16 December 2011

Paano Ang Pasko?

nagsimula na ang simbang gabi, hudyat ito na talagang papalapit na ang pasko. hindi ko nagawang umattend kanina kasi tulog ako at hindi ako nagising (at tsaka hindi rin naman ako roman catholic). useless na rin kung aattend pa ako sa mga susunod na simbang gabi. nung bata ako, ang turo sa akin, pag nakumpleto mo daw ang simbang gabi ay matutupad ang isang wish mo. since kulang na ng isa, hindi na matutupad ang wish ko. pero kahit naman yata makumpleto ko yung siyam na madaling araw (and it's weird that it's call simbang gabi!), mukhang mahirap matupad sa loob ng siyam na araw ang hiling ko.

kasama ko ang pamilya ko nung isang araw, nag-celebrate ng birthday ng pamangkin ko. simple lang ang gala. nagpunta ng simbahan ng antipolo (kahit hindi na ako catholic), kumain sa chic-boy, at pagkatapos ay naggala sa ever gotesco ortigas. habang magkakasama, hindi maiwasang mapag-usapan ang mga plano para sa darating na pasko. gusto ni mama na magdala ako ng isang bucket ng bonchon chicken, at si ate naman ay nagrerequest na bumili daw ako ng kahit maliit na cake para dagdag sa handa. napag-usapan na rin kung ano ang mga ihahanda... and si mama at si ate, kagaya ng dati, ay sa akin nagrerequest ng budget. kung saan ko kukunin yun, hindi ko alam.

sa pamamasyal namin sa mall, dumaan kami sa department store. hindi maiwasan ng mga malilikot na pamangkin ko na tumingin-tingin sa mga magagandang damit at sapatos na nakahilera.

"tito, bili mo ako nito!" paglalambing ng pamangkin kong babae.
"eto, tito." sagot naman ng pamangkin kong lalake. nakakatuwa na sobrang excited sya sa sapatos na napili nya at hinubad nya agad ang tsinelas nya para isuot ang sapatos.
"ay naku anak! ikaw talaga! sige sige, bibili tayo bukas." sagot ni ate.

tawanan lang kami ng tawanan sa kakulitan ng pamangkin ko, pero hindi ko maiwasang madurog ang puso ko sa nangyari.

ako ang naging bread winner ng pamilya. simula ng pinanindigan ko ang pagbukod sa amin, naging takbuhan na ako ng pamilya ko pagdating sa usapang pinansyal. hindi ko naman sila binigo nung mga nagdaang panahon. pero iba na ngayon.

habang naglalakad... binulungan ko si ate.

"wala na akong trabaho."
"ha? pano yan?"
"ewan, bahala na. wag mo na lang sabihin kay mama."
"sige. basta sa pasko ha. gumawa ka ng paraan."
"oo."

at dun lalo bumigat ang pakiramdam ko.

malamang sasabihin ng iba na kaartehan ko na naman ito, or isa na namang paraan para baka sakaling may maawa sa akin mag-donate ng panghanda sa pasko. sasabihin naman ng iba na ang importante ay kasama ko ang pamilya ko sa pasko. pero masakit na kasama ko ang pamilya ko sa pasko pero wala man lang akong nagawa para mapasaya sila sa araw na yun. kasalanan ba ang hangarin na maibigay ang luho ng bawat miyembro ng pamilya? ito ang nakakalungkot sa darating na pasko... na wala akong kasiguruhan kung maibibigay ko man ang mga gusto ng pamilya ko sa darating na pasko... or kung makakauwi man ako sa amin.

ang pasko ay panahon ng kasiyahan. pero bakit hindi ako masaya?

6 comments:

  1. kung minsan, may maganda ring maidudulot ang "bahala na." kahit sa tingin mo ay hindi mo maibibigay ang mga hiling nila, punta ka lang. bahala na. mas masaya naman siguro sila kung nandoon ka kahit wala kang bitbit kaysa wala ka doon. enjoy mo ang yung bonding sa kanila.

    ReplyDelete
  2. malapit ka lang pala sa ever gotesco ortigas.

    ReplyDelete
  3. God is always good. Ask Him and just trust that He will make this Christmas with your family extra special. He never fails, I swear.

    A joyful Christmas to you.

    ReplyDelete
  4. ang hirap naman ng kalagayan mo. how do you see yourself five years from now? boyshiatsu ka pa rin ba at 31?

    ReplyDelete
  5. harsh as it may sound, i don't think that it is your responsibility to provide for your family's christmas feast - especially now that you don't have a job.

    ReplyDelete
  6. you have to face the harsh reality of what your status is right now . . . and you also have to inform them about the real situation . . . you don't have to carry the burden by yourself . . . nasaan ang AMA ng mga pamangkin mo, bakit ikaw ang kailangang obligahin sa mga bagay na di mo na kayang i provide sa kanila . . . masayang maibigay mo sa pamilya mo ang kaligayahang sinasabi mo pero tinuturuan mo rin silang maging dependent sa iyo at maging tamad at the same time . . . kung may mga pamilya na sila, dapat yun ang obligahin nilang magbigay sa kanilang pangangailang . . . hindi masamang magbigay at mag-share kung meron ka pero hindi naman kailangang sa iyo na lang lagi ung burden na ibigay sa kanila ang lahat . . . fault mo rin ang mga nangyayari sa iyo kasi pinipilit mong kayanin ang mga bagay na di na kaya . . . live by your means . . . sabi nga nila hindi lahat ng araw ay pasko . . . besides hindi naman sa mga materyal na bagay lang nagiging masaya ang isang tao . . . magising at gisingin mo na rin sila sa katotohanan na ikaw man ay hirap sa buhay ngaun . . . single ka at sana ay nag eenjoy sa pagiging isang binata pero sa nangyayari sau daig mo pa ang me asawa . . . sana nag asawa ka na lang para di na sila umasa sau . . . pasensya na pero yan ang realidad ng buhay

    jio

    ReplyDelete