02 September 2011

Pasko Paksiw

at dahil simula na ng -ber months ngayon, i would like to greet everyone a joyous christmas! opo, simula na ng panahon ng pasko. nasa shopwise ako kanina at nagsisimula na silang magpatugtog ng mga christmas songs... asteg! kailangan ko nang magpalit ng ringtone, at panahon na rin maglista ng pangalan ng mga inaanak... para masimulan ko na ang paggawa ng mga alibi's sa pagtatago!

nung bata pa ako, pag tumuntong na ang ber months, na-e-excite ako sa tatlong bagay... town fiests (november), birthday (december), at pasko (december din). o sige, isama na natin ang bagong taon, ang halloween, ang birthday ng ate at nanay ko, at ang field day demonstration. sa isang bagay lang naman ako hindi excited pag tumuntong ang ber months eh... sa halloween episode ng magandang gabi bayan. kasi pag yun na ang palabas, wala akong makasama papunta ng perya at wala akong choice kundi maglaro ng kung anu-ano sa labas ng bahay namin dahil hindi ko kakayaning manood ng kwento tungkol sa mga multo sa sementeryo, sa buildings, sa bahay, at dyan sa tabi mo (oo, seriously, ayan o... tignan mo yung katabi mo).

noong bata ako, pag dumating na ang christmas season, panahon na para maging abala sa paggawa ng mga production numbers and dance choreographies para sa mga xmas programs sa school. panahon na rin na maging creative sa pagreregalo sa kris kringle, and you have to make sure na hindi malalaman ng nabunot mo na ikaw ang nakabunot sa kanya untilk the revelation day. hindi ko alam kung mangyayari pa ulit sa akin ito... nakakamiss.

hindi ko alam kung bakit nakagawian na ng mga pinoy na basta ber na ang dulo ng buwan eh christmas season na. pero, for me, i find that cute. yung ibang tao, naiirita na ngayon pa lang ay may mga nagpaparamdam na ng christmas spirit sa kanila, pero hindi ako isa sa mga iyon. in fact, naniniwala nga ako sa isang cliche line... araw-araw ay pasko.

and in line with that... binubuksan ko na po ang aking tanggapan para sa mga christmas gifts na gusto n'yong ibigay sa akin... isama na rin natin ang birthday gifts. sa mga walang idea kung anong ibibigay sa akin, let me give you a short list, baka makatulong.

* high-end laptop, yung tipong vaio or macbook
* bagong rubber shoes, size 9.5 (philippine size), cross-training would be preferred, pero pwede na ring running
* a blackberry phone
* a nikon or canon dslr camera
* a pug (yup! aso!)
* a 3-day 2-night vacation in boracay, with hotel accommodation and buffet breakfast (beach kahit hindi summer, i don't care!)
* an ipad 2
* a 30-session personal training subscription at fitness first (ayoko ng kaunti lang, gusto ko 30 sessions para may results talaga)
* a head-to-toe makeover

ilan lang naman yan sa mga preferred gifts, just to give you an idea... ahahahahahaha!

happee christmas everyone!

1 comment:

  1. i've started recompiling all the Christmas songs here also ☺

    on the other side, favorite ko talaga yung Horror special ng Maganding Gabi Bayan... oh those were the days!

    Have yourself a merry little Christmas, Kenneth ☺

    ReplyDelete