"ah, kuya... *habang nakayuko na parang batang nahihiya* diba taga-love yourself ka?"
"yes." (hindi ko alam kung bakit umandar ang pagiging masungit ko nung moment na yun.)
"okey po. punta po kayo dun sa kabilang kwarto. ililista po kasi yung mga pangalan para sa merienda."
"okay." sabay ngiti at punta sa nasabing kwarto.
tuloy tuloy lang ang mga activities nung araw na yun. at pag nagkakasalubong kami, ngumingiti sya, kaya ngumingiti din ako. hanggang sa finally ay natapos ang activities. habang nakatambay sa waiting area at naghihintay ng further instructions mula sa mga nakatataas (kung kakain ba kami, o kanya kanyang uwi na) ay medyo nagkakakulitan na kami. pero bahagya lang. mas nagkakulitan kami nung nasa sasakyan na kami papunta sa lugar kung saan kami kakain. and upon kwentuhan, i discovered something... that he reads my blog pala and he has no idea that it was me!
"wow! ikaw pala si BoyShiatsu."
"yup. ako nga."
at dun na nagtuloy-tuloy ang kwentuhan at kulitan. kung makulit ako, mas makulit sya. nandyan yung sabay kaming kumakanta ng mga opm songs with matching ipit ng boses, then sasabayan ng mga kalokohang pickup lines at kung anu-ano pa... habang nasa sasakyan! panay na lang ang tawa ng mga kasama namin.
dumating kami sa japanese restaurant kung saan kami magdidinner. medyo nag-aalangan siya dahil hindi pala sya sanay kumain ng japanese food, at hindi sya kumakain ng gulay. i comforted him na lang at sinabihan kong tabi na lang kami para ako ang tagaubos ng kung ano mang hindi nya kayang kainin. during dinner, nakakatawa kasi para akong teacher na iniisa-isa ang bawat japanese food na isineserve sa table namin. tinuruan ko pa sya kung paano kumain ng gyoza! pero nairaos naman namin ang dinner. we had an exchange of numbers, at pagkatapos ay kanya-kanya nang uwi.
two days after, nagkatext. mula sa simpleng hi-hello, naging kulitan, at nauwi sa ayaan na inuman. dahil nasa mood naman ako, pumayag na ako. nagkita kami sa ortigas at pumunta sa isang bar. nagsama sya ng kaibigan nya (llater, he told me na baka daw kasi ma-bore sya pag kaming dalawa lang) at magdamag kaming nag-inuman at nagkulitan. may kaunting landian, pero slight lang naman.
nagkasundong pumunta ng obar. syempre, inum-inom pa rin. habang tumatagal, nagkakaroon na ng kaunting flirting at sweetness between me and him. hinayaan ko lang. go with the flow kumbaga. enjoy naman eh. hawak dito, yakap doon. maya-maya pa, may halikan na. hanggang sa patindi na ng patindi ang halikan. when he whispered something.
"i like you."
hindi ko maiwasang kiligin, pero nag-inarte pa ako. siguro kasi takot din ako.
"ewan! adik! talk to me about that pag wala na tayo sa impluwensya ng alak." pero niyakap ko pa rin sya.
natapos ang gabi at nagsi-uwi na kami. at makalipas nga ang isang araw, nagkatext kami at nagkumustahan. at mula sa usapan, at nagkaroon ng kasunduan... we will test the waters of relationship for one week!
hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin yun. honestly, i also like him. pero hindi ko naman inexpect na gusto nya pala talaga ako. but since we're both unsure if we will click, we just decided to put a time limit muna. one week. kumbaga, dry run muna.
the next few days were fun. nagkikita kami madalas. lumalabas. umiinom. the next thing we know, we're past our first week na! nagkita ulit kami at nag-usap... and agreed to have one week contract extension.
if the first week is amazing, more is the second week. mas madalas na ang kumustahan. mas madalas na nagkikita. at mas madalas ang inuman.
