nga ba santa ang tawag sa kanya eh lalaki sya?
going back, ayun nga. medyas. medyas na pupunuin ng candies at kung anu-ano. and syempre, bilang ako ang medyo may budget, ako ang assigned na bumili ng panlaman sa medyas. kahit anong kendi na lang daw sabi ng ate ko. pero syempre, di naman ako papayag. umalis ako saglit at pagdating ko sa bahay (good thing wala ang mga bata), nagulat si ate sa grocery items na dala ko. sandamakmak na chocolates, candies, gelatine, chichirya, at kung anu-ano pang pagkain na masama sa ngipin at sa kalusugan. ewan ko ba, parang di ko kasi papayagan na paggising sa umaga ng mga pamangkin ko ay ilang pirasong kendi lang ang makikita nila sa medyas nilang isinabit (for the record kasi, instead na medyas nila ang isabit, medyas ko ang ginagamit nila. yung mga luma kong medyas. yung ga-stockings na sa haba). kaya okey lang na gumastos ng kaunti, kung ang kapalit naman nun ay masayang ngiti mula sa mga bata.
nung bata pa ako, talagang exciting ang pasko namin. umaapaw ang kendi sa medyas na nakasabit. makulit yung mga ilaw ng christmas tree. maraming pagkain sa hapag. at hindi naman ako makakapayag na hindi maranasan ng mga pamangkin ko ang sarap at saya ng pagiging bata tuwing pasko dahil lang sa medyo kapos sa budget. banatin na ang pwedeng banatin, simutin na ang pwedeng simutin, kung ang kapalit naman nito ay lubas na ligaya sa mga pinakaimportanteng bata sa buhay ko. oo, spoiler akong tito. and i'm happy to admit that. minsan lang naman ang pasko, bakit hindi pa itodo diba?
* * * * *
isang maligayang pasko sa lahat. walang dahilan para hindi ito i-celebrate. hindi naman kailangang magastos, o maraming regalo, o maraming kendi, o maraming pagkain, o maraming etcetera etcetera. dahil ang tunay na diwa naman ng pasko ay ang pagpapasaya sa mga mahal mo sa buhay, at ang paggunita sa taong may birthday sa araw na yun.
which reminds me... wala pa pala akong regalo sa kanya. teka nga, makabili muna. rush rush!
08 December 2013
11th and 28th
isang mahalagang araw ang naghihintay sa akin bukas. dalawang milestones.
una ang 11th. labing-isang buwan na kasama si Jack Frost. oo, milestone to para sa akin na ang pinakamahabang relasyon ay limang buwan. hindi naging madali ang byahe namin, pero sobrang natutuwa ako kasi sa dami ng pinagdaanan, pinagdadaanan, at pagdadaanan nami, alam kong malakas ang kapit namin sa isa't isa. kahit na may mga taong ang misyon yata talaga sa buhay ay sirain kaming dalawa, naniniwala ako na kakayanin namin ito. Jack Frost ko, maraming salamat sa ika-labing-isa. isang buwan na lang, isa na tayo. and i can't wait sa mga susunod pa nating numero.
bukas na rin ang 28th. syet! ang tanda ko na! pero ayus lang. may pinagkakatandaan naman yata ako. i think. i hope.
magkausap kami ni Jack Frost sa telepono nung isang araw. nag-away pa kami. nasabi ko kasi sa kanya na nalulungkot ako kasi magcecelebrate ako ng birthday ng wala man lang pera. as in walang wala. hindi kagaya last year na nagawa ko pang ilabas ang pamilya ko at igala sa mall. pero this year, nganga. ayun, nagalit. nagdahilan pa ako kung bakit hindi nya ako naiintindihan at kung bakit ako nalulungkot. pero nadale nya ako sa isang salita.
napakarami mong pwedeng ipagpasalamat sa buhay. napakaliit na dahilan ng pera para malungkot ka.
touche!
dun ko naisip... oo nga naman. nagpapasalamat ako na kahit mahirap ang buhay, kumpleto kami. hindi man palaging masarap ang ulam, pero nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw (ako, minsan, dalawa lang... diet eh!). nakakapanood kami ng tv. nakakapaglaro ng games sa mga gadgets (although, di ko magamit tablet ko, katangahan ko kasi! ahahaha!), at nakakangiti sa araw-araw. may trabaho ako. may Jack Frost ako. at higit sa lahat, buhay ako. at bukas nga,panibagong taon na naman ang ipagkakaloob sa akin ni Bro. mas higit pa sa pera yun, at ang mga bagay na ito ay hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit anong pera o halaga.
01 December 2013
Minority Report
20 November 2013
Kontesero
11 November 2013
Parenthoodlum
07 November 2013
Ikapito Ng Nobyembre
ikapito ng nobyembre. isang espesyal na araw para sa dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
ma, alam kong hindi ko masasabing naging mabuting anak ako. pero gusto kong malaman mo na sa bawat araw na nabubuhay ako ay hindi ko tinatanggal sa akin ang mga asal na itinuro mo sa akin. ang pakikisama. ang pagpapakumbaba. ang paggalang sa kapwa. salamat sa lahat ng sakripisyo mo para lamang maitayo ang pamilyang minsan na nating inakalang tutumba at hindi na makakabangon. isa kang malakas at matatag na babae, at ipinagmamalaki kita.
jack frost ko, sa tagal ng relasyon natin ay marami na tayong napagdaanan. alam kong hindi pa titigil ang mga pagsubok at ang mga problema, pero sabi nga sa kanta, "i'd rather have bad times with you than good times with someone else." salamat sa pagpaparamdam sa akin na bagamat hindi palaging masaya, palagi namang masarap ang umibig. salamat sa hindi pagsuko sa relasyon natin, and i can't wait to spend more months and years with you. mahal na mahal na mahal kita.
maligayang kaarawan sa dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko, mula sa isang tao na ang tanging hiling ay maging masaya kayo.
Posted via Blogaway
04 November 2013
Seasonal Regular
umpisa na rin ng second semester. balik eskwelahan na ang mga estudyante at mga guro. maaga na namang gigising ang mga bata at magsasanhi na naman sila ng traffic sa mga kalsada. maririnig na naman ang "manong bayad po, estudyante" sa mga pampublikong sasakyan. at sangkatutak na naman ang makakasabay mong mga naka-uniporme sa mga fast food chains.
ako naman, dahil pumasa agad ako sa language training last week (naks! ang galing ko, pucha! bwahahaha!), balik night shift na ako today. oh, well, ganun talaga ang buhay. babalik at babalik ka sa ilang mga bagay at pangyayari.
* * * * *
isa sa mga regular ko nang kliyente si Sir Johnson. isa rin sya sa mga naunang nag-avail ng services ko. at according sa kanya, kahit may mga na-try na syang ibang masahista, sa akin nya pa rin gustong bumalik ng bumalik. naks naman! bigyan ng jacket at ng discount card! hehehe...
medyo may edad na si Sir Johnson, pero hindi naman sya mukhang matanda. hindi ko alam ang life story nya, pero for some reason eh nag-iisa lang sya sa bahay nya. kaya nga daw madalas sya nagpapaservice sa akin, kasi for a moment eh nakakaramdam sya na may kasama sya. awww...
nakakaaliw si Sir Johnson. kasi pag nandun nga ako sa kanila, pakiramdam ko talaga eh anak ang turing nya sa akin. hindi lang basta anak... kundi sanggol!
pagdating ko dun, automatic may nakahanda nang pagkain. kakain na lang muna ako and then maliligo bago magsimula ang service. at kahit nagdadala na ako ng sarili kong oil, gusto pa rin ni sir na yung oil nya ang gagamitin. at lahat ito ay nakahanda na rin. kumbaga, ang kailangan ko na lang gawin ay maghubad, magmasahe, at mag-*insert rated spg word here*, hehehehe...
then ang pinakamasayang part is yung pagkatapos ng service. pagkatapos ko maligo, ang gusto ni Sir Johnson ay tatayo lang ako, nakadipa at nakabukaka, at sya ang magpupunas ng twalya sa buong katawan ko. pagkatapos nun, pupulbusan nya ang junjun ko, i-spray-an ako ng pabango, at bibihisan ako. paminsan-minsan pa, binibigyan nya ako ng bagong boxers (na kadalasan eh maluwag sa akin) or bagong medyas. mas okey sana kung bagong t-shirt, pantalon, or gadgets ang ibibigay sa akin eh, mas masaya! (haha! joke lang). ang kyut lang tuloy kasi everytime uuwi ako, parang pupunta pa lang ako sa kung saang lakad kasi fresh na fresh at amoy baby ako, hehe...
minsan nga, nahihiya na ako kay Sir Johnson. ako yung service provider (naks sa term!) pero para ako pa yung nakakatanggap ng exemplary customer service. pero, sabi nga nya, dun sya masaya, so hayaan ko na lang. ang mahalaga, tuloy tuloy ang business namin, kahit seasonal, basta regular. oo, posible ang seasonal na regular.
* * * * *
sa ibang balita, simula na rin ng planner season ng starbucks. inaamin ko, isa akong seasonal starbucks lover. pag walang planner, i still drink starbucks, but not as much as kapag planner season. admit it, ang kyut naman kasi talaga nung mga planners nila diba? nakakatawa lang yung mga "self-proclaimed starbucks advocates" na sobrang haters sa mga seasonal starbucks lovers. eh pakialam nyo ba? sa ngayon lang namin gusto mag-starbucks eh. may pera kaming pambili, so hayaan nyo lang kami. kahit seasonal, basta regular. sabi ko sa inyo eh, posible yun.
28 October 2013
Pasakalye
dahil masyado akong maraming pinagkaabalahan nitong mga nagdaang buwan, humihingi ako ng paumanhin na hindi ako nakapag-update. pasensya na.
may mga pagbabagong magaganap sa blog na ito. bagamat tuloy pa rin ang pagkukwento ko ng mga samut-saring karanasan sa iba't ibang mga customers, nawa ay pahintulutan nyo akong magkwento ng iba pang bagay tungkol sa aking sarili, hindi lang bilang BoyShiatsu, kundi bilang kakilala, kakulitan, at kaibigan nyo. magsisimula ang pagbabagong ito sa mga susunod na araw.
maraming salamat po!
