.... hindi pa.
pero okay lang sayo?
... ewan, natatakot ako.
nag-e-ecstasy ka naman diba?
... iba naman yun eh.
pareho lang...
... ewan. bahala na.
at maya-maya pa nga ay tinalian na nya ang aking braso
mahigpit na goma
masakit
pero kailangang tiisin
pagkat ako'y isang bayarang lalaki lang
na kailangang sumunod sa kung ano mang gusto
ng aking makamundong amo
may ilang segundo pa para umatras
at nagtatalo pa rin ang kaliwa at kanang utak ko
susugal ba ako
o susuko
pero sayang naman ang kikitain
lalo na sa ganitong panahon na kailangan ko ang kahit isang kusing
okay ka lang?...
... hindi.
bakit naman?...
... takot.
relax ka lang.
... baka masakit.
hindi.
inilabas niya ang isang maliit na iniksyon
na may lamang klarong likido
at sa dulo ay may matalim pero maikling karayom
hinawakan nya ang braso kong may piring
ang braso kong nanginginig
tinampal-tampal sa bandang gitna
at lumabas ang ugat
pumipintig
pinisil nya ang aking kamay upang tumigil ito sa pagyanig
at dahan dahang idiniin ang matalim na karayom
sa galit na ugat
isang malakas na pitik ang sa utak ko'y gumulat
at sinabayan ito ng pagdilat ng mata kong kanina'y nakapikit ng mahigpit
at bigla akong lumutang...
...ang sarap
sabi ko sayo eh....
...kakaiba pala to
yah!
...sige, simulan na natin.
relaks ka lang. namnamin mo lang. pikit ka lang muna...
at parang isang batang musmos
sumunod ako sa utos
ng lalaking nakahubad sa harapan ko ngayon.
pumikit.
huminga ng malalim. paulit-ulit.
at mula sa paglutang
ay nagsimula na akong lumipad.
hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng mga minuto at oras
nilamon ako ng mundo na kinatha ng isipan ko
masayang naglaro sa bawat sulok
ng malamig na kwarto
kasabay ang musikang kumikiliti sa bawat hibla ng laman sa aking katawan
naghubad.
naglaro.
humalik.
humipo.
sumayaw.
umindayog.
pinairal ang libog.
bawat galaw ay may kasamang lambing
na may halong kamunduhan.
ayan... sige pa... ang sarap mo...
... yeah!
sinimulan nang magnaig ng aming mga katawan
na kanina pa pawisan
maaksyong sunggaban at sabungan ng mga lalaking hayuk na hayok sa laman.
hindi na namin inalintana kung may halong kababuyan
ang mga ginagawa namin
ang mahalaga'y pareho namin nalalasap ang ligaya
sige pa.
sige pa.
sige pa.
at natapos ang hindi mabilang na romansahan at aksyon
oras na para mag-ayos at lisanin ang lugar.
ilang boteng walang laman
ilang galon ng pawis
ilang patak ng katas
ilang pakete ng lobo
ay sa kwarto ay naiwan.
salamat! ang galing mo!
... thank you rin po.
eto o.
... salamat. ang gaan pa rin ng pakiramdam ko.
inom ka lang ng gatas.
... sige.
bumili ng gatas, umuwi, at humiga
hapong-hapo ang katawan
pero malikot at aktibo pa rin ang isipan.
ramdam ko pa rin sa ugat ko ang pananalaytay ng kemikal
ang mabilis na pintig ng aking puso
at ang mga paa kong pawisan.
sa maliit na halaga... parang hindi naman naging patas ang laban.
at bagamat kapirasong langit ay pansamantalang natikman
kapalit naman nito
ay ang delubyo ng guni-guni
at hindi mapalagay na katawan.
Caution to the reckless, futile.
ReplyDeleteomg!
ReplyDeleteIngat ah. Mahirap na. Sana siguradong malinis naman yung syringe.
ReplyDelete... the things you get yourself into, but then again, who am i to judge ... i just wish you well ... i hope you will be more proactive in taking care of yourself ...
ReplyDeletei dont know the feling.... i admire you a lot... pero after this post.... parang bumaba ang level ng admiration ko sa iyo... Bakit mo kailangan gawin to Ken?
ReplyDeletenot good but it's ur life . . .
ReplyDeletejio
We all have issues we need to address and I am in no point to judge. Still, as always, I wish you well ☺
ReplyDeletenakakatakut naman yan.
ReplyDeleteWhat is right, is right. What is wrong, is wrong. No gray areas. This is just WRONG.
ReplyDeleteI will not comment on the drug issue, it being a peachy one.
ReplyDeleteWhat I will say is that I admire the creativity and skill that you put into writing your posts. (This comes from a burned-out blogger) But, more importantly, the courage to open this up- allowing yourself to be vulnerable- is something that, to me, is even more admirable.
Best regards from a new fan.