24 December 2011

The Jail Before Christmas

matagal ko nang client si Sir Charlie... regular ko na... at masasabi kong kahit papaano eh magkaibigan na rin kami. isang araw, nagtext sya para magpservice. at agad naman akong pumunta sa place nya. matapos ang service, we had dinner muna (early celebration daw ng christmas). he cooked pasta. then he asked me to place my ipod in his ipod dock and play christmas songs.

bs: wala akong christmas songs sa ipod eh.
c: ganun ba? kahit anong masayang song na lang.
bs: wait, asan yung ipod mo?

at doon na nga naikwento sa akin ni Sir Charlie ang nangyari. the day before pala, he invited someone in his place (kung casual sex, or paid, hindi ko alam). basta ang nangyari na lang daw is nakatulog sya and then paggising nya, wala na ang ipod nyang mamahalin. at ang iphone nyang mamahalin. at ang charger na mamahalin ng iphone nyang mamahalin. at ang swiss watch nyang mamahalin. at ang sunglasses nyang mamahalin. at ang tie clip nyang kwarenta pesos.

bs: shit! grabe naman yun!
c: kaya nga eh.

dinaan ko na lang sa kulitan ang dinner namin ni Sir Charlie para naman kahit papaano ay gumaan-gaan ang loob nya. then, bago ako umalis...

c: wait, save mo yung number ng guy. baka mamaya i-hire ka nun tapos kung ano pang gawin sayo.
bs: sige po.

i dialed the number... and to my surprise... naka-save na pala sa phonebook ko yung number! he is someone i know. he is someone na naka-panaig ko na before (casual sex). he is someone named Marky!

bs: um... sir... kilala ko po yan!
c: ha? talaga?
bs: opo! na-meet ko na sya dati.
c: whoah! small world ah!
bs: gusto nyo sir try ko kontakin?

pumayag si Sir Charlie sa idea. i guess i was inspired with that happened dun sa nagnakaw ng phone ng friend ko, and hoping that the idea will work, i called Marky. a few rings, and he answered.

bs: hey! kumusta?
m: uy! ayus naman! kaw?
bs: ayus rin. asan ka?
m: papuntang cubao? bakit?

at na-blanko na ako sa sasabihin ko... so i just blurted out the first idea that crossed my mind.

bs: oh! talaga? naka-check-in ako sa cubao.
m: sino kasama mo?
bs: wala. bakit ka ba pupunta sa cubao?
m: wala lang.
bs: meet tayo. text ko sayo motel and room number.
m: sige

and just like that, i was able to set an appointment with the guy who stole Sir Charlie's stuff.

bs: ayun! sir. i can meet him.
c: sama ako. let's confront him. ang dami nung nawala no.

nag-prepare kami ni Sir Charlie at agad na sumugod sa cubao. nag-check-in sa isang motel at agad kong tinext si Marky. habang naghihintay, nag-usap kami ni Sir Charlie kung ano ba ang gagawin naming tactics. mabuti naman at kalmado lang si Sir Charlie. ang mahalaga lang sa kanya ay makausap nya si Marky at maisauli sa kanya ang mga gamit nya ng kalmado. makalipas ang 30 minutes, may kumatok na sa pinto. agad na nagtago sa cr si Sir Charlie at ako naman ay pumunta sa pinto. pumasok si Marky.. pero may napansin ako... parang wala sya sa wisyo. there is something wrong. upon closer look... i figured it out...

Marky is drugged!

halatang bangag si Marky nung pumasok sya sa kwarto. kaunting kwentuhan, at naisipan nyang mag-cr. laking gulat nya na lang ng nakita nyang lumabas ng cr si Sir Charlie.

c: hello!
m (to me): bakit nandito to?
bs: i heard what happened. labas muna ako. mag-usap kayo.
c: usap lang tayo. labas muna sya.

lumabas ako ng kwarto at tensyonadong naghintay sa labas. maya-maya pa, nagtext na si Sir Charlie na pwede na daw ako pumasok ulit ng kwarto.

c: naisauli na sa akin itong relo at yung ipod. yung iphone na lang ang kailangan ko. yung charger, shades, tsaka tie clip, hayaan ko na.
bs: o, eh nasaan yung iphone?
m: dala ng kaibigan ko.
bs: ha?

at ikinuwento sa amin ni Marky. naka-check in na daw pala sya sa same motel bago pa ako tumawag sa kanya. bago daw sya pumunta sa room namin, umalis lang saglit yung kasama nya sa kwarto at hiniram yung phone nya (so he started using the phone pala after he stole it). pero pabalik na daw

bs: eh kaninong phone yang hawak mo? (he was holding a nokia phone)
m: spare phone ko.
bs: hinayaan mo ang ka-partee mo na hiramin ang phone mo? eh for sure hindi mo kilala yun.
m: si Jasper! yung kasama natin nung pumartee tayo!
bs: si Jasper? yung friend mo?
m: oo!
bs: okay. so wait... so dala nya yung phone mo?
m: oo. malapit na daw sya.
bs: and dala nya yung phone nya?
m: oo.
bs: okay. i'll call him.

