tatlumpu't siyam na estudyante ang natagpuang patay sa isang abandonadong paaralan sa cubao, quezon city kagabi. bawat estudyante ay duguan at halatang dumaan sa mahirap na paraan ng pagkamatay. isa pang kataka-takang obserbasyon mula sa soco ay ang tila de-kuryenteng kwintas na nakalagay sa leeg ng bawat bata.
sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ang puno't dulo ng nasabing kahindik-hindik at kalunos-lunos na kaganapan sa mga mag-aaral ng our lady of guadalupe high school.
samantala, nakita ng aming team si BoyShiatsu na pakalat-kalat sa lugar ng nasabing insidente, nakikisawsaw sa isang malaking grupo ng mga tao na ilang oras lang ang lumipas ay naririnig na nagsisigawan. nakausap namin sya paglabas nya ng gate ng abandonadong paaralan ay malugod naman syang pumayag sa isang panayam tungkol sa kanyang nasaksihan.
* * * * *
nabalitaan ko na may magaganap nga daw na malawakang patayan sa lugar na ito. hindi ko naman alam kung bakit na-intriga ako at pumunta ako. maaga akong dumating sa nasabing lugar, at nakita ko pang masayang nagkukulitan ang mga magkaka-klase paikot ikot sa eskwelahan, habang ang professor naman nila ay abala sa paglalagay ng clay-doh sa buhok habang nakikipagkwentuhan sa isang bata. may isang lamesa na puno ng "survival kit" at may mga lawaran naman ng mga estudyante na nakadikit sa isang wall.
"character cards po. pwede kayo pumili ng kung sino sa palagay nyo ang mananalo."
mananalo? napaisip tuloy ako. bakit may mananalo? may pakontes ba? hindi ko na tinanong kung anong meron, basta bumili na lang ako ng character cards... si Sebastian at si Timothy... parehong pogi eh! hahahaha!
dahil nababagot na, naisipan kong mag-aya ng makakasama sa panonood ng kung ano mang magaganap dito sa nasabing lugar na ito. to the rescue naman si Kuya Nathan! pinabili ko na agad sya ng id (ticket) at maya-maya nga ay pinapasok kami sa isang kwarto. maraming tao. at maya-maya pa ay lumabas na si Professor Salamon (Kuya Bodjie). nagkaroon ng isang masayang game (killer killer) at pagkatapos ay bigla na lang kaming kinidnap ng isang grupo ng mga militar. hinati kami sa tatlong grupo at isa-isang iginuide ang bawat grupo sa kung saan.
nagulat na lang kami ng nakita namin na nakahandusay na sa sahig ang mga estudyanteng kasama lang namin kaninang naglalaro ng killer killer. pinaliwanag sa amin ni Professor Salamon kung ano ang nangyayari.
lahat kami ay bihag nila, pero ang mga estudyanteng ito ang kasali sa "laro" na "masayang" panonoorin namin. ano ba ang laro?
sa loob ng walong oras, isa sa apatnapung estudyante lang ang kailangang mabuhay. bawat estudyante ay bibigyan ng isang sako na may laman na random weapon (na sobrang random, it can go from guns to spears to paper fans and marbles!) bawat estudyante din ay kinabitan ng isang collar na nagmo-monitor kung buhay pa sila o patay na. at kung sakaling lagpas sa isang estudyante ang mabubuhay matapos ang walong oras, ang mga collars na ito ay sasabog, thus killing every student alive.
pagkaannounce ng laro at ng opisyal na itong nagsimula, nagtakbuhan na ang mga estudyante. maya-maya pa ay pinatakbo na rin kami ng mga militar at itinuro sa amin kung saan kami kailangang pumunta. sa pagtakbo namin papunta sa lokasyon, nakita namin ang ilan sa mga estudyante na nakasiksik sa ilang madidilim na sulok at tila nababaliw na at umiiyak. at maya-maya pa nga ay nasaksihan na namin ang unang casualty... totoo pala ang laro, hindi pala ito biru-biruan lang.
at mula nga sa nasaksihan namin ay sunod sunod na patayan na ang aming natagpuan sa iba't ibang sulok ng paaralan. maya't maya ay sinisigawan at tinatakot kami ng mga militar para tumakbo, umupo, at magsiksikan sa mga masisikip, masusukal, at maruruming lugar... talagang sinasadya nilang ipakita sa amin ng harapan ang bawat patayan, at matalsikan kami ng dugo ng mga kawawang estudyante. nagsilbi silang entertainment sa mga kapwa nila bihag, na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila tuwang tuwa pa sa tuwing isang buhay ang nagwawakas.
ayoko nang ikwento isa-isa ang mga pangyayaring nasaksihan ko. pero kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung bakit matapos na may matirang isang estudyanteng buhay ay magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko. lungkot para sa mga namatay sa masalimuot na paraan, at tuwa dahil sa kakaibang adventure na naramdaman.
pinakawalan kaming mga bihag ng matiwasay... at nabigyan kami ng pagkakataon na makihalubilo at kausapin ang mga "patay" habang tumutugtog ang radioactive sago project.
* * * * *
panalong-panalo ang Battalia Royale experience ko! can't wait for their rerun on september.
Nakakainggit na hindi ko siya napanood. Nung malaman ko itong play na ito, ubos na yung tickets. Can't wait for september!
ReplyDelete