Posted via Blogaway
11 September 2013
Calle Ocho
12 August 2013
DIY
agad pumunta sa convenience store at bumili ng pancake mix (may kasamang maple syrup, astig!) ng muli kong ni-recall ang panaginip. hindi lang basta pancake yun eh... may chocolate chips sa loob! may kasama pang bacon and orange juice. at dahil nasa grocery na lang din ako, bumili na ako ng alternatives para talagang living the dream ang peg. bumili ako ng chocnut (walang chocolate chips eh!) at pakete ng orange juice. at dahil mahal ang bacon, bumili na lang ako ng ham. sugod sa bahay, luto ng almusal... solb! pero hindi ito ang unang beses na nag-do-it-yourself ako alang-alang sa panaginip.
* gumawa ako noon ng sarili kong version ng amazing aloha ng jollibee. burger patties, murang keso, bacon (may extrang pera ako nun, yehey!), at pineapple tidbits. solb!
* lucky me krak krak, BoyShiatsu version. dahil walang mabiling krak krak sa mga tindahan sa amin, bumili na lang ako ng chicharong baboy! dinurog at ibinudbod sa pancit canton. solb! nasubukan ko na rin na gumamit ng chippy at tortillos, solb ulit!
* na-inspire ako sa isang sandwich sa peanut butter and co, kaya gumawa ako ng sarili kong version. peanut butter, banana, and ham! medyo weird, pero masarap pa rin. solb!
siguro madali naman talagang mag-do-it-yourself ng mga pagkain. likas naman kasing malikhain at maparaan ang mga pinoy, at likas lang talaga akong matakaw! ahahahaha! pero, sa ngalan ng panaginip, ano pa ba ang kaya mong i-do-it-yourself? kilalanin natin si Sir Dodie, baka sakaling ma-inspire niya tayo.
isang araw ay nagtext sa akin si Sir Dodie, nagtatanong tungkol sa services ko. dahil medyo busy ako sa pagkain (yeah, matakaw ako, sabi ko naman sa inyo eh!), sinend ko lang sa kanya ang template ko. natigil lang ako sa pagkain dahil ang OA nung reply nya.
Sir Dodie: masungit ka pala.
masungit? guys, tell me, masungit ba dating nung template ko? sumagot na lang ako.
BS: sorry po, having dinner eh.
SD: okay lang, busy ka ba tonight?
BS: di naman po.
SD: okay, good. pwede ka tonight?
BS: pwede naman po, saan ka ba?
SD: alabang
BS: ang layo pala, pero ok lang.
SD: sige. kaya mo makarating dito in 30 minutes?
BS: naku, sir, di po kaya. mga 2hrs po.
SD: ganun ba? sayang naman. talagang gustong-gusto na kitang matikman eh. matagal ko nang panaginip yun.
BS: ang lalim naman sir, panaginip talaga! hehehe...
SD: totoo naman eh. teka, may pictures ka ba?
BS: *sends photo link*
SD: okay... ang seksi ng photos mo ah
BS: salamat. pero medyo tumaba na ako (note: palagay nyo, bakit ako tumaba? hehehehe...)
SD: ayus lang yan. hot ka pa rin for sure.
BS: salamat. so, tuloy mamaya?
SD: eh ang tagal eh. ano bang size mo? anong stats mo?
BS: *sends size and stats*
SD: shit! ang sarap nun.
BS: hehehe... hintayin mo na kasi ako, paservice ka na.
SD: ang tagal pa eh. libog na libog na ako sayo. ano bang ginagawa mo kapag nagseservice ka.
BS: *sends a horny text na masyadong rated spg to post here in the blog, hehehe...*
SD: tangina! ang sarap nun!
BS: hehehehe...
SD: 2hrs pa talaga bago ka makarating dito?
BS: opo eh.
SD: ang tagal. sige, tignan ko na lang muna pictures at yung mga text mo, pagjakulan na lang muna kita.
BS: ahahahahaha!
SD: seryoso ako.
BS: um... okay...
SD: sop tayo!
di na ako sumagot, itinuloy ko na lang ang pagkain ko. ilang beses tumawag si Sir Dodie, pero di ko sinagot. hanggang sa nakulitan ako, sinagot ko ang isang tawag nya. ang narinig ko lang sa kabilang linya ay puro ungol at halinghing. potah! tinotoo nga! hahahahaha!
nalulungkot ako na hindi ko nai-close yung deal, sayang yung kikitain. pero on the other hand, masaya ako kasi i helped someone reach his dream... kahit na do-it-yourself ang peg!
19 July 2013
Scandal
takot ako sa mga intensed na talastasan at akala-mo-nagsisigawan-pero-ang-totoo-ay-nagpapaliwanag-lang-naman na conversations. nung isang araw nga, nanonood ako ng the apprentice asia. at bagamat hindi naman ako kasali or in any way ay related kay Jonathan (the pinoy guy who makes it to the final 2, sana manalo sya!), ako yung kinakabahan at ako yung nate-tense sa mga interviews nya. dun ko napatunayan na hindi talaga ako confrontational na tao.i love expressing my ideas in a calm, cool, smart way. ayoko ng pataasan ng boses. ayoko ng sigawan. ayoko ng pahiyaan. ayoko ng ginataang langka. ayoko ng spam emails. pero gusto ko ng spam, lalo na yung spam omelet ng ministop.
kagabi, hindi natuloy ang lakad namin ni Jack Frost. at sakto namang may nagtext na kliyente at nagtatanong kung pwede daw ako for the night. pumayag ako. at agad akong sumugod sa metrowalk kung saan namin napagkasunduang magkita.
ayus naman si Sir Jerson. nasa early 30's pa lang yata, corporate-looking, at mukhang matalino. nagkasundo kami na uminom na muna. since i'm in the mood to drink din naman, pumayag ako. pumunta kami sa isang bar sa metrowalk at uminom.
masarap kakwentuhan si Sir Jerson. hindi lang sya mukhang matalino, matalino talaga sya! kung anu-anong random na usapan tungkol sa mga paboritong bagay, tungkol sa blog, at tungkol sa mga paparating na private-public-partnership projects ng gobyerno. sobrang random, sobrang walang direction, pero masaya naman. ang nakakatawa lang, kahit ako eh parang retarded na sa kakatawa, si Sir Jerson ay sobrang composed at proper pa rin. tumatawa sya, pero hindi naman scandalous. prim pa rin. well, differences.
makalipas ang dalawang bucket ay naisipan na naming umalis. may kotse pala si Sir Jerson na nakapark sa nakakatakot na parking ng metrowalk. nagkukulitan pa rin habang naglalakad papunta sa kotse. maganda ang kotse ni sir, pangmayaman! super tinted and windows, malinis ang katawan, at mukhang well-maintained. pumasok na kami sa loob at itinuloy ang kwentuhan.
"ewan ko ba, pero naki-creepy-han talaga ako dito sa parking ng metrowalk. parang anytime eh may mga multong lalabas, ahahaha!" banat ko.
"ayan o, security guard, hahaha!" biglang sagot ni Sir Jerson ng may mapansing security guard na aali-aligid malapit sa kotse namin.
nagtawanan na lang kaming bigla nya akong tanungin.
"okay lang bang pa-sample ng kiss?"
at dala na rin siguro ng kalasingan, at dahil komportable na rin naman ako kay Sir Jerson, sinampolan ko sya ng kiss, pero smack lang. pa-demure, haha! mukhang natuwa naman yata si sir. hanggang sa medyo naging intense pa ang sumunod na halik. at isa pa. at isa pa. at isa pa ulit. malakas na maka-misimis bay ang aksyon namin ng bigla akong na-bother...
may kumatok sa pinto ng kotse namin at may flashlight nang nakatutok sa amin!
bumilis bigla ang tibok ng puso ko, at nakita ko rin si Sir Jerson na kinakabahan. puta! though hindi ko alam kung may mali ba sa intense na halikan sa parking lot in a private car, kinabahan pa rin talaga ako.
agad binuksan ni Sir Jerson ang pinto ng kotse at mahinahon na nagtanong sa nakahuli kung anong kailangan niya... the same security guard na nakita naming umaligid sa kotse!
"sir, public scandal po yang ginagawa nyo. bawal po yan."
"ha? bakit? anong ginagawa namin?"
"sir, bawal po yan. alam nyo po kung anong ginagawa nyo."
"wala naman kaming ginagawang masama ah!"
"sir naman, huling-huli na kayo eh! akin nang id mo!"
"putangina! bakit, bawal na ba maghalikan sa loob ng kotse?"
"sir, wag mo na akong gaguhin. alam nyo kung anong ginagawa nyo."
"eh gago ka pala eh! wala naman kaming ginagawang bawal ah."
"anong walang ginagawang bawal? eh kitang-kita ko, nagjajakulan kayong dalawa!"
"jakulan?! gago ka rin ano! anong jakulan? tignan mo nga, eh pareho pa kaming naka-belt at naka-pantalon."
"syempre itinaas nyo na. wag ka nang magreklamo. akin nang id mo."
"bakit? anong kaso ko? sino ka ba dito?"
"sir, trabaho lang."
"asan ang id mo?" *ipinakita ng guard ang id.* "eh gago ka pala eh, security guard ka lang pala dito eh. anong sinasabi mong pwede mo kaming hulihin?"
"sir, wag ka na pumalag! huling-huli ka na eh. akin nang id mo."
galit na inabutan ni Sir Jerson ng id ang sekyu habang nakikipag-argumento pa rin sa kung ano bang kasalanan ang nagawa namin. narinig kong nag-radyo ang sekyu. ako naman ay talagang naka-kuyupyop na sa passenger seat dahil sa takot.
"sir, hintay lang po ha, papunta na dito boss ko."
"gago ka ba! bakit pupunta dito boss mo? akala ko ba sasampahan mo kami ng kaso. tara, halika, gumawa ka ng papel de reklamo."
"wag mo akong sigawan ha. kayo na nga itong may ginagawang kagaguhan, kayo pa itong matapang."
"eh putangina mo pala eh! hindi mo nga masabi kung anong ginawa naming kasalanan eh."
"public scandal nga. sa opisina ka na magpaliwanag. magpapapunta na rin ako ng pulis."
lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ko ang salitang "pulis." takot na takot na ako dahil ayokong makulong dahil lang sa pakikipaghalikan sa kotse. kumalma bigla si Sir Jerson at parang nakaisip ng idea.
kinuha nya ang wallet nya at kumuha ng limangdaan, sabay huminahon ang boses habang nakikipag-usap sa sekyu.
