04 July 2013

Yes, And...

nagsimula lahat noong june 7, 2012, sa isang maliit na bar sa makati. isinama ako ng aking kaibigan at meron daw syang ipapakilala sa akin. excited sya dahil i'm sure magugustuhan ko daw yung ipapakilala nya sa akin. at dahil marami akong kalungkutan sa buhay nung mga panahong yun, sumama na ako. but she keeps on insisting that i will not regret it naman daw, and i will definitely enjoy the night naman daw. at sinong mag-aakala? matapos ko nga siyang makilala, i immediately fell in love with him. sinimulan ko syang suyuin, weekly kaming nagkikita. ang huwebes ng gabi ko ay nakalaan para sa kanya. unti-unti ko syang kinilala, kinilatis, at diniskubre. hanggang sa dumating ang araw na maluwag na naming tinanggap ang isa't isa.

september 20, 2012... i said "yes, and" to the love of my life, and he said "yes, and" to me in return... that was the day i committed myself to the art of improvisational comedy.

at sa tagal ng samahan namin, hindi ko inakala na sa loob lang ng isang taon, mula sa pagiging fan, now i am (verbatim from one of SPIT's members) "a certified improviser, and a good one!" nakakataba ng puso, to the point na magkasingtaba na yung puso ko at yung tiyan ko!

december last year ng nakipag-collaborate ako sa ilan pang karelasyon ng improv comedy (yah, he's a bit of a charmer, and a lot of a multi-timer) at gumawa ng isang grupo. sinimulan naming magkita-kita at magpractice, very informal, walang kasiguruhan kung saan nga ba talaga kami mapupunta. hanggang sa nakatanggap na lang kami ng imbitasyon mula sa SPIT na kasama daw ang grupo namin sa mga magpeperform para sa manila improv festival 2013!!!

WOW!!! JUST WOW!!!

agad-agad kaming naghanda, gumawa ng plano, at hinarap ang isa sa pinakamahirap na challenge... ang mag-isip ng pangalan ng grupo! kanya-kanyang suggestions, kanya-kanyang isip, hanggang sa natapos ang dilemma namin... nakatanggap kami ng text mula sa isang member ng SPIT...

"Switch na yung nilagay naming name ng group nyo sa poster. diba yun na yung final name nyo?"

hindi pa, actually, pero isa yun sa mga suggestions. pero pwede na rin. in fact, ako ang nag-suggest nung name na yun, kaya happy ako na iyon ang napili! hee hee...

papalapit ng papalapit ang araw ng festival, at unti-unti na kaming nilalamon ng kaba. paano kung pumalpak kami? paano kung hindi namin ma-impress ang audience? paano kung hindi kami magustuhan ng mga international delegates? paano kung hindi nila trip ang kulay ng isusuot namin? paano ba mag-delete ng unnecessary apps sa blackberry curve? paano kung ganito? paano kung ganun? ang daming paano. ang daming takot. pero wala na kaming magawa kundi ang maghanda at umasa...

dumating ang unang araw ng festival, ang araw kung saan kami magpeperform. at bilang unang-una kaming grupo na magpeperform, talagang gusto nang kumawala ng puso ko sa ribs ko sa kaba! 3... 2... 1... "let's give a warm round of applause for our first group, Switch!"

at isa-isa na kaming tumakbo sa stage, iniisang-tabi ang lahat ng kaba, takot, pangamba, gutom, uhaw, libog, at kung ano pang negative vibes backstage. at makalipas ang tatlumpung minuto ng pagiging totoo sa mga sarili namin onstage, i just saw myself and my group mates bowing to our audience, getting a lot of claps, applauses, whistles, and overwhelming support! in 30 minutes, we were able to pull it off! ang laki ng tinik na nabunot sa akin. at pagbalik ko backstage, naalala na ulit ng physiological component ng katawan ko ang proseso ng paghinga.

maya-maya pa ay lumabas na ako at umupo sa may audience area para manood ng susunod na grupo... at sobrang nakakalunod ang suporta ng SPIT at ng mga international delegates sa amin. they approached us, congratulated us, hugged us, and commended us for a very great show. ang isang newbie na kagaya ko, nakakarinig ng mga papuri mula sa mga institusyon na sa larangang ito mula sa iba't ibang bansa? priceless!

at doon na nga nagsimula ang isang linggo ng di-makakalimutang karanasan sa piling ng mga improvisers at improv enthusiasts. walang language barrier. walang nationality clashes. walang separation according to social status. walang artista, walang unknown. walang luma, walang bago. walang kahit anong uri ng separation line. basta isang grupo kami ng mga taong ang gusto lang ay sumaya at magpasaya sa pamamagitan ng improv. at sa bawat araw na dumadaan, may panibagong natututunan, panibagong kaalaman, at panibagong kaibigan. habang tumatagal, lumalalim ang interes ko sa improv, at lalo lang akong na-inspire na hubugin ang craft na ito at i-apply ito hindi lang sa arts kundi maging sa araw-araw na buhay.

natapos ang manila improv festival, at hindi ko maiwasang maluha. sa loob ng isang linggo, nakilala ko ang isang pamilya na alam kong nandyan para sa isa't isa. we have the same craft, we have the same goals, but we never compete against each other. we help each other go up and not just care about our own name. hindi na lang ito basta isang art, isa na itong komunidad na tanggap ang bawat miyembro at patuloy na iaangat ang bawat isa. ngayon, mula sa pagiging simpleng interes at steady date every thursday night, masasabi kong sinisimulan ko nang isapuso ang improvisation, dinedevelop ko na ang passion na ito, at susubukin itong gawing way of life. at lahat ito ay dahil lang sa isang universal rule ng improv...

"yes, and...". anuman ang ibigay sayo, tanggapin ito ng maluwat sa kalooban, at dagdagan ito ng panibagong elemento. at kung bawat isa ay mabubuhay at susunod sa ganitong konsepto, tuloy-tuloy lang ang pagtanggap at pagbuo ng mga ideya, at magugulat ka na lang na isang napakagandang obra maestra na ang nabubuo sa harapan mo just because you decided not to resist and you decided not to halt, but instead just accept and add.

3 comments:

  1. Very interesting. Walang no? Naisip ko lang, minsan importante rin siguro ang huminde?

    I'm glad you're having loads of fun sir. Feels nice to find a family no?

    K

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm... how do i explain this ba... there are times that we say "no" but not as a rejection, but as a way to elaborate the story and move it forward. kumbaga, you say "no" not to reject, but you say it to accept and move forward. ang hirap ipaliwanag, basta ganun sya. so, technically, you may not be saying "yes" but you're actually accepting and adding pa rin.

      Delete
  2. saw a instavideo nung skit nio. mukhang fun talaga. sayang di ako nakapanood. g'luck! :)

    ReplyDelete