sabi nga ng karamihan, isang malaking scandal daw ang buhay ko bilang BoyShiatsu. and i think the same way rin naman. all the kinky stuff, the nasty bed action, the deceptions, gameplays, pretentions, at kung anu-ano pang mga kagila-gilalas na pangyayari na malakas maka-teleserye. ang sarap magbitbit ng hidden camera and kunan ng videos lahat ng nangyayari sa akin, then i-upload ko sa youtube para instant sikat! malay mo pag-usapan pa ako sa facebook ala-Genelyn Sandaga (aww... aww... tobol, tobol, tobol!). or baka sakaling kontratahin ng tv5 ang mga videos ko for their new reality show pamalit sa misimis bay na sobrang original at talagang walang ginayang kahit anong tv show sa buong mundo (hahaha!). pero may isang scandal ako na hindi kayang matagalan...
takot ako sa mga intensed na talastasan at akala-mo-nagsisigawan-pero-ang-totoo-ay-nagpapaliwanag-lang-naman na conversations. nung isang araw nga, nanonood ako ng the apprentice asia. at bagamat hindi naman ako kasali or in any way ay related kay Jonathan (the pinoy guy who makes it to the final 2, sana manalo sya!), ako yung kinakabahan at ako yung nate-tense sa mga interviews nya. dun ko napatunayan na hindi talaga ako confrontational na tao.i love expressing my ideas in a calm, cool, smart way. ayoko ng pataasan ng boses. ayoko ng sigawan. ayoko ng pahiyaan. ayoko ng ginataang langka. ayoko ng spam emails. pero gusto ko ng spam, lalo na yung spam omelet ng ministop.
kagabi, hindi natuloy ang lakad namin ni Jack Frost. at sakto namang may nagtext na kliyente at nagtatanong kung pwede daw ako for the night. pumayag ako. at agad akong sumugod sa metrowalk kung saan namin napagkasunduang magkita.
ayus naman si Sir Jerson. nasa early 30's pa lang yata, corporate-looking, at mukhang matalino. nagkasundo kami na uminom na muna. since i'm in the mood to drink din naman, pumayag ako. pumunta kami sa isang bar sa metrowalk at uminom.
masarap kakwentuhan si Sir Jerson. hindi lang sya mukhang matalino, matalino talaga sya! kung anu-anong random na usapan tungkol sa mga paboritong bagay, tungkol sa blog, at tungkol sa mga paparating na private-public-partnership projects ng gobyerno. sobrang random, sobrang walang direction, pero masaya naman. ang nakakatawa lang, kahit ako eh parang retarded na sa kakatawa, si Sir Jerson ay sobrang composed at proper pa rin. tumatawa sya, pero hindi naman scandalous. prim pa rin. well, differences.
makalipas ang dalawang bucket ay naisipan na naming umalis. may kotse pala si Sir Jerson na nakapark sa nakakatakot na parking ng metrowalk. nagkukulitan pa rin habang naglalakad papunta sa kotse. maganda ang kotse ni sir, pangmayaman! super tinted and windows, malinis ang katawan, at mukhang well-maintained. pumasok na kami sa loob at itinuloy ang kwentuhan.
"ewan ko ba, pero naki-creepy-han talaga ako dito sa parking ng metrowalk. parang anytime eh may mga multong lalabas, ahahaha!" banat ko.
"ayan o, security guard, hahaha!" biglang sagot ni Sir Jerson ng may mapansing security guard na aali-aligid malapit sa kotse namin.
nagtawanan na lang kaming bigla nya akong tanungin.
"okay lang bang pa-sample ng kiss?"
at dala na rin siguro ng kalasingan, at dahil komportable na rin naman ako kay Sir Jerson, sinampolan ko sya ng kiss, pero smack lang. pa-demure, haha! mukhang natuwa naman yata si sir. hanggang sa medyo naging intense pa ang sumunod na halik. at isa pa. at isa pa. at isa pa ulit. malakas na maka-misimis bay ang aksyon namin ng bigla akong na-bother...
may kumatok sa pinto ng kotse namin at may flashlight nang nakatutok sa amin!
bumilis bigla ang tibok ng puso ko, at nakita ko rin si Sir Jerson na kinakabahan. puta! though hindi ko alam kung may mali ba sa intense na halikan sa parking lot in a private car, kinabahan pa rin talaga ako.
agad binuksan ni Sir Jerson ang pinto ng kotse at mahinahon na nagtanong sa nakahuli kung anong kailangan niya... the same security guard na nakita naming umaligid sa kotse!
