aaminin ko... sumali ako sa Love Yourself photoshoot noon because i find it fun. marami akong makikilala at makakahalubilong tao, not to mention the asteg na photo that i will get and the cute shirt. pero as i mingle with this people, ang daming nagbago.
nagsimula akong maging aware what hiv is all about. and, mind you, lahat talaga ng alam ko about it eh naiba. maling-mali pala ako sa mga pag-aakala ko. so, with that, mas naging curious ako sa mga information na related sa pinag-uusapang sakit na ito.
at hanggang eto nga, mula sa curiosity, eh naging mas hands-on ako sa pagpopromote ng mga events at activities na related sa hiv awareness. photoshoots, movie screenings, testings and counsellings. karamihan ng ito ay binabanggit ko sa blog at maging sa personal fb account ko. hanggang pati sa text brigade eh dinala ko na ang pagiging "advocate" ko. at umabot pa sa point na personal ko nang iniinvite ang mga kaibigan ko.
pero, sa totoo lang, all of this is because of fun. i just find doing these things cute. parang nakakataas ng estado sa buhay. parang feeling ko, mas may "edge" ako kumpara sa iba kasi nagiging mabuting propeta ako. pakiramdam ko eh asteg ako kasi i help promote a message that these advocates ar seriously spreading. it's all about fun for me.
never have i thought na from being fun, things will be serious.
a close friend of mine asked if we can meet somewhere and have dinner. nagkita kami sa megamall and had our dose of fastfood pasta and fries. kain lang kami ng kain when i noticed na parang medyo gloomy sya.
"may problema ba?" tanong ko habang pinapaikot ko ang tinidor ko sa spaghetti ko.
"wala naman."
"sure ka?"
"um..."
at bigla na lang sya natahimik at natulala. hanggang sa tumingin sya sa akin, maluha-luha.
"friend... positive ako."
hindi ko na kailangang i-confirm kung ano yun. agad ko hinawakan ng mahigpit ang kamay nya at nanatili lang na tahimik, sakaling may gusto pa s'yang sabihin. tuloy-tuloy lang s'ya sa pagsasabi ng mga worries n'ya. at patuloy lang ako sa pakikinig. salamat naman at matapos din ang ilang minuto ng pag-uusap at pagpapayo ay kumalma na rin sya.
but this rang a bell in my mind. hindi na biru-biruan ang isyung ito. seryoso na. and on that note, ipinangako ko sa sarili ko na tumulong at makatulong sa kahit anong paraan in order to spread the word.
kailan lang, isa sa mga readers ng BoyShiatsu, itago natin sa pangalang Jao, ang nagtext sa akin at sinabing magkakaroon sya ng hiv testing as recommended by his doctor, at sinabi nya sa akin ang kaba at takot na nararamdaman n'ya. alam ko ang mga dapat sabihin, pero minarapat kong i-refer sya kay Papi James as he is a trained counselor. ibinigay ko ang number ni Jao kay Papi James at tinawagan n'ya ito. and, an hour after, i got a message from Jao na talagang nakataba ng puso ko...
"salamat ha! utang ko sa inyo ni James itong courage ko to take the test. thanks for making me feel a lot better."
nakakatuwang isipin na may mga taong nagtitiwala sa akin tungkol sa mga isyung hiv. at nakakatuwang isipin na nakakatulong ako sa ibang tao tungkol sa isyung ito. bagama't masahista lang ako, hindi ako tapos ng isang magandang paaralan, ni walang matinong trabaho, at hindi ako dumaan sa ano mang training, alam kong may kakayanan akong tumulong sa iba tungkol sa usaping hiv. wala naman kasi yan sa natapos, sa propesyon, sa estado ng buhay, o sa gandang lalaki... ito ay nasa sinseridad mong tumulong at makatulong. and, kung noon ay hindi, ngayon ay masasabi ko nang seryoso na ako sa adhikaing ito. at hindi lang ito para sa akin... ito ay para sa milyun-milyong tao na nangangailangan ng sapat na kaalaman tungkol sa hiv at sa libu-libong hiv-posivite people na nangangailangan ng pang-unawa, pagkalinga, atensyon, at pagmamahal upang maramdaman nila na there's life even after the virus.
* * * * *
may gaganaping confidential hiv testing and counseling ang Love Yourself sa September 11 at Playroom in West Ave, QC. click here for location map and more info about the said event.
be not scared... it's time to get that baggage off your chest. it's not bad to know before it's too late...
I empathized. NIyaya ako ng kaibigan ko magroad trip lang some years ago. Nung napapansin kong malapit na kameng umabot ng Batangas, nagtanong na ko.
ReplyDeleteMy friend's FUBU's ex boyfriend was positive.
He tested negative, fortunately. And you can imagine the "'Yan ang sinasabi ko sayo" moments after.
Wan kyaw for a shirt, stylist and a photo?!
ReplyDeleteWhy not?!
I think it's time we give back to the community we have always talked about.
But I'm directionally challenged. darn.