20 November 2013

Kontesero

now i got a confession (ha-ha-ha-ha)...

kung alam mo kung saan ko kinuha yung line na yan, magkakasundo tayo! hehehehe...

anyway, going back to my confession. pangarap kong makasali sa Mr Gay Philippines. na-imagine ko ang sarili ko na rumarampa sa stage ng kung anu-anong isinusuot. tapos sa question and answer, hindi ako pa-miss universe style. instead, magiging very casual lang ako sa pagsagot. express, not to impress. ganun. actually, may nag-offer na sa akin dati na pwede nya daw ako i-manage basta kailangan lang na i do my part in having a good body build. pero i did not do my part, so he did not do his. hahaha! now na kaya ko na (at willing na) gawin ang part ko, i doubt naman na pwede pa ako. sa edad na 27, masyado na yata akong matanda to join the said contest. so, goodbye pangarap!

when i was around 22-24, sumasali ako sa mga pakontes na ganyan. madalas ay sa palawan bar ginagawa. yup, sumali ako sa mga ganung contest. naaalala ko pa ang unang salang ko nun. kailangan daw eh swimwear outfit. ang suot ko, g-string! kaya nabansagan ako nung mister paandar. pero, sa ilang beses na sumali ako, hindi ako nanalo. kasi laging "out of the box" ang mga idea ko. nung gods and goddess ang theme, instead of going for greek gods (yung may mga wings and horns), i went for a babylonian god (parang Xerxes), complete with chains and bangles! and then nung retro naman, i did not go for bell bottoms but instead went for disco roller skates fashion (super skimpy shorts, knee-high socks, hanging blouse, and i really wore roller skates!). ang ending... nganga! kasi hindi na-gets nung mga judge yung nasa utak ko. walang connect ang vision ko sa hinahanap nila.

yan ang isang bagay na alam kong applicable sa mga beauty contest na never kong sinunod. pag kokontes ka, kailangan kilalanin mo ang audience at especially ang mga judges. kung kaya, alamin mo ang background nila at ang mga hilig nila. kailangan alam mo ang kiliti nila. kalimutan na muna ang pag-e-express, dahil ang mga contest ay tungkol sa pagpapa-impress. 

high school ako nung una akong sumali sa beauty contest. mr and ms *insert name of school here* contest, at ako ang representative ng section namin. actually, last choice lang ako. yung unang tatlong pinili kasi, ayaw sumali. then the rest of the boys naman sa klase, hindi deserving sumali (ahahahaha!) so ako na lang ang inilaban. naalala ko nun, ako yung kakaiba yung mga ideas din. ang opening outfit namin ay dapat gawa sa recycled materials. instead na gumamit ng dyaryo, plastic, or candy wrappers... mga negative (film) ang ginamit ko in a suit and tie fashion. ang sports wear ko, hunting. ang evening wear ko, tuxedo (ang galing maghanap ng nanay ko! hehehehe...) ending, first runner up. at least na-appreciate ng mga judge yung mga kakaiba kong ideas... or baka nadala ko lang sa question and answer.

ewan ko ba. alam kong fan ng mga contest ang mga pinoy, especially ang lgbt community. pero bakit nga ba may "certain standards" na sinusunod sa beauty contest? bakit kailangang may minimum height? pag ba bansot, hindi na maganda? bakit kailangang may age limit? hindi na ba maganda pag matanda? bakit kailangang pleasing personality? pwede namang maganda pero maldita diba? then, bakit limitadong tao lang ang huhusga kung sino ang maganda o hindi? at bakit sila ang napili para mamili kung sino ang maganda? 

in the first place... ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "maganda"? and bakit nga ba kailangan pang may kontes kung sino ang pinakamaganda? di ba pwedeng maganda na lang lahat? kaso kung ganun, if everyone is beautiful, therefore no one is beautiful?

oh well... congratulations na lang kay Ariella Arida for making it to the top 5. patapos na ang trump tower sa bansa, so it's going to be a different battle na after that. bakit? kasi wala na tayo sa vision na hinahanap ng mga "judges."

1 comment:

  1. Hi - not sure if you are getting my emails so I'm trying here. How do I contact you? :)

    ReplyDelete