isa sa mga pinakamagaling na grupo na sumali sa america's best dance crew (one of my uber-favorite shows) ay ang Jabbawockeez. kahit na ang pinaka-paborito ko sa season na yun ay Kaba Modern (yeah!!), masasabi kong magaling pa rin ang Jabba, and they deserve the championship trophy. siguro nakatulong talaga sa kanila yung maskara nila. dahil hindi nakikita ng tao ang mukha nila, mas nakafocus ang manonood sa kung anong sayaw ang pinapakita nila. nakafocus ang tao sa palabas na gusto nilang ipakita sa tao. sabi nila, sa mukha ng tao nakikita ang tunay na nararamdaman nya, ang tunay na "siya." ang Jabbawockeez, naitatago nila yung mukha nila, kaya ang nakikita ng tao ay yung kung ano ang gusto nilang makita.
ganito rin ang masasabi kong naging paraan ng pamumuhay ko. sa bawat taong makakasalamuha, sa bawat grupo makakahalubilo, sa bawat kompanyang pinapasukan, sa bawat kliyenteng sineserbisyuhan, nakasanayan ko nang magsuot ng maskara upang mas mapansin ng mga tao ang kung ano mang kailangan nila at ng walang paghuhusga sa kung ano man talaga ako. sanay na ako sa laro ng maskara. sanay na ako sa sayaw ng Jabbawockeez. sanay na akong mabuhay sa likod ng papel na mukha.
marami sa mga maskarang ito ang nakita at nakasalamuha ni Jack Frost. bawat araw ng pagkikita namin, ibang pagkatao ko ang nakikita nya. pero ang masarap dito, kahit ano pa man ang maskarang iharap ko sa kanya, maluwag nya itong tinanggap at minahal. mula sa pagiging maldito, sa pagiging suplado, sa pagiging pa-cute, sa pagiging matalino, sa pagiging tanga... lahat ito, minahal nya.
at naisip kong siguro ay panahon nang ipakita ko ang tunay na ako. dumating ang araw na sinagot ko si Jack Frost, at ipinangako ko sa sarili ko na mula sa araw na iyon, hindi na maskara ang ihaharap ko sa kanya kundi ang totoong ako na.
yun ang problema... masyado kong itinago ang sarili ko sa likod ng napakaraming maskara, to the point na mismong ako, hindi ko na kilala ang sarili ko. hindi ko na alam kung gaano karami, kalalim, at kapangit ang mga pilat sa mukha kong matagal na panahon kong itinago sa maraming tao.
alam ko sa sarili kong mahal ko si Jack Frost at mahal nya rin ako. pero ang malaking problema ay ang mga pansarili kong issues. marami akong nagawang mali. maraming beses kong nasaktan ang taong nagmahal sa kabuuan ko. at, sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nagawa at ginawa ko ang mga yon.
at dumating na nga ang oras na ayokong dumating... bagama't mahal namin ang isa't isa, may mga bagay na kailangang wakasan para sa ikabubuti naming dalawa.
muli ko na naman syang nasaktan, at doble ang sakit na nararamdaman ko dahil dito. mahal ko sya, minahal ko sya, at mamahalin ko sya. pero tila hindi pa ako karapat-dapat para sa kanya. marami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko. marami pang dapat baguhin. marami pang dapat ibahin. and, unfortunately, hindi tama na nandyan lang siya habang inaayos ko ang sarili ko dahil along the process, papalpak at papalpak ako, at masasaktan ko sya, at masasaktan ako dahil nasaktan ko sya.
Jack Frost ko, sana ay nababasa mo ito. patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo. maniwala ka sana na mahal na mahal kita, at masakit sa akin ang nangyaring ito. kung ako lang ang tatanungin, gusto ko nandito ka lang palagi. you made me feel special again. you made me realize how good it is to be loved despite the fact that i am a whore. you made me appreciate myself more. you inspire me to be a better version of myself. pero hindi ko kakayaning makitang nasasaktan ka ulit dahil sa mga kapalpakan ko. kaya kahit masakit, siguro nga ay kailangan talagang pakawalan muna kita. aayusin ko ang sarili ko hangga't kaya ko, at umaasa ako na sana pagdating ng panahon na yun ay nandyan ka pa rin upang maipakita at maibigay ko sayo ang pagmamahal na dapat sayo. pero kung sakaling hindi ako palarin, maiintindihan ko. mamimiss ko ang mga buffets. mamimiss ko ang pang-aasar mo sa akin sa telepono. mamimiss ko ang mga pangingiliti mo. mamimiis ko ang mga stolen kisses. mamimiss ko ang mga walang kwentang conversations. mamimiss ko ang mga yakap mo. mamimiss kita, namimiss kita...
at habang inaayos ko ang sarili ko, muli ko na namang isusuot ang isang maskara para patuloy lang akong makapagsayaw sa tugtog ng buhay, umaasang maayos ko ang mukhang puno ng pilat, peklat, at sugat, at dumating ang panahon na muli kong mahubad ang maskara ng hindi natatakot na makasakit ng taong nagmamahal sa baldadong mukha sa ilalim nito.
ang lungkot naman...
ReplyDeleteAng sad naman...
ReplyDeleteTo you my dear Boy Shiatsu, I dedicate the song, "Reflection" from the movie Mulan. Ano man ang maging desisyon mo, nandito lang kaming mga readers mo na susuporta sa iyo.
ReplyDeleteaw, this is kinda bullshit. bakit mo sya kailangan saktan ng ganun?
ReplyDeletesana lang magbunga ng maganda yang ginawa mo. good luck!
so sad... nakaka relate ako.. I hope kayo pa din ni jack frost in the end.
ReplyDelete