at tinawagan ko nga si Jasper.

bs: hey! sup?
j: okay lang. napatawag ka.
bs: asan ka?
j: um, nandito sa *mentions name of motel*.
bs: kasama mo si Marky?
j: i'm waiting for his text. why ba?
bs: so nasa baba ka?
j: oo.
bs: okay. stay there.

at agad agad akong bumaba to meet Jasper. siguro dala na rin ng init ng ulo, medyo naging confrontational ako.

bs: hey!
j: uy, kumusta?
bs: where's the iphone?
j: anong iphone?
bs: sabi ni Marky you have the iphone daw.
j: ha? what the fuck is happening here?

and with his reaction... i got it... Jasper obviously is not involved in this mess. i calmed myself down and told Jasper what's going on. and, ayun nga... nagtugma ang story ko sa mga text na ipinabasa sa akin ni Jasper from Marky.

text from Marky: tol, just help me get out of this place. sorry to do this to you. mamaya ko na explain. basta maki-ride ka na lang sa akin.

at dahil nainis na rin sa nangyari, i was able to convince Jasper to go up with me sa kwarto and talk to Marky. we got up and got in... at sobrang nagulat ako with what Sir Charlie told me.

c (bumulong sa akin): nag-drop sya ng isang ecstasy cap.
j (shouting at Marky): what's this Marky? what's this?

pinakalma ko lang ang sitwasyon. obviously, lahat sila eh hindi matino. si Sir Charlie ay galit at decided na makuha ang mga gamit nya, si Jasper eh galit dahil nadadamay sya sa kalokohan ni Marky, at si Marky naman ay sabog at defensive. ako lang ang medyo sane, kaya ako na ang gumawa ng effort na mapakalma silang lahat. hanggang sa finally, naging okay na ang lahat. then Sir Charlie popped the question again.

c: so, nandito si Jasper, pero wala sa kanya yung phone. nasaan yung iphone?

nakita ko ang transition ng mukha ni Mark from being scared to mad.

m: putangina! let's assume na nabenta na kung nabenta! eh ano ngayon?
c (kalmado pa rin): okay. so kung nabenta, then you must pay me with the equivalent price of the phone.
m: eh wala akong pera dito!
c: binenta mo pero wala kang pera?
m: we're just assuming na nabenta.
c: eh nasaan ba kasi yung phone?
m (talking to me): hindi sya yung Jasper na sinasabi ko, yung isa pa.
bs: ha? eh sya lang naman ang Jasper na common friend natin.
m: yung isa pa! Jasper din name nya!
bs: ha? alam ko Jason ang name nya.
m: Jasper din ang name nun.
bs: so you're saying na si Jason, or the other Jasper, is the one who has the phone?
m: oo.
j: bullshit! then ano tong mga text mo?
bs: kalma lang Jasper. i'll call Jason.

and i tried calling Jason... pero walang sumasagot.

bs: no answer. if he really has your phone and he's on his way back, siguro naman gising sya so makikita nya na may tumatawag sa phone nya.
m: putangina! putangina! putangina!
c (pasigaw): NASAAN BA KASI YUNG IPHONE?

at dahil sobrang tensyon na ang nangyayari sa kwarto, i requested Sir Charlie and Jasper to stay in the other room (where Marky is checked-in. wala na syang kasama) so i could talk to Marky. paglabas na paglabas nila ng kwarto, agad akong niyakap ng mahigpit ni Marky at umiyak. iyak lang ng iyak si Marky habang magkayakap kami. i tried calming him down and quietly comforted him. habang umiiyak, dun nya ikinuwento kung ano ang nangyari.

he is in a partee a few hours bago sya ininvite ni Sir Charlie sa place nya. drugged and wala sa tamang katinuan, na-convince daw sya ng mga kasama nya na pumunta sa place ni Sir Charlie and take whatever valuable things he can find in his place para may pang-amats pa sila. and he did what was instructed of him. nung medyo matino nya sya, dun nya lang na-realize what he did. dahil sa takot na hawak nya ang iphone ni Sir Charlie at ring to ng ring, ipinaubaya nya sa mga kasama nya ang next step... and they decided to sell the phone and use all the amount to buy more ecstasy capsules. and he got two capsules out of all they bought. kaya sya nasa motel din that night because he is parteeing with another guy.

