kahapon habang nakatambay kaming magtitito, kasama si mama, sa fishport malapit sa amin, eto't umi-emo ang dalawa kong pamangkin. hindi ko alam kung ano ang iniisip nila, at kung may karapatan na ba silang mag-emo. natawa lang ako sa comment ni mama sa picture.
"umeemote yung mga pamangkin mo. parang ikaw lang!"
haha! kahit pala si mama nahalata na mahilig akong mag-emote. pero hindi kagaya ng mga pamangkin ko, alam ko namang maraming rason para mag-emote ako.
kaninang umaga, nagising ako sa tugtog ng "flag ceremony medley." malapit lang kasi sa elementary school yung bahay namin sa rizal. kaya pag nagsimula na ang "bayang magiliw, perlas ng silanganan..." na susundan ng "panatang makabayan, iniibig ko ang pilipinas..." at tapos naman ay "ang bayan ko'y tanging ikaw, pilipinas kong mahal..." eh agad naaalerto ang mga tao sa amin. pagtugtog na pagtugtog ng pambansang awit ng pilipinas, napadilat agad ako. at siguro, dahil nga kusa na, nailagay ko ang kamay ko sa dibdib samantalang dapat ay ilalagay ko sa putotoy ko! pero tinamad pa rin akong bumangon, kaya nakahiga lang ako habang kumakanta. naki-recite din ako ng panatang makabayan, pero ang dami kong mali. bago na nga pala yung panata ngayon. tapos ay sinundan ng ang bayan ko. nung bata ako, kasunod nun eh exercise. chicken polka (then nung intermediate na ako, naging l.a. walk). pero nagulat ako sa narinig ko sa elementary school na malapit sa amin.
"tent... tenent... oh uh woh uh woh uh woh!"
potah! Justin Bieber!!! gusto ko talagang tumayo agad agad, sumugod sa eskwelahan, at magsimula ng rally! sasabayan ko yung rally ng mga pampasaherong sasakyan tutal may ipinaglalaban din naman ako. kung ayaw nila ng taas presyo ng gasolina, ayoko ng taas-kakornihan sa mga elementary students ng baranggay ko! pero hindi ko nagawa yun kasi, as always, tinatamad akong bumangon.
pagkatapos ng flag ceremony medley, pinatugtog na yung march song, hudyat na kailangan na magsipasok ng mga estudyante sa kanya-kanyang mga klasrum. alam ko na ang kasunod nito. sisigaw ang mama ko ng "anak! bangon na! mag-almusal ka na dun sa tita mo!" (nagtitinda kasi ng almusal ang tita ko). tapos nyan eh magsisigawan na yung mga pinsan ko, gibberish. mahirap intindihin kasi sabay sabay. tapos makakarinig ka ng mga nagtatakbuhang bata. tapos malalakas na radyo na ang kadalasang tugtog eh mga pang fliptop (i will never be a fan of this, i find this corny. salbakuta lang ang sinuportahan kong rap group, at sinuportahan ko lang sila for 2 hours). tapos nito, babangon ako at makikidagdag sa decibels na gumagambala sa buong lugar namin. simple. pero masaya. at pag hindi naman ako bumangon, dadaganan at dadaganan ako ng mga pamangkin ko hanggang sa magising ako. gusto kasi nila sabay sabay kami kumakain ng almusal sa mga tita ko... ako kasi magbabayad. ganyan kasaya sa lugar namin... everyday is a re-enacment of world war 2, pero mas masayang version.
pero kanina, iba. pagkatapos ng march song... tahimik. walang sumigaw para bumaba ako at mag-almusal (nasa trabaho si mama). walang pamangkin na dumagan sa akin (umuwi ang mga pamangkin ko ng sunday night sa kanila). walang mga magpipinsang nagsisisigaw ng kung anu-ano (may mga trabaho na kasi). walang fliptop. walang nagtatakbuhang bata. parang ghost town.
dahil nga gising na ako, nagpatugtog na lang ako ng ipod. ilang minuto pa ay bumangon na ako para bumili ng almusal kay tita. kahit ang makulit na almusal naming magpipinsan sa karinderya ng tita ko ay naging tahimik. mag-isa lang akong kumain kanina. at pagkatapos mag-almusal, balik sa bahay para mag-ipod ulit. nakakamatay ang boredom, kaya eto't nag-blog na lang ako.
