30 August 2011

The Undertaker

"magtaxi ka na lang papunta dito, bayaran ko na lang." text ni sir ng nag-alinlangan akong puntahan sya kasi masyadong malayo ang bahay nya. pumayag na ako, at biniro ko na lang na picturan ko na lang yung metro ng taxi para patunay na hindi ko sya dadayain sa pag-refund ng pambayad sa taxi.

ilang oras pa at nakarating na nga ako sa bahay ni Sir John Cena. malayo nga! ni hindi ako sigurado kung nakakaintindi pa ng tagalog ang mga tao dito. buti nga at may signal pa ang globe dito. pero, in fairness, maganda ang bahay ni Sir John Cena. halatang pang-mayaman! may 2-car parking, maganda ang garden, at ang lakas maka-magazine ng design ng kabuuan ng bahay! tinext ko si sir at maya-maya pa ay pinagbuksan na ako ng gate ng katulong nila. sinalubong ako ni Sir John Cena sa sala... at tama nga ang codename ko sa kanya! brusko si sir. bukol bukol ang katawan, halatang inuubos ang spare time nya sa gym at lahat ng isinusubo nya ay nilalagyan nya ng whey protein. pero sa kabila ng mala-bouncer na katawan ni sir ay maamo naman ang mukha nya.

"mauna ka na sa kwarto. take a shower if you want." sabay turo kung paano papunta sa kwarto nya. "may ibibilin lang ako kay manang."

pumasok ako sa kwarto... ang ganda! halatang mayaman na mayaman si Sir John Cena. pero may isa pa akong napansin... two separate closets. too much shoes for one person, and magkakaiba ang sizes. pagpasok ko ng cr para mag-shower, tuloy-tuloy lang ang observation. and i think tama nga ang observation ko... hindi nag-iisa si Sir John Cena sa kwartong ito.

"yes, i have a partner, pero kakaalis nya lang papuntang work." sagot ni Sir John Cena ng magkwentuhan kami saglit pagkatapos kong maligo.

nag-wash lang saglit si Sir John Cena at pagkatapos ay sinimulan ko na ang pagmamasahe. kahit bukol bukol ang katawan ni Sir John Cena, gusto nya eh light lang ang masahe. ayus! hindi nakakapagod! at mukhang nag-eenjoy naman si Sir John Cena sa ginagawa ko sa kanya... ng bigla na lang kaming nagulat ng may marinig kaming busina mula sa gate ng bahay nila.

"pucha! boyfriend ko yan!"

agad na napatayo si Sir John Cena at halatang-halata sa kilos nya na talagang kinakabahan sya. pati tuloy ako kinabahan na rin. ano nga naman kasi ang pwedeng mangyari kung makita ng boyfriend nya na may isang poging (ehem) bata na nakahubad sa kama nilang mag-asawa diba? at ano ang gagawin ko kung John Cena Number 2 si sir, samantalang ako naman ay crossbreed ni Mojacko at ni Doraemon? patay-patay na ito... RIP BoyShiatsu kung sakali! pero tila mabilis ang thinking ni Sir John Cena, at salamat sa napaka-bright nyang idea, madedelay pa ng kaunti ang RIP ko.

"tago ka sa ilalim ng kama... bilis!"

at parang sunud-sunurang aso, agad ko namang isiniksik ang sarili ko sa ilalim ng kama, at isa-isang sumunod ang sapatos ko, bag ko, at iba pang paraphernalia ko sa pagmamasahe. sa loob ng sampung segundo, auto-evacuate ako mula sa ibabaw ng kama papunta sa ilalim. at saktong pasok ng huling gamit ko sa ilalim ng kama (face towel) ay sya namang bukas ng pinto ng kwarto.

"naiwan ko yung files na kailangan ko iforward kay Mr. ***" sabi ng isang boses na mas malalim ng kaunti sa boses ni Sir John Cena. tantya ko sa boses nya, mukhang mas malaki ang katawan nya. hindi ko naman masilip kasi saktong-sakto lang ang space sa ilalim ng kama nila ang katawan ko ang a slight movement can shake the bed... and RIP BoyShiatsu ang mangyayari kung sakali. kaya steady lang ako sa kama, nakikiramdam ng mga susunod na pangyayari, walang idea kung hanggang anong oras akong nakasiksik sa ilalim ng kama kasama ang mga anay, gagamba, at kung anu-ano pang creepy creatures (sadako, is that you?).

nagpatuloy lang ang kwentuhan ng mag-jowa, at nakakatuwa kasi casual na casual lang si Sir John Cena sa pakikipag-usap, parang walang itinatagong poging (ehem) lalaki sa ilalim ng kama, kumpleto with his apparel and his stuff. nag-cr pa saglit ang boyfriend ni Sir John Cena, may kinuha sa cabinet, at tsaka lumabas ng kwarto. pero minabuti ko nang wag muna umalis sa ilalim ng kama, mas mabuti nang makakuha ng go signal kay Sir John Cena. mabuti na lang pala hindi ako sa cr o sa closet nagtago, or else... yes, you know it... RIP BoyShiatsu.

narinig kong nag-start ang kotse at bumukas ang gate. hinintay ko munang umandar ang kotse, sumara ang gate, at maglakad si manang papasok sa kung saan man ang kwarto nya bago ako lumabas sa ilalim ng kama. hanggang sa kinalabit na nga ako ni Sir John Cena.

"sige, labas ka na dyan. whew!"

at agad-agad akong lumabas mula sa ilalim ng kama, literally looking like a zombie. sa dami ng agiw sa ilalim ng kama nina Sir John Cena, nabalutan ng sangkatutak na dumi ang katawan ng poging (ehem) masahista. isama pa natin ang maalikabok na sapatos, maalikabok na damit, at maalikabok na bag at gamit... pakiramdam ko eh naggaling ako 6 feet from the ground... buti na lang at hindi naman ako amoy zombie. natawa na lang kami ni Sir John Cena ng nakita ko sa salamin ang hitsura ko.

matapos maligo, siniguro ko muna kay Sir John Cena na hindi na ulit babalik ang boyfriend nya para naman hindi na ako mabitin sa performance ko. he assured me naman na wala nang ibang naiwan ang boyfriend nya, at sa totoo nga daw ay first time mangyari na may naiwang importanteng papeles ang boyfriend nya sa bahay (whatta timing diba?). ipinagpatuloy ko na ang naudlot na masahe, at pagkatapos ay nasundan na ito ng royal rumble wrestling -- John Cena versus the Undertaker.

26 August 2011

Ang Sagot?

dahil sa nasabing problema, at dahil rin matagal na kaming hindi nagkikita, sinamahan ako ng friend kong professional microbusiness marketing analyst (whew! ang haba ng title!) for dinner at kaunting kwentuhan sa isang kainan sa megamall. naikwento ko sa kanya ang hindi magandang estado ng business ko ngayon at malugod naman syang nakinig at nagbigay ng mga opinyon sa mga solusyong naisip ko patungo sa landas ng pagbabago at pag-unlad.

1. ayokong mapunta sa bagsak presyo, kaya siguro ay gagawa na lang ako ng discount promotion! refer a friend! pag naging client na kita at nagrefer ka sa akin ng isang kaibigan, 10% discount sa next service mo. pag dalawa naman ang nirefer mo before your next service, 25% discount!

commentary ng friend kong professional microbusiness marketing analyst: discounts are not that suitable for services. and, lalo na sa massage business. i'm telling you, pag nagbagsak presyo ka, mas lalo kang babaratin ng mga clients mo. siguro, pwedeng discounts for the regulars, pero for referrals? nah! and besides, i think everyone will agree when i say that your service is worth your price... in fact, you can even charge more! ganun ako ka-kampante sa service mo. (yes, my friends... nasubukan na ng friend kong professional microbusiness marketing analyst ang serbisyo ko!)

2. kailangan sigurong humanap ako ng handler! para at least, may katulong ako paghahanap ng mga clients. then much better if the handler can penetrate the "elite" class, para mas bongga ang client base ko!

commentary ng friend kong professional microbusiness marketing analyst: san ka naman hahanap ng handler? at tsaka, syempre, may cut pa yan! edi lalo na nabawasan ang kita mo! tsaka, sa panahon ngayon, at sa ganyang trabaho, mahirap ang handlers! baka mamaya yung mismong handler mo tumarantado sayo.

3. siguro isara na ang BoyShiatsu para makapagfocus lang ako sa clients. kasi pag nagkwento na ako ng mga experience sa blog, may mga readers at potential clients na naooffend.

commentary ng friend kong professional microbusiness marketing analyst: eh paano naman yung mga potential clients na hindi naman naooffend? lumaki ang business mo because of the blog! sayang naman!

4. okay, keep the blog, pero don't accept clients na lang from the blog.

commentary ng friend kong professional microbusiness marketing analyst: did you hear what i just said kanina?

5. fine. keep the blog, pero no more "offensive" stories, para hindi maka-offend ng potential clients.

commentary ng friend kong professional microbusiness marketing analyst: and what was the purpose of the blog again? to tell stories diba? minahal ka ng readers mo because of the rawness of the blog! don't lose it just to satisfy some readers na parang ang misyon lang yata sa buhay ay ma-offend.