hindi ko alam kung totoo yung kwento nya, pero with how he crashed and broke down, alam kong it's not the right time to confront him. kinalma ko lang sya at niyakap habang iyak ng iyak, hanggang sa finally ay nakatulog sya. i texted Sir Charlie para bumalik na sila sa kwarto. si Sir Charlie lang ang bumalik, Jasper decided to leave dahil hindi nya daw kayang harapin si Marky at ang tensyon ng sitwasyon. pagbalik ni Sir Charlie sa kwarto, i told him what Marky told me. he understood naman, kaya hinayaan nya lang na magpahinga si Marky. and nag-isip na lang kami ng possible way out. ang naisip namin is kukunin namin whatever valuable stuff Marky has as a collateral hangga't hindi naisasauli o nababayaran ni Marky yung phone. sounds legit.

maya-maya pa ay nagising na si Marky... pero halatang sabog pa rin sya. though mas kalmado sya ngayon, i cannot deny that he is still under the influence of the drug. kulang pa yung rest nya. hinayaan ko lang na mag-usap sila ni Sir Charlie, so that Sir Charlie can explain what setup he wants. nagulat na lang ako dahil nung sinabi ni Sir Charlie yung plan nya, bigla na lang nagalit si Marky at nag-threat!

m: tangina! kukunin mo nga gamit ko? eh gago ka pala eh! that's invasion of privacy and personal stuff!
c: but you took my phone! isn't that invasion?

at dahil na sa sobrang galit, kinuha ni Sir Charlie ang phone at bag ni Marky na nakapatong sa kama!

m: putanginamo! mali yang ginagawa mo! pwersahan mong kinukuha mga gamit ko!
c: but you have my phone! gamit ko yun?
m: bakit? pwersahan ko bang kinuha yun?

alam kong baluktot na ang mga reasoning ni Marky, at sobrang tensyonado na talaga ang kwarto. dahil puyat at pagod na rin, hindi ko na magawang awatin ang dalawa. buti naman at walang pisikalan na nagaganap.

c (talking to me): tara na. check out na tayo tutal nasa akin na yung mga valuables nya. pahiram nga ng pen ang paper.
bs: *nag-abot ng pen and paper galing sa bag ko*
c: *nagsulat sa pen and paper at iniabot sa akin.* isulat mo number mo. *i wrote my number.* there! you have my name and his name and our numbers. contact us pag maisasauli mo na yung phone, and that's the only time you can get your stuff.
m: ah! ganun ha?
c: tara na!

at lumabas kami ng kwarto. nagulat kami ng humabol sa amin si Marky at instead na gumamit ng elevator ay gumamit sya ng hagdan. nasa elevator kami ni Sir Charlie at may idea na naglalaro sa utak... at tama nga ang hinala ko.

pagbaba namin ng ground floor, nakatayo na si Marky sa pinto... at ayaw na kami palabasin ng guard. inireklamo kami ni Marky at tumawag na rin sya ng pulis na susundo sa aming tatlo! dahil ayaw na rin ni Sir Charlie ng gulo, nakisakay na lang kami sa nangyayari. ilang minuto pa, dumating na ang mga pulis, sinundo kaming tatlo, at dinala kami sa presinto. dahil may inaayos pang blotter case ang mga pulis na nasa istasyon, pinag-stay muna kami sa isang kwarto para makapagpahinga. matagal ang proseso, inabot kami ng halos isang oras na naghihintay sa kwarto. at nakatulog pa kaming lahat. ginising na lang kami ng pulis when it's our turn for the blotter.

unang kinausap si Marky. pagkatapos ay si Sir Charlie. at lastly, ako. pagkatapos, kaming tatlo na ang kinausap. kinukumbinse kami ng pulis na magkasundo na lang dahil magaan lang naman ang issue. pero talagang nagmamatigas si Marky. hanggang sa mismong yung pulis na ang sumuko.

pulis: kung hindi kayo magkakaroon ng kasunduan, mapipilitan kaming i-hold kayo dito sa presinto hanggang sa dumating yung piskal. eh holiday, so sa 26 pa yun.
c: okay na sa akin na kahit yung phone mo na lang ang panghawakan ko hangga't di mo naisasauli yung phone ko. para lang matapos na. ayoko na talaga ng gulo.
m: ako, gusto ko na ng gulo. wala akong pakialam kung magkakaso tayo
bs (bumulong kay Sir Charlie): sir, ayoko po magkaroon ng kaso.
c (pabulong sa akin): ang tigas ng ulo nitong gagong to.
Marky: magkakulungan na. madali ko naman mabubura yung kaso against me kasi iglesia ako. eh kayong dalawa? anong mangyayari sa inyo? kawawa naman kayo.

