12 September 2011

Pinoy Big Brother


ito ang announcement na tumambad sa mukha ko paggising ko isang umaga (mas maganda sana kung tama yung spelling ng "tenant"). may isa pang nasa sala. walang picture, pero eto yung nakasulat.

Tyra Mail:
Sa mga tenant,
Panatilihin maayos at malinis ang bahay. Kung ayaw, Lumayas!
Love, Tyra

hindi ko alam na napadalaw pala sa bahay namin si Tyra, dahil sa pagkakaalam ko, wala naman kaming housemate na Tyra ang pangalan. or, i'm not sure. baka nadagdagan na naman pala kami ng housemate, hindi lang ako na-inform. kung ganun, ang kapal naman ng mukha ng bagong housemate na yun para magsungit. so i guess, dinalaw nga lang kami ni Tyra.

halos anim na buwan na simula ng lumipat ako sa boarding house na ito. bakit? ang hirap kasi mag-stay sa rizal, lalo na pag may client call. eto ang example.

client: available ka ba?
me: what time po?
client: ngayon na sana.
me: opo. kaso sa rizal pa ako manggagaling, mga 2 hours pa.
client: ganun ba? sayang. sige, next time na lang.

at sa ganong kabilis, maglalahong parang bula ang kikitain sana na pwedeng magamit sa mahalagang bagay (pambayad ng bills, pandagdag sa sari-sari store ng ate ko, or pampa-diamond peel ng alaga naming goldfish).

going back... halos anim na buwan na simula ng lumipat ako sa boarding house na ito. nung una, may kutob ako na bagama't magtatagal ako dito eh hindi ko masyadong makakasundo ang mga kasama ko sa bahay. mahirap maging pang-anim na miyembro ng bahay, lalo na kung yung first five eh talagang magkakabarkada na for years! pero dahil nga kailangan ko ng lugar na mas malapit sa siyudad, pinush ko na ang pagtira dito. wapakels na kung ma-o-op ako.

sa una, mahirap at nakakailang talaga. nandyan yung tipong sabay-sabay sila kakain ng lunch o dinner, tapos ako naman eh pupunta ng ministop. nandyan din yung mag-iinuman sila ng madaling araw sa sala, tapos ako naman eh pupunta ng ministop. minsan naman, pag weekend, gigimik sila. tapos ako naman eh pupunta ng ministop. minsan, nag-out of town sila. tapos ako naman eh pupunta ng ministop. at dahil sa mga pagkakataong yun, napagtanto ko... panira ng social life ko ang ministop!

isang gabi, pag-uwi ko galing sa raket, sinalubong ako ng nakakatawang banat ng isa sa mga housemates ko.

"ang sarap mo namang housemate."

akala ko naman eh he's pertaining na masarap ako as in yummy, delicious, delectable... yun pala may kasunod pa.

"bihira ka na lang halos dito sa bahay, ni hindi ka nga namin nakikita, pero nagse-share ka pa rin sa mga bills."

hindi ko maiwasang matawa sa banat na yun. pero may point s'ya. minsan, parang giant aparador lang talaga ang boarding house ko. uuwi lang ako dun para maligo at magbihis, then raket na naman.

pero nagkaroon din naman ng isang araw na tambay lang ako sa bahay... nagkataon pang weekend. at yun ang unang pagkakataon na talagang maka-mingle ko ang mga housemates ko. nakakatuwa kasi ang asteg rin naman pala nila kakwentuhan, kahit na ang naging kontribusyon ko lang sa kwentuhan na yun ay tawa at halakhak... ganyan kakukulit ang mga kasama ko. araw-araw simula noon, pakiramdam ko eh nasa comedy bar ako at primetime show na!

isang gabi habang abala kami sa panonood ng mga teleserye sa isang network, biglang nagkakwentuhan tungkol sa work. tanong dito, tanong doon, hanggang sa napunta sa akin ang tanong.

"ikaw ba teh? ano bang work mo? para kasing napaka-busy mong tao eh." (yup, "teh" ang tawagan sa bahay! hahahaha!)
"call center agent pag umaga."
"eh bakit laging gabi ka na umuuwi? minsan naman, uuwi ka ng maaga, tapos aalis ka rin agad."
"ahh... naggigym kasi ako."
"okay"

sa mga oras na yun, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sabihin ang susunod na statement...