"sir, pasensya na, ayusin na lang natin to. ayaw lang namin ng gulo."
"naku sir, hindi pwede yan. naradyo na kita sa boss ko eh. pag pinaalis kita, ako naman ang kawawa."
"sir, pwede namang gawan ng paraan yan diba. ayusin na natin to sir. wala naman kaming ginagawang masama eh. eto o, para matapos na. sige na sir."
iniabot ni Sir Jerson ang 500 sa sekyu, pero hindi ito tinanggap.
"binabastos mo yata ako sir eh. hindi dinadaan sa bayad ang ganitong kaso sir. hintayin mo na lang yung boss ko. papunta na sya. tsaka yung mga pulis."
"tangina naman sir, ayusin naman natin to sir, nagmamakaawa na ako sir. sige na naman o."
"naku sir, gagawa-gawa kayo ng kalokohan tapos biglang ganyan."
"sir, kaya nga po nakikiusap ng maayos sir eh. tapusin na natin to. ayusin na lang natin. ayaw ko na rin ng hiya o ng gulo."
"sir, pasensya na sir, trabaho lang talaga."
"sige na sir, ayusin na natin to, please naman sir. oh eto o, 700 na yan."
natigilan ang sekyu... at sumagot.
"gawin mo nang 1500 yan sir."
"sir, pasensya na, eto na lang talaga pera ko dito eh. ayusin na natin to sir. tanggapin nyo na to sir. para matapos na sir. nauubos na rin oras natin. sige na sir."
"naku sir, hindi talaga pwede. mali yang ginawa nyo eh. papapulis namin kayo. papatawag rin kami ng media, papamedia namin kayo."
kaba factor escalate! kahit hindi ko gets kung bakit kailangang umabot sa media, napuno pa rin ako ng takot. tangina, kulong na, media pa! sobrang kahihiyan na to! at tila nairita rin si Sir Jerson sa sinabi ng sekyu.
"gago! anong media? bakit mo kami ipapamedia?"
"sir, public scandal po itong kaso nyo. kailangang ipakulong kayo."
"putangina mo! raket mo to eh!"
"sir, walang raket raket dito. ginagawa lang namin trabaho namin."
"walang raket-raket, eh hinihingan mo nga ako ng 1500! putangina mo pala eh."
"wag ka nang umalma. parating na yung boss ko."
"o, tapos, anong gagawin nyo sa amin? ipapakulong? ipapamedia? eh wala naman kaming kaso! eh gago ka pala eh. tapos wala ka pang testigo!"
"umayos ka, nasa akin ang id mo!"
"tangina! sayo na yang id ko!"
at biglang isinara ni Sir Jerson ang pinto at nag-drive papunta sa exit. all this time, sobrang kabado lang ako at naiiyak na sa takot.
"relax, maaayos to. walang mangyayaring masama sayo." sagot ni Sir Jerson na tila nag-transform mula sa pagiging prim and proper sa pagiging argumentative and hard-headed... parang mga informal settlers lang. "akong bahala sayo."
pagdating sa exit ay itinigil ni Sir Jerson ang kotse nya at bumabang galit na galit. naiwan nyang bukas ang pinto kaya rinig na rinig ko ang conversation kahit ayokong panoorin.
Sir Jerson: putangina! sinong head of security nyo dito?
Head Security: sir, ako po. magandang gabi po. anong problema sir.
SJ: gago yang sekyu mo eh. hinuli kami na may ginagawa daw kaming kalokohan! eh wala naman kaming ginagawa.
Mamang Sekyu: anong wala? eh kitang-kita ng dalawang mata ko eh. public scandal ang ginagawa nyo.
SJ: gago! sabihin mo, rumaraket ka lang. ano to, ser, ganito ba talaga kayo ka-gago dito sa metrowalk?
HS: sir, wala po kaming raket raket dito sir. ano po bang nangyari?
SJ: hindi mo alam? eh iniradyo na kami nyang tarantadong sekyu mo sayo ah.
HS: sir, wala pong iniraradyo.
SJ: eh kung hindi ka rin pala talaga gago eh ano. tinatakot mo pa kami!
MS: sir, eh wala naman talaga akong raket raket sir, trabaho lang.
SJ: at anong sabi mo, ipapamedia at ipapapulis mo kami? asan? asan ang pulis?
HS: kalma lang po sir.
SJ: paano akong kakalma, sige nga? eh nang-iistorbo yang ahente mo, tapos mangongotong pa,. hinihingan ba naman kami ng 1500!
MS: sir, wala akong hinihinging pera sir, kayo nga pong nag-ooffer sa akin eh.
SJ: gago! anong offer! tangina mo pala eh! asan ang pulis mo? tangina! pulis pala gusto mo ha!
may tinawagan si Sir Jerson sa telepono...
SJ: tito, eh nandito ako sa metrowalk, may gumagago sa aking sekyu. kinokotongan ako. dahil lang may kasama akong barkada ko sa sasakyan na lalake din, public scandal daw eh wala naman kaming ginagawa.
HS: sir, ayusin ho natin ito sir.
SJ: anong aayusin! eh kayo tong nagsimula ng gulo eh! nananakot pa kayo. tangina nyo. tapos nangongotong, then babaliktarin nyo pa kami.
MS: sir, wala naman akong hinihingi sa inyo sir eh.
SJ: putangina mo! asa ang id mo! anong pangalan mo! akin na, hinihingi ng tito ko.
HS: sir, relax lang po sir.
SJ: hindi ikaw ang kausap ko. hoy, gago, akin nang id mo! tinatanong ng tito ko pangalan mo. tsaka, anong agency kayo?
HS: sir, pasensya na po talag sir. eto na po yung id nyo. pasensya na po sir.
SJ: anong pasensya pasensya? gusto nyo ng gulo diba? kayo nagsimula nito. inaagrabyado nyo kami, tapos peperahan nyo pa kami. eh gago pala kayo eh. hintay lang kayo dyan, papunta na dito yung tito kong general. *sa phone* tito, ayaw ibigay yung id.
HS: sir, sorry na po. ako na po ang humihingi ng dispensa.
SJ: oh sige na tito, wag na daw, okay na daw.
MS: pasensya na po sir.
SJ: tangina mo! pasensya pasensya. kanina ang tapang-tapang mo, pinagtatawanan mo pa kami. ngayon, tiklop na tiklop ka. gago ka ha! papupuntahin ko pa rin tito ko dito. ipapatanggal kita sa trabaho mo gago ka.
MS: sir, tapusin na po natin to.
SJ: gago! tangina mo!
HS: sir, pasensya na po talaga sa abala.
SJ: tangina nyo! ayusin mo yang empleyado mo. gago eh. mangongotong pa. iisahan pa ako. tarantado ka!
HS: opo sir, pasensya na po talaga sir.
at bumalik na si Sir Jerson sa kotse, nakangiti. habang ako naman ay takot na takot pa rin at naiiyak.
"uy, ayus ka lang?"
"sir, nakakatakot ka."
"haha! ganun talaga! hindi ka dapat nagpapasindak sa mga ganyan."
"salamat po."
"for what?"
"for standing up."
"buti ka nga may tito kang general. at least may pwede kang tawagan."
"oh, that was just acting. wala akong kilalang kahit sinong pulis!"
"whoah! hahahaha! well, i was convinced! thanks again for standing up."
"we have to. walang mangyayari kapag hindi ka sumagot. tsaka, syempre, takot ko na lang kung may mangyaring masama sayo."
"paano kaya kung kunyari eh hindi gays yung nakita sa kotse? say, hetero couple, or girl to girl?"
"no scandal like that will happen. a sad reality for us gay guys. tayo ang pinupuntirya ng mga ganyang raketero kasi alam nilang takot tayo na mapahiya kaya basta na lang tayo magbabayad."
"well, not you."
"oo naman! or else, kung bumigay ako dun sa 1500, edi 500 na lang ibabayad ko sayo! hahahaha!"
nagtawanan na lang kami na parang mga nagtagumpay na kontrabida sa teleserye at pumunta na kami sa hotel para gumawa ng isa pang scandal. yung mas tahimik. yung mas intimate. yung mas wild.
04 July 2013
Yes, And...
september 20, 2012... i said "yes, and" to the love of my life, and he said "yes, and" to me in return... that was the day i committed myself to the art of improvisational comedy.
at sa tagal ng samahan namin, hindi ko inakala na sa loob lang ng isang taon, mula sa pagiging fan, now i am (verbatim from one of SPIT's members) "a certified improviser, and a good one!" nakakataba ng puso, to the point na magkasingtaba na yung puso ko at yung tiyan ko!
december last year ng nakipag-collaborate ako sa ilan pang karelasyon ng improv comedy (yah, he's a bit of a charmer, and a lot of a multi-timer) at gumawa ng isang grupo. sinimulan naming magkita-kita at magpractice, very informal, walang kasiguruhan kung saan nga ba talaga kami mapupunta. hanggang sa nakatanggap na lang kami ng imbitasyon mula sa SPIT na kasama daw ang grupo namin sa mga magpeperform para sa manila improv festival 2013!!!
WOW!!! JUST WOW!!!
agad-agad kaming naghanda, gumawa ng plano, at hinarap ang isa sa pinakamahirap na challenge... ang mag-isip ng pangalan ng grupo! kanya-kanyang suggestions, kanya-kanyang isip, hanggang sa natapos ang dilemma namin... nakatanggap kami ng text mula sa isang member ng SPIT...
