11 February 2012

Statement 3

nakakadalawang session na ako ng psychoanalysis sa kaibigan kong psychologist na si Kuya Danny. nope, wala naman akong problema sa utak, at wala naman akong depression or any disturbing behavioral issues. gusto lang ako gawan ni Kuya Danny ng profile and a possible way of "living a better life" by getting to know myself. madalas nya kasi nababasa ang blog ko, kasama na rin ang mga paminsan-minsang rants and raves ko sa fb. kaya ayun, nag-offer sya na "pag-aralan" ako. ayoko sana, eh since libre naman daw, pumayag na ako. sinong hindi papayag sa libre, diba? ang mahal mahal pa naman ng psychoanalysis. (if you're interested to avail Kuya Danny's consultation, message me.)

excited ako nung unang araw ng session. first time kong magpapa-session sa psychologist, and i don't know what to expect. may mga napapanood at nababasa ako na madalas, kung hindi ka pagdodrowingin at pasasagutin ng kung anu-ano ay hahayaan ka lang ng psychologist na magsalita ng magsalita hanggang sa umiyak ka at mag-telenovela. basta ang sabi lang sa akin ni Kuya Danny, dapat daw eh busog ako dahil the first session may last up to 6 hours. potah! mukhang paduguan nga ito! pero, go lang!

dumating ako sa office ni Kuya Danny sa napag-usapang oras. kaunting kumustahan, pagkatapos ay ipinaliwanag na nya sa akin ang mga gagawin. first stop, iq test. ilang sets ng questions ang pinasagutan sa akin para daw ma-check kung anong iq ko dahil malaking factor daw yun sa analysis na gagawin ko sa sarili ko. hindi ko pa nakukuha yung exact results, pero "impressive" daw ang iq ko. effective pala ang pagpapak ko ng enfagrow!

sinundan ito ng logic reasoning. may mga cubes na may colors and patterns, and i have to copy bigger patterns using the smaller cubes. ang saya! mahilig ako sa mga ganung klaseng bagay, yung tipong kinukulot ang utak mo. sinundan pa ito ng deductive reasoning tests, yung mga kung anu-anong combination ng tuldok, guhit, ekis, check, at iba't ibang pattern, then huhulaan mo yung kasunod? oo, parang exam lang sa high school.

pagkatapos nun, pinagdrowing ako ng kung anu-ano. yung ilan, kailangan ko kopyahin. yung ilan naman, free form. pinasulat din ako ng ilang essay. then interview portion about my past and present life. at sinundan ito ng kaunting on-the-spot analysis. nagulat ako na sa pamamagitan ng mga drawings and statements ko, may na-pinpoint si Kuya Danny na tatlong importanteng bagay.

statement 1: i have unresolved childhood issues that still affect me up to the present
statement 2: sometimes, without me realizing it, lumalabas ang pagiging obsessive-compulsive ko

at ito yung sobrang sapul talaga...

statement 3: i rely on sex, paid or not, sober or drugged, because of my utmost desire to feel that i belong and that i am appreciated.

pagkasabi ni Kuya Danny nun, napaisip ako. totoo ang sinabi nya. mayroon akong hindi maipaliwanag at hindi mapigilang pagnanais na magustuhan o ma-appreciate ng isang tao. at dahil dito, ang nagiging paraan ko ay sex at ang trabaho ko bilang masahista. sa tulong ng mga taong nakakapanaig ko, nararamdaman ko na kahit papaano ay appreciated pa rin ako. may natutuwa pa rin sa akin na iba sa paraan na natutuwa sa akin ang aking pamilya at mga kaibigan. nabu-boost pa rin ang self-esteem ko. pakiramdam ko, marketable at bankable pa rin ako. at masarap sa pakiramdam yun. masakit kasi tanggapin na sa sex na lang ako nakakakuha ng self confidence.

nung bata-bata pa ako, hindi ko kailangang maghubad at mag-acrobatics sa kama kasama ang isang tao para masabi nyang "shit, ang hot mo naman!" dati, postura pa lang at hitsura, nakakamagnet na. dumating ako noon sa time na kapag naglalakad ako sa kalye ng malate o cubao ay marami-raming pares ng mata ang sumusunod ng tingin sa akin... tingin na may kasamang pagnanasa o inggit. positive man o negative, maganda pa rin sa pakiramdam.

nung isang araw, nagpunta ako sa malate. normal saturday night out with some friends. pero hindi rin ako nagtagal dun. kaunting inom lang at umalis na ako. habang naglalakad ako sa malate, marami akong nakakasalubong, pero walang ni isa sa kanila ang tumitingin sa akin. may isang napatingin, medyo lumapit ng kaunti, pero lumayo din agad. obviously, hindi nya ako trip.