6. got it. how about BoyShiatsu blackout? yung tipong 1-2 months akong hindi magpaparamdam kahit kanino, tapos pagbalik ko, new and improved na! mas pogi, mas maganda katawan, mas kalibog-libog, mas kapana-panabik.

commentary ng friend kong professional microbusiness marketing analyst: eh pano kung hindi ka nila mamiss?

7. hmmm... pero yung improvement part, gusto ko yun. i should always improve in order for me to get more clients and retain current clients. more time sa gym, invest sa pagpapaganda ng balat at mukha, at tsaka more training sa iba't ibang uri ng massage.

commentary ng friend kong professional microbusiness marketing analyst: san ka kukuha ng pangpondo?

and after the conversation, i came to one conclusion... ang sarap sungalngalin ng friend kong professional microbusiness marketing analyst. pero, in fairness, may mga points sya, at magaganda ang mga points nya, kasing-ganda ni Sam Pinto!

"alam mo, mahirap talaga yung ganyang business. pero, ikaw pa! kilala kita! makakaahon at makakaahon ka dyan! wag na masyadong analytical, okay? relax! magkaka-client ka rin ulet! dadagsa din ulit sila! at sasakit ulit ang ulo mo sa pag-aayos ng schedule mo to accommodate them all!" encouragement ng friend kong professional microbusiness marketing analyst, indicating the end of the conversation about the topic.

itinuloy na lang namin ang dinner at iniliko ko na lang ang usapan...

"pero, mapunta tayo kay GMA..."
"tangina mo! don't say bad words! wag ka nga manira ng appetite!"

and from that point forward, nagkwentuhan na lang kami tungkol sa mga current movies na napanood namin.

25 August 2011

Ang Tanong...

isang linggo nang walang client si BoyShiatsu. at wala rin nag-e-email. ano kaya ang ibig sabihin nito?

ayaw ba ng mga client na hiv advocate ang masahista nila?

may bago na bang BoyShiatsu na pakalat-kalat online?

hindi ba satisfied ang mga clients kaya walang encore performance?

tuluyan na bang nagtagumpay ang mga masasamang loob na gustong ibagsak ang ating bida?

ano ang gagawin ni BoyShiatsu tungkol dito?

magiging matagumpay kaya sya sa kanyang misyon?

at kailan ba talaga gagaling mula sa kung anu-anong operasyon si GMA? (pero, actually, sana wag na sya gumaling! bwahahaha!)

ABANGAN!

21 August 2011

15 Minutes

nagkita kami ni Papi James Bon dalawang araw pagkatapos ng dinner chitchat namin sa Thai Dara. ito na ang araw na napag-usapan namin during dinner. nakakakaba, pero, sugod na. mabuti na rin ito.

habang papunta kami sa isang lugar sa timog, hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. excited na natatakot na kinakabahan na wala lang. halu-halo. gusto ko sanang matulog sa kotse, pero hindi ko magawa. paminsan-minsan ay tinatanong ako ni Papi kung anong nararamdaman ko, at ngumingiti lang ako. ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito.

dumating kami sa nasabing lugar, bumaba ng kotse, at umakyat sa second floor. dito ay nakita ko ang ilang mga kaibigan din. kwentu-kwentuhan saglit at maya-maya pa ay pinapasok na ako ni Papi sa isang kwarto. may dalawang babaeng naghihintay sa loob. nilapitan ko muna yung mas matanda.

kinausap nya ako tungkol sa mga sensitibong bagay, karamihan ay tungkol sa sex. habang nagkukwento ako, panay naman ang sulat nya. nag-ubusan lang kami ng energy. sana ako na lang pinagsulat nya, para may nagawa pa syang mas kapaki-pakinabang sa mundo (halimbawa: maglaro ng plants versus zombies). matapos ang interbyu, ipinasa na ako ng babaeng matanda sa babaeng mas bata.

kumpara kay babaeng matanda, friendly at mukhang approachable si babaeng mas bata. pero habang nakangiti sya, may hawak syang injection na may mahabang karayom. hindi ko tuloy maiwasang pagdudahan yung ngiti nya... parang ngiting demonyo! pero, hindi naman pala. kumuha sya ng rubber at itinali sa braso ko, pagkatapos ay pinitik-pitik nya ang mga ugat ko (aray!). kumuha sya ng basang bulak at pinahiran ang namimintig na ugat.l maya-maya pa ay tinusok na ni ate ang karayom at binawasan ng ilang mililitro ang kakaunti kong dugo sa katawan (anemic na nga ako, binawasan pa ako ng dugo! potah!). nilagyan ng tuyong bulak, at sinabihan na akong lumabas at maghintay na tawagin ang pangalan ko.

agad akong lumapit kay Papi paglabas ko. dito na mas lumala ang kaba ko. tapos na ang blood extraction, results in 15 minutes. paano kung hindi ko magustuhan ang result? anong gagawin ko? nakayakap lang ako kay Papi, tahimik at kalmado, habang naghihintay ng resulta. pero, sa totoo lang, nasa 374 beats per minute na yata ang puso ko. pero, wala na ako magagawa. eto na yun eh.

hanggang sa tinawag na ang pangalan ko. natakot ako kasi yung ibang tinawag na pangalan, sa mga nakasetup na tables lang sa place pinapunta, samantalang ako eh pinapasok ulit dun sa unang kwartong pinasukan ko kanina. sinenyasan ako ng babaeng matanda na umupo sa tabi nya, at pagkatapos ay binigyan nya ako ng maliit na papel na may nakasulat na dalawang salita.

"non reactive"

nakahinga ako ng maluwag. matapos ang saglit na words of advice mula sa babaeng matanda, lumabas ako ng kwarto at agad na napayakap kay Papi. at least, nasagot na ang matagal kong tanong. although hindi naman ito ang unang pagkakataon na gawin ko ang test, i am guilty of some unprotected encounters that i had from the last time i took the test, so may possibility pa rin. pero, sa awa naman ng diyos, negative pa rin!

be brave. take the test. i just did. and it's worth it.

19 August 2011

Nakatikim ka na ba ng Thai?

isang simpleng gabi lang yun ng naisipan kong itext si Papi James Bon for dinner dahil may kailangan din akong ikonsulta sa kanya. napagkasunduan naming sa restaurant na lang nila ni Hottie James Wor (Wor na lang, ang hirap ispelengin ng last name nya eh! hee hee) sa greenhills kami magkita. ayus. actually, excited din akong i-try ang restaurant nila. mahilig din naman kasi ako kumain ng thai, lalo na kung medyo bata-bata at sariwa pa (ehem!). dumating ang araw ng nasabing dinner (kinabukasan, after namin magkatext ni Papi) at ako ay nagbyahe na papunta sa resto nila.

at sa pagkakataong ito, malugod ko kayong sinasalubong sa segment na tawagin na lang nating "The Boy Shiatsu Review" (o diba? unique na unique ang name! hahahaha!!)


Establishment: Thai Dara
Location: 58 Granada St., Valencia, Quezon City

stupid me, i wasn't able to take a picture of any of their signages! hahahahaha! (as for the other pics, pagtiyagaan na lang po. i'm not a pro photog at cp lang ang gamit ko!) hindi naman kasi planado ang pag-kritiko ko sa resto nila eh. dinner lang talaga dapat and chitchat, eh ewan ko ba, umandar na naman ang pagiging feelingero ko! ahahahaha! ayoko naman kumuha ng available pics online, copyright issues. mahirap na.

the place is not hard to find. kung galing ka sa ortigas area, bus ka lang papuntang quiapo (g-liner or rrcg) then baba ka sa kanto ng santolan avenue, yung may persian resto keme keme. then lakad ka lang kaunti papunta ng gilmore, at makikita mo na yung restaurant.

one thing i noticed when i got there is their super nice interiors. ang gandang mix ng thai and contemporary designs. i saw old pictures of the resto sa ibang blogs and i can say that their interiors now are a lot better compared to before. though it's kinda small (siguro, mga 25-seater lang yung baba. yung second floor naman, under renovation), making you accidentally hear whoever sits next to your table (like yung sa katabi kong table na ilang ulit tinanong sa waitress na "masarap ba to?" while ordering. ANG STUPID!!! alangan namang sabihin ng waitress na "hindi ma'am, hindi masarap yan. masusuka ka sa lasa nyan! sasakit ang tiyan mo! ikamamatay mo ang lasa nyan!" hahahaha!), it's still nice kasi it looks very cozy and relaxing, plus very homey. i took a seat na medyo malapit sa door.

that's the counter area from where i am seated, so medyo obvious na maliit lang yung place. but, look! there's Papi James and Hottie James talking to someone! yup, that's one more thing na nakakatuwa sa resto. the owners themselves eh nakiki-interact sa mga customers nila (although the one in the pic is a meeting talaga nila).

i find this really cute! they have a wall with pictures and signatures of their customers. actually, meron pang isang part ng wall na walang pics pero may mga signs and messages from patrons. isn't it fun kapag bumalik ka next time and then you will see your pic sa wall? makes you feel like a very loved customer.