"Switch na yung nilagay naming name ng group nyo sa poster. diba yun na yung final name nyo?"
hindi pa, actually, pero isa yun sa mga suggestions. pero pwede na rin. in fact, ako ang nag-suggest nung name na yun, kaya happy ako na iyon ang napili! hee hee...
papalapit ng papalapit ang araw ng festival, at unti-unti na kaming nilalamon ng kaba. paano kung pumalpak kami? paano kung hindi namin ma-impress ang audience? paano kung hindi kami magustuhan ng mga international delegates? paano kung hindi nila trip ang kulay ng isusuot namin? paano ba mag-delete ng unnecessary apps sa blackberry curve? paano kung ganito? paano kung ganun? ang daming paano. ang daming takot. pero wala na kaming magawa kundi ang maghanda at umasa...
dumating ang unang araw ng festival, ang araw kung saan kami magpeperform. at bilang unang-una kaming grupo na magpeperform, talagang gusto nang kumawala ng puso ko sa ribs ko sa kaba! 3... 2... 1... "let's give a warm round of applause for our first group, Switch!"
at isa-isa na kaming tumakbo sa stage, iniisang-tabi ang lahat ng kaba, takot, pangamba, gutom, uhaw, libog, at kung ano pang negative vibes backstage. at makalipas ang tatlumpung minuto ng pagiging totoo sa mga sarili namin onstage, i just saw myself and my group mates bowing to our audience, getting a lot of claps, applauses, whistles, and overwhelming support! in 30 minutes, we were able to pull it off! ang laki ng tinik na nabunot sa akin. at pagbalik ko backstage, naalala na ulit ng physiological component ng katawan ko ang proseso ng paghinga.
maya-maya pa ay lumabas na ako at umupo sa may audience area para manood ng susunod na grupo... at sobrang nakakalunod ang suporta ng SPIT at ng mga international delegates sa amin. they approached us, congratulated us, hugged us, and commended us for a very great show. ang isang newbie na kagaya ko, nakakarinig ng mga papuri mula sa mga institusyon na sa larangang ito mula sa iba't ibang bansa? priceless!
at doon na nga nagsimula ang isang linggo ng di-makakalimutang karanasan sa piling ng mga improvisers at improv enthusiasts. walang language barrier. walang nationality clashes. walang separation according to social status. walang artista, walang unknown. walang luma, walang bago. walang kahit anong uri ng separation line. basta isang grupo kami ng mga taong ang gusto lang ay sumaya at magpasaya sa pamamagitan ng improv. at sa bawat araw na dumadaan, may panibagong natututunan, panibagong kaalaman, at panibagong kaibigan. habang tumatagal, lumalalim ang interes ko sa improv, at lalo lang akong na-inspire na hubugin ang craft na ito at i-apply ito hindi lang sa arts kundi maging sa araw-araw na buhay.
natapos ang manila improv festival, at hindi ko maiwasang maluha. sa loob ng isang linggo, nakilala ko ang isang pamilya na alam kong nandyan para sa isa't isa. we have the same craft, we have the same goals, but we never compete against each other. we help each other go up and not just care about our own name. hindi na lang ito basta isang art, isa na itong komunidad na tanggap ang bawat miyembro at patuloy na iaangat ang bawat isa. ngayon, mula sa pagiging simpleng interes at steady date every thursday night, masasabi kong sinisimulan ko nang isapuso ang improvisation, dinedevelop ko na ang passion na ito, at susubukin itong gawing way of life. at lahat ito ay dahil lang sa isang universal rule ng improv...
"yes, and...". anuman ang ibigay sayo, tanggapin ito ng maluwat sa kalooban, at dagdagan ito ng panibagong elemento. at kung bawat isa ay mabubuhay at susunod sa ganitong konsepto, tuloy-tuloy lang ang pagtanggap at pagbuo ng mga ideya, at magugulat ka na lang na isang napakagandang obra maestra na ang nabubuo sa harapan mo just because you decided not to resist and you decided not to halt, but instead just accept and add.
16 June 2013
F4
"congrats kuya!," bati ni Lansten sa kanyang nakatatandang kapatid. "finally, pwede mo nang gawan ng medical certificates ang mga barkada ko pag tinatamad silang pumasok at pinipiling mag-rehearse." lead singer ng isang banda si Lanster, at mas pinili nyang tahakin ang buhay ng isang performer. bagama't taliwas sa kagustuhan ng Daddy Jack nya, hinayaan na lang namin. nagmana pa sa akin ang bunso namin.
"sure. 500 lang per consultation. presyong kapatid. hahaha!" sabay batok sa kapatid nya. kung pilyo si Lansten kagaya ko, si Keno naman ay alaskador kagaya ng Daddy Jack nya. kagaya ng mga normal na magkapatid, madalas mag-asaran at magkapikunan ang dalawang ito. mas malakas mang-asar si Lansten kaysa sa kuya nya, pero dahil tila likas na alaskador si Keno, at siguro dahil na rin siya ang panganay, mas madalas mapikon si Lansten.
haaayy... ang mga anak ko. dati'y mga bulinggit lang na madalas mag-away sa ice cream, ipad, at timezone cards... heto't mas malaki pa sa amin at mga binatang-binata na. sinimulan na ni Keno, at alam kong hindi rin magtatagal ay magsisimula na ring magtayo ng sariling buhay si Lansten. masaya na malungkot. pero ganun talaga eh. bilang ama, tungkulin mong alagaan at gabayan ang mga anak mo hanggang sa dumating ang oras na kaya na nila ang sarili nila.
* * * * *
"will you two just stop the noise?" galit na sigaw ng Daddy Jack nila habang nagtatalo ang dalawang magkapatid.
"hayaan mo na." paglalambing ko kay Jack. "hindi ka na nasanay." patuloy lang ako sa pagda-draft ng marketing strategy for the 3rd and 4th quarter of the year para sa aming resto-bar. "might as well just finish your P.O, last week pa due yan ah."
sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay pumasok si Lansten sa kwarto, umiiyak at hawak ang laruang eroplano na hati sa dalawa.
"daddy, sinira ni kuya..." habag na habag at hihikbi-hikbi pang sumbong sa akin ng batang akala mo ay nag-te-taping para sa teleserye. kasunod naman sa likod nya ang kuya Keno nya.
"i didn't do anything!" sagot ng nakatatanda. "nag-aaral ako then binato ba naman ako sa likod!" paglalahad ng kuya, na noon ay naka-high school uniform pa.
"eh kasi inilipat mo yung tv, nanonood ako eh."
at nagtalo na naman ang magkapatid. at habang nagsasagutan ay naglakad palabas ang dalawa, si Lansten ay papadyak-padyak pa at pikon na pikon, habang si Keno naman ay talagang nang-aasar pa at tawa ng tawa.
"tignan mo nga yang anak mo, manang-mana sayo. imbes na wag nang patulan ang bata, inaasar pa." banat ko kay Jack.
"o, ano namang masama? eh si Lansten itong pikon na pikon. gagawa ng kapilyuhan, tapos napipikon... manang-mana sa isa dyan."
hindi na ako nagsalita... binato ko na lang ng wireless mouse si Jack. nakailag naman ang mokong at tumama sa pader ang mouse, na syang lalo ko pang ikinainis.
"now it's broken."
"kasalanan ko?"
"i hate you."
"i love you."
"ulol!"
* * * * *
isang buwan na lang at due date na ni Pia, ang surrogate na napili namin ni Jack para sa ikalawa naming anak. hindi si Pia ang surrogate ni Keno, who is now 4 years old. hesitant pa si Jack sa idea na magkaroon kami ng ikalawang anak, pero alam ko naman na gusto nya talaga, nag-iinarte lang. bawal naming makita o puntahan si Pia, at ni hindi nga kami sigurado kung yun talaga ang pangalan nya. pero ayun sa coordinator namin, maayos naman daw ang pagbubuntis niya.
habang lumalapit ang mga araw, nakikita kong excited na si Jack. sa bagay, i cannot blame him. it's his sperm cell. Keno is mine, pero for whatever weird reason, mas kahawig nya ang Daddy Jack nya.
hindi ko makakalimutan yung araw na ipinanganak si Keno. the glow in Jack's eyes, kasama na rin yung pinipigil nyang pagtulo ng luha nya. "it's a guy thing," ika nya. pero maya-maya pa, naiyak na rin sya ng unang beses nyang buhatin si Keno.
"buti hindi nakuha ang ilong mo." pagbibiro nya pa sa akin.
"ahahaha! actually, mahal, kamukha mo nga eh."
"magkamukha na rin kasi tayo."
"at tsaka nagpapalitan na rin tayo ng sperm, hahahaha!"
"bastos!"
at ito nga, sa loob ng isang buwan ay muli ko na naman makikita ang picture-perfect na eksenang iyon.
* * * * *
ito na ang araw. magkahalong saya, kaba, takot, pananabik, at excitement. suot ang aking white tuxedo, hindi ko maitago ang galak na finally ay dumating na ang araw na pinakahihintay ko na akala ko noon ay hindi magkakatotoo.
a few touches and retouches, at lumabas na ako sa hotel suite papunta sa garden. nandun at naghihintay na si Jack, looking snappy and, as always, gorgeous in his black tux.
"this is it mahal."
"i know."
"i love you."
"i love you more."
at sinimulan na ang march. nakakatawa nung pinaplano namin itong kasal na ito. hindi namin alam kung paano ang entourage. kung sino ba ang dapat naka-white at naka-black tux. kung sino ang mauuna sa march. kaya naisipan na lang namin na sabay na lang kami.
nauna sa march ang mga parents namin (pinagsabay na rin namin para walang gulo) at sumunod na ang entourage. pinakahuli, bago kami, ay si Sandy, na talaga namang kyut na kyut sa suot nyang tux. nahirapan pa kaming palakarin sya nung una, pero mabuti naman at hindi tinopak sa mismong araw ng kasal. lumakad na kami ni Jack sa red carpet na nakalatag papunta sa nakaset-up na altar habang tinutugtog ng violinist ang "a thousand years." (naks! twilight!). hindi maipinta ang mga ngiti at tears of joy sa mga bisita namin, at lalo na sa aming dalawa.
finally... matapos ang ilang taon ng roller coaster na pagsasama, heto't itinatali na namin ang isa't isa papunta sa panibagong yugto ng aming buhay bilang domestic partners at bilang ama kay Sandy.
* * * * *
nakakalimang minuto pa lang kaming nasa eroplano ay hindi na ako mapalagay.
"hindi ko yata napalitan yung diapers ni Sandy. tsaka baka gutom na yun."
"ano ka ba! 45 minutes lang ang plane ride. makakatiis naman yun."
"eh baka ma-jetlag yun. it's his first time na mag-travel."
"he'll be fine."
papunta kami noon ng bora for our annual after-summer trip, pero ito ang unang beses naming magbibyahe kasama si Sandy.
"things will be different. kahit saan tayo pumunta now, kasama natin si Sandy."
"kaya nga eh. exciting. parang family talaga."
it brought me back to that one day...
"anong ipapangalan natin?"
"Sandy."
"bakit Sandy? eh lalaki."
"bakit, pwede naman yung pangalang Sandy sa lalake ah. tsaka Sandy, kasi dilaw, para Mr Sandman."
"okay."
pagdating sa pagpapangalan sa una naming "anak," ako ang nasunod. pero sa pagpili nun, sya ang boss.