pagka-mention nya ng words na "kaso" at "iglesia," bigla akong nabalot ng takot at pangamba. malinis ang pangalan ko sa pulis at ayokong madungisan ito ng dahil lang sa isang kalokohan na hindi naman talaga ang ang gumawa. as for the iglesia, wala akong concrete evidence, pero marami na akong naririnig na kwento tungkol sa impluwensya ng iglesia sa kapulisan at sa malalaking kompanya sa bansa. basta, binalot ako ng takot. hindi ko mapigilang mapakislot at maiyak pagkabanggit nya ng mga salitang iyon. pinapakalma lang ako ni Sir Charlie habang si Marky naman at nakangising-demonyo lang.

pulis: sige, mukhang wala kayong mapagkasunduan. wala na sigurong choice kundi i-hold kayong tatlo.
c: teka lang po sir, pag-usapan ulit namin.
pulis: sige

at pumasok ulit kaming tatlo sa kwarto kung saan kami unang pinaghintay. dito na talaga ako bumuhos ng iyak. lumapit ako kay Marky at niyakap ko lang sya.

bs: bakit kailangang ganito ang mangyari Marky? i know you're a good guy. it doesn't have to end this way.
m: napasubo na ako. kailangan ko na panindigan to. ayoko namang mapahiya lang.
bs: but not this way! pwede namang daanin sa maayos na usapan diba?
m: hindi ko alam. naguguluhan na rin ako.
c: i think we all need to rest.

humiwalay ako sa pagkakayakap kay Marky at tumabi muna kay Sir Charlie. napansin ko na parang natulala lang bigla si Marky after ako humiwalay sa kanya.

tahimik. walang kibuang nagaganap sa aming tatlo. nakadantay lang ako sa balikat ni Sir Charlie habang nakayakap sya sa akin. si Marky naman ay tulala sa isang tabi, pero may luhang tumutulo sa mata nya. hindi namin namalayan na mahigit isang oras na pala kaming hindi nagkikibuan.

lumapit sa amin si Marky. that time, nakita ko... hindi na sabog si Marky. wala na ang tensyon sa mata nya. i guess the drugged is washed up na.

m: i'm sorry.
c: okay lang yun.
m: i'm really sorry.
c: it's okay.

finally, when all of us are calm, iniwan ko sa kwarto yung dalawa. maya-maya pa, lumabas na sila at kinausap na ang pulis. napagkasunduan ng dalawa na iiwan ni Marky ang mga valuables nya kay Sir Charlie at magkikita ulit sila after a week para mabayaran ni Marky yung iphone.

pumirma kami sa blotter na ginawa sa police station, at umuwi sa kanya-kanyang bahay. i got home with text messages from Sir Charlie and Marky.

Sir Charlie: maraming salamat! i did not expect you to do that much for me. you are a wonderful guy.
Marky: salamat, and i'm really really sorry. salamat kasi kahit masama yung ginawa ko, you did not judge me, at hindi mo ako pinabayaan. don't worry, tutuparin ko yung usapan namin ni Charlie. i was amazed by your wisdom. salamat talaga.

at nakatulog na ako ng mahimbing that time... nakatulog ako ng mahimbing dahil nakatulong ulit ako sa isang kapwa. nakatulog ako ng mahimbing dahil naambunan ko ng wisdom ang isang kaibigan ko, wisdom na kahit ako eh hindi ko ineexpect na meron pala ako. nakatulog ako dahil nawala na yung kaba sa akin na magpapasko ako sa loob ng kulungan. nakatulog ako dahil nagkaroon na naman ako ng isang karanasan that defines what christmas is all about...

maligayang pasko sa ating lahat.

10 comments:

  1. nice one kenneth! you live by being a blessing to others.. Merry Christmas!

    ReplyDelete
  2. Niceo story..Merry Christmas Boy Shiatsu!

    ReplyDelete
  3. Wow.... ok a.. hindi ka lang masahista.. ok yang ginawa mo... sana tuloy tuloy yang ginagawa mo...

    ReplyDelete
  4. You are a blessing, BS. Happy Christmas. :)

    ReplyDelete
  5. Interesting story Boy.

    But I think you need to clarify the word 'Iglesia' used in the story. There are different religious sects with the word 'Iglesia' in their name. I'm sure you dont want to sound racist nor offend readers who might be part of these religious groups.

    ReplyDelete
  6. whatta day . . . .


    jio

    ReplyDelete
  7. I love you, Boy Shiatsu :) Happy Christmas!

    ReplyDelete
  8. Merry Christmas Kenneth!

    _JD_

    ReplyDelete
  9. galing mo talaga magsulat... happy new year BS!

    ReplyDelete
  10. Lalo akong napahanga sa pagbasa nitong kwento mo. :)

    It would be a great privilege to meet and talk with you. Maybe you can also impart me with your wisdom.

    Best regards.

    ReplyDelete