how about thai karaoke?! dito, tumambling talaga ako sa tuwa! saang kainan ka makakakita ng thai karaoke? ang galing diba! and when i say karaoke, i mean it! the tv there shows thai music videos with lyrics in thai and romanized alphabet! so makakasabay ka talaga kung nasa mood ka! asteg!!!


and if the videoke is not enough thai for you, they have this wall filled with clippings from thai magazines. and, damn! some of the boys in the wall are super duper yummy! posters pa lang ng boys, busog na busog na ako! katapat na katapat ko pa naman itong wall na to. so concentrating on my food became a very difficult challenge for me during the night! hahaha!

a very friendly waitress (sorry teh, i forgot your name! peace) in a very cute modern thai outfit approached me and gave me the menu.


katuwa yung menu kasi may pictures talaga ng mga foods. hindi yung tipong nakakalulang words lang ang ginamit to describe the items. i'm a visual guy, so malaking tulong sa akin to sa pamimili ng oorderin ko... or nakatulong nga ba? sa ganda ng mga pics, nalito ako kung anong oorderin ko! gusto ko subukan lahat! pero, since dinner yun, ayoko kumain ng sobrang dami. so i decided na i'll go with the classic thai dishes muna, then yung iba, sa ibang araw ko naman ita-try. and, very noteworthy... SOBRANG AFFORDABLE NG MGA ITEMS NILA!!!

i started with Seafood Tom Yum Soup. they served it in a lalagyan na may maliit na gasera thingy sa ilalim so that the soup stays hot. amoy pa lang nito, super appetizing na! and the seafood servings are generous. i'm not an expert when it comes to thai food, but this one really felt thai to me. yung tamang combination ng anghang, ng asim, alat, at linamnam (di lang masarap, malinam-nam-nam-nam-nam!)... perfect! ang naging problema ko lang dito (together with the next dish) is ang dami ng serving! hindi sana sya problema kung hindi ako mag-isa. kaso, solo lang ako. though i still ended up finishing 2/3 of the soup and pina-take-out ko na lang yung natira.


Pad Thai, a classic thai noodles made of rice. to be honest, hindi ito ang first option ko ng oorderin as my main meal. i will go with chicken pandan and bagoong rice sana, kaso baka ma-oa ako sa busog at maging mas bloated pa kaysa sa normal ko. so i decided to order this na lang... at hindi ako nagsisi! wala akong pakialam kung isa lang yung shrimp (the other blogs kasi emphasized on it too much). masarap yung noodles! ang ganda ng combination ng crispiness ng nuts, ng lasa ng chicken, and the al-dente feel of the noodles. oil is just enough to make the noodles slide in your mouth without feeling, er, slimy? basta! sarap talaga. pero, just like the tom yum soup, ang dami dami ng serving so hindi ko na naman naubos at pina-take-out ko yung natira.

Crispy Banana, aka Thai Turon, or Thuron! nabawasan ko na bago ko naalalang picturan! this is a very nice way to end the course. dapat i'll go with sticky rice and mangoes (aka Thai Suman, or Thuman!) kaso pakiramdam ko wala na talagang space sa tiyan ko for rice. pero the Thuron is not a bad choice din naman. tamang-tama lang yung luto ng saging, plus ang sarap ng combination nya sa ube ice cream! and, this time, naubos ko yung isang serving! hahaha!

Mint Lemonade ang drink ko for the night. nakakatuwa kasi may mint leaves talaga sya na pwede mong nguyain kung nasa tamang trip ka. really refreshing. the lemonade doesn't taste like powder lemonade, and the mint adds just the right oomph (naks! oomph!) to the juice, making it really refreshing.

yung bill ko is good for one while the servings are good for two (except the dessert and drink), ganun ka-affordable ang items nila. delicious foods, friendly and attentive attendants (nagugulat na lang ako, puno na naman yung water glass ko!), cozy ambiance... i must say, guys, that you SHOULD try this restaurant! i think even if you're not into thai foods, you will definitely enjoy eating at Thai Dara (i forgot! kapatid pala sya ni Sandara! hahaha! ang korni ko!)

ending the entry with the pic of the head chef, Hottie James Wor!


17 August 2011

Sunggaban with Xian

"paano kung hindi mo trip yung client mo?"

isa yan sa mga tanong na madalas na itanong sa akin ng mga kaibigan ko kapag nagsimula na ang kwentuhang masahe at extra.

at kagaya ng mga kadalasang tanong, may template na sagot na rin ako dyan. "i exercise the power of my imagination." pero kadalasan eh hindi pa rin nila naiintindihan yung sagot, at may follow-up questions pa rin. kaya, sa ikatatahimik nating lahat, eto't gumawa na lang ako ng isang malinaw na halimbawa.

...

...

...

late ako ng 15 minutes sa napag-usapang oras. buti na lang at naka-check-in na si Sir Peter sa motel. pinuntahan ko ang nasabing room at maya-maya pa ay kumatok na ako. pagbukas ng pinto, nagulat ako... ang galing naman ng motel na ito, yung kama mismo ang sumasalubong sayo. kaso parang medyo makutim yung kulay nung kama. tsaka ang scary nung pillows, may drowing ng monster! dun ko lang na-realize na si Sir Peter na pala yung kaharap ko, napagkamalan ko lang na kama. ganun kalapad si sir, at ganun ka... um... ka... basta! ganun ka-ehem si sir. pero, hindi dapat ipahalata. ngiti lang, bati, at shake hands.

"upo ka muna, pahinga ka saglit. baka napagod ka sa byahe." sabi nya. at malugod ko namang ginawa. hindi ko kailangan magpahinga dahil sa pagod sa byahe, pero kailangan kong mag-ipon ng energy dahil mukhang masahe pa lang eh made-drain na ako kay Sir Peter. kwentuhan saglit, tapos ay naligo ako, at simula na ang gyera.

tama nga ang hinala ko! hindi pa tapos ang masahe ko kay Sir Peter pero ubos na ubos na ang energy ko. napaisip tuloy ako... paano pa kaya pag sa extra na! potah!

at dumating na nga ang oras na pinakahihintay ko kahit ayokong hintayin... natapos na ang masahe at kailangan nang simulan ang extra. at dito, kailangan ko nang i-shake-shake ang mga brain cells ko para ilabas ang special magic nila at ma-activate ang "power of imagination."

pumikit ako at idinikit na ni Sir Peter ang labi nya sa labi ko at sinimsim ito na para bang sumisipsip sya ng kuhol. ilang minuto pa ay natapos ang halikan at nagawa ko nang idilat ang aking mata ng tumambad sa harapan ko ang mukha ng kliyente ko...

si Xian Lim! maamo ang mukha at may malambing na ngiti sa kanyang labi.

pucha!!! ultimate crush ko to!!!

dala na siguro ng panggigigil, pikit-mata kong hinalikan muli si Xian, pero this time, dahan dahan lang. walang libog, pero puno ng pagmamahal. mula sa paghalik, dahan-dahan kong dinilaan pababa ang kanyang leeg hanggang sa umabot ako sa dibdib nya. parang masyado yatang malaman ang dibdib ni Xian, malayo sa toned na katawan nya. pero hinayaan ko lang. baka naman bagong benchpress lang sya kaya medyo maumbok ang dibdib nya ngayon. ayokong sirain ang mood kaya hindi ko na sya tinanong. sinipsip ko ng sinipsip ang nipple nya at rinig na rinig ko naman ang mga ungol nya. nasasarapan si Xian sa ginagawa ko, kaya ipinagpatuloy ko lang.

tuloy tuloy lang ang pagromansa ko sa kanya, at maya maya pa ay lalo pa akong bumaba sa pagdila. naramdaman ko ang pusod ni Xian. parang malaki yata ang tiyan nya ngayon. baka busog lang, marami yatang nakain bago kami nagkita kasi stressed sya. mahinahon kong kinakagat-kagat ang tiyan ni Xian na medyo healthy ng mga oras na yun, at napapakadyot naman sa sarap ang binata. tinatamaan na rin ako ng libog kaya naisipan ko nang tuluyang babain ang private part nya na matagal ko nang pinangarap matikman. may napansin lang ako... parang hindi masyadong kaaya-aya ang amoy ni Xian sa banda doon. amoy pawis na kulob. at mamasa-masa pa. pero, dahil ayoko sirain ang mood, naisip ko na lang na baka naman dahil masyado kaming excited matikman ang isa't isa, nakalimutan na nyang maligo. posible. pwede!

tiis na lang sa amoy, isinubo ko ang kargada ni Xian na hindi rin pala kalakihan. pero, wala akong pakialam... Xian Lim ito! XIAN LIM! yung iba handang magpakamatay para lang mahalikan sya, samantalang ako, eto, nasa bibig ko na mismo ang pinakapribadong bahagi ng katawan nya. habang nilalaro ko sa loob ng bibig ko ang junjun ni Xian, nagulat ako ng bigla na ring isubo ni Xian ang putotoy ko. langya! magaling pala sumubo ang mokong na ito!

tumataas ng tumataas ang libog naming dalawa ni Xian habang sabay na sabay ang pag-indayog ng mga katawan namin. hindi ko na pinansin kung bakit parang masyadong mabigat ang mga hita niya. ang mahalaga, masaya kaming dalawa sa ginagawa namin.

tuloy lang sa pagsubo (kahit super-tiny), sa paghimod (kahit mabaho), sa pagpisil-pisil (kahit na masyadong malaman), at sa pagroromansa (kahit na masyadong mabigat ang katawan ni Xian). maya-maya pa ay naririnig ko na ang malakas na ungol ni Xian. hudyat na ito na malapit na syang labasan. agad-agad kong nilaro ang junior nya gamit ang dalawa kong kamay, at makalipas pa nga ang ilang segundo at tumalsik na ang katas ni Xian sa kamang kinahihigaan namin.

laking swerte ko. ilang libong bading ang nanaising maranasan ang isang mainit na sunggaban sa kama kasama si Xian... at kakatapos ko lang maranasan ang sunggaban na iyon... at eto na ang tamang panahon para idilat ang aking mata.

