"para saan yun?"
"wala lang. bakit? ayaw mo ba?"
"haha! ok lang."
at isa pang halik ang sumunod mula sa labi ni Mario papunta sa akin. this time, mas madiin... pero mas matamis.
"hahahaha! para tayong tanga."
hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. nagustuhan ko yung halik, gustong-gusto ko. pero nabigla ako. siguro kasi hindi ko naman inexpect na hahalikan nga ako ni Mario.
at pagkatapos ng halik, nagtinginan lang kaming dalawa. at sabay kaming natawa.
"tara na?" pag-aaya ko sa kanya pabalik ng beach.
"sige."
at naglakad kami pabalik ng beach. this time, magkahawak-kamay. kung bakit, hindi ko alam. basta kusa na lang naghawak ang mga kamay namin, at walang gustong bumitiw. bumalik kami sa lamesa namin kung saan nakaupo si Kyle, nag-iisa.
"naks! may hawak kamay!" pagpuna ni Kyle sa amin ni Mario. natawa lang kaming dalawa.
"asan si Chino at si Luigi?" tanong ko kay Kyle. hindi sya sumagot, tumuro lang sya sa dagat. at nakita namin mula sa lamesa namin si Luigi na parang sira-ulong talon ng talon sa dagat at si Chino na habol ng habol sa batang nakawala sa hawla.
"grabe. lasing na lasing na si Luigi." sabi ko.
"tara. langoy din tayo." pag-aaya ni Mario. hindi ko alam kung nagpapaalam ba sya o nag-uutos, kasi hindi pa ako nakasagot ay nanakbo nang bigla si Mario papunta sa dalampasigan. hinubad ang suot na sando, at basta na lang tumalon sa dagat. dalawa na ang alagain ni Chino.
"o, iskor ba?" tanong ni Kyle sa akin the moment na umalis si Mario.
"iskor ba yung halik?"
"halik lang?"
"ay... hindi... haliks. with s. dalawa eh."
"yun lang?"
"hello!? nag-cr yung tao! tsaka para namang ang tagal naming nawala diba?"
"haha! mamaya, sigurado na yan."
"ewan. sana."
"i think click naman kayo eh."
"talaga?"
"hinde... joke lang... haha! no, seriously, i think okay kayong dalawa."
"sana nga."
"eh diba may boyfriend ka kamo?"
"hindi ko nga alam kung ano na bang status namin eh..."
hindi na sumagot si Kyle. pinagsalin nya na lang ako ng mindoro sling at nag-aya ng cheers. tuloy tuloy lang ang tahimik naming tagayan nang tawagin kami ni Chino, humihingi ng tulong sa dalawang makulit. iniwan na muna namin ni Kyle ang lamesa para puntahan ang tatlong babadero.
"langya! lasing na tong mga to!" banat sa akin ni Chino pag-ahon na pag-ahon sa tubig. kasunod nya agad si Luigi, habang si Mario naman ay naiwan sa dagat.
"sige na. ako nang bahala dun sa isa." sagot ko kay Chino habang nakasukbit na agad sa kanya si Luigi. si Kyle, bigla na lang nawala.
naglakad palayo si Chino at si Luigi (pauwi ng bahay) habang ako naman ay nakatayo lang sa dalampasigan, pinapanood si Mario na magtampisaw sa tubig. nakita nya ako at inayang samahan sya, pero tumanggi ako. hawak ko kasi yung mga gamit nya (sando, lighter, nebulizer). maya-maya pa ay umahon na sya sa dagat, tumakbo papunta sa akin, sabay yumakap... so nabasa din ako!
"haha! lasing na lasing ka na." sabi ko sa kanya.
"ang sarap maligo. tara!"
"ayoko. giniginaw ako. tsaka binasa mo na rin ako eh."
napatingin sya sa paligid...
"nasaan sila?"
"si Chino at si Luigi, umuwi. si Kyle, hindi ko alam."
"tara, sayaw tayo dun!" sabay turo sa isang bar kung saan maraming nagsasayaw. "gusto kong mag-enjoy. tara. mag-enjoy tayo!"
at naglakad nga kami papunta sa bar. papunta pa lang kami, pasayaw-sayaw na ang mokong. pero nakahawak sya sa akin. sa kamay ko. at hanggang sa nakisiksik nga kami sa isang batalyon ng mga lalaking nagsasayawan sa isang masikip na dance floor.
nakakatuwa si Mario. dahil nga lasing, parang bata syang nakangiti habang sumasayaw sayaw. titingin at ngingiti sya sa kung sino man ang makakasalubong nya, sasayaw ng kaunti, at titingin sa akin, lalapit, at yayakap. paulit-ulit. minsan pa, kapag alam nyang medyo nagiging flirty na sa kanya yung kasayaw nya, tsaka sya lalapit sa akin, hihilahin ako, at yayakapin ako... sa harap ng lumalandi sa kanya. nakakakilig.