kailan lang din, meron akong naging client. si David. matapos ng serbisyo, nagkwentuhan at nag-inuman pa kami, kasama na ang usapan tungkol sa kung anu-anong bagay. mula sa mga simpleng hilig sa pagkain, hanggang sa mga seryosong bagay sa buhay... maganda ang naging flow ng usapan namin. masasabi kong may spark, at kita naman sa mga mata namin na may connection talaga. matapos ang nasabing serbisyo, tuloy tuloy pa rin kami sa pagtetext at sa kumustahan. paminsan-minsan, tumatawag ako sa kanya at kwentuhan lang kami ng mga walang kwentang bagay. lumalalim ang attachment, mukhang nagpoprogress. magandang senyales ito sa sinasabi ko sa sarili kong pagtalikod sa pagiging masahista.

isang araw, nagkasundo kami na magkita pagkatapos ng isang appointment nya para sabay kaming umuwi (same direction kasi ang house nya sa house ko). excited ako. maraming tumakbong idea sa utak ko. dinner, donuts, then siguro a few drinks before going home. sex? kung papalarin! kung wala naman, ayus lang din. i just wanna spend more time with him.

lumalapit ang oras ng pagkikita namin when he texted me that he will be a little late dahil nag-aya daw ng dinner ang mga kasama nya. okay lang sa akin yun. in fact, okay na okay. kasi makakatipid ako, di ko na kailangan gumastos for dinner.

hintay lang ako ng hintay, hanggang sa mga 3 oras na ako naghihintay. masyado na yatang matagal yun for dinner. so tinext ko ulit sya para itanong kung ano nang update. and he replied and told me to just go home dahil matatagalan pa daw sya.

apparently... he's not out on dinner with a group of friends. he's on a date with someone. someone i know.

at di ko maiwasang maiyak at malungkot. nakabili na pa naman ako ng donuts.

alam kong kakambal na yata ng trabaho ko ang kamalasan ko sa pag-ibig. kasama rin nito, as ironic as it may sound, ang pagbaba ng value ko sa baklaan market. pero ngayon na handa ko nang unti-unting talikuran ang trabaho ko, hanggang kailan ko papasanin ang sumpa ng pagiging pokpok? bawal na ba talaga kami magmahal? bawal na ba kami ma-appreciate? bawal na ba kami makaramdam ng mabuti sa sarili namin knowing that someone we like likes us too?

i need another psychoanalysis session... mukhang nagsisimula na nga yung depression.

9 comments:

  1. Ken even the most "unlovely" can be loved. Just keep on believin...

    Hugs

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaasar ka... napa-iyak mo ako...
      imposibleng walang mainlove sau...
      kc, super lovable ka eh...

      rainhert.

      Delete
  2. Kahlil Gibran - "It is wrong to think that love comes from long companionship and persevering courtship. Love is the offspring of spiritual affinity and unless that affinity is created in a moment, it will not be created for years or even generations."

    ReplyDelete
  3. Parang ang sarap sarap mo nga mahalin eh....

    ReplyDelete
  4. I don't know, you seem to be a loveable person...

    ReplyDelete
  5. yeah, i think and i believe you really are a good man ken. maaring di mo pa lang nakikita ngayon yong better half mo, yong taong sinasabi nila na magpupuno sa kung ano mang kakulangan meron syo, but i know someday you will.. just keep on believing and inspiring us your readers..
    know what? naiisip mo ba na maaring ang iba sa amin ay winiwish na sana kami na lang mahalin mo para di ka na masaktan?
    Godspeed.
    -emz

    ReplyDelete
  6. you seems to be an interesting person.. text me 09173680676

    ReplyDelete
  7. Namoved ako nung nabasa ko to and I hope mabasa mo ung message ko. I was in the same arena like you kaya napaisip din ako regarding sa result ng psycho test mo. I grew up na wlang guidance sa father ko kasi hiwalay sila ng mom ko. K,aya I always seek attention to those older man sakin. Feeling ko kasi pag kasama ko sila I am always appreciated and understood. The best way to get out of frustrations is to belong to a group of friends whom you know you can depend on. That's what I did. Someone you can call in times of depression. Yung pwede kang samhng uminom para mabawasan lungkot mo. Just smile bro and continue life. Marami pang makabuluhang bagay ang mangyayari sa buhay mo. Goodluck and Godbleas..

    Jay of Makati

    ReplyDelete
  8. "I don't know, you seem to be a loveable person..."
    THIS COMMENT. Ninakaw na ang salita ko. :D

    I believe you're a good person.
    I believe you're a beautiful person.
    I believe you deserve love.

    More power!

    ReplyDelete