31 March 2012

BoyShiatsu Nation Tour Goes to Puerto Galera!

innanounce sa office na wala kaming pasok ng good friday (unfortunately, may pasok kami ng maundy thursday... ang araw na confusing kasi thursday na, monday pa! hahaha! ang korni!). saturday sunday off, and then wala pa ring pasok ng monday kasi australia celebrates easter monday daw and not easter sunday.

in short... apat na araw akong walang pasok! AYUS!!!

nag-isip na agad ako kung anong pwede kong gawin during that 4-day freedom. isip ng isip, hanggang sa wala nang maisip.

a few days after, di pa rin akoi makapagdecide kung saan ako magpupunta ng holy weekend. hanggang sa... finally... sige na nga... SA PUERTO GALERA NA LANG AKO PUPUNTA!

and with that, kitakits sa galera from friday to monday!

and, also related to that, walang harbat na akong mag-a-advertise. para mapunan ang mga gastusin ko sa galera, malugod po akong tumatanggap (at nakikiusap? haha!) na sana ay may magpaservice sa inyo. maawa na kayo sa batang gustong magtampisaw sa katubigan ng galera!

26 March 2012

The Devil Inside

nagtext si Sir Lucio para itanong kung pwede daw ako ng gabing yun. and, as always, pwede ako. salamat sa day job ko, nakaka-accomodate pa rin ako ng mga lalaking uhaw tuwing gabi.

pinuntahan ko ang hotel kung saan naka-check-in si Sir Lucio. habang nasa byahe, doon ko lang na-realize na medyo creepy ang room number ni sir... 1408. (alam nyo ba yung movie na yun?)

umakyat ako sa nasabing kwarto at nag-doorbell. i don't know if it's just me, or medyo kakaiba talaga yung tunog nung doorbell. bumukas ang pinto at binati ako ng malaman na ngiti ni Sir Lucio.

"halika, pasok ka."

malalim ang boses ni Sir Lucio. tunog lupa. then yung hitsura nya pa, parang engkantong lupa. mabalbas na kulot. medyo lumapit ako ng bahagya... mabuti naman at hindi sya amoy lupa. at dahil medyo nagsisimula na akong matakot dahil sa mga coincidence ng mga bagay-bagay (pangalan, room number, tunog ng boses, at balbasing mukha), automatic na naging kime ang kilos ko, parang batang takot na takot. di ko maiwasang makaramdam ng mabigat pagpasok ng kwarto. para bang something weird is going to happen.

"kumusta po, sir" in my medyo maliit at malakas maka-balingkinitan na boses.
"okay lang. ikaw?"
"ayus lang po. ligo lang po ako."

at naligo na nga ako. patingin-tingin pa sa paligid, baka bigla ko na lang makita si Toshio, or si Sadako, or si Simsimi.

natapos ang paliligo ko at wala naman akong naramdaman o nakitang maligno. nagsalamin pa muna ako. nagpakyut, nag-make faces. nagpadila-dila. kumindat-kindat. nag-beautiful eyes. ayan... pogi na ako!

paglabas ko ng banyo, nakaupo na si Sir Lucio sa gilid ng kama, hawak ang isang bote ng beer sa kamay.

"inom ka muna." sabi nya sa akin, sabay turo ng isa pang bote ng beer na nakapatong sa lamesa... bukas na.

paranoia attack na naman ako. what if may halong pampatulog yung beer? or may halong betsin? or, worse, lason? pano kung hindi pala beer ang laman nun kundi ihi? kung anu-ano ang tumakbo sa utak ko. pero ininom ko pa rin... libre eh!

umupo ako sa tabi ni Sir Lucio at nagkwentuhan kami saglit. nagtatrabaho sya sa saudi at kakauwi nya lang dito sa pilipinas. at sa tatlong taon nya dun, wala daw syang sex life. kaya daw excited sya na makipagkita sa akin dahil nagwapuhan daw sya sa akin ng nakita nya yung pictures ko.

pucha! delikado to!

may malaking maleta sa tabi ng kama. baka dun nakalagay yung mga paraphernalia nya. yung lubid na ipangtatali nya sa akin sa kama. plus yung mga blade na unti-unti nyang ipanghihiwa sa akin. tapos may video cam din dun na isesetup nya para mai-video nya yung torture na gagawin nya sa akin. at pagkatapos nya akong unti-unting saktan, ilalabas nya yung chainsaw na ipangcha-chop-chop nya sa akin. tapos isisilid nya ako dun sa maleta then itatapon sa manila bay.

natatakot at natatawa ako sa sarili ko kasi kung anu-ano ang iniisip ko. finally, naubos ang beer. pumwesto si Sir Lucio sa kama. at bago pa kami magsimula, tinanong nya ako.

"brutal ka ba sa kama?"
"hintayin mo na lang."
"pero wild ka."
"basta."

mukhang totoo nga ang hinala ko. may demonyo nga dito sa kama ngayon!

bagamat kinakabahan, sinimulan ko ang pagmamasahe kay Sir Lucio. mula sa likod, pababa sa puwet, at sa hita't binti.

"sir, tihaya na po kayo."

at tumihaya si Sir Lucio... with matching flag ceremony! aba!

tinuloy ko ang masahe sa paa. pero hindi pa ako natatapos ay bigla na akong hinila ni Sir Lucio. at agad nya akong hinalikan at nilaplap.

"pucha! ang sarap mo!"

at dahil napasubo na rin ako, lumaban na rin ako ng halikan at laplapan kay Sir Lucio. tuloy tuloy lang kami sa ginagawa namin. at habang naglalampungan kami, bumulong ako sa kanya at nagtanong kung anong gusto nya na gawin ko.

"gusto ko yung mapusok! yung wild!"

at dahil nga nirequest ni Lucifer, ah, este, ni Sir Lucio pala, lalo ko pang nilagyan ng gigil ang bawat galaw ko. tuwang-tuwa naman ang manong, at lalo pang lumalakas ang mga ungol nya. sinubukan kong hampasin ng bahagya ang puwet nya, at napasigaw sya sa sarap. inulit-ulit ko ang pagsampal, at paulit ulit naman ang sigaw nya.

