30 June 2011

Chickenjoy

nagdala ako ng tela kay mama kailan lang dahil nagpapatahi yung teacher ko nung high school ng mga long sleeves para sa asawa n'ya. kaysa nga naman bumili sila ng lilibuhing halaga ng long sleeves, mas makakatipid sila pag bumili ng tela at nagbayad na lang ng mananahi. and pwede pang personalized yung long sleeves. kung gusto nilang plunging yung neckline nung long sleeves, o kaya naman eh backless, pwedeng pwede! then pag may natirang tela, pwede pa ako igawa ng mama ko ng polo! nakatipid na sila, nakatulong pa sila sa mga mahihirap (sa kasong ito, ako yung mahirap! hahaha!)

habang nasa byahe, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. excitement, kasi ilang linggo na rin pala akong hindi umuuwi. or takot, kasi hindi pa rin alam ng mama ko na wala na ako sa dating call center work ko. gutom, kasi hindi ako nag-almusal para sabay kami mag-brunch ni mama. libog, kasi may kuyang masarap sa bus. or antok, kasi napuyat ako the night before dahil sa maiingay kong housemates na nanood ng mga horror dvd's magdamag at sigawan ng sigawan (manonood-nood ng horror, tapos sisigaw! haysus!).

makalipas ang ilang siglo, ayun na, natanaw ko na ang jollibee kung saan kami magkikita ni mama, ang jollibee na naging bahagi ng childhood life ko. naalala ko tuloy nung bago pa lang yun, araw araw puno, at laging mahaba ang pila. may kasama pang greenwich yun (na super masarap yung spaghetti, maraming meat). linggo linggo, nakakagawian namin na kumain dun. minsan naman ay nagte-takeout kami ng pizza meal ng greenwich at sa bahay kami kakain habang nanonood ng vhs. ilang bertdey din ng mga kababata at kabarkada ko ang na-celebrate doon. at ngayon, makalipas ang ilang taon, eto at binalikan ko ang jollibeeng iyon (wala na yung greenwich, kalungkot).

hinintay ko si mama na dumating rin naman ilang dekada pagkaupo ko sa isang bakanteng upuan sa loob.

"kumusta ka na ba anak? bakit naman ngayon ka lang umuwi?"
"busy lang, sobra. tara, kumain na tayo."

hindi ko na sya kailangan tanungin kung ano ang order nya. chickenjoy ang paborito ng mama ko, masarap daw kasi yung balat at juicy yung laman. pero madalas naman eh tinatanggal nya yung balat at inilalagay sa pinggan ko para ako ang kumain. tapos yung laman, halos wala pa sa kalahati yung kinakain nya kasi inilalagay nya pa rin sa pinggan ko. ngayon, alam ko na kung sino ang dahilan ng hindi kanais-nais na pagtaba ko!

umorder, umupo, at kaunting kwentuhan kami ni mama. general issues lang naman like kumusta ang ate ko, kumusta ang mga kasamahan nya sa trabaho, at kumusta ang lovelife ni Noynoy. naikwento rin ni mama na nabalitaan nya daw na may colon cancer ang tatay ko, kahit alam naman nyang wala akong pakialam sa lalaking yun. (hiwalay na sila, maraming taon na ang nakalipas).

"teka nga, itetext ko ang ate mo, sabihin ko nandito ka. tatawagan ka nun." itinigil pansamantala ni mama ang paghihimay ng balat ng chickenjoy para ilagay sa pinggan ko (kahit chickenjoy din naman yung inorder ko!) para itext ang ate ko.

kain kain kain, kwento kwento kwento... parang bumalik lang kami sa unang panahon, pero ngayon, ako ang nagbayad ng pagkain.

"bakit hindi mo puntahan ang pamangkin mo?" nabanggit ni mama habang busy ako sa pagkain ng sundae at paghigop ng gravy (wag mo na isipin kung paano ko nagawa yun!).
"ngek! eh may pasok yun ah!"
"sa bagay, edi dalawin mo na lang si bunso (yung pangalawang pamangkin ko)."

sa totoo lang, wala sa plano ko yun. umuwi lang talaga ako para dalhin yung tela, pero tutal nandun na rin naman ako, ano ba naman ang dalawin ko ang 2-year old kong pamangkin na saksakan ng kulit, tutal namimiss ko na rin naman sya.

matapos ang brunch ay pumunta na si mama sa tahian at ako naman ay pumunta sa bahay ni ate. pero dahil may work silang mag-asawa, at may pasok ang una kong pamangkin, si bunso lang ang aabutan ko sa bahay kasama ng pamilya ng asawa ng ate ko.