"sir, public scandal po yang ginagawa nyo. bawal po yan."
"ha? bakit? anong ginagawa namin?"
"sir, bawal po yan. alam nyo po kung anong ginagawa nyo."
"wala naman kaming ginagawang masama ah!"
"sir naman, huling-huli na kayo eh! akin nang id mo!"
"putangina! bakit, bawal na ba maghalikan sa loob ng kotse?"
"sir, wag mo na akong gaguhin. alam nyo kung anong ginagawa nyo."
"eh gago ka pala eh! wala naman kaming ginagawang bawal ah."
"anong walang ginagawang bawal? eh kitang-kita ko, nagjajakulan kayong dalawa!"
"jakulan?! gago ka rin ano! anong jakulan? tignan mo nga, eh pareho pa kaming naka-belt at naka-pantalon."
"syempre itinaas nyo na. wag ka nang magreklamo. akin nang id mo."
"bakit? anong kaso ko? sino ka ba dito?"
"sir, trabaho lang."
"asan ang id mo?" *ipinakita ng guard ang id.* "eh gago ka pala eh, security guard ka lang pala dito eh. anong sinasabi mong pwede mo kaming hulihin?"
"sir, wag ka na pumalag! huling-huli ka na eh. akin nang id mo."
galit na inabutan ni Sir Jerson ng id ang sekyu habang nakikipag-argumento pa rin sa kung ano bang kasalanan ang nagawa namin. narinig kong nag-radyo ang sekyu. ako naman ay talagang naka-kuyupyop na sa passenger seat dahil sa takot.
"sir, hintay lang po ha, papunta na dito boss ko."
"gago ka ba! bakit pupunta dito boss mo? akala ko ba sasampahan mo kami ng kaso. tara, halika, gumawa ka ng papel de reklamo."
"wag mo akong sigawan ha. kayo na nga itong may ginagawang kagaguhan, kayo pa itong matapang."
"eh putangina mo pala eh! hindi mo nga masabi kung anong ginawa naming kasalanan eh."
"public scandal nga. sa opisina ka na magpaliwanag. magpapapunta na rin ako ng pulis."
lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ko ang salitang "pulis." takot na takot na ako dahil ayokong makulong dahil lang sa pakikipaghalikan sa kotse. kumalma bigla si Sir Jerson at parang nakaisip ng idea.
kinuha nya ang wallet nya at kumuha ng limangdaan, sabay huminahon ang boses habang nakikipag-usap sa sekyu.
"sir, pasensya na, ayusin na lang natin to. ayaw lang namin ng gulo."
"naku sir, hindi pwede yan. naradyo na kita sa boss ko eh. pag pinaalis kita, ako naman ang kawawa."
"sir, pwede namang gawan ng paraan yan diba. ayusin na natin to sir. wala naman kaming ginagawang masama eh. eto o, para matapos na. sige na sir."
iniabot ni Sir Jerson ang 500 sa sekyu, pero hindi ito tinanggap.
"binabastos mo yata ako sir eh. hindi dinadaan sa bayad ang ganitong kaso sir. hintayin mo na lang yung boss ko. papunta na sya. tsaka yung mga pulis."
"tangina naman sir, ayusin naman natin to sir, nagmamakaawa na ako sir. sige na naman o."
"naku sir, gagawa-gawa kayo ng kalokohan tapos biglang ganyan."
"sir, kaya nga po nakikiusap ng maayos sir eh. tapusin na natin to. ayusin na lang natin. ayaw ko na rin ng hiya o ng gulo."
"sir, pasensya na sir, trabaho lang talaga."
"sige na sir, ayusin na natin to, please naman sir. oh eto o, 700 na yan."
natigilan ang sekyu... at sumagot.
"gawin mo nang 1500 yan sir."
"sir, pasensya na, eto na lang talaga pera ko dito eh. ayusin na natin to sir. tanggapin nyo na to sir. para matapos na sir. nauubos na rin oras natin. sige na sir."
"naku sir, hindi talaga pwede. mali yang ginawa nyo eh. papapulis namin kayo. papatawag rin kami ng media, papamedia namin kayo."
kaba factor escalate! kahit hindi ko gets kung bakit kailangang umabot sa media, napuno pa rin ako ng takot. tangina, kulong na, media pa! sobrang kahihiyan na to! at tila nairita rin si Sir Jerson sa sinabi ng sekyu.
"gago! anong media? bakit mo kami ipapamedia?"