"magmura ka! murahin mo ako!"
"putangina mo! hayup! ganyan ba?"
"shit! ang sarap mo."
"gago ka! ano, yan ba gusto mo? putangina!"

mula sa pg-13, naging r-18 na ang mga eksena namin ni Sir Lucio. hindi lang dahil sa bed scene, kundi dahil na rin sa strong language that is only appropriate for mature audience. kahit ako, gusto kong magtakip ng tenga dahil for sure naiiyak na naman ang mga guardian angels ko sa mga sinasabi ko. pero, a job is a job. and as the service provider, kailangan gawin ko lahat ng kaya kong gawin to satisfy the customer. eh kaya ko namang magmura, edi sige lang.

tuloy pa rin sa paghalinghing ang ligayang-ligaya nang customer. hanggang sa nagrequest na naman sya ng isang bagay na medyo napaisip ako kung gagawin ko.

"sampalin mo ako. saktan mo ako. gusto ko yung sinasaktan ako."

PRENO!!! teka, ang sabi ko gagawin ko lang yung kaya kong gawin. at kahit na masahista ako, naniniwala pa rin ako sa batas na kasalanan ang manakit ng ibang tao.

napansin yata ni Sir Lucio na medyo nagitla ako sa request nya. kaya sya na ang gumawa ng move. kinuha nya ang kamay ko at isinampal ito sa mukha nya.

"ganyan! sige! sampalin mo ako!"

at matapos ang ilang sampal na guided ng kamay nya, sinimulan ko na ngang sampal-sampalin si Sir Lucio. sinundan na rin ito ng medyo mahihinang suntok, matatalim na kagat, at makikirot na kurot. sa hindi maipaliwanag na dahilan naman, cloud nine si Sir Lucio. mababa ang tolerance ko sa pain, at hindi ko ma-gets kung bakit may mga taong tuwang-tuwa kapag sinasaktan sila. pero, wala nang time para unawain ko pa ito. i'm in the middle of business, kailangang mag-focus sa customer.

tuloy tuloy lang ako sa pananakit at pagmumura kay Sir Lucio. umiigting ang pagiging antagonist ko. habang tumatagal, palakas ng palakas ang bawat sampal at suntok ko kay sir, at palutong ng palutong ang mga mura. hanggang sa talagang extreme na. nandyan na yung halos ibalibag ko na sa kama si Sir Lucio, at halos dumugo na yung katawan nya. pero, hindi pa pala extreme yun.

"malapit na ako!"
"sige lang, pucha! ilabas mo yan!"
"ihian mo ako sa mukha!"

EEEEEEWWW!!! kaya kong manakit at magmura. pero yung ihian ang tao? sa mukha pa? sobrang hindi ko na kaya yun! pero, pag di ko naman ginawa, baka naman hindi ako bayaran ng sapat ng mokong na ito. at sa pagkakataong yun, seriously, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko...

"naku, sir, hindi ko kaya yun."
"sige na! please! gusto ko yun! ang sarap nun!"

parang taong nagmamakaawa na wag syang bitayin, talagag kitang-kita sa mukha ni Sir Lucio na gusto nya nga talagang ihian ko sya sa mukha nya. hindi ko pa rin talaga ma-imagine na gagawin ko yun. una, it's unhygienic. pangalawa, it's nakakadiri. and pangatlo, it's... er... nakakadiri! basta! nakakadiri! at dahil nga dun, point blank na talaga ako...

at nagulat na lang ako na iniihian ko na si Sir Lucio sa mukha... at naramdaman kong sumabog ang katas nya na tumalsik sa hita ko habang nakatayo ako sa kama.

"grabe! ang sarap!" ungol ni Sir Lucio sabay higa sa kama.
"okay lang po kayo sir?" tanong ko sa kanya, balik sa balingkinitan kong boses.
"yes. ang galing mo."
"thank you po. hugas lang po ako."

habang naglalakad papunta sa cr, narealize ko. tama pala ang mga kutob ko kanina pa.

mula sa pangalan ng client...
sa room number...
sa weird na tunog ng door bell...
sa tunog lupang boses...
sa engkantong lupa...
sa mabigat na pakiramdam pagpasok ng kwarto...
sa paranoia sa beer...
sa misteryosong maleta sa tabi ng kama...

tama ang kutob ko. may demonyo ngang nagtatago sa kwartong ito. at nakita ko yung demonyo kanina. sa salamin. nagpapakyut, nagme-make faces. nagpapadila-dila. kumikindat-kindat. nagbe-beautiful eyes.

in fairness... pogi pala yung demonyo! at, tama nga yung sinasabi nila. money can unleash the devil in you.

tsaka... siguro... hindi beer yung laman nung beer bottle na iniinuman ni Sir Lucio...

25 March 2012

IMPORTANT UPDATE: CONTACT NUMBER

mag-ba-blog sana ako about an archived story, pero bukas na lang, kasi medyo late na at may pasok pa ako! hehehe...

i was able to retrieve my old number from globe. apparently, they can replace a lost sim card even if it's prepaid. so, yay! i got my old number back and will start using it tonight.

sa mga nakakaalam ng luma kong number, please do text me so i can save your numbers. dun naman sa mga nasendan ko ng new number ko (the last two digits are 44), please email me so i can give you my old number.

thanks! and a pleasant evening to everyone.

22 March 2012

IMPORTANT: BoyShiatsu Change of Contact Number!!!

i lost my mobile phone earlier habang pasakay ako ng bus pauwi sa amin... putang-iragis lang!

buti na lang may spare phone ako, so i now have a new number.

please email me at boyshiatsu@yahoo.com so i can send you my new number. thanks thanks!

19 March 2012

Turok

nasubukan mo na ba?...

.... hindi pa.

pero okay lang sayo?

... ewan, natatakot ako.

nag-e-ecstasy ka naman diba?

... iba naman yun eh.

pareho lang...