"grabe, ang galing mo pala talaga."

nagulat ako... nagsalita yung kama... ay, si sir pala yun!

"ahehehe... salamat po!" magalang na sagot ko.
"siguro iba iniisip mo habang nagsesex tayo no?"
"naku! hindi po sir!"
"nice!"
"sige, sir, magbubuhos lang po ako saglit. pahinga lang po kayo dyan." at dumiretso ako sa cr ng motel, naligo sa jacuzzi na puno ng bubbles at rose petals, habang umiinom ng mainit na chocolate. hindi pa rin tapos ang power of imagination ko.

makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako. nagbihis, pahinga saglit, pagkatapos ay binayaran na ako ni Sir Peter. akala ko power of imagination pa rin ang nasa utak ko, pero hindi pala. tama pala ang nakikita ko... doble ang bayad sa akin ni sir. nag-enjoy yata ng sobra.

lumabas ako ng motel at pumunta sa isang mall kung saan nakakita ako ng isang malaking poster ni Xian Lim... napangiti ako...

grabe, ka-sex ko lang kanina yang mamang yan!

15 August 2011

The TLYP Experience


yan ang final output ng pictorial ko sa Love Yourself! ang cute ko no? kamukha ko si Rocco! hahahahahaha!

(and then the magic dust fades... back to reality)

dumating ako ng pasado alas-dose sa the room, kahit na ang sabi ko sa sarili ko ay alas-diyes ako darating. late ako sa sarili kong schedule, bad bad bad!

"ay! ikaw lang pala!" napaka-warm na pagsalubong sa akin ni Migs (the Manila Gay Guy).
"oo, ako lang! haha!" sabay mahigpit na yakap sa kaibigang matagal-tagal na ring hindi nakita.

nag-register ako sa, er, front desk at iniabot na sa akin ang t-shirt ko for the shoot... t-shirt na sobrang ganda, parang gusto ko mag-register ng limang beses para meron akong limang t-shirt (which is not necessary naman kasi you can buy the shirt naman for 400 pesos only). pramis! sobrang ganda ng shirt, hindi sya magiging pambahay lang after the shoot. pwede mo sya ipang-mall, ipang-gimik, ipang-simba, o kahit isuot mo pa sya sa kasal! hindi ka mapapahiya!

sinamahan ako ni Migs papunta sa photoshoot area kung saan nandun ang ilan sa mga officers ng Love Yourself. and nandun din si Sir Ian Felix Alquiros (Anthony? hahahaha!) at nagulat ako na kilala nya pala ako! nakakasama na ako sa mga shoot nya dati, pero, pramis, akala ko talaga suplado sya. mali pala ako. kwento kwento ng kaunti at nagbihis na ako.

habang naghihintay ako sa turn ko para ma-makeup-an, nakakatuwa na pakalat kalat lang dito sa studio yung mga taong nakikita natin sa mga promotional pictures and videos ng Love Yourself sa blogosphere. and, mas nakakatuwa pa dito is that everyone is in a very light and friendly mood. yung tipong ngitian ng ngitian, very welcoming, at iwas-op talaga. kahit hindi ko pa sila nakakausap, pakiramdam ko eh magiging palagay ang loob ko sa kanila.

nagsimula ang shoot ko. aliw! hindi ko alam, pero this time, may kakaibang feeling sa harap ng camera at sa ilalim ng mga nakakagulat na puting ilaw. siguro kasi alam kong this is for a good cause... at tsaka THE Ian Felix Alquiros ang nagsu-shoot sa akin. it's funny how Migs, the supposedly posing coach during that time, just left nung ako na ang isinu-shoot. hindi ko na daw kailangan ng coaching. haha!

matapos ang shoot, nakipagkwentuhan muna ako saglit sa ilan sa mga officers ng Love Yourself. and nakakatuwa ang usapan tungkol sa kung anu-anong bagay. maya-maya na lang, nagulat na ako na from being a participant, nagbebenta na ako ng ticket for the film showing next week! salamat kay James Bon (vice president ng Love Yourself) na na-sales-talk ako para mag-sales-talk ng mga tickets sa mga participants. but it was super duper fun! at nagkaroon pa ng friendly competition (nga ba?) with Neil Bryant Calizo (secretary ng Love Yourself, aka Mr Pout!) sa pagbebenta ng ticket. sobrang lafftrip talaga!

syempre nakakwentuhan ko rin si Vinn Pagtakhan (president ng Love Yourself) na, like me, eh hindi rin nauubusan ng energy (sige! go, explain what Love Yourself is! hee hee), had a quick chitchat with James Worrosaran (the uber hot hot hot treasurer of Love Yourself) kahit na super busy sya, and also mingled with other volunteers and facilitators (special shoutout to Eric na very accommodating, and to Oli na very haggard after the day!). to be honest, i really wanted to be a volunteer for the group too. kaso naisip ko, hindi ba weird that a sex worker like me will actually be a volunteer to help stop aids, samantalang most people point their fingers to people like me, na kesyo isa daw kami sa biggest factors kung bakit mabilis kumalat ang hiv sa msm community. but then, after talking to all these volunteers, especially to Papi James Bon, nakaka-touch isipin na wala silang pakialam tungkol sa trabaho ko and they actually inspired me more to be a volunteer. it only goes to show one thing... it's not about who you are, it's about how you can help.

what's best about the event, though, is that i get to meet some bloggers (hello to fabsacters McVie, Gibbs, and CC!) and a lot of people who are very eager to support the advocacy. nakakatuwang isipin na mapababae, lalaki, straight, bading, mataba, payat, professional, bum, estudyante, sikat, pinoy, foreigner, and people from different career groups and walks of life eh nagsama-sama sa isang event na ganito to help promote awareness about hiv, promote ways in preventing it, and inform people that there is always someone who is ready to listen to you about this very sensitive issue. talagang kwentuhan at bonding to the max. and, not to mention more highlights of the event...

one, Rocco Nacino himself participated in the shoot! bukod sa pagiging super cute nya, sobrang commendable si Rocco for being very friendly. sayang, hindi ako nakapagpapicture sa kanya. and, funny, kasi instead of Vinn introducing me to him with my real name (si Vinn kasi ang contact person ni Rocco, and sya ang nagpakilala kay Rocco sa aming lahat), ipakilala ba naman ako sa Boy Shiatsu! ayun! nagulat si Rocco sa pangalan kong Shiatsu. haha!

two, Mr. Raymond Alikpala, author of the book "God Loves Bakla" (available na sya sa bookstores, go get a copy!) was also there to support the project. nakakahiya nga, kasi kinukulit ko sya about the tickets, not knowing he is THE Raymond Alikpala pala! but Sir Raymond, though quiet and quite reserved, is very nice naman. he even signed some copies of his book for some of the people in the studio. sweet!

three, Direk Maryo J delos Reyes visited to show his support. it was quick, but the moment is very memorable!

after a long day, kahit na nakakapagod at talagang nakakaubos ng energy (the makulet na shoot, the makulet na bentahan ng ticket, the makulet na pag-motivate sa ibang participants during the shoot, the makulet na paggaya sa mga pictures na nakadikit sa wall ng studio ni Sir Ian, the makulet na rampahan at pagsayaw sa mga club music sa background, and the makulet na kwentuhan), sobrang fun naman ng event. sabi nga ni Migs... "that's all that matters... having fun! kahit ano pang ginagawa mo, just have fun, yun ang importante."

sa mga hindi nakaattend, sayang... pero need not to worry. as from what i heard, part 2 is already being planned! make sure you don't miss it!

and, let me take this chance to promote the film showing na rin next week! masaya to!

*switches to sales talk mode*

biruin nyo, 500 pesos lang, two movies na agad! (samantalang ang imax, 600 pesos, isang movie lang!) tapos, may kasama pa itong finger foods (yung sa imax, wala!). and the best thing about this, may meet and greet pa! walang ganyan ang imax! get a chance to meet and greet the officers and participants of Love Yourself (hahahaha!). but, seriously, let's all take this chance to show the world how united and how dedicated we are in delivering the message to the people about the risk of hiv, and about what we can do about it. wouldn't it be fun to mingle with people who support a very good advocacy? plus, may kasama pang kwentuhan from famous photographers, writers, bloggers (Migs will be there!), people from the fashion industry, and kung sinu-sino pa! let this be not just a night of showcasing two great films, but let this be a night of mingling, friendship, and bonding, while we all show our support to The Love Yourself Project and it's mission to help prevent the spread of hiv!

Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa and Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington will have a special back to back screening on august 23, 2011, tuesday, at SM Megamall Cinema 9. for further queries, visit the Love Yourself website here. kitakits!

14 August 2011

The Shoot (quickie entry)

live na live sa location ng shoot for The Love Yourself Project. ang asteg ng t-shirt, ang asteg ng grooming, at ang asteg ng mismong shoot!

hanggang 10pm pa to, so habol na! remember, this is not just a photoshoot. this is for a good cause.

and nakita ko na si *toot* at *toot*... pwede na akong mamatay! hahahaha!

kitakits guys!

10 August 2011

Love Yourself

times ten ang gutom ko paggising ko kanina. kaya bumangon ako sa pagkakahiga at nagbihis ng maayus-ayos na damit para makakain kina Aling Banang. nag-crave ako ng menudo. pagbaba ko sa sala... shala!!! nawawala ang kaliwang tsinela ko! (walang -s, isa lang naman kasi yung nawawala eh. nakita ko naman yung kanan). hinanap ko kung saan sya posible nakalagay pero hindi ko makita. agad kong tinawagan ang best friend ko para sabihin ko sa kanyang "salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan bes. ikaw na lang ang magsabi sa pamilya ko tungkol sa nangyari." nag-group message ako sa mga kaibigan ko at nagpasalamat sa kanila. eto na yun... this is the sign na... dahil hindi ko makita ang kaliwang tsinela ko, hindi ako makakalabas para makakain. at pag hindi ako nakakain, magugutom ako. pag nagutom ako, mawawalan ako ng energy para mag-text at makipag-communicate sa mga mahal ko sa buhay. bababa ang immune system ko. magiging sakitin ako. hanggang sa bumigay na ang katawan ko at tuluyan na akong mamaalam sa mundong ito! natakot ako. hindi pa ako handang mamatay! at ayokong mamatay sa ganung paraan! habang aligaga sa kung anong mangyayari sa akin, naihi ako... at nandun lang pala sa cr ang kaliwang tsinela! whew! extended pa ang buhay ko! ayus!

pero, paano nga kaya kung ganun no? paano kung bigla mo na lang malaman na may kondisyon ka na alam mong anytime eh pwede kang kunin sa mundong ito? pano mo ito paghahandaan? ano ang mga dapat mong gawin? paano ka magpapatuloy sa buhay?

nitong mga nakaraang linggo eh madalas nating makita sa mga gay blogs ang "The Love Yourself Project" (website can be viewed here) at ang adhikain nito na makatulong sa msm (men having sex with men) community at sa kabataan na maging aware tungkol sa panganib na dala ng aids. alam nating lahat na hanggang ngayon ay wala pa ring lunas ang aids, at alam rin natin ang posibleng mangyari sa atin kung meron man tayo nito. kung wala naman, hindi nating TALAGANG alam ang mga tamang gawin para maiwasan ito. at yan ang layunin ng The Love Yourself Project... ang maipalaganap ang impormasyon na kinakailangan ng bawat isa sa atin.

the group is composed of individuals from different backgrounds who decided to create the group for one sole purpose of helping spreading the knowledge we need. as i read their website, nakita ko dun na they also have people who are trained and certified hiv counselors. nice! kamakailan lang ay nagdaos ang The Love Yourself Project ng isang event kung saan nagkaroon ng hiv testing at confidential counseling na naging very successful. umpisa pa lang ito, at para sa isang non-government organization na may magandang layunin, i'm sure they will soar higher grounds. and let's do our share to support this advocacy.

this sunday, august 14, The Love Yourself Project will host an open photoshoot to raise funds for their upcoming projects. sa halagang 1, 000.00 pesos lang, you will get a photoshoot with renowned photographer Ian Felix Alquiros, basic grooming services, and a free shirt! but, it's not about the price, right? it's about the miles of help that this small amount of money can give. if it's not enough to boost you... let these guys do the talking.


they are just some of the lovers of The Love Yourself project. may isa akong crush dyan! whee!!! (weh? isa lang?)... o sya, sige na nga! tatlo ang crush ko dyan! ahahahaha! or... fine fine... eto, totoo na... apat! apat sa walong yan, crush ko! (wala nang pilitan, maximum na yan! ahahaha!). and that's how your picture will look like. diba? advocate na advocate? nakakatuwa!

isa pa sa mga fund-raising projects nila ay ang special screening ng dalawang magandang pelikula -- "ang sayaw ng dalawang kaliwang paa" at "zombadings: patayin sa shokot si remington". ang film showing ay gagawin sa sm megamall cinema 9 on august 23. 300 pesos lang for one movie, and 500 pesos naman kung both movies. 7pm ang "sayaw" at 9pm naman ang "zombadings"

details and registration can be found on their website. see you on the shoot and on the film showing guys! it's not just going to be fun.. it's going to be life-changing!

hmmmm... magbigay kaya ako ng discount sa mga magpaparticipate sa The Love Yourself Project? ahahahahaha!

Explosion

kakagising ko lang ng nakatanggap ako ng text.

"pwede ka ba ng alas-singko?"
"okay po."
"sige, sa sogo na lang tayo sa pasay. text ko sayo room number."

katangahan ni Boy Shiatsu, 4:30pm na pala! kaya paspasang ligo (well, matino naman kahit mabilis, hindi yung wisik wisik lang na ginagawa ko paminsan-minsan pag male-late na sa school nung elementary, haha!) at sumugod na agad ako sa pasay galing pasig. sa awa naman ng kung sino, dumating ako ng 5:15pm sa pasay. pero wala pa ring text si sir. kaya naisipan ko na lang kumain ng siomai habang naghihintay. hindi naman kasi ako pwedeng kumain ng heavy kahit gutom na gutom ako kasi medyo pagod ako, at para makapagperform ng mahusay kay sir mamaya ay kakailanganin kong uminom ng, hmmm, itago na lang natin sa pangalang bato ni darna.

matapos ang apat na pirasong siomai at isang baso ng gulaman, nakatanggap na ako ng text kay Sir Martin kung anong room sya. pwede na daw akong sumunod.

pumasok ako sa sogo at nagpunta sa sinabing kwarto kung saan ay winelcome ako ni Sir Martin na naka-brief lang. matangkad si sir. at kasing-tangkad nya rin yata ang bukol na agad kong nabakat sa brief nya... asteg si Sir Martin... daks!

nagpaalam muna ako para maligo, at habang naliligo ay ininom ko na ang bato ni darna para ready for action. toothbrush, dalawang beses pa! lumabas ako ng banyo at sinimulan na ang serbisyo.

medyo tahimik si Sir Martin. walang masyadong kwentuhang naganap. or... in fact... walang kwentuhang naganap! tahimik ang paligid. anino mo lang ang maririnig mo, tsaka yung dalawang maingay na babae sa kabilang kwarto. kung bakit sila maingay, hindi ko alam.

natapos na ang masahe at sinimulan ko na ang pangroromansa kay Sir Martin. habang niroromansa ko ang upper body ni Sir Martin, napansin kong kinuha nya ang condom na nasa sidetable at nagbukas sya ng isa... at inilagay nya sa junior nyang hindi junior!

"naku... sir... hindi po ako nagpapatira!"
"hinde, hinde kita titirahin. gusto ko lang talaga naka-condom ako pag sina-suck."

whew! nakahinga ako ng malalim. akala ko ipagpipilitan nyang ipasok ang putotoy nya sa akin, at masusundan na naman ang traumatic Unit 2023 experience ko (which... i just remembered... 23 din ang last two digits ng room namin ni Sir Martin sa sogo nun!). pero, unang beses kong magsa-suck ng naka-condom. weird.

pero kailangan tuloy tuloy ang aksyon dahil halatang nasa mood na si sir, at umeepekto na rin ang bato ni darna. dahan-dahan kong dinilaan ang katawan ni Sir Martin pababa sa kanyang private area na nangingintab dahil sa condom. amoy chocolate! now i know kung bakit may mga flavor ang mga condom... para sa mga lalaking may fetish na magpachupa ng may condom! ahahahaha!

sinimulan ko ang pag-suck kay Sir Martin... ang weird talaga! hindi pala maganda ang pakiramdam ng rubber sa bibig. at ang weird pala ng rubber na lasang chocolate! pero, tuloy tuloy lang ang pagsubo. at mukha namang enjoy na enjoy si Sir Martin. at enjoy na enjoy din ang junior nyang hindi junior... nanlalaban ito at pumipiglas-piglas! ayus to!

ang problema... dahil nga medyo may kalakihan ang alaga ni sir, nahihirapan akong isubo ito ng buo. kahit kalahati pa lang ang naisusubo ko, medyo nararamdaman kong nagrarally na ang lalamunan ko! nagbibigay na ng warning sign! pero, dahil pro-customer si Boy Shiatsu, wapakels sya sa rally ng lalamunan.

tuloy tuloy ang chupaan, at habang tumatagal ay pataas ng pataas ang libog ni Sir Martin, para bang nagsasabing malapit na syang sumabog. at kasabay naman nito ay patindi ng patindi ang rally ng lalamunan ko, para bang nagsasabing malapit na rin syang sumabog. natawa na lang ako sa rally ng lalamunan... paano namang sasabog ang lalamunan ko sa pagtsupa? kung totoo man yun, matagal na akong walang lalamunan!