"tsaka nagsa-sideline din ako ng masahe."

nanlaki ang mata ng iba sa mga housemates ko, habang yung iba naman eh natawa na lang. hanggang sa may nagtanong kung totoo daw ba yun. eh dahil yata seryoso ang mukha ko (kahit nakangiti ako) eh na-confuse na rin sila kung totoo ba yun.

para patunayan ang kontrobersyal na statement, pinakita ko sa kanila ang isang website kung saan ako naka-advertise, pagkatapos ay ipinakita ko sa kanila ang blog na ito. pero, sa totoo lang, natatakot ako kasi baka kung anong sabihin nila. pero ikinagulat ko na instead na pangungutya at pandidiri, curiosity pa ang bumalot sa kanila, at parang tuwang-tuwa pa sila na may kasama sila sa bahay na pokpok. nagtuloy-tuloy ang kwentuhan tungkol sa propesyon ko, at sa mga minutong yun ay nakakatuwang nag-open up ako sa kanila tungkol sa isang bahagi ng buhay ko na kahit ako ay hindi sigurado kung dapat ko bang ika-proud o dapat kong ikubli.

at ngayon, ilang buwan matapos ang nasabing conversation, ay tuloy tuloy pa rin ang suporta nila sa akin. minsan nga, nakakatuwa kasi sila pa mismo ang nagbibigay sa akin ng client referrals. at nakakataba rin ng puso everytime malalaman ko na binabasa pala nila ang blog ko. nakakatuwang isipin na ang mga taong ito, bagamat hindi nila ako lubusang kilala, ay hindi nangahas na mangutya sa trabaho ko. hindi ko man lang nabakasan ng pandidiri o ng pangmamata ang kahit sino sa kanila, considering na lahat sila ay professionals. ang sarap isipin na mula sa pagiging stranger, sa pagiging "it guy," ngayon ay binibilang na nila ako bilang isa sa mga kaibigan nila.

naranasan ko na ang sumabay sa kanila sa lunch at dinner. naranasan ko na makigulo sa inuman nila. naranasan ko na ang makasama silang gumimik. although hindi ko pa nararanasan ang makasama sila sa out of town, nakaplano na ito sa mga susunod na buwan. at, bilang ganti... isinama ko sila sa ministop!

at kanina nga lang... inatasan pa nila akong maging live correspondent para i-update sila sa mga happenings sa Miss Universe bilang dalawa lang kaming makakanood ng live sa bahay. nakakatawa lang ang kulitan namin, at kung paano akong awayin ng nag-iisang kasama ko sa bahay nun kasi online ako at nauuna yung update ko kaysa sa pinapalabas sa tv. haha!

alam kong marami pang darating na makukulit at masasayang araw kasama ang mga housemates ko, and i can't wait for those moments.

sa pitong baklang housemates (nadagdagan kami ng dalawa... and actually, yung isa, babae. pero babaeng bakla naman. yun namang isa, pre-op transgender) ko sa bahay ni kuya... salamat sa pagtanggap at salamat sa kabutihan. here's to our bonding and friendship. and, please lang... maghugas na ng pinggan at baka mapalayas pa tayo ni Tyra... kung sino man sya!

6 comments:

  1. natawa ako sa sulat paalala ni tyra, kung sino man sya.

    sa kwento mo, parang gusto na kayo maging housemate. saan ba yan? kung kumpleto na kayo, madalaw man lang.

    erik

    ReplyDelete
  2. nyaha! ang drama naman ng Tyra na yan teh! sabunotan nayan!!

    pero seriously, it's really nice that you get along with your housemates ☺

    ang sagot ko lang kay Tyra: bakit? wala bang KKH (kanya-kanyang hugas)?

    ReplyDelete
  3. LOLS, para lang ANTM Cycle 17 - Ang (Mga) Naggagandahang Tenent Mowdels!

    ReplyDelete
  4. naghahanap din ako nang boarding house... gus2 ko ring maging tenent hahaha

    ReplyDelete
  5. natawa ako dun ..bilang ganti isinama ko sila sa ministop!!...saang ministop toh? di kaya kayo yung minsang nakasabay ko na naghaharutan?hahaha

    ReplyDelete
  6. Nakakatawa yung Tyra Mail please! Huwag kase puro chupa! Dapat malinis din naman talaga. :)

    ReplyDelete