"ayaw mo talaga ng pug?"
"ang pangit eh! ayaw mo naman ng chow chow."
"salbahe nga kasi. cute nga, salbahe naman."
"kaya nga pom na lang."
"oo na, sige na."
matapos ang halos isang oras, nakalapag na kami sa paliparan ng kalibo. at maya-maya pa nga ay nakuha na namin ang cage kung saan ay mahimbing na natutulog si Sandy, hindi man lang nagalaw ang pagkain na nakaprepare sa lalagyan.
"manang-mana sayo, tamad kumain." banat ko kay Jack.
"mas mana sayo, antukin."
* * * * *
sa lahat ng tatay sa buong mundo na humaharap sa pagsubok ng pagpapangalan sa anak...
sa lahat ng tatay na nakikisakay at umuunawa sa kakaibang trip ng kanilang mga kabiyak...
sa lahat ng tatay na nangangakong magmamahal at mag-aaruga sa kanilang asawa hanggang kamatayan...
sa lahat ng tatay na nagpipilit maging "man enough" kahit na naiiyak na dahil sa sobrang kasiyahan...
sa lahat ng tatay na nagtitiis sa away ng kanilang mga anak despite the humongous pressure at work...
sa lahat ng tatay na gumagabay sa mga anak mula sa pagkapanganak hanggang sa dumating ang araw na kailangan mo na silang pakawalan...
sa lahat ng tatay na palaging nandiyan para sa kanilang pamilya, sa kahit paanong paraan, pagkakataon, o tawag ng panahon...
saludo ako sa inyo! maligayang araw ng mga ama!
F4: Fictional Future Father Flashbacks... Copyright, BoyShiatsu, 16jun2013
19 May 2013
Charlie and the Chocolate Factory
nung isang araw, may dalang nutella si officemate nung isang araw. at hindi ito mini-nutella na good for one person lang. isang kilong nutella, ayus! kaya hyper na naman kaming magbabarkada sa office during the shift. parang si Sir Charlie lang.
bata pa si sir Charlie, mas bata pa sa akin, kaya siguro hindi ko sya masisisi na makulit sya at talagang mainit. ilang beses ko na rin sya naging client, kaya sanay na ako sa mga kakaiba nyang trip. nandyan yung tipong lights on talaga, nandyan naman yung tipong sa cr kami, or sa sala, or sa kitchen. kinky, yes.
isang beses na pinapunta nya ako sa kanila, kapapasok ko pa lang ng bahay ay nagsimula na agad sya na papakin ako. yup, this time, sa sala ang trip ni Sir Charlie. at ang lakas ng trip niya ngayon. hindi nya ako hinubaran! basta nya lang hinila pababa ang pantalon at brief ko at nagsimulang laruin at kainin si junjun na parang pumapapak lang sya ng nutella. partida, malalaki ang bintana ng bahay nila at katanghaliang tapat yun! so, ayun, kitang-kita ko ang paligid habang ninanamnam nya ako, kasama na ang kaba na baka kung sinong makakita sa amin. at as if hindi pa enough ang thrill kay Sir Charlie, nanlaki talaga ang mata ko ng sinabi nyang may kukunin lang sya sa kusina at wag daw akong umalis sa pwesto ko, at pumikit daw ako.
BS: eh baka may makakita sa akin sa labas.
Sir Charlie: wala yan
BS: naku.
Sir Charlie: sige, pikit mo mata mo.
BS: sige na nga.
pumikit ako at naramdaman kong umalis na si Sir Charlie... kaya binuksan ko ulit ang mata ko! (ang daya lang, haha!) pero hindi pa rin ako gumalaw, hahahaha... nung maramdaman kong pabalik na sya, pumikit na ulit ako.
SC: wag ka magugulat ha.
naramdaman ko na lang bigla, at di ko maiwasan magulat, ng maramdaman kong may ipinahid si Sir Charlie sa putotoy ko! lalo tuloy nagalit, hehehe... pero hindi ako natuwa sa nakita ko. ayun at pinahiran ni Sir Charlie ng nutella ang junjun ko. hindi ko naisip na magandang combination ang hotdog at nutella, plus the fact na ang messy nun.
SC: okay lang yan. lagyan ko tapos unti-unti kong didilaan.
BS: eh nakapahid na eh, wala na akong magagawa.
SC: hehehe...
at parang batang sabik na sabik ay sinimulan na agad dilaan ni Sir Charlie ang pubes ko (na nilagyan nya rin ng nutella). nilagyan nya rin ang buong junjun ko pati na rin ang balls ko (nutella in my nuts? that's nuts!). dahan dahan nya itong dinilaan, talagang inunti-unti nya para daw may thrill. pero ibang klaseng thrill ang bumulaga sa amin.
"kuya..."
may batang babae na sumisigaw mula sa gate ng bahay... at binubuksan nya na ito!
sa pagmamadali, nawala na sa utak namin na may tsokolateng nakapahid sa kabuuan ng bahagi ng katawan ko na hindi dapat pinapahiran ng chocolate. agad kong isinuot ang brief at pantalon ko. saktong pagkaupo ko sa sofa saka dumating ang batang babae sa pinto.
SC: o, bakit ang aga mo? nag-cutting ka na naman?
Batang Babae (BB): maaga kami pinauwi, may meeting ang teachers.
SC: okay. magbihis ka na muna.
BB; ayoko, mamaya na.
at agad binuksan ng batang babae (na kapatid nya pala) ang tv at nanood! habang kami namang dalawa ay nakaupo lang sa sofa. awkward! napapalibutan ng malamig na pawis at halatang ninenerbyos na si Sir Charlie, habang ako naman ay naiirita na sa something mushy down there. the last time na naranasan ko ang ganitong mushiness down there ay nung elementary ako (yes, i will admit, na-poopoo ako sa short ko nun one time, grade 1 ako! hahaha!). bumulong na lang ako kay Sir Charlie kung anong plano nya.
SC: hindi kasi pwede sa kwarto, baka isumbong ako ng kapatid ko sa mama ko.
BS: huh? eh paano itong nasa brief ko.
SC: sorry.
BS: ayoko namang umuwi ng ganito no.
SC: hmmm... sige, cr ka na lang. wash mo na lang.
BS: uuwi akong walang brief?!
SC: sorry talaga.
dahil wal na rin akong magawa, pumunta na lang ako sa cr at nag-instant laba ng brief ko. puti pa naman yung suot ko. and hinugasan ko na lang din si junjun habang nagpapaalam sa butil butil ng nutella na gumagapang pababa sa alulod. sayang. ang daming batang hindi nakakakain ng nutella, tapos eto ako, nagtatapon lang.
paglabas ko ng cr... wala na ang kapatid ni Sir Charlie sa sala. lumabas daw, inaya ng mga kabarkada.
SC: wala na yung kapatid ko. nahugasan mo na?
BS: oo
SC: sayang naman. tara, ulitin natin.
BS: eh pano kung dumating ulit yung kapatid mo?
SC: hindi yan!
bago pa lang huhubarin ni Sir Charlie ang pantalon ko ay ayan na naman at pabalik ng bahay ang kapatid nyang kontrabida. di ko alam kung maaawa ako kay Sir Charlie o magpapasalamat ako sa kapatid nya... ang lagkit kaya nung nutella sa junjun!
sa pagkainis, pinaalis na lang ako ni Sir Charlie. binayaran nya naman ako. naglalakad na ako na kakale-kalembang ang junior ko ng bigla kong na-realize na naiwan ko yung brief kong basa sa cr! hindi ko sinabi sa kanya para mabaliw rin sya, pero hindi katulad ng pagkabaliw ko sa paborito kong chocolate spread.
05 May 2013
BS on BuhaySosyodad: The Circus 2013
mayo na naman, at isang linggo na lang ay magaganap na ang final act ng pinakamamagarbong palabas sa buong bansa ngayon, circus 2013, na itago na lang natin sa mas maikling pangalan na "halalan."
baranggay official ang tatay ko noon, kaya bata pa lang ako, malaki na ang impact sa akin ng halalan. sanay akong nakasakay sa ibabaw ng owner-type jeep habang namumudmod ng mga sticker, printouts, at flyers na may mukha at pangalan ng tatay ko. sanay akong magbalot ng mga pagkain sa styro boxes para sa mga volunteers (natuto akong magbalat ng nilagang itlog gamit ang kutsara!). minsan pa akong naging "musical director" para sa campaign jingle ng tatay ko. sa gabi naman, naririnig ko kapag nagmi-meeting ang tatay ko kasama ang mga ka-partido nya for their action plan. for the record, masasabi kong naging mabuting tagapaglingkod sa bayan ang tatay ko... sana nga lang ay naging mabuting ama din sya (boom!). minalas lang dahil nadaya sya nung unang beses syang tumakbo bilang barangay captain. and totoong nadaya sya, umamin yung nandaya!
pero di na naman mawawala sa eleksyon yan. yung mga dayaan. yung mga bilihan ng boto. yung mga samu't saring pangako. yung mga platapormang ewan. yung mga song and dance number. yung mga pamimigay ng tubig, pagkain, t-shirt, shorpet, payong, at pera. yung mga pasaringan. yung mga catchy na kanta. yung mga patayan. yung mga paglipat-lipat ng partida... lahat yan, kasama sa circus. sa ngayon, marami nang ibang paraan para mahikayat ang mga mamboboto na isulat ang pangalan ng isang kandidato sa balota, or should i say, para i-shade ang bilog na hugis itlog sa mahabang-mahabang voting ballot. (which makes me think... bilog na hugis itlog... edi hindi na bilog yun! oblong na yun! ang labo!).
nung bata ako, isang linggo bago ang eleksyon, nakagawian na ng nanay at tatay ko na pagplanuhan ang pagboto habang nasa hapag-kainan kami at naghahapunan. kasama kami ng ate ko sa diskusyon, kahit wala kaming idea sa pinag-uusapan nila. nakalakihan ko yun. ang malas ko lang dahil hindi ko naranasan na makisali sa usapang ganun (bago ako mag-18, naghiwalay ang parents ko). at hindi ko alam kung yun ba ang dahilan, pero simula nun ay hindi na ulit bumoto ang nanay ko. si ate naman, isang beses lang bumoto. pareho silang walang planong bumoto sa susunod na linggo, samantalang ako, kesehodang may pasok sa gabi, ay makikipagsiksikan pa rin sa presinto para makaboto-ala-entrance-exam (diba yung shade shade, ganun sa mga entrance exam diba?) at para malagyan ng "incredible ink" ang daliri ko.
