hindi ako ampon. matapos kasi mabasa ng karamihan ang blog ko tungkol sa tatay ko (read here), maraming nag-akala na ampon ako. pero hindi po. although, minsan, naisip ko, mas mabuti pa siguro kung naampon na nga lang ako.
* * * * *
kamakailan lamang ay nakilala ko si Sir Marlon. isa syang pinoy pero naka-base sya sa ibang bansa. umuwi sya dito one time for a week-long vacation at naisipan nyang makipagkita sa akin. pero bago pa man nun, isa na sya sa mga madalas kong nakakausap sa email. isa rin sya sa mga malugod na tumulong sa akin financially ng inatake ako ni Peggy 2.0. kaya ganun na lang ako ka-excited to meet him for dinner.
"ipapakilala kita sa anak ko." proud pang sabi nya sa akin a few hours before our dinner. nakakatuwa naman.
dumating ang oras ng hapunan at nagkita kami ni Sir Marlon kasama ang anak nyang lalaki. and, nope, we're not talking about an infant or a toddler. not even a teenager. we're talking about a 20-year old guy na sobrang ganda ng katawan at ang gwapo talaga! sa totoo lang, natulala ako sa anak nya... ang hot! ipinakilala nya ako sa anak nya and then we went to a japanese restaurant for dinner.
bagamat pagod mula sa maghapong pagliliwaliw sa maynila, heto't all smiles pa rin si Sir Marlon. nakakatuwa sila panooring mag-ama kasi para lang silang magbarkada. hanggang sa nagsimula kami kumain at doon nagsimula ang pagkainggit ko lalo.
kahit malaking bulas at binatang-binata na ang anak, parang beybi pa rin kung ituring sya ni Sir Marlon. at hindi naman pumapalag ang binata. in fact, mukhang naaappreciate nya ang paglalambing ng tatay nya.
"he's really a sweet kid." pagyayabang ni Sir Marlon. "right son?"
natawa lang ang anak.
"do you like your food?" tanong ni Sir Marlon sa anak nya.
"yes."
"do you wanna say anything?"
"i love you dad."
"daddy loves you too."
"i know."
at biglang hinalikan ng anak sa pisngi ang tatay nya. gusto kong matunaw sa inggit sa nakita ko.
* * * * *
nung 10 years old ako, naaalala ko yung time na nagluto ako ng pancit canton.dinamihan ko yung luto dahil alam kong hindi pa kumakain ang nanay at tatay ko ng almusal. pagkatapos kong magluto, dinala ko sa labas ng bahay yung pagkain kung saan nakaupo ang tatay at nanay ko na nagbabasa ng dyaryo. umupo ako sa lamesa at nagsimulang kumain. sa kalikutan ko, natabig ko yung baso ng kape ng tatay ko. natapunan ang tatay ko. at sa biglang galit nya ay agad nyang nilamutak ang dyaryo at ipinalo sa braso ko. naiyak ako hindi lang dahil sa sakit ng palo, kundi sa sakit ng mainit na kape na tumapon din sa akin. agad naman akong pinunasan ng nanay ko at sinabihang pumasok sa loob ng bahay. ikinuha na lang ako ng nanay ko ng pancit canton at nagtira ng marami para sa tatay ko, kasama ang isang bagong baso ng kape. naubos ang kape pero hindi nagalaw ang pancit.
* * * * *
"he respects my sexuality, he has no issues with it." sabi ni Sir Marlon habang busy ang anak sa kaka-browse at kakatawa sa mga photos na nasa digicam nila.
"edi mabuti po kung ganun."
tuloy tuloy lang kami sa dinner at sa kwentuhan. matapos ang dalawang serving ng green tea ice cream for dessert, naglakad na kami papunta sa hotel kung saan sila naka-check in. ihahatid namin ang anak ni Sir Marlon bago kami lumabas for gimmick.
"dati, totoy na totoy pa yang anak ko. pero ngayon, ang laki laki na. mabuti nga at hindi nagbago. malambing at mabait pa rin."
