buti na lang at nasa bandang españa area ako ng nagtext si Sir Matthew at nagtatanong kung available daw ako for service. bagama't hindi ko pa naseservice si Sir Matthew, alam kong malapit lang sa españa ang bahay n'ya. humingi ng instructions papunta sa bahay n'ya at maya-maya pa nga ay dumating na ako.
bumaba ng tricycle.
naglakad ng kaunti.
kumatok sa gate.
at sinalubong nga ako ni Sir Matthew. medyo bata pa, nasa late 20s or early 30s siguro. tama lang ang built nya. mukhang mabait at di makabasag-pinggan.
"kumusta?" mabait na pagbati sa akin ni Sir Matthew.
"ayus naman po."
"tara, pasok tayo."
at malumanay akong sinamahan ni Sir Matthew papasok ng bahay nila. sa sobrang finesse ng kilos nya, at isama na natin ang maamong buka ng mukha nya (hindi sya kagwapuhan, pero ang ganda ng dating ng mukha nya, lalo na pag ngumiti), and not to mention na nakaputing t-shirt sya, pakiramdam ko talaga eh anghel ang kasama ko.
pagpasok ko sa bahay nya, hindi ako nagkamali... langit na nga ata itong napasukan ko!
nakakalat sa maraming sulok ng bahay ang iba't ibang uri ng poon at santo. mula sa maliit, hanggang sa mga kasinglaki ko. may mga nakalagay sa box na may salamin, may mga nakabalot sa plastic, at meron rin namang naka-display lang ng normal. iba-iba ang damit. may mga simple't ordinaryo na pang-poon. may mga asteg. may mga colorful. may mga mono-tone. at may mga Beyonce-inspired na punong-puno ng sequins at samu't saring pampakinang.
hindi ako relihiyoso, at ilang taon na rin akong hindi katoliko, pero iginagalang ko pa rin ang mga poon. nakakainis nga lang kasi parang sila eh hindi ako iginagalang. kahit saan ako magpunta, nakatingin sila sa akin! tapos yung tingin pa nila, parang may ibig-sabihin! nakakaguilty!
"family business namin." biglang nagsalita si Sir Matthew ng napansin n'yang nagtatayuan na ang mga balahibo ko.
"ahh... that explains it." sabi ko na lang.
"nakakatakot no?"
"actually."
"relax ka lang. kahoy lang yan."
kunyari na lang eh narelax ako sa sinabi nya. nagkwentuhan muna kami saglit sa sala (ang weird! sa sala pa kami nagkwentuhan, kung saan ang daming poon ang nanonood sa amin) at maya-maya pa ay umakyat na kami sa kwarto n'ya. salamat at makakawala na ako sa mapanuring titig ng mga poon na ito.
yun ang akala ko!
pagpasok namin sa kwarto si Sir Matthew, may ilan pa palang naka-check-in sa kwarto nya... mga pito pa yung nakita kong santo sa kwarto! pero, pasalamat na lang ako na hindi naman s'ya life-sized. pero, kahit na! poon pa rin yun! awkward pa rin!
pero parang sanay na sanay na, basta na lang naghubad si Sir Matthew at dumapa sa kama nya. wala naman akong nakitang bakas ng angel wings. and since kailangan na ituloy ang service, naghubad na rin ako at sinimulan ko na syang imasahe. parang gusto ko na sana munang mag-sign of the cross bago kami magsimula, pero mukhang hindi na naman kailangan. sinimulan ko ang serbisyo kahit na unti-unti na akong sinusunog ng awkward na pakiramdam na ang mga pangalang binabanggit ko noon tuwing nagdadasal ako, eto't nanonood sa kung ano mang ginagawa ko ngayon. okay pa yung sa masahe part eh, yung sa extra ang weird na talaga. ang weird kaya sa pakiramdam na may nanonood sayo habang nagpeperform ka sa kama... at ganun pa ka-banal!
pero tila wala namang pakialam si Sir Matthew. sabi nya nga, kahoy lang yan, wag pansinin. so ganun na lang ang ginawa ko. tuloy tuloy na lang sa pagpeperform. subo dito, dila doon, at tuloy tuloy lang ang aksyon. maigting ang mga eksena, siguradong ikakaiyak ng mga guardian angels namin ang ginagawa namin... hanggang sa ilang saglit nga ay narating na namin ang langit at naramdaman na namin ni Sir Matthew ang bendisyon ng holy water sa mga katawan namin.
naligo at nagbihis... at inihatid na ako ni Sir Matthew palabas ng langit, ah este, ng bahay nya. nandun pa rin yung mga mapanuring tingin ng mga poon, para bang nagsasabi na "lagot ka, bad ka!"
lumabas ako ng bahay nya na may mixed emotions. pero hindi ko na lang masyado inisip yun. ang inisip ko na lang ay sana ay napasaya ko si Sir Matthew.
siya nawa!
Haylabet!!! Gusto kong makilala si Sir Matthew kasi mahilig ako sa mga poon. I have one actually, not a life size though. About 3 feet. A statue of a virgin Mary. Gusto ko magpagawa sa kanila, hehe.
ReplyDelete.
.
Alryt, ang awkward ko na, haha. Love the ironies ;D
hahahaha...ikaw talaga ken....boy of bats
ReplyDeleteNung unang basa ko akala ko ako yang si sir matthew... kapangalan at ka area ko kasi... lol
ReplyDeleteNakarelate ako sayo! like sa ancestral house "kuno" namin meron ring malalaking mga poon na para bang nakakapaso ang tingin... tapos every room eh merong altar...
ReplyDeletebuti nalang nabenta na yung bahay tapos wala na akong idea sa whereabouts ng mga poon na iyon...
di naman kaya taga Paete, Laguna si Sir Mathew? and mind you ang name pang gospel...