hindi ako nagkamali ng hinala... tumataas na talaga ang libog ni Sir Martin. hindi na nya napigilan at talagang sinabunutan na nya ako at sya na ang nagbayo ng ulo ko sa galit na galit at tayung-tayo nyang junjun. tuloy tuloy ang pagsubo. tuloy tuloy ang pagbayo. at maya-maya pa, sa isang matinding pagsubsob ni Sir Martin ng ulo ko sa kargada nya, ay pumasok ang kabuuan ng kargada nya sa bibig ko. sinabayan pa ito ng malakas na ungol si Sir Martin, at naramdaman ko ang paglobo ng condom sa bibig ko, senyales ng malakas at masaganang pagsabog ni Sir Martin.

pero, kasabay nito ay ang matinding warning na kanina pa irinarally ng lalamunan ko. kasabay ng pagsabog ng kargada ni Sir Martin ay ang pagsabog ng lalamunan ko, na syang nagkalat ng maraming kung anu-anong bagay sa loob ng bibig ko!

oo... isang manipis na rubber lang ang naghihiwalay sa masabaw na katas ng junjun ni Sir Martin at makarneng katas ng tiyan ko na ngayon ay nasa bibig ko.

hindi ko alam ang gagawin ko that time. pag tinanggal ko ang pagkakasubo ko sa junjun ni Sir Martin, kakalat ang suka ko sa private area nya, that's gross! pag naman nanatili akong nakasubo, magtataka na si Sir Martin at baka pwersahin nyang hilahin ako pakalas sa junjun nya, at kakalat ang suka ko sa private area nya, that's gross!

buti na lang at mukhang pagod na pagod si Sir Martin. may ilang segundo pa ako para mabilis na mag-isip kung anong gagawin ko sa pira-piraso ng siomai at gulaman na masayang lumalangoy-langoy sa bibig ko. mabuti na lang pala at mahilig ako manood ng korean movies. may naalala akong eksena sa "my sassy girl" at ganun na lang din ang ginawa ko... para matapos lang...

ipinikit ko ang mga mata ko at lakas-pwersa kong nilunok ang lahat ng suka na nasa bibig ko, kasama ang pandidiri sa sarili at pagsisisi sa hindi ko pakikinig sa rally ng lalamunan ko. ng pakiramdam ko ay nasimot ko na lahat, tsaka ko pinakawalan ang junjun ni Sir Martin. pero, as expected, may little bits and pieces na naiwang medyo nakadikit sa condom, at may ilan-ilan ding nasipit sa pubic hair nya (is that a calamansi seed? amf!)! buti na lang at katabi ko ang handy dandy bimpo ko, agad-agad kong pinunasan ang lahat ng kalat sa private area ni sir.

"sir, tanggalin ko na po yung condom?" alibi ko na lang kunyari, baka sakaling itanong n'ya kung bakit ko pinupunasan pati pubes nya.
"wag muna, hayaan mo lang dyan. tara, tabihan mo muna ako, cuddle cuddle muna tayo."
"ha... ah... eh... cr lang po muna ako sir."
"sige."

at agad akong tumakbo sa cr. hinugasan ko ang handy dandy bimpo ko habang pilit kong pinapasuka ang sarili ko (dati akong bulimic, so i know how to... fine! feeling bulimic lang, hindi naging successful eh! haha!). salamat naman at cooperative ang little bits and pieces ng merienda ko, agad agad silang nag-slide mula sa tiyan, sa esophagus, sa lalamunan, sa bibig, at sa toilet bowl. ilang sundot pa, at pakiramdam ko ay clear na ako. wala nang unwanted guests. toothbrush ulit, dalawang beses, mas madiin, bago ako lumabas ng banyo.

"okay ka lang?" tanong ni Sir Martin paglabas ko ng banyo.
"opo."
"parang narinig kitang sumuka."

patay! nakalimutan ko! karamihan nga pala ng banyo sa sogo eh halos plywood lang ang pader. and during that time, mukhang nag-check-out na yung maiingay na mga babae sa kabilang kwarto, kaya tahimik talaga.

"ah, eh, opo. kasi sir, medyo naduwal po ako sa titi nyo eh."
"haha! sabi na nga ba eh. pasensya na ha."
"okay lang po."
"nasuka ka ba kanina?"

the million-dollar question. to tell the truth or to tell a lie?

...

...

...

"opo."
"ah... kaya pala pinunasan mo agad yung titi ko."
"pasensya na po talaga sir. nakakahiya."
"hindi, ayus lang. teka, hugas lang ako."
"sige po."

at naghugas nga si sir, habang ako naman ay namumula sa kahihiyan. ilang minuto pa, lumabas na si Sir Martin. wala na rin ang condom nya at mukhang nai-slide down nya na rin sa toilet bowl ang ilang litrong katas nya.

"pasensya na ha. trip ko kasi talaga yung naka-deep-throat yung titi ko pag nilabasan ako eh." banggit ni Sir Martin paglabas na paglabas nya ng banyo.
"okay lang po sir. nabigla lang ako kaya nasuka ako."
"actually, medyo maraming beses na nangyari yan. yung sa iba nga kumakalat pa talaga sa titi ko. kaya lagi na ako nagcocondom pag nagpapachupa."

ahhh... kaya naman pala. so, hindi pala fetish ni sir yun. protection pala talaga yun. pero, this time, it's not protection for aids... it's protection for unwanted little bits and pieces of whatever breakfast, lunch, dinner, or merienda someone had. haha!

"teka nga pala... akala ko nasuka ka... bakit para hindi ko naman masyadong naramdaman? kaunti lang ba?"
"um... marami po... nilunok ko."

napahalakhak si sir, pero nagsorry din naman sya. nagulat lang daw kasi sya at kung anong pumasok sa utak ko para lunukin ang suka ko (hindi siguro nanonood si sir ng mga korean movies). at dito na nagsimula ang makulit naming kwentuhan tungkol sa mga pinaka-nakakadiring sexual experiences namin. hanggang sa napagod (o nandiri?) rin kami sa kwentuhan. binayaran ako ni Sir Martin (may extra pa, for the inconvenience daw) at sabay na kaming lumabas ng hotel. nilibre nya pa ako ng dinner. spaghetti and chicken.

napaisip tuloy ako... paano kaya kung spaghetti and chicken ang kinain ko bago ko sya sinervice at hindi siomai?

eeeeeeeewwwwwwwwwww!!!

07 August 2011

Vantage Point

galing sa trabaho at medyo pagod, naisipan ko munang mag-check-in sa sogo trinoma para makapagpahinga. executive room sa 4th floor, para may hair dryer since medyo mahaba ang buhok ko, mahirap patuyuin.

pumasok ako sa kwarto, nag-shower saglit, at nagpahinga, pero hindi ako makatulog. binuksan ko ang tv at nagpalipat-lipat ng channel, hanggang sa may maisip akong gawin...

agad ko syang itinext.

"pwede ka ba ngayon?"
"sure! saan?"
"sa sogo trinoma."
"okay. text mo sa akin ang room number" na agad ko namang ginawa.

nakakatuwa sya. laging available. kahit ngayon na alas-sais ng umaga, on-the-go pa rin. talagang maaasahan sa oras ng kalibugan, ika nga!

ilang minuto pa, nag-ring na ang telepono sa kwarto.

"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."

at maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell at nakatayo na nga sya sa harap ng pintuan... matipuno at masarap tignan kahit may kaunting tiyan.

sinundan ito ng halos dalawang oras ng umaatikabong aksyon.

naligo, nagbihis, nagkwentuhan saglit, at iniabot ko na sa kanya ang bayad.

"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir." at ibinaba ng receptionist ang telepono, na sya naman sinabayan ko ng paghiga sa kama at pagtulog.


* * * * *


galing sa trabaho at medyo pagod, naisipan ko munang mag-check-in sa sogo trinoma para makapagpahinga. premiere room sa 3rd floor, medyo tipid sa budget at matagal pa ang sweldo.

pagpasok ko sa kwarto, agad ko syang tinext.

"asan ka?"
"having breakfast malapit sa sm north."
"good! available ka ba?"
"yes."
"sige, puntahan ko ako dito sa sogo trinoma, room 3**"
"okay. tapusin ko lang breakfast ko ha."

hindi ko na kailangang tanungin ang rates nya dahil napag-usapan na namin yun last week. pero ngayon ko pa lang sya susubukan, sana naman eh sulit ang bayad ko.

ilang minuto pa, nag-ring na ang telepono sa kwarto.

"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."

at maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell at nakatayo na nga sya sa harap ng pintuan. mas gwapo pa pala sya in person kaysa sa picture, pero may kaunting tiyan lang, pero nasabi nya naman sa akin yun, and wala rin naman akong pakialam.

"kumusta po?"
"okay naman. eto, medyo pagod."
"ayus lang yan! tatanggalin natin pagod mo."

naligo muna ako, pagkatapos ay siya naman, at sinundan na ito ng langit na matagal-tagal ko ring hinintay. panalong-panalo! sulit nga!

naligo, nagbihis, nagkwentuhan saglit, at iniabot ko na sa kanya ang bayad.

