nagtext si Sir Webster at puntahan ko daw s'ya sa sogo sa recto. aagad naman akong sumunod. syempre, bagito, ang dami kong tanong kay sir at medyo makulit ako sa text. mahirap na kasi, baka mamaya eh hindi ako siputin or may kung ano man syang gawin. matiwasay naman akong nakarating sa nasabing motel at umakyat sa kwarto nya.
sumalubong sa akin ang isang mamang halatang bakla. maputi, halatang medyo banidoso sa katawan. muukhang mayaman, pero halata pa rin na hindi.
"hello!" bati nya sa akin pagbukas ng pinto. hindi ko alam kung hello nga ba yung sinabi nya, medyo iba yung tunog eh. parang hew-low or hey-low... basta! may kakaibang kulot na kahit call center agent (na kagaya ko) eh mahihirapang kopyahin.
"magandang hapon po." magalang na pagsagot ko kay Sir Webster.
"pasok ka! magshower ka ba muna?"
langya! marunong naman pala magtagalog ito! at matatas naman pala! wala na yung kulot parlor na accent nya na present na present sa "hello" nya kanina.
"opo"
"sige."
at dumiretso ako sa shower. makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako at sinimulan ko na ang masahe.
habang minamasahe ko si sir ay panay ang kalikot nya sa kanyang telepono. baka nabo-bore. kaya sinubukan kong kausapin.
"ah, eh, san po ba kayo nagtatrabaho sir?"
"dyan dyan lang."
dyan dyan lang... pag ganyan na ang sagot ng kliyente, meron na akong pakiramdam na ito yung tipo ng client na ayaw makipagkwentuhan. gusto nila tahimik ang mundo, at ang pagkiskis lang ng kamay ko sa katawan nya ang maririnig nya habang nagmamasahe. o kaya naman eh sila yung mga tipong suplado na wala sa mood makipag-usap sa mga masahista o mga "mas mababang uri ng tao." o kaya naman eh talagang maarte lang sila. kaya minabuti ko na lang na ibigay ang nais nya... katahimikan.
pero, nagkamali ako. ayaw naman yata talaga ng katahimikan ni Sir Webster eh. siguro ayaw nya lang talaga akong kausap. kasi, mula sa pagkakalikot eh may tinawagan na sya sa telepono nya. at all present na naman ang kulot parlor nyang accent. all english ba naman yung conversation nya eh! at, hindi lang basta english... highfalutin english! yung talagang kahit si Senator Miriam Defensor Santiago eh mag-no-nosebleed! very archaic yung mga words nya! yung tipong hindi na ginagamit ng mga normal na tao sa pakikipagtalastasan! kulang na lang gumamit sya ng thee, thy, thou, at lagyan nya ng -th lahat ng words nya sa dulo!
eto ang nakakatawa... eto lang naman ang message na sinasabi nya sa kausap nya...
"nagpapamasahe ako ngayon, walang kwenta!"
yun ang pinaka-laughtrip sa lahat! sa bigat ng mga salitang ginamit nya, naintindihan ko pa rin kung ano gusto nyang sabihin. hindi ko alam kung normal nya yun, o sinadya nyang gumamit ng mga exotic words para hindi ko maintindihan yung sinasabi nya, or baka judge sa miss universe ang kausap nya kaya gumagamit sya ng mga ganung salita. sus! kung yun lang naman ang message, pwede namang sabihin na "i'm having a massage right now, and it's blah!" or something similar! ganun kasimple!
mayamaya pa ay natapos na ang old english conversation ni Sir Webster. pero dahil nga sa narinig ko, medyo nahiya at naconscious na rin ako. hindi nya nagugustuhan ang masahe ko. sobrang pangit siguro to the point na kailangan nya pa ako i-badmouth kay Shakespeare! so as a first line of defense, out of nowhere kunyari, eh tinanong ko si sir.
"sir, okay lang po kayo?"
"oo." (balik na naman sa tigas-batong accent si Sir Webster)
"sigurado po kayo?"
"yes." at naramdaman kong may kaunting inis yung tono ni sir.
itinigil kong bigla ang pagmamasahe sa hita ni Sir Webster.