"nay, kumusta po?" bati ko sa nanay ng bayaw ko pagdating.
"ay naku! napadalaw ka! pumasok pamangkin mo!"
"kaya nga eh, si bunso, nandyan?"

pagkasabing-pagkasabi ko, sya namang nakita ko si bunso na naka-brief lang, at masayang-masayang tumatakbo papalapit sa akin.

"titoooooooooooo!!!"

dalawang taon pa lang pero medyo matatas na magsalita, pero may something na kakaiba sa accent nya, nakakatuwa. at grabe sa kulit, manang-mana sa akin. isang mahigpit na yakap at mamasa-masang halik ang sumalubong sa akin.

"nay, bihisan mo po, igagala ko sa mall."

binihisan si bunso at maya-maya pa ay pogi na ulit, manang-mana sa tito. tinext ko si mama para samahan ako na sunduin ang unang pamangkin ko sa eskwelahan at kausapin ang teacher kung pwedeng mag-early out ang bata para maisama ko paggagagala. laking pasalamat ko naman at pumayag ang guro. maya-maya pa, kasama ko na ang dalawang pamangkin ko at si mama. dahil hindi pwedeng umalis ng matagal sa work, bumalik si mama sa tahian at kaming tatlo naman ay dumiretso sa isang maliit na mall sa hindi kalayuan.

ako, isang 7-year old na batang babae, at isang 2-year old na batang lalaki. sa totoo lang, ngayon lang ako lumabas na kasama ang dalawang pamangkin ko at wala nang iba, kaya natatakot ako kasi baka hindi ko makontrol itong mga batang ito. medyo maikli pa naman ang pasensya ko sa bata.

pero, nagkamali ako. pagdating na pagdating sa mall. nagpababa mula sa pagkakabuhat si bunso, habang ang unang pamangkin ko naman ay tahimik na humawak lang sa akin.

ikot dito, takbo doon. laro dito, kain doon. gastos gastos gastos, pero wala na akong pakialam kung nauubos na ang pera sa wallet ko. ngayon ko lang nakasama ng ganito ang mga pamangkin ko, at nakakatuwa ang bawat tawa, halakhak, at ngiti na lumalabas sa mukha nila. nakakatuwang panoorin kung paanong magtalo yung dalawang bata sa world of fun (tito, laro tayo nito), kung paanong mag-unahan sa pag-ubos ng chickenjoy (nauna ako tito!) at kung paanong mag-agawan sa frozen yogurt (tito, ang asim naman nung ice cream!). nakakatuwa ang bawat kilos nila.

natapos ang araw at kinailangan na rin naming umuwi. bakas sa mukha ng dalawang pamangkin ko ang pagod pero pareho naman silang masaya. habang nasa jeep, kalung-kalong ko si bunso at tulog sa balikat ko, habang ang una ko namang pamangkin ay nakasandal sa akin at tulog din. maya-maya pa ay tumunog ang telepono ko... si ate, tumatawag.

"oy, ano na? kasama mo daw ang mga bata?"
"oo, eto nga't pauwi na kami. parehong tulog. asan ka ba?"
"nandito pa ako sa trabaho eh. hanggang alas-syete pa ako. hintayin mo na ako sa bahay, dun ka na maghapunan."
"hindi na ate, may pupuntahan pa ako eh. bumili ako ng chickenjoy bucket, iwan ko na lang dun sa inyo."
"naku, salamat. mag-iingat ka lagi ha. umuwi ka naman kasi paminsan-minsan. basta ingat ka sa work mo, wag ka na magreresign ha!"

at natapos ang usapan..

hindi alam ni mama, o ni ate, o ng mga pamangkin ko na hindi na ako sa call center nagtatrabaho. hindi nila alam na ang perang ginagamit ko sa mga gala namin at mga perang pinapadala ko sa kanila ay galing sa maruming trabaho. hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila, pero wala na rin akong pakialam. ang bawat haplos, bawat halik, bawat tsupa, at bawat putok ko, katumbas ng masarap na kwentuhan namin ni mama, masayang kulitan at maasim na yogurt ng mga pamangkin ko, at masarap na hapunan para sa ate ko. hindi ko na iniisip kung pangit ang pinanggagalingan ng pera ko. ang mahalaga, nakakatulong ako para mabigyan ang pamilya ko ng maayos at magandang buhay.

dumating kami sa bahay nina ate at iniwan ang mga bata, kasama ang bawas na chickenjoy bucket (hindi ko matiis, kinain ko yung isang leg habang nasa byahe! ang bango eh!).