"mabuti at hindi ka sinasagot or binabara."
"naku! nagkakasagutan din kami nyan. pero na-instill ko sa kanya yung rule na hangga't kaya naming hindi mag-usap pag mainit ang ulo namin, hindi kami mag-uusap. kailangan pareho kaming malamig, para mas magkaintindihan kami. at hindi kami nagsasakitan physically. hindi ko kayang saktan ang anak ko."
* * * * *
lasing ang tatay ko habang nasa sala kami at nanonood ng home along da riles. gumagawa ako ng project sa filipino nun... book report ng florante at laura. pero kailangan maganda. hindi pwedeng typewritten lang. kailangan kabog sa presentation. naisipan kong humingi ng pera sa tatay ko pambili ng cartolina at mga crayons.
"putangina! pera na naman! gastos na naman!"
"pambili ko lang ng cartolina. kailangan sa project eh."
"cartolina. cartolina. kumuha ka ng dyaryo dyan, pagtiyagaan mo."
"ano ba naman yan! kapag si ate, kahit anong ipabili, bibilin agad. pag ako, para naman sa project ko, pagdadamutan." at umakyat na lang ako sa kwarto at umiyak.
naramdaman kong umakyat ang tatay ko, kasunod ang mabibilis na hakbang ng nanay ko. inabutan nila akong nakadapa sa kama at humihikbi.
"gago kang bata ka. sumasagot ka na ha." pagbabanta ng tatay ko.
hindi ako nagsalita at hindi ako natitinag sa pagkakadapa. ang nanay ko naman ay iyak ng iyak at pinipigilan ang tatay ko. hanggang sa maramdaman ko na lang ang mahabang mga kuko ng tatay ko na kumalmot ng dahan dahan pero madiin sa likod ko.
"tarantado ka ha! ayaw mong magsalita!"
isa pang madiin na kalmot. naramdaman ko na nagsugat ang kalmot, at nagdugo. pero hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakadapa.
"putangina mo! ako ang tatay dito! wag mo akong yayabangan!" at bumaba na ang tatay ko. syang yakap sa akin ng nanay ko at doon na ako umiyak ng tuloy tuloy.
* * * * *
pagdating sa hotel, higa na agad sa kama ang anak ni Sir Marlon at naglaro ng mga games sa psp. kami naman ni sir ay dumiretso muna sa kwarto nya para magpahinga saglit. dito na rin nagsimula ang medyo sensitibong pag-uusap namin.
"i can sense a very smart guy in you, and i am really really worried about what's going on. you being sick with nothing in your pocket. you being a masseur. when in fact i see that you can definitely be a successful guy."
"ewan. lack of opportunities siguro. hindi ko rin alam eh."
at tuloy tuloy lang ang usapang heart to heart. sa bawat sinasabi ko, may pangsalo si Sir Marlon. at nakita ko na lang ang sarili ko na naiiyak, pero nandyan lang si Sir Marlon at mahigpit na nakayakap sa akin.
"hang on. things will be rough. times will be hard. but that makes you a stronger and better person. and there will be people for you. i am here. hindi man kita kadugo or kamag-anak, but i treat you as a son na rin. i will always be here for you."
* * * * *
ilang araw bago ang high school graduation, tinanong ko ang tatay ko kung gusto nyang mag-martsa kasama ko sa graduation.
"may honor ka ba?"
hindi ako makasagot. wala kasi ako sa honor list. or kahit anong special academic excellence award.
"eh bakit pa ako sasama, wala ka naman palang honor? sayang lang oras. nanay mo na lang."
at wala na akong chance. sa pagkakataong yun, ramdam ko... na hindi kailanman magiging proud sa akin ang tatay ko.
* * * * *
ang sarap sa pakiramdam na nakakita ako ng tatay kay Sir Marlon, isang tao na ni hindi ko kadugo pero talagang nakitaan ko ng genuine na pag-aalaga at concern sa akin. minsan, iniisip ko... ano kaya ang nangyari sa akin kung kagaya nya ang tatay ko? siguro nakatapos ako ng pag-aaral. siguro nakahanap ako ng magandang trabaho. siguro maganda ang estado ko sa buhay. pero naisip ko rin... kung ganun ang naging buhay ko, ganito kaya ako katatag at kalakas?