isang linggo na lang, pero hindi ko pa naaayos ang listahan ng mga iboboto ko. ni hindi pa ako nakakapunta sa bayan kung saan ako nakarehistro para kilatisin ang mga kandidato (sa ibang bayan ako nakarehistro). sinubukan ko namang tanungin sina ate at si mama para magbigay ng suggestion ng iboboto ko, or kung sino ang gusto nilang iboto at ako na lang ang boboto para sa kanila. and ang ganda ng nakuha kong sagot... "kahit sino rin naman iboto, walang mangyayari, wala namang improvement eh."
yun ang mali! para sa akin, walang karapatang magreklamo ang mga taong hindi bumoboto. in the first place, kaya nga tayo nabigyan ng karapatang ito eh, para gamitin natin, ito ang kapangyarihan natin na baguhin ang mga gusto nating baguhin.sabihin na nating maliit lang ang bilang ng boto natin, pero at least ginamit natin ang kapangyarihang ito. paano kung yung isang boto mo na pala ang magpapanalo sa taong pwedeng magsalba sa lugmok na bayan mo? eh di mo ginamit. tapos magrereklamo kang mahirap ang buhay... sinong may kasalanan?
kagaya ko, si Jack Frost din ay anak ng isang barangay official. kaya habang nasa kotse kami isang beses ay napag-usapan namin kung sino ang mga iboboto namin for senatorial. nakakatuwa na may ilang kandidatong nagkakasundo kami (Riza Hontiveros and Dick Gordon, yay! Grace Poe, Nancy Binay, and Cynthia Villar, nay!) pero may ilan naman na hindi kami masyadong tugma. ang maganda sa usapan naming yun, we voiced out why we will or will not vote for some candidates. pero eto ang pinakatumatak sa usapan namin.
BS: hindi ako boboto ng kahit sinong dynasty, yung may kamag-anak na sa senado, lalo na yung wala talagang experience.
JF: ako rin naman eh. okay lang na di kumpleto yung boto
*nakakita ng poster ni Sonny Angara*
BS: ang pogi ni Angara no?
JF: mas pogi ka dyan (boom!)
BS: tapos sabi ng pinsan ko, maganda daw katawan, kaya laging naka-fit na shirt.
JF: ahhh...
BS: iboboto ko yan, kasi pogi!
JF: hahahahaha!
BS: napanood mo yung bagong commercial ni Jack Enrile? patawa yung kanta!
JF: ang kyut nga nung kanta eh *sabay kanta ng jack enrile theme*. napapaisip tuloy akong iboto sya.
BS: dahil sa kanta?
JF: ang catchy eh!
yan, yan ang halimbawa ng matalinong botante! hahahaha! pero, anu't ano pa man, lahat naman tayo ay may kanya-kanyang basehan ng pagboto. wala naman kasing user manual kung paano ang tamang pagpili ng kandidato. lahat tayo may kanya-kanyang pananaw, at iba-iba ang mga pananaw na yun. ang isang bagay lang na sigurong hindi natin dapat kalimutan ay kung anong lakas at kapangyarihan ang nakasalalay sa mga kamay natin sa pamamagitan ng karapatan nating bumoto, kaya sana ay wag nating ipagdamot sa sarili natin ang karapatan at ang pagkakataon na maging isang superhero sa pamamagitan ng pagboto. wag nang problemahin ang indelible ink na mahirap tanggalin, maglagay na lang muna ng nail polish, stylish pa!
sa mayo 13, sabay-sabay tayong maging bahagi ng final act ng circus 2013, dahil tayo rin naman ang magdedesisyon kung paano ito tatapusin, at tayo rin ang makikinabang sa kung ano mang maging resulta ng palabas, blockbuster man or langawin.
24 April 2013
Rebound
ganun! ganun kami ni Jack Frost! hahaha!!!
15 April 2013
Jabbawockeez
ganito rin ang masasabi kong naging paraan ng pamumuhay ko. sa bawat taong makakasalamuha, sa bawat grupo makakahalubilo, sa bawat kompanyang pinapasukan, sa bawat kliyenteng sineserbisyuhan, nakasanayan ko nang magsuot ng maskara upang mas mapansin ng mga tao ang kung ano mang kailangan nila at ng walang paghuhusga sa kung ano man talaga ako. sanay na ako sa laro ng maskara. sanay na ako sa sayaw ng Jabbawockeez. sanay na akong mabuhay sa likod ng papel na mukha.
marami sa mga maskarang ito ang nakita at nakasalamuha ni Jack Frost. bawat araw ng pagkikita namin, ibang pagkatao ko ang nakikita nya. pero ang masarap dito, kahit ano pa man ang maskarang iharap ko sa kanya, maluwag nya itong tinanggap at minahal. mula sa pagiging maldito, sa pagiging suplado, sa pagiging pa-cute, sa pagiging matalino, sa pagiging tanga... lahat ito, minahal nya.
at naisip kong siguro ay panahon nang ipakita ko ang tunay na ako. dumating ang araw na sinagot ko si Jack Frost, at ipinangako ko sa sarili ko na mula sa araw na iyon, hindi na maskara ang ihaharap ko sa kanya kundi ang totoong ako na.
yun ang problema... masyado kong itinago ang sarili ko sa likod ng napakaraming maskara, to the point na mismong ako, hindi ko na kilala ang sarili ko. hindi ko na alam kung gaano karami, kalalim, at kapangit ang mga pilat sa mukha kong matagal na panahon kong itinago sa maraming tao.
alam ko sa sarili kong mahal ko si Jack Frost at mahal nya rin ako. pero ang malaking problema ay ang mga pansarili kong issues. marami akong nagawang mali. maraming beses kong nasaktan ang taong nagmahal sa kabuuan ko. at, sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nagawa at ginawa ko ang mga yon.
at dumating na nga ang oras na ayokong dumating... bagama't mahal namin ang isa't isa, may mga bagay na kailangang wakasan para sa ikabubuti naming dalawa.
muli ko na naman syang nasaktan, at doble ang sakit na nararamdaman ko dahil dito. mahal ko sya, minahal ko sya, at mamahalin ko sya. pero tila hindi pa ako karapat-dapat para sa kanya. marami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko. marami pang dapat baguhin. marami pang dapat ibahin. and, unfortunately, hindi tama na nandyan lang siya habang inaayos ko ang sarili ko dahil along the process, papalpak at papalpak ako, at masasaktan ko sya, at masasaktan ako dahil nasaktan ko sya.
Jack Frost ko, sana ay nababasa mo ito. patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo. maniwala ka sana na mahal na mahal kita, at masakit sa akin ang nangyaring ito. kung ako lang ang tatanungin, gusto ko nandito ka lang palagi. you made me feel special again. you made me realize how good it is to be loved despite the fact that i am a whore. you made me appreciate myself more. you inspire me to be a better version of myself. pero hindi ko kakayaning makitang nasasaktan ka ulit dahil sa mga kapalpakan ko. kaya kahit masakit, siguro nga ay kailangan talagang pakawalan muna kita. aayusin ko ang sarili ko hangga't kaya ko, at umaasa ako na sana pagdating ng panahon na yun ay nandyan ka pa rin upang maipakita at maibigay ko sayo ang pagmamahal na dapat sayo. pero kung sakaling hindi ako palarin, maiintindihan ko. mamimiss ko ang mga buffets. mamimiss ko ang pang-aasar mo sa akin sa telepono. mamimiss ko ang mga pangingiliti mo. mamimiis ko ang mga stolen kisses. mamimiss ko ang mga walang kwentang conversations. mamimiss ko ang mga yakap mo. mamimiss kita, namimiss kita...
at habang inaayos ko ang sarili ko, muli ko na namang isusuot ang isang maskara para patuloy lang akong makapagsayaw sa tugtog ng buhay, umaasang maayos ko ang mukhang puno ng pilat, peklat, at sugat, at dumating ang panahon na muli kong mahubad ang maskara ng hindi natatakot na makasakit ng taong nagmamahal sa baldadong mukha sa ilalim nito.
06 April 2013
Memoirs of a Gay-Sya
Merriam-Webster: a Japanese girl or woman who is trained to provide entertaining and lighthearted company especially for a man or a group of men
Wikipedia: traditional Japanese female entertainers who act as hostesses and whose skills include performing various Japanese arts such as classical music, dance and games.
Dictionary.com: a Japanese woman trained as a professional singer, dancer, and companion for men.
Britannica: a member of a professional class of women in Japan whose traditional occupation is to entertain men, in modern times, particularly at businessmen’s parties in restaurants or teahouses.
Movie Geeks: Zhang Ziyi dancing in 12-inch high shoes with a japanese umbrella, traditional kimono, and fake snow; paired to Ken Watanabe
may common factors ang definitions ng iba't ibang reliable sources na ito (except the last one, imbento ko lang yun!) -- may babae (haponesa) na aaliwin ang isang lalake sa iba't ibang paraan. amazing, diba?
eh ano naman ngayon ang pakialam ko sa mga geisha? wala lang, minsan kasi pakiramdam ko ay isa akong geisha (ansaveh?!?!?!). ayon sa aking pananaliksik (na itago na lang natin sa bansag na "codename: dvd"), matinding pagsasanay ang pinagdadaanan ng isang babae bagong maging isang ganap na geisha. ang bawat hibla ng buhok, bawat lapat ng make-up, bawat tupi ng damit, kailangan impeccable! bawat salitang lumalabas sa bibig, bawat kumpas ng kamay, at bawat hakbang ng paa, kailangan impeccable! sa bawat kantang aawitin, bawat instrumentong tutugtugin, o bawat sayaw na itatanghal, kailangan impeccable. at dahil dito, napagtanto ko ang dalawang bagay... una, maituturing ko rin ang sarili ko bilang isang geisha; at pangalawa, ang lakas maka-alta-sosyodad at maka-intelihente ng salitang "impeccable."
bilang isang masahista, samu't saring pagsubok at pag-aaral din ang kailangan ko daanin bago makapasok sa trabahong ito. pero, hindi lahat ng training na ito ay classroom type. kasama sa mga pagsubok ang paglunok ng pride, pagpapakapal ng mukha, paghasa ng negotiation skills, at pagalingan sa pagkuha ng karisma ng kliyente... mga skills na kailangan ng isang masahista. idagdag pa natin ang pagpapaganda ng katawan, pagporma ng kaakit-akit, pagpapapogi ng mukha, at pagpapataba ng putotoy (kung paano man gawin yun, hindi ko ise-share! hahaha!). hangga't maaari, dapat lahat ng aspeto... everybody say it... impeccable! parang geisha lang.
and then, sugod na sa trabaho. hanapin ang mga lalaking naghahanap ng aliw, ng kaligayahan, ng karamay, ng kalaro, ng katulong, ang kung anu-ano pang ka-*insert word here*. gawin ang trabaho, pangitiin ang kliyente, paulit-ulit lang. parang geisha lang.
going back to the common definition, ang geisha ay isang babae na aaliwin ang isang lalake sa iba't ibang paraan.
teka teka teka... bakit nga ba bigla na lang akong nagdadadakdak dito tungkol sa mga babaeng espasol? eto kasi yung twist dun... binanggit na yung geisha ay isang female, pero binanggit ba kung isa syang straight female, bisexual, or lesbian? hindi naman diba!
o sya, titigil na ako. eto na... eto na yung totoong pinagmulan ng kwento. habang nanonood ako ng anime kasama ang pamangkin ko, nag-ring ang telepono ko.