"thank you tito" sabay yakap ng mahigpit ang unang kong pamangkin. "kailan ka uuwi ulit?"
"basta, uuwi ako ulit."

at umalis na ako, kasama ang isang patak ng luha na tumulo sa mata ko, at ang lakas ng loob na nagsasabing "kaya mo yan Boy Shiatsu, kahit hindi na lang para sayo, kundi para sa pamilya mo."

24 comments:

  1. Hi Boy Shiatsu. I chanced upon your blog after reading about you in Tony's Businessman-2-Man blog. And honestly natutuwa ako that I found this site. You are nothing short but a rarity - isang taong napilitang makipagsapalaran at maging kalakaran ang oldest profession in the world, but truly gifted in letting us readers have a profound glimpse into your world as if nandun kami mismo sa mga pangyayaring kinukuwento mo. Sa ilang mga post mo dito na nabasa ko, nakitaan kaagad kita ng puso kahit hindi kita kilala o nakikita pa. At hindi madaling mangyari yung makita mo ang tunay na character ng isang tao kahit sa mga kilala ko na at madalas pang makasama. Your transparency and ability to be articulate in imparting that on this site is exceptional. Hanga ako sa yo. At nakuha mo ang aking respeto - totoo po iyon.

    ReplyDelete
  2. umeemote ka na rin pala boy shiatsu, hehehe..

    seriously, i wish you more blessings...

    balitaan mo kami pag naging high class ka na :)

    ReplyDelete
  3. Your resilience is admirable. No, wait. It is *inspiring.*

    ReplyDelete
  4. wow! iba ka talaga kuya kenneth! i admire how a local fast food favorite can be so uber dramatic! galing mo!

    ReplyDelete
  5. pinaghirapan mo rin yung pera, di yun galing sa marumi noh, hmm , like ur blog

    marvin

    ReplyDelete
  6. hi boy shiatsu! recently ko lang na-discover itong blog mo (salamat kay migs sa MGG!).

    ang ganda naman ng post mo! na-emote rin tuloy ako, anobeh :-P

    anyways-- palagi mong dadalawin ang pamilya mo ha? :-)

    if ever magawi ka dito sa Hong Kong, ililibre kita ng dinner, promise!


    miguel

    ReplyDelete
  7. SF, salamat po!

    T-Rex, flattering! salamat po for entrusting me with your respect.

    Anonymous 1, syempre umeemote ako, tao pa rin naman ako no! ano akala mo sa akin, tuko? haha!

    Anonymous 2, i like the word... resilience... salamat po!

    Anonymous 3, ikaw ba, anong kwentong chickenjoy mo?

    Marvin, pinaghirapan, oo. pero yung paraan ng pagkita ko ng pera, marumi pa rin. anyway, maraming salamat po!

    Miguel, wow! libreng dinner sa hong kong! ayus! (i hope it's not chickenjoy, haha!). passport, pamasahe, at panggastos na lang ang kulang!

    ReplyDelete
  8. will see you soon,kenneth!

    rico

    ReplyDelete
  9. hi, makiki kenneth na rin ako tutal un naman ata ang pangalan mo. tulad mo am single and tama ka, gagawin mo ang lahat just to provide the best for your family. kahit sa anong paraan pa un. di ko sinasabing ok ung ginagawa mo pero anjan ka na e, at least di napupunta sa kung saan ung pinagtrabahuhan mo . . . i admire u, being a family man . . . i\ve seen myself in you . . . kahit gaano pa kahirap at kalungkot magtrabaho ng malayo sa pamilya ay gagawin mo, para me maipantustos sa pangangailangan nila, pero am praying also na sana makakita ka ng maayos na work that you can be proud of . . . basta it will come soon, just don't forget to pray . . . ingat ka lagi and will always pray for you

    john

    ReplyDelete
  10. u really blew me away(pun intended).ang galing mo talaga mgkwento. pero ken, u can still earn a living ng di galing sa madumi(your words, not mine) by masahe. wala nga lang yung extra service. and hindi sa nakikialam ako, nghihimasok lang, i hope u would find it in ur heart to forgive yung tatay mo.if totoong may colon cancer nga siya, konti na lang panahon nya. alam mo sa mga blogs mo, damang-dama ng mga mambabasa na despite or inspite of ur being a pokpok(ur words uli), meron kang puso. u are a beautiful human being. lagi mong tatandaan yan.sana, mapuntahan mo tatay mo at mapatawad siya,- sheltim

    ReplyDelete
  11. wow nmn.. dumarami fans mo ken!! hehehe.. natakam nmn ako bigla sa chickenjoy.. makpag jabi nga mayang lunch time..

    everyday pagkaupo ko sa office.. blog mo agad binubuksan ko for updates! nakakatuwa kasing basahin.. nakakawala ng stress..

    sana i get the chance dn to meet you.. chill lang.. kaso.. d pwede eh.. hehehe.. :)

    ingat ka lagi.. :)

    ReplyDelete
  12. Rico -- see you soon.

