"ok naman. sobrang busy sa mga reports."
"ouch! ok lang yan! ibig sabihin nyan, malaki na ang sweldo mo! hee hee!"
"bakit ka napamessage?"
"wala lang, nangungumusta lang naman."
"ok."
ayus lang sana na ganun yung flow ng conversation... kung hindi ang best friend ko sa dati kong office ang kausap ko... si Sam! (kamukha nya kasi si Sam Oh, and... yup, babae sya!)
nung nagwowork pa ako, hindi kami mapaghiwalay. kahit magkaiba kami ng grupo, madalas eh magkasama kami pag break. at pagkatapos ng shift, tatambay lang kami sa harapan ng office, magpapakalunod sa iced tea, at magkukwentuhan lang sa kung anong nangyayari sa mga buhay namin inside and outside the office (as if hindi namin pinagkukwentuhan yun during break hours). tapos pag weekend, magkatext pa rin kami, nagkukumustahan about how she spends the weekend with her hubbie and daughter, and how i spend my weekend just having a good time. tapos magkikita kami ng monday to talk about, again, our weekend. routinary, pero hindi nakakasawa. ang sarap ng pakiramdam na merong at least isang tao who you can talk to about almost everything.
but after i resigned, parang lahat yung eh nawala. hindi lang si Sam. nawala rin yung closeness ko with my team mates, yung mga ka-wave ko. nawala rin yung mga usapang walang saysay with people na naging ka-close ko na sa opisina. lahat nawala... kasabay ng pagkawala ng trabaho ko.
tama nga siguro yung sinabi ng isang kakilala ko dati... kahit anong gawin mo, at kahit anong pilit pa, ang kaibigang sa trabaho mo nakilala eh magiging kaibigan mo lang hangga't nasa trabaho ka. pagkatapos nun, wala na. pero, how does this apply to my line of job? hindi ko alam.
ilang opisina na ang napasukan ko... at ilang "best friends" na rin ang nagkaroon ako sa mga opisinang iyon. pero nasaan na sila ngayon... wala na. baka may kanya-kanya nang best friend.
well, nandyan pa rin naman si Kulot. pero, just like everyone else, he also has a life to live. and, unfortunately, his is full-packed! demanding work schedule. time with boyfriend. saturdays at school. weekends with family. it's more than a month na since nagkita kami, and almost 3 weeks na since the last time we texted.
hindi ko rin naman makausap ng maayos ang mga barkada ko nung high school. just like Kulot, they have their own lives to live. one just passed the board exam and is preparing her residency, while the other is very occupied with her work as a medical technologist.
kanina, lumabas lahat ng housemates ko, magkakasama. punta sila ng mall, then magsisimba, then dinner together... and no one asked me to join. well, besides, di rin naman ako makakasama kasi short ang budget ko.
mahigit dalawang libo ang friends ko sa facebook, at sa ngayon, dalawangdaan sa kanila ang online... pero wala man lang ako mai-click na kahit isa para makausap, kasi alam kong wala rin naman magiging saysay yung conversation.
and then, hoping that i can get at least a little bit of comfort from another friend, i texted him. and i got a very sincere reply... "hu u?"
sa mga ganitong panahon na natutuliro ka na sa buhay mo, parang things are going in the wrong places, mas kailangan ko ng kaibigan. yung taong makakausap mo, or kahit makinig lang sayo sa lahat ng frustrations mo about what's happening. an advice from them is not necessary, but knowing that someone is willing to listen to you as you vent out is a better comfort that having no one at all. yun lang naman ang hinihiling ko eh... mahirap ba talaga yun?
sabi ng iba... "aysus! emo ka na naman!" ang tanong ko naman, may masama ba sa pagiging emosyonal? may masama ba sa paghahanap ng belongingness na parang ang tagal ko nang hindi naramdaman? masama bang maghanap ng kaibigan? ang masakit pa dito, bakit pag sila naman ang nangailangan ng karamay eh nandyan ka, pero pag ikaw ang nangangailangan eh hindi sila mahagilap?
dati, naisip ko na kailangan masanay akong mabuhay mag-isa dahil hindi naman ako magkakaasawa at magkakaanak. pero hindi ko naman naisip na by saying that, eh kailangang wala rin akong kaibigan.
no man is an island... yan ang sabi nila... pero hindi ko maramdaman. hindi naman kasi ako parang Spratlys na pinag-aagawan ng dalawang bansa. sa bagay, sa Spratlys naman kasi, maraming langis... source of income. eh sa akin, ano bang mahihita? i'm a jobless guy, not to mention 3 weeks with no clients. i'm empty. and kapag wala nang laman ang pakete ng chichirya, ano bang ginagawa? itinatapon! i guess i'm just going to be trashed island for quite a long time... until i find someone who believes in the concept of recycling, or someone who believes na may pera sa basura.