... ewan. bahala na.



at maya-maya pa nga ay tinalian na nya ang aking braso
mahigpit na goma
masakit
pero kailangang tiisin
pagkat ako'y isang bayarang lalaki lang
na kailangang sumunod sa kung ano mang gusto
ng aking makamundong amo

may ilang segundo pa para umatras
at nagtatalo pa rin ang kaliwa at kanang utak ko
susugal ba ako
o susuko
pero sayang naman ang kikitain
lalo na sa ganitong panahon na kailangan ko ang kahit isang kusing



okay ka lang?...

... hindi.

bakit naman?...

... takot.

relax ka lang.

... baka masakit.

hindi.


inilabas niya ang isang maliit na iniksyon
na may lamang klarong likido
at sa dulo ay may matalim pero maikling karayom

hinawakan nya ang braso kong may piring
ang braso kong nanginginig
tinampal-tampal sa bandang gitna
at lumabas ang ugat
pumipintig

pinisil nya ang aking kamay upang tumigil ito sa pagyanig
at dahan dahang idiniin ang matalim na karayom
sa galit na ugat

isang malakas na pitik ang sa utak ko'y gumulat
at sinabayan ito ng pagdilat ng mata kong kanina'y nakapikit ng mahigpit
at bigla akong lumutang...


...ang sarap

sabi ko sayo eh....

...kakaiba pala to

yah!

...sige, simulan na natin.

relaks ka lang. namnamin mo lang. pikit ka lang muna...


at parang isang batang musmos
sumunod ako sa utos
ng lalaking nakahubad sa harapan ko ngayon.
pumikit.
huminga ng malalim. paulit-ulit.
at mula sa paglutang
ay nagsimula na akong lumipad.

hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng mga minuto at oras
nilamon ako ng mundo na kinatha ng isipan ko
masayang naglaro sa bawat sulok
ng malamig na kwarto
kasabay ang musikang kumikiliti sa bawat hibla ng laman sa aking katawan

naghubad.
naglaro.
humalik.
humipo.
sumayaw.
umindayog.
pinairal ang libog.

bawat galaw ay may kasamang lambing
na may halong kamunduhan.

ayan... sige pa... ang sarap mo...

... yeah!

sinimulan nang magnaig ng aming mga katawan
na kanina pa pawisan
maaksyong sunggaban at sabungan ng mga lalaking hayuk na hayok sa laman.
hindi na namin inalintana kung may halong kababuyan
ang mga ginagawa namin
ang mahalaga'y pareho namin nalalasap ang ligaya

sige pa.
sige pa.
sige pa.

at natapos ang hindi mabilang na romansahan at aksyon
oras na para mag-ayos at lisanin ang lugar.

ilang boteng walang laman
ilang galon ng pawis
ilang patak ng katas
ilang pakete ng lobo
ay sa kwarto ay naiwan.


salamat! ang galing mo!

... thank you rin po.

eto o.

... salamat. ang gaan pa rin ng pakiramdam ko.

inom ka lang ng gatas.

... sige.


bumili ng gatas, umuwi, at humiga
hapong-hapo ang katawan
pero malikot at aktibo pa rin ang isipan.
ramdam ko pa rin sa ugat ko ang pananalaytay ng kemikal
ang mabilis na pintig ng aking puso
at ang mga paa kong pawisan.

sa maliit na halaga... parang hindi naman naging patas ang laban.
at bagamat kapirasong langit ay pansamantalang natikman
kapalit naman nito
ay ang delubyo ng guni-guni
at hindi mapalagay na katawan.

11 March 2012

Ang Patayan, Bow: The Battalia Royale Experience

nagbabagang balita!

tatlumpu't siyam na estudyante ang natagpuang patay sa isang abandonadong paaralan sa cubao, quezon city kagabi. bawat estudyante ay duguan at halatang dumaan sa mahirap na paraan ng pagkamatay. isa pang kataka-takang obserbasyon mula sa soco ay ang tila de-kuryenteng kwintas na nakalagay sa leeg ng bawat bata.

sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ang puno't dulo ng nasabing kahindik-hindik at kalunos-lunos na kaganapan sa mga mag-aaral ng our lady of guadalupe high school.

samantala, nakita ng aming team si BoyShiatsu na pakalat-kalat sa lugar ng nasabing insidente, nakikisawsaw sa isang malaking grupo ng mga tao na ilang oras lang ang lumipas ay naririnig na nagsisigawan. nakausap namin sya paglabas nya ng gate ng abandonadong paaralan ay malugod naman syang pumayag sa isang panayam tungkol sa kanyang nasaksihan.

* * * * *

nabalitaan ko na may magaganap nga daw na malawakang patayan sa lugar na ito. hindi ko naman alam kung bakit na-intriga ako at pumunta ako. maaga akong dumating sa nasabing lugar, at nakita ko pang masayang nagkukulitan ang mga magkaka-klase paikot ikot sa eskwelahan, habang ang professor naman nila ay abala sa paglalagay ng clay-doh sa buhok habang nakikipagkwentuhan sa isang bata. may isang lamesa na puno ng "survival kit" at may mga lawaran naman ng mga estudyante na nakadikit sa isang wall.

"character cards po. pwede kayo pumili ng kung sino sa palagay nyo ang mananalo."

mananalo? napaisip tuloy ako. bakit may mananalo? may pakontes ba? hindi ko na tinanong kung anong meron, basta bumili na lang ako ng character cards... si Sebastian at si Timothy... parehong pogi eh! hahahaha!

dahil nababagot na, naisipan kong mag-aya ng makakasama sa panonood ng kung ano mang magaganap dito sa nasabing lugar na ito. to the rescue naman si Kuya Nathan! pinabili ko na agad sya ng id (ticket) at maya-maya nga ay pinapasok kami sa isang kwarto. maraming tao. at maya-maya pa ay lumabas na si Professor Salamon (Kuya Bodjie). nagkaroon ng isang masayang game (killer killer) at pagkatapos ay bigla na lang kaming kinidnap ng isang grupo ng mga militar. hinati kami sa tatlong grupo at isa-isang iginuide ang bawat grupo sa kung saan.