maya-maya pa, may lumapit sa kanyang baklang maton. nagsayaw sila. nagtitigan. maya-maya pa, hinalikan sya ng bakla. hindi naman sya pumalag. pasayaw-sayaw lang ako sa tabi nya nun, nagulat lang sa nangyari, pero go lang. hanggang sa umabot ng sampung segundo ang halikan... bente... trenta... at tila mag-iisang minuto na. halata ko kay Mario na umaatras na sya, ayaw na nya ng halikan. pero ayaw magpaawat ang baklang maton. hinila ko si Mario palapit sa akin, at bigla naman syang napayakap.
"ay! shit! i'm so sorry man. is he your boyfriend?" tanong sa akin ng baklang maton.
"he's with me."
"oh... naku... i'm really really sorry."
"it's okay. you're just drunk."
"sorry talaga." huling banggit pa ni baklang maton... pero bigla nya pa ring hinila si Mario at hinalikan. umiwas ng halik si Mario at yumakap sa akin. hinila ko na lang sya palipat ng ibang pwesto.
tinanong ni Mario kung galit daw ako. sabi ko, hindi. kaya tuloy lang ulit kami sa pagsayaw. same routine. may lalapit sa kanya, makikipagsayaw, tapos lalapit sya sa akin. hindi ko napansin na lumapit na naman ang baklang maton, and this time... may kasama pa. nagulat na lang ako na napapagitnaan na ni baklang maton at ng kasama nya si Mario. nakahawak yung kasama sa baywang ni Mario, para bang pinipigilan syang gumalaw, habang si baklang maton naman ay pumupwesto na ng halik. sa takot at, oo na, sa selos, lumapit ako at hinila palayo si Mario. palabas ng dance floor. papunta sa likod ng bar.
"bakit mo ako hinihila?" tanong ni Mario, medyo galit.
"man... those guys can kill you anytime."
"ano namang kill kill?"
"susmio! hindi ka ba natatakot? kinorner ka na, wala ka pang idea."
"ay... ehehehe..."
"tawa ka pa."
"ano ka ba! i want to enjoy. stop being a pooper."
"fine. pooper na kung pooper. pero man, i'm scared. you can be in danger without you knowing it."
"ano ka ba. malaki na ako. i am already an adult. i can take care of myself."
"from the looks of it... i don't think so. you don't know where your money and your cellphone is (ipinauwi ko kay Chino nung nasa dagat sila), and you're not even wearing slippers!"
"malaki na ako. i can take care of myself."
"parang hindi. tsaka, i won't risk it. we are in the same house here, so responsibility kita."
"i didn't require you to count me as a responsibility."
"it's not a requirement. i am responsible for you. i will take care of you."
"DON'T SAY THAT!!!" sumigaw na si Mario.
"don't say what?"
"wag kang ganyan BS! don't tell me you'll take care of me. hindi naman totoo yan eh. lahat naman ng nagsasabing aalagaan ako, iniiwan ako."
medyo naiiyak na si Mario. hindi ko naman kung anong katangahan ang naging sagot ko sa kanya.
"bakit, sinabi ko bang iiwan kita?"
"SHIT!!!"
lalong umiyak si Mario. naglakad palayo pa sa likod ng bar. sumunod naman ako sa kanya.
"i'm sorry... i'm sorry..." niyakap ko na lang sya.
"don't say that you'll take care of me BS. ayokong may mag-alaga sa akin. especially you. ayokong ma-fall ka sa akin. kasi sasaktan lang kita. kasi selfish ako."
hindi na lang ako sumagot. hinayaan ko lang syang umiyak.
"i want to have fun. i want to flirt. pero i don't want you to leave. gusto ko dyan ka lang." sabi nya matapos umiyak ng ilang segundo.
"dito lang ako."
"but you're not having fun. i am hurting you. see? yan ang sinasabi ko sayo eh. i don't want to be attached to you kasi sasaktan lang kita. kasi flirt ako."
"i won't have an issue with that naman. kaya ko naman i-handle yan."
"i don't think so. ikaw na mismo ang nagsabi... shaky kayo ng boyfriend mo."
touche! barado ako sa sinabing iyon ni Mario. hindi ko alam na napatulala na lang pala ako sa sinabi nya. nabalik na lang ako sa ulirat ng bigla nya akong yakapin.
"i'm sorry."
"nope. it's okay. sorry din."
at magkayakap lang kami dun sa likod ng bar. pakiramdam ko, tumigil ang oras.
"gusto mo nang sumayaw ulit?" tanong ko sa kanya.
"pero nagagalit ka eh."
"sorry na. hindi na. sige, let's have fun there."