"sir, public scandal po itong kaso nyo. kailangang ipakulong kayo."
"putangina mo! raket mo to eh!"
"sir, walang raket raket dito. ginagawa lang namin trabaho namin."
"walang raket-raket, eh hinihingan mo nga ako ng 1500! putangina mo pala eh."
"wag ka nang umalma. parating na yung boss ko."
"o, tapos, anong gagawin nyo sa amin? ipapakulong? ipapamedia? eh wala naman kaming kaso! eh gago ka pala eh. tapos wala ka pang testigo!"
"umayos ka, nasa akin ang id mo!"
"tangina! sayo na yang id ko!"
at biglang isinara ni Sir Jerson ang pinto at nag-drive papunta sa exit. all this time, sobrang kabado lang ako at naiiyak na sa takot.
"relax, maaayos to. walang mangyayaring masama sayo." sagot ni Sir Jerson na tila nag-transform mula sa pagiging prim and proper sa pagiging argumentative and hard-headed... parang mga informal settlers lang. "akong bahala sayo."
pagdating sa exit ay itinigil ni Sir Jerson ang kotse nya at bumabang galit na galit. naiwan nyang bukas ang pinto kaya rinig na rinig ko ang conversation kahit ayokong panoorin.
Sir Jerson: putangina! sinong head of security nyo dito?
Head Security: sir, ako po. magandang gabi po. anong problema sir.
SJ: gago yang sekyu mo eh. hinuli kami na may ginagawa daw kaming kalokohan! eh wala naman kaming ginagawa.
Mamang Sekyu: anong wala? eh kitang-kita ng dalawang mata ko eh. public scandal ang ginagawa nyo.
SJ: gago! sabihin mo, rumaraket ka lang. ano to, ser, ganito ba talaga kayo ka-gago dito sa metrowalk?
HS: sir, wala po kaming raket raket dito sir. ano po bang nangyari?
SJ: hindi mo alam? eh iniradyo na kami nyang tarantadong sekyu mo sayo ah.
HS: sir, wala pong iniraradyo.
SJ: eh kung hindi ka rin pala talaga gago eh ano. tinatakot mo pa kami!
MS: sir, eh wala naman talaga akong raket raket sir, trabaho lang.
SJ: at anong sabi mo, ipapamedia at ipapapulis mo kami? asan? asan ang pulis?
HS: kalma lang po sir.
SJ: paano akong kakalma, sige nga? eh nang-iistorbo yang ahente mo, tapos mangongotong pa,. hinihingan ba naman kami ng 1500!
MS: sir, wala akong hinihinging pera sir, kayo nga pong nag-ooffer sa akin eh.
SJ: gago! anong offer! tangina mo pala eh! asan ang pulis mo? tangina! pulis pala gusto mo ha!
may tinawagan si Sir Jerson sa telepono...
SJ: tito, eh nandito ako sa metrowalk, may gumagago sa aking sekyu. kinokotongan ako. dahil lang may kasama akong barkada ko sa sasakyan na lalake din, public scandal daw eh wala naman kaming ginagawa.
HS: sir, ayusin ho natin ito sir.
SJ: anong aayusin! eh kayo tong nagsimula ng gulo eh! nananakot pa kayo. tangina nyo. tapos nangongotong, then babaliktarin nyo pa kami.
MS: sir, wala naman akong hinihingi sa inyo sir eh.
SJ: putangina mo! asa ang id mo! anong pangalan mo! akin na, hinihingi ng tito ko.
HS: sir, relax lang po sir.
SJ: hindi ikaw ang kausap ko. hoy, gago, akin nang id mo! tinatanong ng tito ko pangalan mo. tsaka, anong agency kayo?
HS: sir, pasensya na po talag sir. eto na po yung id nyo. pasensya na po sir.
SJ: anong pasensya pasensya? gusto nyo ng gulo diba? kayo nagsimula nito. inaagrabyado nyo kami, tapos peperahan nyo pa kami. eh gago pala kayo eh. hintay lang kayo dyan, papunta na dito yung tito kong general. *sa phone* tito, ayaw ibigay yung id.
HS: sir, sorry na po. ako na po ang humihingi ng dispensa.
SJ: oh sige na tito, wag na daw, okay na daw.
MS: pasensya na po sir.
SJ: tangina mo! pasensya pasensya. kanina ang tapang-tapang mo, pinagtatawanan mo pa kami. ngayon, tiklop na tiklop ka. gago ka ha! papupuntahin ko pa rin tito ko dito. ipapatanggal kita sa trabaho mo gago ka.