* * * * *
bumalik ng maynila si Sir Marlon kailan lang. at bagamat nagkasundo na kami na magkikita kami, hindi ito natuloy. excited pa naman akong makita sya at maikwento sa kanya ang mga pagbabagong nangyari sa akin after ng huli naming pagkikita. parang batang naghihintay sa ofw nyang tatay, inabangan ko talaga ang araw na magkikita kaming muli para makapagkwentuhan. kaya laking lungkot ko ng hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita. umasa akong magkakaroon ng tatay kahit sa isang gabi lang, pero nabigo ako.
* * * * *
kailan lang ay nalaman kong may cancer sa apdo ang tatay ko. naospital sya ng ilang araw pero hindi ko sya dinalaw. sabi ng ate ko, hinahanap daw ako. pero di ako naniniwala. hindi ko alam kung tama ba o mali ang naging desisyon ko na hindi pa rin sya kausapin. hindi ko alam kung magiging huli na ba ang lahat. wag naman sana. dahil may gusto pa akong gawin. isang bagay na itinuro sa akin ni Sir Marlon.
* * * * *
"kahit anong laking kasalanan ng tatay mo sayo, wag kang magmatigas sa kanya. reach out pa rin. hindi dahil sa iyon ang tamang gawin. pero para at least, sa huli, nasabi mo na kahit gaano kalaki ang kasalanan nya sayo, wala kang naging kasalanan sa kanya. kahit hindi na pag-respeto sa kanya bilang tao. pag-respeto na lang sa kanya bilang isang ama."
i was moved by this kasi me and my father wasnt in good terms ee
ReplyDeleteI feel you =( Ganyang ganyan ang daddy ko saken =(
ReplyDeleteMy father and I are not in good terms as well. Well, it is really not that bad, we are pretty civil. But what Marlon said is true, love your dad, because though they have never been good enough for us, they still give us life. :D
ReplyDeleteWords of wisdom talaga yong sabi ni Sir Marlon sa iyo. Para sa peace of mind mo na rin yon. When you reach out to your father, 'the ball is on his court' ika nga.
ReplyDeletenapaiyak mo ako sa post na ito... kabaliktaran kasi ako...ako ang blacksheep ng family... hindi ako naging mabuting anak sa aking ama.. hanggang ngayon pinagsisisihan ko ang pagiging suwail na anak....huli na, dahil patay na ang aking mabait n ama...daddy im sorry, i love you so much....>>rainheart
ReplyDeleteReach out and forgive your father, if not for his sake, at least for your own. If you can let go of the hurt and anger, maybe you well see yourself differently as well. You will also have peace of mind knowing that if something does happen to your father, at least you've let him know that you feel no ill-well for him inspite of what happened in the past. I know it is not easy to do this but you will be a better man for it.
ReplyDeleteEverything will go on in terms that you want, maybe not now or tomorrow. Just remember that you are always loved, maybe not by people around you but with our God that always guides you. Continue your life bro. Smile
ReplyDeleteJay
Wow.. nice post.. ang ganda nung quote sa huli
ReplyDeleteI grew up hating my dad. Not anger but hate. I blamed him for everything. I even wished and hope that one day I'll wake up that he's already gone.
ReplyDeleteThen I read this:
"Your parents didn't choose you nor did you choose them. Yet for some reason, you're both here. Either you will seize the opportunity or let it go, would be up to you. Their time is past. Yours are here. Choose and live. Live and fight. Fight for the future you think you deserve." -DK-
Habang binabasa ako ang post na to - naiiyak ako lalo pat di ko kilala ang tatay ko. until now hirap ako ..
ReplyDeleteFeeling ko incomplete ako, at feeling ko ang sarap sana magkariin ng tatay. yung tipong sabay kayo magsimba - at pag binaggit na ang "peace be with you" ay hahalik ka sa kanya