"hindi. balik na lang tayo sa bahay. let's rest na lang."
"no. promise. i won't be mad na. just make sure na abot-tanaw pa rin kita ha."
"sige. tara."
at bumalik kami sa dance floor. mas malayo ako sa kanya this time. and napansin ko naman na nandun naman yung effort nya to check on me everytime. nakaupo lang ako sa bandang bar habang sya naman ay sayaw ng sayaw. may nakapansin sa aking guy.
"are you okay?" he asked.
"yup."
"boyfriend?" tanong nya, ng makita nyang nakatingin ako kay Mario na sumulyap sa akin.
"oh... ah... ehehehe..."
"i guess he is. pretty obvious. hawak mo damit nya eh" sabay turo sa sando ni Mario na nasa kamay ko.
"nope. friend ko. lasing na lasing."
natawa yung guy, at dun nagsimula ang casual conversation. tuloy tuloy lang ang kapirasong kwentuhan ng mapansin ko si Mario na may kasayaw na kalbo... at hinila sya ng kalbo palabas ng dance area at papunta sa buhangin. agad akong humabol.
"Mario!"
napatingin lang sa akin si Mario. lumapit ako.
"where are you going?"
"dito lang."
"are you sure?"
"yes."
"okay. i'll just stay there. i'm watching you."
hindi ko alam kung tama o mali yung ginawa ko. basta ang alam ko, ayokong mawala sya sa paningin ko.
umupo ako sa isang bakanteng bangko a few meters away kung saan sila nakatayo ng mamang kalbo. medyo madilim sa pwesto nila, so wala akong idea kung anong nangyayari. basta nagulat na lang ako na matapos ang halos kinse minutos, eto't naglakad ang dalawa. magkahawak-kamay. papunta sa jurassic.
hindi ko napigilan ang sarili ko at agad akong tumakbo at sumigaw.
"MARIO!"
napatingin lang sa akin si Mario. tulala.
"where the hell are you going?!" galit na tanong ko sa kanya. hindi ko napigilang mapasigaw.
"pare, may problema ba?" tanong sa akin ng kalbo.
"this is between me and him pare. stay away."
"hinde, pare parang may..."
"i said just stay away! please!"
at umatras ng ilang hakbang ang kalbo. napatingin lang ako kay Mario, na that time ay medyo maluha-luha na.
"where are you going?"
"mag-uusap lang kami."
"mag-uusap? sa jurassic? don't give me that bullshit Mario."
"just stay there. wag kang aalis."
"YOU ARE GOING TO HAVE SEX WITH SOMEONE AND YOU WANT ME TO JUST FOLLOW AND STAY?!?! tangina naman Mario!"
"mag-uusap nga lang kami."
"yeah right... here's your stuff."
at isa-isa kong iniabot sa kanya ang mga gamit nya.
"now, if something terrible happened to you... bahala ka."
"wag ka naman umalis BS."
"i won't go if you won't go with him."
"..."
"see... di ka makasagot. i'll ask you. do you even know where we're staying? makakauwi ka ba?"
"BS..."
"makakauwi ka ba?"
"uy..."
"PUTANGINA! CAN YOU FUCKING GO HOME?!?!?!"
napahawak lang si Mario sa kamay ko ng mahigpit.
"see... i guess you can't. pero... bahala ka. tangina."
at bumitiw ako sa pagkakakapit nya at nanakbo palayo. narinig ko pa syang sumisigaw at tinatawag ako, pero hindi ko na pinansin. hindi ko alam kung bakit ang bigat sa loob ng moment na yun. siguro kasi umasa ako na dahil inalagaan ko naman sya the whole night, he would be appreciative enough to recognize my efforts. pero tila wala. ang taong akala ko eh makakasama ko the whole night... hayun at papunta sa jurrasic kasama ang isang taong ilang minuto nya pa lang kilala.
takbo lang ako ng takbo sa buhangin hanggang sa nadapa ako... at di ko napigilan ang sarili kong maiyak. sa pagkakataong yun, nag-sink-in lahat sa akin. ang tatlong taong pagiging single. ang failing relationship with my current boyfriend. ang nabalewalang pag-aalaga ng taong honestly ay kinonsider ko nang maging replacement kung sakali (i know, it's bad). nag-sink-in sa akin lahat ng mga taong sinubukan kong ligawan at bumasted sa akin. nag-sink-in sa akin ang mga nakaraan kong relationships at kung paanong ang lahat sila ay nakipagkalas sa akin. nag-sink-in sa akin kung paanong nakukuha ko lang maging masaya kapag binabayaran ako for sex, pero hindi ko man lang magawang makuha ang atensyon ng mga taong gusto ko. nag-sink-in sa akin kung gaano kahirap para sa akin ang makahanap ng mag-aalaga at aalagaan.
at nagtuloy-tuloy ang pag-iyak. inilabas ko lahat ng sama ng loob ko...
ilang minuto pa ng nahimasmasan ako. tsaka ko lang napansin na sa hindi kalayuan pala ay may lasing na hunk na tulog na tulog at naka-skimpy undies lang. kilala ko siya. nakikita ko sya madalas sa mga gimik spots sa manila. at crush ko sya. pero hindi ko sya pinansin.