nagulat na lang kami ng nakita namin na nakahandusay na sa sahig ang mga estudyanteng kasama lang namin kaninang naglalaro ng killer killer. pinaliwanag sa amin ni Professor Salamon kung ano ang nangyayari.

lahat kami ay bihag nila, pero ang mga estudyanteng ito ang kasali sa "laro" na "masayang" panonoorin namin. ano ba ang laro?

sa loob ng walong oras, isa sa apatnapung estudyante lang ang kailangang mabuhay. bawat estudyante ay bibigyan ng isang sako na may laman na random weapon (na sobrang random, it can go from guns to spears to paper fans and marbles!) bawat estudyante din ay kinabitan ng isang collar na nagmo-monitor kung buhay pa sila o patay na. at kung sakaling lagpas sa isang estudyante ang mabubuhay matapos ang walong oras, ang mga collars na ito ay sasabog, thus killing every student alive.

pagkaannounce ng laro at ng opisyal na itong nagsimula, nagtakbuhan na ang mga estudyante. maya-maya pa ay pinatakbo na rin kami ng mga militar at itinuro sa amin kung saan kami kailangang pumunta. sa pagtakbo namin papunta sa lokasyon, nakita namin ang ilan sa mga estudyante na nakasiksik sa ilang madidilim na sulok at tila nababaliw na at umiiyak. at maya-maya pa nga ay nasaksihan na namin ang unang casualty... totoo pala ang laro, hindi pala ito biru-biruan lang.

at mula nga sa nasaksihan namin ay sunod sunod na patayan na ang aming natagpuan sa iba't ibang sulok ng paaralan. maya't maya ay sinisigawan at tinatakot kami ng mga militar para tumakbo, umupo, at magsiksikan sa mga masisikip, masusukal, at maruruming lugar... talagang sinasadya nilang ipakita sa amin ng harapan ang bawat patayan, at matalsikan kami ng dugo ng mga kawawang estudyante. nagsilbi silang entertainment sa mga kapwa nila bihag, na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila tuwang tuwa pa sa tuwing isang buhay ang nagwawakas.

ayoko nang ikwento isa-isa ang mga pangyayaring nasaksihan ko. pero kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung bakit matapos na may matirang isang estudyanteng buhay ay magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko. lungkot para sa mga namatay sa masalimuot na paraan, at tuwa dahil sa kakaibang adventure na naramdaman.

pinakawalan kaming mga bihag ng matiwasay... at nabigyan kami ng pagkakataon na makihalubilo at kausapin ang mga "patay" habang tumutugtog ang radioactive sago project.

* * * * *

panalong-panalo ang Battalia Royale experience ko! can't wait for their rerun on september.

03 March 2012

Contractual

nagkakilala kami ng dahil sa isang event. nakakatuwa pa kasi hindi nya pala alam na miyembro ako ng grupo, at nakakatuwa kung paano nya akong i-approach ng nakatayo ako sa isang sulok.

"ah, kuya... *habang nakayuko na parang batang nahihiya* diba taga-love yourself ka?"
"yes." (hindi ko alam kung bakit umandar ang pagiging masungit ko nung moment na yun.)
"okey po. punta po kayo dun sa kabilang kwarto. ililista po kasi yung mga pangalan para sa merienda."
"okay." sabay ngiti at punta sa nasabing kwarto.

tuloy tuloy lang ang mga activities nung araw na yun. at pag nagkakasalubong kami, ngumingiti sya, kaya ngumingiti din ako. hanggang sa finally ay natapos ang activities. habang nakatambay sa waiting area at naghihintay ng further instructions mula sa mga nakatataas (kung kakain ba kami, o kanya kanyang uwi na) ay medyo nagkakakulitan na kami. pero bahagya lang. mas nagkakulitan kami nung nasa sasakyan na kami papunta sa lugar kung saan kami kakain. and upon kwentuhan, i discovered something... that he reads my blog pala and he has no idea that it was me!

"wow! ikaw pala si BoyShiatsu."
"yup. ako nga."

at dun na nagtuloy-tuloy ang kwentuhan at kulitan. kung makulit ako, mas makulit sya. nandyan yung sabay kaming kumakanta ng mga opm songs with matching ipit ng boses, then sasabayan ng mga kalokohang pickup lines at kung anu-ano pa... habang nasa sasakyan! panay na lang ang tawa ng mga kasama namin.

dumating kami sa japanese restaurant kung saan kami magdidinner. medyo nag-aalangan siya dahil hindi pala sya sanay kumain ng japanese food, at hindi sya kumakain ng gulay. i comforted him na lang at sinabihan kong tabi na lang kami para ako ang tagaubos ng kung ano mang hindi nya kayang kainin. during dinner, nakakatawa kasi para akong teacher na iniisa-isa ang bawat japanese food na isineserve sa table namin. tinuruan ko pa sya kung paano kumain ng gyoza! pero nairaos naman namin ang dinner. we had an exchange of numbers, at pagkatapos ay kanya-kanya nang uwi.

two days after, nagkatext. mula sa simpleng hi-hello, naging kulitan, at nauwi sa ayaan na inuman. dahil nasa mood naman ako, pumayag na ako. nagkita kami sa ortigas at pumunta sa isang bar. nagsama sya ng kaibigan nya (llater, he told me na baka daw kasi ma-bore sya pag kaming dalawa lang) at magdamag kaming nag-inuman at nagkulitan. may kaunting landian, pero slight lang naman.

nagkasundong pumunta ng obar. syempre, inum-inom pa rin. habang tumatagal, nagkakaroon na ng kaunting flirting at sweetness between me and him. hinayaan ko lang. go with the flow kumbaga. enjoy naman eh. hawak dito, yakap doon. maya-maya pa, may halikan na. hanggang sa patindi na ng patindi ang halikan. when he whispered something.

"i like you."

hindi ko maiwasang kiligin, pero nag-inarte pa ako. siguro kasi takot din ako.

