nung bata pa ako, ang mindset ko is dapat paglagpas ko ng 25, maayos na maayos na yung buhay ko. yung may sarili na akong bahay, matinong trabaho, maayos na sustento sa pamilya, masarap na lovelife (haha!)... basta, yung tipong okay ka na sa lahat.
pero ngayon, ni isa sa mga yun, wala ako!
nalulungkot ba ako? oo. pero not to the point na disappointed ako sa sarili ko.
sa dalawampu't anim na taong nakikisiksik ako dito sa mundo, bagamat wala ako ng mga bagay na pinapangarap ko, may mga bagay naman akong pwede kong ika-proud.
na sa ganitong edad, name-maintain ko pa rin ang pagiging childish ko. para sa akin, strength yun, kasi laging positive ang outlook ko. masayahin lagi. malambing. light lang. stress-free. may mga kaklase ako na stressed na stressed na sa buhay nila, pero ako chillax lang.
na sa ganitong edad, mas priority ko ang happiness ko kaysa ang practicality. oo, sasabihin ng iba na hindi magandang ugali yun. pero para sa akin, mas importante na habulin mo ang bagay na magpapasaya sayo, kaysa unahin ang pagiging praktikal, tapos pagtanda mo, magsisisi ka na hindi mo ginawa ang mga bagay na gusto mong gawin.
na sa ganitong edad, malakas pa rin ang kapit ko sa mga prinsipyo ko sa buhay.
na sa ganitong edad, marami akong napasayang tao.
na sa ganitong edad, wala akong tinatapakan pagdating sa usapang ego.
na sa ganitong edad, bagamat sa tingin ng ibang tao ay palpak ang buhay ko, proud ako sa sarili ko at sa mga pinagdaanan ko.
lagpas na ako sa first quarter, panahon na para sumabak sa susunod.
kampay sa ika-dalawampu't anim.
BoyShiatsu, 25 yesterday, 26 today, philippines!
(makapag-blog lang tungkol sa birthday! hahaha!)
Happy Birthday!
ReplyDeleteHappy birthday!
ReplyDeletehappy burrpday!
ReplyDeletehappy birthday kenneth
ReplyDeletehappy birthday!
ReplyDeleteerick
Happy birthday, Ken! :)
ReplyDeletegaling mo talaga mag sulat! Happy birthday! Enjoy your day!
ReplyDeleteHappy birthday !!!
ReplyDeletepr/uriel4321
Happy birthday!
ReplyDelete-JD :)
maligayang kaarawan! blow out naman! :D
ReplyDeleteCarpe Diem!
ReplyDeletehappy natal day, dear.
belated happy birthday!
ReplyDelete