"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir." at ibinaba ng receptionist ang telepono, na sya namang sinabayan ko ng paghiga sa kama at pagtulog, may kasamang ngiti sa labi at maliit na boses na nagbubulong sa akin na nagsasabing paniguruhan eh iha-hire ko sya ulit.


* * * * *

dahil wala akong magawa at rest day ko naman, naisipan ko syang itext.

"uy, musta?"
"okay naman po. eto, gala-gala sa trinoma."
"available ka ba?"
"when ba?"
"mamaya, mga 2pm. dyan na lang sa sogo trinoma para di ka na malayuan."
"okay."

ala-una ng hapon noon. naligo na ako at pumunta sa sogo trinoma. 4th floor, executive room. tinext ko na sya ng room number at maya-maya pa ay nag-ring na ang telepono.

"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."

at maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell at nakatayo na nga sya sa harap ng pintuan. may bitbit na paper bag, mukhang nag-shopping pa ang mokong. at tila bagong gupit pa! pero, kahit ano pang suot nya o buhok nya, para sa akin okay na okay yung features nya.

pumasok sya ng room at nagkwentuhan muna kami. matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita at nagkakakwentuhan. wala pa rin syang pinagbago. when he opens his mouth, his charm exudes. nakakatuwang makinig sa random stories nya. pag yung iba ang nagkuwento ng kung anu-ano, maiirita ka. pero sya, you'll get hooked.

matapos pa ang kwentuhan, pinaligo ko na sya tutal bagong ligo naman ako. pagkatapos nun ay sinimulan na nya ang masahe.

"parang medyo nanlalambot ka ngayon."
"pasensya na sir. medyo pagod."
"it's okay."

pero kahit medyo pagod, maganda pa rin ang kalidad ng masahe nya... medyo kulang lang sa pressure that day. pero sa extra, as always, performance level pa rin talaga.

nakahiga lang kami sa kama pagkatapos, nagpahinga saglit.

"san ka pupunta after?"
"baka balik muna ako ng trinoma, kain muna bago umuwi."
"ah. sayang, i can't join you. have to go somewhere eh."
"okay lang."

naligo, nagbihis, nagkwentuhan saglit, at iniabot ko na sa kanya ang bayad.

"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir." at ibinaba ng receptionist ang telepono, na sya naman sinabayan ko ng paghiga sa kama dahil napagod ako sa ginawa namin.


* * * * *

"ma'am, may expected guest po kayo?"
"..."
"sige po, paakyatin ko na."

nakakasawa na. araw-araw na lang na ginawa ng diyos na binabanggit ko ang mga salitang yan. walang magagawa. part of the job. nakakatamad, pero ayus lang. ang importante, may trabaho. may naipapakain ako sa mga kapatid ko at nakakatulong ako sa gastusin sa bahay, para hindi masyadong mahirapan si mama at papa. mabuti na lang at mababait ang mga kasama ko dito sa trabaho, kaya kahit bago lang ako dito, hindi ako na-o-op.

mahilig na kaming mag-observe ng mga pumapasok at lumalabas sa hotel. and, hindi ko alam kung bakit, pero medyo malakas ang memory ko sa mukha ng tao. tsaka nakasanayan na rin sa trabaho na ginagawan namin ng istorya yung mga dumarating at umaalis.

madaling araw, sa gitna ng katahimikan sa lobby, may pumasok na isang lalaking naka-black fit shirt. medyo matipuno naman ang katawan nya, pero may kaunting tyan.

"miss, expected visitor, room 4**"
"sandali lang po."

tapos ay idinial ko ang numero ng nasabing kwarto.

"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."

"okay na po sir." sabi ko kay kuyang naka-black pagkababa ng telepono. pagkatapos nun ay tuloy lang ang kwentuhan namin ng kasama ko tungkol sa mga teleseryeng napanood namin kagabi.

ilang oras pa, bumaba na si sir na nakaitim, mag-isa.

"miss, nandun pa yung kasama ko sa room 4**"
"sandali lang po sir"

at muli kong idinial ang number ng nasabing kwarto.

"sir, aalis po ang kasama nyo?"
"oo"
"okay sir."

"okay na po sir." at umalis na nga si sir.

hmmm... ano kayang kwento ang magandang gawin tungkol dito? siguro kaibigan si sir nung naka-check in, at dumalaw lang. baka. ewan.

tuloy tuloy lang ang routine. paulit-ulit. hanggang sa bandang alas-nuwebe ng umaga ay may pumasok... si sir na naka-itim na naman!

"um... miss... guest, room 3**" sabi nya, na parang medyo nahihiya.
"sandali lang po."

tapos ay idinial ko ang numero ng nasabing kwarto.

"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."

"okay na po sir."
"thanks" at umakyat na si sir na naka-itim. sya na naman? nagkatinginan kami nung kasama ko. pero tinawanan na lang namin. na-gets ko na. sa trabaho naming ito, sanay na kami sa mga ganung klaseng visitors.

ilang oras pa ay bumaba na si sir na naka-itim, mag-isa as expected. same old routine, at umalis na sya.

...

...

ayan! malapit nang matapos ang oras ng shift ko. hanggang alas-tres lang ako, at isang oras na lang eh time out na. inaantok na ako. pero nawala ang antok ko sa isang guest na dumating... si sir na naka-itim na naman! pero hindi na sya naka-itim ngayon. naka-printed na polo-shirt sya, at bagong tabas pa ang buhok!

"miss, room 4**, expected guest"
"sandali lang po sir."

tapos ay idinial ko ang numero ng nasabing kwarto.

"sir, may expected guest po kayo?"
"yes."
"sige po, paakyatin ko na."

"okay na po sir."
"salamat" at umakyat na si sir... tsaka ko lang napansin na may bitbit pala syang paper bag. ahhhh...

sumapit ang alas-tres at nag-time-out na ako. ano na kaya nangyari kay sir na naka-itim? ah, ewan... basta, uuwi na ako at inaantok na ako. magpapakwento na lang ako sa mga naiwan dun.


* * * * *


umalis ako sa bahay ng naka-itim na shirt, at umuwi akong naka-polo shirt, may bagong haircut, at may ilang libong nadagdag sa wallet, pero kapalit nito ay nanlulupaypay na katawan.

natulog agad ako pagdating sa bahay... at nagising 12 hours pagkatapos!

05 August 2011

Boy Shiatsu Prepaid

dahil nga sampung araw akong may sakit, ano ang agad agad kong inisip nung gumaling na ako? of course... BACK TO WORK! kailangang mabawi ang funds na nagastos dahil sa sakit.

pero, pag minamalas, gumaling ako on a weekend. mahirap mag-set ng appointment pag midweek. karamihan dahil sa work, yung iba naman dahil sa work, and yung iba eh dahil sa work. may ilan ilan din na dahil sa work.

may isang nagreply. and he has a different reason kung bakit hindi sya pwede that day... work. pero, ewan ko ba. level up ang sales skills ko that day at kung anu-ano ang sinasabi ko. kaso, talagang tied up si sir sa work. and he came up with an idea na matagal-tagal ko na ring nakikitang isinusuggest dito sa blog.

"what if i pay you in advance, then tsaka mo na lang ako i-service?"

napaisip ako. pwede! kaso nakakahiya.

"naku! sir! nakakahiya naman po. if you have the budget na pala, edi i-service na kita. para at least, quits tayo."
"eh ang kaso i'm very busy with work, tsaka gusto ko relaxed ang mind ko pag sinervice mo ako, hindi yung tipong puro work ang nasa utak ko. besides, you need the money. consider this as a help na rin."
"pero nakakahiya talaga sir."
"i know you're a good man kahit hindi pa kita nakikita. so i'm willing to help."

dun na ako na-touch. nakakatuwang isipin na may mga tao pa palang handang magtiwala sa isang taong nababasa lang nila online.

ibinaba ko ang aking pride, kasama ang aking brief, at nagpaligaya muna saglit bago nagreply kay sir (inatake ako bigla eh, haha!) para mag-set ng meet-up. ilang oras pa ang nakalipas, nagkita na kami.

kumain saglit (sushi!!! finally!!!) at nagkwentuhan, pagkatapos ay iniabot na sa akin ni sir ang "advance" nya. maya-maya pa ay kinailangan na nyang umalis dahil may meeting pa sya.

kahit ngayon eh nahihiya pa rin ako sa nangyari, pero laking pasalamat ko kay sir dahil hindi nya lang alam kung gaano kalaki ang tulong sa akin ng advanced payment nya.

02 August 2011

Rx

Linggo

lulugo-lugo ang katawan pero mapayapa namang nakauwi ng maynila galing sa galera. hindi ko alam kung dahil sa pagbababad sa dagat, o dahil sa walang tigil na pagpapaikot ng poi, o sa walang prenong pagsayaw, o kakulangan sa tulog, o kakulangan sa masustansiyang pagkain, or dahil sa lubak lubak na dagat... basta alam kong hindi tama ang kondisyon ng katawan ko noon. pagdating sa bahay, salampak agad ako sa kama... at nagising ko 12 hours after.