"ewan! adik! talk to me about that pag wala na tayo sa impluwensya ng alak." pero niyakap ko pa rin sya.

natapos ang gabi at nagsi-uwi na kami. at makalipas nga ang isang araw, nagkatext kami at nagkumustahan. at mula sa usapan, at nagkaroon ng kasunduan... we will test the waters of relationship for one week!

hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin yun. honestly, i also like him. pero hindi ko naman inexpect na gusto nya pala talaga ako. but since we're both unsure if we will click, we just decided to put a time limit muna. one week. kumbaga, dry run muna.

the next few days were fun. nagkikita kami madalas. lumalabas. umiinom. the next thing we know, we're past our first week na! nagkita ulit kami at nag-usap... and agreed to have one week contract extension.

if the first week is amazing, more is the second week. mas madalas na ang kumustahan. mas madalas na nagkikita. at mas madalas ang inuman.

isang beses, nasabi ko sa kanya na may inuman ako kasama ang mga officemates ko. tinanong nya kung okay lang daw ba na sumama sya. pumayag ako. at makalipas nga ang isang oras ay dumating sya. syempre, dahil bisita ko sya, i made sure na hindi sya ma-o-op kaya kinakausap ko lang sya ng kinakausap. hanggang sa maya-maya na lang ay nagulat na ako dahil sya na ang gumagawa ng effort para makipagkwentuhan sa mga ka-opisina ko. masayang kwentuhan, hindi pilit! sa daming beses naming lumabas at uminom, noon ko lang sya nakita na ganung kakulit. at ganung ka-sweet! panay ang yakap at halik nya sa akin habang nag-iinuman. syempre, ako naman ay hindi maitago ang kilig. natapos ang inuman ng masaya. at makalipas ang dalawang araw... inuman ulit with my officemates and him. and he's still the same makulit, masaya, at madaldal guy that he was during the first session with my colleagues. the way he tries to reach out to people in my office... hindi ko maiwasang mamangha sa mokong na ito. and my colleagues all have the same reaction... they all like him for me. and dahil dun, i agreed to extend the contract to one more week.

pareho kaming hindi naniniwala sa ligawan, at mabuti naman na ang setup namin ngayon ay nagwowork para sa aming dalawa. hindi ko masasabing mahal ko na siya, it's too early to say that. kahit sya naman, hindi pa rin nya sinasabi na mahal nya ako. basta ang alam namin, masaya kami sa isa't isa at sa setup namin. will this work long time? i don't know. basta ngayon, ineenjoy ko lang kung ano mang meron sa aming dalawa.

nakakatuwa lang na after three years, eto't para na naman akong high school student na kinikilig tuwing maririnig ko yung pangalan nya, napapatalon sa tuwa kapag nagkakatext kami, at talaga namang abut-abot ang saya pag magkasama kami. i just hope that he feels the same as well. at kung ganun man, tuloy tuloy lang ang contract extension namin.

28 February 2012

Battalia Royale

pasensya na at ang tagal bago ako naka-blog ulet. sobrang pre-occupied sa work at sa mga bagay bagay kaya hindi ako masyado maka-online at makapagfocus sa blog. ang daming distractions... lalo na nga itong nabasa ko sa blog ni McVie the other day! there was this play called Battalia Royale staged by an ensemble called Sipat Lawin. na-intriga ako when i saw McVie's blog entry, at lalo lang ako na-intriga after ko sya basahin!

yung play ay ibinase sa isang japanese movie entitled Battle Royale. tungkol ito sa isang grupo ng mga estudyante na kinidnap ng government thru gassing them. they woke up in an island noticing that they have some sort of neck collars. yun pala, they will be a part of a government experiment about survival. sa loob ng tatlong araw, they have to kill each other until only one survives. and yung neck collar, it's a way to detect the wearer's whereabouts... and it's also a way to kill the wearer if in case there's a "violation"... or kung trip lang pasabugin nung nagmamanipulate nung game.

hindi ko alam kung may lahing berdugo ba ako, pero sobrang nakuha ng mismong storyline ang attention ko. tuloy lang ako sa pagbasa ng blog when i noticed na may kakaiba pa palang ginawa ang Sipat Lawin. bawat character sa adaptation nila ng nasabing movie (which was also based from a book) ay may kanya-kanyang facebook accounts, making the characters more authentic. lupet! i saw myself spending almost an hour browsing on their facebook accounts (ang pogi nung isang character! wheee!). maganda din daw ang concept ng staging. no fourth wall. highly interactive. very interesting. tapos, ang bida pa eh si Kuya Bodjie (yung sa epol apple!). and upon seeing a clip in youtube of his performance... wow!!!

mahilig ako sa stage plays as i was a theater actor myself. nung panahong umaarte pa ako sa theater (we call it intimate chamber theater, kasi maliit lang yung room, at sobrang lapit lang ng audience sa stage), hindi ko maipaliwanag yung saya at yung excitement na nararamdaman ko everytime napapatawa, napapasigaw, napapakilig, napapaiyak, at napapamangha ko ang mga manonood. pag ako naman ang nasa audience seat, i have the same ecstatic feeling na para bang gusto ko makisawsaw sa kung ano mang nangyayari. kaya naman talagang naintriga ako sa nasabing play. and so i cannot wait when McVie informed me that the group will restage the said play in a few week's time! exciting! sino pwedeng kasama?

pero, teka. bakit nga ba sobrang intrigued ako sa kwentong ito, to the point that i end up doing a little research about the story? nakarelate kasi ako sa plot. one island. many students. different forms of advantages and disadvantages (sa story kasi, each student is given a survival kit that contains food, water, flashlight, map, and a random weapon from shotguns to knives to, wait for it, paper fans!) in life, different tactics to kill, and different motives to survive. ganyang ganyan sa totoong buhay, lalo na sa mga masahista.

