sa pagrerecall ko, narealize ko na ngayon lang ako nag-birthday na walang saysay. walang ganap. nganga! kaya naisip kong hindi pwedeng matapos ang araw ng walang something special na nangyayari.
and isa lang ang agad pumasok sa utak ko... yakimix! pero dahil boring kumain sa buffet ng mag-isa (pag nabusog ka, wala kang makakwentuhan, so ang tendency, uuwi agad... sayang ang bayad!), kinailangan kong maghanap ng makakasama. pero dahil kapos ako sa pera, dapat kkb. hehe!
tinext si Kulot, bestfriend ko... hanggang 9pm ang work, hindi pwede.
inaya ang mga hausmates... walang anda at may mga pasok, hindi pwede.
tinext ang other friends... hindi sumagot yung iba, yung iba naman busy, hindi pwede.
ending... wala akong kasama!
out of desperation, nag-post ako sa facebook na gusto kong kumain sa yakimix. at salamat kay Buddha at naging successful naman ang desperate attempt ko... may nagreply sa status ko! at ayun... nagkaroon ako ng instant na kasama mula sa taong facebook friend ko lang... si Bimby!
dumating ako sa starbucks greenbelt kung saan namin napagkasunduang magkita ni Bimby. makalipas ang ilang minuto, here comes Bimby in his black jacker and demin shorts. in fairness... cute sya!
kaunting kwentu-kwentuhan habang naglalakad papuntang yakimix... puno! hindi lang puno! punong-punong-puno! in fact, overflowing pa! pero, kahit na. nagpalista pa rin si Bimby ng table for 2... at pang-26 kami sa listahan!
"mga one and hald hour to two hours pa to." sabi nya.
kahit na gutom na gutom na gutom na ako, pumayag na lang ako. buti na lang, gutom na rin si Bimby at naisipan nyang i-check ang isa pang asteg na buffet option.
"dads?"
kaso, i want loads of sushi, so i declined. pero may kontrabelo ang mokong.
"dude! like there's a lot of sushi in dad's!"
aba! kinokonyo ako! tapatan ko nga.
"all right! *in my trademark pasosyal-pero-sexy-pa-rin accent. dad's then!"
at naglakbay kami ng ilang milya papuntang dad's, which is okay din... para mas magutom kami! got our table (walang masyadong tao) and started pigging out. kumuha ng isang plato, pinuno ng samu't saring sushi, isang plato for grills, and tig-isang plato sa kung anik-anik na pagkain. umorder ng drink-all-you-can na iced tea (na may libreng stuffed toy... kainis nga lang kasi naubusan ako ng stuffed toy na christmas tree!) at pagkatapos ay nagsimula ang kilanlanan. dun ko nalaman na...
1. he's also from my hometome pala!
2. kilala n'ya ang ilan sa mga super close friends ko nung high school.
3. he's also a school paper writer nung high school sya.
4. he's also into "high" stuff like me! (ehem ehem!)
nakakatuwa na itong estranghero na ito (na dalawang beses ko na daw nireject sa facebook! ahaha! sorry naman!) eh someone pala na connected na sa akin long before. kung bakit hindi nagkrus ang landas namin, hindi ko alam. pero kung nagkrus man... malamang taken na ako! (kapalmuks lang! hahaha!). enjoy ang kwentuhan. at pagkatapos pa, nilibre nya pa ako ng dessert! bizu macarons! super yum!
nagpasama rin pala si Bimby sa hermes, may titignan daw sya. hermes... sosyal! well, halata namang sosyal si Bimby. pag katabi ko sya, mukha akong bodyguard... o kaya naman eh presidente ng fans club! pumasok kami sa nasabing tindahan at dumiretso sya sa istante ng mga bangles at bracelet.
"miss, how much is this silver bangle with the keme keme keme (nakalimutan ko yung exact words nya eh, basta ang tinatanong nya is yung silver na bangle na may black na letter h.)"
"this one?" turo ng sales lady na fresh na fresh.
"yes."
"it's 35 thousand."
napalunok ako nung narinig ko yung presyo! anak ng puting pating! tatlumpu't limang libong piso?! para sa bracelet?!
"okay. may iba bang kulay?" kaswal na tanong ni Bimby.
"well, sir, we have this gold one. shemer shemer shemer (describe lang si ate ng specifications ng bangles... yes... may specifications ang bangles! parang cpu lang!)."
"and is it the same price?"