BS: hello?
Customer: si *insert name of pogi here* ba ito?
BS: yes. who's this? (side comment: nakanang deputa... english! bumalik lang sa call center, wikang banyaga na agad!)
Customer: ah, si Bruno ito.
BS: ah, okay po. kumusta po?
Sir Bruno (SB): nakuha ko number mo sa *insert name of website here*. nagmamasahe ka ba?
BS: opo
SB: magkano charge mo?
BS: *mentions price* po
SB: okay. ayus. ilang oras yun?
BS: isang oras po yung masahe?
SB: so masahe lang yun?
BS: may extra po, kasama na sa bayad
SB: gaano katagal naman yung extra
BS: depende po.
SB: depende saan?
BS: hindi ko po kasi inoorasan. ang mahalaga po is makaraos ang customer. kung mabilis o mabagal, basta mahalaga makaraos
SB: so 45 minutes? (side comment: ang tanga diba? di ko nga inoorasan, tapos 45 minutes? haha!)
BS: iba-iba po talaga eh. basta dapat po makaraos.
SB: okay. maganda yun. nag-aral ka ba ng masahe?
BS: opo. tesda trained po ako. (side comment: totoo to!)
SB: ah... maganda. anong extra mo?
BS: sex po. romansa.
SB: magaling ka ba sumubo?
BS: opo (side comment: naks! confident!)
SB: humahalik?
BS: opo
SB: ano pa kaya mong gawin?
BS: tumitira din po.
SB: nagpapatira ka?
BS: hindi po.
SB: bakit?
BS: preference lang (side comment: ang taray ng sagot!)
SB: bakit, pag tinira ka na, ano ka na?
BS: hehehehe... (side comment: tumawa lang ako, kasi hindi ko na-gets yung tanong nya)
SB: taga-saan ka?
BS: sa ngayon po, nasa binangonan ako
SB: ang layo pala.
BS: taga-saan po ba kayo?
SB: manila
BS: ahhh
SB: so, saan ka pwede?
BS: hmmm... cubao, accessible po ba?
SB: hindi eh.
BS: recto?
SB: sige. mukhang okay naman ang package mo. kailan ka pwede?
BS: kailan nyo po ba plano magpaservice?
SB: next week, pwede ka?
BS: opo.
SB: lunes?
BS: sige po.
SB: sige, set na natin yan.
BS: okay po.
SB: teka, may asawa ka na ba?
BS: wala po.
SB: anak?
BS: wala rin po.
SB: eh girlfriend?
BS: wala po. gay po ako. (side comment: i don't use bisexual to describe me as a gay guy that still looks like a guy, just like what most people do)
SB: ha?
BS: gay po. pero hindi po parlor na gay. discreet gay po.
SB: ah, ganun ba?
BS: opo.
SB: teka...bakla ka tapos nagseservice ka?
BS: *silence* (side comment: tumahimik na ako kasi alam ko na yung point nya eh, pag sumagot ako, argumento to!)
SB: tawagan kita ulit mamaya.
*end of call*
at makalipas ang ilang minuto ay nagtext si Sir Bruno...
"hindi na lang ako magpapaservice. masyado kang malayo eh."
in which, sumagot ako.
"o ayaw nyo lang po ng gay na masahista? no worries. have a good day."
at nagreply si Sir Bruno na talagang naging dahilan ng pag-init ng panahon sa buong binangonan
"eh kasi bakla ka. baka mamaya pagsamantalahan mo lang ako. lalake ang gusto kong magservice sa akin, hindi bakla. gago!"
hindi na lang ako sumagot... at baka kung ano pang masabi ko. natatawa lang ako kay Sir Bruno. oo, naiintindihan ko na may kanya-kanya tayong preferences. pero ang pag-isipan ng masama ang bakla dahil pinapasok nya ang trabahong "panglalaki" lang ay isang kahibangan. eh ano naman ngayon kung gay sya? na baka magsamantala sya? na baka gawin nyang biro-biro ang trabaho? na baka hindi sya makapagperform ng isang impeccable performance? parang wala pa yata akong nakikitang job description na naka-specify na ang trabaho ay pang-straight lamang, dahil kahit anong bali-baliktad ang gawin mo, hindi nakakaapekto ang sexual preference ng isang tao sa trabaho nya. or... let me change the wordings... walang kinalaman ang sexual preference ng isang tao sa trabaho nya. nakakita na ako ng mga baklang bumbero, tomboy na beauty queen, straight guy na hair stylist, straight girl na tattoo artist... and they all do their job impeccably! bakit? kasi it's not about their sexual preference. it's about their skills. it's about their dedication to their craft. it's about their willingness to defy the norm and just do the freaking job and excel in it.
nakakatawa na gustong-gusto ni Sir Bruno ang package ko, and all of a sudden eh nireject nya ito dahil lang bakla ako. well, he don't know what he's missing. and just like a beautiful geisha, i elegantly placed my phone back to the table, poised-ly walked my way back to my chair, beautifully positioned myself in a comfortable seat as i watch the anime with my pamangkin... sabay halakhak ng malakas, talsik-laway pa!
30 March 2013
Babalik Ka Rin
anumang layo ang narating
singapore o australia
europe o amerika
babalik at babalik ka rin
kaytagal mo nang nawala
babalik ka rin, babalik ka rin
- call center
* * * * *
bagama't ilang ulit kong isinumpa na hindi na ako babalik sa industriyang ito. simula ng nakapasok ako sa pagiging executive assistant, nagdiwang ako na nakawala na ako sa demonyong mundo na puno ng ishfokenin-dollar na customers, handling time, qa, overbreaks, kape, cobra, eyebags, morning drinking sessions, health cards, empathy, willingness to assist, sleeping quarters, at sexually-transmitted infections (daw!). pero siguro, talaga yatang i belong to this world. kaya eto, muli na naman akong pumasok sa call center at kinailangan ko na namang hasain ang aking english tongue para mapronounce ang pagkakaiba ng pull sa fool, ng tree sa three, ng dough sa though, at ng puck sa fuck. pero ngayon, sa dami na ng napagdaanan ko, masasabi kong iba na ang magiging treatment ko sa trabahong ito. dati kasi, di ko sineseryoso. ngayon, may career path na akong nakalatag sa vision board ko. kaya kesehodang atakihin ulit ako ng vertigo at migraine sa kakapuyat, kesehodang energy drink na naman at hindi dugo ang dadaloy sa blood vessels ko, kesehodang ma-miss ko ang Phineas and Ferb at iba pang favorite morning at afternoon shows ko, okay lang... kasi may goal ako. at alam kong makukuha ko yun!
welcome back, BoyShiatsu... now, login!
* * * * *
oh, isa pa pala... bumalik din ako sa bahay ko sa rizal. temporary lang muna, pero parang nakikita ko na rin ang sarili ko na dito na muna mag-stay ng matagal-tagal. in fairness, na-miss ko ang bahay namin!
29 March 2013
Teaser: Babalik Ka Rin
singapore o australia
europe o amerika
babalik at babalik ka rin
kaytagal mo nang nawala
babalik ka rin, babalik ka rin
* * * * *
gagawin ko na sana yung entry, kaso wala na akong oras. bukas na lang! :-)
15 March 2013
Surainy
wouldn't it be nice to have summer and winter together? pero, lately, parang ganun nga nangyayari. aaraw, uulan, aaraw, uulan, aaraw, uulan. sunny and rainy... it's surainy... lovely!
i hope everyone is starting to enjoy summer na. panahon na naman ng pagpunta sa beach. uso na naman ang maitim. pero paalala mga kapatid, ang bench underwears po ay hindi swimwear, you're welcome! hehehehehe...
nauna na kami ni Jack Frost mag-summer nung february. we went to la luz resort in batangas with some of my colleagues. masaya naman. then habang naglalakad-lakad kami dun, we saw two random guys and decided to take a photo of them.
naglalakad sa beach while holding hands. ang sweet naman. teka, random guys ba talaga? ehehehehe...
summer and Jack Frost... parang swinter lang... parang surainy... lovely!
enjoy summer everyone!
11 March 2013
Ear Leech
BoyShiatsu: anong gawa mo mahal?
Jack Frost: *unaudible*
BoyShiatsu: ha?
Jack Frost: *unaudible*
BoyShiatsu: ano?