kamakailan lang eh nagkaroon ng pictorial yung website kung saan ako naka-advertise as masahista. kailangan ko pumunta para makapagpapicture at ma-update ang profile ko. pagdating dun, hindi ko maiwasang mapansin na may kanya-kanyang grupo na ang mga loko. friends. amigas. ka-chokaran. sisters. basta, grupo grupo na sila. para bang super magkaka-close silang lahat. alam ko naman yun, so wala na rin akong pakialam. pagkatapos ng pictorial, nakipag-kwentuhan lang ako saglit sa may ari ng website at umalis na rin ako. ilang araw ang makalipas, nakatanggap ako ng group text mula sa may-ari ng site saying na dahil daw masyado na kaming marami sa website, kailangan na daw bawasan at tatanggalin na daw ang iba. hindi ko alam kung bakit hindi ako natakot. siguro kasi wala na rin akong pakialam kung matatanggal ako. ang natawa lang ako is marami akong nakuhang tsismis. mula sa facebook accounts, sa mga text messages, at maging sa mga kwentu-kwentuhan ay narinig ko na ang una-unahang siraan ng mga masseurs. kesyo si ganito ay may hiv, si ganyan ay bad breath, si ganire ay mabaho ang paa, at si ganoon ay maliit ang titi. pagtagal-tagal pa, pa-extreme ng pa-extreme ang siraan. kung kani-kaninong pangalan ang nadadamay. at ilang araw pa, mismong ang may-ari na ng website ang nadadamay sa siraan.

sa dami nga naman kasi naming mga masseurs, hindi maiiwasan ang matinding kompetisyon. sa business na ito, survival of the fittest ang labanan. pero, kung kagaya sa setting ng Battle Royale na wala silang choice kundi pumatay or else eh mamamatay sila, wala naman kaming remote-controlled collars na sasabog na lang anytime diba? bakit kailangan mag-siraan? bakit kailangang plastikan at hindi na lang gawing totoo ang pagkakaibigan? bakit kailangang mag-standout compared sa iba. if you feel like you're a little short of something compared to someone else, can you just use whatever it is that you have to your advantage without bringing someone down?

but then again... just like the story... ito na yata ang idinikta sa atin ng panahon. kung sa kwento, pakulo ito ng gobyerno, sa totoong buhay eh pakulo ito ng mga prinsipyo, pagkakataon, desisyon, at kung anu-ano pang elemento ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na nagkahabi-habi na at hindi na madaling baguhin.

survival of the fittest... battle royale... tatagal ba ako? bahala na.

makapagsayaw na nga lang ng roly poly! hahaha! (kung ano yung roly poly, search mo na lang.)

* * * * *

Battalia Royale will have 3 shows in an abandoned school in cubao on March 9, 10, and 11 at 7:30pm. for details and ticket reservations (150 audience lang per performance!), check their facebook account (Sipat Lawin Ensemble). kitakits!

20 February 2012

Asian Father Syndrome

paunang pagbati muna sa japinoy na si Nishiboy na kainuman ko nung huwebes at ka-donut ko nung linggo! kaway kaway! (read his blog by clicking here). at congratulations sa kanyang bagong trabaho.

* * * * *

ikatlong linggo ko na ngayon sa training para sa bago kong work. and sa mga pinaggagagawa namin sa klase, may nadiskubre ako... may bago akong sakit! ADHD and ADD is so yesterday! ang sakit ko ngayon, AFS... or, in long, asian father syndrome!

nanggaling lang yung term na ito out of biruan with a friend. masyado daw kasi akong perfectionist sa mga exams and tests. sobrang perfectionist to a point that i get so depressed and i am totally wrecked everytime i commit even a single mistake. kung sa mga gamit at kaayusan, may tinatawag tayong OC, or ok-ok, ito ang counterpart nya when it comes to goals and expectations. and hindi ito drama-drama na depression lang ha. as in yung tipong masisira yung buong araw ko dahil lang sa isang mali sa exam. my co-trainees are witnesses sa mga sumpong ko pag nirerelease yung results ng examinations. buti na lang at may malapit na chic-boy sa office kaya pwede kong lunurin ang sarili ko sa garlic chips kapag badtrip ako.

pero... bakit nga ba may ganitong ugali ang mga asian fathers?

* * * * *

may nagtext sa akin na client... tawagin na lang natin syang Papa Chen. and, as usual, tanong tanong sya ng mga rates and services, at sinend ko naman ang template ko. tumawag sya tinanong nya kung pwede daw ba ako sa manila grand hotel. at dun ko napatunayan ang hinala ko... intsik nga ang client ko! as if hindi pa sapat na patunay yung strong chinese accent nya.

nagprepare na ako at nagbyahe papunta sa nasabing hotel. pero dahil bus ang sasakyan ko, expected nang medyo matatagalan ako dumating. tinext ko si Papa Chen para sabihin na medyo malelate ako ng bahagya. at tumawag siya after a few minutes... medyo inis.

"bakit naman matatagalan ka pa? san ka ba manggagaling? ayoko maghintay! ano ba naman yan! sobrang unprofessional! paghihintayin mo pa ako ng matagal!"
"pasensya na po sir. nasa hotel na po ba kayo?'
"wala pa!"

anak ng pichi pichi! wala pa naman pala sa hotel, kung magalit, akala mo naman eh mortal na kasalanan ang pagiging late. hinayaan ko na lang. assurance statement na lang na hindi naman oa sa tardiness ang mangyayari sa akin. napakalma ko namang ang intsik.

dumating ako sa nasabing hotel lagpas ng 15 minutes sa napag-usapang oras. tinext ko na si Papa Chen para i-inform sya na nandun na ako. naka-in na daw sya, pero maghintay lang daw ako saglit at nag-aayos pa daw sya. hintay naman ang pogi habang kumakain ng donut. maya-maya pa, nagtext na. pinaakyat na ako sa hotel room. kumatok ako at pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng kadiliman!

patay lahat ng ilaw sa loob ng kwarto. since maliwanag sa lobby bago ako pumasok ng kwarto, parang bigla akong nabulag sa loob. agad-agad kong inilabas ang cellphone ko para makaaninag ng kaunting liwanag. pero agad itong dinakot ni Papa Chen.

"wag kang mag-ilaw!"

hindi ko maiwasang mapikon at matakot, kaya hinila ko ang cellphone ko mula sa kamay nya.

"sir, pakibuksan po muna ang ilaw. or else lalabas po ako."
"ayoko. makikita mo ako."
"ganun po ba? sige po, aalis na lang ako."

pumwesto na ako papunta sa pinto ng pumayag na syang buksan ko ang ilaw ng telepono ko.

