10 April 2012

AWOL

ang AWOL or absence without leave ay isang instance kung saan ang empleyado ay hindi pumapasok sa kanyang shift ng hindi nagpapaalam kung bakit. malaking bagay ito sa mga call centers, kung saan bawat minuto at bawat segundo ay mahalaga. sa bigat ng offense na ito, isa o dalawang ulit nito ay katumbas na agad ng termination. or, in other words, end of contract.

in short... dahil sa AWOL, end of contract ang resulta.

oh, before i proceed... kanina ang last day ng training namin sa company. masaya ako kasi natupad ko yung goal ko to be the top trainee. yehey!

which may lead to the question... ano yung end of contract?

...

...

...

seven weeks ago ng muli akong makaramdam ng masayang pakiramdam. masayang-masaya. masaya kasi unexpected. unplanned. unscripted. nangyari na lang syang bigla. masaya ako na finally, matapos ang tatlong taon, nakaramdam ulit ako ng ganung saya.

pero, kagaya nga ng sinasabi... all good things must come to an end. ang nakalimutan lang nila idagdag sa quote na yun is that some of these good things come to an end so fast.

nagkasundo kami na mag-commit sa relationship. test muna namin for one week. and then na-extend. at na-extend ulit. maganda ang flow. pero may hindi ako binanggit sa nauna kong kwento tungkol sa amin.

hiniling nya na maging open relationship kami.

ayoko sana. dahil alam kong kahit walang issue sa akin ang makipag-sex ang partner ko sa ibang tao, issue sa akin kapag naramdaman kong nagkakaroon na ng special attachment... or kapag hindi na naipaparamdam sa akin na ako ang partner. ang dilemma naman on his side is that ngayon pa lang sya nagsisimulang mag-explore sa gay world (cruising, flirting, meeting random people for sex, etc) at hindi nya alam kung ipa-prioritize nya ba na ituloy ang pag-explore at itigil ang relasyon namin, or ituloy ang relasyon namin kapalit ng pagtigil nya sa pagdiskubre sa mundo ng mga bakla. pero may isa pang plano, itutuloy nya ang pag-explore at itutuloy namin ang relasyon namin kung papayag ako. he assured me that he will give me the only thing i am asking from him... assurance. and with that... he got me to sign his offer. tuloy ang relasyon, nabigyan ng depinisyon ang mga responsibilities. tuloy ang saya.

masasabi kong sa mga unang araw ay nagampanan namin ang mga responsibilidad namin sa relasyong sinang-ayunan namin. masaya ang bawat oras na magkasama kami, at bagamat bihira kami magkatext, kampante naman ako na kahit alam kong nakikipagmeet sya, ako pa rin ang laman ng puso nya.

pero, parang yosing unti-unting nauupos, unti-unti ring nawala ang sarap ng relasyon namin. hindi ko alam kung paranoid lang ako, pero nagsimulang manlamig ang mga bagay. wala nang excitement sa mga dinner talks namin. wala nang kulitan masyado sa text. parang nawala na ang power ng fairy dust.

isang araw, habang kumakain kami, sinabi nya na kailangan nya daw umuwi agad ng maaga dahil may importante daw syang kailangang asikasuhin. ang hindi nya alam, napansin ko ang ka-message nya sa telepono nya (na nakalapag sa lamesa) na may imimeet syang tao na pakiramdam ko naman ay hindi importante. nasundan pa ito ng isang araw na inaya ko syang uminom pero tumanggi sya dahil wala daw sya sa mood, pero nung gabi ding yun ay nalaman kong uminom sya kasama ang isang ka-meet.

alam kong hindi dapat ako magselos dahil nag-agree ako sa open relationship, pero para iisang-tabi ang mga time namin together for random meet-ups... parang hindi na yata tama yun.

sabi nga ng officemate ko... the relationship is wrong sa umpisa pa lang. ako lang daw ang tangang kilala nya na pumapayag sa open relationship sa umpisa. isa lang daw ang ibig sabihin nun... na nung i-offer nya na maging open relationship kami, what he wants is just a constant "someone" yet he can still play with fire.

which made me realize... mali nga ba talaga? ginawa ko naman lahat ng kaya kong gawin to make the relationship work. lahat ng adjustments na kaya ko, in my own time, ginawa ko. this may sound funny pero... saan nga ba ako nagkamali?

nakakapagod nang isipin. ayoko nang i-analyze kung anong nangyari. dahil alam kong sa paghalukay ko ng rason, uuwi at uuwi din ako sa pagsisi sa sarili ko, at bababa na naman ang kompyansa ko.

kagaya ng mga trabaho, kung end of contract na, kailangan na lang tanggapin. may mga bagay na hindi na siguro dapat pag-usapan dahil hindi na rin naman masosolusyonan, lalo na't suko na ang kabilang party.

i remember nung ikatlong linggo namin, matapos nya ikwento sa akin ang mga sexual encounters nya habang kami pa, he asked me one question/statement...

"ano, kaya mo pa ba? kung hindi mo na kaya, itigil na lang natin yung relasyon natin. pero kung kaya mo pa naman, sige, ituloy lang natin."

at ngayon lang nag-sink-in sa akin... siguro nung panahon pa lang na yun, sumuko na talaga sya. kaya sa akin na nya iniwan ang responsibilidad na panatilihin ang relasyon namin.at ako naman, dahil sabihin na natin na putangina, mahal ko sya... i still held on. ginawa lahat ng kaya kong gawin. tinanggap lahat ng mga sinasabi nya kahit na-o-oofend na ako. nag-agree sa lahat ng gusto nya. para lang mailigtas ang relasyon namin.

pero, napagod din ako.

nagtext sya sa akin na kailangan daw naming mag-usap. at tinanong ko sya...