Jack Frost: hearing aid!
unaudible yung first two statements not because malabo ang signal but because mahina ang pandinig ko. and, nakakahiya mang aminin, yang snippet na yan happens almost everytime! minsan na nga akong biniro ni Jack Frost na pag-iipunan nya daw na ibili ako ng hearing aid. pero isang earphone lang, kasi malakas naman ang pandinig ko sa kabilang tenga! ang weird no!
pero yung hina ng pandinig ko is not something unusual. alam ng karamihan yan. kaya siguro malakas ang boses ko kasi may defect ako sa pandinig. at dahil siguro dun kaya bukod sa right armpit, danger zone din ang tenga (tainga? ano ba ang tamang spelling?) ko. hangga't maaari, ayokong dinidilaan ng ka-sex ko ang tenga ko. pero, just like people with different fetishes, may mga taong yun talaga yata ang ultimate goal. kung ang bampira ay hindi matatahimik hangga't hindi nakakasipsip ng dugo sa leeg, may mga tao namang hindi yata matatahimik unless nasipsip nila ang eardrums ng ka-sex nila. isa na dito si Sir Edward.
hindi ko na maalala kung paano kami nagkakilala ni Sir Edward, pero naaalala ko pa kung saan ang una (and, luckily, huli!) naming pagtutuos. sa isang maliit at chipipay na motel sa sta mesa naganap ang kauna-unahang pakikipagtuos ko sa isang... *drumrolls please*... ear leech!
pero, guys, hindi namin napag-usapan sa text ang kung ano mang kakaibang fetish nitong si Sir Edward. our text conversation is very very normal. kaya talaga namang unexpected ang pangyayaring ito.
dumating ako sa kwarto at naghihintay na nga si Sir Edward. mukha namang syang matino, pero kung ibe-base ko sa height-weight proportion chart, mukhang nakarami-rami na sya ng supply ng dugo at laman-loob. pero wala na akong pakialam dun. kaunting kwentuhan then nagsimula na ang serbisyo. nakakailang hagod pa lang ako ay umatake na agad si Sir Edward.
Sir Edward -- 1 point. BoyShiatsu -- 0!
aba! palaban ang baboy-pirang ito! so kailangang gumanti. agad kong nilabanan ng matinding halik si Sir Edward, to the point na sya na ang umatras.
Sir Edward -- 1 point. BoyShiatsu -- 1 point!
tuloy-tuloy ang sunggaban, kaya tinamad na rin akong magbilang ng points. sunggab sunggab sunggab. ang lakas maka-Cullen versus Jacob Black ng peg namin (though i'm not sure kung nagtunggali ba talaga yung dalawang yun sa pelikula, sorry, not a fan!). hanggang sa naasinta ni Sir Edward ang weak spot ko... and nope, it's not the right armpit.
agad-agad na inatake ni Sir Edward ang right ear ko. patay na! bull's eye! at parang linta na naka-jackpot sa mapintog na ugat, talagang hindi na pinakawalan ni Sir Edward ang tenga ko. at tila isang batang sumisipsip sa straw ng coke float, talaga namang oa kung makalasap at makahigop si Sir Edward sa tenga ko. hindi ko na talaga kinaya, and i had no choice but to push him.
Sir Edward: oh, bakit?
BoyShiatsu: sir, naiilang kasi ako ng hinihigop yung tenga ko eh.
SE: ganun ba?
BS: opo.
SE: eh babayaran naman kita diba?
hindi na ako nakasagot... kasi hindi ko alam ang tamang isasagot sa tanong na yun. para bang dahil bayaran ako, required akong sumunod sa kung ano mang gusto nya. kaya kahit ilang, pumayag na lang ako.
tinuloy ni Sir Edward ang pangroromansa sa akin at ang pagsipsip sa kanang tenga ko. lumalala na ng lumalala ang pagsipsip, hanggang sa nararamdaman ko nang puro laway na ang loob ng tenga ko. nagreklamo na ulit ako.
BS: sir, dahan-dahan naman po
SE: eh nakakagigil ka eh
BS: sir, puro laway na yata tenga ko
SE: okay lang yan
at hindi na naman tinantanan ni Sir Edward ang tenga ko. mabuti na nga lang at kanang tenga lang ang napagtripan nya, or nakalimutan nya sigurong may kaliwang tenga din ako. kahit ilang na ilang na, tinitiis ko na lang. halata namang ligayang-ligaya ang bampira sa pagsipsip sa lobong kalaban nya. hanggang sa umabot na sa rurok si Sir Edward, at finally ay nakalaya na ang kanang tenga ko.
naglinis at nagbihis, pagkatapos ay kaunting kwentuhan muna. natuwa si Sir Edward sa naging performance ko. gustong-gusto nya daw kasi yung pilit akong umiiwas at pumipiglas habang nilalaro nya ang tenga ko. natuwa sya. ako, naasiwa. iniabot nya ang bayad sa akin... wala man lang tip! pucha! makapagyabang na magbabayad, wala naman palang pera!
nakalabas na kami ng motel at nasa byahe na ako pauwi ng biglang kumirot ang kanang tenga ko. sobrang sakit nya. at naramdaman ko pang maraming tubig sa loob. yung feeling na kapag napapasukan ka ng tubig sa tenga kapag nasa swimming pool ka? and, yes, you guess it right... hindi tubig ang nasa tenga ko!
agad kong nilinis ang tenga ko pagdating sa bahay. lahat na halos ng technique na pwede kong maisip, ginawa ko na. pangtutuli, cotton buds, pati yung sasalinan ng tubig yung tenga then bigla mong hahampasin yung other side? (ang hirap i-explain!). basta, lahat na ginawa ko. hanggang sa finally, matapos ang tatlumpung minuto, ay naramdaman kong wala nang malagkit na likido sa tenga ko. pero nung hinawakan ko yung ilalim ng tenga ko, masakit pa rin. makirot, sobra. itinulog ko na lang, baka sakaling mawala.
pero tatlong tulog na ang nagawa ko (aka, tatlong araw!), hindi pa rin nawawala ang sakit. i had no choice but to visit a doctor and buy meds. tangina! yung kinita ko sa mokong na baboypirang yun, sa doktor lang napunta! badtrip!
and that, my friends, is the story kung bakit mahina ang pandinig ko sa kanang tenga! hahaha!
naikwento ko sa isang kaibigan kong masahista din ang pangyayaring ito. at dahil tamad sya magtext, tumawag na lang sya.
Friend: kailan nangyari yan?
BS: last week lang.
F: ano pangalan nung client mo?
BS: Edward
F: mataba?
BS: oo.
F: ay! oo, kilala ko yan! mahilig nga manipsip ng tenga yan!
BS: naging client mo na?
F: ha?
BS: naging client mo na ba yun?
F: ano?
BS: text text na lang tayo.
i guess i know the answer to my question. haha!
08 March 2013
Inosente de Leche
pero, eto, seryoso na... let me get one thing straight here... siguro naman alam ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng "masahista" sa online world diba? kung hindi mo alam, baka ikaw itong nakatext ko last time.
isang araw, habang abala ako sa mga bagay-bagay na hindi ko na maalala, may nagtext sa akin.
mystery texter of the day: si *insert name of pogi here* ba ito?
BS: yes
mystery texter of the day: nakuha ko number mo sa *insert masseur website here*. nagmamasahe ka?
BS: yes
(teka nga, pangalanan na natin si mystery texter of the day... ang haba i-type ng mystery texter of the day ng paulit-ulit eh... tawagin na lang natin syang Sir Ino)
Ino: nice. magkano?
BS: *sends template*
at hindi na sumagot si Sir Ino... baka walang pera (parang ako lang, hahaha!). tuloy lang ako sa paggawa ng mga bagay-bagay na hindi ko na maalala, ng tumunog na naman ang telepono kong naka-silent.
Sir Ino: bakit may extra?
BS: yun ang service ko eh.
Sir Ino: gusto ko masahe lang.
BS: ah... okay. taga-saan ka ba?
Sir Ino: fairview
BS: oh... ang layo... i charge half.
Sir Ino: half?
BS: yup!
Sir Ino: you mean *insert half of regular price here*
BS: oo.
Sir Ino: tangina mo!
wow! in an instant, nakatanggap ako ng papuring salita! hindi na lang ako nagreply at baka uminit pa ang ulo ko... ayokong matulad sa dati kong boss! (hehehehe...) pero mukhang nasa mood yata makipagdebate si Sir Ino.
Sir Ino: tangina! ganung kamahal ang masahe mo!
BS: ganun talaga eh. kaya nga avail it na lang with extra.
Sir Ino: ano bang extra yan?
BS: *sends template for extra*
Sir Ino: seriously?
BS: um... yeah...
Sir Ino: yuck!
SERIOUSLY?!?! potah! di ako makapagpigil, pero i have to, kasi mas interesting pa yung mga kasunod...
BS: why?
Sir Ino: so nakikipagsex talaga?
BS: kung gusto mo lang naman.
Sir Ino: bakit may sex?
BS: kung gusto mo nga lang, extra yun.
Sir Ino: kaya mahal dahil sa sex?
BS: papaservice ka ba o hindi? (halata na bang umiinit ang ulo ko?)
Sir Ino: eh ang mahal eh! tsaka bakit may sex? eh masahe lang ang gusto ko. tapos ganung kamahal ang charge mo. eh may masahista dito sa amin, 200 lang ang charge!
dito na ako sumabog... sa pagkainis at sa kakatawa. gusto mo pala ng ganitong laro ha!
BS: san mo nga ulit nakuha number ko?
Sir Ino: sa *insert masseur website here*. diba mga masahista yun?
BS: SERIOUSLY?!?!
Sir Ino: nakalagay, masseur daw eh. so masahista. hindi naman nakalagay dun na pokpok.
BS: hahaha! ulitin ko lang ha... SERIOUSLY?!?!
Sir Ino: bakit?
BS: you really thought na masahe LANG ang inooffer ng mga nasa website na yun?
Sir Ino: ganun ba? kaya pala ang mahal! pero paano kung gusto ko masahe lang.
BS: dun ka na lang sa 200, para may pang-softdrinks ka pa after.
nagreply pa ulit si Sir Ino, pero hindi na ako sumagot. natawa na lang talaga ako.
gusto kong maging honest... palagay nyo ba eh masahe lang ang inooffer namin? kung masahe lang, bakit kailangang hubad na katawan ang mga pictures namin? bakit kailangang naka-brief lang? nakakatawa lang, akala kasi siguro ng mga pa-inosenteng clients na ito na hindi namin alam ang timpla nyo. come on! tayo tayo pa ba ang maglolokohan?
so, going back to that one thing i wanna get straight... i, just like all the other boys in those massage sites, are pay boys! we are for sex, and swerte na lang ninyo kung marunong at mahusay sa masahe ang makukuha nyo (ehem, ehem!). automatic na after ng masahe, may extra! siguro kung regular client ka, or kung malakas ang control mo (kagaya ni Sir Ranma), pwedeng i-consider na masahe lang. pero kung gusto mong masahe lang, tapos halagang 200... hampocha! tapos not to mention pa na tatawagin nyo kaming "bastos" at "walang modo" just because we do extra service... question... saan mo nga ulit nakuha ang number ko? isip isip din! hindi alam na nag-e-extra, at hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng extra service... leche!