nagdala ako ng tela kay mama kailan lang dahil nagpapatahi yung teacher ko nung high school ng mga long sleeves para sa asawa n'ya. kaysa nga naman bumili sila ng lilibuhing halaga ng long sleeves, mas makakatipid sila pag bumili ng tela at nagbayad na lang ng mananahi. and pwede pang personalized yung long sleeves. kung gusto nilang plunging yung neckline nung long sleeves, o kaya naman eh backless, pwedeng pwede! then pag may natirang tela, pwede pa ako igawa ng mama ko ng polo! nakatipid na sila, nakatulong pa sila sa mga mahihirap (sa kasong ito, ako yung mahirap! hahaha!)
habang nasa byahe, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. excitement, kasi ilang linggo na rin pala akong hindi umuuwi. or takot, kasi hindi pa rin alam ng mama ko na wala na ako sa dating call center work ko. gutom, kasi hindi ako nag-almusal para sabay kami mag-brunch ni mama. libog, kasi may kuyang masarap sa bus. or antok, kasi napuyat ako the night before dahil sa maiingay kong housemates na nanood ng mga horror dvd's magdamag at sigawan ng sigawan (manonood-nood ng horror, tapos sisigaw! haysus!).
makalipas ang ilang siglo, ayun na, natanaw ko na ang jollibee kung saan kami magkikita ni mama, ang jollibee na naging bahagi ng childhood life ko. naalala ko tuloy nung bago pa lang yun, araw araw puno, at laging mahaba ang pila. may kasama pang greenwich yun (na super masarap yung spaghetti, maraming meat). linggo linggo, nakakagawian namin na kumain dun. minsan naman ay nagte-takeout kami ng pizza meal ng greenwich at sa bahay kami kakain habang nanonood ng vhs. ilang bertdey din ng mga kababata at kabarkada ko ang na-celebrate doon. at ngayon, makalipas ang ilang taon, eto at binalikan ko ang jollibeeng iyon (wala na yung greenwich, kalungkot).
hinintay ko si mama na dumating rin naman ilang dekada pagkaupo ko sa isang bakanteng upuan sa loob.
"kumusta ka na ba anak? bakit naman ngayon ka lang umuwi?"
"busy lang, sobra. tara, kumain na tayo."
hindi ko na sya kailangan tanungin kung ano ang order nya. chickenjoy ang paborito ng mama ko, masarap daw kasi yung balat at juicy yung laman. pero madalas naman eh tinatanggal nya yung balat at inilalagay sa pinggan ko para ako ang kumain. tapos yung laman, halos wala pa sa kalahati yung kinakain nya kasi inilalagay nya pa rin sa pinggan ko. ngayon, alam ko na kung sino ang dahilan ng hindi kanais-nais na pagtaba ko!
umorder, umupo, at kaunting kwentuhan kami ni mama. general issues lang naman like kumusta ang ate ko, kumusta ang mga kasamahan nya sa trabaho, at kumusta ang lovelife ni Noynoy. naikwento rin ni mama na nabalitaan nya daw na may colon cancer ang tatay ko, kahit alam naman nyang wala akong pakialam sa lalaking yun. (hiwalay na sila, maraming taon na ang nakalipas).
"teka nga, itetext ko ang ate mo, sabihin ko nandito ka. tatawagan ka nun." itinigil pansamantala ni mama ang paghihimay ng balat ng chickenjoy para ilagay sa pinggan ko (kahit chickenjoy din naman yung inorder ko!) para itext ang ate ko.
kain kain kain, kwento kwento kwento... parang bumalik lang kami sa unang panahon, pero ngayon, ako ang nagbayad ng pagkain.
"bakit hindi mo puntahan ang pamangkin mo?" nabanggit ni mama habang busy ako sa pagkain ng sundae at paghigop ng gravy (wag mo na isipin kung paano ko nagawa yun!).
"ngek! eh may pasok yun ah!"
"sa bagay, edi dalawin mo na lang si bunso (yung pangalawang pamangkin ko)."
sa totoo lang, wala sa plano ko yun. umuwi lang talaga ako para dalhin yung tela, pero tutal nandun na rin naman ako, ano ba naman ang dalawin ko ang 2-year old kong pamangkin na saksakan ng kulit, tutal namimiss ko na rin naman sya.
matapos ang brunch ay pumunta na si mama sa tahian at ako naman ay pumunta sa bahay ni ate. pero dahil may work silang mag-asawa, at may pasok ang una kong pamangkin, si bunso lang ang aabutan ko sa bahay kasama ng pamilya ng asawa ng ate ko.
"nay, kumusta po?" bati ko sa nanay ng bayaw ko pagdating.
"ay naku! napadalaw ka! pumasok pamangkin mo!"