"gusto ko lang makasiguro na safe ako. baka mamaya may patalim ka, or may kasama ka."
"wala."

iniikot ko ang ilaw ng telepono ko sa kwarto... at natawa ako sa nakita ko.

nakalatag sa side table ng motel, maayos na maayos, ang samu't saring mga kinky stuff na pwedeng gamitin for sex. may dildos. may vibrators. mayroon din nung balls na magkakadugtong sa tali. may sandamakmak na lubes and condoms.... AT MAY WHIP!!!

mabuti na lang pala at binuksan ko ang ilaw ko. wala akong kaalam-alam, pwede na pala akong maging laruan ni Papa Chen anytime!

hindi ko yata napigilan ang sarili ko na matawa at nahalata ni Papa Chen ang naging reaction ko when i saw the stuff.

"gusto ko lang mag-experiment."
"hindi ko pa nasusubukan yang mga yan."
"sige, try natin. ligo ka na."

at naligo na muna ako (i have to go inside the bathroom with the lights turned off, close the door, then open it. pano kaya kung may pugot na ulo pala sa banyo pagpasok ko? hahaha!). nakakatawa, kasi kahit sa banyo, may mga kung anu-anong nakalagay din na decorative items na hindi ko sigurado kung si Papa Chen pa ba ang nagdala o hindi. matapos maligo, pinatay ang ilaw, at lumabas ng banyo.

inaninag ko muna ng kaunti ang kwarto bago ko napansin na nakadapa na si Papa Chen sa kama. hanggang ngayon, wala akong idea kung anong hitsura nya. pero kailangan ko sya i-service. tuloy tuloy lang ang masahe at mukhang nag-eenjoy naman si Papa Chen ng biglang nasira ang moment...

tumunog ang telepono nya. hindi lang basta text... tawag!

agad nyang kinuha ang telepono nya kaya nagkaroon ako ng chance na makita ang hitsura nya... intsik. tatay. medyo matanda na. isinilent nya lang ang phone nya at itinaob sa table. pero tuloy tuloy ang tawag, at ang maliit na liwanag na nanggagaling sa phone eh nakaka-distract. ampucha si Papa Chen, daig pa ang bampira sa pagkatakot sa liwanag!

halatang iritado na, sinagot ni Papa Chen ang tawag. syempre, hindi ko naintindihan yung conversation kasi intsik. basta ang alam ko lang, tunog galit si Papa Chen. makalipas pa ang ilang segundo, natapos ang call. pero instead na dumapa ulit, umupo lang si Papa Chen at halatang wala na sa mood. lumapit ako sa kanya at umakbay... pero galit na tinanggal ni Papa Chen ang kamay ko!

hindi ko tuloy maintindihan kung anong nangyayari, at kung ano man ang naging usapan ng kung sino man ang kausap nya sa telepono. basta ang alam ko lang, mukhang bad news yata yung conversation kasi badtrip na si Papa Chen. umupo lang ako sa tabi nya. naaninag ko na talagang wala na sa mood si Papa Chen. naniningkit na yung singkit nyang mata (in short, wala na syang mata). nagulat na lang ako ng bigla syang sumigaw... as in sumigaw!

"umalis ka na!"

shocked at walang idea sa kung anong nangyayari, sumunod na lang ako sa sinabi nya. naligo ako at pagkatapos ay nagbihis. pagkaabot nya sa akin ng bayad, sinubukan ko pa syang tanungin kung ano bang nangyari.

"wala na eh. nasira na yung moment. perfect na sana eh."

sa totoo lang, hindi ko magets kung ano ang ibig nya sabihin. there was a phone call, okay... but then, after the phone call, we can continue naman diba? unless sobrang importante yung tawag... at tinanong ko yun.

"sino ba yung tumawag, if you don't mind me asking?"
"wala. kaibigan ko. nangungumusta lang."
"okay. akala ko naman bad news."
"wala. wala namang bad news."
"okay... edi ituloy na lang natin."
"wala na. nawala na ako sa mood."

lalo lang akong naguluhan... dahil lang sa phone call, nawala sya sa mood? parang hindi nga yata ako nagkakamali... nakabatak yata si sir. pero nahalata nya yata ang confusion sa akin (hindi ko alam kung pano, kasi during that time, patay pa rin yung mga ilaw.)

"ayoko kasi ng naiistorbo pag nagha-hire ako. gusto ko, perfect flowing lahat. yung walang aberya. yung tuloy tuloy lang. kaya eto, badtrip na ako."

and then nagets ko na... perfectionist. everything must go his way. asian father syndrome.

hinayaan ko na lang. ang mahalaga, bayad na sya. umalis ako ng hotel at bumili ulit ng donut, pampaganda lang ng mood.

at dahil dun, mas naintindihan ko na kung paano nagkakaroon ng asian father syndrome... kapag nabibitin ka sa sex!

* * * * *

so i guess, gets nyo na kung bakit sumpungin ako lately... hahahaha!

11 February 2012

Statement 3

nakakadalawang session na ako ng psychoanalysis sa kaibigan kong psychologist na si Kuya Danny. nope, wala naman akong problema sa utak, at wala naman akong depression or any disturbing behavioral issues. gusto lang ako gawan ni Kuya Danny ng profile and a possible way of "living a better life" by getting to know myself. madalas nya kasi nababasa ang blog ko, kasama na rin ang mga paminsan-minsang rants and raves ko sa fb. kaya ayun, nag-offer sya na "pag-aralan" ako. ayoko sana, eh since libre naman daw, pumayag na ako. sinong hindi papayag sa libre, diba? ang mahal mahal pa naman ng psychoanalysis. (if you're interested to avail Kuya Danny's consultation, message me.)

excited ako nung unang araw ng session. first time kong magpapa-session sa psychologist, and i don't know what to expect. may mga napapanood at nababasa ako na madalas, kung hindi ka pagdodrowingin at pasasagutin ng kung anu-ano ay hahayaan ka lang ng psychologist na magsalita ng magsalita hanggang sa umiyak ka at mag-telenovela. basta ang sabi lang sa akin ni Kuya Danny, dapat daw eh busog ako dahil the first session may last up to 6 hours. potah! mukhang paduguan nga ito! pero, go lang!