"quick question lang. what will we talk about?"
"tungkol sa atin."
"what about? tungkol sa status natin? sa kung ano nang meron sa atin?"
... no reply...
"i'll be honest. nararamdaman ko nang may mali sa relationship natin. i don't know kung sinong may kasalanan, basta alam kong things are not good. now, let me ask you, are you willing to fix the problem or would you rather just end the contract?"
"hindi ko alam kung ano nangyari, at kung paano nangyari. basta ang alam ko, ayoko nang ituloy."
"okay, end of contract then."

at, bagamat ayokong gawin... naiyak ako. nasaktan ako na ganun ganun na lang kami natapos. ayoko na rin namang magmakaawa at magpilit na ayusin ang relasyon dahil umamin na sya na sumusuko na sya. kaya umiyak na lang ako.

nakakainis. kahit sa pagbebreak namin, sya pa rin ang may winning hand. umiyak ako ng umiyak, at panigurado ay tuwang-tuwa sya. after all, making people cry is his business.

para sayo... alam mong minahal kita. kahit na binabawalan mo akong sabihin na i love you, ngayon ay sasabihin ko sa lahat na minahal kita. pero, sa course ng relationship natin, alam mong ako ang maraming ginawang adjustments and it seems like you did nothing on your end. napapagod din ako, at salamat for making me realize na kaya ko rin palang mas mahalin ang sarili ko kahit paminsan-minsan. enjoy your freedom. wala ka nang nanay na nangangaral sayo kapag late or absent ka sa work. wala nang mga korning jokes at pickup lines na ikinakainis mo. wala nang stalker na nagbabasa ng things about you. for sure, masaya ka na.

as for me... don't worry... pipilitin ko pa rin maging masaya. pasasaan ba't darating din ako dun.

AWOL... absolutely without love....

12 comments:

  1. you saw it coming, but sometimes, we are blinded by such intense love that even if we were headed into a head on collision with a freight train, we pay absolutely no heed to the warning signs.

    you are a nice guy. you deserve better.

    i've heard it said time and again that in this world there sometimes are no second chances. who knows perhaps that's just as well ... otherwise, you would have lost your self esteem and it would be even more difficult to move on.

    again, you are a nice guy. you definitely deserve better.

    -Red-

    ReplyDelete
  2. i feel for you. hope you find moving forward as fast as its cause started and ended. -ricky (west ave.gig with brother from UPD, sana maalala mo pa)

    ReplyDelete
  3. Aw. Na-sad naman ako. Medyo magulo din talaga ang open relationship eh. Sana sa susunod, 'yung totoong relasyon na ang mahanap mo. Fan mo pa rin ako. Haha. :D

    ReplyDelete
  4. hhmm, nice post. i can relate. i've been in similar situation, but i'm the other guy.

    we called our status as "dating" instead of "open relationship". we are more than friends, less than committed lovers. the rules are simple:
    1. walang makakabuntis (i flirt with girls too)
    2. walang magkakasakit
    3. walang makikipagrelasyon sa iba

    he added
    4. walang common friends (or hands off ako sa mga kabarkada nya)

    it worked for 13 months. and i believe, fulfilling naman un.

    ReplyDelete
  5. felt that once din. yung ikaw ang sobrang nagmahal at nagpakatanga. iisipin mo na sana umpisa plang na di ka na sana nag-commit. na laro-laro nlng kayo para ayus lang kung makipagkita siya sa iba. pero minahal mo e. at di nya nagawang suklian. sabi nga nila, not everything is meant to be, some are just meant to be experienced. you'll be alright. :)

    ReplyDelete
  6. gusto ko yun:
    1) ...sabihin na natin na putangina, mahal ko sya...; tsaka
    2) AWOL = absolutely w/out love... (pero 'wag naman sana forever awol)

    hay nasaan ka nga ba happiness?...

    be strong BS

    ReplyDelete
  7. From the very start, it was wrong naman na. There's no commitment. In every relationship, it has to be there. I have learned in my past failed relationships, if you can't commit, then might as well wag na lang ituloy. Don't worry makakahanap ka pa naman ng bago. Good luck sa iyo!

    ReplyDelete
  8. A PinoyG4M admin once said:

    What you think is a "true" relationship is, again, culturally determined. Some cultures, even until now, do not have the same concept of romance that we do; common ang arranged marriages, and some allow polygamy. It apparently works for them, so who are we to say that a monogamous relationship that was made because of mutual affection is the only valid partnership?


    Loyalty, honesty and faithfulness are things that you decide to do, regardless of your sexual orientation. Your actions are shaped by your personal values as well as the environment you are in. It's unfair to generalize that homo or bisexual men are less loyal, honest and faithful because that assumes that (1) everyone follows the same standards of loyalty, honesty and faithfulness, and (2) everyone is completely in control of their actions.

    ReplyDelete
  9. I just want to share, I read it in a blog:

    "If you aren't happy being single, you will never be happy in a relationship. Get your own life and love it first, then share it."

    Makes sense. :-)

    ReplyDelete
  10. wow very touching namn yan.

    Just remember that LOve is not preciseli a feeling,
    feelings easily pass & change or fades away....
    But Love is an act of wanting to continue despite and inspite
    of everything....

    Take Care dude and God Speed....

    ReplyDelete