nung sabado, saktong bertdey ng isa sa mga anak ng pinsan ko. instant family reunion to! umuwi dito ang pinsan kong may anak na may bertdey, kasama ang mama nya at ang dalawa n'ya pang anak na may bertdey din naman, hindi nga lang september. umuwi din ang dalawang pinsan kong naka-board sa pasig. at pati na rin ang pinsan kong may asawa na rin at may dalawang makulit na chikiting (syempre, kasama nya yun). umuwi ako para makapagpahinga dahil kay Peggy, pero nakakatuwang isipin na nasakto pa ang uwi ko. may buti rin palang naidulot ang pesteng pigsa na ito.
masaya ang birthday party... para sa mga bata! sa aming mga batanda (batang matanda), parusa! eh paano, kami ang tagahabol ng mga makukulit na batang tila nakainom ng tatlong litro ng cobra energy drink bago pumunta sa party. pero okay lang. for me, part of being a tito yun eh! hahaha. at tsaka nung gabi naman, tulog na ang mga gremlins eh. kaming mga batanda naman ang paparty!
inuman. bubblegum lambanog na hahaluan ng sprite. plus gourmet chips. plus magic sing. ang lakas maka-mayaman ng menu namin, ako pumili eh! hahahaha! at nagsimula na nga dun ang asaran at kulitan tungkol sa buhay mayaman at buhay mahirap, buhay single at buhay pamilyado, at buhay maynila at buhay probinsya. magdamagang tawa at saya na matagal na naming hindi nagagawa, samantalang noon eh sawang-sawa kami sa ganitong buhay.
natapos ang gabi at kanya-kanya kaming tulog. nagising ako ng sunday afternoon at saktong inabutan ko pa ang lunch kasama ang mga bata at mga batanda. pagkatapos nun ay umuwi na ang dalawa kong pinsan sa pasig, pati ang dalawang pinsan kong may mga chikiting na. kami naman ni mama, ipinasyal namin ang mga bata sa fishport. mabaho yung tubig at maraming water lily, pero masarap naman yung hangin. tamang tambay lang. minamasdan ko lang ang paligid habang umiinom ng limang pisong buko juice at dun ako napaisip...
masaya ang buhay sa maynila... pero nakakamiss din pala ang buhay probinsya, lalo na kung ganitong kasaya ang probinsya mo. at isa yan sa mga rason ko para mag-emote.
(noticed how my left arm is a little higher compared to my right arm? blame it on Peggy!)
truly nothing happens for no reason, even for illness or disease. sometimes we just do not understand or realize what the reason is, but what i know is, illness is a signal for us to slow down and take a rest and when we lie down in our sickbed, we may face heavenward and look up to our creator for a time to think and reevaluate our life, a time to emo.
ReplyDeleteor maybe you're just over-thinking this.
ReplyDeleteremember, an idle mind is the devil's playground.
Mr. Time to Emo -- nice comparison! thanks!
ReplyDeleteLanchie -- my mind is never idle.
Nice entry. That's the reason why I keep coming home every weekend to where I grew up. Nakaka-miss ang simple at tahimik na buhay sa probinsya.
ReplyDeleteOh, and nice back. Hihihi
thanks SF. kaya nga eh. siguro gagawin kong once a month ang pag-uwi sa probinsya.
ReplyDeletenice back ba? bahay sa akin ang may buntot at blue sando no? ako kaya yung katabi nung pamangkin kong naka-pink! ahahahahahahaha!
good that you have a place to come home to..to take a break from work and life in the city..others like me don't have this luxury or even an option..enjoy it.
ReplyDeletebtw i agree with the comment..nice back.
another entry na masarap ulit-uliting basahin (katulad nung chicken joy) galing mo talaga, ingat lagi...boy of bats
ReplyDeleteLike, one line from a song says: "Mama said, 'home is where the heart is". And I guess that is true ☺
ReplyDeleteI enjoyed reading your latest blog! Uber relate lang siguro ko dito since umuuwi ako ng Laguna from Manila almost every week. Kaka uwi ko nga lang from food trip sa mga na miss kong food dito samin hehe
ReplyDeletehalatang malakas maka mayaman din ng likod mo ih, ikaw na makinis! Boy shiatsu got back lol
-popoy
hahha.. galing ako dito nung isang araw. haha. mabaho nga ang amoy ng tubig, pero mabango ang alaala ng hangin dito:)
ReplyDelete-RJ