"sir, if you are not happy or satisfied with the service that you are getting from me, i think it would be better if you tell me first instead of complaining to a friend about it. pag sinabi mo sa akin, at least pwede ko pang ayusin. sabihin nyo lang po sa akin kung ano bang mali. or better yet, i'lk just stop and leave, and then you could look for a masseur who you think could serve you better for the same price."
dire-diretsong lumabas sa bibig ko yun. hindi naman galit yung tono ko. pero may kapow! ano akala nya sa akin, hindi nakakaintindi ng ingles? hindi ako bobo no!
nakita kong medyo natulala si Sir Webster... at sumagot.
"eh kasi walang kadiin-diin yung masahe mo."
"okay! sige, diinan ko po."
at itinuloy ko ang masahe na mas hard ng kaunti ang pressure. anak ng putakti! yun lang pala ang problema nya sa masahe ko. kasi nung kausap nya si Hamlet sa telepono kanina, kung makagamit sya ng words na mataas ang points sa scrabble, akala mo naman eh kasing-lala ng serbisyo ko yung serbisyo ng mga masseur who label themselves as masseurs pero pindot pindot lang naman ang ginagawa.
katahimikan ang sumunod. hanggang sa binasag ito ni Sir Webster.
"san ka pala nag-aral?"
"dyan-dyan lang."
dyan-dyan lang... pag ganyan ang sagot ng masahista... alam na!
I guess this is a perfect anecdote that shows the non-confrontational nature of Pinoys. I guess he just didn't want to offend you. But you did the right thing in pointing out to him that he should say his concerns to your face because that's the only way you can address the problem :) And only then can the fun start ;)
ReplyDeletehahaha funny naman ng story mo, cge pag ako naging guest mo, we`ll talk in ENGLISH, even the ahh and ohhh, will be in english, OK ba yun, btw, talaga bang wala kang pics so people will see you before getting your service?
ReplyDeleteMr. Anecdote -- precisely. filipinos should learn that if we still have the chance to change things, we have to speak up to the people concerned right away! hindi yung kung kani-kanino pa ipapasa! if you spoke to the manager, your goal is to correct the mistake. but if you spoke to potential customers, your goal is to close the business! mali yun!
ReplyDeleteMr. ENGLISH, pics available upon request. email me. for a preview, check the previous entry. ako yung naka-sando na light blue, yung may buntot, katabi nung naka-pink. hehehehehehe...
From now on, I'm Mr. Anecdote :D
ReplyDeleteIt is a common nature for the learned to be condescending and presumptuous. What is worst, such is doubled by the people who feels that they fit in the higher level of society. Apparently, humility nowadays is a rare feat. ☺
ReplyDeletethis is what you called.... Managing your stakeholders! hahaha... natawa ako dito...sobra... nairelate ko sa recent training ko... hahahaha.. :p
ReplyDeletekudos kenneth!
Rob :)
Mr. Anecdote -- hello! so i christened you a new name pala! sorry. but you liked it naman yata eh. :-)
ReplyDeleteBrian -- yun nga eh! nakakainis lang higher level of society my ass! ahahahahaha!
Rob -- ganun? ginamit mo sa training? so, where's my copyright payment? ahahahaha! kidding.
dear, as i always say, at the end of the day it all boils down to character.
ReplyDeletepeople may use a different language, highfalutin at that but we don't have to be bourgeoise, but we have a choice not to be pedestrians.
pa-plug narin:
http://vanillapleasures.blogspot.com/2011/09/bourgeoise-and-pedestrian.html
Boy Shiatsu, I heard your interview with Migs and the Fabcasters. You sound so gwapo. iLike :)
ReplyDeletehaha... may after service pa bang nangyari with that mood?
ReplyDeleteLanchie -- ang lalim ng word... bourgeoise! sa kanta lang ni Madonna ko yan narinig eh! hahaha!
ReplyDeleteElmerlovesoreo (ang sweet!) -- gwapo ba? ang lakas maka-peke ng boses ko no? hehe...
Roy -- professional ako, so meron pa namang extra after.
Nyahahhaa... i've been following ur blog since july pero ngayon lng ako magpo.post ng comment. iba ka Boy Shiatsu. Hehe... funny ng story na ito. buti nga sa kanya! Hehehe.
ReplyDeleteMore Power Boy Shiatsu! Keep it up! Cheers!
I Love You Boy Shiatsu~!!!!!
ReplyDelete