11 November 2013

Parenthoodlum

mahina ang pasensya ko sa bata, sa totoo lang. kung cute sila at mabait, okey sa akin. pero once na nagpakita na ng kahit kaunting sungay, exit na ako. kaya madalas akong mag-walkout sa pamangkin kong 4-year old, kasi "bad boy" sya. hindi sya "salbahe," "bad boy" sya. and, yup, apparently, those are two different things. salamat sa matino nyang mga magulang, lalung-lalo na sa pinakamagaling nyang tatay!

NOTE: sa ikaliliwanag ng kwento, itago na lang natin sa pangalang Robin ang nephew ko at Sharon naman ang niece ko, a 9-yr old na ate ni Robin. Proceed.

isang araw, habang nanonood kami ni Sharon ng tv, biglang dumating si Robin galing sa paglalaro sa labas. at bigla-bigla ba namang kinuha sa amin ang remote at inilipat ang tv. nagalit si Sharon, kaya kinuha nya ulit ang remote. at anong ginawa ni Robin? sinipa ang ate nya, binato ng remote, at tsaka umiyak! bilang tito, sinaway ko si Robin at pinalo sa kamay, at saktong dating naman ng ate ko. tinanong kung anong nangyari, at umiyak na naman si Robin sabay sumbong na "si ate, inaaway ako." padabog nang sumagot si Sharon sa inis, at ikinuwento ko na lang kay ate kung ano ang nangyari. aba, at sa kabutihang palad, pinagalitan pa ng ate ko si Sharon at hindi si Robin!

isa pang insidente kung saan ay naglalaro lang sa tablet si Sharon. biglang dumating na naman si Robin sa paglalaro at all of a sudden ay umiyak. nagluluto si ate nun at nagtanong, at nagsumbong na naman si Robin na kesyo pinalo daw sya ni Sharon (which never happened!). sumagot na lang ako kay Robin. "huy, hindi ka naman pinapalo ni ate ah. salbahe ka ah." and to my surprise (kuno!), sinigawan ako ng ate ko! palagi ko daw kasing sinasabihan si Robin na salbahe sya, kaya lumalaking salbahe!

ayoko sanag mainis kay ate dahil naiintindihan ko na paminsan-minsan ay kailangang intindihin ang bata. pero parang mali na ang nangyayari. lumalaking salbahe si Robin pero para sa kanya, hindi sya salbahe. bad boy lang sya. and dahil ito sa walang kwenta nyang ama.

kagabi lang, habang kumakain kami ng hapunan, napunta ang usapan sa posibilidad na i-transfer si Sharon sa ibang eskwelahan. dahil pangit ang turo sa current school ni Sharon, naisip naming ilipat sya sa mas magandang paaralan para mas marami (at mas tama!) ang matutunan nya at magkaroon ng honor (matalino si Sharon, alam ko). ang sagot ba naman ng ama nya... "honor honor... di naman importante yan. ang mahalaga pumasa ka. o kahit pa nga bumagsak ka. tignan mo ako. di nga graduate ng high school, pogi naman! at si Robin, di ko na pag-aaralin yan. magboboksingero yan paglaki, diba anak?" at malugod namang ngumiti si Robin.

future... gone!

hindi ako magulang kaya hindi ko alam kung paano ba ang tamang pagpapalaki ng anak. pero nakikita ko kung ang isang magulang ay walang kwenta. kagaya ng bayaw ko. bilang tito nina Robin at Sharon, gusto ko namang magkaroon ng magandang kinabukasan ang dalawang bata. pero paano ko gagawin yun kung yung mismong ama nila eh walang pakialam? wala na ngang magandang pangarap para sa mga bata, hindi pa magawang turuan ng magandang asal!

minsang nagkukulitan kami ng mga bata ay dumating ang magaling na ama nila. agad sinuway ang dalawang bata at sinabihang sa labas na lang maglaro. para bang inilalayo sa akin ang mga bata.

at ito pa ang isang talagang nakakainit ng ulo. sanay na akong nagpapaalam sa akin si Robin kapag aalis ako ng bahay. "babay tito!" malambing na malambing at makulit ang pagkakasabi nya niyan. pero sa tuwing nandyan ang bayaw ko, nag-iiba ang ihip ng hangin. paalis na ako at nagpaalam na. "aalis na si tito!" sabi ko sa dalawang bata. nagpaalam na sa akin si Sharon, pero nagpanting ang tenga ko sa narinig ko kay Robin.

"babay bakla!"
"ano yon?!"
"babay! bading! bakla!"

at kaysa sawayin ang anak, tinawanan lang ng matino kong bayaw ang sinabi ng "bad boy" nyang anak.

hindi ko mapigilang magalit, pero hindi na lang ako kumibo. nalungkot na lang ako dahil mukhang kahit anong tino kong tito sa mga pamangkin ko, especially kay Robin, ay wala akong magagawa kung ang mismong ama nila ay walang magandang-asal, walang pangarap para sa pamilya, at patuloy lang na mabubuhay sa maling paniniwala na ang pagiging "pogi" at "bad boy" at sapat na para maging maganda ang kinabukasan nila.

5 comments:

  1. Ganon talaga minsan kapag walang pinag-aralan... Wala ding magandang asal. *tsk tsk* Kawawa naman yung dalawang bata...

    ReplyDelete
  2. Naiintindihan ko ang pagkadismaya mo. Dumating din ako sa ganyang punto sa mga pamangkin ko. Mabuti na lang at nagbago rin kahit papaano nang nagka edad sila at nagkaroon na rin ng kanilang mga sariling anak. Kung kaya mong tiisin, huwag mong sukuan ang mga bata dahil kadugo mo sila. Pero kung maigsi na talaga ang pasensiya mo, gawin mo kung ano ang makakapagpa ginhawa sa yo.

    ReplyDelete
  3. Ugh, Robin & Sharon's dad is absolutely disgusting. Poor kids...

    ReplyDelete
  4. Here's food for thought: as long as the father is in the picture, there is nothing you can do. Robin will grow up "pogi" and "bad boy" with no prospects for a decent living. So, he will get a girl pregnant who will marry him and this unfortunate girl will have to hold down two or three jobs to support the family. Just make sure YOU make enough money, because 20 years from now Robin will be banging on your door demanding money. His father will tell him he is entitled to it. A rather bleak vision of the future, no?

    ReplyDelete
  5. As it had been always said, may you be the change you want to see in their parents.. May it always be an inspiration to be better people these children see when they look at you.. May it always be the feeling of being loved they felt when they're around you..

    ReplyDelete