* * * * *
"alam mo, isang nakakatuwang characteristic mo is sobra kang brotherly."
akala ko nang-aasar yung kaibigan ko at pa-punchline na iyun ang rason kung bakit hindi ako makita ng mga prospects ko as potential boyfriend. pero hindi naman pala. nakakatuwa daw kasi yung ugali ko na sobra akong maasikaso at talagang lagi kong iniisip ang kapakanan ng mga kasama ko, especially yung mga nakababata sa akin.
bunso ako sa aming dalawang magkapatid, kaya hindi ko maintindihan kung paano ko na-gain ang brotherly attitude ko. ewan ko, pero nakasanayan ko na talaga na siguraduhin that everyone is having a good time kapag nasa mga party, that everyone is safe kapag uuwi na, and that everyone is feeling good sa mga gatherings. nandyan na rin yung nakikitulong ako sa pagliligpit sa mga handaan, sa mga sleepovers, at kahit sa mga sex orgies (haha!). but most of all, hindi nawawala sa akin yung concern ko sa mga kasama ko.
umuwi ako sa rizal nung pasko. bitbit ang mga ambag ko para sa noche buena (bonchon, cake, tinapay, hotdog, etc) at mga regalo, dire-diretso akong pumasok sa bahay ni ate. nagulat pa sya sa pagdating ko. pero hindi ko pa naibababa ang mga gamit ko ay lumapit na agad sa akin ang isa sa mga bata sa lugar namin.
"Kuya, ikaw ang maghohost ng christmas party mamaya ha."
i was like... wtf?!?! anong christmas party? ako? host?
taun-taon nang nakagawian ng mga taga-amin na mag-organize ng christmas party para sa mga bata tuwing 24th ng december. this time, ako ang napili nilang maghost... just like last year! kaya natawa ako na nagulat pa ako na ako ang piniling mag-host.
dumating ang alas-syete ng gabi. simula na ng christmas party. naririnig ko na ang mga makukulit na chikiting na takbuhan ng takbuhan sa bakanteng lote malapit sa bahay ni ate (doon gaganapin yung party). suot ang orange na clinique happy santa hat ni ate at umiilaw na glasses ng pamangkin ko, pumunta ako sa party para mag-host. nakakatuwa ang energy ng mga bata ng sabay sabay silang sumigaw pagdating ko.
"meri krismas kuya!!!"
hindi ko na generation ang mga batang ito. it's been 8 years since the time we left that area (after my mum and dad broke up) at honestly eh hindi ko na kilala ang mga batang nasa harapan ko that time, pero nakakataba ng puso na tawagin pa rin nila akong kuya (kahit siguro eh hindi nila ako kilala).
sinimulan ang party sa walang kamatayang newspaper dance. at sinundan ng walang kamatayang calamansi relay, hipan ang harina sa garapon at kunin ang piso, pahabaan ng meri krismaaaaaaaaaaaaaaaaassssssssssssssss, at pinoy henyo. then raffle (oo! may raffle ang christmas party ng mga yagit! asteg!). ang likot likot ng mga bata, kaya umandar na naman ang pagiging kuya ko sa paghabol sa mga letseng batang ito, tapos dadalhin ko sa upuan, then hahabol ng panibagong bata only to find out na nanakbo na naman yung una kong pinaupo. nakakapagod, pero masaya.
time na ng exchange gift. pinabunot ang bawat bata ng number. at kung anong number ang makuha nila, yun ang regalo nila. nagulat ako kasi nung tapos na ang exchange gift at oras na para kumain, kinuha ng isa sa mga batang nag-organize ang mic sa akin.
"okay! palakpakan tayo para kay kuya! asan yung regalo?"
at from nowhere eh inilabas ng dalawang bata ang isang kahon at iniabot sa akin. nakaka-touch. pinilit pa nila akong buksan na yung regalo. bimpo. sobrang di ko mapigilang mapangiti dahil dun.
oras na para kumain. binigyan ang bawat bata ng baso ng sopas. may ilang mga maliliit na bata na nahirapan sa pagkain kaya sinubuan ko pa sila. at syempre, nandyan pa rin ang mga nagtatakbuhang bata na kailangan habulin.
natapos ang party. bumalik na ako sa bahay at nakitang nagsisimula nang magluto ang ate ko.
"ano pwede ko maitulong?" sabi ko sa ate ko.
"ayusin mo na yung lamesa."
at sinimulan kong ayusin ang lamesa, at kasabay nito ang sunod-sunod na habilin sa ate ko.
"yung mga bata, papaliguin mo na. pawis na pawis kakatakbo kanina."
"yung cake na ipinatago sa kapitbahay (wala kasing ref si ate sa bahay), kunin na at ng mailagay na dito."
"ang mama, anong oras daw darating?"
"yung spaghetti, hindi mo pa ba iluluto?"
"yung mga regalo, ayusin na dito sa gilid."
sunod-sunod na utos. sunod-sunod na habilin.
"kuya? ikaw ang kuya? makapag-utos!" biro ni ate. pero alam nya naman na kaya ako ganun dahil gusto ko lang na maging perfect (or close to perfect) ang noche buena naming pamilya. minsan nga, naiisip ko... sa amin ng ate ko, ako yata ang mas matanda. kasi parang ako ang kuya sa aming dalawa. madalas pa nga noon na ako ang nagpapangaral sa kanya tungkol sa boyfriend nya (na naging asawa nya).
ang sarap ng pakiramdam na maging kuya... sayang nga lang at wala akong mas nakababatang kapatid. yun siguro yung rason kaya nagiging kuya ako sa karamihan ng mga nakikilala at nakakasama ko... which means... shit... ang tanda ko na!
Ang gaan ng pakiramdam lalo na pag mataas ang tingin ng mga mahal mo sa buhay sa iyo.
ReplyDeleteIbang klase ang post mong ito, KUYA Kenneth hehehe
ReplyDeleteAstig ni Kenneth...Ang bait mo nman...
ReplyDeleteputek!
ReplyDeletenakarelate din ako kuya shi!bunso kasi ako ngunit parang kuya ako makapag-asta sa mga kaibigan ko.i dont want to leave someone behind kasi eh...i dont want them to feel unwanted.
di ka naman matanda...mapagmahal lang.hehe
indiboi :P
nice post!
ReplyDeletehappy new year kuya...
sana mameet kita pag balik ko ng pinas...
rainheart a.k.a futureclient
Inisip ko tuloy kung ganito rin ako kaya wala pa rin akong jowa. Haha. Happy new year BS! :)
ReplyDeletepwede ba akong mag-apply na bunso mo?
ReplyDeletehaha:)
Hi BS,
ReplyDeleteNakakatuwa ka naman..parang ambait mong tao..i love the simplicity of your life..i can relate to you, bunso din kasi ako..btw, i've been an avid reader of your blog..i always check your blog but i don't post comments..ngaun lng. Just wanna say keep up the good work. I'm really curious kung anu itsura mo..hehe. I wanna see you!! haha. Hope we could be friends..you may want to check my FB, here's my email add.. alien_172004@yahoo.com. Belated Merry Xmas and Happy New Year!
Thanks,
-ALLAIN-
ahhhhh...pinaiyak mo naman ako ken....galing mo talaga.....boy of bats
ReplyDelete