"tama na. uwi ka na." sabi ko na lang sa sarili ko. at naglakad ako pauwi. malungkot pero refreshed. sa sala na sana ako matutulog ng sinabihan ako ni Kyle (na nakaupo na dun when i got home) na sa kwarto na daw ako matulog dahil may booking daw sya. pagpasok ko sa kwarto, nasa iisang kama si Chino at si Luigi. magkayakap. heto silang dalawa at may puntos na naman, at heto ako't mag-isa na namang matutulog. humiga ako at nakatulog.
nagising ako ng hindi ko alam kung anong oras ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. sinilip ko kung sino. si Mario.
"hey" bulong nya sa akin sabay mahigpit na yakap.
"hey"
"i'm sorry. i'm sorry."
"no, it's okay. you rest na. nakatulog na rin naman ako."
"i'm really sorry." at lalong humigpit ang yakap sa akin ni Mario.
"it's okay. tulog na."
"sorry talaga."
"okay na yun... tapos na yun. magpahinga ka na."
at hindi ako pinakawalan ni Mario... at nakatulog kaming magkayakap.
...
...
...
huling umaga sa galera. panahon na para i-impake ang mga gamit namin. nakakatawa pa ang kwentuhan namin tungkol sa kung anong nangyari last night. masaya. parang walang drama. napabiro pa si Kyle tungkol sa amin ni Mario, pero tinawanan lang namin. matapos kumain, nagpunta na kami ng beach para maghintay ng bangka. hiwalay ang bangka naming tatlo at ni Mario at Luigi, kaya nagkasundo na maghihintayan na lang kami sa bus terminal. dumating sa terminal at sumakay ng bus pauwi. magkatabi kami ni Mario.
"haaayyy... namimiss ko agad ang galera." sabi ko.
"kaya nga eh..."
hinawakan ni Mario ang kamay ko. pero nakatingin sya sa malayo.
"back to manila na... back to reality." sabay bitiw ng kamay ko. hindi ko alam, pero napaka-symbolic g ginawang iyon ni Mario.
hindi na rin naman kasi ako umaasang masusundan pa kung ano mang meron sa amin ni Mario... kasi wala namang kung ano man sa amin. kung ano man ang meron sa amin, iiwan na lang namin sa galera yun, kasama ang masasayang memories mula sa unang araw.
ito ang ayoko sa galera. pinapasaya nya ako kapag sinasalubong nya ako, pero pinapalungkot nya ako ng todo sa tuwing darating yung oras na iiwan ko na sya. ang nakakainis pa, para bang kahit anong gawin kong bitbit ng masasayang oras pabalik ng manynila, hindi ko magawa. whatever happens in galera stays in galera. at iyon siguro ang dahilan kung bakit pabalik-balik ako sa nasabing isla... dahil sa napakaraming kaganapan na hindi ko pa kayang talikuran. maraming kakulitan. maraming kadramahan. karaming katangahan. maraming kabuluhan. maraming ako. at sa pag-andar nga ng bus pabalik ng maynila, iniisip ko agad kung kailan ako makakabalik upang malasap ulit ang tamis ng hangin, ang alat ng tubig, at ang pait ng mindoro sling... mga lasang kapag pinagsama-sama, tatak sa isip, tatak sa puso, tatak galera.
and for the final tally...
Chino -- 7.
the breakfast guy, na naging dinner guy din, plus Luigi
Kyle -- 8.
although isa lang ang nabooking nya nung gabing yun, i can give him five points. kasi according sa kanya, unang gabi pa lang namin sa galera, target na nya yung guy na yun. and, even up until now dito sa manila, they still see each other
BoyShiatsu -- 10.
wala man akong naging sexual encounter sa galera, may isa naman akong goal na na-achieve... at palagi ko namang na-a-achieve kapag nasa galera ako... MAG-EMO!
Hahaha! Ang drama mo pala BS. Ngayon ko lang napagtanto. Cheer up man! Happiness will never come to those who fail to appreciate what they already have. It's time to be happy. :-)
ReplyDeleteAw, you were in a paradise yet....................
ReplyDeleteWinnur ang part na "nadapa sa buhangin sabay iyak"... Clap! Clap! Clap!
ReplyDeleteHi BS, try mo rin mag-Waikiki hehe - Ray from Hawaii
ReplyDeletelika nga dito nang mayakap kita nang buong buo.:)
ReplyDelete