from the title, makikita nyo naman siguro... i'm bad at coming up with meanings for acronyms! maipilit lang, hahahaha!!!
mayo na naman, at isang linggo na lang ay magaganap na ang final act ng pinakamamagarbong palabas sa buong bansa ngayon, circus 2013, na itago na lang natin sa mas maikling pangalan na "halalan."
baranggay official ang tatay ko noon, kaya bata pa lang ako, malaki na ang impact sa akin ng halalan. sanay akong nakasakay sa ibabaw ng owner-type jeep habang namumudmod ng mga sticker, printouts, at flyers na may mukha at pangalan ng tatay ko. sanay akong magbalot ng mga pagkain sa styro boxes para sa mga volunteers (natuto akong magbalat ng nilagang itlog gamit ang kutsara!). minsan pa akong naging "musical director" para sa campaign jingle ng tatay ko. sa gabi naman, naririnig ko kapag nagmi-meeting ang tatay ko kasama ang mga ka-partido nya for their action plan. for the record, masasabi kong naging mabuting tagapaglingkod sa bayan ang tatay ko... sana nga lang ay naging mabuting ama din sya (boom!). minalas lang dahil nadaya sya nung unang beses syang tumakbo bilang barangay captain. and totoong nadaya sya, umamin yung nandaya!
pero di na naman mawawala sa eleksyon yan. yung mga dayaan. yung mga bilihan ng boto. yung mga samu't saring pangako. yung mga platapormang ewan. yung mga song and dance number. yung mga pamimigay ng tubig, pagkain, t-shirt, shorpet, payong, at pera. yung mga pasaringan. yung mga catchy na kanta. yung mga patayan. yung mga paglipat-lipat ng partida... lahat yan, kasama sa circus. sa ngayon, marami nang ibang paraan para mahikayat ang mga mamboboto na isulat ang pangalan ng isang kandidato sa balota, or should i say, para i-shade ang bilog na hugis itlog sa mahabang-mahabang voting ballot. (which makes me think... bilog na hugis itlog... edi hindi na bilog yun! oblong na yun! ang labo!).
nung bata ako, isang linggo bago ang eleksyon, nakagawian na ng nanay at tatay ko na pagplanuhan ang pagboto habang nasa hapag-kainan kami at naghahapunan. kasama kami ng ate ko sa diskusyon, kahit wala kaming idea sa pinag-uusapan nila. nakalakihan ko yun. ang malas ko lang dahil hindi ko naranasan na makisali sa usapang ganun (bago ako mag-18, naghiwalay ang parents ko). at hindi ko alam kung yun ba ang dahilan, pero simula nun ay hindi na ulit bumoto ang nanay ko. si ate naman, isang beses lang bumoto. pareho silang walang planong bumoto sa susunod na linggo, samantalang ako, kesehodang may pasok sa gabi, ay makikipagsiksikan pa rin sa presinto para makaboto-ala-entrance-exam (diba yung shade shade, ganun sa mga entrance exam diba?) at para malagyan ng "incredible ink" ang daliri ko.
isang linggo na lang, pero hindi ko pa naaayos ang listahan ng mga iboboto ko. ni hindi pa ako nakakapunta sa bayan kung saan ako nakarehistro para kilatisin ang mga kandidato (sa ibang bayan ako nakarehistro). sinubukan ko namang tanungin sina ate at si mama para magbigay ng suggestion ng iboboto ko, or kung sino ang gusto nilang iboto at ako na lang ang boboto para sa kanila. and ang ganda ng nakuha kong sagot... "kahit sino rin naman iboto, walang mangyayari, wala namang improvement eh."
yun ang mali! para sa akin, walang karapatang magreklamo ang mga taong hindi bumoboto. in the first place, kaya nga tayo nabigyan ng karapatang ito eh, para gamitin natin, ito ang kapangyarihan natin na baguhin ang mga gusto nating baguhin.sabihin na nating maliit lang ang bilang ng boto natin, pero at least ginamit natin ang kapangyarihang ito. paano kung yung isang boto mo na pala ang magpapanalo sa taong pwedeng magsalba sa lugmok na bayan mo? eh di mo ginamit. tapos magrereklamo kang mahirap ang buhay... sinong may kasalanan?
kagaya ko, si Jack Frost din ay anak ng isang barangay official. kaya habang nasa kotse kami isang beses ay napag-usapan namin kung sino ang mga iboboto namin for senatorial. nakakatuwa na may ilang kandidatong nagkakasundo kami (Riza Hontiveros and Dick Gordon, yay! Grace Poe, Nancy Binay, and Cynthia Villar, nay!) pero may ilan naman na hindi kami masyadong tugma. ang maganda sa usapan naming yun, we voiced out why we will or will not vote for some candidates. pero eto ang pinakatumatak sa usapan namin.
BS: hindi ako boboto ng kahit sinong dynasty, yung may kamag-anak na sa senado, lalo na yung wala talagang experience.
JF: ako rin naman eh. okay lang na di kumpleto yung boto
*nakakita ng poster ni Sonny Angara*
BS: ang pogi ni Angara no?
JF: mas pogi ka dyan (boom!)
BS: tapos sabi ng pinsan ko, maganda daw katawan, kaya laging naka-fit na shirt.
JF: ahhh...
BS: iboboto ko yan, kasi pogi!
JF: hahahahaha!
BS: napanood mo yung bagong commercial ni Jack Enrile? patawa yung kanta!
JF: ang kyut nga nung kanta eh *sabay kanta ng jack enrile theme*. napapaisip tuloy akong iboto sya.
BS: dahil sa kanta?
JF: ang catchy eh!
yan, yan ang halimbawa ng matalinong botante! hahahaha! pero, anu't ano pa man, lahat naman tayo ay may kanya-kanyang basehan ng pagboto. wala naman kasing user manual kung paano ang tamang pagpili ng kandidato. lahat tayo may kanya-kanyang pananaw, at iba-iba ang mga pananaw na yun. ang isang bagay lang na sigurong hindi natin dapat kalimutan ay kung anong lakas at kapangyarihan ang nakasalalay sa mga kamay natin sa pamamagitan ng karapatan nating bumoto, kaya sana ay wag nating ipagdamot sa sarili natin ang karapatan at ang pagkakataon na maging isang superhero sa pamamagitan ng pagboto. wag nang problemahin ang indelible ink na mahirap tanggalin, maglagay na lang muna ng nail polish, stylish pa!
sa mayo 13, sabay-sabay tayong maging bahagi ng final act ng circus 2013, dahil tayo rin naman ang magdedesisyon kung paano ito tatapusin, at tayo rin ang makikinabang sa kung ano mang maging resulta ng palabas, blockbuster man or langawin.
No comments:
Post a Comment