MS: sir, tapusin na po natin to.
SJ: gago! tangina mo!
HS: sir, pasensya na po talaga sa abala.
SJ: tangina nyo! ayusin mo yang empleyado mo. gago eh. mangongotong pa. iisahan pa ako. tarantado ka!
HS: opo sir, pasensya na po talaga sir.
at bumalik na si Sir Jerson sa kotse, nakangiti. habang ako naman ay takot na takot pa rin at naiiyak.
"uy, ayus ka lang?"
"sir, nakakatakot ka."
"haha! ganun talaga! hindi ka dapat nagpapasindak sa mga ganyan."
"salamat po."
"for what?"
"for standing up."
"buti ka nga may tito kang general. at least may pwede kang tawagan."
"oh, that was just acting. wala akong kilalang kahit sinong pulis!"
"whoah! hahahaha! well, i was convinced! thanks again for standing up."
"we have to. walang mangyayari kapag hindi ka sumagot. tsaka, syempre, takot ko na lang kung may mangyaring masama sayo."
"paano kaya kung kunyari eh hindi gays yung nakita sa kotse? say, hetero couple, or girl to girl?"
"no scandal like that will happen. a sad reality for us gay guys. tayo ang pinupuntirya ng mga ganyang raketero kasi alam nilang takot tayo na mapahiya kaya basta na lang tayo magbabayad."
"well, not you."
"oo naman! or else, kung bumigay ako dun sa 1500, edi 500 na lang ibabayad ko sayo! hahahaha!"
nagtawanan na lang kami na parang mga nagtagumpay na kontrabida sa teleserye at pumunta na kami sa hotel para gumawa ng isa pang scandal. yung mas tahimik. yung mas intimate. yung mas wild.
shet. nakaka suspense na nakaka turn on ang eksena, dapat mag celebrate agad! hahahaha
ReplyDelete*ang weird ko lang
Good thing di nagpadala ung kasama mo.
ReplyDeletesindakan ang labanan.
ReplyDeletewhew! that was nerve wracking grabe.
ReplyDeletekung ako ang naka experience ng ganyan... shet! mapapako lang ang paa ko sa sahig at magbabaha ng pawis. haha!
Seth -- palakpakan for celebration! ahahaha!
ReplyDeleteFiftyShadesOfQueer -- kaya nga eh. or else, goodbye Php1500 and hello kahihiyan!
Victor -- sinabi mo pa. kung ako nga na nasa loob lang ng kotse, sindak na sindak, paano pa kaya si Sir Jerson at yung mga sekyu!
Nomad -- exactly what happened to me! napako lang ako sa passenger seat ng kotse at nagbaha ng pawis at luha! hahahaha!
Nako, kaibigan ko din , nainis ako kasi nag papasindak. galing sila ng malate gimik with his BF - naka kotse sila at dumaan ng 711 para bumili ng maiinum, ang bf nya bumili ng beer in can
ReplyDeleteso sabay sila pumasok sa kotse ng sinita sila ng pulis kasi daw bawal daw ,mag inum sa public place, eh ang eksena kasi nasa front ang can ng beer nilagay ng bf nya .
eh tapos dinala sila sa pulis station. Dahil parehas silang discreet.. sinindak sila ..
ang nangyare hiningan sila ng 5k ..
"wala kaming ganyan pera" sabi ng friend ko
"anong wala sir? may kotse nga kayo" sagot ng pulis
"sir wala akong pera dito, mag wiwidrow nalang ako" sagot ng bf ng friend ko.
"sige samahan nalang namin kayo" sabi ng pulis
At pinaangkas ang friend ko para mag widrow at naiwan ang bf nya sa presento.
"nako sir , dapat nga 7k ang ibabayad nyo kasi bawal talaga yang public na pag inum" sabi ng pulis
Dun na nagsimula mag wala ang kaibigan ko at tumawag sa akin.. so since na explain nya sa phone ako ang kumausap ng sa pulis at nagpakilalang abogado.
ayun pinakawalan nga sila pero di na binalik ang 5k.
ako naman inis na inis kasi bat sila natatakot...
"takot ako kasi baka malaman ng parents ko, lalot discreet ako" sagot ng friend ko
"kaya ang mga uportunista , sinasamantalaga ang mga discreet dahil alam nilang takot silang mabunyag" sagot ko
At di padin ako maka moveon sa 5k na yan.... ang daming pagkain na yan ..