Lunes

nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam ko. this is it. ang matagal ko nang best friend... trangkaso! nananakit ang buong katawan ko bagama't mahaba ang tulog ko. medyo may lagnat din ako. at dahil nga bestfriend ko na ang ganitong sakit, alam ko na kung anong sagot dito. pumunta ng the generics pharmacy (mabisa na, at matipid pa!) para bumili ng isang banig ng phenylpropanolamine at ascorbic acid, pagkatapos ay bumili na rin ng isang malaking fit and right at tsaka dumiretso pauwi. inom gamot, pagkatapos ay umidlip. paggising ko, ayos na ang pakiramdam ko. kaya, nung may nagpa-book na client nung gabi, pinatos ko na agad. medyo naubos ang funds ko sa galera kaya kailangang kumayod agad.

Martes

pagkagising ko, hindi lang sakit ng katawan at lagnat ang nararamdaman ko... this time, may kasama nang sore throat! at medyo sumasakit na rin ng bahagya ang lower body ko. pero, naisip ko, malamang napagod lang kagabi. kailangan ko lang mag-rest pa lalo. kaya tuloy tuloy lang ang pagtulog. hanggang sa talagang sumuko na ang katawan ko. naging mahirap para sa akin ang pagtulog buong gabi.

Miyerkules

alas-siyete ng umaga, naisipan kong pumunta ng malapit na ospital para magpatingin sa espesyalista. hindi ko alam kung dahil ba masyado pang maaga o talagang tinatamad lang yung doktor, pero mas matagal pa ata ang pinaghintay ko kaysa sa consultation ko. pagpasok sa office nya, tinanong nya lang kung gaano katagal na ako nilalagnat (gaano katagal ka na nilalagnat?), tapos eh pinakinggan (kuno) yung likod ko (hingang malalim... hingang malalim... hingang malalim...) at inilawan ang lalamunan ko. tapos ay nagreseta na sya ng gamot. acute tonsillopharingitis daw yung sakit ko. tinatrangkaso ako dahil sa kissing tonsils ko. ilang beses ko ipinapahiwatig sa kanya na nauna yung fever ko kaysa sa sore throat pero hindi nya ako pinansin. at pagkareseta ng gamot, nauna pa syang lumabas ng clinic nya! pakiramdam ko kinotongan nya lang ako ng 400 pesos. nagbayad ako ng 400 pesos para sa isang diagnosis na hindi ako kampante. pweh! binili ko pa rin yung gamot na nirekomenda nya... 210 pesos ang isa kapag branded, 135 pesos kapag generic. potah! pero, kailangan gumaling. bumili ng tatlong piraso sa generic, 3 days ko lang naman daw kailangan at siguradong tanggal ang bacteria sa lalamunan ko. sige na nga.

gabi ng naisipan kong magpamasahe. pakiramdam ko dahil lang sa fatigue kaya sumasakit katawan ko. may malapit na spa-spahan sa amin. pumunta ako at nagtanong... female masseurs lang daw ang meron sila. palpak na agad! hindi sa minamaliit ko ang mga babaeng masahista, pero kasi kadalasan maliliit ang kamay nila, at medyo mahina sila mag-press. sa laki ng katawan kong ito, baka magsayang lang ulit ako ng pera sa female masseur. pero dahil hinahanap-hanap na rin ng katawan ko, pumayag na ako. kahit medyo giniginaw, pumwesto na ako sa massage table. maya-maya pa, dumating na ang masahista ko... aysus! super petite! nbagduda na talaga ako na kaya ako ni ate.

"light po ba o medium"

naku! walang "hard" sa options, yun pa naman ang kailangan ko. pero, out of respect, sumagot na lang ako ng "medium" at nag-mindset na makakatulong din ito kahit papaano. dun ako nagkamali...

unang pindot pa lang ni ate sa likod ko, ramdam ko na agad ang bigat ng kamay nya! ayus! alam nya ang ginagawa nya! nagtuloy-tuloy ang "medium" na masahe na sobrang bigat, pakiramdam ko tanggal ultimo sakit ng bone marrows ko! sa bawat hagod ni ate sa likod ko, hindi ko maiwasang mapaaray sa sakit at sa sarap. para bang alam na alam nya kung saan nagtatago ang sakit sa katawan ko. makalipas pa ang isang oras, narinig ko na lang ang sarili ko na naghihilik sa massage table. tila lantang gulay, pero ang laki ng iginaan ng pakiramdam ko. maya-maya pa ay umuwi na ako.

Huwebes

tama ang hinala ko... hindi ang sore throat ang dahilan ng flu ko, kundi body pains! maganda ang naging gising ko ng thursday. walang sakit ng katawan, pero medyo masakit pa rin ang lalamunan ko... and may dalawang bago pa! kung anong gaan ng pakiramdam ng katawan ko, syang bigat ng ulo ko! at tsaka, napansin ko pa na puro red spots ako sa leeg at sa upper body. eto, nagtaka na talaga ako kung saan nanggaling. tuloy lang ako sa pag-inom ng erithromycin na rekomendado ni doc kahapon para sa throat ko, plus dinagdagan ko na ng mefenamic para sa sakit ng ulo. napagdaanan ko ang araw... thank god.

Biyernes

same fucking feeling. masakit na lalamunan, masakit na ulo, at tsaka mala-measles na tuldok tuldok sa leeg at sa upper body. i decided to just rest the whole day and go home to my mum kinabukasan.

Sabado

umuwi ako ng rizal para kung ano man ang maging sakit ko ay maaalagaan ako ng mama ko, at tsaka para makapagpahinga na rin ako ng mabuti dahil alam kong wala namang pakialam sa akin ang mga hausmates ko. sinalubong ako ng mama ng mainit na sermon... ano daw ba nangyari sa akin. pero nung nakita nya naman na medyo okay na ako, natahimik na rin sya. pero, as expected, napuna nya yung mga dots sa leeg ko. kaya nag-suggest sya ng isang bagay na hindi ko rin alam kung bakit nakalimutan ko... magpatingin sa albularyo. dahil laking probinsya, naniniwala kami pareho ni mama sa mga ganito. wala namang masama kung maniwala diba?

Linggo

pinuntahan namin ni mama ang isang kilala naming albularyo malapit sa bahay. si Ka Kurne. makwento pa rin si manong. bago kami nakapagsimula, inabot ata kami ng kalahating oras sa kwentuhan. pagkakita nya pa lang daw sa akin, alam nya daw agad na may mali. at bilang panggamot, kailangan nya daw ako itawas. nagkadkad ng kandila sa isang bakal na kutsara, tinunaw ito sa pamamagitan ng natitirang kandila, at nag-orasyon. dahan-dahan pa nyang iniikot sa katawan ko ang kutsara habang tuloy tuloy ang kanyang orasyon na hindi ko maintindihan. pero bigla akong natawa sa isang banat nya, buti na lang talaga at nagawa ko pang pigilan ang pagtawa ko.

"nawa ay makahanap ang binatang ito ng dalagang magpapasaya sa kanya habang buhay."

langyang albularyo to! matchmaker pa ata! pero... dalaga?!?! EEEEEEEEWWWWW!!!!

maya maya pa ay ibinuhos ni Ka Kurne ang natunaw na kandila sa kutsara sa isang mangkok na may tubig... at talagang kahit ako ay nagulat sa linaw ng imahe na nabuo sa tunaw na kandila.

kinhua ni Ka Kurne ang nasabing wax at ipinaliwanag sa akin.

"ayan, hijo, may puno ng sampalok (at kita talaga yung hitsura ng puno!) tapos may dalawang engkantadang nakatingin, ibig sabihin nagkakagusto sila sayo." itinuro nya kung saan sa nabuong wax yung dalawang engkantada, at nakita ko nga. "kaya sumasama pakiramdam mo, kasi pag ang engkantada nagkagusto sa tao, ganun yung nagiging effect."

langya naman... engkantada pa nagkagusto sa akin. hindi ba pwedeng si Xian Lim na lang?

"pero, tignan mo naman kasi. pag nakaharap, kamukha mo si Jake Anderson (sino yun?!?!?!). pag nakatagilid, Rudy Fernandez. pag nakatalikod, si FPJ."

oo na lang manong, oo na lang.

pagkatapos pa ay minasahe naman ako ni Ka Kurne gamit ang combination nya ng holy oil (daw) at omega pain killer. in fairness, ang sarap nung langis sa katawan. makalipas pa ang ilang minuto, tapos na ang session. medyo mabigat pa rin pakiramdam ko at nangangalumata pa rin, pero sinigurado naman ni Ka Kurne na dahil naitaboy na nya ang mga engkantada (itago na lang natin sa pangalang Paris at Nicole), siguradong magiging maayos na ang pakiramdam ko.

Lunes

tama si Ka Kurne!

at ngayon, Martes, ay tuloy-tuloy lang akong nagpapagaling. sinong mag-aakala na walang binatbat ang 400 pesos na subida ko sa doktor at daan-daang nagastos ko sa gamot sa sikwenta pesos na donasyon ko kay Ka Kurne.

salamat nga pala sa mga nagdasal at sa mga laging nangungumusta. BoyShiatsu will be back in business very very soon!!! (kailangan ko na rin kasi)

ngayon