"it's 39 thousand."
that time, hindi lang lunok ang ginawa ko... lunooooooooooooooookkkkkkkk!!!!!!! anak ni Ramon Revilla naman! 39 thousand! bracelet! aysus! eh makakabili ka nga ng ganung bracelet sa quiapo sa halagang sikwenta pesos eh! tsaka ang liit liit nung bracelet, hindi naman halatang mamahalin, at hindi rin naman mahahalata pag suot mo! pero hindi na lang ako nag-react, mahirap na no. baka ano pang masabi ni Bimby.
lumabas kami ng hermes at natawa ako sa reaction niya...
"putangina! ang oa sa mahal ha!"
good! apparently, we're on the same wave pala! haha! gala pa ng kaunti sa landmark, tingin ng mga mamahaling bags (price range: 10 thousand to 25 thousand). wow! samantalang ako, kwarenta pesos lang ang yellow triangle bag ko. 25 thousand for a bag... sus miyo! mapapakain mo na sa dad's ang isang pamilya sa ganung halaga... for one week!
"grabe! sosyalin ka talaga." bati ko kay Bimby matapos naming lumabas sa isang store ng mga dance and ballet shoes.
"haha! hindi naman!"
matapos ang dinner at kaunting gala ay naglakad na kami pauwi. kwentu-kwentuhan lang, and i found out one more linking factor between me and him...
he actually reads my blog, but he has no idea that it is me! natawa pa sya nung sinabi kong ako si Boy Shiatsu. kool!
inihatid pa ako ni Bimby sa sakayan ng bus when i told him something na kanina ko pa gustong sabihin sa kanya.
"ang bigat ng tiyan ko... napu-poo-poo ako!"
natawa si Bimby sa sinabi ko, pero malugod naman nyang ini-offer na pumunta kami sa bahay nya (na super lapit lang naman). at least i won't feel uneasy habang nasa byahe. at mahirap nang magkalat sa bus... i don't want my birthday memory be ruined by such "memory." hahahaha!
sugod sa bahay nila, diretso agad ako sa cr at inilabas ang masamng dullet ng buffet. habang nagbabawas, panay pa ang chant ko...
i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...
i will never eat at buffets again...
hanggang sa nakaraos. so, pwede na ulit ako kumain sa buffet!
kaunting kwentuhan at chismis pa with Bimby, and we called it a night. went home with a smile on my face, happy to think that it's actually fun to spend dinner with a total stranger. thanks for the night Bimby.
at bakit nga pala BS meets BS?
thru text...
him: blog about our meet up ha! i'll wait.
me: haha! sure! anong name gusto mo?
him: suggest
me: hmmm... Pepot?
him: yuck!
me: ano ba gusto mo, yung sosyal?
him: like what?
me: like your real name!
him: gagu! hahaha!
me: *sends him a long list of names that crossed my mind*
him: Boy Suplado!
me: tama! BS meets BS
kung bakit Boy Suplado... it's our secret na lang! ;-)
* * * * *
ps: edited post, changed name to Bimby... kasi kabuhok nya si Bimby/Baby James! so BS now stands for Bimby Suplado! :-)
Putang-ina!!! 35K na bangle???
ReplyDeleteExag naman ung nag-mukha kang bodyguard... Ahahahaha!
-Pet
Happy Birthday Kenneth.
ReplyDeletelove,
Emong
Bet ko 'yung chanting kemme. And yes, mahal talaga ang Hermes na bangle. Tengene ano namang mapapala mo sa ganun? iYakimix mo na lang.
ReplyDeletewala bang ngyaring sex?
ReplyDeletePet... totoo naman eh! nagmukha akong bodyguard... poging bodyguard! yung tipong ka-level ni Kevin Costner. tapos si Bimby si Whitney Houston! hahaha!
ReplyDeleteEmong... salamat po!
Mr. Kemme... eh kasi naman, sumakit talaga ang tiyan ko dahil sa buffet na yan! ahahaha!
Mr. Walang Sex... kaya nga eh! wala man lang nangyaring sex after. sayang! bwahahaha!
ano ba kasing fb account mo ng ma add na kita, para isang wall mo lang may ksama kana kgad hehehe
ReplyDelete-masterbaker
nung nabanggit pa lang na Bimby sa simula naisip ko siguro kamukha ni Bebe James. close enough, kahawig sa hair pala.
ReplyDeleteNext time go to Sambu Kojin! :)