"kaya nga eh, si bunso, nandyan?"
pagkasabing-pagkasabi ko, sya namang nakita ko si bunso na naka-brief lang, at masayang-masayang tumatakbo papalapit sa akin.
"titoooooooooooo!!!"
dalawang taon pa lang pero medyo matatas na magsalita, pero may something na kakaiba sa accent nya, nakakatuwa. at grabe sa kulit, manang-mana sa akin. isang mahigpit na yakap at mamasa-masang halik ang sumalubong sa akin.
"nay, bihisan mo po, igagala ko sa mall."
binihisan si bunso at maya-maya pa ay pogi na ulit, manang-mana sa tito. tinext ko si mama para samahan ako na sunduin ang unang pamangkin ko sa eskwelahan at kausapin ang teacher kung pwedeng mag-early out ang bata para maisama ko paggagagala. laking pasalamat ko naman at pumayag ang guro. maya-maya pa, kasama ko na ang dalawang pamangkin ko at si mama. dahil hindi pwedeng umalis ng matagal sa work, bumalik si mama sa tahian at kaming tatlo naman ay dumiretso sa isang maliit na mall sa hindi kalayuan.
ako, isang 7-year old na batang babae, at isang 2-year old na batang lalaki. sa totoo lang, ngayon lang ako lumabas na kasama ang dalawang pamangkin ko at wala nang iba, kaya natatakot ako kasi baka hindi ko makontrol itong mga batang ito. medyo maikli pa naman ang pasensya ko sa bata.
pero, nagkamali ako. pagdating na pagdating sa mall. nagpababa mula sa pagkakabuhat si bunso, habang ang unang pamangkin ko naman ay tahimik na humawak lang sa akin.
ikot dito, takbo doon. laro dito, kain doon. gastos gastos gastos, pero wala na akong pakialam kung nauubos na ang pera sa wallet ko. ngayon ko lang nakasama ng ganito ang mga pamangkin ko, at nakakatuwa ang bawat tawa, halakhak, at ngiti na lumalabas sa mukha nila. nakakatuwang panoorin kung paanong magtalo yung dalawang bata sa world of fun (tito, laro tayo nito), kung paanong mag-unahan sa pag-ubos ng chickenjoy (nauna ako tito!) at kung paanong mag-agawan sa frozen yogurt (tito, ang asim naman nung ice cream!). nakakatuwa ang bawat kilos nila.
natapos ang araw at kinailangan na rin naming umuwi. bakas sa mukha ng dalawang pamangkin ko ang pagod pero pareho naman silang masaya. habang nasa jeep, kalung-kalong ko si bunso at tulog sa balikat ko, habang ang una ko namang pamangkin ay nakasandal sa akin at tulog din. maya-maya pa ay tumunog ang telepono ko... si ate, tumatawag.
"oy, ano na? kasama mo daw ang mga bata?"
"oo, eto nga't pauwi na kami. parehong tulog. asan ka ba?"
"nandito pa ako sa trabaho eh. hanggang alas-syete pa ako. hintayin mo na ako sa bahay, dun ka na maghapunan."
"hindi na ate, may pupuntahan pa ako eh. bumili ako ng chickenjoy bucket, iwan ko na lang dun sa inyo."
"naku, salamat. mag-iingat ka lagi ha. umuwi ka naman kasi paminsan-minsan. basta ingat ka sa work mo, wag ka na magreresign ha!"
at natapos ang usapan..
hindi alam ni mama, o ni ate, o ng mga pamangkin ko na hindi na ako sa call center nagtatrabaho. hindi nila alam na ang perang ginagamit ko sa mga gala namin at mga perang pinapadala ko sa kanila ay galing sa maruming trabaho. hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila, pero wala na rin akong pakialam. ang bawat haplos, bawat halik, bawat tsupa, at bawat putok ko, katumbas ng masarap na kwentuhan namin ni mama, masayang kulitan at maasim na yogurt ng mga pamangkin ko, at masarap na hapunan para sa ate ko. hindi ko na iniisip kung pangit ang pinanggagalingan ng pera ko. ang mahalaga, nakakatulong ako para mabigyan ang pamilya ko ng maayos at magandang buhay.
dumating kami sa bahay nina ate at iniwan ang mga bata, kasama ang bawas na chickenjoy bucket (hindi ko matiis, kinain ko yung isang leg habang nasa byahe! ang bango eh!).
"thank you tito" sabay yakap ng mahigpit ang unang kong pamangkin. "kailan ka uuwi ulit?"
"basta, uuwi ako ulit."
at umalis na ako, kasama ang isang patak ng luha na tumulo sa mata ko, at ang lakas ng loob na nagsasabing "kaya mo yan Boy Shiatsu, kahit hindi na lang para sayo, kundi para sa pamilya mo."