17 September 2011

Pinned Down by Peggy

putangina!

yan ang perfect na salita na maidededicate ko sa letseng pigsa na tumubo sa left armpit ko. oo., nakakadiri. kahit ako nandidiri just with the thought. pero, nandyan na eh!

sunday pa lang, naramdaman ko nang may unexpected visitor ako sa kaliwang kilikili ko. habang abala kami sa paggagala ng family ko (separate entry, coming soon), inaabala ako ng bwisit na bisita na hindi ko naman inimbita. ako pa naman, if there's a pimple somewhere in my face or in my body na reachable naman, hindi ko maiwasan ang sarili ko na kalikutin yun. so imagine na lang kung ilang beses kong dinukot-dukot ang kilikili ko habang nasa mall kami! yuck! haha!

then came monday, nagtuloy-tuloy na sa pamamahay ang lintek na "pimple"... at mukhang this time, kasama na rin ang mga bagahe nya. napansin ko na medyo lumaki sya. pero di naman maakit. uncomfy nga lang kasi parang malaking bara sya sa armpit ko. so di ko na lang sya pinapansin. live life as normal pa rin kumbaga.

pero pagdating ng thursday, aba! masyado na yatang naging at home ang "pimple" na ito! napansin ko,. super maga na sya! nag-evolve na ang gago! from being a simple pimple (i like the rhyme! simple pimple!), naging pigsa na ang hinayupak na bisita! at hindi pa nakuntento, talagang invasion ang ginawa! i woke up madaling araw not feeling well. masakit ang armpit ko. and napansin ko rin na namamaga na rin sya... pati shoulders ko! at mataas na rin ang body temperature ko! potaged! agad akong napainom ng mefenamic acid at co-amoxiclav and sinubukang matulog ulit. pero paggising ko... tengene! at home pa rin si Peggy! kaya napasugod na ako sa hospital para ipa-extract na sya. pagdating ko sa hospital, eto ang eksena.

me: um, doc, nilagnat ako kanina, and palagay ko dahil yun dito sa pigsa ko sa kilikili. uminom na ako ng gamot kanina pero parang walang effect. naisip ko kung pwedeng i-extract na sana sya para hindi na mamaga.
doc: patingin nga
me: *shows Peggy*
doc: naku, hindi pa pwede i-extract yan. ang pigsa, pag hinog na tsaka lang pwede putukin.
me: eh doc kaya nga nagpunta ako dito, para hindi ko na hintaying mahinog yung pigsa kasi it's very uncomfortable na.
doc: hindi talaga eh. bigyan na lang kita ng reseta. tapos pag hinog na, punta ka ulit dito para extract natin.

at binigyan ako ng reseta... mefenamic acid at co-amoxiclav! potah! eh alam ko na namang eto yung kailangan ko inumin eh! at alam kong kapag hinog na ang pigsa tsaka lang sya pwede putukin ng normal na tao. kaya nga ako nagpunta ng hospital para magawan ng paraan para hindi na hintayin ang riping period ni Peggy. tapos yun lang din ang makukuha kong advice? ang what did it cost me? 500 bucks! letseh! sana pinangkain ko na lang yun, o kaya eh pinag-internet, o kaya eh pinamigay sa mahihirap.

kaya eto, naisipan ko na lang umuwi ng rizal para makapagpahinga. what's worse about Peggy is that i needed to cancel clients na naka-book for the weekend... ALL SIX OF THEM! putsa! sa isang iglap, naglaho ang malaking amount of money na pwede kong magamit sa kapaki-pakinabang na paraan (eg. pampa-pedicure). haaaaayyyy... sa mga naka-book na clients, sobrang pasensya na po talaga. ayoko naman i-push yung appointment natin tapos di ako makakapagperform ng maayos. sana pumayag kayo na i-resched natin. sorry talaga.

at sayo naman Peggy... letse ka! lumayas ka na! agad-agad! waaaaahhhh!!!

putangina!

5 comments:

  1. again Kenneth na kotongan ka nanaman ata ng Doctor...

    di man lang nya sinabi na pwede kang mag "overdose" ng vitamin C while taking the co-amoxiclav (wala namang masama sa Vitamin C overdose yun nga lang, kung sensitive yung stomach mo eh mangangasim ka talaga)

    On the other hand, you should be happy. Having Peggy is a good indicator that your immune system is doing its job! ☺

    I guess, walang choice kung di maghintay and I think your clients understand that.

    ReplyDelete
  2. mahilig pa naman ako sa kilikili, ngayon nai-imagine ko pigsa sa kilikili. yuck!!!

    bastos na peggy yan, naunahan pa ako sa kilikili mo. hmmmmppppp. i hate you peggy!!!!

    erik

    ReplyDelete
  3. Ang entertaining nitong post na ito. Naimagine ko yung pain at discomfort.

    san ka sa Rizal? Hindi nabanggit..

    Looking forward to trying your expertise.

    Sana gumaling na ang kili-kili at umalis na si Ms Peggy

    ReplyDelete
  4. pahinugin at paputukim ang simple pimple na naging horrible....ingat lagi ken...boy of bats..

    ReplyDelete
  5. Ha ha ha! sobra kasi init mo eh.kumusta na? Here's from Los Angeles>jun

    ReplyDelete