28 February 2012

Battalia Royale

pasensya na at ang tagal bago ako naka-blog ulet. sobrang pre-occupied sa work at sa mga bagay bagay kaya hindi ako masyado maka-online at makapagfocus sa blog. ang daming distractions... lalo na nga itong nabasa ko sa blog ni McVie the other day! there was this play called Battalia Royale staged by an ensemble called Sipat Lawin. na-intriga ako when i saw McVie's blog entry, at lalo lang ako na-intriga after ko sya basahin!

yung play ay ibinase sa isang japanese movie entitled Battle Royale. tungkol ito sa isang grupo ng mga estudyante na kinidnap ng government thru gassing them. they woke up in an island noticing that they have some sort of neck collars. yun pala, they will be a part of a government experiment about survival. sa loob ng tatlong araw, they have to kill each other until only one survives. and yung neck collar, it's a way to detect the wearer's whereabouts... and it's also a way to kill the wearer if in case there's a "violation"... or kung trip lang pasabugin nung nagmamanipulate nung game.

hindi ko alam kung may lahing berdugo ba ako, pero sobrang nakuha ng mismong storyline ang attention ko. tuloy lang ako sa pagbasa ng blog when i noticed na may kakaiba pa palang ginawa ang Sipat Lawin. bawat character sa adaptation nila ng nasabing movie (which was also based from a book) ay may kanya-kanyang facebook accounts, making the characters more authentic. lupet! i saw myself spending almost an hour browsing on their facebook accounts (ang pogi nung isang character! wheee!). maganda din daw ang concept ng staging. no fourth wall. highly interactive. very interesting. tapos, ang bida pa eh si Kuya Bodjie (yung sa epol apple!). and upon seeing a clip in youtube of his performance... wow!!!

mahilig ako sa stage plays as i was a theater actor myself. nung panahong umaarte pa ako sa theater (we call it intimate chamber theater, kasi maliit lang yung room, at sobrang lapit lang ng audience sa stage), hindi ko maipaliwanag yung saya at yung excitement na nararamdaman ko everytime napapatawa, napapasigaw, napapakilig, napapaiyak, at napapamangha ko ang mga manonood. pag ako naman ang nasa audience seat, i have the same ecstatic feeling na para bang gusto ko makisawsaw sa kung ano mang nangyayari. kaya naman talagang naintriga ako sa nasabing play. and so i cannot wait when McVie informed me that the group will restage the said play in a few week's time! exciting! sino pwedeng kasama?

pero, teka. bakit nga ba sobrang intrigued ako sa kwentong ito, to the point that i end up doing a little research about the story? nakarelate kasi ako sa plot. one island. many students. different forms of advantages and disadvantages (sa story kasi, each student is given a survival kit that contains food, water, flashlight, map, and a random weapon from shotguns to knives to, wait for it, paper fans!) in life, different tactics to kill, and different motives to survive. ganyang ganyan sa totoong buhay, lalo na sa mga masahista.

kamakailan lang eh nagkaroon ng pictorial yung website kung saan ako naka-advertise as masahista. kailangan ko pumunta para makapagpapicture at ma-update ang profile ko. pagdating dun, hindi ko maiwasang mapansin na may kanya-kanyang grupo na ang mga loko. friends. amigas. ka-chokaran. sisters. basta, grupo grupo na sila. para bang super magkaka-close silang lahat. alam ko naman yun, so wala na rin akong pakialam. pagkatapos ng pictorial, nakipag-kwentuhan lang ako saglit sa may ari ng website at umalis na rin ako. ilang araw ang makalipas, nakatanggap ako ng group text mula sa may-ari ng site saying na dahil daw masyado na kaming marami sa website, kailangan na daw bawasan at tatanggalin na daw ang iba. hindi ko alam kung bakit hindi ako natakot. siguro kasi wala na rin akong pakialam kung matatanggal ako. ang natawa lang ako is marami akong nakuhang tsismis. mula sa facebook accounts, sa mga text messages, at maging sa mga kwentu-kwentuhan ay narinig ko na ang una-unahang siraan ng mga masseurs. kesyo si ganito ay may hiv, si ganyan ay bad breath, si ganire ay mabaho ang paa, at si ganoon ay maliit ang titi. pagtagal-tagal pa, pa-extreme ng pa-extreme ang siraan. kung kani-kaninong pangalan ang nadadamay. at ilang araw pa, mismong ang may-ari na ng website ang nadadamay sa siraan.

sa dami nga naman kasi naming mga masseurs, hindi maiiwasan ang matinding kompetisyon. sa business na ito, survival of the fittest ang labanan. pero, kung kagaya sa setting ng Battle Royale na wala silang choice kundi pumatay or else eh mamamatay sila, wala naman kaming remote-controlled collars na sasabog na lang anytime diba? bakit kailangan mag-siraan? bakit kailangang plastikan at hindi na lang gawing totoo ang pagkakaibigan? bakit kailangang mag-standout compared sa iba. if you feel like you're a little short of something compared to someone else, can you just use whatever it is that you have to your advantage without bringing someone down?

but then again... just like the story... ito na yata ang idinikta sa atin ng panahon. kung sa kwento, pakulo ito ng gobyerno, sa totoong buhay eh pakulo ito ng mga prinsipyo, pagkakataon, desisyon, at kung anu-ano pang elemento ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na nagkahabi-habi na at hindi na madaling baguhin.

survival of the fittest... battle royale... tatagal ba ako? bahala na.

makapagsayaw na nga lang ng roly poly! hahaha! (kung ano yung roly poly, search mo na lang.)

* * * * *

Battalia Royale will have 3 shows in an abandoned school in cubao on March 9, 10, and 11 at 7:30pm. for details and ticket reservations (150 audience lang per performance!), check their facebook account (Sipat Lawin Ensemble). kitakits!

2 comments:

  1. "makapagsayaw na nga lang ng roly poly! hahaha!"

    Ay! Alam ko ang steps dyan, Ken! Though hindi ko masyadong bet yung "Roly Poly in Copacabana" version. :)

    ReplyDelete
  2. hi, mind sharing kung anong website yan para makapili ako ? thanks eric

    ReplyDelete