isang beses, nasabi ko sa kanya na may inuman ako kasama ang mga officemates ko. tinanong nya kung okay lang daw ba na sumama sya. pumayag ako. at makalipas nga ang isang oras ay dumating sya. syempre, dahil bisita ko sya, i made sure na hindi sya ma-o-op kaya kinakausap ko lang sya ng kinakausap. hanggang sa maya-maya na lang ay nagulat na ako dahil sya na ang gumagawa ng effort para makipagkwentuhan sa mga ka-opisina ko. masayang kwentuhan, hindi pilit! sa daming beses naming lumabas at uminom, noon ko lang sya nakita na ganung kakulit. at ganung ka-sweet! panay ang yakap at halik nya sa akin habang nag-iinuman. syempre, ako naman ay hindi maitago ang kilig. natapos ang inuman ng masaya. at makalipas ang dalawang araw... inuman ulit with my officemates and him. and he's still the same makulit, masaya, at madaldal guy that he was during the first session with my colleagues. the way he tries to reach out to people in my office... hindi ko maiwasang mamangha sa mokong na ito. and my colleagues all have the same reaction... they all like him for me. and dahil dun, i agreed to extend the contract to one more week.
pareho kaming hindi naniniwala sa ligawan, at mabuti naman na ang setup namin ngayon ay nagwowork para sa aming dalawa. hindi ko masasabing mahal ko na siya, it's too early to say that. kahit sya naman, hindi pa rin nya sinasabi na mahal nya ako. basta ang alam namin, masaya kami sa isa't isa at sa setup namin. will this work long time? i don't know. basta ngayon, ineenjoy ko lang kung ano mang meron sa aming dalawa.
nakakatuwa lang na after three years, eto't para na naman akong high school student na kinikilig tuwing maririnig ko yung pangalan nya, napapatalon sa tuwa kapag nagkakatext kami, at talaga namang abut-abot ang saya pag magkasama kami. i just hope that he feels the same as well. at kung ganun man, tuloy tuloy lang ang contract extension namin.
wow! i mean...WOW! im happy for you kenneth. kahit ako kinikilig sa inyo. hehehe. i wish you the best..life offers no guarantees, only expectations. but i sincerely hope na magtuloy tuloy na yan.
ReplyDeletekelan kaya xa mareregularize? sana before 6 months..hehe..cute!!!=)
ReplyDeleteika nga ni Adele: "I wish nothing but the best for you~♫"
ReplyDeleteSige lang, Kenn. Love. Andito lang kami to support and cheer for you ☺
Hahahaha, may contract pala... ano ba yan, parang OFW?
ReplyDeletecongratulations! happy for you, boyshiatsu.
ReplyDeletesana pang-matagalan na yan. parang motolite battery lang. =p
just tell me kung may pre-termination clause para makapasok ako,hehehe
ReplyDeletei am just wondering why you are not replying my email.....
ReplyDeleteember
naalala ko tuloy yung katang "Now" ng MYMP...
ReplyDeleteThere's a reason
Why we love each other now
And we don't know if this is forever.
There's a reason
Why we are together now
And we don't care if it's not forever now.
This song was once my theme song.. haha...
-JUAN
Gusto ko 'yung ideya ng ganito. Meron akong sobrang gusto last time, inalok ko ng ganito. Yun nga 3 days lang. Gusto ko lang mafeel niya kung paano ako maging bf. Hindi pumayag. Ang lungkot. Haha. Well goodluck jan Boy Shiatsu! Update mo kami. :D
ReplyDeleteNice Kenneth, here's wishing you and your partner the best of what tomorrow brings.
ReplyDeleteRed
aba at nagdadalaga ang lola ko hahahahaha . . . happy for you ken . . .
ReplyDeletejio
i think blogger din si mokong :)
ReplyDeletehi..can I get your number? im interested with ure service.
ReplyDeletesorry, i dont hav a twitter account. thanks.