pero wala naman talagang kinalaman ang video na yan sa entry na ito, just like how some intermission numbers eh walang kinalaman sa mga programs (e.g: mga babaeng singkipot ng eskinita ang saplot sa katawan na sumasayaw ng patuwad-tuwad, paliyad-liyad, at pabuka-bukaka sa isang home for the aged christmas party!).
i like christmas. masasabi kong isa ito sa mga okasyong talagang inaabangan ko. siguro it's because of the kid in me. excited pa rin ako kapag nagbubukas ako ng regalo, kapag hinuhulaan ko kung sinong nakabunot sa akin sa kris kringle, sa malakas maka-emo at makabondat na noche buena, sa solemn and relaxing christmas mornings, at sa mga batang nangangaroling na mali-mali ang lyrics.
saming bahay, ang aming bati
meri krismas ng wawalhati
ang pag-ibig bagsyang naghari
araw-araw ay magiging pasko lagi
ang sanghi po ng pagparito
hihingi po ng amigaldo
kung sakaling kami'y werwisyo
pashyenshya na kayo kami'y namamasko
wiwis you a meri krismas
wiwis you a meri krismas
enda hapi new year
lintek na mga bata to, mali-mali na nga ang lyrics, nang-angkin pa ng bahay! hello! bahay namin to, hindi sa inyo!
* * * * *
pero ang pinaka-defining moment na yata ng pasko ay ang tinatawag nilang holiday rush. ewan ko nga ba kung bakit ganun. may sweldo na naman karamihan ng akinse, at madalas naman ay nakukuha ang 13th month pay at christmas bonus a week before the 15th, pero bakit nga ba tuwang-tuwa ang mga pilipino na sa huling limang araw bago magpasko ay tsaka mamimili? tapos magrereklamo na masikip, na traffic, na hassle. kung ayaw nyo ng masikip, ng traffic, ng hassle, september pa lang mamili na kayo, since technically eh pasko na naman yun sa pilipinas.
at akala mo naman kung sino akong magsalita diba? samantalang nakisiksik din ako nitong mga nagdaang araw sa department stores, malls, at palengke. pero may dahilan naman ako. wala akong 13th month at christmas bonus, kaya dumiskarte muna ako ng pera. eh ngayon lang nakadiskarte, kaya ayun. pasensya na kung isa ako sa nagpasikip ng pagsashopping nyo.
pero, aminin natin, anumang hassle ng holiday rush, there's this fulfilling, er, feeling na nararamdaman mo after all the siksikan, tawaran, at hagaran. kanina, nagpasama ako sa ate ko para mamili ng mga iluluto mamayang noche buena. alam ko kung ano yung iluluto, pero di ko alam yung mga ingredients. sugod kami ng ate ko sa palengke, and for the first time in a long time, nakisiksik ako sa masangsang, mabaho, marumi, at karumal-dumal na palengke... joke lang! hindi naman pangit yung palengke. in fact, malinis nga,. pero siksikan pa rin. kurot ng manok, pili ng patatas, halukay ng magandang carrots, bilang ng hotdogs, at uminom ng gulaman... maya-maya pa ay natapos ang pamamalengke, at tila nabawasan din ako ng limang kilo sa dami ng pawis ko. pero, hindi ako natuwa, kasi alam kong in a few hours from now, i'll gain it back! hahahaha!
* * * * *
madalas sabihin ng mga tao na ang pasko ay para sa mga bata. oo nga naman. all the gifts, the christmas songs, the new clothes, the yummy food (and the chocolates!!), parang pambata nga naman talaga ang pasko. kumbaga, this is their euphoria. exciting, fun, and talagang, hmmm... extraordinary. pero, kung iisipin mo, christmas can be as exciting for adults as it is for kids. take my experience as an example.
tatlong araw before christmas at di pa rin ako nakakapagdecide kung anong regalo ang bibilhin ko sa mga bata. ang awkward naman na tanungin sila kasi magkaka-idea na agad sila. i wanna surprise them. so bumili ako ng palagay ko eh magugustuhan nila. eto ang challenge... paano ako uuwi ng bahay dala ang mga regalong ito ng hindi makikita ng mga pamangkin ko na buong hapon lang na nanonood ng tv? isip isip. hanggang voila! tinawagan ko ang ate ko habang naglalakad na ako pauwi at sinabi kong utusan ang dalawang bata na bumili ng kahit ano. kahit ano, basta dapat lumabas ng bahay yung dalawang bata. and they did naman... which means i have 30 seconds to rush from a corner na malapit sa bahay namin papasok sa bahay, paakyat sa kwarto. salamat sa diyos at successful naman. then comes the second challenge... paano ko maibabalot yung gifts na hindi nila nakikita? nagawa ko pa rin, at sa tulong ulit ng ate ko. kesehoda nang hindi maganda yung pagkakabalot tutal sisirain din naman. then ang susunod na challenge naman is kung paano ako bibili ng regalo para sa ate ko, sa mama ko, at sa bayaw ko (yah, ibibili ko sya kahit labag sa loob ko, ahahaha!) ng hindi nila nakikita. ampota... mas mahirap pala yun! pero sa awa ng diyos at ng ninja skills ko, naitawid naman. whew!