    John -- thanks a lot for the prayers, i appreciate it much

    Sheltim -- salamat po sa concern, pero mahirap kasi magpatawad ng tatay lalo na kung alam mong hindi ka naman nya itinuturing na anak...

    PF -- i had jabee yesterday! hahaha!

    ReplyDelete
  13. I would just like to express to you my deepest respect. I sometimes obtain the services of a masseur, and I know each of them has their own story to tell, but I most of the time I knew they were mostly exaggerated, if not fabricated, and my respect towards them usually lessens. But in your manner of writing, I commend you for your intellect, your feature (human interest) skills are very evident in the way you express your ideas, which is very praise-worthy.

    You must know that there are people who are benefited by your blog, not because of the lust that may exude from your posts but because of the heart and essence of your stories which give light to understanding the psyche of a masseur. (How I wish to make a case study out of your life! That would be very timely for my master's thesis.)

    Each entry is uniquely written, and radiates with a warmth that's barely found in gay blogs, which is most likely a result of your brilliant writing and honest story-telling.

    Well then, I must admit to myself, you're incredible as a writer and great as a person, and that you have made a fan out of me.

    Please continue this blog for the benefit of those people who desire to understand the Men having Sex with Men(MSM) sexuality. It is highly appreciated.

    It is my fervent prayer that you will find true happiness in your life and meaning for every experience, and a heart strong enough to stand before billows and gales.

    Actually, kidding aside, I'm starting to fall in love with your personality here in the blogosphere!

    Keep up the good work (I mean the blog) and accept my warmest empathy (which certainly is far different from the lesser sympathy).

    My best regards and wishes to you and your family.

    Will

    ReplyDelete
  14. Will -- i had tears in my eyes as i read your comment. maraming salamat po talaga sa pagbasa ng mumunting blog ko at sa respetong ibinibigay nyo. salamat po.

    ReplyDelete
  15. Dear Kenneth (is this really your name?),

    Thanks for sharing your heart to us.
    Reading your blog, especially this article makes me realize the world and context of massuers. I must admit mukhang pera lang ang karaniwang tingin sa kanila ng tao (including myself). But with your stories, their human face and feelings come to the fore.

    I can sense you do not just cling to the job out of need. You also find satisfaction in it, di ba? Keep it up.

    Babalik ako sa blog na ito para magbasa ng latest...
    By the way, how can I or my friends avail of your services? Baka mahal ah... :)

    ReplyDelete
  16. James -- salamat po! nakakatuwa isipin na nakikita nyo pala talaga ang human side ng mga kagaya kong masseur sa blog ko. salamat talaga. for queries, please shoot me an email at boyshiatsu@yahoo.com

    ReplyDelete
  17. Natuwa ako ng sobra sa post na to. I'm just new to your blog and I'm already a fan(naks!). Ganyang-ganyan ang mama ko, favorite nya ang ChikenJoy at kapag kainan na, huhubaran nya ng balat yung manok nya at ilalagay lahat sa pinggan ko. At may bonus pa, sa akin ang gravy nya, at hihingi sya ng ketchup sa counter! Reason nya eh bawal daw sa kanya yung balat. Feeling ko naman, gusto nya ibigay yun kasi alam nyang gustong-gusto ko ng balat ahaha.

    I like the way you right, keep it up! :)

    ReplyDelete
  18. write* hahaha tao lang sorry, nawawala yata ako sa sarili pag nagbabasa ng entries mo!

    ReplyDelete
  19. Pat -- i was about to comment dun sa "write" mo! ahahahaha. my mum loves gravy, to the point na kahit yung gravy ko kinakain nya. ang ending, ako ang umiigib ng gravy for the two of us.

    ReplyDelete
  20. wow...galing mo talaga boy...you are the best...sana mameet kita...ingat ka lagi...

    ReplyDelete
  21. nice boy shiatsu, very very nice.
    :)

    ReplyDelete
  22. You're really a revelation. Everytime nagbabasa ako, laging may effect. Matatawa, malulungkot, maiiyak, magagalit, malilibugan (Haha!). Napaka-enriching basahin ng blog mo kahit ang lalim na ng pag-backread ko.

    ReplyDelete
  23. I guess topic variety on your blog really did you good. This is the best for me so far. Always had a soft spot for the family dimension. Heard the blogspot too, cute voice I should say. Stay as sweet as you are.

    ReplyDelete