dumating ako sa office ni Kuya Danny sa napag-usapang oras. kaunting kumustahan, pagkatapos ay ipinaliwanag na nya sa akin ang mga gagawin. first stop, iq test. ilang sets ng questions ang pinasagutan sa akin para daw ma-check kung anong iq ko dahil malaking factor daw yun sa analysis na gagawin ko sa sarili ko. hindi ko pa nakukuha yung exact results, pero "impressive" daw ang iq ko. effective pala ang pagpapak ko ng enfagrow!

sinundan ito ng logic reasoning. may mga cubes na may colors and patterns, and i have to copy bigger patterns using the smaller cubes. ang saya! mahilig ako sa mga ganung klaseng bagay, yung tipong kinukulot ang utak mo. sinundan pa ito ng deductive reasoning tests, yung mga kung anu-anong combination ng tuldok, guhit, ekis, check, at iba't ibang pattern, then huhulaan mo yung kasunod? oo, parang exam lang sa high school.

pagkatapos nun, pinagdrowing ako ng kung anu-ano. yung ilan, kailangan ko kopyahin. yung ilan naman, free form. pinasulat din ako ng ilang essay. then interview portion about my past and present life. at sinundan ito ng kaunting on-the-spot analysis. nagulat ako na sa pamamagitan ng mga drawings and statements ko, may na-pinpoint si Kuya Danny na tatlong importanteng bagay.

statement 1: i have unresolved childhood issues that still affect me up to the present
statement 2: sometimes, without me realizing it, lumalabas ang pagiging obsessive-compulsive ko

at ito yung sobrang sapul talaga...

statement 3: i rely on sex, paid or not, sober or drugged, because of my utmost desire to feel that i belong and that i am appreciated.

pagkasabi ni Kuya Danny nun, napaisip ako. totoo ang sinabi nya. mayroon akong hindi maipaliwanag at hindi mapigilang pagnanais na magustuhan o ma-appreciate ng isang tao. at dahil dito, ang nagiging paraan ko ay sex at ang trabaho ko bilang masahista. sa tulong ng mga taong nakakapanaig ko, nararamdaman ko na kahit papaano ay appreciated pa rin ako. may natutuwa pa rin sa akin na iba sa paraan na natutuwa sa akin ang aking pamilya at mga kaibigan. nabu-boost pa rin ang self-esteem ko. pakiramdam ko, marketable at bankable pa rin ako. at masarap sa pakiramdam yun. masakit kasi tanggapin na sa sex na lang ako nakakakuha ng self confidence.

nung bata-bata pa ako, hindi ko kailangang maghubad at mag-acrobatics sa kama kasama ang isang tao para masabi nyang "shit, ang hot mo naman!" dati, postura pa lang at hitsura, nakakamagnet na. dumating ako noon sa time na kapag naglalakad ako sa kalye ng malate o cubao ay marami-raming pares ng mata ang sumusunod ng tingin sa akin... tingin na may kasamang pagnanasa o inggit. positive man o negative, maganda pa rin sa pakiramdam.

nung isang araw, nagpunta ako sa malate. normal saturday night out with some friends. pero hindi rin ako nagtagal dun. kaunting inom lang at umalis na ako. habang naglalakad ako sa malate, marami akong nakakasalubong, pero walang ni isa sa kanila ang tumitingin sa akin. may isang napatingin, medyo lumapit ng kaunti, pero lumayo din agad. obviously, hindi nya ako trip.

kailan lang din, meron akong naging client. si David. matapos ng serbisyo, nagkwentuhan at nag-inuman pa kami, kasama na ang usapan tungkol sa kung anu-anong bagay. mula sa mga simpleng hilig sa pagkain, hanggang sa mga seryosong bagay sa buhay... maganda ang naging flow ng usapan namin. masasabi kong may spark, at kita naman sa mga mata namin na may connection talaga. matapos ang nasabing serbisyo, tuloy tuloy pa rin kami sa pagtetext at sa kumustahan. paminsan-minsan, tumatawag ako sa kanya at kwentuhan lang kami ng mga walang kwentang bagay. lumalalim ang attachment, mukhang nagpoprogress. magandang senyales ito sa sinasabi ko sa sarili kong pagtalikod sa pagiging masahista.

isang araw, nagkasundo kami na magkita pagkatapos ng isang appointment nya para sabay kaming umuwi (same direction kasi ang house nya sa house ko). excited ako. maraming tumakbong idea sa utak ko. dinner, donuts, then siguro a few drinks before going home. sex? kung papalarin! kung wala naman, ayus lang din. i just wanna spend more time with him.

lumalapit ang oras ng pagkikita namin when he texted me that he will be a little late dahil nag-aya daw ng dinner ang mga kasama nya. okay lang sa akin yun. in fact, okay na okay. kasi makakatipid ako, di ko na kailangan gumastos for dinner.

hintay lang ako ng hintay, hanggang sa mga 3 oras na ako naghihintay. masyado na yatang matagal yun for dinner. so tinext ko ulit sya para itanong kung ano nang update. and he replied and told me to just go home dahil matatagalan pa daw sya.

apparently... he's not out on dinner with a group of friends. he's on a date with someone. someone i know.

at di ko maiwasang maiyak at malungkot. nakabili na pa naman ako ng donuts.

alam kong kakambal na yata ng trabaho ko ang kamalasan ko sa pag-ibig. kasama rin nito, as ironic as it may sound, ang pagbaba ng value ko sa baklaan market. pero ngayon na handa ko nang unti-unting talikuran ang trabaho ko, hanggang kailan ko papasanin ang sumpa ng pagiging pokpok? bawal na ba talaga kami magmahal? bawal na ba kami ma-appreciate? bawal na ba kami makaramdam ng mabuti sa sarili namin knowing that someone we like likes us too?

i need another psychoanalysis session... mukhang nagsisimula na nga yung depression.