* * * * *
isa sa mga tradisyon na hindi nawawala sa pasko namin ay ang pagsasabit ng medyas para kay santa claus. masasabi kong matagumpay naman kaming matatanda sa bahay na itago sa bata ang katotohanan tungkol kay santa claus. nagtataka nga ako sa mga pamangkin ko, wala naman kaming chimney sa bahay, bakit talagang sobrang naniniwala sila na darating si santa claus. saan sya dadaan, sa pinto? at isa pa, bakit nga ba santa ang tawag sa kanya eh lalaki sya?
going back, ayun nga. medyas. medyas na pupunuin ng candies at kung anu-ano. and syempre, bilang ako ang medyo may budget, ako ang assigned na bumili ng panlaman sa medyas. kahit anong kendi na lang daw sabi ng ate ko. pero syempre, di naman ako papayag. umalis ako saglit at pagdating ko sa bahay (good thing wala ang mga bata), nagulat si ate sa grocery items na dala ko. sandamakmak na chocolates, candies, gelatine, chichirya, at kung anu-ano pang pagkain na masama sa ngipin at sa kalusugan. ewan ko ba, parang di ko kasi papayagan na paggising sa umaga ng mga pamangkin ko ay ilang pirasong kendi lang ang makikita nila sa medyas nilang isinabit (for the record kasi, instead na medyas nila ang isabit, medyas ko ang ginagamit nila. yung mga luma kong medyas. yung ga-stockings na sa haba). kaya okey lang na gumastos ng kaunti, kung ang kapalit naman nun ay masayang ngiti mula sa mga bata.
nung bata pa ako, talagang exciting ang pasko namin. umaapaw ang kendi sa medyas na nakasabit. makulit yung mga ilaw ng christmas tree. maraming pagkain sa hapag. at hindi naman ako makakapayag na hindi maranasan ng mga pamangkin ko ang sarap at saya ng pagiging bata tuwing pasko dahil lang sa medyo kapos sa budget. banatin na ang pwedeng banatin, simutin na ang pwedeng simutin, kung ang kapalit naman nito ay lubas na ligaya sa mga pinakaimportanteng bata sa buhay ko. oo, spoiler akong tito. and i'm happy to admit that. minsan lang naman ang pasko, bakit hindi pa itodo diba?
* * * * *
isang maligayang pasko sa lahat. walang dahilan para hindi ito i-celebrate. hindi naman kailangang magastos, o maraming regalo, o maraming kendi, o maraming pagkain, o maraming etcetera etcetera. dahil ang tunay na diwa naman ng pasko ay ang pagpapasaya sa mga mahal mo sa buhay, at ang paggunita sa taong may birthday sa araw na yun.
which reminds me... wala pa pala akong regalo sa kanya. teka nga, makabili muna. rush rush!
Sweet nmang tito. :)
ReplyDeleteYou are so caring and good natured, so good blessings to you. It seems like you had a really good Christmas but belated Happy Christmas nevertheless.
ReplyDeletematagal mo na akong regular reader ng blog mo. from what i've read, you can be a good father someday. alam ko, marami ka ng pinagdaanan. ilang beses na rin akong naging teary eyed sa mga kwento mo dito. i just wish you a happier and more stable life in 2014 and also the years to come.
ReplyDeleteang wish ko sayo boy shiatsu is for you and jack frost to have a long and lasting relationship. sana dumating kayo sa point na you'd either have a commitment ceremony here or (a legal wedding sa abroad) to be witnessed by all your loved ones. feeling ko magiging mabuting "daughter-in-law" ka din! ha ha ha. Sana ay magkaroon din kayo ng mga chikiting ni jack frost someday and i'm sure both of you will be good dads in the future.
others will say that this is too much to ask for. pero sabi mo nga, libre ang managarap.:-)
Maybe it's just me pero feel na feel ko and childish innocence mo. Kainggit lelz
ReplyDelete